Miss the J.E.R.K.

By oinkoink

114K 2.1K 769

"A person often meets his destiny on the road he took to avoid it." - Jean de La Fontaine | Season 2 of Meet... More

Miss the J.E.R.K.
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 2

3.3K 132 18
By oinkoink

Gaya ng sabi ko, don't expect too much ha? I'm full of thoughts pero kulang ako sa moments. Hehe! Anyway, salamat sa comments sa first chapter. Ang lame ba? Haha sorry! :) Salamat din sa mga walang sawang naghintay. Nung nabasa ko messages niyo, grabe, dama ko, totoo talagang naghintay kayo. Ganyan din ba kayo sa pag-ibig? At least na-warm up na kayo diba? Ayos yan! Haha joke lang. Salamat sa inyo!

***

Chapter 2


ACE--

"Iya!!! I'm sorry!"

"Hay nako. Reception dumating? Ganyan na ba talaga tayo?"

"Sorry talaga! Nag-leave ako pero may emergency kasi bigla. Sorry!"

"Sige na. Sige na. Para namang may magagawa pa ako. Saka ayaw kong pumangit dahil sa inis ko sayo 'no!"

"Grabe naman 'to. Thank you! Babawi talaga ako sayo. Sa binyag ng magiging anak mo! Hahaha."

"Tse! Baliw ka talaga. Parehas talaga kayong dalawa!"

"Huh? Nino?" Napakunot ako sa sinabi ni Iya at napalinga sa paligid.

"Wala siya dito! Sus. Hanap-hanap ka pa dyan. Umalis na kanina pa! Workaholic din parang ikaw!"

"Sino bang tinutukoy mo?"

"Naku Ace wag nga ako! Di na tayo bata 'no wag ka nang magmaang-maangan dyan." Nagkibit balikat nalang ako at nagpaalam na muna si Iya na aalis dahil i-eentertain pa niya ang ibang guests. Parang ewan lang ako. Nakarating ako sa reception na. Parang hindi malapit sa akin yung kinasal, eh. Naglandas yung mata ko sa paligid at nakita ko si Rae saka si Kuya Justin na sumasayaw. Going strong pa rin, eh?

Ang ganda nilang tignan. Ang sarap panoorin ng tunay na pag-ibig. Mapapangiti ka nalang. Kahit hindi sayo 'yung love story, natutuwa ka. Para ka na ring nalalasing sa pag-ibig. Tangna, eto na naman ako. Tinotopak na naman ako sa ideya ng pag-ibig. Para na naman akong tanga. Paiba-iba ang takbo ng isip. Minsan, gustong-gusto ko yung ideya. Minsan naman, suklam na suklam ako.

Tumungo nalang ako sa may bar dito at uminom. Bigla akong naumay sa iniisip ko. Hanggang sa napatanong na naman ako sa sarili ko kung bakit ba nagpapakasal ang dalawang tao? Paano sila nakakasiguro na sila na nga talaga ang para sa isa't-isa? Oo, in love sila ngayon. Pero paano next week? Next month? Next year? Paano kung hindi na? Paano sila makakaalis e nakatali na sila? Maghihiwalay? Edi sana di nalang sila nagpatali kung di rin nila paninindigan! E paano kung pinanindigan nga kaso di na talaga mahal? Unfair din naman 'yun, diba?

E bakit ba ang dami kong iniisip? Di naman ako yung kinasal ah. Ay, ewan. Ganito yata kapag matanda na e. Big deal lahat. Kailangan, may reasons muna lahat kung 'bakit' bago gawin ang isang bagay. 

Nakakaloka! Ganito nalang lagi ako kahit nung nasa ibang bansa pa ako. Dami kong tanong. Buti nga di ako nabaliw, eh. Kaya siguro ang dami kong pinagkaabalahan nun doon. Umattend ako ng kung anu-anong painting workshop after ko grumaduate at mag-take ng board exam. Trip ko lang magpaka-artist. Hehe. Kaya siguro napigilan din yung pagkabaliw ko.

Nagpatuloy ako sa pag-inom tapos narinig kong may mic feedback. Pagsilip ko sa stage, nakita ko ang bandang 'Elesi'. Ewan ko kung bakit ganyan ang pangalan nila. Kilala ko rin sila personally kasi madalas ako sa music bar na tinutugtugan nila. Close ko rin yung vocalist nila, si Nate. Na-meet ko siya way back in college sa bar din. Vocalist na pala siya noon pa 'di bale matagal na talaga itong banda nila. Rock music ang genre nila pero hindi naman hardcore. Nagtataka lang ako kung bakit sila ang ininvite nila Iya na tumugtog sa wedding nila. Friends yata sila ni Vince? Rakista na sila? Nahawa? Pwede. Kasi ako nahawa rin e. Nagkasama rin kasi kami nito ni Nate sa Australia nung saglit siyang nag-aral ng Sound Engineering dun at dahil puro rock music ang tugtugan niya, nahawa na rin ako. Nagustuhan ko na rin.


"Kumusta kayong lahat???? Alright! Best wishes sa ating couple tonight Mr. and Mrs.Perez. Talaga namang sweet na sweet oh palakpakan po natin sila!" 


Nagpalakpakan at naghiyawan 'yung mga tao sa sinabi ni Nate. Maski ako nakipalakpak din. "Itong first song po namin ay kung saan ibabalik natin ang ating newly weds sa tamis ng kanilang unang pagsasama." Nagpalakapakan at naghiyawan ulit ang lahat nang biglang nag-intro yung Out of my League.

It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I'm falling further in love

Makes me shiver but in a good way

Nakaka-amaze lang talaga kapag nasanay ka sa pang-rakistang boses ng bokalista tapos kumanta siya ng ganitong genre. Ang ganda, eh. In fairness dito kay Nate ha?

All the times I have sat and stared

As she thoughtfully thumbs through her hair

And she purses her lips, bats her eyes and she plays,

With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Napatingin ako kila Iya. Ang saya nila, sobra. Para bang hindi na matatapos yung saya nila kapag tinignan mo sila. Oo nga pala. Eto yung kanta ni Vince kay Iya. Ang galing ng music, 'no? Kaya niyang dalhin ka sa nakaraan. Kaya niyang iparamdam sayo yung pakiramdam mo noon. Kahit ilang taon na ang nakalipas. Kaya niyang i-refresh ang bawat alaala.

Cause I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

Cause she's all that I see and she's all that I need

And I'm out of my league once again

Nagpatuloy lang sa pagkanta si Nate. Napatingin siya sa side ko at napangiti. Nginitian ko rin siya.

It's a masterful melody when she calls out my name to me

As the world spins around her she laughs,

Rolls her eyes and I feel like I'm falling

But it's no surprise

'Cause I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea

But I'd rather be here than on land

Yes she's all that I see and she's all that I need

And I'm out of my league once again..

Pagkabawi ko ng tingin kay Nate ay may naaninag akong isang pamilyar na lalaki. Nakatingin siya sakin. Biglang kumalabog yung puso ko. Tngna, hindi ko alam ang gagawin ko. Walangyang tadhana ito, ano ba?? Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Nagwawala yung puso ko sa kaba. Teka, bakit ba ako kinakabahan? Okay na ako, diba? Bago ako bumalik dito, maayos na ako, diba? Hindi ko maintindihan. Pero siguro, dahil lang 'to sa marami na ako masyadong nainom. Carbonated din kasi yung ibang drinks. Nakakaloka. Siguro nga, dahil lang dun.

***

NATHAN--

Kanina pa ako nakabalik dito sa party ng newly weds. At kanina ko pa rin siya pinagmamasdan. Miss na miss ko siya, sobra. Habang pinagmamasdan ko siya sa malayo, gusto ko na siya lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ko alam kung paano. 

Limang taon na ang nakalipas. Marami nangyari. At kasalanan ko lahat. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. Ni hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.

Sinabi nila Vince sakin na nakita at nakakwentuhan nila si Acey nung nakaraan. Nakita ko rin naman siya. Nayakap pa nga. Sa ibang katauhan nga lang. Oo, ako yung isang macho dancer na inorder nila. Nakakahiya. Pero di ko talaga gawain yun. First time ko yun. At para lang mapalapit ako sa kanya kasi nabalitaan ko weeks ago na nandito na pala siya at magpapa-bridal shower sila para kay Iya. Katulong ko si Carl nun para malaman kung saan sila umorder ng lalaki. Ewan ko kay Carl kung bakit may koneksyon siya sa mga ganun. At oo, si Carl yung isang macho dancer. Yun din yung sinabi kong raket ko kila Vince. Hehe! Sobrang saya ng puso ko nun. Mayakap ko ba naman siya ulit pagkalipas ng limang taon? Kahit ganun lang muna sa ngayon, ayos na ako. Kahit araw-araw akong maging macho dancer basta sa kanya lang, ayos lang sakin.

Napapansin kong marami na siyang nainom. Sabi nila, ibang-iba na raw si Acey ngayon. Pero bakit habang tinitignan ko siya, pakiramdam ko walang nagbago? Pakiramdam ko siya pa rin yung Acey na minahal ko at patuloy kong minamahal hanggang ngayon at sa mga susunod pang mga araw? May nagbago sa itsura niya, oo. Mas lalo siyang gumanda. Professional na talaga yung dating niya. May parte ng utak ko na parang di ko na siya kayang abutin pero sa bandang huli, nararamdaman kong siya pa rin. Siya pa rin yung babaeng minamahal ko.


"Uy, Nathan pare! Bumalik ka pala."

"Oo. Baka magtampo si Vince e! Alam mo namang bakla sakin yun minsan."


Umalis kasi ako kanina dahil may inasikaso ako sa trabaho pero dahil tinext nila sa akin na andito raw si Acey, tinapos ko agad at nagmadali akong bumalik dito. 

Nagtawanan kami tapos umalis na rin siya dahil tutugtog pa raw sila. Nagsimula na silang tumugtog ng Out of my League at nakita ko si Acey na nanonood din. Nag-ngitian sila ni Nate, nakita ko. Oo nga, magkakilala nga rin pala sila. Pagkabawi niya ng tingin kay Nate ay nakita kong nahagip ako ng mata niya. Hindi lang pala basta nahagip. Kundi napako yung tingin niya sakin. Nagkatitigan kami ng matagal. Gusto ko siyang ngitian pero natatakot akong hindi niya ako ngitian pabalik.


"HUY!" sigaw ni Kurt. "Ano? Magpapakagag* ka nalang ba dyan ulit? Di mo pupuntahan? Magpapakatorpe ka nalang dyan? Kung ako sayo, kung gusto mo pa, sugod lang nang sugod! E ano kung itakwil ka? At least sinubukan mo diba? Wag ka ngang gag* dyan! Ako susunggab dyan!" 

Bigla akong natauhan sa sinabi ni Kurt lalo na sa banta niyang aagawin nalang niya si Acey. Gag* talaga 'to!

Pero oo nga, ano naman kung itakwil niya ako? Pero at least sinubukan ko, diba? Subok lang nang subok hanggang mapabalik ko ulit siya sakin. Kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Siya talaga ang mahal ko. Sa kanya ko lang nakikita yung future. 

Kaya gagawin ko lahat mapabalik ko lang siya ulit sakin. Alam kong mahirap. Pero di ako susuko. Ngayon pa ba? Ngayon pa na pinagbigyan ulit ako ng tadhana?  









Continue Reading

You'll Also Like

398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
193K 8.5K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
73.4K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023