Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 65

689K 16.4K 4.9K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 65 

"Okay, pack-up na!" sigaw nung director ng music video na ginagawa ni Shiloah. Mabuti na lang at 10pm pa lang. Ayoko talaga na napupuyat. Nung isang araw ay finally nakapunta na ako sa OB. Pinagalitan niya ako nung tinanong niya ako kung anong oras ako natutulog. Sinabi ko kasi sa kanya iyong totoo dahil ayokong magsinungaling lalo na at kalusugan ng baby ang nakasalalay.

Inayos ko na iyong mga gamit. Pinipigilan ko na maghikab at ipahalata na inaantok na ako dahil baka makahalata na sina Marga. At saka ayoko namang maging pabigat sa team kung palagi na lang akong uuwi ng maaga. Baka sabihin nila mayroon akong special treatment.

At isa pa, sandali na lang naman at matatapos na ako sa practicum. Babalik na ako sa school para sa ilang seminars tapos graduation na. Kailangan ko pang kausapin si Dean para sa situation ni Shiloah kung paano ang mangyayari. Sobrang busy niya na talaga kasi ngayon kaya pakiramdam ko ay malabo na maka-attend din siya sa seminars.

"Tara?"

"Ha?"

"Monday bukas," he said. I blinked twice. "Nakalimutan mo?"

Tinignan ko siya ng mabuti. Bigla kong naalala na sinabi ko nga pala sa kanya na magkasama kami buong Monday. Sobrang ginulo niya kasi ako nung Saturday. Dahil hindi available si Mari, si Quin ang nakasama ko. Pero kahit na nasa Batangas si Shiloah para sa shoot ng music video niya, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya dahil kada oras ay nagtetext siya. Palihim ko lang na sinasagot iyong text niya dahil kasama ko si Quin. Naalala ko kasi na ang weird ni Quin pagdating sa amin ni Shiloah.

Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na kami na ni Shiloah, e.

Biglang nalungkot iyong mukha ni Shiloah nung umarte ako na wala akong alam sa sinasabi niya. Ang cute niya dahil mukha siyang bata na inagawan ng candy.

"May sinabi ba ako?"

Umiling siya.

"Wala," he said. "Sige, uwi ka na. Mukhang pagod ka na."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa sa kanya dahil para siyang bata. Bakit kasi hindi niya na lang sabihin sa akin na may plano kaming dalawa? He really doesn't like insisting. Pakiramdam ko talaga prinsesa ako kapag magkasama kami dahil palaging ako ang nasusunod. Totoo nga iyong sinabi niya na kung saan ako masaya, doon siya.

He was starting to walk out when I held his arm.

"Galit ka?"

He shook his head. I beamed.

"Niloloko lang kita. Naalala ko naman na may plano tayo," I confessed and I saw him heaving a breath of relief. Naglakad na kaming sabay and I playfully bumped his shoulder against mine. "Magsabi ka kasi kapag may gusto ka. Ayoko na ako lang palagi ang nasusunod, okay?"

He looked at me.

"Talaga?"

I nodded.

"Dalawa tayo sa relationship, 'di ba? Kapag may gusto ka, sabihin mo lang."

"Sigurado ka?"

Tumango ulit ako. Ang kulit talaga nito. Tumingin siya sa paligid namin kaya naman napatingin din ako. Wala ng tao sa hallway palabas maliban sa amin. Hindi ko alam kung nauna na ba sa van sina Marga o kung naiwan pa ba sila sa loob ng studio.

"Gusto ko ng kiss. Pwede?"

Bigla akong natawa sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Bakit kailangan mo pang magtanong?"

"Baka kasi magalit ka kapag bigla na lang kitang hinila tsaka hinalikan."

I laughed and then pinched his nose. Parang bata talaga 'to. I leaned in and kissed his cheeks tapos tinapik ko iyong pisngi niya.

"Next time, just kiss me."

Lumabas na kaming dalawa at naghihintay na pala iyong team sa aming dalawa. Sanay naman na sila na palagi kaming magkasama ni Shiloah. Though no one even asked me once kung ano ang meron sa amin ni Shiloah. Pakiramdam ko ay nasabi na ni Marga na 'wag kaming guluhin. Anyway, kung anuman ang meron, nagpapasalamat na lang ako. Masyado na akong maraming iniisip. Ayokong idagdag pa iyong pagpapaliwanag sa mga tao kung ano kami.

Nagpaalam na kami kina Marga nung nasa tapat na kami ng tower. No one asked kung bakit sabay kami na bumaba ni Shiloah. Naglakad na kami papasok at medyo nauna ako dahil may kausap si Shiloah sa phone. Hindi ko tinanong kung sino dahil ayoko namang tanggalan siya ng privacy. I respect his space because I also want him to respect mine. Respect begets respect.

Nung nasa loob na kami, may napansin ako na isang grupo ng babae na nakaupo sa lobby. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar sila. Biglang nanlaki ang mata ko nung matandaan ko kung saan ko sila nakita.

"Bakit?" gulat na sabi niya sa akin nung hilahin ko siya palabas. I panicked because I realized that people were really curious about Shiloah's girl! Hindi ko kinakahiya si Shiloah but I freaked out when I saw his fans waiting for us—dito sa tower kung saan ako nakatira! Gods! Bakit alam nila?! It's too personal!

"Uhh... pwede mo ba akong bilhan ng gatas?" I said.

Mukhang naguluhan siya sa akin pero pumayag siya. Sinabi ko na lang sa kanya na mauuna na ako sa taas tapos sumunod na lang siya mamaya. Pinabili ko siya sa isang malapit na convenience store. Mabuti na lang at palagi ng nagdadala ng cap si Shiloah dahil na rin sa akin.

Mabilis akong pumasok sa tower at pumunta sa elevator. Mabuti na lang at busy sa cellphones nila iyong mga babae kaya hindi nila napansin na dumaan na ako. Para talagang sasabog ang dibdib ko kapag iniisip ko na sinusundan nila kami. Nakapasok ako sa unit ng walang sumusunod sa akin. Mabilis na naupo ako sa couch at saka ipinikit ang mata ko. I was fighting the urge to sleep pero hinihintay ko si Shiloah kaya naman pinilit ko na manatiling gising.

I forced myself to stand up and get myself a glass of water. Kailangan kong kumain kahit papaano para mainom ko iyong vitamins ko kaya naman kumain ako ng kapirasong tinapay. After a few minutes ay dumating na si Shiloah. Nagulat ako dahil ang dami niyang dalang gatas.

"Bakit ang dami mong dala?" I asked him while helping him dahil may dalawang paper bag siyang dala.

"Hindi ka kasi sumasagot sa tawag," sabi niya. Napatingin naman ako sa phone ko na nakataob sa lamesa. "Hindi ko alam kung ano'ng klaseng gatas, e."

Napailing na lang ako nung tinignan ko iyong laman nung paper bag. Mayroong non-fat, low-fat, full milk, at fresh milk.

"Sana isa na lang ang binili mo," I told him.

"Baka kasi hindi mo gusto, e."

"Sayang pera. Ang dami mong binili."

"Mas mahalaga ka naman sa pera."

"Kahit na."

He sighed. "Sorry," he said. "Sa susunod, tatanungin ko kung ano para hindi na masayang iyong pera. 'Wag ka ng magalit sa 'kin."

"Hindi naman ako galit," I told him at saka inilagay sa ref iyong mga binili niyang gatas. Buti na lang at malayo pa ang expiration date dahil hindi ko alam kung gaano ko katagal uubusin iyong mga binili niya. "May nakasalubong ka ba papunta dito?"

Umiling siya. Mabuti na lang! Baka naman nagkataon lang na nandito iyong mga fans niya? Baka masyado lang akong paranoid. Lahat na lang ng bagay ay ginagawa kong problema. Tama talaga si Tobi, e.

Pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Pakiramdam ko kasi ay mapapasma ako kapag naligo ako ngayon. Hindi ko pa pala naitanong sa doctor kung okay lang na maligo ako kapag gabi. Ang dami kong gustong itanong dahil wala naman akong kaalam-alam sa pagbubuntis na 'to. Minsan kinakabahan ako sa mga ginagawa ko dahil baka makasama sa baby.

Pagbalik ko, halos tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko dahil nakita ko si Shiloah na hawak iyong vitamins ko. Shit!

"Para san 'to?" he asked me and it took my all not to panic. Gusto kong hablutin sa kamay niya iyong lalagyan pero baka mas lalo siyang magtaka sa reaksyon ko. Pinilit ko na kumalma at mag-isip ng sagot sa tanong niya.

"Vitamins," I told him. Totoo naman na vitamins iyon... I was just omitting some parts. "Mas marami na kasi tayong pinupuntahan lately kaya kailangan ko niyan," I continued. Mabuti na lang at mukhang tinanggap naman niya iyong explanation ko. Lumapit ako sa kanya at saka niyakap siya. Mukhang mas napunta iyong pansin niya sa yakap ko kaysa sa hawak niya na lalagyan.

I tiptoed and kissed him on the lips. When he was already responding, unti-unti kong kinuha mula sa kamay niya iyong lalagyan at saka ipinasok sa drawer. He was so focused on our kisses that he already forgot about those damned vitamins! Mabuti na lang! Akala ko talaga ay aatakihin na ako sa puso!

We kissed some more pero biglang tumigil si Shiloah. He was caressing my face.

"Tulog na tayo?" he said. I blinked twice. Iyon na 'yun? Matutulog na kami? "Baka kasi sa susunod, hindi na vitamins ang inumin mo. Ayoko na magkasakit ka," he said and then kissed my forehead. "Tulog na tayo."

Napailing na lang ako at saka napangiti. What did I ever do to have someone like him? Sobra siya. Sobra siya para sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lalaki ay siya pa ang napunta sa akin.

Nagbihis na si Shiloah ng pajama niya. Pinipigilan kong ngumiti dahil ang cute cute niya sa pajama niya. Mabuti na lang at hindi pa siya nasasabihan ni Kyle na hindi cool ang pajama dahil baka magulat ako na naka-boxers na siya bigla.

I wanted to take a picture of him while he's on his PJs. Sobrang cute kasi.

Nahiga na siya sa tabi ko at saka niyakap ako. He kissed my forehead.

"Good night, girlfriend ko..." he said before he drifted to sleep. Gustung-gusto niya talagang sinasabi na girlfriend niya ako... Kung hindi nga lang dahil sa akin, malamang ipagkakalat niya sa lahat na girlfriend niya ako. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siya na 'wag magpost ng mukha ko sa IG. Pinapayagan ko siya kapag nakatalikod lang ako o kahit ano basta hindi direktang kita ang mukha ko.

Sasabihin ko naman sa kanya... Naghahanap lang ako ng tamang panahon.

Napangiti ako habang tinitignan siyang natutulog. Sobrang pagod niya palagi kaya ang bilis niya ring makatulog. Ipinikit ko na rin ang mata ko at saka natulog.

Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na akong katabi. Tumayo ako at pumunta sa labas.

"Shiloah?" I called his name. Napunta ako sa may kusina at nakaamoy ng nilulutong pancakes. Napangiti ako dahil sumusubok na naman siyang magluto. Sabi na nga sa kanya na okay lang sa akin kahit ako na lang ang magluto, e.

"Nagluluto ka na naman?" I said out loud while on my way to the kitchen. Napatigil ako sa kinatatayuan ko nung makita ko na hawak na naman niya iyong bote ng vitamins na hawak ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. He was reading something from his phone. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Pakiramdam ko ay biglang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.

"Ano 'to, Imo?" he said after deafening silence.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Buntis ka? Magkaka-baby na tayo? Magiging tatay na ako?"

Unti-unti akong tumango. Wala na akong kawala. Alam niya na.

Bigla siyang lumapit sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga kaya naman bigla niya akong pinakawalan.

"Sorry," sabi niya. "Baka maipit si baby."

I wanted to smile and cherish this moment but I can't. Hindi ko alam pero parang may mali. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Why can't I just live in the moment? Why do I always have to worry about other things? Why can't I just be thankful for the good things and stop thinking about the things that went wrong?

His smile was so big. Parang masisira iyong labi niya sa sobrang ngiti.

"Teka, tatawagan ko lang sila Manong Roger," sabi niya bigla.

"Ha?"

"Wala kasi akong magulang na sasabihan, e. Gusto kong may sabihan. Pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang saya kapag wala akong nasabihan. Sandali lang, Imo," sabi niya at saka kinuha iyong cellphone niya sa kwarto.

Narinig ko siya na masayang kinukwento kina Manong Roger iyong tungkol sa pagbubuntis ko. Sinabi niya na buntis na daw kaming dalawa. He's just so perfect. He's just too good. Minsan, parang hindi na siya totoo.

Bigla ko siyang pinigilan nung sinabi niya na tatawagan pa raw niya si Marga.

"Wag," pigil ko sa kanya.

"Bakit?"

"Bawal, 'di ba? Bawal sa contract mo na may girlfriend ka—paano pa ang anak? Masisira ang career mo, Shiloah..."

Nakakunot ang noo niya.

"Pakiramdam mo mas mahalaga sa akin iyon kaysa sa 'yo? Kaysa sa magiging pamilya natin?"

Umiling ako. Alam ko na hindi niya ako maiintindihan. He worked so hard for this... ayoko na ako ang maging dahilan para masira ang lahat.

I held his hand.

"Please?" I said and looked into his eyes. He sighed and gave in.

Alam ko naman na gagawin niya lahat para sa akin. Sana lang hindi siya magsisi.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
38.2M 654K 74
(For Hire: A Damn Good Kisser Book 2) Meet the new Dana Kathryn Ferrer. A little bit older and wiser, and a lot more confident, Dana-or DK, as she no...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
53.3M 1.4M 71
All her life, Mary Imogen Suarez was led to believe that she should end up with Parker Adrian Palma. Na dapat, kay Parker lang siya. Na si Imogen ay...