My Bossy Lady

By MoonLightPurple

4.5M 103K 11.3K

[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sa... More

Prologue
Lady - 1: The Playboy Bachelor
Lady - 2: Hot
Lady - 3: Kung Sana
Lady - 4: Tadhana
Lady - 5: Future Punishment
Lady - 7: For A Moment
Lady - 8: Fear
Lady - 9: Family Day
Lady - 10: Moment of Truth
Lady - 11: The Other Side
Lady - 12: I will always love you
Lady - 13: Vacation Part 1
Lady - 14: Vacation Part 2
Lady - 15: Vacation Part 3
Lady - 16: Date
Lady - 17: Face Off
Lady - 18: Missing You
Lady - 19: Taken
Lady - 20: The Plan
Lady - 21: Butterflies
Lady - 22: So... HOT
Lady - 23: Shock
Lady - 24: The Talk
Lady - 25: Past and Present
Lady - 26: Unexpected
Lady - 27: Turn of Events
Lady - 28: The Consequence of Letting Go
Lady 29: Uncover
Lady - 30: I Will Take You Forever
Epilogue: Charles Inigo Park's Bride
Special Chapter
Next

Lady - 6: Almost

145K 3.7K 402
By MoonLightPurple

A/N: ENJOY READING!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


=======================================


(Ice's P.O.V)


"Mama, malapit na pala yung Family Day namin sa school.", napatingin ako kay Aaron na nakatingin din sa akin.


"Kailan nga ulit yun baby?", tanong ko bago ko pinagpatuloy yung paglalagay ko ng pagkain sa plato niya.


"Sa Friday na po.", Aaron


"Ganun ba? O sige, sa Friday lulutuin ko lahat ng mga paborito mong foods at ipapatikim natin sa mga kaklase mo. And magbe-bake rin ako ng cake.", nakangiting sabi ko na nagpaningning sa mata niya.


"Really mama?", ngiting-ngiti at halatang excited na tanong niya.


Nakangiting tumango ako. "Pero susunod na lang si mama sa Friday ha? Si lola muna ang sasama sa'yo.", napatingin siya sa lola niyang nakangiting nakikinig sa amin. "May tatapusin lang na work si mama then susunod agad ako. Promise."


"Okay mama. Pero mama, sabi ni teacher maghanda raw kami ng performance kasama ang mga daddy namin.", natigilan ako sa sinabing yun ni Aaron.


Performance with their father? Takte. Paano na 'to?


"Ahm anak... di ba pwedeng si mama na lang ang kasama mong mag perform?"


Di sumagot si Aaron, basta nakatingin lamang siya sa akin. At parang sinuntok ng paulit-ulit ang puso ko nang makita kong lumungkot ang mukha niya.


"Mama, bakit po kasi wala akong papa?", nalilitong tanong niya pero kakikitaan pa rin ng lungkot ang mukha niya.


Di ako nakakibo, hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya...


Napatingin ako kay mama na nag-aalalang nakatingin sa akin.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko alam kung paano ipapaliwanag kay Aaron kung bakit wala siyang ama...


Minsan na rin akong tinanong dati ng anak ko kung bakit wala siyang ama pero mabilis kong napalitan yung topic nung panahong yun at di na rin ulit niya ako tinanong tungkol doon. At ngayon nga, heto at tinatanong niya ulit ako pero hindi ko alam kung anong isasagot ko.


"Anak... ano... kasi...", napalunok ako. Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanya kung bakit di namin kasama ang papa niya? Natatakot akong baka masaktan siya pag nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit di namin kasama ang papa niya. Iyon din ang rason kung bakit ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa ama niya. Simula nang dumating si Aaron sa buhay ko, siya na ang naging sentro ng mundo ko. Siya na ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko kaya ayaw ko siyang nasasaktan. Ako na lang ang masaktan, wag lang siya. "Ang papa mo kasi anak... ano... nasa malayong lugar siya."


"Saan po mama?", Aaron


"Basta sa malayong lugar anak... sa malayong-malayong lugar."


"Hindi na ba siya babalik pa mama? Hindi na ba niya tayo babalikan?", Aaron


Ayokong paasahin pa ang anak ko na magkakaroon siya ng papa, na babalikan kami ng papa niya. "Hindi na anak e.", malungkot na sagot ko sa kanya na ikinalungkot din niya. Mabilis ko siyang binuhat at ini-upo sa kandungan ko. "Anak, wag ka ng malungkot. Kahit wala kang papa, andito pa rin naman si mama na mahal na mahal ka. At meron din si lola mo na mahal na mahal ka rin.", sabi ko habang yakap-yakap ko siya. Hindi siya sumagot pero maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang paghikbi niya hanggang sa umiyak na nga siya ng tuluyan. Parang literal namang sinaksak ang puso ko habang umiiyak ang anak ko sa bisig ko.


Di ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang hirap at sakit para sa akin na nakikita ngayon ang anak kong umiiyak at nasasaktan. "Hush... tahan na anak. Tahan na..."


Hindi man sinasabi sa akin ni Aaron pero alam kong gustong-gusto rin niyang magkaroon ng ama kagaya ng ibang mga bata... kagaya ng mga kaibigan niya. Noon pa man, sa tuwing sinusundo ko si Aaron sa school niya, nakikita ko ang lungkot sa mukha niya sa tuwing nakikita niya ang mga kaibigan niyang parehong sinusundo ng mga papa at mama ng mga ito.


Lahat ginagawa ko mapunan ko lang ang hindi niya pagkakaroon ng isang ama. Pero sa tingin ko, kahit anong gawin ko, hindi pa rin magiging sapat yun kaya hinahanap pa rin niya ang papa niya. At kaya siguro hinahanap din niya ang ama niya ay dahil nga nakikita niya mga kaibigan niya na may mga ama pero siya, wala. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit siya, hindi kumpleto ang pamilya niya at mama lang ang meron siya. Ito ang isang bagay na masakit sa isang single parent na kagaya ko. Yung ipaintindi sa bata mo pang anak ang dahilan kung bakit wala siyang kumpletong magulang habang yung mga kakilala niyang ibang mga bata ay meron naman.


Hinalikan ko sa tuktok ng ulo niya si Aaron na umiiyak pa rin sa bisig ko. Balang araw anak, pag nasa tamang edad ka na, ipapaliwanag ko ang lahat-lahat sa'yo. At pagdating ng araw na yun, sana maintindihan at mapatawad mo ako.


*****


Hanggang ngayon, di ko pa rin mapigilang isipin yung nangyari kagabi. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa pag-iyak ng anak ko kagabi. Di ko rin mapigilang isipin kung tama bang sinabi ko sa kanya na hindi na talaga siya babalikan ng ama niya... na hindi na kami babalikan ng ama niya.


Pero kasi... ayoko siyang umasa pa dahil alam kong napaka-imposible ring mangyari pa yun.


"BOSS!", ang malakas na boses na yun ni Chino ang parang nakapagpagising sa akin mula sa pagkakatulala ko.


"H–Huh?"


"Kanina mo pa ako tinititigan e. Alam kong pogi ako pero wag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako.", nakangising sabi niya.


Nakatitig ba ako sa kanya?, tanong ko sa sarili ko.


"Hindi kita tinititigan.", pangtanggi ko kahit di ako siguradong hindi ko nga siya tinitigan.


"Tss. Itatanggi mo pa e huling-huli nga kita. Para kang natulala habang nakatingin sa akin.", may pang-aasar sa tono ng boses niya habang sinasabi yun. "So ano boss, wag mong sabihing naaakit ka ulit sa akin?"


"Sementado talaga yang mukha mo ano? Sobrang kapal kasi.", nakasimangot na sabi ko sa kanya. "At hindi ako naaakit sa'yo dahil walang nakakaakit sa'yo.", pahabol ko pa.


Imbes na mainsulto sa sinabi ko, mas lumawak pa lalo yung pagkakangisi niya. "Sus! Baka gusto mong maghubad ako ngayon sa harapan mo para makita mo ang ibang nakakaakit sa akin maliban sa mukha ko."


Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niya at mukhang napansin niya yun kaya mas napangisi pa siya lalo.


"You look cute when you blush, boss.", panunukso niya. "At wag ka ng mahiya pa boss, ilang ulit mo na rin namang nakita ang katawan ko noon.", hirit pa niya na mas nagpapula sa mukha ko.


"Stop it Charles Inigo! At mahiya ka nga riyan sa mga sinasabi mo!", naiinis na sabi ko.


"Ang katawan kong 'to ay hindi dapat ikinakahiya, baby. Pinagmamalaki ito.", Chino


"Pwes sa akin, ikahiya mo!"


"But why, baby? You used to love my body, remember?", ngising-ngisi na sabi niya at pakiramdam ko, tumaas lahat ng dugo ko sa may mukha ko dahil sa sinabi niya.


Kahit kailan, nakakainit ng ulo talaga 'tong unggoy na 'to! Pati ang mga sinasabi niya, nakaka-high blood!


Sa inis ko, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko saka dumukwang para masapak si Chino. Pero yung unggoy, naka-iwas. Letche!


"Now now, baby. Wag mong saktan yang kaliwang kamay mo. Yan pa naman ang pinaka-importanteng kamay sa akin.", Chino


Kahit naiinis, di ko napigilang malito sa sinabing yun ni Chino. Pinaka-importanteng kamay? Itong kaliwa ko? "At bakit naman daw importante aber?", taas kilay na tanong ko sa kanya.


He showed me his boyish grin. "Because the finger where I would put our wedding ring in the future is in your left hand. BOOM!"


WHAT THE F!


"BASAHIN MO NA NGA LANG YANG MGA DOCUMENTS NA YAN!", sa inis ko ay hindi ko na napigilang sumigaw. At mas nainis pa ako lalo dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang banggitin niya yung salitang 'wedding'. Letcheng pusong 'to! Di makalma! At letcheng unggoy na 'to, ang hilig pumick-up-line! Wedding ring my foot! "HINDING-HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA UNGGOY 'NO!"


"Wanna bet on that?", parang nanghahamong tanong niya habang may nakapaskil pa ring ngisi sa labi niya.


"HEH! BASTA HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA'YO! ITAGA MO PA YAN SA PWET MO!", at bago pa siya makahirit muli, tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at lumabas sa office niya. Rinig ko naman yung pagtawa niya bago ako tuluyang nakalabas sa office niya.


LETCHE SIYA! MADAPA SANA SIYA MAMAYA! KAINIS!






(Chino's P.O.V)


Di ko mapigilang matawa habang nakatingin sa pintuan ng office ko na nilabasan ni Candice. She really looks cute when she's annoyed.


Nangingiti sabay napapa-iling na bumalik na ako sa pagbabasa nung isang company document na binigay sa akin ni Candice kanina. Habang nakatingin sa may dokumento, hindi ko mapigilang isipin kung ano yung prino-problema kanina ni Candice.


She looked so preoccupied earlier that she did not noticed she was staring at me for a long time.


Is it about her boyfriend? I suddenly felt annoyed with that thought. Don't tell me that b-stard is cheating on her?! Damn! Subukan lang ng gagong yun na paiyakin si Candice, sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang lumabas pa siya sa tiyan ng nanay niya!


Napabuntong hininga ako. Gusto ko talagang tanungin kanina si Candince tungkol sa prinoproblema niya pero alam kong hindi rin niya sasabihin at sisigawan lang niya ako. And I'm sure she would just tell me to mind my own business. So I purposely said those words earlier to annoy her and make her stop thinking about that thing bothering her. That was my own way of cheering her up.


I know, it's a weird way of cheering her up but hey, I can't do anything else because that woman hates me. I can't ask her nor touch her. And I don't blame her for hating me because I did a terrible thing to her before.


But if only she gave me the chance to explain myself... I gave out a sigh with that thought.


Kung galit sa akin si Candice dahil sa ginawa ko noon, may hinanakit naman ako sa kanya dahil sa bigla niyang paglayo at pag-alis pagkatapos niyang makipaghiwalay sa akin. Alam kong nasaktan ko siya pero sana binigyan niya ako ng pagkakataong makapagpaliwanag.


And Annica. She should not have interfered with us. Kung hindi siya nakialam, baka hindi nangyari lahat ng yun. But in the first place, I should not have accepted that stupid bet!


Damn me and my stupid pride!


Kinuha ko yung wallet ko at nilabas doon ang isang litrato – ang litrato ni Candice. Noon pa man, sobrang ganda na niya kahit may suot-suot pa siyang glasses.


Because of my stupid pride, I lost you... Now, I became your most hated person.


But for me, I still love her up until. But I'm scared to tell her that. I know it sounds gay but I am really afraid to tell her about my real feelings because I'm scared she would just reject me.


Pagkatapos ng lahat ng nangyari noon, alam kong hinding-hindi na niya ako paniniwalaan pa ulit. Kaya nga yung totoong mga nararamdaman ko sa kanya, dinadaan ko na lang sa mga pang-aasar ko. Hindi man yun ang pinakamagandang paraan pero at least, nasasabi ko sa kanya yung mga totoong nararamdaman ko para sa kanya kahit iniisip niyang inaasar ko lamang siya. At sa pang-aasar ko rin, pinapansin niya ako. Mas maganda na yun kesa sa hindi na niya talaga ako pansinin.


Tangama! Kung hindi ko lang talaga kasi tinanggap yung bet na yun...


Damn! One mistake and I'm gonna pay for it for the rest of my life.


Yung galit kasi sa akin ni Candice, parang sobra-sobra sa puntong parang wala ng pag-asang mapatawad pa niya ako. Kaya nga atat na atat siyang matapos na 'tong training niya sa akin para makaalis na siya.


Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko habang iniisip na wala na talagang pag-asang mapatawad pa ako ni Candice sa nagawa ko noon.


*****


Nang mag 4:30 na ng hapon, naghanda na ako para umalis. Kailangan ko ng pumunta sa eskwelahan ni Chelsie para sunduin siya.


"Is Candice still in her office?", tanong ko kay Gianna paglabas ko ng opisina ko.


"Wala na po, sir. Kanina pa po umalis si ma'am.", Gianna


"Is that so?"


"Yes sir.", Gianna


"Okay then, goodbye."


"Goodbye, sir.", Gianna


Pagbaba ko sa may parking lot ay mabilis akong sumakay sa kotse ko at dumiretso sa eskwelahan ni Chelsie. Pagdating ko sa St. Angels Academy, halos lahat ng mga babae ay sa akin nakatingin.


"Oh gosh! Di ba siya si Chino?"


"Oo nga! Ang gwapo niya sa personal!"


"Sobra! Ang gwapo niya nung mag guest siya sa Ladies Guide, pero mas ten times gwapo pala siya sa personal!"


"Pwede kayang magpa-picture sa kanya?"


"Anong ginagawa niya rito?"


"May susunduin din ba siya?"


"Anak niya?"


"NO! HINDI PWEDE! WALA SIYANG ANAK 'NO! WALA PA DAHIL HINDI PA NIYA AKO NIYAYAYANG MAGPAKASAL!"


"Sige, ambisyon pa more!"


"Tse!"


"Pero yung totoo, anong ginagawa niya rito?"


"Susunduin niya ang pamangkin niya. Dito kasi nag-aaral yung anak ng ate niya."


Woah! How did they know that? Ganun ba nila inimbestigahan ang family background ko at nalaman nila ang tungkol dun? Damn! These women are scary sometimes.


"TITO CHINO!", napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Chelsie na patakbong lumalapit sa akin.


Nakangiting binuhat ko siya nang tuluyan siyang makalapit sa akin. "Hey Chelsie. Did you miss me?"


"Of course tito!", she answered while smiling widely.


"I missed you too, sweetheart.", I said then kissed her chubby cheek. "Let's go?"


"Wait tito! We can't leave yet.", Chelsie


My forehead creased. "Why not? May naiwan ka ba sa classroom ninyo?"


She shook her head. "Wala po tito but I can't leave my friend.", she said.


"Your friend?"


"I'll introduce you to him.", nakangiting sabi niya bago bumaba mula sa pagkakabuhat ko sa kanya.


Wait! Did she just said him? So her friend is a boy?


"Tito!", napatingin ulit ako sa may direksyon ni Chelsie na ngayon ay may hila-hilang isang batang lalaki. "Tito, this is Aaron; my boyfriend!"


WHAT THE F-CK?! BOYFRIEND?! "Chelsie, you can't have a boyfriend. You're still too young to have one."


"But mommy said it's okay.", Chelsie


WHAT THE! What the hell is ate Cheska thinking?! Anong okay lang na pwedeng magka-boyfriend si Chelsie?!


Napatingin ako sa 'boyfriend' ng pamangkin ko na nakatitig lang sa akin. Di ko maintindihan pero parang nakikita ko sa kanya si Candice habang nakatitig siya sa akin.


"Don't misunderstand what Chelsie said. What he meant by boyfriend is a friend who is a boy.", he said.


Damn! Smart kid.


"Yes tito, that's what I meant.", Chelsie


"So, what's your name little man?", I asked the boy who is still staring at me.


"Aaron.", he answered.


My eyebrow arched. "Aaron huh?", that name somehow annoyed me. Kapangalan pa niya yung gagong boyfriend ni Candice.


"Wala pa ba ang sundo mo?", tanong ko ulit sa kanya.


"Wala pa po. Pero baka papunta na rin ang mama ko.", Aaron


"Tito, hintayin muna nating dumating ang mama ni Aaron bago tayo umalis. We can't leave him here alone.", Chelsie


Napatingin ako kay Chelsie na nakalabi pa habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako. Guess we're still staying. I can't say 'no' to my cute little niece.


"Okay, but we'll wait outside the gate.", binuhat ko na silang dalawa saka naglakad paalis. Napansin ko kasing palapit sa amin yung ibang mga babae. Baka magkagulo pa, madamay pa 'tong dalawang bata.


"So what does your mom do for a living, Aaron?", tanong ko sa kanya habang nasa may tapat kami ng kotse ko.


"She owns a bakery shop but she also works in a tall building.", napangiti ako sa huling sinabi niya.


She works in a tall building huh?


"How about your father?"


He did not answer but my eyes widened when I saw him got teary eyed. Wait! Sh-t! Is he gonna cry?! And he did cry.


Oh sh-t! What did I do?! Did I say something wrong?!


"Tito, why did you make Aaron cry?", nakapamewang pang tanong sa akin ni Chelsie.


"I did not.", depensa ko.


"Bad tito.", Chelsie


"Chelsie, stop it. I did not make him cry."


"Tch, tch, tch.", iiling-iling pa siya.


Ah sh-t! Binuhat ko na si Aaron. "Hey... stop crying...", pang-aalo ko sa kanya. Tangama! Baka isipin pa ng iba, binubully ko ang isang bata. "C'mon, stop crying now... Did I say something wrong? I'm sorry if I did."


"I–I don't have a p–papa...", he sniffed. "A–And I w–won't ever h–have one bec–bec–because he will never come back for me and my mama.", he said.


I was dumbfounded by what I heard. He's still too young to experience this kinds of things.


Kawawang bata. Kung sino man yung ama ni Aaron, isa siyang napakalaking tarantado para iwan ang anak at asawa niya.


"Hey... hey... c'mon, stop crying..."


Medyo matagal-tagal din bago ko siya napatahan. Si Chelsie naman, nakapamewang pa rin habang nakatingin sa akin. Iiling-iling pa siya na para bang ako talaga ang nagpa-iyak sa kaibigan niya. Ang kulit din ng batang 'to.


Buhat-buhat ko pa rin si Aaron na nakayakap sa akin. Hindi na siya umiiyak pero mukhang gusto pa niyang binubuhat ko siya kaya di ko muna siya binaba.


"Aaron?"


Napalingon ako nang marinig ko ang isang boses ng babae na tumawag kay Aaron. Baka ang mama na niya.






(Ice's P.O.V)


"Ma'am, pasensya na po kung naabala pa po namin kayo.", paghingi ng paumanhin sa akin ni Eliza na siyang ginawa kong in-charge muna rito sa Sweet Haven habang nagtratrabaho pa rin ako sa ParkCom.


Tumawag kasi siya sa akin kanina at sinabing medyo nagkaroon ng kaunting aberya dito kaya dito ako dumiretso pagkaalis ko sa BSM mall. Bumili kasi ako ng costume ng anak ko para sa Family Day performance nila. At sa St. Angels Academy na nga ako papunta nang biglang tumawag sa akin si Eliza at sinabing nagkaroon ng aberya rito. Kaya imbes na sa Academy ako dumiretso, dito ako pumunta. Tinawagan ko na lamang si Joy para ipasundo si Aaron sa kanya.


Speaking of Joy, nasundo na kaya niya si Aaron?


"Okay lang Eliza. Basta pag may problema, tawagan mo lang ako.", habilin ko sa kanya.


"Opo ma'am.", Eliza


Nginitian ko siya bago lumabas sa may shop ko para tawagan si Joy. "Hello Joy? Kasama mo na ba si Aaron?", tanong ko sa kanya nang sagutin niya yung tawag ko.


["Oo, papunta na kami sa inyo. Andun ka na ba?"], Joy


"Andito pa ako sa shop pero uuwi na rin ako."


["O sige, kita na lang tayo sa inyo. Ikwe-ikwento ko yung nangyari kanina sa school nina Aaron."], aniya na nagpakunot ng noo ko.


"Nangyari? Anong nangyari? Nasaktan ba siya? May masama bang nangyari sa kanya?", nag-aalalang tanong ko.


["Wala insan, don't worry. Pero ikwe-ikwento ko sa'yo yung gwapong tito ng friend niya na kasa-kasama niya kanina."], Joy


"Gwapong tito?"


["Oo! Grabe! Sobrang gwapo niya. Actually, familiar nga ang mukha niya. Alam ko nakita ko na siya e kaso hindi ko matandaan kung saan. Kahit yung pangalan niya nakalimutan ko. Di ko rin kasi natanong kanina dahil nagmamadali 'tong mga anak ko na makauwi na agad para makalaro na raw nila si Aaron."], Joy


"Naku Joy, nag-uulyanin ka na.", pabirong sabi ko sa kanya.


["Tse! Sige na, kita na lang tayo sa bahay niyo. Bye."], Joy


"Sige, bye."


Pagbaba ko ng phone ko, di ko maiwasang isipin yung sinabi ni Joy. Gwapong lalaki? Sino kaya yung tinutukoy ni Joy?


At bakit kasama niya ang anak ko?



=======================================


Share your thoughts :)


Medyo inspired sa dramatic ending na nangyari sa Miss Universe HAHAHAHAHA! XD PEACE V^__^V


MERRY CHRISTMAS EVERYONE! :)


©2015 MoonLightPurple








Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.7K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3M 85K 33
|R-18| Will it be a sin to fall in love with a Sin? He is sinful. A walking sin. He took me by force. He wanted his ways on me. He imprisoned me in s...
104K 495 19
If you want or seeking for some stories na TAGUAN NG ANAK, Check out this stories and read! Hope you like it:)
2M 71.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...