Suicidal Mission

By anjelasheyn

17.2K 5.1K 2.5K

Jack Lorraine Belvis, a privileged and obsessed fan girl who stops at nothing to capture the attention of her... More

Prologue
Chapter I (Meet Her)
Chapter II (Plans)
Chapter III (Encounters)
Chapter IV (Broken)
Chapter V (Surprise)
Chapter VI (Jerks?)
Chapter VII (Bestfriends)
Chapter VIII (Mission)
Chapter IX (Friends?)
Chapter X (Tutor)
Chapter XI (Gift)
Chapter XII (Philippines)
Chapter XIII (Hidden Agenda)
Chapter XIV (First Time)
Chapter XV (Fun)
Chapter XVI (Strike Two)
Chapter XVII (School)
Chapter XVIII (Moment)
Chapter XIX (He's Back)
Chapter XX (Traitor)
Chapter XXI (Beach)
Chapter XXII (Jealous)
Chapter XXIII (Sorry)
Chapter XXIV (Revealed?)
Chapter XXV (Copycat)
Chapter XXVI (Japan)
Chapter XXVII (Numb)
Chapter XXVIII (Reunited)
Chapter XXIX (Twins)
Chapter XXX (Issue)
Chapter XXXI (Drunk)
Chapter XXXII (Confessions)
Chapter XXXIII (Lost)
Chapter XXXIV (Stuck)
Chapter XXXV (Riot)
Chapter XXXVI (Choose)
Chapter XXXVII (Heart+Ache)
Chapter XXXVIII (Déjà vu)
Chapter XXXIX (Years Later)
Chapter XL (Confusing)
Chapter XLI (Coincidence?)
Chapter XLII (Tug-of-War)
Chapter XLIII (Strange)
Chapter XLIV (Kinfolk)
Chapter XLVI (Years Ago)
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter XLV (Memories)

213 68 18
By anjelasheyn

Hindi na lang ulit ako nagtanong kung saan ang lugar na pupuntahan namin.

Mas maganda kung ma-s-surprise ako.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang kanta nilang pito dahil siguro sa boredom.

Napapangiti na lang ako kapag naririnig ang boses nila. Ang swerte-swerte ko kasi, live ko silang naririnig na kumanta.

Pagkatapos kumanta ni J-Hope na may kasamang rap ay turn naman ni Taehyung.

Nagsimula siyang kumanta. Kinilabutang pa 'ko ng marinig ang boses niya. My God, ang ganda talaga ng boses niya.

'Someone Like You' ang title ng song.

Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil ba sa boses niyo? o dahil sa nakatitig siya sa akin habang kumakanta?

Pakiramdam ko nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos siyang kumanta. Ako lang ba o sadyang may pilit siyang sinasabi sa'kin habang kumakanta siya?

Tsk. Dami mong alam Anne!

Napaisip tuloy ako, ano kayang relasyon ko kay
Taehyung dati?

"Ikaw naman princess Jack!" sabi ni Jin

Umiling lang ako habang nakangiti.

"Sige na! Kakanta na 'yan!" pangungulit ni Jimin

At dahil mukhang wala silang plano na tigilan ako ay pinagbigyan ko na lang. Ang kulit nila eh.

Dahil wala na 'kong maisip na ibang kantahin ay kinanta ko na lang ang song nilang 'Butterfly'

Buong pagkanta ko ay nakatitig lang silang lahat sa akin.

"Shit, ang ganda pala talaga ng boses mo. Nakaka-in love" parang lutang na sabi ni Jungkook nang matapos akong kumanta

Napangiwi pa 'ko ng sunod sunod siyang batukan nila Suga, Jimin, Jin at Taehyung.

"Kaya pala sumikat 'yong video mo, maganda pala talaga ang boses mo" nakangiti namang sabi ni Jin

"Thank you" nakangiting pasasalamat ko

"Mag-kwento ka na lang Jack" sabi naman ni J-Hope

Natahimik bigla sa van at napatingin kaming lahat kay J-Hope. Wow, first time niya 'kong kinausap!

"What? Titingin na lang ba kayo diyan?" sabi ulit ni J-Hope

Ano 'yon? Kahit sila 'di makapaniwala na nag-salita si J-Hope?

"Baby Jack! Kwento ka dali!" basag naman ni Jimin sa katahimikan

Baby?, ah, siguro endearment niya 'yon sa'kin dati.

"Anong gusto niyong i-kwento ko? Eh ayaw niyo ngang marinig mga pangalan nila? Kayo na lang mag-kwento!"

Nagkatinginan pa silang lahat. Bago dumako ang tingin nilang lahat kay Taehyung.

"Bakit ako?!" angil pa niya habang nakangunot ang noo

"Kwento ka na V" ngiti ko

Lumingon siya sa akin at biglang lumambot ang ekpresyon niya.

"Fine! Sa'n ba niyo 'ko gustong mag-kwento?"

"Tungkol sa break up niyo ni Irene!" request ni Suga

Nawala ang ngiti ko, May naging girlfriend si Taehyung? Irene? Who's Irene? At ba't gano'n?

I felt my heart twitched. I mentally shook my head. Ano ba 'tong mga pumasok sa utak ko?! Ugh.

"Si Irene? Wala naman talaga kaming naging relasyon. Gusto lang ng fans kaya napilitan ako, tapos sa huli, ako rin ang humiwalay" parang wala lang na sabi niya

"Ba't ka nakipag-hiwalay?" curious na tanong ko

Napatingin silang lahat sa akin kaya I arc my brow "What?"

"Bakit gusto mong malaman?" nakangising tanong ni Taehyung

I shrugged "I'm just curious" bali-walang usal ko

Napatahimik silang lahat. Jeez! Nakakaubos ng pasensiya ah! Pinagkakaisahan ba nila 'ko?!

"Kung ayaw mong sa--"

"I love someone else, that's why"

Natutop ko ang bibig ko dahil sa narinig, bumilis na naman kasi ang tibok ng puso ko. What the fuck?!

Oh my God! Did I just curse?!

"You're a jerk kung gano'n" wala sa sariling nasabi ko na lang sabay iwas ng tingin

Narinig ko namang may suminghap tapos may napamura pa.

"I'm a Jerk"

Muli akong napatingin kay Taehyung ng mag-salita ulit siya, imbis na maasar dahil sa sinabi ko ay nakangiti pa siya ng malawak. Weirdo.

"Jerk"

Napahawak ako sa sintido ko ng bahagyang kumirot ang ulo ko.

"Such an idiotic childish way Jerk"

"S-shit" mahinang mura ko nang maramdamang lalong lumalala ang pagkirot.

"Jack, what's wrong?" rinig kong tanong ni Jin

Akmang sasagot pa sana ako pero naramdaman ko na lang na parang umiikot ang paligid, hanggang sa 'di ko namalayang nawalan na pala 'ko ng malay.

***

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay puting ceiling na agad ang sumalubong sa akin.

Inalala ko 'yong mga nangyari kanina.

Nag-k-kwentuhan kami tapos biglang kumirot ang ulo ko at bigla akong nahimatay.

Sign na kaya ito na bumabalik na ang memories ko?

Bumangon ako ng higa at saktong bumukas naman ang pinto.

"How was your feeling?" agad na tanong ni Taehyung habang naglalakad siya papalapit sa'kin

"Okay lang naman. Nasa'n ba tayo?"

Imbis na sumagot ay itinuro niya lang ang balcony. Tumayo ako at tinungo 'yon.

"Wow, nasa dagat tayo!" excited kong sigaw habang naka-tanaw sa labas

Naramdaman ko ang presence niya sa likuran ko, akmang haharap na sana 'ko ng maramdaman ko ang mag-kabila niyang braso sa gilid ko

I stilled. Naaamoy ko na naman ang manly scent niya dahil sobrang lapit niya sa'kin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Jack Lorraine"

Muntik na akong mapatalon ng marinig ang boses niya, my God! I can feel his breath touching my skin.

"A-ano 'yon?"

"Pinag-alala mo 'ko"

He heaved a sighed. Dumoble naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Nag-alala siya sa'kin.

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko.

Oh my God!

"T-taehyung--"

"Can we stay like this for a while?"

I bit my lower lip para pigilan ang sarili kong mapatili. My goodness! Taehyung just hugging me from behind!

'di ako makahinga, nakaka-estatwa.

"Breath" narinig kong bulong niya sabay tawa

Namula ang na namang ang mga pisngi ko, nahalata niya pang halos hindi na 'ko makahinga?

Kasalanan naman niya eh!

Sumandal na lang ako sa dibdib niya para hindi niya gaanong mahalata ang epekto niya sa'kin.

Matagal-tagal din kami sa gano'ng pwesto nang biglang may pumasok sa kwarto kaya automatic naman akong humiwalay.

Si Jungkook.

"Kakain na daw" sabi niya lang sabay labas agad.

Baka nakita niya kami! Nakakahiya!

Walang imik naman kaming lumabas ni Taehyung, diretso sa dining area

Sa kanila kaya 'tong rest house na 'to? Saang lugar kaya ito?

"Jack! Kumusta pakiramdam mo?" agad na tanong ni Jin

Pinaghila naman ako ni Taehyung ng upuan kaya agad akong umupo.

"Okay na" nakangiti kong sagot

Nag-simula na kaming kumain ng mga pagkaing niluto ni Rapmonster at J-Hope habang nag-k-kwentuhan na naman.

Ang daldal talaga nila!

Pagkatapos no'n ay napag-pasyahan na naming lumabas para tingnan ang dagat.

Ako lang pala ang nakaisip no'n, kasi lahat sila ready nang maligo. Jeez.

Nagsitakbuhan na sila palabas kaya sumunod na lang ako.

Wala akong planong maligo kaya hindi na 'ko nag-palit ng damit.

Tatawa-tawa pa 'ko habang tinatanaw sila. Nagtutulakan kasi sila tapos lahat sila may suot pang floaters. Ang cute lang.

"Anne!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nandito din pala sila.

Sila 'yon-- I mean ang mga kaibigan kong babae.

Isa-isa pa silang bumeso sa akin, pero nagtaka ako nang may yumakap sa aking babae na hindi ko kilala.

"Sino ka?" tanong ko

"Ay. Oo nga pala. My name is Mae, Mae Deneris. Isa rin ako sa mga kaibigan mo, and alam ko na lahat nang nangyari" paliwanag niya

Nako-conscious ako kasi lahat sila naka-suot ng bikini. Ang gaganda ng katawan nila, alaga yata sa work out.

Nagulat ako ng may iabot sa'king paper bag si Lacey.

"Ano 'to?" tanong ko

"Eh kung i-try mo kayang tingnan diba?" malditang sabi niya kaya napailing na lang ako bago silipin ang bag

"Hala, 'di ako nag-susuot ng gan'to Lacey" tanggi ko habang pilit na sinasauli sa kanya ang bag pero sinamaan lang niya ako ng tingin

"You will wear that o lalandiin ko si Taehyung?"

"Sabi ko nga" nakasimangot kong turan bago dumiretso ng rest house at mag-palit ng red two piece na inabot ni Lacey

Nag-dalawang isip pa 'ko kung lalabas ba ako o hindi. Buti sana kung magkakasing-ganda kami ng katawan diba? Kaasar!

Sa huli ay napag-pasyahan ko ding lumabas, baka kasi nilalandi na ni Lace si Taehyung. Tsk.

Nag-seselos ba 'ko?

Ewan ko ba sa sarili ko kung ba't ganito ang nararamdaman ko.

Pag-dating na pag-dating ko ay sinalubong agad nila ako

"OMG! They will surely drool over you!" tili ni Andrea

"Bagay sayo!" sabi naman ni Cyndhie

Nag-thumbs up sa'kin si Ericka tapos ngumiti lang si Mae

"Sabi sa'yo eh" nakangisi namang sabi ni Lacey

Namula namang ang mga pisngi ko dahil sa papuri nila. 'unting push na lang maniniwala na 'ko

"What the hell?!"

Napalingon ako sa nag-mura. Si Taehyung pala na mag-kasalubong ang mga kilay.

Nasa harapan na din namin ang pito na nakatingin sa akin

"Wow Jack! You look--"

"One word from you and I will cut your tounge!" sigaw ni Taehyung kay Jungkook

The next thing I knew ay higit-higit na ako ni Taehyung hanggang makarating kami sa rest house

"Change" walang emosyon na sabi niya pero 'di naman nakatingin sa akin

Nangunot tuloy ang noo ko.

"Anong problema mo?"

"I said, change" sabi niya pa rin pero 'di pa rin nakatingin sa akin

"Taehyung--"

"You will change or I will do it for you?!"

"Sabi ko nga po" nakangiwi kong sagot bago tuluyang pumasok ng kwarto ko

Nagpalit ako ng damit. Dahil wala namang akong dala ay 'yong suot ko na lang kanina. Paglabas ko ay nando'n pa rin siya

"Let's go" this time ay nakangiti na siya kaya napanguso na lang ako

Napahinto siya nang makitang nakasimangot ako

"What's wrong?"

"Ikaw! Napaka-bipolar mo!" sigaw ko sabay nilagpasan siya

"Hey, ba't ka galit? May nagawa ba 'ko?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya "At ako pa ngayong ang tinanong mo niyan ah? Dapat kasi sinabi mo na lang sa'kin na 'di pala bagay sa akin ang bikini! Kaysa 'yong pag-papalitin mo pa 'ko!"

Sandali pa siyang napatulala.

"Hindi naman 'yon sa gano'n eh!"

Hinawakan niya ang mag-kabila kong balikat "I-I just don't want people eyeing my property"

This time ako naman ang napatulala, bago pa ako maka-pag-salita ay wala na siya sa harapan ko.

Napahawak ako sa pisngi ko, God! Nag-b-blushed na naman ba ako?!

"Hoy babae! Ano na namang drama 'yan?!" napaangat ang tingin ko, nang makitang si Lacey 'yon ay binaba ko agad ang kamay ko

"Kontrabida talaga 'yang si Taehyung eh 'no?! Tsk." sabi niya pa bago ako lagpasan.

Ang sungit talaga ng babaeng 'yon!

Muli akong naglakad patungo sa dagat, 'di na 'ko nagulat ng makita silang nakababad pa rin sa tubig. Plano kasi yata nilang magka-sunburn eh.

Napatingin silang lahat sa direksiyon ko, nagulat pa 'ko nang sabay-sabay silang tumakbo papunta sa'kin.

Napatili ako ng bigla nila akong buhatin. Shit! I think I know what they're planning!

"Ibaba niyo 'ko! Ayoko!" sigaw ko habang pinipilit na bumaba.

Pero wala na 'kong nagawa nang ihagis nila ako sa tubig.

Pweh! Ang alat!

"Mga bwisit kayo!" sigaw ko nang makaahon ako

Napatigil lang ako nang maalala ang Seventeen, gan'to rin kasi kakukulit 'yong mga 'yon eh, nasa'n na kaya sila ngayon?

Oo nga pala, dapat hindi ko muna sila iniisip.

Natauhan ako nang may tumamang tubig sa mukha ko. Hanggang sa mag-sunod-sunod 'yon.

Geez! Pinag-tutulungan pala ako ng mga mokong! Parang bata!

Gumanti din ako at sinabuyan sila ng tubig pabalik. Natatawa pa ako kapag natutumba 'yong iba. Ang epic lang kasi! Lalo na 'yong mukha ni J-Hope!

Hanggang sa mag-sawa kaming lahat at napag-pasyahang umahon muna.

Nanatili kami sa white sand, nag-huhukay kami ni Suga at Jimin ng buhangin kasi ililibing namin si J-Hope, tapos 'yong iba naman ay bumubuo ng sand castle. Samatalang sina Ericka, Andrea, at Lacey naman ay nakahiga sa mga kani-kanilang adjustable chaise at nag-s-sun bathing with matching shades pa. Si Andrea, Jin at Cyndhie naman 'yong natira sa rest house.

Tinantanan lang namin ang beach nang makaramdam kami ng gutom. Medyo papadilim na rin kasi.

Bumalik kami ng bahay. Nag-shower muna kami bago dumiretso sa labas kung nasaan nila hinanda 'yong mga pagkain.

May barbeque party pa silang nalalaman ah. Daming alam.

Nagpapak na lang ako ng barbeque habang sila may painom-inom pa ng wine do'n sa sinet nilang table dito mismo sa labas.

Habang kumakain ako ay biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko si Cyndhie pala.

Nagtaka pa ako nang makita silang nakaupong lahat sa damuhan.

Lumapit ako at sumingit sa bilog sa pagitan ni Andrea at Cyndhie pero bago pa ako makaupo ay may humigit na sa'kin. At ngayon, nakaupo na ako sa pagitan ni Jungkook at Taehyung.

"Anong meron?" tanong ko na lang habang busy pa rin sa pag-nguya

"We will now proceed to our main plan" seryosong saad ni Ericka

Anong plan 'yon?

"Operation: Help Jack Lorraine Anne to get her memories back" sabi naman ni Mae

Napatigil ako sa pag-nguya at 'di makapaniwalang tumingin sa kanila

"Seryoso kayo?"

"Yes, sa gano'n ay babalik na ang dati--"

'di ko na hinayaang matapos pa ni Ericka ang sinasabi niya at tumayo na 'ko sabay lakad paalis do'n.

Diretso lang ako sa paglalakad at 'di man lang lumingon kahit na tinatawag pa nila ako

Hanggang sa makarating ako ng shore, pumwesto ako sa likod ng mga naglalakihang bato para 'di nila ako makita.

Naiinis ako sa kanila! Pinagbigyan ko na nga silang maniwala na ako 'yang si Jack Lorraine eh!

Wala talaga eh, wala akong maalala na ako si Jack Lorraine, kasi nga ako si Anne. Ano bang part do'n ang hindi nila maintindihan? Ako si Anne at hindi si Jack Lorraine.

Napabuga na lang ako ng hangin. Wrong idea yata ang pag-sama ko sa kanila.

"Jack"

Nagulat ako ng may tumawag sa akin pero 'di ko nilingon. Tsk. Puro na lang sila Jack.

I heard him sighed. "Anne"

Nilingon ko siya, naglalakad siya papalapit sa akin.

"Stop. 'wag kang lalapit sa'kin" pigil ko

Huminto naman siya.

"Ano bang problema?"

Hindi ko siya sinagot at nag-pag-patuloy lang sa paglalaro ng buhangin.

Ayoko siyang tingnan, nag-r-react kasi agad ang puso ko sa tuwing tumitingin ako sa kanya.

"Ja--Anne"

See? He only likes Jack, hindi ako.

Tsk. Bwisit. 'di ko alam ang dahilan kung ba't ba 'ko na-b-bwisit. Parang kakikilala ko pa lang sa kanya tapos gan'to agad ang nararamdaman ko.

Am I inlove?

Umiling-iling ako. My God! Kalandian lang ang tawag dito!

"Jack, talk to me" napatayo ako nang makitang nasa harapan ko na pala siya

"'di ako si Jack Lorraine at kahit kailan hindi ako magi--"

I was cut off when I felt his lips invading mine.

Napatigil ako sandali at natauhan lang nang maramdamang gumagalaw ang labi niya. Pilit ko siyang tinutulak sa dibdib pero nahawakan niya lang ang mga kamay ko.

Naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. Nadadala ako. Shit.

Automatic na napapikit ang mga mata ko at wala sa sariling tinugon ang mga halik niya.

Habang nakapikit ako ay may mga nag-p-flash na images sa utak ko, mga scenes na unti-unting nagiging pamilyar at malinaw sa akin.

Humiwalay siya sa akin. 'di ko namalayan umiiyak na pala ako.

"B-bebe Taehyung"

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
185K 5.2K 67
Bakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron k...
1.1K 105 45
(Eleazar Cousin's Series #3) Paggusto mo ang isang tao, su-supportahan mo, ipapakita mo kung anong nararamdaman mo, ipagmamalaki mo at higit sa lahat...
17.8K 661 64
Louise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad...