{COMPLETED} [MFM Book2] Mirro...

By IHeartYongSeo09

49K 993 355

Man in Front of the Mirror{MFM} Book 2. Read the prologue for the plot of this story. Thank You~^^ More

{MMH} Prologue
{MMH} *Ch. 1
{MMH} *Ch. 2
{MMH} *Ch. 3
{MMH} *Ch. 4
{MMH} *Ch. 5
{MMH} *Ch. 6
{MMH} *Ch. 7
{MMH} *Ch. 8
{MMH} *Ch. 9
{MMH} *Ch. 10
{MMH} *Ch. 11 - His Wedding, Sweetness And... New Girl?
{MMH} *Ch. 12 - Rush Wedding Preparation And Phone Talk.
{MMH} *Ch. 13 - Lunch Date? New Friend? And Announcement?
{MMH} *Ch. 14 - Trouble, Unexpected company and...... New Guy?
{MMH} *Ch. 16 - Deep Conversation and Indirect Confession?
{MMH} *Ch. 17 - Bonding, 1st Serious Convo and 'See you tomorrow'?
{MMH} *Ch. 18 - 'Yes She Is' + Worst Nightmare? ;)
{MMH} *Ch. 19 - Advance Honeymoon & I'll Be Your Girl. ;)
{MMH} *Ch. 20 - The Chosen One & 'Tomorrow is---' what?
{MMH} *Ch. 21
{MMH} *Ch. 22
{MMH} *Ch. 23.1
{MMH} *Ch. 23.2
{MMH} *Ch. 24
{MMH} *Ch. 25
{MMH} *Ch. 26
{MMH} *Ch. 27
{MMH} *Ch. 28
{MMH} *Ch. 29
{MMH} *Ch. 30
{MMH} *Ch. 31 - Jealousy, Hatred And Feeling Betrayed.
{MMH} *Ch. 32 - Behind The Pain: Determination
{MMH} *Ch. 33 - Everything is Getting Complicated.
{MMH} *Ch. 34 - Is There Really A Happy Ending?
{MMH} *Ch. 35 - The Untold Story.
{MMH} *Ch. 36 - His Point Of View (From the start till the present.)
{MMH} *Ch. 37 - Signs.
{MMH} *Ch. 38 - Actions.
{MMH} *Ch. 39.1 - Happy... Ending?
{MMH} *Ch. 39.2 - Happy... Ending?
{EPILOGUE: Together Forever, To Eternity & Infinity.}
*IHeartYongSeo09's Not So Long Note. XD*

{MMH} *Ch. 15 - Jealousy here, there and everywhere. ;)

1.1K 27 8
By IHeartYongSeo09

{MMH} *Ch. 15 - Jealousy here, there and everywhere. ;)

 

~CLENERY’s POV~

 

=_________=

“Ah Shane oo nga pala. May ikwekwento ako sayo. Alam mo ba nung---“

“Here. This file is important. So you better not put this in that stupid box.”

“So ayun nga. Nung umalis ka dapat may ibibigay ako sayo na---“

“And this one too. You need to immediately check this document and tell me what is your opinion about this right away.”

“Ano Shane, yung ibibigay ko kasi sayo dapat eh kwintas kaso bigla ka namang umalis agad, di tuloy kita naihatid man lang---“

“Oh. Here’s another one. Read this and examine. I need your report as soon as possible. We’re in a hurry. Remember that.” Sabi na naman ni Marc sabay lapag ulit sa table ko nung mga kung anu anong documents.

Kanina hindi ko sya pinapansin. Maging si Felix na kinakausap ako. Pero ngayon, hindi na namin matiis.

Tiningnan namin sya ni Felix habang nakatingin sa relo nya. Sa totoo lang kanina pa sya ganito. Simula ng dumating si Felix dito sa office. Wala na syang ginawa kundi ang magbigay ng magbigay sakin ng mga papeles. Alam kong financial statements ang mga yon. Pero hello? Sabi nya kailangang kailangan na daw. Minamadali pa ko. Eh ano palang naman ngayon? Hindi pa naman end of the year. Ang alam ko yearly ang release ng FS ng firm namin. Hindi monthly or fiscal year. -___-

Nakatingin lang kami sa kanya ni Felix. Yung box nga pala na sinasabi nya ay pinaglalagyan ko ng mga documents na binibigay nya sakin. Nagprovide na nga ako nun para madali kong makita yung mga kailangan kong basahin or ianalyze na mga FS. Kaso tawagin daw ba yun na stupid box. -__- Ano bang problema ng isang to?

Kagabi naman bigla nalang syang umalis. Ni hindi ko na nga sya napakilala kay Felix. Kaya itong si Felix tanong ng tanong sakin kung sino daw ba si Marc. At kung bakit daw kasama ko sya. Boyfriend ko daw ba. Muntik ko pa tuloy mabatukan to kagabi. -__- asar ng asar sakin. Tss.

Alam ko namang curious kayo kay Felix. Kaya sige, ipapakilala ko sya sa inyo. Sya si Felix Andersen. Half Filipino and half American. Sya ang naging bestfriend ko sa Europe. Empleyado sya nila papa doon sa accounting firm namin sa Europe. Nag-train din kasi ako don. Sinubukan ko lang naman maging accountant. Si Felix ang tumutulong sakin. Kumbaga, para syang si Marc ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit lagi nalang akong may instructor. Si papa kasi. >.< So ayun nga, dahil lagi kaming magkasama, naging magbestfriend kami. Gwapo si Felix. Heartthrob yan dun. Ang alam ko may naging girlfriend na sya. Kaso hindi sila nagtagal dahil mas priority daw ni Felix ang work nya. Ok lang naman kay Felix na naghiwalay sila ng girlfriend nya. Matagal ng naka-move on yan. Actually hindi ko kilala yung naging girlfriend nya. Pero ang alam ko maganda at talaga namang minahal nya.

Totoo din yung sinabi nya na hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos nung bumalik ako dito. Conflict kasi sa schedule. Sinabi ko naman yun sa kanya kaso yun nga lang nagka-meeting sya nung time na aalis na ko. Kaya di na sya nakaabot. At Shane din ang tawag nya sakin dahil gusto lang daw nya. Para maiba lang daw. Nung una syempre nagulat ako. Nabigla, kasi si Marc lang ang tumatawag sakin nun. Naisip ko pa nga na layuan si Felix dahil sa twing tinatawag nya ako sa pangalan na yun ay naaalala ko si Marc. Kaya nga ako lumayo para makalimutan sya diba? Pero paano ko yun gagawin kung naaalala ko si Marc dahil sa tawag sakin ni Felix?

Pero kahit ganun, hindi ko sya nagawang iwasan. Ewan ko ba, magaan kasi loob ko sa lalaking to. Pero wag kayong mag-isip ng kung ano. Magkaibigan lang kami. Yung turing ko sa kanya, parang turing ko kay Gab. Hanggang magkaibigan lang kami. Hindi na yun lalagpas pa sa linya.

“What?” tanong ni Marc ng makita nyang nakatingin kami ni Felix sa kanya ng masama.

“At may gana ka talagang tanungin yan?” ako.

“Bakit? Bawal ba?”

“Seriously Marc? Pagkatapos mong istorbohin tong usapan namin ni Felix kanina pa sa pamamagitan ng pagbibigay sakin ng kung ano anong mga papeles na to tapos itatanong mo yan?!”

Napansin ko na napangisi sya sa sinabi ko kaya lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

“So what’s the matter? As far as I know. It’s work time. And not chat time.”

Napatigil ako sa sinabi nya kaso biglang tumayo si Felix sa upuan na nasa harap ng table ko at hinarap si Marc.

Napatingin ako kay Marc na muling napangisi at saka tiningnan si Felix ng diretso.

Magkatinginan silang dalawa ngayon. Ang lapit din ng mukha nila sa isa’t isa. >.>

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nagsusukatan lang sila ng tingin.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Kaya naman magsasalita na sana ako kaso bigla namang nagsalita si Felix.

“May problema ka ba saken?”

“Bat mo naman naitanong?”

“Kase, kanina ko pa napapansin. Pilit mong pinipigilan na kausapin ko si Shane---“

“Clenery.”

Napangiti si Felix, “Shane. Shane ang tawag ko sa kanya.”

Napansin ko na tumalim ang tingin ni Marc kay Felix. Uh oh. This is not good. Kailangan may gawin na ko! >.<

“So ano na? May problema ka ba saken pare?”

“Pano kung meron?”

“Pwede mo namang sabihen.”

Napa-smirk ulit si Marc, “Oo. Meron nga.”

“Ano?”

“Nakakaistorbo ka kase. Kaya gusto kong umalis ka na.”

This time si Felix naman ang napangisi, “Nakakaistorbo? Mukhang nagkakamali ka yata. Si Shane ang nagpapunta saken dito. Kaya malabong nakakaistorbo ako.”

“Pinapunta ka nga nya. Pero lumugar ka. Oras pa ng trabaho nya. Kaya umayos ka.”

Napansin kong napatigil dun si Felix. Nakakatakot kasi ang tono ng boses ni Marc. Tapos nakatingin pa sya ng masama kay Felix. >_<

Nakita ko na magsasalita na sana si Felix kaso inunahan ko na. Tumayo ako at nagpunta sa gitna nila habang nakaspread ang mga braso ko na parang inaawat sila.

“Hep! Hep! Itigil nyo na to! Tingnan nyo nga kung anong oras na! Lunch time na! Kaya ang mabuti pa.” humarap ako kay Felix pagkakuha ko ng bag sa table ko. Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin, “Halika na Felix. Dun nalang tayo mag-usap sa restaurant. Dun mo nalang ituloy yung sasabihin mo sakin. Tara na!” sabi ko sabay hila sa kanya kaso bigla namang may humawak ng isa kong braso.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin sya kay Felix, “Interesado din ako sa sasabihin nya. Kaya,” tumingin sya sakin, “Sasabay ako sa inyo.”

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nun. Ano daw?! Sasabay sya?! As in sasama sya samin ni Felix?!

Hindi na ko nakapagreact pa dahil bigla nalang nya akong hinila kaso napahinto kami dahil pinigilan ako ni Felix. Shems, hawak ko nga pala ang kamay nya kanina na ngayon ay hawak na nya. -__-

Napatingin kami ni Marc sa kanya, “Bitawan mo sya. Hindi mo sya kailangan hawakan.” Sabi ni Felix.

Pinanlakihan ko ng mata si Felix para sabihing wag ng awayin pa si Marc. Magkakagulo lang eh. >.< kaso ngumisi lang tong lalaking to. ~.~

“Bakit ko naman gagawin yun? Ikaw ang bumitaw.” Sabi ni Marc kaya napatingin ako sa kanya.

Aish! >.< hindi kami makakaalis dito kung palaging ganito tong dalawang to! Ano ba naman kasi ang sumapi sa mga to at naging ganito sila? T^T

Inalis kong parehas ang mga kamay ko na hawak nila kaya napatingin silang pareho sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sila tiningnan, “Walang mangyayari kung magaaway lang kayo. Ngayon, kung yan ang gusto nyo eh di sige. Ako mag-isa ang kakain sa labas! Dyan na nga kayo!” sabi ko sabay labas ng office ko.

Nakakainis na yung dalawang yun ah. Kitang gutom na ko saka pa magbabangayan. -___-

Nadaanan ko si Jheszy sa table nya kaya binati ko muna sya.

“Jheszy!”

Napatingin sya sakin, “Uy Ms. Clenery---ay Clenery pala. Hehe.”

Napangiti ako, “Hay nako! Masanay ka na nga! Oo nga pala, sabay ba ulit kayo ngayon ni Gab ha?”

Bigla naman syang umiwas ng tingin sakin at namula. Asuuuus! Etong si Jheszy! Halata masyado! Hahaha :D

“Ay hindi po. Wala naman po kaming usapan ni Gab ngayon.” Nahihiya nyang sabi.

“Eh di ayain mo! Tawagan mo na!” napatingin ako sa gilid ko at nakita ko yung dalawa na naglalakad palapit sakin habang nakatingin ng masama sa isa’t isa.

Tiningnan ko ulit si Jheszy, “Ay sige Jheszy. Mauna na ko sayo. Baka maabutan pa ko nung dalawa na yun. Ayain mo na si Gab ah! Susuportahan kita! Hahaha!” pagkasabi ko nyan ay nagmadali na akong bumaba.

Grabe. Mas nakakastress pa tong dalawa na to kesa sa ginagawa ko dito sa firm namin. -__-

***

“Here’s your order ma’am and sir.” Sabi nung waiter habang nilalagay sa table yung mga order namin.

Tiningnan ko naman yung dalawa sa harap ko na nananatili pa ring nagsusukatan ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Doon nga pala silang dalawa nakapwesto sa harap ko dahil kanina nung dumating kami dito ay halos pagtinginan na kami ng lahat ng tao dahil pareho nilang gusto umupo sa tabi ko. Kaya naman ayun, hindi ko naiwasang mainis. Pareho ko silang pinaupo sa harap ko. Magkatabi silang dalawa. Wala na silang nagawa pa dahil binigyan ko sila ng deadly glare. -___-

Nagumpisa na kaming kumain. So far maayos naman ang pagkain namin hanggang sa nagsalita si Felix.

“C.R lang ako.” Sabi nya at tiningnan nya muna ulit ng masama si Marc bago tuluyang umalis. Napasmirk nalang tong lalaki na to.

Tiningnan ko sya at nakatingin din naman sya sakin gamit ulit ang walang emosyon nyang mukha.

Iiwas ko na sana ang tingin ko sa kanya nang may magsalita.

“OMG! Nandito din pala kayong dalawa!” medyo slang ang pagkakasabi kaya alam na kung sino.

Napatingin ako sa kanya, “Madisson.” Nginitian ko sya.

Ngumiti din sya sakin at kumaway, “Hi Clens! Nice to see you again!” sabi nya at umupo sa tabi ni Marc.

Napatingin naman ako kay Marc. Nakatingin pa din sya sakin kaya iniwas ko nalang ulit ang tingin ko sa kanya.

Alam ko naman kasi yung binigay nyang tingin. Tingin na nagsasabi na ‘Dapat kasi hindi mo sya kinaibigan’

Nung pumayag kasi ako kay Madisson na maging kaibigan nya todo sermon si Marc sakin. Siguro sa inyo bago yun pero sakin hindi na. Nung kami pa kasi at may hindi sya nagustuhan na ginawa ko sinesermonan nya din ako. >_>

“Hi Marc! Its good to see you here! I miss you!” sabi ni Madisson sabay sandal ng ulo nya kay Marc habang nakakapit sa braso nito.

Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanila. Ano ba naman to? Bat ba ang tagal mag-cr ni Felix? >.<

“Aww. Bakit pinagpapawisan ka Marc? Ang hina naman kasi ng aircon dito.” Napatingin ulit ako kay Madisson at nakita kong pinupunasan nya ang mukha ni Marc ng panyo.

Nakatingin pa rin naman sakin si Marc kaso natanggal yun ng iharap ni Madisson sa kanya ang mukha ni Marc.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Napa-close fist ako. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila.

Nakakainis. Bakit ko ba to nararamdaman? Diba dapat tanggap ko na, na wala na akong karapatan na magselos? >_<

Tumingin nalang ako sa mga tao habang naririnig ko pa rin ang pakikipagusap ni Madisson kay Marc. Hindi naman nagsasalita si Marc. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila ngayon. Ayokong tingnan, baka kasi kapag tiningnan ko hindi ko na mapigilan tong mga luha na gustong lumabas na naman sa mga mata ko.

Patuloy lang si Madisson sa pakikipagusap kay Marc nang,

“OhMyGod! I almost forgot! I have a meeting nga pala!” tumingin sya samin ni Marc, “I’m sorry guys. I have to go. See you next time nalang! Bye!” sabi nya sabay tayo.

Pero hindi pa man sya nakakaalis ay nagulat ako sa ginawa nya.

Halata na nagulat din si Marc dahil napatingin sya kay Madisson na naglalakad na ngayon palabas ng restaurant.

Tumingin sakin si Marc kaya iniwasan ko ang tingin nya.

Bakit ganun? Bakit nasasaktan ako?

Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakakuyom ko sa mga palad ko.

For the second time,

Hinalikan ni Madisson si Marc sa lips. Smack lang pero sobrang laki ng epekto sakin. Sa puso ko..

Naramdaman kong kakausapin ako ni Marc nang biglang dumating si Felix.

Tahimik syang umupo sa tabi ni Marc. Nagsorry sya dahil natagalan sya. Madami daw kasing tao.

Pero hindi kami kumibo ni Marc. Nakayuko lang ako. Alam kong naramdaman na ni Felix na nag-iba na ang atmosphere.

Sinubukan nyang magsalita. Inasar nya ulit si Marc kaso wala. Hindi pa din nagbago.

Ilang saglit pa ay tinawag ako ni Felix.

“Shane.”

Napapikit ako. Pakiramdam ko si Marc ang tumawag sakin. Pero boses yun ni Felix. Hindi ako pwedeng magkamali.

Inangat ko ang ulo ko at nakita kong pareho silang nakatingin sakin.

Hindi ako makapagsalita. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi dapat ako nagkakaganito. Dapat handa na ako ngayon. Dapat hindi ko na nararamdaman ang sakit na to…

Alam kong konti nalang at tutulo na ang mga luhang to sa mga mata ko. Nagagalit ako, bakit hindi ko na magawang pigilan ang mga to? Bakit hindi ko na magawang ngumiti kahit nasasaktan ako? Ganun ba kalaki ang parte ng salamin na nabasag ni Marc? Kaya ba, kapag sya ang dahilan hindi ko na magawang ibalik ang dati kong pagkatao?

Napayuko nalang ulit ako. Sandaling katahimikan ang namayani nang may nagsalita.

“Clenery?”

Napaangat ang ulo ko ng makilala ko ang boses na yun.

Napansin ko din na napatingin yung dalawa sa kanya.

Tiningnan nya kaming tatlo, “Woah. Anong meron? Meeting?” medyo natatawa nyang sabi.

Napatingin sya sakin at alam kong nalaman na nya na pinipigilan ko nalang umiyak.

Sumeryoso ang mukha nya at muling tumingin sa dalawa. Saglit nyang tiningnan si Felix. Alam kong nagtataka sya kung sino si Felix. Pero hindi nya yun tinanong. Ibinaling nya ang tingin nya kay Marc. Matagal nyang tiningnan si Marc. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may sinabi sya kay Marc sa pamamagitan ng tingin na yun.

Muli syang tumingin sakin at agad na hinawakan ang kamay ko. Hinila nya ako pero may pumigil samin.

“Teka. San mo sya dadalin? Sino ka ba?” tanong ni Felix.

Tiningnan nya si Felix ng masama, “Wag kang makialam dito.” Pagkasabi nya nun ay tiningnan nya ulit si Marc sabay hila sakin palabas ng restaurant.

Bakit napakaswerte ko sa kanya?

Bakit kapag kailangan ko sya dumadating sya bigla?

Bakit Gab?

Bakit hindi ko rin masuklian ang pagmamahal na binibigay mo sakin?

At bakit hindi ka pa rin tumitigil sa pagprotekta sakin? :(

***

 

~GAB’s POV~

Eto na naman.

Ganito na naman.

Wala na ba kong ibang gagawin dito kung hindi panoorin ang babaeng mahal ko na umiiyak dahil sa lalaking mahal nya?

Eto ba talaga ang role ko sa istoryang to?

Ang masaktan ng paulit ulit dahil sa nakikita ko at magpakabait at maging maintindihing kaibigan sa lalaking yon?

Sinabi ko sa sarili ko kagabi, na simula ngayon susubukan kong kalimutan na sya. Ibaling sa iba ang nararamdaman ko. Didistansya na ko sa kanya.

Pero ano to? Wala eh. Eto yata talaga ang tadhanang binigay saken. Tao rin naman ako. Hindi porkit lalaki ako, ayos lang sakin ang masaktan.

Gag* ba? Magkaiba ba ang kayang iabsorb ng puso ng lalaki sa puso ng babae?

Oo malakas nga ang mga lalaki. Matatag, hindi sumusuko. Pero may hangganan din naman yon. Ang totoo nga dumating na ang hangganan na yon saken. Matagal na kong sumuko. Matagal na kong bumigay.

Umiyak ako ng sya ang dahilan. Syempre mahal ko eh. Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya ko ang sarili ko. Sinubukan kong tanungin sya kung pwedeng ako nalang. Kaso wala eh. Talo talaga. Sya ang mahal eh. Anong panama ko don?

Pero dahil mahal ko sya, pinrotektahan ko sya. Pilit ko syang pinasaya sa paraang kaya ko bilang isang kaibigan nya. Kaso iba pa rin talaga ang epekto sa kanya ng lalaking mahal nya. Naiintindihan ko yun dahil naranasan ko na yon.

Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko syang ganito. Pero wala akong magagawa. Wala na, dahil ito lang ang kaya kong gawin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha nya. Pinunasan ko ang mga luha nya. Pero kahit anong gawin kong pagpunas ay ayaw pa ring huminto ng mga luha nya sa pagtulo.

This is sh*t. I hate seeing her like this. Pinangako ko noon sa sarili ko na hindi ko na sya makikitang umiiyak. Pero ano to? Takte, nakakamurang sitwasyon.

“Tama na… Itigil mo na Clenery..” pakiusap ko sa kanya pero lalo lang nagtuloy tuloy ang mga luha nya.

Hinawakan nya ang mga palad ko na nakahawak sa mukha nya.

“Gab… Bakit ganun? *sniff* bakit hindi ko sya magawang kalimutan?.. Ba-bakit hanggang ngayon sya pa rin ang mahal ko… Bakit h-hindi ko sya maalis sa puso ko?.... *sniff* Bakit Gab?...” parang bata nyang tanong saken.

Syempre Clenery. Sya lang ang lalaking minahal mo ng totoo. Dahil simula bata palang tayo sya na ang mahal mo.

Hindi ko yan sinabi sa kanya. Tiningnan ko lang sya.

“S-sana ikaw nalang no?.... Sana, ikaw nalang yung minahal ko… Sana ikaw nalang sya… *sniff* bakit hindi nalang ikaw?....”

Tanong ko rin yan. Bakit nga ba hindi nalang ako? Kung kaya ko nga lang maging sya Clenery. Matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi pwede. At may mga bagay talaga na hindi pwedeng mangyari.

“Shhhh. Tama na…” niyakap ko sya. Matagal na din nung huli ko syang nayakap ng ganito.. Nung nagbreak sila ni Marc. Nung iwan sya ni Marc. Palaging ako ang kasama nya. Palagi ko syang niyayakap. Pinapagaan ang loob. Pinapatahan. Wala eh, yun ang papel ko sa buhay ni Clenery. At kailangan ko yun tanggapin.

Lalo lang syang umiyak sa yakap ko. Hinayaan ko lang sya. Masakit pakinggan ang iyak nya. Para syang sinasaksak. Ramdam mo yung sakit na nararamdaman nya.

Gag* lang kase Marc. Naglolokohan ba tayo dito? Akala ko ba mahal mo? Pero ano to? Pinaiyak mo na naman. Ganyan ka ba magmahal talaga? Eh kung ganun, sana pala ibang babae nalang ang minahal mo.

Lumipas ang mga oras, nakatulog na si Clenery sa yakap ko. Pang ilang beses na bang nangyari ang ganito? Sa sobrang dami hindi ko na mabilang.

Umayos ako at binuhat ko sya. Dinala ko sya sa kwarto ko. Inihiga ko sya sa kama ko.

Inayos ko ang pagkakahiga nya at kinumutan sya.

Saglit ko syang tinitigan. May mga luha pa rin sa mga mata nya.

Clenery, kelan ka nga kaya magiging masaya?

Kelan ko ulit makikita ang mga ngiti mong yun?

Kung patuloy kang magiging ganito, baka hindi ko na kayanin. Alam mong ayokong nakikita na umiiyak ka.

Pero kung palagi kang iiyak sa harap ko baka mapilitan akong lumayo sayo.

Muli kong inayos ang kumot at naglakad na papunta sa pintuan ng kwarto ko.

Huminto ako sandali upang tawagan ang lalaking yon.

Ilang ring lang ay sumagot na sya.

(What?)

Lumingon ako sa likod ko at tiningnan ko si Clenery.

Huminga ako ng malalim saka ko sinabi ang mga salitang to sa kausap ko,

“Magpakilala ka na sa kanya. Wag mong sagarin ang pasensya ko. Alam mo ang gagawin ko. Kaya gawin mo na ang dapat gawin. Iparamdam mo ulit sa kanya ang totoong kaligayahan. Nakikiusap ako, pasayahin mo syang muli.”

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
152K 6.2K 42
Ava and Avery Thompson, twin sisters who reluctantly possess the ability to see ghosts, have turned their gift into a means of making a living. Howev...
226K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...