Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 57

31.7K 935 175
By letmebed1


Jillian Fuentes

Isang tawag ang natanggap ko mula kay Yana habang papasok na kami sa kanya kanya naming apartment ni Anne.

"Babe wait!"tawag ko kay Anne bago siya pumasok ng pintuan."Tumawag si Yana. Punta raw tayo sa bar niya ngayon. Ano go tayo?"

Halatang nag-isip pa siya.

"Bakit daw?"tanong niya habang pareho kaming nakahawak sa doorknob ng mga pintuan namin.

"Hindi ko alam, eh. Gusto mo ba o ayaw?"

"Sige tara."

"Okay, magbibihis lang ako, ha? Tapos punta na ko diyan."nginitian ko siya sabay kindat.

Hindi naman maikakaila sa akin ang pamumula ng pisngi niya.

Ang ganda talaga niya!

Sabay na kaming pumasok sa aming mga apartment. Wala pa atang limang minuto nakapagbihis na agad ako. Agad naman akong pinagbuksan ni Anne pagkatok ko dito sa pintuan niya.

"Mhmm? Ang bilis mo namang magbihis, Jillian."sabi niya habang may hawak itong isang basong tubig.

Halatang uhaw na uhaw siya.

"Alam mo naman ako. Gusto ko nakikita ka palagi."

Ngumiti lang ito saka sumimsim ng tubig sa baso habang ako naman ay nakatitig na naman sa kanya.

Uupo sana ako dito sa sofa pero mas pinili kong lapitan siya.

"Ang tagal kitang hindi..."

Natigil ako sa sasabihin ko dahil agad ko siyang niyakap mula sa likuran niya na halatang ikinagulat niya. Hindi kasi siya nakatingin sa akin.

".....hindi nayakap, nahalikan at napanggigilan."

"Jillian nakikiliti ako."sabi niya nong umpisahan ko siyang halikan sa leeg.

"Ang bango mo babe, pwede bang ako na ang magbihis sa iyo?"

"Ako na lang Jillian. Kung gusto mo panuorin mo na lang akong magbihis."

Biglang nanlaki ang mata ko.

"Totoo?"

"Biro lang. Ikaw talaga."nakangiting sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Bigla akong nanlumo.

Pinasasabik lang niya ako.

"San ka pupunta?"tanong ko nong ilapag niya ang baso.

"Magbibihis na."

"Sama ako? Sige na, babe."

"Ikaw ang bahala."

Yes!

Nakasunod na ako sa kanya pagpasok niya ng kwarto.

"Maupo ka muna diyan sa kama magbibihis lang ako."

Sumunod naman ako.

Pinapanuod ko siya habang naghahanap ng maisusuot.

"Okay na ba to, Jillian?"

Skinny Jeans at sleeveless na blouse.

Tumango naman ako.

Napalunok na lang ako nong magsimula siyang maghubad ng pants sunod ang kanyang blouse.

"Babe?"

"Mhmm? Bakit?"

"Pwede bang mamaya ka na magsuot ng damit? Pahug muna ako?"

"Ikaw talaga. Kung hindi lang kita mahal. Sige hug na."

"Yay! Ang bait!"

Agad akong lumapit sa kanya saka ko siya niyakap sa likod.

"Hindi ba tayo hahanapin nila Yana?"

"Hamo sila. Kahit di tayo pumunta basta solo kita."

"Bad ka."sagot niya saka humarap sa akin.

"Namiss mo ba ako, babe?"

"Sobra Jillian. Miss na miss kita."

"Ako rin.....Miss ko na lahat sayo."

Dahan dahan kong idinampi ang labi ko sa labi niya at nagsimulang maglikot ang dila ko sa loob ng bibig niya. Hindi niya alam kung gaano ako kasabik na mahalikan at mayakap siya. Halata kong sabik din siya dahil wala siyang tutol sa mga halik at haplos ko sa kanya.

"I love you, Anne."sambit ko sa pagitan ng aming mga halikan.

Wala sana akong balak tumigil sa paghalik sa kanya nong maramdaman kong nag vibrate yong phone ko sa bulsa ko.

"Shit storbo."bulalas ko.

Natatawang inilayo ni Anne ang labi niya sa labi ko pero magkadikit pa rin ang mga noo namin habang sinisilip ko kung sino yong tumatawag.

"Si Yana."

"Sagutin mo muna."

"Kainis naman 'to. Ang galing tumayming!"

Kinausap ko saglit si Yana habang hawak ang kamay ni Anne. Nakaupo ako dito sa kama habang siya ay nakatayo dito sa harapan ko. Nakatingala ako sa kanya habang nakikipag usap dito sa cellphone.

"Okay sige magbibihis lang kami."sagot ko kay Yana.

"Babe tayo na lang daw ang hinihintay, eh. Bwiset! Hindi naman ako nag Oo. Pwede bang huwag na tayong pumunta?"

"Ikaw talaga. Magbibihis na ako. Nakakahiya sa kanila."

Napapakamot ako habang pinagmamasdan na nagbibihis si Anne dito sa tabi ko. Kung pwede lang hindi na pumunta para masolo ko siya.

After ten minutes nakaready na kami para umalis.

"Bakit ang seryoso mo Jillian?"tanong niya habang nagmamaneho ako ng sasakyan papuntang bar ni Yana.

"Bitin babe. Ang sakit ng puson ko."

Natatawang umiwas ng tingin 'tong katabi ko.

Kahit ako napapangiti.

Halos kalahating oras din ang naging byahe namin bago makarating dito sa bar ni Yana.

Iilan palang ang mga tao dahil medyo maaga pa pero ang barkada mukhang kumpleto na lahat.

"Jill Anne!" Sigaw nila.

Hawak ko naman ang kamay ni Anne papalapit sa kanila.

"Kumusta na?"tanong ko sa kanila saka kami humalik isa isa sa mga pisngi nila.

"Iba talaga pag nasaktan. Lalo kang gumanda Anne."si Frances.

Napangiti ako saka palihim na sinabunutan si Frances nong hindi nakatingin sa amin si Anne.

"Bwisit ka Jill!"sabi nito.

"Kumusta Ellaine?"tanong ko naman kay Ellaine habang ngumunguya ng mansanas.

"Eto single pa rin."

"Bago yan ah. Nagbago ka na rin kagaya ni Jean?"

"Hay naku! Di hamak naman na mas matino ako diyan sa kaibigan mo 'no."

"Anong sinasabi mo diyan Ellaine?!"si Jean.

Hanep! Lakas ng pandinig.

"Ang sabi ko pangit ka!"

"Ah ganon?! Akala mo naman ang ganda mo! Para sabihin ko sayo boobs mo lang ang nagdadala sayo!"

"Tse!"

Napapailing akong iniwan yong dalawa. Tahimik naman si Atasha na nag aayos ng table para sa mga dadating na customer.

"Atasha samahan mo nga muna si Anne. Puntahan ko lang si Yana."

"Sige."sagot naman nito.

"Wag mo siyang patatabihin kay Jean,ha?"

"Sige ako na bahala. Hindi ko siya patatabihin kay Jean. Baka mahawaan pa ng sakit si Anne."

Natawa tuloy ako kay Atasha.

Ang totoo ayokong pinapatabi si Anne kay Jean dahil siguradong aasarin na naman non ang babe ko.

Naabutan ko si Jo at Yana dito sa kitchen.

"Uy Jill! Si Anne?"

Tinapik ko lang si Jo sa balikat. Si Yana busy sa paghahalo sa kawaling malaki.

"Andiyan kausap si Atasha. Ano bang meron?"

"Wala naman. Gusto ko lang kayong makita ni Anne na magkasama tsaka para naman kumpleto ang barkada."

"Sus! Akala ko naman kung anong meron."

"Bakit? Nabitin ba?"

"Nabitin ang alin?"

"Sus nag mamaang-maangan ka pa. Hinihingal ka kaya kaninang tumawag ako. Para ka lang si Jean, eh. Manyak. Kaso ikaw simpleng manyak. Si Jean sakit na yon."

Natatawa ako na nahihiya sa sinasabi ni Yana.

"Alam mo na pala eh. Di mo pa ako pinagbigyan. Ngayon na nga lang ako babawi ulit, eh."

"Aysuuuus! Oh eto sandok. Ipangkamot mo diyan kung di mo na mapigilan ang kati."

"Gaga ka Yana! Tarantado ka!"

Pareho kaming natatawa ni Jo paglabas ng kusina.

Naabutan ko namang ginugulo pa rin ni Jean si Ellaine.

"Jean, anong balita?"tanong ko sabay akbay sa kanya.

"Uy Jill. Pakakasalan ko na pala si Mira Jane next year. Ninang ka ha?"

"Mukha mo! Flower girl ako."sagot ko.

"Paano ako?"si Jo.

"Ninong ka Jo."

"Hmp! Ayoko!"

"Eh di wag kang pupunta sa kasal ko!"

Parang tanga tong si Jean. Iniwan ko sila ni Jo na magkausap.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan, nag asaran, kumain at uminom ng icetea. Hanggang sa dumami na ang tao dito sa loob ng bar ni Yana. Dumating din si Wendy na siyang kumakanta ngayon sa stage.

"Okay ka lang ba babe?"tanong ko kay Anne dahil napakatahimik niya.

Tumango naman siya.

Napansin ko na lang na katabi niya si Jean.

Tsk tsk.

Kaya pala hindi siya umiimik.

Minsan nakikipagkwentuhan din naman si Anne sa iba. Pero kay Jean madalang kong makitang mag usap tong dalawa maliban nalang pag pinapaiyak siya ni Jean.

"Guys! Para naman maging masaya ang gabing ito pakantahin naman natin si Anne. Siya na lang tong hindi natin naririnig na kumanta,eh."si Jean.

Lagot ang babe ko.

"Jillian ayoko."bulong ni Anne sa akin sabay yugyog ng braso ko.

"Sus! Anne nagpapaawa epek ka na naman kay Jill, eh. Halika rito! Kung ayaw mong kumanta sige lap dance na lang kay Jill."

"Eiii ayoko nga."tutol niya.

Pero parang gusto kong sang ayunan ngayon si Jean, ah.

Lap dance?

Go!

Push mo yan Jean! Please. Gusto ko yan!

"Ayokong mag lap dance!"reklamo ulit ng katabi ko.

"Oh eh di kakanta na yan! Kakanta na yan!"sigaw nila.

"Eiiii Jillian! Ayokong kumanta."

Eh di i-lap dance mo na lang ako babe?

Ito sana ang gusto kong sabihin, eh.

"Kaya mo yan babe. Go!"

Palakpakan kaming lahat at wala na siyang nagawa nong hilain siya ni Jean papuntang stage.

Halatang humihingi ng saklolo ang mga mata niya pero hindi ko na rin siya natulungan dahil tuluyan na siyang nahila ni Jean.

Kumakanta pa si Wendy kaya nagawa pang magtalo ng dalawa sa tabi ng stage.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa mapansin kong nagkasundo na sila dahil may hawak ng microphone si Anne.

Napatayo tuloy ako para makita ng buo ang pagkanta ng babe ko.

Nong matapos kumanta si Wendy umakyat na ng stage si Jean hila-hila si Anne.

"Ang susunod na kakanta ay walang iba kundi ang muse ng bar na ito si Miss Sunget!"

Hindi pa kumakanta si Anne pero andami na niyang fans.

Ang lakas ng palakpakan.

Nong tumayo sa gitna ng stage si Anne ay tumahimik ang lahat.

Parang pigil na pigil ang hininga ko habang nakatitig sa kanya.

Pagkaraan ng ilang segundo nagsimula ng tumugtog ang kanta ni Donna Cruz at nagsimula na ring bumuka ang bibig ni Anne.

Ikaw lang ang mahal at lagi kong dasal.

Sa unang stanza palang ng kanta napanganga na kaming lahat.

Sana'y di magbago ang damdamin mo at ang iniisip mo lang ay ako.

"Shet! Ang lambing ng boses ni Anne. Anghel ata yong kumakanta?!"si Frances.

Totoo ang sinabi ni Frances.

Parang may humahaplos na malambot na kamay sa puso ko dahil sa lambing ng boses ni Anne.

"Wag mong sasabihin mayron ka ng ibang giliw."

"Baka hindi ko makaya kung mawawala ka dahil puso ko'y nasanay na."

"Palaging ikaw ang nais makita ganyan lagi ang aking nadarama."

"Nyeta kinikilig ang pepe ko!"si Jean na nasa tabi ko na ngayon.

"At bakit ikaw ang siyang minahal at aking inibig ng tunay."

"Wag mo lamang sanang sasabihing iiwanan ako at may ipapalit na sa akin."

"Lagot ka Jill. Nagbabanta na haha!"

Napangiti tuloy ako.

"Wag mong sasabihin mayron ka ng ibang giliw baka hindi ko makaya kung mawawala ka."

"Dahil puso ko'y nasanay na."

"Beauty and brain plus talent leche! Tao ba yang si Anne?"si Yana.

"Palaging ikaw ang nais makita ganyan lagi ang aking nadarama."

"At bakit ikaw ang siyang minahal at aking inibig ng tunay."

"Jill!"tawag ni Jo sakin. Inabutan niya ako ng isang pirasong bulaklak na puti. Na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Bago pa matapos kumanta si Anne nagmadali akong lumapit ng stage.

Para akong natutulala nong titigan ako ni Anne habang kumakanta.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ko inabot yong bulaklak na bigay ni Jo.

"Mahal na mahal kita, Anne."bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya. Pagkatapos non humalik na ako sa pisngi niya.

"Wag mo lamang sanang sasabihing iiwanan ako at may ipapalit na sa akin."

"Palaging ikaw ang nais makita ganyan lagi ang aking nadarama."

"At bakit ikaw ang siyang minahal at aking inibig ng tunay......"

"Thank you."si Anne.

Hawak ko ang kamay niya pababa ng stage. Sobrang lamig nito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero proud na proud ako.

Gusto ko tuloy isigaw sa lahat na 'girlfriend ko 'to!'

First time ko siyang marinig kumanta at ang epekto sakin ay para akong nasa ulap.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

367K 16.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
1M 32K 37
1 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're no...
995K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...