Words Left Unsaid

By labsy8617

49 4 3

Bakit hindi ko manlang nasabi. More

One Shot Story

49 4 3
By labsy8617

Ako yung tipo ng babae na naniniwala sa kasabihang, "Walang forever."

Hindi ako naniniwala sa true love. Hindi ako marunong magmahal. Hindi ako marunong sumugal. At higit sa lahat, hindi ako maniniwala pag sasabihin mong mahal mo ako.

Love.. Isa yan sa iniiwasan kong maramdaman.

Kasi lahat ng umiibig, nag e'end up na talunan. Umiiyak, nasasaktan. Lahat ng nagmamahal, nags'suffer. Kaya nga ayaw kong maranasan diba?

Yung mga magulang ko. I have seen them suffered nang dahil sa pag ibig. And I can say na sobrang selfish nila. Kasi, nonsense lang ang lahat. Nabuo ako, tapos maghihiwalay lang sila. That is bullsh*t.

Araw araw kong naririnig yung sigawan nila. Naririnig ko kung paano nila sabihan ang isa't isa na hindi naman talaga nila minahal ang bawat isa.

It came to the point na, laging nakulong sa kwarto si mommy. Tas late uuwi si daddy. Kung uuwi man si daddy, mag aaway lang sila.

Naawa ako sa sarili ko nun. Dahil sa mga nangyari, naging self-destructive ako.

Isinumpa ko na hindi ako iiyak. Hindi ako magiging katulad nilang nagdudusa nang dahil sa pag ibig. Hindi ako magiging katulad nila.

Buong buo yung walls na tinayo ko para maprotektahan yung paniniwala kong yun. Sobrang tibay na tila walang makakagiba nun. But then you came. Pinatunayan mong mali ako. Tinanggal mo yung barrier na nakapalibot sa puso ko. Tinuruan mo akong magmahal.

Noong una, nanggagalaiti ako. Kasi para kang asong buntot ng buntot sa akin. Sobrang allergic ko sayo. As in.

Pano ba naman kasi, napakayabang mo. Very confident ka na mapapainlove mo ako. You even told our block mates na patay na patay ako sayo.

Ini'stalk mo ako sa lahat ng social account ko. At paulit ulit kitang bino'block.

Pero ang kulit mo e. Kahit na paulit ulit kitang i'block, gumagawa ka ng bagong account.

Araw araw, lagi mo akong inaabangan sa may tapat ng pintuan para magreet ako ng "Goodmorning, beautiful."

Hinayaan lang kita. Kasi alam ko naman na magsasawa karin diyan sa mga ginagawa mong effort na wala namang nakaka appreciate.

Hinayaan lang kita. Akala ko mapapagod ka. Hindi pala. Mali pala ang akala ko. E pano tapos na ang dalawang buong sem. Mag thi'third year college na tayo at hindi ka parin sumusuko.

Gustong gusto kitang patigilin kasi masasaktan ka lang. Aasa ka lang. Gusto kong sabihin na iba nalang. Wag nalang ako. Kasi how can I love you when I couldn't even love myself?

Natitiis ko pa naman lahat ng kakornihan mo pero naubos din ang pasensya ko.

Isang araw kasi, noong foundation day ng University natin, may marriage booth. Pinahila mo pa ako dun sa booth organizer para lang mapakasalan ako dun sa marriage booth.

Halos kaladkarin ako nung mga organizers kasi ayoko talaga. Nadatnan kita doon sa mismong booth. Naka formal attire ka. Yung parang ikakasal talaga.

Imbis na kiligin ako tulad ng mga nararamdaman ng normal na babae, panggagalaiti ang naramdaman ko sayo.

Full force kong tinanggal yung mga braso ko sa pagkakahawak nila. Mukha naman silang nasindak kaya hindi na nila ako hinawakan ulit.

Tiningnan kita ng nanlilisik na mata. Mga matang nagsasabing, "Tantanan mo na ako."

Pagkatapos nun, tumalikod ako sayo. Ayoko na kasi ng maraming kaechosan.

Babalik na sana ako sa classroom kaso ikaw naman yung nanghila sa braso ko.

Kinaladkad mo ako hanggang sa may side ng business office kung saan walang tao dahil hindi pa naman bayaran ng tuition.

"Bakit ba napakatigas ng puso mo? Hindi mo ba napapansin yung mga effort ko?" sabi mo.

"Bakit? E ito ako e. Ano bang magagawa mo? Tyaka teka, nagmakaawa ba ako sayo? Pinilit pilit ba kita para gawin ang lahat ng ito? Diba hindi naman? O bakit ganyan ka nagrereklamo ngayon? Bogs, hindi naman kasi totoo yang mga yan. Bogs walang forever. Hindi totoo na may true love. Hindi totoo na kapag inlove ka, lahat ng nasa paligid mo magiging okay. Hindi!" sigaw ko pa sayo nun. Pero ito lang ang sinabi mo.

"Yan kasi yung problema sayo e. Pinapangunahan mo yung bawat bagay. 'ayoko masasaktan ako' 'ayoko kasi di yan totoo.' puro ka ayaw. Puro ka negative. Ayaw mong sumugal. Miles hindi ako maniniwala kung sasabihin mo sa akin na wala ka pang nararamdaman sa akin. Kasi nararamdaman kong meron na. Ayaw mo lang akong hayaang makapasok dyan. Miles, kung umiyak man sila nang dahil sa pag ibig, hindi ibig sabihin nun na iiyak ka rin. Siguro umiyak sila kasi nagkamali sila. Nagmadali sila. Hindi nila sinigurado. Pero that doesn't mean na kung anong nangyari sakanila, ay mangyayari rin sayo. Walang nakakaalam ng hinaharap. Tanging ang Diyos lang. Hindi ako, hindi ikaw. Wala."

"That's exactly may point. Walang nakakaalam ng future. Pano kung sa future, sasaktan mo lang ako? Ayokong sumugal kasi ayokong masaktan. Hindi ko kakayanin bogs. Hindi." That time umiiyak na talaga ako. Sobra sobra na ang agos ng luha ko.

Pero niyakap mo lang nun ako. Yung yakap na napakahigpit. Yakap na noon ko lang naramdaman nung time na yun. Napanatag yung loob ko nun.

Gustong gusto kitang yakapin pabalik. Nung time na yun parang gusto kong sumugal. Parang gusto kong subukan.

Pero mas namayani sa akin yung tinanim kong sama ng loob tungkol sa pag ibig.

Kaya imbis na sundin ko yung gustong gawin ng puso, isip at katawan ko, I did the opposite.

Tinulak kita palayo. Sinabi ko lahat ng masasakit na salita na pwede mong marinig mula sa akin. Hindi ko inisip kung ano ang mararamdaman mo.

For the first time, nakita kitang umiyak. Bawat hikbi mo ang sakit sakit.

That time gusto kong punasan yung luha mo. Gusto kitang yakapin. Pero hindi ko ginawa. Natakot kasi akong magmahal nung time na yun. May pagmamahal akong nararamdaman sayo pero pinipigilan ko. Kasi nung time na yun sobrang nalilito pa ako kung gusto talaga kita o ano.

Alam ko kasing kapag umoo ako sayo at narealize kong hindi naman pala, we'll end up broken. Masasaktan kita. At kapag nangyari yun, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Kaya instead of giving myself a chance to love you, I pushed you away.

At hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin ang lahat ng iyon.

After kasi ng nangyari satin nun, hindi kana nagpakita.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Ni isang anino mo bogs hindi ko nakita.

Hanggang sa kumalat nga daw ang balita na nag migrate na kayo ng pamilya mo sa Canada.

Sobrang lungkot ko nun. Dun ko narealize kung anong meron ako na sinayang ko.

Pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Yung totoong pagmamahal.

Ilang buwan akong umiyak. Magkahalong sakit at pagsisisi ang pinaparamdam sa akin ng tadhana.

Gusto kitang makita pero nakablock ka pala sa mga account ko. Nung inunblock kita, hindi ko parin nakita kasi nakaprivate pala yung account mo.

Araw araw nagtyatyaga ako sa profile picture mong may hawak na gitara. Yun lang kasi ang pwede kong makita sa wall/timeline mo.

Naging stalker mo ko. Lumipas ang isang taon, wala tayong komunikasyon.

Napakalungkot kasi ni hindi mo manlang nalaman lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko manlang nasabi sayo na oo, mahal kita.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong maibalik ang nakaraan at itama ang mali, babalik ako dun sa time na nasabihan kita ng mga masasakit na salita na alam kong hindi mo naman deserve na mapakinggan.

Pero sabi nga nila, "nasa huli ang pag sisisi."

Kahit gustuhin kitang kausapin hindi ko magawa. Dun ko napagtanto kung gaano ako katanga na pakawalan ka pa. Kung gaano ako kaselfish na hindi ko manlang na appreciate lahat ng ginawa mo para sakin.

Akala ko hindi na tayo magkakausap. Pero nung nagbirthday ako, nagpray ako kay God na kahit one time lang, gusto kitang makausap.

At alam mo ba, napakagaling at napakabait ni God kasi pinakinggan niya ako.

Kinabukasan kasi pagkatapos ng birthday ko, birthday mo naman. Magkasunod tayo.

Nung araw ng birthday mo, ginawa mong public account yung fb account mo. Nagkaroon ako ng chance na batiin ka.

Chinat kita. Isang simpleng happy birthday lang ang sinend ko sayo.

Ang akala ko kasi madali ko lang maibabalik ang lahat. Pero nagkamali ako.

Nung nagreply ka, napakaikli. Napakadry. Habang nag uusap tayo, unti unti mong pinapamukha sa akin na iba na ang bogs na kausap ko. Hindi na ikaw yung dati.

We flipped.

Ikaw ngayon si Miles. At ako si Bogs.

Mahal na mahal kita ngayon. Pero ikaw, batong bato yung puso mo. At alam kong dahil sa akin yun.

Nung gabing yun na birthday mo, sobra sobra akong umiyak. Hindi ko alam kung paano ko idadala ang lahat.

Ikaw kasi e. Napakadaya mo. Alam kong kasalanan ko pero napakadaya mo. Kung kailan namang mahal kita. Mahal na mahal na kita. Tyaka ka naman naging pusong bato. At hindi ko kayang patawarin ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan ng pagbabago mo.

Ngayon, single parin ako. At ikaw? Hindi ko na alam. Wala na kasi akong balita sayo.

Hanggang ngayon mahal parin kita. At hanggang ngayon nagsisisi parin ako. Hindi ko parin napapatawad ang sarili ko.

Ang dami kong hindi nasabi sayo na ngayon, hindi ko na masasabi.
Pero bogs, kung nasaan ka man ngayon, gusto kong ibulong sayo ng hangin na mahal na mahal parin kita.

Tinuruan mo ako kung paano magmahal. Pero hindi mo ako tinuruan kung paano mag let go.

Kaya ngayon, ipinagdadasal ko sa Diyos na kung naibalik mo na yung dating bogs, andito lang ako.

Patuloy akong maghihintay kahit walang kasiguraduhan ang lahat.
Isa lang naman kasi ang pinanghahawakan ko.

Mahal kita. Mahal na mahal.

At yung sinabi mong,

"Miles, mahal na mahal kita. Hindi ako magmamahal ng iba. Ikaw lang. Maghihintay ako sayo. Hanggang sa matuto mo ng mahalin ang sarili mo. Kasi mahal kita. Sobra."

***

"Ma'am sainyo po ito." natigil ang pagbabalik tanaw ko sa mga nangyari sa atin nang lumapit sa akin yung coffee barista sa coffee shop na ito. Dito muna kasi ako nakisilong since napakalakas ng ulan. Malamang traffic rin nyan. Sayang lang sa gasolina kung ipaparada ko ang kotse ko sa traffic.

"Ah thanks."

Hinigop ko yung kape. Saktong sakto sa napakalamig na panahon.

Ipapatuloy ko na sana ang pagbabalik tanaw ko nang..

"Miss, pwedeng makishare ng table."

Tumingala ako para makita yung nakikishare ng table.

Halos mailuha ko yung iniinom kong kape.

"B-bogs?" ngumiti ka sakin. At umupo.

Tiningnan ko yung daliri mo, walang singsing. Yung porma, hindi naman pangtatay.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. After 10 years, eto na at kaharap kita.

Sa mga tingin mong yan, alam ko na.

Magsasalita na sana ako. Mangangamusta. Pero, naunahan mo ako.

"Miles Brazilla. Pwede ba tayong maglaro ng playing cards? Ako kasi gusto kong sumugal. Yun lang. Kung gusto mo lang rin namang sumugal."

May nilapag kang red na maliit na box sa table. At noong buksan mo yun, hindi ko na nakontrol ang luha ko. Singsing kasi yun.

Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon.

Tumayo ka at hinila mo ako.

And on this day, this very moment, you gave me my first... and last kiss.

The End.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 350K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
7.5M 235K 65
His Punishments can kill you
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...