MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERI...

By brose_fire

99.2K 2.9K 4.5K

Naholdap si Bloom at blessing in disguise na iniligtas siya ng isang guwapo at tisoy na Taxi driver na si Cle... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

8.3K 255 5
By brose_fire


              Chapter 8

Ilang beses na napakurap si Gida at huminga ng malalim. Hindi siya slow para hindi maka-gets. Kumuha siya ng buwelo. Tumingin siya ng deretso sa mukha ng kanyang kaharap.

"Give me an honest answer, Clear... Kayo na ba ni Bloom?" tinaasan niya ito ng kanan niyang kilay.

Napabuka ang labi ni Clear at napaatras siya ng kaunti. Medyo hindi siya handa sa interrogation ni Gida lalo na at strike 2 na siya sa mga atraso niya. Mukhang strike 3 na nga pala!

"Gida..."

"Ano?"

"Kagabi, kami na nga." mahina niyang amin.

Si Gida naman ang bahagyang napaatras. Magdadalawang-linggo palang simula ng magkakilala ang mga ito.

"Seryoso ka?"

"Seryoso saan?"

"Sa kaibigan ko. Kung pinagtritripan mo lang si Bloom-"

Hindi na pinapatapos ni Clear ang iba pang litanya ni Gida dahil alam niyang marathon na iyon. Nag-peace sign siya dito ng dalawang-kamay.

"Alam ko kung gaano kasakit ang maloko. Kaya hinding-hindi ko iyon gagawin kay Bloom, seryoso ako sa kanya. Kaya nga hindi ako nanligaw o nakipagrelasyon hangga't hindi ko nasisigurong handa na talaga ako. Gida, heto na talaga ito." sagot niya.

"Siguruhin mo lang, Clear... Marami akong barakong pinsan na mapagsusumbungan. Baka akala mo... Para ko nang kapatid si Bloom at magkarugtong na ang mga bituka namin." babala pa ni Gida.

"I know, I know..."

"If you don't mind, did something happen?"

Namula ang mukha ng binata maging ang leeg.

"A-Ahm.... A-Ahm..."

"So, confirm. Anyway, papapasukin mo ba ako?"

Dahil hindi na makasagot si Clear ay tumagilid na lang siya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok na sa loob ng bahay si Gida at mataman na lang siyang napasunod. Medyo nagulat ito ng makita nito ang nabakbak na kisame.

"Anong nangyari?"

"Nasira iyong doorknob ng pinto sa kuwarto ni Bloom. Tinawagan niya ako at humingi ng tulong. Ayon... Kailangan kong bakbakin iyong kisame para makapasok ako dito sa loob ng bahay. Kaya iyong mga damit ko, marurumi."

"Ah, kaya hindi mo na naisipang magsuot?" sarkastikong wika ni Gida.

Kasalukuyan niyang inihahanda ang mga dala niyang pagkain sa mesa. Isang mahinang tawa naman ang isinagot sa kanya ng binata.

"Ang mabuti pa, gisingin ko na si Bloom." wika na lang ni Clear.

Naglakad na siya papunta sa kuwarto at pumasok na doon sa loob. Naalimpungatan si Bloom ng makaramdam siya ng marahang pagyugyog sa kanyang balikat.

"Gising na..." malambing na wika ng isang boses.

Kusang napangiti ang labi ni Bloom ng marinig niya ang boses na iyon. Kilalang-kilala na iyon ng kanyang pandinig. Marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at nabungaran niya ang nakangiting mukha ni Clear na matamang nakatunghay sa kanya.

"Good morning." bati pa ng binata sa kanya.

"Morning..."

"Bumangon ka na diyan. May bisita ka."

Napakunot-noo siya sa sinabi ng binata.

"Sino?"

Napakamot sa kanyang batok si Clear at pasimple nitong sinuklay ang mahaba nitong buhok.

"Si Gida."

Biglang napabalikwas ng bangon si Bloom pagkarinig sa pangalan ng kanyang kaibigan. Napakagat siya sa kanyang labi at nag-aalalang napatingin sa mukha ng binata.

"Alam na niya?" untag niya.

Isang napakalalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito.

"Nabungaran ba naman niya akong ganito ang itsura, ano pa ang ipapaliwanag ko?"

Napangiti siya at natawa ng mahina sa sinabi nito.

"Galit?" tanong niya.

"Nagtatampo. May dala siyang breakfast. Iyon na nga at inihahanda na niya."

"Nakonsensiya siya siguro. Sinermunan niya ako ng todo kagabi. Ayon, binabaan ko tuloy. Tapos, hindi ko na ulit siya tinawagan."

Bumangon na siya at nagbihis. Kinuha naman ni Clear ang cellphone nitong nakalapag sa mesa. Tinawagan niya ang kanyang kapatid.

"Oh, Kuya?"

"Nakauwi na ba kayo ni Dad sa bahay."

"Yeah. Papasok na nga ako sa school eh."

"Wait lang, utusan mo nga iyong driver na dalhan ako ng damit."

"Nasaan ka ba? Maaga pa naman, idadaan ko na lang iyang mga damit mo."

Sandaling nag-isip si Clear. Nag-aalangan siya kung sasabihin niya sa magaling niyang kapatid na nasa bahay siya ni Bloom. Eksaherada ang isang iyon eh. Kaya lang, alangan namang magmotor siya papunta sa Men in Action building na nakatapis lang ng tuwalya? Kung lalabahan pa niya ang mga damit niya at hihintaying matuyo ang mga iyon, male-late siya at katakot-takot na sermon ang aabutin niya kina Ervine at Siege.

"Nandito ako sa bahay ni Bloom." napilitan niyang wika.

"Really?!"

"Yeah. Ite-text ko iyong address."

"Okay, Kuya. Pupunta agad ako diyan. Dadalhan kita ng mga damit."

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbungisngis ng magaling niyang kapatid. Ini-end na niya ang tawag.

"Ang dumi na naman ng utak ng isang iyon." pakli niya.

Pero natawa na rin naman siya. Sa pagkakataong ito kasi, tama naman ang hinala ng kanyang kapatid. Lumabas na ng silid si Bloom at napasunod na lang siya. Nadatnan niyang sinusuyo nito ang nagtatampong si Gida na sa bandang-huli ay napabigay din. Kumain na sila ng almusal. Eksaktong katatapos lang nilang kumain ay nakarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Magkakasunod silang lumabas at nakita nila ang magaling niyang kapatid na may dalang paperbag. Prente itong nakasandal sa tabi ng itim na kotse. Nakangiti ito ng maluwang habang nakatingin sa kanya at pagkatapos noon ay pasimpleng sumulyap sa kay Bloom na nasa bandang-likuran lang niya na katabi si Gida. Lumapit siya dito.

"Kuya, heto na ang mga damit mo."

Inabot nito ang paperbag at agad naman niyang kinuha.

"Thank you. And please, stop that kind of grin. So meaningful." saway niya.

"Meaningful...?"

"Cassey..."

"Magkakaroon na ba ako ng pamangkin?" pilya pa nitong wika.

"Pumasok ka na sa school. Male-late ka na."

Sumulyap ang kanyang kapatid sa relo nito.

"Maaga pa naman."

Pinanlakihan niya ng kanyang mga mata ang sutil niyang kapatid.

"Natapos na raw tahiin ni Gida ang damit mo. Natapos na rin nila ang mga mask na gagamitin at ang mga decorations... Ang araw na lang ang hinihintay at kung hindi ka titigil, babawiin ko ang lahat ng iyon sa isang iglap lang."

Sumimangot ang magaling niyang kapatid pero pagkatapos noon ay matapang na tumingin sa kanyang mukha.

"Kung may pera ka, may pera din si Dad. Ako ang bunso at babae pa ako..."

Wala ngang duda na kapatid niya si Cassey. Kapareho niya itong mag-isip. Nagpapasalamat siya at naging babae ito dahil kung nagkataon, mas malalang sakit ng ulo na aabutin niya.

"Cassey, pumasok ka na sa school." mariin niyang wika.

Ngumiti ito ng pilya.

"Fine. But anyway, you will tell me the details later. you need to explain why..." tiningnan siya nito paitaas-pababa at pasimpleng tumingin ulit kay Bloom.

Nag-init ang mukha niya. Matalino si Cassey kaya hindi siya makakapagtago ng sekreto dito. Lalong lumuwang ang ngiti nito ng tumingin ulit ito sa kanyang mukha.

"Nga pala, nakita ko kayo ni ate Bloom sa isla noong isang araw. You were both kissing... And that was really romantic and hot... I used your binacular. Iyon 'yung pinaglumaan mo na hiningi ko sa'yo.."

"Cassey!"

"Si Kuya naman, hindi mabiro. Anyway, I have to go. Bye!"

Humalik na ito sa kanyang pisngi. Tumingin ito kina Bloom at Gida.

"Bye ate Gida, babye ate Bloom! Take care!"

Pumasok na sa loob ng sasakyan ang dalagita at napailing na lang si Clear na natatawa. Gamitin ba naman sa kanya ang sarili niyang binacular?!

"Sabi na nga ba eh, dapat hindi ko na iyon ibinigay sa kanya. Sa akin din naman pala niya gagamitin." bulong niya.

Huminga siya ng malalim at naglakad na pabalik.

"Ano raw? Hinihintay na daw ba niya ang gown niya?" bungad ni Gida.

"Ah... Oo. Excited na excited na nga raw siya eh." sagot na lang niya.

Magkakasunod na silang pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ang binata sa loob ng banyo para maligo at magbihis. Sina Bloom at Gida naman ay nasa sala at...

"So, bakla... Kamusta kagabi?" umpisa ni Gida.

"Anong kamusta kagabi?" maang-maangan ni Bloom.

"Huwag ka ngang sinungaling. Umamin na sa akin si Clear, bakla..."

Nag-init ang buong mukha ni Bloom. Ganoon pa man ay pilya siyang napangiti.

"Gawin mo rin kaya para malaman mo." sagot niya.

"Kapag gusto na akong pagsamantalahan ni papa Velvet, game!" malanding wika ni Gida.

Tumawa ng mahina si Bloom.

"Sino ba kasi iyang Velvet na sinasabi mo?"

"Kasamahan na agent sa Men in Action ng fafa mong si Clear. Tanungin mo siya... Guwapo iyon!"

"Lahat naman sila, guwapo di ba?"

"Plang! Pero ang kaguwapuhan ni fafa Velvet ang may malakas na tama sa akin... Kaya lang, snob ang beauty ko sa kanya."

Natawa ng mahina si Bloom.

"Baka naman hindi siya pumapatol sa katulad din niyang guwapo..?"

"Bakla naman eh! Maganda ako, okay? MAGANDA!!!..."

Ngumiti na lang siya at napailing. Mula naman sa banyo ay lumabas na si Clear. Nakasuot na ito ng itim na pantalon at asul na t-shirt. Tinutuyo nito ang buhok.

"Girls, alis na muna ako. Kailangan kong pumasok sa work." paalam ng binata.

Naglakad ito palapit sa kanila at yumuko ito. Hinalikan nito sa labi si Bloom at tinapik nito ng mahina ang balikat ni Gida.

"Ingat ka." wika ni Bloom.

"I will, thanks."

"Pasalubong ah? Pupunta kami sa bahay niyo mamaya. Dadalhin ko na iyong damit ni Cassey para maisukat na niya. Para kung kinakailangan ng adjustments eh hindi magkaproblema."

"Thanks, Gida. Aalis na ako."

Muling humalik si Clear sa labi ni Bloom at ilang beses niya iyong ginawa... Isang mahinang sampal sa mukha ang napala niya mula kay Gida. Pero nakangiti siyang humarap dito.

"Umalis ka na. Tuka ka nang tuka." mataray nitong wika.

"Oo, na... Bye na!"

Nagpahabol ng isa pang kiss si Clear bago siya tuluyang umalis. Natawa na lang si Bloom.

"I bet, bakla... Masyado siyang hot no?" napataas ng kilay si Gida.

Namula ang mukha ni Bloom.

"Obvious?" alanganin niyang tanong.

"Yeah, obvious. Ang suwerte mo."

Hindi na lang siya sumagot sa sinabi nito. Samantala... Napangiti si Clear ng makarating na siya sa headquarters... Pinatay na niya ang makina ng motor at agad na kinuha ang susi sabay lagay sa kanyang bulsa. Inalis niya ang suot niyang helmet at bumaba na ng sasakyan. Agad siyang pumasok sa loob ng gusali. Pasipol-sipol siya habang naglalakad siya papunta sa elevator at bago iyon tuluyang magsara ay humahangos na pumasok sa loob sina Aeon at Nexus. Tahimik lang siya.

"Good morning!" biglang bati ni Nexus.

"Morning." balik niya.

"So, kamusta kagabi?" nakangiting untag ni Aeon.

Napailing si Clear at napangiti ng maluwang. Napasuklay siya sa kanyang buhok.

"Okay lang, naalis ko naman iyong sirang doorknob." sagot na lang niya.

Tumawa ng mahina si Nexus.

"Talaga? Kahit na nagbrown-out?" hindi nakapagpigil nitong wika.

"Nexus!"saway ni Aeon.

Bahagyang nagulat si Clear sa kanyang narinig. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay nang-uusig niyang tiningnan ang kanyang mga kaibigan.

"Kung ganoon, iyong biglaang brown-out kagabi habang binabaklas ko iyong doorknob ay kagagawan niyo?" akusa niya.

"Nah, hindi. Masyado ka namang mapagbintang. Nagbrown-out din kaya dito kagabi habang inaayos namin sa armory iyong mga baril na regalo ni X..."

Dahil sa sinabi ni Nexus, lalo niyang na-confirmed na may kinalaman ang mga baliw niyang kaibigan.

"Dito, nagbrown out? Sinungaling." sagot niya.

"Totoo kaya."

Tahimik na lang si Aeon at nangingiting tinakpan ang bibig. Halatang nagpipigil magsalita.

"Magkakabrown-out lang dito kapag napasok tayo ng mga kalaban. Huwag ka ngang sinungaling, Nexus."

Biglang tumawa ng malakas si Nexus sa kanyang sinabi. Napabuntung-hininga naman siya.

"Kasalanan niyo pala kung bakit ako natagalan sa pagbabaklas ng sirang doorknob. Na-trap din tuloy ako..."

Pero bigla siyang napangiti ng maalala niya ang kiss nila ni Bloom noong walang ilaw. Nasalat niya ang kanyang labi. Kinikilig siya... Damn! Saway niya sa kanyang sarili.

"Kung ganoon, may maganda din naman palang naidulot iyong brown-out?" sa wakas ay wika na rin ni Aeon.

Nawala ang ngiti niya at ginawang seryoso ang kanyang mukha. Wala pa siyang balak na sabihin sa mga kaibigan niya na sinagot na siya ni Bloom...

"Wala nga masyado." yamot niyang sagot kunwari.

"True?" makulit na usisa ni Nexus.

Inismiran niya ang mga ito. Ting! Bumukas na ang pinto ng elevator at agad na siyang lumabas. Dumiretso siya sa opisina niya at agad na naupo sa mesa. Pinasadahan niya ang mga papeles na naroon pero wala naman doon ang isip niya. Last night was perfect... Napangalumbaba siya at nilaro ang hawak niyang ballpen. Panay ang pindot niya sa ulo noon at gumagawa na ng ingay ang tunog nito. Bangag pa siyang talaga, wala sa sariling napangalumbaba siya. Kailan ba siya naging ganito kasaya? Hindi na niya maalala. Huminga siya ng malalim... Saka niya biglang naisip na dapat niyang i-date si Bloom mamayang gabi. Kasi nga, girlfriend na niya ito.

"Ano kayang klaseng date ang gusto niya?"

Ikinamot niya sa kanyang ulo ang hawak niyang ballpen. Wala siyang maisip. Hindi niya alam ang gusto ni Bloom. Hindi ito mahilig magsabi... Tumayo siya at lumabas sa opisina. Pagkalabas niya ay...

"Kanino ba ako dapat humingi ng advise?"

Naglakad siya papunta sa opisina ni Velvet pero biglang siyang umatras.

"Baka singilin na niya ako. Si Aeon na lang, kapareho ni Bloom na kuripot." napangiti niyang pakli.

Bumuwelta siya papunta sa opisina ni Aeon pero nagbago na naman ang isip niya.

"Si Ervine na lang. Don Romantiko iyon eh kahit na nuknukan ng sungit." natatawa niyang wika.

Nagpunta siya sa hallway at dumiretso sa elevator. Pinindot niya ang button papunta sa topfloor ng building. Ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator. Excited siyang nagpunta sa opisina ni Ervine. Kumatok siya ng dalawang beses.

"Come in."

Kalmado ang boses, good mood. Nakangiti siyang pumasok sa loob. Amaze itong napatingin sa kanya habang papalapit siya. Kumunot ang noo.

"Problema?" bungad kaagad nito sa kanya.

Umupo siya sa harap ng mesa nito.

"Gusto kong i-date si Bloom. Kaso hindi ko alam kung anong klaseng date ang gusto niya. Common na kasi iyong sa mga class na restaurant. Sa tingin ko, hindi siya mai-impress sa ganoon. Gusto ko sana, maging masaya siya sa unang date namin as a couple..." dere-deretso niyang wika.

Napa-Oh ang labi ni Ervine sa kanyang mga sinabi at napakurap ng maraming beses. Pagkatapos noon ay bigla nitong sinapo ang bibig at saka napabungisngis hanggang sa tuluyan na talaga itong matawa. Siya naman ang na-amaze kasi sa sarili nitong corny na joke lang natatawa ang loko. Kaya sa ngayon, hindi niya alam kung ano ang pinagtatawanan ng isang ito. May tama ba ngayong araw?!

"M-May nakakatawa?" alanganin niyang tanong.

Tumigil ito sa pagtawa at matamang tumingin sa kanya. Matapos iyon ay ngumiti ito ng pilyo at makahulugan. Napahawak ito sa baba.

"So, natulungan ka pala ng munting power interruption na nangyari kagabi..."

Napataas ng kilay si Clear.

"Kung ganoon, ikaw ang may kagagawan?"

"Ngayon?" amin ni Ervine.

Tumayo si Clear. Natingala naman si Ervine.

"Thank you, Sir!" sumaludo si Clear.

Natatawang sumaludo pabalik si Ervine.

"You're welcome... Anyway, what's your concern?"

"Date... Hindi ko alam kung anong klaseng date ang magugustuhan ni Bloom."

Umupo ulit si Clear at matamang tumingin kay Ervine. Nilaro naman ng huli ang hawak nitong eraser.

"Pangalawa na ito ah."

"Effective kapag ikaw ang nagbibigay ng deskarte eh."

"Tried and tested na kasi sa Misis ko eh. Tingnan mo nga at nakadalawa agad ako."

Natawa siya sa sinabi nito. Isang taon lang ang pagitan ng panganay nitong si EJ at ang bunsong si Earl pero siguradong hindi si Earl ang bunso...

"Ano, may maibibigay ka ba?" untag pa niya.

"Marami..."

"Makikinig ako, Sir..."

Napailing si Ervine at napangiti ng maluwang. Pero pagkatapos noon ay nagsalita na rin ito. Nag-share ng mga technique. Lahat naman ng sinasabi nitong detalye ay itinatatak niyang maigi sa utak niya.

"Just a question..." napaisip niyang wika.

"Bakit ang dami mong alam tungkol diyan sa mga romantic stuff?"

"Kailangan kong makipagsabayan sa asawa ko no. You know, she is a writer and she's always romantic. That's why I need to impress her everyday. I research. Si Google lang ang sagot. Ha ha ha ha!"

Napaubo si Clear. Paniwalang-paniwala na sana siya na punong-puno ng romantic stuff sa katawan si Ervine. Iyon pala ay si Google lang ang sekreto nito. Napailing siya.

"But anyway, that was a confidential matter. Huwag na huwag mong sasabihin kahit na kanino, lalo na sa asawa ko. That was my big secret. Huwag kang magkakamali... Or else, I'll kill you." mariing babala ni Ervine sa kanya.

Pero imbes na masindak ay napangiti na lang siya.

"Your secret is also my secret now... Still, kahit na sinabi mong si Google lang ang sagot. Hihingi pa rin ako sa'yo ng mga advise. I want to make sure... Tried and tested na kasi ang mga nasa iyo."

"Son of a bitch! Lumayas ka na nga!"

Tumayo na si Clear at sumaludo.

"Thank you, Sir! Bye!"

Hindi na sumaludo pabalik si Ervine sa kanya. Nagpaypay lang ito ng kamay sa hangin at nagsign na lumayas na siya. Nakangiti siyang naglakad paalis. May naisip na siyang magiging date nila ni Bloom mamaya. Sisiguruhin niyang masosorpresa niya ito.

Kinahapunan... Tuwang-tuwa si Cassey habang suot ang gown na dinesign ni Bloom na tinahi naman ni Gida. Inabot ni Bloom ang kapartner nitong mask. Napapalamutian iyon ng mga markings ng pink na rose.

"Geez! I look like a princess!" halata ang excitement sa boses ng dalagita.

"Honey, your a princess. Any concern?" untag pa ni Gida.

Muling humarap sa full length mirror ang dalagita at pinasadahan ng tingin ang kabuuan.

"No concern, it's beautiful. This is really perfect."

Halos sabay na nakahinga ng maluwang sina Gida at Bloom. Nagkatinginan silang magkaibigan at nagkangitian.

"Ate Bloom..." biglang wika ni Cassey.

"Yes?"

Mukhang may bigla na naman itong naisipan.

"Kayo na ba ni Kuya?" pilya nitong tanong.

Natigilan si Bloom at nahihiyang napatingin sa dalagita. Huminga siya ng malalim. Napakalalim.

"Eeeer... Yes..." nahihiya niyang amin.

Halos bulong na nga iyon. Lumapit sa kanya ang dalagita at hinawakan ang mga kamay niya.

"Please, don't make my big brother cry. Just make him happy. That is my birthday wish."

Mataman siyang tumingin sa mukha ng dalagita. Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi niya.

"Cassey, hindi ba dapat litanya ko iyan? I'm the girl..." pabiro niyang sagot.

Ngumiti ng maluwang ang dalagita sa kanya.

"My brother is a one-woman man. Grabe iyon kapag nai-in love. Handa siyang maghirap para lang ma-please ang babaing mahal niya. I know that 'cause I'm his little sister. Madalas ko siyang binibiro at inaasar pero ganoon pa man... Hindi pa rin niya hinihindian ang aking mga demands. Kahit na sinasabi niyang No o Hindi... Gagawin pa rin naman niya sa huli ang gusto ko. His a very good guy, I assure you that."

Hindi niya alam kung nili-lift up ni Cassey sa kanya ang Kuya nito. But seeing her eyes, she is telling the truth. Hindi iyon pambobola.

"Wow..." iyon lang ang tangi niyang nai-react.

Para lalo yata siyang nahulog kay Clear dahil doon. Gaga at tanga na lang siya kung lolokohin pa niya ito. Pero hinding-hindi naman niya kayang gawin iyon kasi hindi siya ganoon. Kung natatakot siyang masaktan, mas natatakot siyang makasakit.

"I know your a good woman. Bakit ba kasi hindi ka niya unang nakilala?"

Natawa siya. Pareho sila ni Clear sa litanyang iyon. Magkapatid nga ang dalawa.

"Hindi pa siguro panahon para magkakilala kami noon? Do you think It's funny that I'm already his girlfriend? Two-weeks pa lang simula nang una kaming magkita..."

Tumawa ng mahina ang dalagita at pasimpleng tumingin kay Gida.

"Kuya Siege and ate Amber has a four-days of action-thrilling whirlwind romance. They are married for a couple of months now, and expecting a baby... Hindi niyo pa nabe-break ni Kuya Clear ang record na iyon." maikling kuwento ni Cassey.

Na-amaze siya sa kanyang narinig.

"Is that true?"

Bumitaw ito sa mga kamay niya.

"Naman. Sa kabila ng mga umuulang bala at sangkatutak na goons... Romance occured. Love maybe is a weird and crazy thing... Tell me, bakit mo ba sinagot agad si Kuya?"

Nag-isip si Bloom ng dahilan. Bakit nga ba? May mga naging suitors din naman siya na mababait pero hindi naman umubra sa kanya. Siguro dahil walang naging attraction?

"I really don't know... Maybe if your in love... Your just in love?"

Napangiti ang dalagita sa naging sagot niya. Mukhang kuntentong-kuntento.

"Mga bakla, tama na iyan. Ang dami niyo nang hugot lines." singit ni Gida.

"Di maki-join ka." sagot ni Bloom.

"Hmf! Snob naman kasi ang beauty ko kay fafa Velvet kaya di ko feel maghugot lines...Imbiyerna pa kasi ilang weeks ko na siyang hindi nakikita."

"Ayaw ni Kuya Velvet sa mga kapwa daw niya guwapo." biglang wika ni Cassey.

"Maganda ako, okay?" mataray na wika ni Gida.

"Magandang-lalaki." natatawang kantyaw ni Bloom.

Isang katakot-takot na irap ang isinukli ni Gida sa kanya.

"Magpapalit na ako." paalam ni Cassey.

Naglakad na ito papunta sa loob ng walk-in closet. Naupo si Gida sa malambot na kama ng dalagita.

"Mukhang gusto ka din naman ni Cassey. Hindi niya kinakausap o pinapansin ang mga taong hindi niya gusto."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Gida. Mabait naman si Cassey para sa kanya kahit na medyo spoild. Ilang sandali pa ay lumabas na si Cassey. Nakapagpalit na ito ng damit. Isang simpleng t-shirt na white na may print ng Miss Mataray na halatang pinasadya at isang simpleng maong na shorts. Kahit siguro basahan pa ang isuot nito ay magiging maganda pa rin ang dalagita. Tiyak na kapag nagmatured pa ito, maraming lalaki ang maghahabol. Kaya nga ngayon palang, problemado na dito si Clear.

"Tara, meryenda tayo." yaya pa ng dalagita sa kanila.

"Okay." sagot ni Gida.

Lumabas na sila ng silid at bumaba na sila. Inutusan ng dalagita ang mga kasambahay nito na ipaghanda sila ng meryenda. Tumingin sa paligid si Bloom.

"Hindi ka ba nabo-bored dito?" hindi napigilang tanong kay Cassey.

"Nabo-bored din naman. Busy si Dad sa work at ganoon din si Kuya. I'm the only girl and..." hindi na nito itinuloy ang anumang sasabihin.

Iyon nga lang ay tumingin ito ng matagal sa kanyang mukha at saka ngumiti ng maluwang sa kanya.

"Yes?" untag niya.

"Hindi ako mabo-bored kung dito ka na lang titira. Maluwang naman itong bahay namin. At for sure, mas mapapadalas dito si Kuya."

Natawa siya sa tinuran ni Cassey.

"Nice idea. Isama mo na rin ako." nakangiting palatak ni Gida.

"No, ate Gida. Kailangan ka ni ate Abby para tulungan siyang mag-alaga doons a twins."

"Descrimination?"

Natigil ang usapan nila ng bumukas ang maindoor at iniluwa noon ang isang matangkad at magandang babae. Biglang umasim ang mukha ni Cassey. Kung nakakamatay lang ang tingin... Nakasuot ang babae ng isang above the knee na dress na kulay-ube. Maputi ito at medyo may kalakihan ang front. Light ang make up at may mahaba at straight na buhok na hanggang baywang.

"What are you doing here?" galit at mahinang tanong ni Cassey.

Ngumiti ang babae sa dalagita. Naglakad ito palapit sa kanila at akmang hahalikat sa pisngi si Cassey pero umiwas ang dalagita.

"I'm here for your birthday. Natatandaan ko pa iyon." nakangiting wika ng babae.

"Your not invited." prangkang wika ni Cassey.

"Oh...?" react ng babae.

Maging si Gida ay matalim na nakatingin sa babae. Puzzled naman si Bloom kung sino ang bagong dating at kung bakit mas malamig pa sa yelo ang trato ng mga kasama niya dito. Nakarinig sila ng ugong ng humintong motor sa sasakyan. Ilang sandali lang ay pumasok na sa loob ng bahay ang bagong dating at iyon ay si Clear.

Nawala ang ngiti ni Clear ng makita niya ang babaing kasama nina Cassey, Bloom at Gida.

"Honey, I'm back!" excited pang wika ng babae.

Naglakad siya palapit sa mga ito, sinalubong siya ni Lucile-ang kanyang ex, pero iniwasan niya ang babae. Lumapit siya sa kanyang kapatid at hinalikan niya ang noo nito. Kasunod noon ang pagbaling niya ng tingin kay Bloom. Hinalikan niya ito sa labi pero hindi isang simpleng smack ang ginawa niya. It was a real kiss with a warning message. He won't allow that woman to ruin his happiness. His already move on. Nagulat si Bloom sa ginawa ni Clear but she couldn't resist his sweet kiss. Nang matapos ang kanilang kiss ay pasimple niya itong kinurot sa pisngi. Isang ngiti lang ang iginanti ng binata sa kanya. Nakarinig sila ng tikhim...

"Hi, I'm Lucile..." inilahad ng babae ang kanang-kamay.

Sumulyap ito kay Clear at ngumiti ng makahulugan. Pagkatapos noon ay tumingin sa kanya na tila naghahamon. Mas matangkad ito sa kanya ng di hamak pero hindi ibig sabihin noon na dapat na siyang masindak... So, ito iyong jerk nanloko at nagpaiyak kay Clear... Hmm... Maganda siya, Yes... Pero mas maganda nga lang siya.

"I'm Clear's ex-girlfriend." mayabang pa nitong wika.

"Oh, the cheater!" bulalas niya kunwari.

Malditahan pala ah? Tumawa ng mahina si Cassey at pasimpleng sumulyap sa kanya.

"Yes, she is the witch who cheated my brother. As I remember, she was caught in the act. She is the bitch gold digger and she's back again. Naubos na niya siguro ang mga nahuthot niya sa Kuya..."

Namula ang mukha ng babae at nanlaki ang mga mata.

"Grabe, siya pala iyon. At ang kapal ng mukha niya." segunda ni Gida.

Tuluyan na itong tumalikod at nagdadabog na naglakad paalis. Tumawa si Cassey at napailing naman si Clear. Gusto sana niyang magsalita pero naunahan na siya. Nang tuluyan nang makaalis ang babae ay...

"That was a murder..." comment niya sa tatlo.

Pero tumawa lang ang mga ito. Nahawa siya. Wala na talaga siyang pakialam sa ex niya dahil wala na siyang maramdaman kahit na kaunting concern. Kahit galit, wala. Everything was blank pero hindi ibig sabihin noon na nakalimot na siya sa ginawa nito. Nope, itinuring niya iyon bilang isang lesson.

"Kaya pala gusto kita ate Bloom... Maldita ka rin pala."

Napailing si Bloom. Nahamon siya kanina kaya ganoon... Lumabas ang itinatago niyang kamalditahan. Huminga siya ng malalim... May tiwala siya kay Clear... Pero sa babaing iyon na nagreturn and the comeback, wala. Kailangan niyang bantayan ang kanyang fafa Clear... May ahas kasing dumating.

***********************************

# Madami akong nakalinyang commitments ngayong buwan ng December... Kaya next year na lang ulit ako mag-a-update... Mabitin muna kayo. Anyway... MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR!!!... Next Year na lang ulit!

Continue Reading

You'll Also Like

1K 54 24
"I will wait for you, even if it takes forever." Dahlia Aurora ay isang mortal na tahimik na namumuhay kasama ang kaniyang ina ngunit nagambala ang...
846 45 22
"Akala ko magiging maayos tayo pagbalik ko." mahinang sambit ko habang nasa loob ng Confession Room. "Bakit, Abel?" Isang mahabang buntong hininga...
986K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.1M 31.2K 41
(R-18) BLAKE MONTERELAOS(BOS_BEAST OF STARS) 》Every woman needs her man to hold her and tell her that she's beautiful. Every woman needs her man to...