Love Until It Hurts (Montever...

By patyeah

6.4M 125K 12.8K

Zade does not believe that first love never dies. For him, no matter how fervent love is, if you don't nurtur... More

Love Until It Hurts
PUBLISHED
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue

24

108K 2K 522
By patyeah


Chapter Twenty Four

"Best ever!"

            "You always say that," natatawang sagot ko habang ibinubutones pabalik ang damit. Ginawaran niya ako ng isang masuyong tingin bago ibinagsak ang sarili sa kama.

            "Totoo naman. I never lie to you."

            "I know, William."

            William can be so possessive sometimes. Minsan ay nasasakal ako, pero hinahayaan ko na lang dahil asawa ko siya at alam kong gusto niya lang akong mapabuti. He was very patient with me and he never left my side. Kaya kahit hindi ko pa siya mahal ngayon ay alam kong darating din ako doon. Hinihintay ko na lang talaga ang mga memorya ko. So, I can love him with the whole of me.  With every secret, every detail and every fiber of my being.

            "I'm so sleepy." I yawned and stretched. Nanlalagkit ako. Gusto kong maligo agad pero pagod ang buo kong katawan ko kaya napagdesisyunan kong ipagpabukas na lang ito. "Goodnight, William."

            Sinakop niya ang labi ko at gumati ako ng halik.

            "Goodnight, babe. Every night I keep on wishing for you to have your memories back. I want you to remember me," he mumbled before caressing my shoulders. Hindi na ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

            ***

           

            "Rise and shine. I prepared breakfast!" masayang sabi ni William bago niya pinindot-pindot ang braso ko. Umungol ako bago nagtakip ng unan sa mukha pero inagaw niya ito.

            "William, I'm tired," inaantok kong wika bago muling pumikit. Nainis ako nang hilain niya pati ang kumot ko. Hinaklit ko ito pabalik at ibinalot sa sarili ko.

            "Get up. Lalamig ang pagkain."

            "But... I want to sleep some more. Napuyat ako kagabi sa'yo."

            "Come on..."

            Sinimangutan ko siya bago ako pumasok sa banyo pero tinawanan niya lang ako.

            Nang lumabas ako ay bagong ligo na ako. I was already wearing clothes and I was done with my morning routine. Humarap ako sa tokador sa loob ng kuwarto namin at kahit sanay na ako sa nakikita ko ay hindi ko pa rin mapigilang mapabutonghininga nang titigan ko ang mahabang hiwa ng kutsilyo sa gilid ng mukha ko.

            The scar ran from my left cheekbone to my jawline.

            It was horrifying to look at.

            I ran my finger on it and I felt fear immediately overcoming my system.

            Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot pero sa tuwing hahawakan ko ito ay gano'n ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may gustong manakit sa akin, pakiramdam ko ay hindi ako ligtas. Sa tuwing sasabihin ko naman ito kay William ay yayakapin niya lang ako at bubulungan na kahit kailan ay hindi niya ako iiwan kaya napapanatag rin naman kahit papaano ang loob ko.

            "Kanina pa kita hinihintay sa kusina." Sumilip ang asawa ko sa kuwarto at nahuli niya akong dinadama ang peklat ko.

            "You're doing it again."

            Ibinaba ko ang kamay ko at pilit na ngumiti. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "I can't help it, Will. Ang pangit ko na dahil sa peklat na ito."

            Ginulo niya ang buhok ko. "No way. Sobrang ganda mo, may peklat man o wala."

            "Binobola mo na naman ako."

            "Nagsasabi lang ng totoo. Tara na. Kumain na tayo nang makaalis na tayo agad."

            Nagliwanag agad ang mukha ko. Hindi kami masyadong lumalabas at nakikihalubilo sa mga tao. "Saan tayo pupunta?" excited kong tanong.

            "Kahit saan mo gusto."

            Napasimangot ako sa sagot niya. Akala ko pa naman ay may plano na siya.

            "Saan mo ba gustong pumunta?"

            I shrugged. "Ewan ko rin."

            Ipinaghila niya ako ng upuan at sabay kaming kumain kasama si Manang Nenita.

            "Suotin mo 'yung damit na binili ko sa'yo nung isang araw, bagay 'yon sa'yo. Tsaka mag-mall na lang tayo." He said after chewing. Napahinto ako sa aktong pagsubo ng pagkain dahil sa sinabi niya.

            "The yellow dress?" nag-aalangang tanong ko at tumango naman siya. "That's too revealing. Ayaw ko no'n. Puwede bang 'yung jeans na lang na blue?" apila ko pero tinignan niya ako ng mataman at napabuntong-hininga na lang ako. I feel like I don't have a say on anything. Siya lagi ang nasusunod, siya lagi ang tama.

            "Babe, bagay naman 'yon sa'yo. Kaya ko nga binili agad nung makita ko dahil alam kong lalo kang gaganda kapag suot mo 'yon, e."

            Inabot niya ang kamay ko at pinisil. Nahuli kong nakatingin lang sa amin si Manang Nenita at pilit din niya akong nginitian.

            "Okay," tipid kong anas. Tinapos ko na agad ang pagkain para makapagbihis na ako. I wore the yellow dress that he wanted and when I came out of our room, he was all smiles.

            "See? What did I tell you?" He had the proud husband look in his eyes and even though I felt uncomfortable, I was able to give him a small yet sincere smile. I love seeing him happy.

            "Manang, aalis na kami ng asawa ko," paalam ni Will kay Manang at kinawayan kami nito. Nag-jeep kami papunta sa mall. Pinagtitinginan ako nung mga ibang pasahero dahil sa pilat sa mukha ko pero inignora ko na lang sila.

            William's hand is protectively clasped on mine. Sumandal ako sa balikat niya at pumikit. Naramdaman ko namang hinaplos niya ang buhok ko.

            "Magpagupit ka na kaya, Celine?" suhestiyon niya sa akin. Napahawak rin ako sa buhok ko na hanggang balikat nang sabihin niya yon.

            "Ulit? Kakapagupit ko lang no'ng nakaraan. Gusto ko sanang pahabain na ang buhok ko para natitirintas ko, naitatali."

            "'Wag ka ng magpahaba ng buhok. Sabi ko naman sa'yo, mas bagay sa'yo ang maikli. Sasamahan kita sa salon mamaya. Pagupit ka ng hanggang leeg lang, mas okay 'yon." He kissed my forehead and as usual, I just nodded in agreement.

            Pumara ang jeep at inalalayan niya akong bumaba. Pagtingin ko sa harap ay nakita ko na ang malaking façade ng Siargao Mall. Hinawakan muli ni William ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nagyaya akong manood ng sine at pumayag naman siya. Tumitingin kami ng mga palabas at agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita ang poster ng isang palabas.

            "Don Quixote," agad na nagsimulang kumirot ang ulo ko pagkabasa ko rito pero tiniis ko ito. A bell was ringing at the back of my mind. "Can we watch this?"

            "Ang boring naman n'yan, Celine. Ayaw ko ng mga ganyan, gusto ko 'yung action."

            "Ayaw ko ng may barilan, Will." Bigla akong nakadama ng takot at agad na nagbago ang ekspresyon niya. He pursed his lips and bobbed his head.

            "You're right, 'wag na lang 'yon ang panoorin natin. Pero ayoko pa rin niyang Don Quixote." He started looking at other posters but I still couldn't take my eyes off of the poster.

            "El ingenioso hidalgo Don Quijote de la Mancha," I whispered as I took a shaky breath. Kumikirot ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Ang lakas din ng tibok ng puso ko. Napakapit ako sa puso ko at napapikit ng mariin.

            Something isn't quite right.

            I hate that once again, I have no idea what it is.

            Napapitlag ako nang may humawak sa braso ko pero nang tumingan ako ay si William lang pala ito. He looked worried. "Okay ka lang ba?"

            Kumapit ako sa kanya pero nakatingin pa rin ako sa poster. There was a woman in it, with curly hair, dressed in old Spanish clothes and something was awfully familiar about her smile. Para bang may alam siya na hindi ko alam.

            "Mi Ingenioso hidalgo..."

            "Mi Dulcinea..."

            Napadiin ang kapit ko kay William nang may marinig na boses sa ulo ko. Akala ko ay hindi na ito babalik pa pero ito na naman. Nagsimula akong makarinig ng mga boses noong nakaraang buwan. A manly voice saying only a few words. But those few words make my heart go crazy.

            "You can do this, lady love."

            "William..." Nanginginig na tinawag ko siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya.

            "Ano 'yon? May naalala ka ba?" He sounded tense.

            I was shaking as he held me.

            "Celine! Answer me... may naaalala ka ba?"

            "Babe lang ba talaga ang tawagan natin?"

            "Oo. Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Baby? Love? Hon?" He asked and I just shook my head. My mind is swimming in confusion. I don't know who owns the voice I keep hearing inside my head. Hindi ko ito sinasabi kay William dahil gusto kong tsaka na ito ikuwento kapag malinaw na sa akin  ang lahat.

            "Halika na. Bumili na tayo ng ticket. Itong The Badboy na lang ang panoorin natin,' anyaya niya. Nagpatianod na lang ako.

            Bumili siya ng ticket at pumasok na agad kami sa sinehan.

            Pangalawang beses pa lang namin itong magsisine. Ang unang beses ay last year pa. Hindi kami talaga madalas lumabas ng bagay kaya nagulat ako nang bigla siyang mag-aya.    "Hey, ang tahimik mo."

            "Just... thinking."

            "Tungkol saan?"

            "Nothing particular naman. Alam mo naman ako, 'di ba? Lagi akong nag-iisip."

            "Okay. The show is starting. Let's watch."

            Hindi ako sumagot dahil iniisip ko pa rin ang boses na narinig ko kanina. It wasn't William, I was sure of that. But who is he? And what role does he play in my life? Tulad ba ng mga panaginip ko tungkol kay Elaine, ay gawa-gawa lang din ng isip ko ang boses na 'yon?

            Kung gano'n ay bakit may kakaiba akong nararamdaman tuwing pumapainlang ang malamyos niyang boses sa aking isipan?

            Bakit tumatahip ng paulit-ulit ang dibdib ko?

            Binilhan ako ni William ng popcorn nang may dumaan at tahimik lang akong naghintay. Maya-maya lang ay umusad na ang palabas. I was reading the words that were flashing on the screen when suddenly, one name caught me.

            Starring Abigail McGuire and Julius September Abrigo

            My headache started again and I gripped on the chair. My chest heaved.

            "Hi! Ikaw pala ang babaeng kinababaliwan ng kaibigan namin. I'm September. Ako ang pinakamabait at tahimik sa aming lahat."

            "Shut up, September. Alam nating hindi 'yan totoo."

            "Insecure ka lang dahil mas guwapo ako sa'yo."

            Nabitiwan ko ang popcorn at napakapit ako sa ulo ko na tumitindi ang pagkirot.

            Umiyak ako at niyakap ako ni William. "Celine! Celine, what is happening?"

            I just cried while I clutched my own head. "It hurts! Make it stop!"

Continue Reading

You'll Also Like

156K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
562K 18.1K 48
Every summer has a story. Every story has a sinner. Monteverde Series 5 Alexiana Callisto Monteverde © All rights reserved. Property of Patyeah (Pa...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.8M 99.1K 39
LEGACY 1 They say that when you wish for something so hard, it will come true. If you really wanted something to happen, then you will just have to...