The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

43: In between

3.6M 90.8K 62.9K
By blue_maiden

Ang lambot ng labi niya...

Ni Jeydon...

Hala!

Bumukas agad 'yong mga mata ko. Wala na ako sa secret house, wala na si Jeydon. Nasa isang malaking kwarto ako tapos hindi na gabi, umaga na. Panaginip lang ba 'yon?

Pinagmasdan ko 'yong kwarto, mukhang kwarto 'yon ng hotel na tinuluyan namin kahapon. Tumayo agad ako sa kama tapos pumunta ako sa salamin. Nag-iba na 'yong suot ko, ano bang nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala?

'Yong naalala ko lang kagabi, nasa secret house ako tapos kasama ko si Jeydon, tapos...

Hala! AMP. Nag-kiss ba talaga kami? Parang totoong-totoo kasi 'yon, e.

"Candice!"

Pagtingin ko sa pintuan, nakita ko si Marky, mukhang alalang-alala.

"Okay ka lang ba?" Lumapit siya sa 'kin tsaka niya hinawakan 'yong braso ko.

"Oo, okay lang naman ako."

"Alalang-alala ako sa 'yo. Saan ka ba pumunta kagabi?" Hindi niya ba alam? Akala ko naman, sasabihin ni Stacey.

"Doon sa may secret house... Ano bang nangyari kagabi? Wala kasi akong masyadong maalala, e."

"Nawala ka kasi kagabi. Ang lakas ng ulan kaya hinanap ka namin."

"Ah, gano'n ba? Sorry." Napayuko na lang ako. Nakakahiya kasi, pinag-alala ko pa sila. Hindi ko naman akalaing mapapahamak ako ro'n.

"Okay lang. Tara sa baba? Kumain ka na para makauwi na tayo." Tumalikod na siya sa 'kin pero pinigilan ko siya. Kung nag-overnight ako roon, paano sina Mama? Baka nag-aalala na 'yon!

"Sinabi mo ba kina Mama?"

"Haha! Ikaw talaga, oo naman. Kung hindi ko sinabi, malamang sinugod na tayo ng kuya mo." Sabagay, baka kagabi pa ako pinuntahan no'n.

"Marky, paano nga pala ako nakabalik dito?"

Hindi siya tumingin sa 'kin. Parang nairita siya sa tinanong ko. Bakit kaya?

"Dinala ka ni Jaydee pabalik... Tara?" Hinila na niya ako palabas ng kwarto. Kung si Jeydon nga talaga 'yong nagdala sa 'kin sa room, totoo nga talagang magkasama kami kagabi sa secret house. Kaso 'yong kiss, totoo ba 'yon? Baka kasi imagination ko lang, e. Napahawak ako sa labi ko. Sheteng kalabaw! Totoo talaga 'yon, e. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko no'n, tapos parang huminto ang lahat ng nasa paligid namin. Feeling ko, first kiss ko 'yon, e. Kaso bakit naman ako hahalikan ng abnormal na 'yon? Kapag naiisip ko pa rin 'yon, parang may kung ano akong nararamdaman. Hays! Kainis naman, kailangan tanungin ko si Jeydon kung bakit niya ako hinalikan. Trip lang ba niya 'yon?

"Candice?"

Bigla akong natauhan sa boses ni Marky, nasa baba na pala kami ng hotel. Hindi ko man lang napansin kakaisip sa nangyari kagabi. Hays.

"Okay ka lang ba?"

"Ha? Hehe, oo. Gutom lang siguro ako." Nakakahiya naman, si Marky 'yong kasama ko pero si Jeydon naman ang naiisip ko.

"Ikaw talaga. Tara, kain na tayo. Baka hinahanap ka na no'n ni Charles."

"Waaah! Oo nga pala!"

"Kaya bilisan na natin." Hinila na naman niya ako papunta ro'n sa table na puno ng pagkain. Ang lambot ng kamay ni Marky. "Kumain ka na."

Kumain na lang ako nang kumain. Ang daming pagkain, e, gutom na gutom na ako. Hindi pa yata ako nakakain kagabi. Bakit kaya hindi sinabi ni Stacey na nasa secret house ako? Tsaka bakit hindi niya ako binalikan? Hindi naman niya siguro 'yon sinadya.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yong nangyari. Nag-kiss kami ni Jeydon. Nag-kiss. Huhu! hindi ko naisip na magki-kiss kaming dalawa. Kaso bakit gano'n? Noong hinalikan niya ako, hindi man lang ako umiwas, hindi ko man lang siya itinulak. Parang lumabas tuloy na gusto ko rin. Hala! Hindi, 'no?! Kasi naman, 'yong mga mata ng lalaking 'yon ang ganda tapos parang tinatawag ako. Hindi pa rin talaga ako maka-get over do'n.

"Candice, kanina ka pa wala sa sarili mo, may nangyari ba sa inyo kagabi ni Jeydon?"

"Wala!"

Nagulat si Marky sa sagot ko. Bakit kasi ang defensive naman masyado ng reaksyon ko. Wala naman talagang nangyari, 'di ba?

"Ah, gano'n ba? Mabuti naman."

Nakakahiya na talaga 'yong mga pinaggagawa ko sa harap ni Marky. Mamaya, ma-weirdo-han na siya sa 'kin. Huhu! Pambihira naman kasing Doraemon na 'yon, e, ano ba kasing ginawa sa 'kin kagabi? Halikan daw ba ako? Huwag niyang sabihing trip niya lang 'yon, ha? Huhu! Nauna pa ako magka-kiss kesa magka-boyfriend, nakakahiya ako. Dapat bigyan niya ako ng magandang dahilan kung bakit niya ako hinalikan. Speaking of, nasaan na nga pala siya? Tsaka si Stacey?

"Wala na si Jeydon." Parang nabasa ni Marky 'yong nasa isip ko.

"Ha? Bakit hindi nila tayo hinintay?"

"Ang taas kasi ng lagnat ni Jaydee kagabi kaya sinundo na siya ni Baron kagabi pa. Sumama na si Stacey." Naalala ko nga noong hinawakan ko siya, ang init niya.

"Ah, gano'n ba?"

"Kumain ka nang marami, ah, para makauwi na tayo."

May sakit na naman si Jeydon. Dahil na naman sa 'kin kaya napahamak 'yong abnormal na 'yon. Nakakainins naman, ang dami ko nang utang sa kanya. Bakit ba kasi palagi na lang niya akong inililigtas? Siya pa tuloy 'yong napapahamak. Kumusta na kaya siya? Okay na ba siya? At bakit ba ako nag-aalala nang ganoon sa Jeydon na 'yon? Hays, feeling ko, may sakit din yata ako. Kung anu-ano ang naiisip ko.

Pagkatapos naming kumain, inayos na namin ni Marky 'yong gamit namin tsaka kami umalis ng Tagaytay. Nakakabitin naman 'yong date namin ni Marky, kulang 'yong isang araw.

"Candice, nag-enjoy ka ba sa date natin?"

"Oo, naman. Sobra... Marky, thank you, ah, kasi inaya mo ako ro'n."

"Wala 'yon. Masaya ako na nag-enjoy ka." Kahit hindi siya nakatingin sa 'kin kasi nagda-drive siya, kita ko pa rin sa mukha niya na parang malungkot siya. Bakit kaya? Hindi ba siya masaya? dahil kaya sa mga ka-weirdo-han ko?

"Marky, bakit malungkot ka. Hindi ka ba masaya?"

Finally, tumingin na siya sa 'kin. Ngumiti na rin siya sa 'kin. Hinawakan ng isa niyang kamay 'yong kamay ko. Waaaah! Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Makasama lang kita, masaya na ako."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko, namumula na naman 'yong pisngi ko. Bakit ang cheesy niya, 'no? Palagi na lang niya akong pinapakilig. Alam na alam niya ang kiliti ng mga babae. Ngumiti lang ako sa kanya, hindi ko alam 'yong sasabihin ko, e. Ginulo niya 'yong buhok ko tsaka siya tumawa. Hala? Nakakatawa ba ako? Huhu.

"Matulog ka na. Gigisingin na lang kita pagdating natin sa inyo."

Natulog na lang talaga ako. Antok pa rin naman ako, e. Mas okay na 'yon, baka kung anu-ano na namang nakakahiya ang gawin ko sa harap ni Marky, e.

Pagdilat ko ng mga mata ko matapos ang masarap na tulog, nakita ko agad si Marky na nakatingin sa 'kin. Oh, my!

"Ba-bakit ka nakatingin sa-sa 'kin?" Huhu, sana hindi ako tulo-laway kanina, nakakahiya 'yon.

"Ang ganda mo kasi, e."

Ha? Maganda raw? Weh. "Haha, baliw ka talaga! Tara na nga, lang baka hinahanap na tayo nina Mama."

Gusto ko nang bumaba, e. Gusto kong tingnan, baka may panis na laway sa bibig ko. Kaso bago ko pa mabuksan 'yong pintuan ng kotse, hinila naman ako ni Marky pabalik tapos... niyakap niya ako.

"Candice, pwede bang akin ka na lang?"

Nanlaki 'yong mga mata ko sa sinabi niya. Ano ba 'tong ginagawa ni Marky, niyakap na ako tapos tatanungin pa ako kung pwede raw bang sa kanya na ako. Huhu! Grabe na 'to!

"Marky, ano bang sinasabi mo?"

Hinarap na niya ako sa kanya. Pfft! Feeling ko, namumula na naman ako kasi ang init ng pisngi ko.

"Candice, I like you. Minsan lang ako magkagusto nang ganito kaya gusto ko, sa 'kin ka lang."

"Ha? Ano... sa 'yo lang ako? Gusto mo akong maging girlfriend?" Hala, nakakahiya. 'Yon nga ba ang ibig sabihin niya? Hindi ko naman kasi alam, e. Wala akong alam pagdating sa ganoon. Mahilig akong magbasa ng romantic books pero iba pala kapag nangyari na talaga sa 'yo sa totoong buhay. Huhu!

"Yes, I want you to be my girlfriend."

"E, kasi bawal pa, e." Napayuko na lang ako. E, bawal pa naman kasi talaga, e. Lagot ako kay Kuya Charles tsaka isa pa, dapat mahal n'yo muna ang isa't isa bago maging kayo, 'di ba? E, gusto pa lang naman niya ako, gano'n din ako. Gusto ko pa lang si Marky pero hindi ko pa siya mahal. At hindi ko pa alam kung paano magmahal! Huhu.

Napasandal siya sa upuan niya tapos napangiti siya.

"Haha! Oo nga pala... sorry..." Humarap siya sa 'kin, nakatingin lang siya. Hala? Na-conscious naman ako bigla ro'n.

"Sorry, nagiging selfish na naman ako. Okay then, sisiguraduhin ko na lang na hindi ka niya maaagaw sa 'kin." Kumindat siya sa 'kin.

"Sinong aagaw sa 'kin?"

"Ang manhid mo talaga, Candice."

Hala! Naging manhid pa tuloy ako. Ano ba kasing sinasabi niya? Ang gulo niya.

"Hindi naman, e. ewan ko sa 'yo, Marky."

Ngumiti na naman siya sa 'kin tapos inilapit niya ako sa kanya at niyakap ulit ako.

"Thank you for making me happy, Candice."

Binitawan niya ako tapos hinawakan niya 'yong kamay ko. OMG! Bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak.

"Candice!"

"Mahihirapan din pala ako sa kuya mo. Haha! Napakahirap mo talagang makuha."

Hindi ko na pinansin 'yong sinabi ni Marky. 'Yon kasing si Kuya, ang sama ng tingin sa 'min. Nakita kaya niyang magkayakap kami ni Marky?

"Bakit ngayon lang kayo, ha? Tsaka nasaan sina Jeydon? Bakit kayong dalawa lang diyan, ha?"

"Hoy, Tanda! Mag-relax ka nga, baka atakihin ka ng rayuma mo. Umuwi na si Jeydon, may sakit, e."

Naningkit 'yong mga mata niya sa 'min. "Candice, pumasok ka na."

"Ikaw, Marky, gusto mo bang pumasok muna sa loob?"

"Hindi na, magpapahinga na lang din ako sa bahay. See you on Monday."

"Ah, sige—" Kakausapin ko pa sana si Marky kaso naalala ko nga palang may asungot sa tabi namin.

"Ehem! Baka sabihin n'yong nakakaistorbo ako sa inyo?"

"Oo, nag-uusap pa kami ni Candice, e."

"Ulol! Sasamahan mo pa ako. Kukunin ko na 'yong kotseng sinasabi mo. Candice, bumaba ka na riyan! Pumasok ka na sa loob, bilis!" Kung makapag-utos talaga siya. Hay, naku kahit kailan talaga 'yong si Kuya.

"Oo na! Sige, Marky, ingat ka. Salamat ulit!"

Hindi pa nga ako nakakababa hinila na agad ako ni Kuya palabas. Pambihira talaga, o! Kinuha ko na lang 'yong gamit ko tapos pumasok na ako sa loob. Excited siya masyado sa kotse niya. Mukha na siyang kotse, e.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nakaabang na agad sa 'kin si Mama tsaka si Yaya.

"Baby, kumusta? Anong nangyari? Hindi ka ba kumain nang malakas sa harap ni Marky? Ano?"

"Mama! Isa-isa lang po, isa lang ang bibig ko, o."

Nagtawanan kaming tatlo nina Mama. Para talagang teenager si Mama, e, mas excited pa yata siya kesa sa 'kin. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nag-kiss kami ni Jeydon? Jusko. Wala akong balak na sabihin, baka magwala pa siya, e. Hindi sa galit kundi sa tuwa. Ganyan 'yang si Mama, e.

Mga isang oras siguro kaming nagkwentuhan nina Mama about sa nangyari kahapon. Paano kasi, kada kwento ko, magre-react muna si Mama. Kaya natagalan kaming tatlo kakakwento. Sakto ngang dumating si Troy. Buti na lang, kundi, baka bukas pa kami matapos nina Mama. Pagkarating niya, iniwan niya kami sa sala kasi magluluto na raw sila ni Yaya ng tanghalian namin.

"Nasaan na sina Ginno? May practice tayo ngayon, 'di ba?"

"Wala si Jeydon, e. Kumusta ang date n'yo?"

Kumusta na kaya 'yong abnormal na 'yon? Hmp, matagal namang mamatay ang masamang damo kaya for sure, okay lang 'yon.

"Okay lang naman, kayo?"

"Magkwento ka nga, may nangyari bang maganda sa inyo kahapon?"

Anyare? Bakit nag-change topic si Troy? Ano kayang nangyari sa date nila ni Ate Jaycee?

"Nag-horseback riding kami, nag-rollerskate tapos pasyal-pasyal lang."

"Weh? 'Yon lang?" Nakangisi siya sa 'kin na para bang may iniisip siyang kalokohan. Baliw talaga 'yon! Hindi naman pwedeng alam niyang nag-kiss kami ni Jeydon, e.

"Oo. Bakit, ano na namang nasa isip mo, ha?"

"Wala nakakapagtaka lang kasi sabi ni Baron, basang-basa kagabi si Jeydon. Ayan tuloy, ang taas ng lagnat ngayon. Hmm... bakit kaya, 'no? May alam ka ba ro'n, Candice?"

"Ha? Wala, 'no?!" Lintek, naging defensive na naman ako.

"Sabi nga nila, ang isda, nahuhuli sa bibig niya."

Hala, line ko 'yon, ah! Bad trip naman kasi, wala naman kasi talagang nangyari. As in, wala. Nag-kiss lang kami. Oo, nag-kiss kami.

"Tumigil ka nga... ano... okay na ba... si... ano, okay na?" Hindi ko masabi nang diretso. Tatanungin ko lang naman kung okay na si Jeydon. Baka kasi mag-isip ng malisya si Troy, e.

"Okay na si Jeydon? Naku, simpleng tanong lang hindi mo pa masabi sa 'kin. Haha! Hindi, may sakit pa siya, e. Gusto mo, sama ka sa 'kin? Pupunta ako ngayon sa kanila, e."

Huwag na. Bakit naman ako sasama? Magiging okay din siya. Kaso kung iisipin, dahil naman sa 'kin kaya siya nagkasakit, e, kaya siya napahamak ulit. Hays, kailangang alagaan ko 'yong baliw na 'yon. Kasalanan ko naman 'yon, e. Mamaya, ayaw na namang uminom ng gamot no'n. Ang arte-arte pa naman ng lalaking 'yon. Kahit magpapasok sa kwarto niya, ayaw niya. Oo pala, hindi 'yon nagpapasok sa kwarto niya! Sino kayang nag-aalaga sa kanya? Nando'n kaya si Ate Jaycee? Nag-alala tuloy ako bigla.

"Sige, sama ako. Teka, magpapaalam na ako kay Mama."

Pinakain muna kami ni Mama ng lunch sa bahay tapos umalis na rin kami ni Troy. Naglakad lang kami kasi malapit lang naman sa 'min 'yong bahay, este, mansyon nina Jeydon. Parang kinabahan ulit akong bumalik sa bahay—ay, oo nga pala—mansion nila. Ang totoo talaga, kinabahan ako sa sasabihin ni Jeydon about do'n sa kiss namin. Waaaah! Naisip ko na naman... 'yong labi niya.

"Good morning, Sir Troy, Miss Candice. Dadalawin n'yo po ba si Young Master?" Sumalubong sa 'min si Sunny, yong apo ni Grandma. Ang cute talaga ng pisngi niya, parang siopao.

"Oo, Sunny. Nasaan ba siya?"

"E, nasa kwarto po, e. Ayaw nga pong magpapasok. Si Master Dave pa lang po 'yong nakapasok doon tsaka 'yong private doctor kanina."

"Ah, gano'n ba? Sige papasok na lang kami ro'n, akong bahala." Kumindat siya kay Sunny, Parang kinilig naman tuloy si Sunny. Hmp! Womanizer!

Ang bilis lang naming nakapunta sa kwarto ni Jeydon. Aba, hindi kami naligaw, ah. Mukhang kabisado na ni Troy ang papunta sa kwarto ni Jeydon. Nakapasok na kaya siya sa loob? Siguro.

"Pasok ka na."

"Ha? Ako lang?"

"Oo! Kahit kami, bawal pumasok diyan."

Waaah! Sinungaling! Ayaw lang niyang mabugahan ng apoy kapag nagalit si Jeydon.

"Weh? Maniwala? Bakit alam mo ang papunta rito?"

"Kita mo 'yong sumunod na pinto? Diyan kami lagi tumatambay na tatlo pero hindi pa kami nakapasok sa loob ng kwarto niya."

So ibig sabihin, nauna pa akong nakapasok sa kanila sa kwarto ni Jeydon? Buti pala talaga, buhay pa ako nang lumabas ako sa kwarto niya.

"E, bawal din ako riyan! Next time na lang kaya tayo dumalaw kapag lumabas siya? Hehe..."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Huwag mo nga akong lokohin. Nakapasok ka na riyan, e. Pasok na! Tsk."

Hinila niya ako, binuksan niya 'yong pintuan. Waaah! Dapat naka-lock 'yon, 'di ba? Tinulak ako ni Troy bigla papasok sa loob. Waaaa! No! Huwag po! Ayoko pang mamatay. Huhu. Binuksan ko 'yong pinto mula sa loob pero ayaw nang pumihit. Ano 'yon, pwedeng i-lock sa labas? Baliw ka, Troy! Anong ginawa mo! Humanda ka lang talaga sa 'kin.

"Sino 'yan?"

Napalunok ako. Gising siya? Bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko.

"Uhm... ano... kasi..."

"Come here."

Hala, lapit daw ako? Bubugahan kaya ako ng apoy ng dragong 'to? Tsaka mukhang seryoso 'yong boses niya. Oo nga pala, may sakit siya kaya abnormal na naman 'yong ugaling meron siya. Natakot ako, dalawa lang kami tapos as usual, medyo madilim.

"Ang bagal mo."

"Ha? Oo, ito na!" Lumapit ako sa kama niya. Napaupo siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Huhu!

"Bakit nandito ka?"

"Ah, ano kasi..." Anong idadahilan ko? Ayoko ngang sabihing nandoon ako para dalawin siya kasi nag-alala ako sa kanya. No way, 'no?

"Miss mo na ako, 'no?" Kita ko pa rin 'yong mukha niya dahil do'n sa bedside lamp. Nakangisi siya sa 'kin. Tss! Akala ko ba, may sakit siya? Parang ang loko pa rin niya. Dapat makaisip ako ng dahilan.

"Ha? Hindi, ah! Kasi ano... may practice kasi tayo, 'di ba? Oo, 'yon! Kaya dinalaw ka namin ni Troy kasi kailangan ka namin bukas."

"Kailangan mo ako?"

"Hoy, hindi! Sabi ko, kailangan ka namin! May sakit ka ba talaga? Parang wala naman."

"Meron, ah!" Kinuha niya 'yong kamay ko. May kuryente yatang dumaloy sa buong katawan ko noong hinawakan niya 'yong kamay ko. Niligay niya sa leeg niya 'yong kamay ko. Ouch! Ang init nga niya.

"See?"

"Tsk! Bakit kasi nagpaulan ka pa? May payong naman. Tsaka bakit kasi hinanap mo pa ako?"

"Wow, thank you, ah, kasi hinanap kita kaya ako nagkasakit." Ang lakas talagang magpa-guilty ng lalaking 'yon.

"Oo na. Thank you. Tsaka sorry kasi dahil sa 'kin kaya nagkasakit ka na naman." Napayuko na lang ako.

"Okay lang, aalagaan mo naman ako ngayon, 'di ba?" Nakangisi na naman siya sa 'kin. Magiging nurse na naman niya ako? Pambihira talaga.

"Oo na. Ano pa nga bang magagawa ko? Ako naman ang may kasalanan kaya ka nagkasakit."

"Painumin mo na lang ako ng gamot tapos matutulog na ako." Ay, talaga? 'Yon lang ang gagawin ko? Wahaha! Ayos 'yon, ah!

"Okay! Teka." Kinuha ko agad 'yong gamot niya at 'yong tubig na nasa bedside table. Kaso nakatanga lang siya noong binigay ko sa kanya 'yong gamot. Oo nga pala! Kailangan sa kanya, sapilitan kapag papainumin ng gamot.

Hinawakan ko 'yong mukha niya tapos nilagay ko agad 'yong gamot at pinainom ko na siya ng tubig. Naubo-ubo pa siya.

"Wala ka talagang kwenta, wala ka man lang care mag-alaga, e."

"E, hindi naman kasi ako nurse, 'di ba?"

"Tss. Makatulog na nga lang." Pahiga na siya pero...

"Teka!" Pinigilan ko siya. Hala? Bakit ko 'yon ginawa?

"Bakit?"

Kasi nga pala 'yong sa ano... itatanong ko pala sa kanya. "Kasi ano... 'yong kagabi... ano kasi... Uhm..." Huhu! Hindi nag-function nang maayos 'yong brain cells ko. Ano ba 'yong sinabi ko?

"Ano, 'yong hinalikan mo ako?"

"Ano?!"

"Oo. 'Di ba, hinalikan mo ako kagabi?"

"Ang kapal mo! Hindi ako 'yong humalik sa 'yo! Ikaw kaya! Ikaw 'yong lumapit sa 'kin!" Ang kapal niya! Bakit ko naman siya hahalikan? Huhu, pero confirmed na nga talagang nag-kiss kami. Waaah!

"Hindi, ah. Ikaw 'yon. You kissed me."

"Hindi kaya! Baliw ka ba? Bakit mo ako hinalikan, ha? Bakit?" Kumuha ako ng unan tapos pinalo ko siya. Wala akong pakialm kahit may sakit siya. Bigyan niya ako ng matinong sagot!

"E, sa gusto kitang halikan, e."

Shete. 'Yon na lang ang nasabi ko. Dapat magalit ako, 'di ba, kasi hinalikan niya ako? Hindi ko naman siya boyfriend. Kaso parang hindi ko naman kayang magalit. Ano bang nangyayari sa 'kin? Kasi naman, e, ang sarap pala niyang halikan, ang lambot ng labi niya. Waaaa! Leche, ang landi ko! Ano bang iniisip ko. Huhu! Umiwas ako ng tingin kay Jeydon. Nailang ako bigla. Dapat nagwawala na ako, e, dapat galit na galit na ako.

"Sorry, galit ka ba?"

"Ha? Ano... Oo, siyempre! Bakit mo ako hinalikan, ha? Hindi naman kita boyfriend... pero ano... tapos na 'yon, kalimutan na lang natin."

Tumawa siya nang kaunti tapos nakatingin lang siya sa 'kin.

"I enjoyed that kiss, Candice..."

Tumaas 'yong balahibo ko sa sinabi niya. Nag-enjoy siya? Tapos... ano 'yong tinawag niya sa 'kin? Tinawag niya ba ako sa pangalan ko? Noon pa lang niya ako tinawag na Candice, e.

Naiwan lang akong nakatulala, nakahiga na pala ulit siya tapos natulog na. Napahawak ako sa dibdib ko. What the hell did I just hear?

"I enjoyed that kiss, Candice..."

Shete. Parang nag-echo siya sa utak ko. Iba na talaga 'yong nararamdaman ko. Bakit kasi ganoon? Meron ding kung sino o kung ano na nagsasabi sa 'king nag-enjoy din ako sa kiss na 'yon. Waaaah! OMG! Kasi kung hindi, bakit hindi ako umiwas? Bakit hindi ko siya itinulak palayo noong papalapit na siya sa 'kin? Bakit naiisip ko pa rin 'yong kiss na 'yon? Ayokong magpaka-plastic. Oo, ginusto ko rin talaga 'yong kiss na 'yon.

Kaso bakit?

Pinagmasdan ko si Jeydon habang natutulog siya. Ang amo-amo ng mukha niya. Para siyang anghel, e. Napangiti tuloy ako. Ang gwapo mo pala, Jeydon, kapag tulog, 'no? Sana lagi ka na lang tulog.

Bakit ganoon? Hindi ko napigilang tingnan siya. Hindi ko maialis 'yong tingin ko sa kanya. Pwede na naman akong umalis kasi tulog na siya pero may nagtutulak pa rin sa 'king samahan ko siya roon. Posible kayang...

Waaaah! Hindi. Hindi, 'no? Hindi ko siya gusto. HINDI.

Hinakawan ko 'yong leeg niya. Makaalis na nga. Mukhang okay naman na siya kasi bumaba naman na 'yong lagnat niya.

Noong patayo na ako, hinawakan na naman niya 'yong kamay ko.

"Dito ka lang." Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Bumalik na lang din ako. Nakapikit pa rin naman siya. Nag-stay na lang ako. Siguro hindi siya makatulog kapag mag-isa lang siya roon. Sige na nga, samahan ko na lang siya.

Nakatulog din ako sa tabi ni Jeydon. Grabe, apat na oras na pala 'yong nakakalipas. Mukhang tulog naman na si Jeydon, e. Umalis na ako at hinanap si Troy sa labas. Tiningnan ko siya sa kabilang kwarto, doon sa pinagtatambayan daw nila. Nandito pa kaya' yon? Huwag niyang sabihing iniwan niya ako.

"Hindi ko akalaing magtatagal ka ro'n, ah."

"Tinulak mo kaya ako!" Baliw pala siya, e.

"Kumusta, okay na ba si Jaydee?"

"Oo, okay na naman 'yong Doraemon na 'yon. Kahit may sakit, loko-loko pa rin, e."

"Buti naman. Sabi ko na, ikaw ang makakapagpagaling do'n, e."

Ano ako, gamot? Adik.

Napatingin ako sa mga pictures do'n sa table. Mga picture pala nila 'yon noong mga bata pa sila. Kahit noong bata sila, cute pa rin nila. Nakita ko rin 'yong family picture nina Jeydon. 'Yong mama niyang maganda, parang diyosa lang. 'Yong papa niyang gwapo pero mukhang masungit, si Ate Jaycee, si Jeydon, tapos may kambal—isang lalaki tapos isang babae. Iyon kaya 'yong namatay na kapatid ni Jeydon? Mukhang malapit silang dalawa sa mga pictures, e. Apat pala silang magkakapatid. Lahat sila, magaganda 'yong mukha. Noong napatingin ako sa gilid, may picture doon ni Jeydon tapos isang babae, siguro tatlong taon nang nakalipas 'yon. Pamilyar 'yong mukha no'ng babae. Nakita ko na siya! Saan ko nga ba siya nakita? Lalapit na sana ako kaso tinakpan naman ni Troy 'yong picture.

"Patingin ako no'n... Sino 'yon?"

"Wala 'yon. Tara, hatid na kita pauwi. Matulog ka nang maaga, may practice tayo bukas."

Titingnan ko pa sana 'yong picture kaso hinila na ako ni Troy. Hmpf! Ang daya naman no'n. Umalis na agad kami sa mansyon nina Jeydon. Saglit lang ay nasa bahay na rin namin kami.

"Bukas, ha? Kahit wala si Jeydon, kailangan meron ka nang talent kasi sa Monday na 'yong Miss Campus."

"Okay, sige. Ingat ka pauwi."

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko 'yong bagong sasakyan ni Kuya Charles. Ang ganda, kaya pala kaya niya kong ipagpalit do'n, e. Kumain na ako agad ng dinner tapos dumiretso na ako sa kwarto ko. Mapapakwento na naman ako kay Mama, e. Pagdating ko sa kwarto ko, nakita ko si Cholo na malungkot kaya naglaro kami. Tapos no'n, humiga na ako sa kama ko. Nakakapagod kalaro 'yong Chow Chow na 'yon.

Naisip ko na naman tuloy 'yong mga nangyari kahapon at kanina.

Dapat 'yong nasa isip ko lang ay 'yong mga nangyari sa 'min ni Marky. Date nga namin 'yon, 'di ba? Kaso hindi ko rin kasi naiwasang maisip 'yong nangyari sa 'min ni Jeydon, e. Minsan nga, mas naiisip ko pa 'yong moment namin ni Jeydon kesa 'yong sa 'min ni Marky.

Masaya ako sa lahat ng sinabi ni Marky. Alam ko na namang gusto niya ako pero hindi ko alam 'yong sinabi niya na sa 'kin pa lang siya nagkagusto nang ganoon. Gusto pa niya akong maging girlfriend. Totoo kayang hihintayin niya ako? Kung magkatuluyan kami, parang nasa fairytale na ko no'n kasi nakatuluyan ko si Prince Charming. Akalain mo 'yon, tatlong taon ko siyang pinagpantasyahan tapos gusto niya na akong maging girlfriend. Hays...

Kaso 'yong kay Jeydon, 'yong sa kiss namin, mababaliw na yata ako kakaisip no'n! Gusto lang daw niya akong halikan? Kung trip niya 'yon, bakit sinabi pa niyang nag-enjoy siya? Bakit pa siya nag-sorry? Bakit ba hinahalikan ng lalaki ang babae? 'Di ba, kapag gusto lang nila 'yong babae? May gusto kaya sa 'kin si Jeydon? Pero hindi, e, imposible 'yon. Kung gusto niya ako, bakit niya ako laging inaasar? Tsaka 'yon, magkakagusto sa 'kin? E, napaka-choosy no'n pagdating sa babae. Gusto niya maganda, parang 'yong nakita ko lang sa picture kanina. Sino kaya 'yon? Girlfriend niya kaya? Ang sweet naman niya kasi talagang tinabi niya 'yong picture nilang dalawa. Tsk, parang nairita ako bigla.

Hays, huwag ko na nga lang isipin 'yong kiss na 'yon, wala lang 'yon. Trip lang 'yon ni Jeydon. Tsaka okay lang, may first kiss na naman ako, e. Si Marky. Kakalimutan ko na lang 'yong kay Jeydon.

Dapat si Marky 'yong isipin ko, hindi si Jeydon.

Tama, si Jeydon. Ay, mali! Si Marky!

Waaaaa, ang gulo. Mababaliw na yata ako. Bahala na nga si Batman.

Makatulog na lang at may practice pa kami bukas. Good night, world.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 4.7K 35
{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: Ap...
1.4K 62 12
"🌄 Welcome toHAEDODI,- where each sunrise breathes life into a limited-face claim graphic shop featuring 정우 Jungwoo, 밈주 Minju, and 리노 Lee Know. Embr...
26.9M 714K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
240K 8.8K 43
Shan Airelle Luis is a drop dead gorgeous woman who captures the heart of Nathan Clyde Stan, one of the possessive maniacs she'll be living with wha...