Good To You

De winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... Mai multe

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 15

2.6K 95 12
De winglessbee


"Hoy!" kinulbit ko si Yanna pero hindi niya ko pinansin.

Problema nito? Tss

Pagkatapos niya kasing mabuklat yung tupperware bigla na lang siyang tumayo at nagwalk out.

Tinamaan na siguro talaga sa lalaking yun. Tss.

Baka naisip na din niya ang naiisip ko. Posible kayang siya yung nanggagambala sa tahimik kong buhay? Kingina, hindi ako makakapayag!

"Hoy Yanna! Lika nga. Kausapin mo ko!" Nilapitan ko siya at hinila palayo sa maraming tao.

"Ano ba Pam!"

Tumigil kami sa garden, walang tao dito kasi mainit at tirik ang araw.

Hinarap ko siya. "Ang babaw mo" sabi ko.

"What?"

"Ang babaw mo. In love ka ba dun sa lalaking yun?" di uso sakin ang paligoy ligoy. Aksaya lang sa oras.

"W-what?"

"Gusto mong ulit ulitin ko pa? In love ka ba sa lalaking yun?" tanong ko ulit.

Pumikit siya saka bumuntong hininga. Tinitigan niya ko pagdilat niya saka nagkagat-labi.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Nag-iwas siya ng tingin. "Yes.." sagot niya.

Hindi na ko nagulat. Obvious naman. Pero parang ambilis naman? Hindi pa nga niya ata alam ang pangalan ng lalaking yun e. Tss.

"Ugh. Kainis! Lika na nga! Baka malate pa tayo!" hinila na niya ko papuntang classroom.

Natahimik ang lahat nung pumasok kami. Lahat sila, nakatingin sakin. Kumunot ang noo ko.

"Anong tinitingin tingin niyo?" sabi ko.

Agad namang silang nag-iwas ng tingin at bumalik sa mga ginagawa.

Naupo na kami ni Yanna. Ramdam ko na sinusundan nila ako ng tingin pero di ko na lang sila pinansin, magsasayang lang ako ng laway.

"Pam, do you think.. Si Raven ang secret admirer mo?" biglang tanong

Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Sinong Raven?"

"Yung lovelife ko! Im thinking.. kung sundan kaya natin siya?"

"Ayoko. Aksaya sa oras. Kung gusto mo, ikaw na lang. Mukhang willing na willing ka naman e" sagot ko at sumimangot siya. "O, bakit?"

"Samahan mo ko! Di ba gusto mong malaman kung sino yung humalik sayo?"

"Tss"

Pagkatapos ng klase, agad akong hinila ni Yanna.

Bakit ba ang hilig ng mga tao manghila?

"Hoy! Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Edi sa lovelife ko! We'll start our investigation"

"Seryoso?"

"Seryosong seryoso? Bilisan mo nga!"

Napailing na lang ako. May magagawa pa ba ko? E hila hila niya ko! Kingina.

"Wait!" bigla kaming huminto nung makita naming makakasalubong namin yung lalaki. Yung lovelife daw ni Yanna. Tss. "We have to hide"

"Bakit pa? Pwede namang tanungin siya?"

"No way Pam! Hindi aamin yan!"

"Wow. Parang alam na alam mo a?"

"Tss. Let's go"

Hindi na lang ako umimik. May magagawa pa ba ko? E hindi niya nga binibitawan ang kamay ko. Kadiri na nga e. Psh.

"Hi.." sabi ni lalaking si Raven.

Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya naman siniko ako ni Yanna.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong ibig sabihin ng pagsiko niya? Tss.

"Hi, again.." sabi niya ulit pero hindi ko siya pinansin.

Ano bang mapapala ko pagpinansin ko siya? Mag-aaksaya lang ako ng laway. Psh.

Narinig ko siyang tumawa kaya tumingin ako at nakita ko siyang iiling iling pa.

Problema nito?

Naramdaman ko naman ang pagkurot ni Yanna sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Kumunoot ang noo ko ng makita ko siyang parang ilang na ilang. Hindi naman siya ganito. Ganito ba siya mainlove?

"Do you mind.. having a cup of coffee with me?" biglang tanong ni Raven.

"No" mabilis kong sagot saka umalis sa harap niya. This time ako na ang humila kay Yanna. Naestatwa na e.

"Bakit mo naman nireject Pam?"

"Alam mong hindi ako sumasama sa mga lalaki"

"E bakit sumasama ka kay Cone?"

"Hindi ako sumama, kinikidnap niya ko"

"Sinabi mo e"

Hindi ko na lang pinansin. Nonsense e.

"Speaking of Cone, may balita ka ba sa kanya?" tanong ni Yanna.

"Ikaw ang pinsan, bakit ako ang tinatanong mo?"

"Malay mo lang"

Wala talaga tong kwenta kausap.

"Tara, magkape"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Nginitian niya ako "My treat" saka naunang maglakad sakin.

Pumasok kami sa coffeeshop malapit sa university. Nakita ko naman agad si Raven na nakaupo sa may sulok at engross na engross sa hawak na cellphone.

Naupo kami sa medyo malayo sa pwesto niya. Umorder kami ng kape at nagmasid lang. Pero naubos na namin ang kape namin at lahat, wala namang magandang nangyari dahil nagcellphone lang si Raven habang nainom ng kape.

Ano kayang nagustuhan ni Yanna dito? Psh. Hindi ko na problema yun.

Tumayo na ko. Nag-aaksaya lang kami ng oras dito.

"Aalis na agad tayo?" tanong ni Yanna.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi ko nga aalis na tayo" sabi niya saka sumunod sakin.

Paglabas namin, bumungad sakin ang isang matte black maserati na nakaparada sa tapat ng coffee shop.

Astig! Ang ganda ng kotse! Sana pala ayun na lang ang hiningi ko kay Daddy.

Nilagpasan namin yung astig na kotse at sumakay sa audi ko.Hinatid ko na si Yanna at umuwi na ko sa bahay.

Sinalubong ako ni Papa sa sala. "Anak.."

"Pa!" lumapit ako sa kanya saka inabot sa kanya yung paper bag.

"Ano to?" nagtatakang tanong niya.

"Pakitapon. Teka lang po, kukunin ko yung iba" patakbo akong umakyat sa hagdan papuntang kwarto ko at kinuha yung iba pang panda na binigay saking ng kung sino mang baliw na walang magawa sa buhay.

"Panda? Ang dami anak! Ang kukyut. Sure kang itatapon ko lahat to? Sayang naman" sabi ni Papa.

"Pakitapon na lang ho. Wag nang maraming tanong" sabi ko saka siya tinalikuran at bumalik ns sa kwarto ko.

"Teka anak!" tawag ulit ni Papa pero hindi ko na pinansin.

Tss.

Pag nalaman ko lang talaga kung sino ka hindi ka na makakalabas sa mascot mong panda! Kingina. Nanggigigil ako pag naaalala kong isang panget na mascot na panda ang first kiss ko! Tangina lang. Ugh!

Pinagsusuntok ko yung unan ng biglang nagring ang cellphone ko.

Hindi ko yun pinansin. Wala akong pakielam kung sino kang natawag ka. Patuloy lang siya sa pagtunog hanggang sa magsawa yun caller.

Kinabukasan. Hindi na ko nagtaka kung may biglang susulpot sa harap ko at mag-aabot ng bagay na may mukha ng panda. Umay na umay na ko at gustung gusto ko ng isungalngal kung sino man ang nag-aabot sakin nun pero kinakalma ko ang sarili ko dahil ayokong maguidance. Ayokong masira ang record ko bilang isang butihing mag-aaral.

Pagbaba ko ng kotse, hindi ko na hinintay si Yanna na makababa at tumuloy nalang sa paglalakad sa hallway.

"Pam.." Napatigil ako ng hawakan ni Yanna ang braso ko at may itinuro sa harapan.

Si Raven na nakasandal sa pader malapit sa pinto ng classroom namin.

Napatingin siya sa direksyon namin at ngumiti saka lumapit.

"Good morning Pam" bati niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya tumawa siya. Baliw.

"For you.." sabi niya.

Inangat niya ang kamay niya at pinakita ang keychain na ano pa nga ba ang itsura kundi ang nakakaumay na pesteng panda

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Thanks daw! Hehe, Medyo mahiyain kasi si Pam e, pagpasensyahan mo na" singit ni Yanna habang sinisiko ako.

I frowned.

Ano bang sinasabi niya. Dapat di niya kinuha e. Psh.

"We have to go. Bye!" paalam ni Yanna saka ako hinila.

Pero hindi pa man kami nakakahakbang ay nagsalita na si Raven.

"Im not talking to you. At bakit ikaw ang may gamit ng bag na yan?" tinuro niya yung bag na panda na binigay ko kahapon.

Parang natameme naman si Yanna at hindi nakasagot.

"Binigay ko. May problema ba?"

"Don't use the things that was not yours. Are you that poor?"

Nagpantig ang tenga ko. Sino siya para sabihan ang bestfriend ko ng ganyan? Kingina.

Simaan ko siya ng tingin. Hinigpitan ni Yanna ang hawak sa kamay ko na parang pinipigilan sa kung ano mang gagawin ko.

Huminga ako ng malalim.

Pasalamat siya nasa loob kami ng school at ayokong masira ang record ko.

"Let's go" yaya ni Yanna at naglakad na kami palayo.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka tumango.

Psh. Sinungaling. Pero hinayaan ko na lang. Hindi din naman ako marunong magcomfort. Tss.

"Pam, hindi ako sasabay sayo ngayon. Naghihintay na kasi sakin si Tita Brenda sa labas"

"Ge"

"Bye! See ya tom!"

Tumuloy ako sa library. Kailangan kong magadvance reading sa history.

Konti lang ang tao ngayon since hapon na. Naupo ako sa may bandang sulok. Tahimik dito at dalawa lang kami nung lalaking nakasalamin at seryoso sa pagbabasa. Bihira sa lalaki ang nagtatambay sa library.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa libro hanggang sa matapos ko. Pero nagulat nalang ako nang nasa harap ko na nakaupo yung lalaki kanina sa kabilang table.

Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sakin at nakangiti.

"Problema mo?" tanong ko habang sinasamaan siya ng tingin.

"Long time no see.. Kikay" at nakita ko na naman ang nakakairita niyang ngiting aso.

****★****

Did you miss him? ლ(́◉◞౪◟◉‵ლ)

Continuă lectura

O să-ți placă și

8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
30.7K 824 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...
98.7K 8.1K 74
WARNING: SOME THEMES AND SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE Clark Mendoza likes to play, but he stumbled into a different kind of conflict wi...
489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...