chapter 9: lourence father
hay salamat natapos din sa paglilinis
i'm so tired!
linisin mo ba naman buong mansion ni rude boy eh tssss!
shemay yung lalaking yun akala mo kung sinong magaling!
gwapo lang naman sya!
yun lang ang maganda sa pagkatao nya!
sinusumpa ko sya sana di na lang sya dito sa earth nilagay
sana sa mars, sa jupiter at sa ibang planeta nalang sya binuhay in short alien na lang sana sya
-.-
bakit kasi sinipa ko pa yung lata ng coke?!
ayan tuloy naging impyerno ang buhay ko T^T
umupo nalang ako sa sofa
nag mumuni-muni
im so tired talaga
sana mayaman nalang ako para hindi ako nauutusan ng ganito
pero wala na akong magagwa ito na ang buhay ko
pero nagpapasalamat din ako sa panginoon na buo ang family ko
maya maya...
biglang bumukas yung pinto
kaya napabalikwas ako ng upo
nakita ko si rude boy kasama ang isang lalaking parang may edad na
parang sya yung papa ni rude boy
ang gwapo din pala ng papa nya noh! kaya ganon ang kagwapuhan ni lourence may pinagmanahan to!
bigla akong napatayo dahil nakatitig saakin si lourence pati yung daddy nya
nanlaki ang mata ko ng agad akong kinausap ng daddy ni lourence
"hija girlfriend ka ba ng anak ko?" at ngumisi yung daddy ni lourence
napalunok ako sa sinabi ng daddy nya sakin pero sumagot naman agad si lourence
HINDEEEEEE! hindi kailan man tch!
napaka yabang nyang anak nyo tapos magiging girlfriend nya ako!?
wow ha!
"NO dad! she's my slave" parang nandidiri nyang sabi at nginitian ako
choosy ka pa huh!
"WHAT slave? i'm not your slave rude boy!" at inirapan ko si lourence
"eh ano nerdy girl? sige nga sabihin mo sakin kung ano?"
"oh wag kayong magaway na dalawa! bagay pa naman kayo at may tawagan pa kayo RUDE BOY AND NERDY GIRL" sabi ng daddy ni lourence napalunok nalang ako
tch! kami? bagay wow ha! hindi rin!
"ay sorry po! ako nga po pala si stephanie lazaro, steph for short po" at kinamayan ko yung daddy ni rude boy
nginitian naman nya ako kaya nginitian ko rin naman
ang bait ng daddy nya samantalang yung anak saksakan ng yabang
"ako naman ang daddy ni lourence hija! ako si arthur scott" mga imported ang apelyido
what if kung mag katuluyan kami ni rude boy?
stephanie marie lazaro scott' pwede!
ay ba't ba ayun ang pinagiiisip ko!
hibang na yata ako!
nailing nalang ako at napatingin ako sa kanan
may nakita akong picture napakaganda kamukha ni lourence parang ate nya yata
ang ganda shete!
"sige po mr. scott uuwi na po ako, hahanapin na po ako ng kuya ko salamat po" at kinuha ko na ang gamit ko sa sofa "sige rude boy alis nako"
ng nasa labas nako parang may nasa likod ko tumingin ako
"ay! SHEMAY!" sigaw ko "rude boy ikaw lang naman pala! akala ko kung sino na!"
"sino pa bang ine-expect mo?" at inirapan nya pa ako
"bakit ka nandito bakit mo iniwan ang daddy mo?" at binalik ko ang irap nya
"syempre umalis ka kailangan kitang pigilan" parang nag blush ako kasi ang init ng cheeks
tch kung ano-ano pinagsasasabi mo!
"bakit naman?" bigla kong tanong
"eto!" may inabot sya sakin
"bakit mo ko binibigyan ng dalawang libo" saka ko inilantad sakanya yung dalawang libo na ibinigay nya
"syempre bayad ko sayo! pagkalinis linis mo naman sa bahay ko! kaya ayan" saka sya ngumiti
"pwede bang ibayad ko sayo to" kumunot ang noo nya
"hindi" may topak yata sa utak to eh!
"pero pwedeng magtanong?" tanong ko
"Ano naman yun?" naiirita nyang sabi
"sino yung babaeng nasa malaking picture sa sala nyo?" saka ko tinuro ang bahay nila
"she's my sister... her name is loraine" ahh sabi na't eh
"sobrang ganda nya! nasaan sya?" nakangiti kong tanong sakanya
"nasa france, paris.. dumadalaw lang sya dito.. ba't ba ang dami mong tanong?! umuwi ka na nga" at hinawakan nya yung likod ko
"o sige uuwi nako baka magalit pa yung kuya ko sakin" saka ko sya inirapan
"teka lang! may kuya ka?" nanlaki yung mata nya
"oo" proud na sagot ko
"sino anong pangalan" mukhang natatae nyang tanong
hahahahaha
"brix, brix mathew lazaro" nakangiti kong sabi
"he's your brother?!" nanlaki ulit yung mata nya
"yes! why?" nakakaintriga na yah!
"kasi ano..... at bakit mo ba tinatanong?! umuwi ka na nga!"
"o sige!" anong koneksyon ni lourence kay kuya tssss!
wag ko na ngang isipin yun
-
habang naglalakad ako papauwi nakita ko si kuya papauwi na din
tinawag ko sya
"KUYA!" tawag ko sakanya
tumingin naman sakin si kuya at tumakbo papunta sakin
"bakit andito ka? akala ko ba may sore eyes ka?!" nako patay buti nalang naka sibilyan ako ngayon
kasi friday buti nalang talaga kung naka uniform pa ako baka isipin nya na nag escape lang ako sa klase ko buti nalang talaga
"kasi kuya eh!" ano bang mainam na idahilan?! shems!
"ANO?" naghihintay na sabi nya
"bumili ako ng makakain! kinain ko na sa daan kaya wala na! nagutom kasi ako eh alam mo na" parang tanga kong sabi
sana maniwala sya! sana maniwala sya!
"ok! sige tara na uwi na tayo" YEEESSS! naniwala sya hihi!
"sige!" at hinila nako ni kuya papa uwi
gusto kong tanungin si kuya about kay lourence pero baka magalit pa sakin itong kuya ko
kasi si kuya bukod sa strict na masungit pa pero mabait at mapagmahal
yan ang kuya brix ko
-
kumain na kami ni kuya brix ng dinner pero wala si mama saka si papa
matanong nga kay kuya
"kuya nasan si mama saka si papa?" napatingin naman sya sakin
"ewan ko, ngayon lang ako umuwi eh! baka may pinuntahan" nagkibit balikat pa sya
"kasi pag uwi ko wala na rin sila eh saan kaya nag punta yung mga yun" luminga linga ako
"wag mo na nga lang isipin, baka may pinuntahan lang yun kumain ka na lang" tumango nalang ako kay kuya saka nagpatuloy sa pagkain
saan kay mga nagpunta yun?
pagkatapos namin kumain dumating na si mama't papa buti nalang hay!
akala ko kung ano na eh
+++++chapter end+++++
An:
Vote, comment and follow me guys mwah♥♥