Until You... SWEETHEART 2...

Par FreeWill

359K 5K 1.3K

"Love is patient and kind. It does not envy. It does not boast. It is not proud. It does not behave indecentl... Plus

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 (REWIND)
Chapter 14 - Part 1
Chapter 14 - Part 2
Chapter 14 - Part 3
Chapter 14 - Part 4
Chapter 15
Chapter 16 - Part 1
Chapter 16 - Part 2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - part 2
Chapter 26 - Part 1
Chapter 26 - Part 2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 25 - Part 1

6.5K 103 19
Par FreeWill

“NO way!”

 

 

 

 

 

“Alam mong hindi ko puwedeng iwan si Kath dahil maselan ang kalagayan niya. You will go to Singapore… And that’s my order! Ako pa rin ang boss mo at ako ang masusunod. Sumosobra ka na! Huwag mong idinadamay ang trabaho sa personal issues mo kay La Pierre.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni DJ si Bea.

Naiinis na hinabol ng tingin ni Bea ito. “Walang originality…” Bulong ng dalaga at padabog na bumalik sa puwesto niya. Hindi ba’t iyon din ang sinabi niya dito noong galit na galit pa kay Kiko ito dahil iniiisip nito noon na may relasyon si Kath at ang huli? Gaya-gaya ito ng linya.

Nangalumbaba siya sa mesa. Anong gagawin  niya? Hindi niya talaga gustong pumunta sa Singapore kasama si Kiko.

Nakangising sumakay ng elevator si DJ. Mas makakabuti kay Bea na sumama kay La Pierre sa Singapore ito. Iyon din ang gustong mangyari ni Kath, para magkaayos na ang dalawa. Boto din siya kay La Pierre para sa matalik na kaibigan, dahil mukhang mahal naman talaga nito ang huli. Si Bea lang naman ang talagang may problema.

______________________________________________________

KATHRYN                                                        

 

 

 

 

 

“EFFECTIVE ba, ‘nak?” Taas-baba ang dalawang kilay ni Karla sa kanya.

“Parang hindi ho, ‘nay…” Sagot ni Kath sa biyenan, matapos isawsaw sa alamang ang manggang hilaw. Dala ni Karla ang mangga. Aaw-araw siyang binibisita nito at kung ano-anong pagkain ang dala para sa kanya.

“Anong parang hindi?” Ipinagbabalat ni Karla ng mangga ang manugang.

 

 

 

 

 

Nangasim ang mukha ni Kath nang isubo ang mangga, pero sarap na sarap naman siya doon lalo na sa sawsawang alamang na luto rin ng biyenan. “Eh parang hindi ho siya nasisiyahan. Parang mas nahihirapan ho siya.”

 

 

 

 

 

Gabi-gabi siyang parang may ‘show’. Kung ano-anong sexy lingerie ang dinadala at ipinapasuot ni Karla sa kanya para daw masiyahan si DJ. Hindi man makuha ng asawa niya ang gusto ay nai-entertain naman daw ito. Iyon ang sabi ng biyenan sa kanya. Pero sa tingin niya ay hindi naman nai-entertain ang asawa sa ginagawa niya. Pakiramdam niya ay parang mas nabubugnot lang ito sa sitwasyon nila.

“Akala mo lang yon, ‘nak… Natutuwa yon, ayaw lang ipahalata.”

“Sigurado ho ba kayo, ‘nay?” Nagdududang tanong niya.

Tumango si Karla at inabot ang bag sa  may side table ng kama, “Eto…” May inilabas na supot mula sa bag ito, “Isuot mo mamayang gabi.”

 

 

 

 

 

Muntik nang mailuwa ni Kath ang kakasubo pa lang na mangga nang makita ang laman ng supot. “Nay!”

 

 

 

 

 

“Tiyak na masisiyahan ang asawa mo d’yan.” Ngiting-ngiti na sabi ni Karla.

Iniladlad ni Kath sa kama ang crochet and lace halter slip na kulay nagaapoy na pula. Parang wala nang tatakpan sa katawan niya ang manipis na lace sa ibabang bahagi niyon. Hindi niya kayang isuot yon! Daig pa niya ang mga stripper sa night clubs kapag isinuot niya yon.

“Ayaw ko niyan, nay…” Sunod-sunod ang iling niya.

“Ano ka ba?” Tiniklop ni Karla iyon at isinilid ulit sa supot. Ipinatong sa kandungan niya. “Kaya mo yang isuot. Mas sexy… Mas mag-i-enjoy ang asawa mo.” Tatawa-tawang sabi nito bago tumayo na. “O paano? Uuwi na ako. Balitaan mo na lang ako bukas sa reaksyon ng asawa mo.”

 

 

 

 

 

Malaon nang nakalabas ng silid ang biyenan ay nakatitig pa rin sa supot sa kandungan niya si Kath. Pambihira! Baka lalong hindi makapagpigil si DJ kapag isinuot niya yon mamayang gabi.

_____________________________________________________

      

 

 

“ANO itong nabalitaan ko na umupa ka ng private investigator para manmanan si DJ?”

 

 

 

 

 

Mula sa pagsilip sa hawak na telescope ay nilingon ni Min ang asawa. Sakay sila ng yate patungo sa Isla Azul. Prenteng nakaupo sa lounging chair si Joseph habang nagbabasa ng peryodiko.

“Kanino mo nalaman?”

 

 

 

 

 

“Hindi na importante.” Itinupi ni Joseph ang hawak na peryodiko. “Ang gusto kong malaman ay kung bakit mo ginagawa yon. Para saan at pinapasundan mo si DJ?”

 

“Masama bang protektahan ko ang anak ko?”

“Protektahan? Para saan?”

 

 

 

 

 

“Iba na ang nagiingat. Mas mabuti ang nalalaman ko lahat ng kilos ng lalaking yon, para kung sakaling magloko siya ay hindi magmumukhang tanga na naman ang anak ko at malalaman niya agad.”

 

 

 

 

 

Pumalatak si Joseph. “Naririnig mo ba ang sarili mo?” tanong nito sa asawa, “Daig mo pa ang mga kontrabida sa mga teleserye sa TV na pinapanood ng mga maids sa bahay. Anong akala mo sa sarili mo? Si Donya Delilah ka at ang manugang mo ay si John Puruntong?”

 

 

 

 

 

Nag-init ang ulo ni Min sa narinig, “Oo! Kontrabida na kung kontrabida! At alam mo ba kung anong ginagawa ng mga kontrabida sa mga teleserye sa mga pakialamerong sumisira sa diskarte nila?”

 

 

 

 

 

“Ano?”

 

 

 

 

 

“Sila ang unang nakakatikim ng bagsik ng kontrabida!” Sigaw ni Min sabay ibinato ang hawak na telescope sa asawa.

_______________________________________________________

 

 

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

“SWEETHEART?” Wala si Kath sa kama ng pumasok si DJ sa silid.

Sa totoo lang ay kinakabahan siya kanina bago pumasok doon. Nitong mga nakaraang gabi ay parang nakakatuwaan ng asawa na ‘i-torture’ siya. Kung ano-anong sexy lingerie ang isinusuot nito na hindi niya alam kung saan nito nakukuha. Kabisado niya ang laman ng closet ni Kath at alam niyang walang mga ganong klase ng damit ito dati. Kontento na sa pajama at over-sized shirt ito na kadalasan ay hinihiram sa kanya… kaya nagtataka talaga siya kung saan galing ang mga isinusuot lately nito samantalang hindi naman umaalis ng bahay ito para mag-shopping.

“Sweetheart?” Sa tapat ng walk-in closet siya dinala ng mga paa dahil may narinig siyang kaluskos doon. “Andyan ka ba sa loob?” Katok niya sa pinto.

Walang sagot mula roon. Idinikit niya ang taenga sa pinto. Wala nang kaluskos pero may narinig siyang parang nagngunguyngoy.

“Kath?” Sunod-sunod ang katok niya. “Umiiyak ka ba?” Gusto na niyang buksan ang pinto pero baka naman magalit ito.

Kabisado na niya ang pagpapalit-palit ng mood ng asawa at nagiingat siyang bigla na lang magalit sa kanya ito sakalaing bigla siyang pumasok sa loob.

“No!” Sumagot na ito sa wakas.

Nakahinga siya nang maluwag. “Eh anong ginagawa mo dyan? Puwede ba akong pumasok?”

 

 

 

 

 

“Wag!”

 

 

 

 

 

Nagsalubong na ang mga kilay niya. Anong meron sa loob at ayaw siyang papasukin nito? “Labas ka na dito, sweetheart…” katok ulit niya sa pinto.

Wala na namang sagot mula dito. Ilang minuto pa ang lumipas na nakatayo lang siya sa may pinto at  naghihintay na magbukas ito, pero walang balak ata ang asawa na lumabas. Naiinip na siya. Ano ba kasing ginagawa nito doon?

Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon, “Papasok na ako, sweetheart!”

_________________________________________________________

A/N: Sabi nang wag nga! :D

 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

329K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
22.8K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
255K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
6.1K 373 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...