Hunter's Temptation

By vampiremims

27.7M 532K 75.8K

Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would ne... More

Hunter's Temptation
-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (REPOSTED)
HT BOOK FOR SALE

Chapter 34

446K 8.6K 897
By vampiremims

Twitter/askfm/IG: @vampiremims

PS. Miss ko na kayo magalit. Lol.

--

Halos isang buwan atang nagtiis si Zyline sa Cheez whiz dahil sa sariling kalokohan niya. She was just trying to play with Hunter when she said something about Cheez whiz... pero mukhang nakalimutan niyang si Hunter nga pala ang asawa niya. Hunter is Hunter. Walang mananalo sa binata kung kahalayan lang din naman ang pag-uusapan.

Nakaupo siya sa may dining room at kumakain ng almusal nang pumasok si Hunter, karga-karga si Keij. Kung minsan, nahahalata na ni Zyline na laging si Keij talaga ang hawak ni Hunter. The twins were identical. Except that Kol is whiter than Keij.

Bata pa lang, may tatak Dela Cruz na agad ang mga ito. Tipong sanggol pa lang, alam mong Dela Cruz ang nananalaytay na dugo sa mga ugat nila. They're screaming for attention. Na para bang obligasyon mong pansinin ang mga Dela Cruz dahil nga Dela Cruz sila at Dela Cruz na din siya ngayon.

"Keij's more active than Kol..." untag ni Hunter sakanya nang umupo ito sa tabi niya at iniusog pa ang pagkalaki-laking bote ng Cheez whiz sa tabi niya. Inirapan niya ito.

Iniisip tuloy ni Zyline isuggest naman ang mayonaise. O di kaya'y peanut butter naman kaya. Para maiba lang ulit. At para tigilan na nito ang kakadala ng Cheez whiz sa kwarto nila.

"He's more active because you're always with him. Nahahawa na agad sa'yo ang anak natin," iiling-iling na sabi niya.

Hunter scowled. "Laking tuwa lang nila kapag nahawa sila sa akin," he looked at Keij again. "Nakapangasawa ako ng katulad mo, eh..." he smiled at Keij.

Natigilan naman si Zyline sa pagkain sabay napatingin kay Hunter. He was looking at Keij at nilalaro-laro ito. Was he aware of what he said?

Napangiti nalang siya at masiglang nagpatuloy sa pagkain.

Hunter is sweet in his own way.

Wala naman silang lakad ngayon kaya napagdesisyunan nilang manatili nalang sa bahay. Mamaya din kasi, magpapatulong siya kay Hunter paliguan ang kambal. Hunter was scared of the twins, actually. Natataranta kasi ito kapag sabay na umiyak si Kol at Keij. Hindi nito malaman kung sino ang uunahin kaya bigla nalang itong sisigaw para magpatulong sakanya o di kaya'y kay Leticia.

It was a scene that would always be on her mind. Kung paanong nataranta si Hunter sa kambal. Kung paanong ang isang Hunter Dela Cruz, napasuko ng dalawang sanggol. Hindi man bagay kay Hunter ang term, pero ang cute kasi talagang tignan.

"Kumuha nalang kaya tayo nag tig-isang yaya nila?" tanong ni Hunter habang hawak ang kamay ni Keij.

She glared at him. "Ayokong laking yaya ang mga anak natin, okay?" asik niya. Hindi naman sa against siya sa pagkakaroon ng yaya ng mga kambal. Ayaw lang ni Zyline na lalaki ang mga ito na laging yaya ang kasama at mas masasanay sa yaya ng mga ito kaysa sakanilang dalawa ni Hunter. Gusto niyang hands on silang dalawa ni Hunter sa mga ito para maging open sakanila ang mga anak nila.

"You're overreacting," he frowned. "Ayoko lang napapagod ka ng husto sa maghapon dahil mapapagod ka pa sa gabi sa akin. I need you to have energy for me," ani Hunter. "Para lang may katulong ka sa pag-aalaga kapag wala ako," dagdag pa ng asawa niya.

"We're fine, thank you so much, Daddy Beast," she mocked him. He rolled his eyes. Hindi naman napigilan ni Zyline matawa. Bigla tuloy nawala ang iritasyon niya sa suhestiyon ng asawa na pagkuha ng yaya. Iba kasi kapag si Hunter ang gumagawa ng pag-irap. It was not so manly act but with Hunter... damn! Ang sexy tignan, sobra.

Matapos magpaligo sa kambal, sinamahan naman ni Hunter si Zyline na maglakad-lakad sa subdivision habang hawak niya si Kol at hawak ni Hunter si Keij. Habang lumilipas ang araw, mas lalong nararamdaman ni Zyline na nakukumpleto ang pagkatao niya dahil sa pamilyang binuo nila ni Hunter.

Para sakanya, ang perfect na ng pamilya nila. Masaya siya. May Hunter siya, may Keij... may Kol.

Tatlong buwan na ang kambal at napagdesisyunan nilang sa ikalimang buwan na ito pabinyagan. It was actually Zy's idea. Sumang-ayon lang si Hunter sakanya. He's been a good partner and husband to her. Kung minsan tuloy, natatakot na din si Zyline sa nangyayari... he was too, nice.

May kasabihan kasing kapag masyado kang masaya, magiging doble ang lungkot na mararamdaman mo pagkatapos. She was scared. But she trust Hunter. Kaya nagtitiwala siyang hindi siya sasaktan ng asawa niya... lalo na ngayon na may kambal silang mahal na mahal ni Hunter. Isa pa, wala naman itong dahilan para saktan siya... dahil wala naman siyang ibang ginagawa kundi mahalin lang ito ng buong puso.

Like their daily routine, papasok si Hunter sa opisina at maiiwan naman si Zyline kasama ang kambal niya. There's no dull moment with the twins for Zyline. They light up her day... even her night. Kapag nakikita niya ang pagngiti ng mga ito, may hindi maipaliwanag na saya sa puso ang nararamdaman niya.

Tama nga talaga ang sinasabi ng karamihan na kapag nagkaanak ka na, isasantabi mo na din ang sarili mo para sa mga anak mo. Iyong itutulog mo nalang sana, mas gugustuhin mo pang pagmasdan silang matulog. Yung bawat araw na lilipas, excited kang gumising sila para makita ang developments nila... lahat sakanila.

Magiging mundo ng bawat ina ang mga anak nila. Yung handa silang gawin ang lahat para sa mga ito.

Iyon kasi ang nararamdaman ni Zyline.

"Bobbie, try to hold them tighter. Baka naman malaglag sila," ani Zyline sa kaibigan nang dumalaw ito sakanya. Wala si Hunter noon dahil may meeting itong kailangan puntahan. Good thing was, ngayon naisipan ni Bobbie dumalaw dahil sabik na din naman si Zyline na may makakwentuhan.

"Kamukhang-kamukha ni Hunter," komento ni Bobbie habang nakatingin sa kambal.

Napangiti si Zyline. Alam niyang kamukha ni Hunter ang kambal. Mula sa mata, ilong... labi... there's no doubt. It was Hunter's. Kung minsan, iniisip nalang ni Zyline na kapag lumaki ang mga ito, lalabas din ang features niya sa mga ito.

"Mahal na mahal mo talaga 'yung asawa mo, no?" sabi ulit ni Bobbie habang pinupulbusan si Kol. Nakangiti si Zyline na humarap kay Bobbie. "Hindi ba obvious?" tanong niya sa kaibigan. "Mahal na mahal ko 'yon kahit pa nga parang napakahirap niyang mahalin. I love him. Sobra..." hindi maitago ang ningning ng mata ni Zyline sa pagbanggit kung gaano niya kamahal si Hunter.

"Si Hunter ang mas nasarapan noong ginawa niyo ang kambal..." sabi ulit ni Bobbie kay Zyline habang pababa sila ng hagdan. He was holding Kol while Keij's with Zyline.

Kumunot na ang noo ni Zyline. Nasarapan? Paano pumasok ang sarap sa usapan nilang dalawa. At si Hunter ang mas nasarapan? She believed that it's always her. Siya ang laging mas nasasarapan, eh. Siya ang laging unang umaabot sa kasukdulan.

"Don't look at me like that, Zy..." Bobbie said, scowling.

Kung hindi lang alam ni Zy na binabae si Bobbie, iisipin talaga niyang mahilig sa sex ang kaibigan. Madami din kasing alam si Bobbie when it comes to sex. Di naman niya ito tinatanong ng tungkol sa sex life nito. Boy to boy's fine with her... pero 'yung ikukwento pa? No, thank you. Mataas ang respeto ni Zyline sa third sex, pero hindi lang talaga niya kaya ang boy to boy sex talk.

"What look?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Na para bang nakipagsex ako bago ako nagpunta dito kaya naitopic ko," nakasimangot na sagot ni Bobbie sa kaibigan. It was hard for him to go there, actually. Pero namimiss na niya si Zyline kaya nagpunta siya. He was thankful Hunter's not around. Wala naman kasi siyang balak manggulo. He just wanted to see Zyline. Iyon lang naman.

"I'm not thinking about your sexlife, Roberto!" she whined.

Mas napasimangot naman si Bobbie. Iiling-iling na inilapag nalang niya si Kol sa crib na nasa living room at tumabi na kay Zyline na nakaupo na din. The twins were sleeping kaya naman nakapahinga ngayon si Zyline.

Leticia was busy cooking their lunch kaya kung wala si Bobbie, solo talaga ngayon si Zyline sa pag-aalaga sa kambal.

"Give me your feet," sabi ni Bobbie kay Zyline. Kumunot naman ang noo ni Zyline.

"Tss..." Kinuha nalang ni Bobbie ang paa ni Zyline at nilagay ang throw pillow sa legs nito. He put her feet on his lap and start massaging it.

Napangiti naman si Zyline.

She sighed. "Ano kayang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko, Bobbie?" she closed her eyes. Sanay din talaga siyang inaalagaan ni Bobbie. Kahit pa na may napagkakamali silang dalawa bilang magboyfriend noon, wala siyang pakialam. Aba, kahit naman binabae ang kaibigan, napakagwapo pa din nito. Hindi lang talaga lantad kaya mukhang lalaking-lalaki tignan.

"Hindi ka pa ba nagsisisi, Zyline?" tanong ni Bobbie habang minamasahe ng paa niya.

"Nagsisisi saan?" tanong niya habang nakapikit at nilalasap ang sarap ng masahe ni Bobbie. Ang expert din talaga ng kamay ni Bobbie... sayang nga lang at kung saan-saan nito inihahawak at--

"Sa pagpapakasal mo," kaswal na sabi nito sakanya. Napadilat ang mata niya at tinitigan ito.

She shook her head. "I'm happy with Hunter, Bobbie. He's everything I need. Masaya ako, ba't naman ako magsisisi? Hindi mo dapat pagsisihan ang mga bagay na ginawa mo para maging masaya ka. Follow your heart but always take your mind with you. Maging masaya ka habang nag-iisip ka. It should be balanced kasi," she smiled at him.

"But still, he's Hunter..." kibit-balikat na sabi ni Bobbie sakanya.

She rolled her eyes. "I know. He's Hunter and he's bad and he's dangerous and he's not good. But I love him, nevertheless. Mas kilala ko siya. Alam ko kung sino siya. Siguro nga may mga bagay pa akong hindi alam tungkol sakanya, but we have a lifetime to know each other more..." she gave him a soft smile. "I'll be fine, Bobbie... okay?" pagpapagaan niya sa loob ng kaibigan.

Tumango lang ito ng marahan sakanya at nagpatuloy na sa ginagawa sa paa niya.

Doon na naglunch si Bobbie kasabay niya. Hindi din ito umalis buong maghapon. Instead, he helped her with the twins. Tinulungan din siya ni Bobbie para sa paghahanda sa binyag. Kung ano ang mga kailangan... saan dapat. Lahat.

She missed Cyan, though. Pero ayaw naman kasi niyang istorbohin ito dahil kambal din ang anak nito. Dalawa din ang inaalagaan nito katulad niya.

It was almost 8 in the evening at wala pa din si Hunter. Si Leticia ang kasama ng kambal sa kwarto habang silang dalawa ni Bobbie ay nasa living room at nag-uusap. Sinabi ni Bobbie kay Zyline na may kumukuha sakanya bilang model ng isang international clothing line. Pero ayaw naman nitong tanggapin.

"Alam mo, ang baliw mo. You should accept it!" pamimilit ni Zyline sa kaibigan. Mas malaki kasi ang kita kapag international clothing line ang imomodel kesa sa local dahil madami naman na ang models ng local sa Pilipinas.

"If I accept it, I need to go there. Ayoko," ani Bobbie. "Ayokong umalis," dagdag pa niya.

Napasandal naman sa balikat ni Bobbie si Zyline. She held his hand and played with his fingers... gaya ng ginagawa niya dati pa.

"Opportunity 'yon, eh. Tsaka mas mapapalayo ka sa Daddy mo. Hindi mo na kailangan magpanggap masyado. Wala naman siya kasing magagawa kung ganyan ka talaga, eh..." she sighed. Siya din kasi ang nahihirapan para sa kaibigan, eh. "Matatanggap ka din niya," sabi pa niya dito.

"Sana nga," Bobbie looked at Zyline. Sana nga matanggap siya nito kapag sinabi na niya.

"Kailan ka ba aamin? You want me to help you?" she asked him.

A ghost smile appeared on his handsome face. "Hindi na... aamin din ako, soon..." he smiled. "Sana nga, matanggap ako, eh. Sana mapatawad ako," his voice was soft and tender.

"Matatanggap ka 'non. Mahal ka 'non, eh." Ngumiti si Zyline sa kaibigan. Ganoon naman kasi kapag mahal mo, eh. Matatanggap mo kahit ano o sino pa sila.

Parang si Hunter.

Tanggap niya.

Naka-akbay si Bobbie sakanya paglabas ng bahay nila. Ihahatid na kasi niya ito dahil halos 10 na din ng gabi at wala pa din si Hunter kaya pinagstay niya muna ang kaibigan.

"You sure you're okay?" Bobbie asked her.

She nodded. "I'll be fine," she smiled at him. "Baka may ginagawa pa kaya hindi pa nakauwi agad," sabi nalang niya.

Kanina niya pa din kasi tinext si Hunter pero walang reply. She called him, too. Wala pa din. Masyado naman atang busy ang binata para hindi mapansin na tumatawag siya at nagtetext. To think na asawa siya at hindi kung sino lang.

"Baka may ginagawang iba," sabi ni Bobbie na nagpasimangot kay Zyline.

"Umuwi ka na nga," aniya. Inihatid niya ito sa may sasakyan nito.

"Ingat ka," sabi niya sa kabigan.

Niyakap naman siya ng mahigpit ni Bobbie. "If you need someone, just call me, okay?" bulong pa nito sakanya.

He kissed her cheeks and climbed in to his car.

Wala na si Bobbie at ang sasakyan nito'y nasa labas pa din si Zyline.

Waiting for Hunter...

Halos kalahating oras siyang naghintay doon pero ni anino ng gulong ng sasakyan ni Hunter, walang dumating.

She decided to go upstairs and sleep. Naiinis siyang hindi man lang siya tinawagan o kahit anong pag-iinform man lang ni Hunter kung nasaan na ito.

May asawa na ito, eh.

He should at least tried to call her or what. Anong akala nito, binata pa ito?

Masama ang loob na yakap ni Zyline ang unan na gamit ni Hunter. The pillow smelled like him.

Napasimangot naman tuloy lalo si Zyline.

"Okay, last. Kapag 'di pa siya sumagot, sa sofa na siya matutulog lagi!" ani Zyline bago kinuha ang cellphone sa may gilid ng kama nila.

She dialed Hunter's number.

Nakakailang ring na pero wala pa ding sumasagot.

Gusto ata talaga ni Hunter sa sofa matulog.

Napasimangot na siya ng tuluyan.

Okay, sa sofa na matutulog si Hunter.

Walang unan. Walang kumot! Basta doon siya matutulog.

Natigilan siya nang sagutin na nito ang tawag niya.

She sighed in relief.

Tabi na ulit sila sa kama.

"Hello?"

Kumunot ang noo niya sa boses na narinig.

Kailan pa naging boses babae si Hunter? Of course it wasn't Hunter's voice.

Pero kilala niya.

Hindi na sa sofa matutulog si Hunter.

Sa labas na ng bahay nila.

Ibinaba niya ang tawag at pinatay ang cellphone niya.

It was Tanya's voice.

Hindi siya pwedeng magkamali.

Pero anong gagawin ng asawa niya at ni Tanya ng ganitong oras?

Magtititigan hanggang may tumayo?

May mapuputulan talaga siya.

She's Zyline De Guzman. Hindi kilala ni Tanya ang binabangga nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 34.9K 45
Gaya ng isang kanta, parang isang linggong pag-ibig kita. Lunes ng unang magtagpo ang ating mga mata, Martes ng mapadalas ang lingon ko upang masilay...
1.1M 85.9K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
10.8M 219K 24
Seven years ago, Sheenalyn Ybarra made a mistake of joining a fraternity, seven years later, Sheenalyn Ybarra made a mistake of entering Sancho Consu...
4.5M 54.2K 20
Yza Consunji had always had choices. She grew up having everything even if she didn't ask for it. She had a perfect life although she just wanted to...