Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 52

29.3K 805 93
By PrinsesaFever

"Class dismiss.."

Nang marinig ko ang mga katagang iyon ay agad akong tumayo at naglakad palabas. Absent si Blake sa lahat ng klase. And it's been 2 weeks since that happened. Wala pa ding nagbababa ng pride saaming dalawa.

"Wassup, ley!" Sabay akbay sakin ni Jules na ikinagulantang ko.

"What?" Tanong ko sakaniya.

"Tara."

Tinanggal ko naman ang pagkaakbay niya saakin at nagcross arms.

"At saan naman tayo pupunta?" Nakataas na kilay kong tanong sakaniya.

"Mall. Ilang weeks ka ng ganyan e. Tara na! 'Wag ka ng umangal." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Hinayaan ko lang siya. Sa loob ng two weeks, sinusubukan akong icheer up ng mga 'to. Si Lexis at Vanessa sa bahay kung ano anong kacornyhan ang ginagawa mapatawa lang ako. Tumatawa naman ako. Anong kala nila sakin? -_-

Pero etong si Jules, umaga hapon gabi tinetext ako kung kumain na ba ko. Kung ayos lang ba ko at kung ano ano pa.

Concern. 'Yan lang ang masasabi ko sakaniya. Ideal guy talaga. :)

"Get in, madam." Tawa niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Umiling na lang ako at ngumiti sakaniya at pumasok na sa loob. Sinara niya naman iyon at umikot para makapasok din.

Buong byahe tahimik kami. Ako, iniisip ko si Blake. Siya? Ewan ko. Mukhang malalim din ang iniisip e.

"Galaw galaw huy!" Pambabasag ko ng katahimikan.

"Sorry, gutom ka ba ley?"

Pinakiramdaman ko naman ang tyan ko. "Medyo."

"Sige. Kain muna tayo."

Tumango na lang ako at nagpark na siya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ko imbes lumabas na agad ako.

Naglakad na kami papasok sa loob ng mall. Naramdaman ko na lang na inakbyan niya ako.

"Daming tumitingin sayo. Yari ako kay Blake kapag may nangyari sayong masama." Sabay nag-'tsk' siya.

"Don't mention that name. Masaya siguro siya ngayon kasi malaya siya. Hayaan mo na nga." Irita kong sabi pero nahagip pa din ng mata ko ang pagngisi niya.

What's with that smirk?

Pumasok na kami sa loob ng restau. at nagorder na kami. Habang naghihintay kami ng order namin ay nakatingin lang ako sa labas.

"Hindi pa din talaga siya nagtetext or chat manlang sayo?"

Tinignan ko si Jules ng masama at nakita ko siyang nakahilig sa upuan niya. Nakataas ang buhok niya ngayon. At yung hikaw niyang black ay mas lalong nagpapagwapo sakaniya.

"I said don't mention him."

"Minention ko ba? Wala naman yung pangalan niya dun ah? 'Siya' nga 'yung ginamit kong term." Sabay iling iling niya. "Halatang masyadong inlove,"

Tinandyakan ko siya sa paanan kaya napa-aww siya.

"Wala ni isang text. Ni like or favorite manlang sa tweet and posts ko wala." Napakagat labi ako sa inis.

"Sabi sayo e, sakin kana lang kasi." Halakhak niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil dumating ang waiter at nilapag ang order namin. Yummy~

"Baliw. Pero tbh, your my ideal guy." Ngiti ko sakaniya at pinunasan ang spoon and fork ko.

Humiwa ako sa meat at sinubo iyon. Sarap!

"Edi sana ako na lang binoyfriend mo." Tawa niya.

Lumunok muna ako at uminom ng juice. "Kung sana dati kapa dumating. Pero I don't regret falling inlove with him. Kahit ilang beses niya kong pinapaiyak o sinasaktan, mahal na mahal ko pa din siya."

"Eh ikaw? Mahal na mahal ka pa din ba niya?"

Natigilan ako ng sinabi niya 'yun sakin. Para bang merong something sa boses niya na hindi ko mabanggit kung ano.

"Woah woah, chill. I'm just asking, leley, okay?" Hindi ko namalayan na masama na pala ang tingin ko sakaniya kaya niya iyon sinabi.

"Don't ask those words again. Your making me frustate."

Tumango na siya at nagbigay na ng ibang topic. His being careful with using his words now.

"Waiter," Tawag ni Jules sa waiter at sumenyas ng bill. "Nabusog ka?" Tanong niya saakin.

Napadighay ako ng wala sa oras. Napatingin tuloy saamin ang mga kalapit naming table. Ohmygod! Nakakahiya! Agad akong yumuko at pinaglaruan ang kamay ko. Narinig ko naman ang tawa ni Jules sa harapan ko.

"Hindi mo na kailangang sagutin. Alam ko na sagot mo. Halatang halata naman na e," Asar niya at muling tumawa.

Tinignan ko siya ng masama pero siya naman ay tumawa lang hanggang sa dumating na yung waiter at binigay ang bill sakaniya. Nakita kong nilapag niya ang credit card niya doon at umalis na ulit yung waiter.

Ilang minuto din kaming ulit naghintay hanggang sa dumating na ulit ang waiter at binigay kay Jules ang card niya.

Tumayo na kami at naglakad na palabas.

"Bookstore? Bilan kita ng gusto mong basahin na book." Alok niya kaya agad kuminang ang mata ko.

Ohmygosh. Books! Parang nagspark agad ang mata ko. "Sige, tara!" Hatak ko sakaniya at nanguna nguna na sa pagpasok sa bookstore.

Nilibot ko ang buong bookstore. Binabasa ko pa kasi yung nasa likod. Ang daming maganda! Apat na books na ang nakuha ko. Isa na lang para lima. Sino makapal mukha? Si Kylie! Hahahahaha.

"Done!" Ngiti ko sakaniya habang hawak ko ang limang books. Actually hindi siya hawak, nakapatong siya sa arm ko.

"'Yan lang? Ayaw mong dagdagan?" Tanong niya saakin at pinasadahan ang buhok niya ng kamay niya. Narinig ko naman ang konting tilian. Edi siya na!

"Tama na 'to. Next time na lang kapag natapos ko na 'tong limang 'to." Hindi pa din maalis ang ngiti sa labi ko.

"Sige. Natuwa ang bata oh? Hahaha! Bayaran na natin."

Pumila na kami at nang mabayaran namin iyon ay lumabas na agad kami.

"San naman tayo?" Tanong ko sakaniya.

"Uuwi na." Sagot niya at hinila na ako.

Uuwi agad? Ano ba 'yan! Gusto ko pang maglibot libot e! 6pm pa lang naman. Wait, 6pm? Two hours na pala kami nandito? Ang bilis naman ng oras!

Umilaw ang sasakyan ni Jules hudyat na binuksan niya ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman na ako.

"Bakit uuwi na agad tayo? Gusto ko magarcade!" Nakanguso kong sabi sakaniya.

"Someone's waiting for you." Ngisi niya saakin kaya napatahimik ako.

At sino naman 'yun?

**

"We're here. Wake up, sleepyhead!"

Napamulat ako at nakita ko nga ang bahay ni Tita.

"Thank you." Sabi ko sakaniya at itinaas ang paper bag na ang laman ay libro.

"No worries. Basta ikaw, leley." Ngiti niya at kumindat.

Ginulo ko naman ang buhok niya at lumabas na. Kumaway pa ko sakaniya kaya binaba niya ang bintana sa side ko kanina.

"Enjoy your night, miss." Ngisi niya at pinaharurot na ang sasakyan niya.

Enjoy what? Nako, ewan ko sakaniya. Nababaliw nanaman yung juice na 'yun!

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko si tita na kakalabas lang ng kusina. Nginitian niya naman ako kaya nagbeso ako sakaniya. Ayaw ni Tita na may nagmamano sakaniya. Gusto niya daw mafeel na kasing edad lang namin siya.

"Buti naman umuwi kana kanina pa siya naghihintay sayo. Yung kapatid at pinsan mo nasa mga kwarto nila."

Tumango naman ako kahit naguluhan ako sa unang sinabi ni Tita. Naghihintay sakin? Sino?

Bago ako pumasok sa kwarto ko dumaan muna ako sa kwarto ni Vanessa.

"Hoy panget! Tara! Dun tayo sa kwarto ko." Aya ko sakaniya.

Napatingin naman agad siya sakin. "Walangya! Nakakagulat 'to!" Inis niyang sabi at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama niya at pinatay ang tv niya.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Lexis at inaya din siya. "Lex, tara sa kwarto tayo."

Pero hindi niya kami pinansin. Ouch! Snob.

"Lex!" Tawag ko.

Pero wala pa din. Tumingin ako kay Vanessa at tumango.

"Alexis!!"

Napatingin naman siya sa pwesto namin at tinanggal ang... earphone sa tenga niya -______-

"Anak ng!" Inis kong sigaw.

"Bakit?" Tanong niya at umupo sa kama niya. Kanina kasi nakahiga din siya.

"Dun tayo sa kwarto. Tulungan niyo ko sa assignment ko."

Tumango naman siya at pumunta na kami sa kwarto ko. Habang papunta kami ay nagvibrate ang phone ko.

Kinuha ko iyon at binasa.

From: Juicy Jules

- Smile, pretty lady! :)

Huh? Weird. Ang weird ng mga tao ngayon.

Binuksan ni Vanessa ang pinto at pumasok ba kami.

"Dun tayo sa-- ohmygod." Napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Petals everywhere. Red balloons on the ceiling. 1/2 na illustration board ang nakapatong sa computer table ko at bouquet of flowers sa kama ko.

"Who did this?" Gulat ko pa ding tanong.

Nilapag ko ang bag ko sa tabi at tinignan ang illustration board.

Puro picture namin ni Blake. Masasayang pictures. At nakalagay sa gitna noon ay 'Happy 3rd anniversary, baby. ❤'

"Shit!" Mura ko sa limot na anniversary pala namin ngayon.

May kumalabit saakin sa likod kaya tinignan ko kung sino 'yun. At nakita ko si Vanessa na winawagayway ang red dress.

"Wear this. Bilisan mo. Kanina pa siya naghihintay." Sabi niya at tinulak tulak ako.

Pumasok na ako sa loob ng CR at nagbihis. Lumabas ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda sakin ng dress na 'to. :">

Nagsuklay at pabango pati pulbo at lip gloss lang ako at lumabas na.

Paglabas ko ng bahay ay nandun si Lexis. Ngumiti siya saakin at inabot sakin ang isang letter na kulay blue.

It's been 3 years baby. 3 years that I'm deeply inlove with you..

"Papuntang park. Ayun lang ang daanan mo." Ngiti niya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Your lucky to have him."

Ngumiti na lang ako bilang tugon at naglakad na. Sa isang poste, nakita ko doon si Vanessa na kumakamot kamot pa sa binti niya.

"Pesteng lamok!" Rinig ko pang sabi niya kaya natawa ako at lumapit na ng tuluyan. "Ay nandiyan kana pala." Sabi niya at inabot naman sakin ang violet na letter.

Pintura ka ba? Kasi nagkakulay ang mundo ko simula ng dumating ka.

Corny! Sheez.

"Stay strong, sis." Ngiti niya saakin kaya naglakad na ako.

Nakita ko naman ngayon si Krisha na nakaupo sa bench. Tumayo siya ng makita niya ako at inabot saakin ang pink na letter.

"Don't give up easily, Michelle."

"I won't." Sabi ko at nginitian siya bago maglakad.

Ayos lang na saktan mo ako. Physical man o emotional. Basta masaya at kumportable ka, titiisin ko, makita lang ang ngiti sa labi mo at ang tuwa sa mata mo.

Namula ako ng mabasa ko iyon.

"Asus, hindi pa nga nakakarating sa dulo nakangiti kana agad. Ano ba, kinikilig din tuloy ako."

Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Jershey 'yun.

"Eh kasi ang corny ni Blake!"

>/////////////<

"Hay nako haha! Oh eto," Abot niya sakin ng orange na letter. "Be happy." Ngiti niya at kumaway na sakin.

Hindi ko kailangan ng kahit anong materyales na bagay. Ikaw lang, regalo kana sakin ni God. :)

Hohemji.

"Bagay sayo 'yan." Ngiti ni Matt sakin at binigay ang letter na kulay yellow.

I love you even though you're not perfect. I love you even though you make silly face. I love you for what and who you are, my one and only.

"Enjoy your night." Sabi niya at niyakap ako.

"Thank you." Sabi ko at naglakad na.

At sa entrance ng park, nakita ko doon si Jules na nakatayo habang nakahalukipkip. Nakangiti siya saakin kaya lumapit ako.

"Happy anniversary sainyo, leley. Kapag nagbreak kayo balitaan mo ko ah? Sasaluhin kita agad." Sabay tawa niya.

"Baliw. Lifetime na kami." Sabi ko sakaniya at tumawa.

"Walang ganun. Joke! Haha. Oh," Abot niya sakin ng red na letter. "Pakabusog ka." Tawa niya at niyakap ako sabay halik sa gilid ng ulo ko. "I'll always be at your side, ley."

"Thank you." Ngiti ko sakaniya at pumasok na.

Thank you for accepting me for who I am. Thank you for sacrificing. Thank you for loving me. Thank you for all. There's only one thing that I'm afraid of, yung araw na mapagod at magsawa ka sa kakaintindi sakin. Baby, walang mapapagod at susuko diba? Hindi ko alam kung ilang beses kong dapat sabihin na mahal na mahal kita. Pero alam ko sa sarili ko na sobra sobra 'to. Walk straight, baby. I'm excited to see you.

Napangiti naman ako agad kaya naglakad na ako papunta sa gitna ng park.

Ang dilim. So san kami kakain?

"Blake?" Tawag ko.

Naglakad ako ng ilang steps at biglang bumukas lahat ng ilaw.

Napatakip nanaman ako sa bibig ko. Ang ganda. May mga nakasabit na ilaw sa paligid. At sa gitna, may paheart na mga kandila at table for two.

"Wow.." Ayan lang ang nasambit ko. Ang ganda.

"Did you liked it?"

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko doon si Blake na nakasuit and tie.

Napangiti ako ng makita ko siya. I missed this guy.

"Super." Nakangiti kong sambit sakaniya at ramdam ko na tutulo na ang luha ko.

"Baby, don't cry.." Aniya at nilapitan ako.

"Bakit ngayon ka lang?" Nagc-crack ang boses kong tanong.

"Pinaghandaan ko 'to. Atsaka naisip ko na din na ipagpatuloy yung 'wag pagpansin sayo para naman masurprise kita."

Hindi ako kumibo imbes ay pinunasan ko ang luha na tumulo galing sa mata ko.

"Stop crying. I want you to be happy tonight." Napapaos niyang sabi kaya tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako ng nakangiti. "Tara? Kain na tayo."

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa loob ng heart na iyon.

Pinaghila niya ako ng upuan pagkatapos ay umupo naman siya sa harap ko at parang may sinenyas sa gilid niya. Napatingin ako doon at nakita ko si Matt at Jules. Waiter? Hahaha!

Ilang minuto muna kaming tahimik. Tinitignan tignan ko pa din ang paligid dahil sa mga ilaw.

"Oh ayan na."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita yung dalawang mokong na nilapag ang pagkain namin.

"Thanks bro." Sabi ni Blake at tumango naman ang dalawa.

Tinignan naman ako ni Jules at tumango't ngumiti siya sakin. Kaya ngumiti din ako pabalik bago sila umalis.

"So how've you been these past two weeks?" Tanong niya at pinaghiwa ako.

Hindi naman ako baldado ah? Pfft!

"Not fine. Iniisip kita lagi e. Kung kumain kana ba, anong ginagawa mo or something else." Sabi ko at sumubo.

Infairness, masarap.

"I'm sorry. Tiniis ko ng sobra na hindi magparamdam sayo kasi alam kong mas eepekto sayo 'to. Mas matutuwa o mas-surprise ka, ganun." Sabi niya at pinunasan ang labi niya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa at lumiyad ng konti saakin. "I missed you." Ngisi niya.

I felt my heart skipped a beat. Namiss ko siya ng sobra. Etong gwapong nasa harapan ko ngayon.

"Hindi lang ikaw." Sabi ko at inirapan siya.

"Ang sungit ng baby ko." Sabay nguso niya. Gosh, I want to kiss those lips.

Umirap na lang ako ulit at kumain. Kwentuhan ang namuo sa kainan namin. Pero gusto ko pa ding malaman yung about kay Liz kaya nang matapos akong kumain ay tinignan ko siya. Mas nauna siyang natapos saakin at nakatingin lang siya sakin the whole time.

"So, what's with Liz? Bakit ka niya chinachat?" Seryoso kong tanong.

"Baby naman.."

Umiling ako. "No, no, hindi ako galit. 'Wag mong isipin na galit ako. Gusto ko lang malaman kung bakit."

"Are you sure?" Tanong niya saakin kaya tumango ako. "I don't know what's her problem pero tumawag sakin si John last month. Gusto nanaman daw akong makita ni Liz. Sinabi ko na kausapin yung parents ni Liz dahil umayaw na ko. Pero makulit si Liz at chat pa din siya ng chat. She looks stressed. Depressed and exhausted. Pero hindi ko siya tinulungan. Alam ko na ugali niya. And besides, sayo ko gustong ituon ang atensyon ko."

"Eh bakit nagsinungaling ka?"

"Kasi alam kong magagalit ka. Maiinis ka nanaman sakaniya. Hindi ko pinagtatakpan si Liz pero ayoko lang na mabother ka nanaman dahil sakaniya. I don't want you to have problem again with her. I want you to be happy and enjoy here."

Hindi ko na kailangan pa ng ilang paliwanag niya. Nakuntento na ako sa narinig kong iyon kaya ngumiti ako sakaniya at tumango.

"I understand now."

Ngumiti siya at tumayo. "May I?" Tanong niya at inalok ang kamay niya saakin.

Tinanggap ko iyon at nakarinig ako ng tumutugtog na violin. Hindi ko na kinailangang tignan kung sino iyon.

Tahimik lang kami habang nags-sway. Ilang sandali ang lumipas at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako mata sa mata.

"Happy 3rd anniversary, my one and only. Always remember that I love you and no one can change it. Till death do us part?" Sumilay ang ngiti sa labi niya at itinaas ang singsing niya.

Tinignan ko ang singsing ko na kabiyak ng singsing na iyon.

"Till death do us part.." At idinikit ko ang singsing ko sa singsing niya.

The next thing I knew is he cupped my face and kissed me deeply.

I love this guy so damn much.

Continue Reading

You'll Also Like

8M 276K 88
Book 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Mis...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
15.6K 1K 44
A hidden University that has different rules. A University that has different way to handle students. A man named Khiant Lyle was enrolled in this Un...
Scribbled Mails By 🦋

General Fiction

2.3K 200 85
Welcome to Friendly Finder! Looking for a friend? We've got you covered. --- An Epistolary Collaboration asyhiea & closemyeyes