Seventh Sense (Erityian Tribe...

By purpleyhan

29.7M 987K 273K

Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices. More

front matter
Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
n o t e

Chapter 55

332K 11.8K 2.3K
By purpleyhan


"Who are you?" tanong ko pero nginitian niya lang ako at naglakad palayo. Sinundan ko siya hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. I asked the same question.

"My name's Kiyoko, and I am you."


Nagulat ako sa narinig ko at mukhang nahalata niya 'yun dahil tinawanan niya ako.

Kiyoko...

Hindi ko alam kung ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yun dahil parang pamilyar sa akin pero hindi ko maalala kung kailan at saan. Isa pa, may kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya. Am I missing something here?


"W-what do you mean by that?"

"Hm? About what?"

"You said you are me." Ngumiti ulit siya pero this time ay nakita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya.

"It's the truth. I'm Kiyoko and at the same time, you."


Lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya pero sa loob-loob ko, alam kong hindi siya nagsisinungaling. Ano bang ibig niyang sabihin sa mga salitang 'yun? Na iisang tao kami? Na siya ay ako? Pero imposible. She has a name and her physical appearance is very different from mine. Isa pa, mukhang hindi naman kami magkaparehas ng edad. Mukhang nasa pagitan lang siya ng edad nina Sarah at Rin.


"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya at nung naging seryoso ang expression niya ay may kung anong nagflash sa utak ko.

"N-nagkita na ba tayo dati?"

"Hmm...yes. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Remember the last time you went to that laboratory?"


Biglang bumalik ang lahat sa akin. Maybe I didn't want to remember it that's why I unconsciously keep those memories at the corner of my mind, pero ngayong nasa harapan ko ang batang ito ay unti-unti kong naalala ang kabataan ko.

I think I was just nine or ten that time. I received my first mission alone and without my Elites. I completed it but sustained a fatal injury. Kid managed to track me in the Black Dimension and he immediately reported it. Dahil bata pa ako nun at may malala akong injury ay hindi ko na maalala ang ilan sa nangyari. Ang natatandaan ko na lang ay ang mukha ni Saeko na siyang kumuha sa akin at dinala ako sa kung saan. Halos mawalan na ako ng malay dahil sa dami ng dugong nawala sa akin pero nagawa ko pang tignan ang paligid. Nasa isang laboratory ako pero hindi ito ang lab kung saan dinadala ang wounded Shinigamis.

Hah. Maybe this is the place where injured Shinigamis with hopeless cases wait for their deaths.


'I wish I could see Rin for the last time,' sabi ko sa sarili ko pero nagulat ako nung may marinig akong ibang boses sa isip ko.

'Me too. I wish I could see my parents for the last time.' Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero hindi ko na maigalaw nang maayos ang leeg ko. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko at nung mapatingin ako sa kanang side ko ay may nakita akong babae na siguro ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon, na nakahiga rin at duguan ang katawan. Wala nang buhay ang expression niya kaya nagulat ako nung narinig ko ang boses niya.

'Who are y—' Natigilan ako sa pagtatanong dahil nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at unti-unting bumigat ang mga mata ko.

'Kiyoko. A Senshin...'


Napatingin ulit ako sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko at doon ko narealize kung sino siya. Ngumiti ulit siya and this time, lumapit siya sa akin.


"You are that girl..."

"Buti naman at naalala mo na. Sabagay, sobrang tagal na panahon na ang nakakalipas." Nagbago naman ulit ang expression niya at naging malungkot ang mga mata niya. "But you know what? It hurts when no one remembers you anymore."


Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Somehow, nasaktan ako para sa kanya and at the same time ay naguilty dahil hindi ko siya kaagad naalala. Pero...


'Kiyoko. A Senshin...'


"You're a Senshin, right?"

"Yes," sabay ngiti niya. "And I'm from the Atama family, too." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay kilala niya sina Hideo? "But no, I'm not from their batch."


How did she...


"You may not know it, but I understand you the most, and of course I can read your thoughts even though your mind is close. I told you, I am you."

"But how? Paano nangyari 'yun? And if you're really a Senshin, what are you doing here?"


Napabuntong-hininga naman siya at naging seryoso ulit ang itsura niya. Hindi ko alam kung sino pero parang may naaalala ako every time na titignan ko siya.


"Kiyoko, the prodigy." Napatingin lang ako sa kanya habang nakatingin naman siya sa itaas at para bang nagrereminisce dahil nakita ko ang saglit niyang pagngiti. "Yan ang tawag sa akin dati dahil sa mga magulang at sixth sense ko. But upon remembering those times, I realized I'm not really a prodigy but a cocky and reckless kid."


Bigla namang may sumagi sa isip ko dahil sa sinabi niya at sobrang nagulat ako nung marealize ko kung sino talaga siya. Nagsmirk siya sa akin nung nakita niya ang reaction ko.


"About time you realize who I am."

"You...you're the daughter of Kyo and Miwako."


Nginitian niya lang ako at tumango siya. Sabi na nga ba at may naaalala ako kapag tinitignan ko siya at 'yun ay si Dr. Miwako dahil magkahawig sila. Hindi ko lang kaagad nakita dahil mahaba ang buhok niya samantalang si Dr. Miwako ay sobrang iksi.


"Dahil sa sixth sense ko, naisip ng Council of Elders na useful 'yun sa pag-aaral sa Black Dimension kaya binigyan nila ako ng mission without my parents' consent. Syempre, bilang bata at dahil sa kagustuhan kong maging proud ang parents ko sa akin, tinanggap ko ang mission. Hindi ko alam na 'yun na pala ang huling mission na magagawa ko sa buhay ko."


Nagsimula naman siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Pinagpatuloy niya ang kwento niya kaya nakinig naman ako.


"I managed to travel inside the Black Dimension. Siguro dahil na rin sa sixth sense ko at sa trait ni Dad. After all, naging immune siya sa Black Dimension after chasing Shinigamis for countless times. Pero hindi ko inaasahan na mapapadpad ako kung nasaan ang pinakamalakas na Shinigami." Tumingin siya sa akin at naging matigas ang expression niya. "The leader and your father, Subaro. Nung nasa harapan ko siya, doon ko nalaman ang ibig sabihin ng matinding takot at kamatayan. But still, lumaban pa rin ako kahit na alam kong wala akong pag-asa. With just a single slash, he ended my life. Or so I thought. Habang buhat niya ang katawan ko ay nararamdaman ko pa rin ang paligid at active pa ang utak ko, though wala ng silbi ang katawan ko dahil hindi ko na ito maigalaw o maramdaman man lang. Siguro nawalan ako ng malay after that at nagising na lang ako na nakahiga at napapalibutan ng medical equipment. Of course, I'm familiar with them dahil kay Mom. Then narinig ko ang inner voice mo. It seems like you're on the verge of death like me. Nawalan ka ng malay pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko pero after that ay nagsimula ang operation nating dalawa."


Natigilan naman ako nung narinig ko ang salitang operation at lumingon siya sa akin.


"Operation?" Naalala ko ang ginawa nila sa mata ko pero paghawak ko ay nandoon pa rin ang kaliwang mata ko.

"I know what you feel. This dimension only shows your preferred appearance, or what your mind wants to see. Kaya nga nakikita mo ako ngayon na ganito."


So this left eye is not real. Damn it.


"Anyway, they performed an operation. You lost a lot of blood but from what I've heard, Royals have a rare blood type that even your own family can't help you. They have no choice but to use mine...and they did. After that, nilagay nila ang katawan ko sa isang cryogenic chamber. Wala ng buhay ang katawan ko pero conscious pa rin ang utak ko at nakikita ko pa ang mga nangyayari. Pero biglang nagkaroon ng reaction ang dugo ko sa katawan mo. You went berserk and repelled everything near you. Your mind was left open and your thoughts almost overpower my own. They injected you some suppressant and after a few minutes, you calmed down. Pero nanatiling bukas ang isip mo at nakilala kita during that time. At siguro doon din nagsimulang mag-merge ang memories ko sa'yo."


Nakanganga lang ako habang patuloy siyang nagsasalita at hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan ang lahat ng 'to, kahit na alam kong seryoso at totoo ang mga sinasabi niya.


"My consciousness became connected to yours. Siguro isa o dalawang linggo bago ka nakarecover at nagulat ang doktor dahil naging successful ang transfusion kahit na sobrang baba ng probability na mangyari 'yun. I think after a few months ay napansin mo ang naging effect nito sa'yo. Remember your mission regarding the Querino clan?"


Bigla ko namang naalala ang sinasabi niya. 'Yun ang unang beses na hindi ako na-track ng Shinigami trackers at hindi ko rin alam kung bakit. Nireport 'yun ni Izumi kay Mom and after that ay kinuhanan nila ako ng dugo para i-test. Doon nila nalaman na may kakaibang component sa dugo ko na naghihinder sa trackers para madetect ako...

...and now I realized why. It's because my blood is mixed with a Senshin's.


"Dahil doon ay nagkaroon ng project about my blood. Sinubukan nilang isalin din ang dugo ko sa iba pero lahat 'yun ay nag-fail. You're the only one who lives after the transfusion. And right after that, nagsimula na rin silang pag-aralan ang mga mata ko. Since my sixth sense involves shadow, of course they will be interested. Makalipas ang ilang taon ng pag-aaral, ginamit nila ang mga mata ko para sa defense ng Dungeon."

"What do you mean by that?"

"You see, Dungeon is the deepest part of the Black Dimension right? Sa tingin mo bakit? It's because they used my eye abilities to convert the shadows in that area into a covering layer. That's why you can't use your sixth sense there. It's not just Black Dimension but a mixture of my shadows. And I am the only one who can use them."


Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yun ay napagtagpi-tagpi ko na ang ilang katanungan ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagawa ko bang tanggapin lahat 'to. Pero may isa akong tanong tungkol sa kanya na gusto kong masagot.


"T-This may sound rude but...are you still alive right now?" mahina kong tanong at bumalik na naman ang malungkot na expression niya pero pinilit niyang ngumiti sa akin.

"That's the question I am most afraid to answer," sabay buntong-hininga niya. "Well, my body...my physical form died when I was twelve, but my mind is technically alive since it's still functioning. However, I only exist in this dimension. Actually, you almost ended up like me during that time."


Pagkasabi niya nun ay naalala ko ang matagal kong pagkawala sa isang dimension—wait, ibig bang sabihin ay itong dimension 'yun?


"Yes, you were wandering in this dimension. I think Erityians who have dead or inactive bodies but their brains are still functioning often drift in this dimension. But you know what? Sometimes, I wish I just died completely. Yes I am alive but I am alone and no one knows I'm here. Living in this state for a long time is painful, you know? Maybe death is better than a life like this."


Bigla naman siyang tumalikod at kahit hindi ko nakikita ay alam kong umiiyak siya. Somehow, I can feel her pain because I experienced that feeling for a while.


"But I know," sabi ko at napatingin siya sa akin. Kahit na matanda na siya kung bibilangin ang taong nakalipas, her features remained childlike. In this dimension, she's just a twelve-year old kid. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya. "I know you're here and you exist."


Just like what Kid did to me, I caressed her back and hair to comfort her. Kahit papaano, parang nagkaroon ulit ako ng nakababatang kapatid.


"Kapag nagising ako, I promise, gagawa ako ng paraan para mailigtas ka mula rito," sabi ko kahit na hindi ko alam kung paano gagawin 'yun. Pero gusto ko talaga siyang tulungan. She watched over me for a long time and she's the reason why I'm still alive. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"That's impossible, but thank you. Those words are enough for me." Humiwalay siya sa akin at ngumiti nang malawak. "And thank you, for showing me my parents that time."


This time, ako naman ang ngumiti sa kanya. Siguro nga tama siya at iisa lang kami. Marami kaming pagkakapareho at halos pareho rin kami ng pinagdadaanan.


"Kapag nagkaroon ako ng chance na makita ulit ang parents mo, I'll make sure to say your name to them. It's the proof that you are not forgotten."

"I will appreciate that but for now, you need to wake up. You need to protect that child of yours, right?"


Unti-unti namang nawala ang image niya at unti-unti ring nagbago ang paligid, hanggang sa tuluyan akong mawala sa lugar na 'yun.


***

"Fuck it! Saan niyo siya dadalhin?! Rielle!"

"Shut up, Elite. This is none of your business. Go."


Nagising ang diwa ko nung narinig ko ang boses ni Kid at Saeko. Naramdaman ko rin na parang gumagalaw ako at pagdilat ko, nakahiga pa rin ako at tulak-tulak ng ilang naka-labgown ang higaan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko maigalaw ang bibig ko at sobrang tuyo ang lalamunan ko.

Unti-unting nawala ang boses ni Kid at napansin kong papunta kami sa laboratory ni Saeko. Pagdating namin doon ay saka niya lang napansin na gising na ako.


"Oh. You're awake. Sorry to do this to you, kid, but I'm going to confine you here until you give birth to that halfling." Tumingin naman siya sa mga kasamahan niya. "Transfer her!"


Natakot ako sa sinabi niya pero biglang napatigil ang mundo ko nung napatingin ako sa mga nakahilerang cryogenic chambers. Hindi ko nagawang tignan ang mga 'yun nung tinanggal nila ang kaliwang mata ko pero ngayon, kitang-kita ko ang mga katawang nakalagay sa loob nun.

And in the middle was Kiyoko's fragile and shriveled body.


***


Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 750K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
855K 58.3K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2.9M 105K 24
Erityian Tribes Novella, Book #2 || What's the use of this power, if I can't even stop his death?
44.2K 1.1K 27
Detective Aihara at Spy Mitsubara mag sasama sa ma-ala sundalong labanan? Paano kaya nila matatapos ang kanilang misyon kung simula Pag ka bata mag k...