Married to a Stranger [R-18]...

By PsychedelicDistress

1.4M 34.1K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... More

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
2 Casper
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

27 Pagpapanggap

24.1K 704 51
By PsychedelicDistress

27

Pagpapanggap

KASALUKUYANG NAHIHIMBING SI Rica sa kaniyamg pagtulog, samantalang si Dominic naman ay tahimik na nakahiga sa tabi niya. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito.

Bahagyang yumuko si Dominic para gawaran ng halik sa noo si Rica dahil sa pag-aakalang ito ang kaniyang asawa. Kahit gaano pa ito kapasaway, at minsan pa nga ay wala ito sa tamang rason tuwing mag-aaway sila, hindi pa rin niya maitatanggi sa kaniyang sarili na ito lang ang babae na minahal niya ng totoo. Kung bakit ay tanging puso lang niya ang nakakaalam.

Sunod ay mas binabaan niya ang kaniyang ulo para hagkan ang labi nito. Nasaktan na naman niya ito dahil sa pagtataksil na ginawa nito sa kaniya. Mahaba kasi ang oras na ginugugol niya para sa pagtatrabaho kaya minsan ay nawawalan siya ng panahon para rito.

Kahit gusto niyang bantayan ito ng veinte cuatro oras ay hindi niya magawa dahil may iba rin naman siyang pinagkakaabalahan. Subalit ngayon, asawa na niya ito at magkakaanak siya rito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maging mabuting asawa rito.

He pressed his lips harder on Rica's lips. Hanggang ngayon ay nakokonsensiya pa rin siya sa pananakit niya kay Vernice. Wala talaga sa intensiyon niya na saktan ito sa tuwing nagseselos siya, ngunit mas nangingibabaw ang kaniyang init ng ulo kaya hindi niya mapigilan ang sarili na pagbuhatan ito ng kamay.

Marahang iminulat ni Rica ang kaniyang mga mata saka siya ngumiti kay Dominic dahil nakalimutan niyang ang kapatid pala ni Casper ang kasama niya. Dominic planted another small kiss on Rica's forehead. Maaliwalas na ngumiti ito sa kaniya. "Good morning Vernice," abot-taingang bati nito kay Rica.

Namilog ang mga mata ni Rica dahil sa pagkakaalalang siya nga pala si Vernice, at muli ay hinahawakan na naman siya ng kapatid ng kaniyang tunay na asawa. Mabilis na dumaloy sa buong katawan niya ang pagkakilabot. Agad siyang tumayo saka lumayo rito.

Dominic frowned at her strange act. "Are you okay?"

Mabilis na tumango siya rito. "Okay lang ako, okay lang ako. S-Sige, punta muna ako sa banyo," aniya saka patakbong tinungo ang comfort room."

"Goddamn it Vernice, don't run! Baka nakakalimutan mong buntis ka?" dinig niyang pahabol pa ni Dominic habang tumatakbo siya patungo sa banyo.

Pagpasok sa loob ng comfort room ay inilock niya kaagad ang pinto. Binuksan niya muna ang gripo saka siya naghilamos, mayari ay tinitigan niya ang kaniyang repleksiyon sa salamin. Mukha pa rin ni Vernice ang nakikita niya roon. Humugot siya ng malalim na hininga saka pumikit.

Napasalampak din siya sa sahig. Ang usapan nila ni Vernice ay hanggang hapon lang nitong araw na ito ang itatagal ng pagpapalit ng anyo nila. Isinandig niya ang kaniyang ulo sa dingding sa gilid niya. Hindi na niya kayang tumagal pa. Hinahawak-hawakan siya ni Dominic dahil akala nitong siya si Vernice at hindi maganda iyon.

Gusto na niyang umalis, gusto na niyang bumalik sa puder ni Casper pero hindi niya magawa dahil sa hitsura niya ngayon. Masama ang ginagawa niya, nanloloko siya ng tao at isa pa ay parang nagtataksil na rin siya sa kaniyang asawa. Nais na niya talagang umalis.

Tahimik na nagpalipas siya ng oras sa loob ng banyo. Ayaw niyang lumabas dahil paniguradong lalambingin nang lalambingin lamang siya ni Dominic. At may kasamang paghawak ang paglalambing nito dahil napaka-touchy ng mag-asawang Vernice at Dominic sa isa't-isa.

Kung hindi lang talaga siya naaawa kay Vernice at sa dinadala nito, hinding-hindi siya papayag sa gusto nito. Kumakalam na ang kaniyang sikmura ngunit binalewala niya iyon. Uubusin na lang muna niya ang kaniyang oras hanggang sa sumapit ang hapon. Maingat na tatakas siya bago tuluyang bumalik ang sarili niyang anyo, ngunit paano?

Nakakakalahating oras na siya nang magsimula nang mangatok si Dominic sa pinto. "Babe, kanina ka pa r'yan. Are you okay?" Hindi iyon kaagad pinansin ni Rica dahil nasa malayo ang kaniyang isipan.

Ano na kaya ang nangyari kay Casper? Si Vernice ang pumalit bilang ako at umalis siya sa bahay namin ni Casper dahil pagtakas ang gagawin niya, hinahanap kaya ako ni Casper? Siguradong grabe na ang pag-aalala n'on dahil sa pagkawala ko.

Sunud-sunod ang pagkatok ni Dominic sa pinto dahil sa pag-aalala na baka kung ano na ang nangyari sa asawa niya. "Vernice! Are you okay?" muling tanong pa niya.

Marahang tumayo si Rica saka siya lumapit sa pinto ngunit hindi niya iyon binuksan. "Ayos lang ako..." nanghihina niyang tugon.

Lalong namuo ang pag-aalala ni Dominic. He was not able to feed her yesterday because she was avoiding him all the time. Paniguradong nanghihina na ito lalo na't nagdadalang tao pa ito. Hindi lang isa ang kumukonsumo sa mga kinakain nito. "Come out, it's time for your feeding."

"Maliligo muna ako..."

"Okay, open this door. Ako na ang magpapaligo sa'yo."

"Kayang kong paliguan ang sarili ko ng mag-isa. Puwede ba Dominic, hayaan mo muna akong mag-isa?"

Nanikip ang dibdib niya dahil sa mga sinabi nito. Kahapon pa siya nito iniiwasan. At ang paglalock nito ng pinto ang patunay para sa kaniya na talagang may galit pa ito sa kaniya. Hindi kasi ugali ni Vernice na maglock ng pinto, ginagawa lang nito 'yon kapag umiiwas ito, at 'yon ang dumudurog sa puso ni Dominic. Sa kaniya nga ang katawang pisikal ni Vernice, subalit malayo naman sa kaniya ang puso't isipan nito.

Wala na siyang nagawa kundi ang maghintay ng ilang saglit para makayari itong maligo. Umalis muna siya sa kuwarto, binalikan lang niya ulit ito mayari ang isang oras. Bihis na bihis ito hindi katulad na madalas na panloob lang ang suot nito.

He started asking her questions. Ganoon ang paraan niya para magsimula ng konbersasyon dito. "Aalis ka ba?"

"A-Ako?" Rica blinked twice. "Baka mamaya."

"Saan ka pupunta? Gusto mo bang samahan kita?"

Umiling si Rica. "'Wag na, mag-isa na lang akong aalis."

Napansin ni Dominic na hindi pa ito nakakasuklay kaya binuksan niya ang drawer sa gilid niya saka kumuha ng suklay. Nang humakbang siya ng kaunti ay napansin niya ang pag-atras ni Vernice. Naiinis na siya sa inaasal nito. Akala niya ayos na ang pagtatalo nila, subalit umiiwas na naman sa kaniya ang babaeng mahal niya.

He gazed through her eyes, his eyes was full of sadness and pain. "Vernice, akala ko ba hindi ka na galit sa akin?" he broke. It was really crushing him inside, pakiramdam niya ay pinupulbos ang puso niya sa tuwing ipinadadama nito sa kaniya na ayaw niyang dumikit dito.

Binagtas niya ang distansiya sa pagitan nila saka niya mariing ginagap ang mga kamay nito. "I'm sorry, you know how much I'm sorry for hurting you. Hindi ko 'yon sinasadya at alam mong ganoon lang talaga ako kapag nagseselos ako. Please, kahapon mo pa ako iniiwasan. You said we're fine, sabi mo ayos na."

Sh-t! Hindi alam ni Rica kung ano ang gagawin niya. Ang inaalala lang niya kanina ay si Casper, na baka nasasaktan na ito sa biglaang pagkawala niya. Hindi niya naisip na nasasaktan din pala si Dominic sa ginagawa niyang pag-iwas dito. Pero kahit nalulungkot ito ay wala siyang magagawa, mas dapat ngang lumayo ito sa kaniya. At saka isa pa, natatakot din siya na baka saktan siya nito.

"Vernice, ano ba? Hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin? Alam kong nasasaktan kita, alam ko 'yon at pinipilit ko ang sarili ko na huwag nang ulitin 'yon. Sadyang nagdidilim lang talaga ang paningin ko tuwing nalalaman kong pinagtataksilan mo ako. I love you and you know that. Please? I promise, I promise that I will never hurt you like what my brother did to his wife."

Brother, si Casper ba? Pero ano'ng ginawa sa akin ni Casper? Kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan. "What do you mean? Hindi kita maintindihan."

"Hinding-hindi kita sasaktan katulad ng ginawa niya kay Rica noon, naiintindihan mo ba?"

"T-Teka, ano ang ginawa ni Casper sa--- kay Rica? Hindi talaga kita maintindihan."

Hinila siya ni Dominic paupo sa kama bago nito simulan ang pagpapaliwanag. "Casper killed Rica before because of too much jealousy," he started. Namilog naman ang mga mata ni Rica. "Simula nang maikasal sila, itinurin na niyang pag-aari si Rica. Lahat ng galaw nito ay alam na alam dapat ng kapatid ko. Rica was never free back then." Dominic slightly brushed his thumb on her cheeks. "I never did that to you right, right?"

"Ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan, bakit naman gagawin 'yon ni Casper kay Rica? You don't make much sense!" she snapped. Imposible ang mga sinasabi nito. Kung may bayolente man sa kanilang magkakambal, siya 'yon!

Dominic sighed. Ayaw niyang ikuwento kung ano ang nangyari noon, pero kailangan niyang sabihin ang buong kuwento sa kaniyang asawa para mapanatag ang loob nito. Ang tanging naikuwento lang kasi niya noon kay Vernice ay ang ginawang pagpatay noon ni Casper sa kaniyang asawa. Iyon ang tumatakot sa asawa niya sa kaniyang pagkakaalam. Natatakot ito na gawin niya ang ginawa noon ni Casper sa asawa nito.

"Daang taon na ang nakalipas mula nang mangyari 'yon, Vernice. Rica wasn't her name before. Sikat siya sa mga tao dahil sa angking bait niya, and Casper fell for that. He was deeply in love with her like how I am deeply in love with you." Rica's cheek slightly flushed pink when he said that.

"Hindi lang si Casper ang umibig noon kay Rica. Marami pang ibang lalaki na nanligaw dito, but she chose him. Nagpakasal sila, at namuhay sila ng masaya. They were living happily until Rica got raped..."

Napaisip si Rica sa mga sinasabi nito at mayamaya'y nakaramdam siya ng masidhing pagkirot ng kaniyang ulo. She was having blurry images of a man raping her. She was shouting and crying but no one was there to help her.

"Casper immediately dispatched the man who raped his wife. Simula nang mangyari 'yon ay ikinulong na niya sa loob ng kaniyang palasyo si Rica, kahit kailan ay hindi na niya ito pinatapak sa labas. At first it was okay with her, pero hindi nagtagal ay nabugnot na rin ito. Para malibang ang kaniyang sarili, ginawa na lang niyang libangan ang pakikipag-usap sa mga taong nakikita niya."

"When Casper caught her talking with another man, my twin got really mad. He was jealous even though Rica was just talking to that guy. Pinagalitan niya ito, at nang pangalawang beses na nakita niyang nakikipag-usap pa ito sa ibang lalaki, he started hurting her. He started to be really possessive, umabot pa sa puntong kahit paglabas na lang sa sariling kuwarto nila ay hindi na niya pinayagan na umalis si Rica."

"Rica got pregnant that time, subalit sa halip na matuwa si Casper ay nagalit pa ito dahil sa pag-iisip na hindi siya ang ama ng dinadala nito. He called for a doctor that day to kill the child inside Rica. Nawindang noon si Rica, kaya tumakas siya. But Casper ran after her. And when he got her, he ripped off her legs so that she can never run away from him again."

The blurry images the floods her mind became vivid, she can clearly see Casper's face inside her mind. Malinaw sa isip niya ang imahe kung paano siya nito saktan, tila ba nakikita niya kung ano ang nangyari sa kaniya noon. Tinadtad nito ang binti niya para hindi na siya muling makalakad pa, para hindi na siya muling makalayo rito.

The pain was excruciating she can almost feel it in her skin. Mahigpit na napahawak tuloy siya sa kaniyang tuhod. Hindi niya alam kung paano niya nakikita ang mga imaheng iyon at kung paano siya ikinasal kay Casper noon. Naging malinaw lang sa kaniyang ang lahat nang ipaliwanag sa kaniya ni Dominic na reincarnation lang siya ng dating siya.

"I don't know how it happened," he added. "But he ended up killing his own wife, also his own child. W-Wait, are you okay?" Ipinunas ni Dominic ang daliri nito sa ilalim na kaniyang mata. She did not notice that tears were falling from her eyes.

It's real! Alam ni Rica sa sarili niya na totoo ang mga sinasabi ni Dominic. She can feel it inside her, and now it all makes sense.

"Dominic," mangiyak-ngiyak niyang sambit sa pangalan nito. "Hindi ako si Vernice..."

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀


Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 62.8K 13
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] No one dares to mess with the PRINCESS because messing with her means messing with t...
12.7M 181K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
1.8M 15.6K 35
Another student teacher affair but comes up with a RIOT. Available in all NBS, Shopee, and Lazada. Let's talk at fb.com/wandersofkim
9.2M 164K 58
Lauren Cassidy Imperial, a junior college student who later had a very exciting yet complicated life after she met the 'God's gift to women' hot prof...