Knight Academy

By Banshee_Jinx

263K 8.6K 751

Knight Academy. Isang paaralan na nagtuturo sa mga nilalang na nabiyayaan ng kakaibang kakayahan. Mga ability... More

Prologue
Chapter 1 - Mysterious
Chapter 2 - Illusion
Chapter 3 - The Start
Chapter 4 - Sisters
Chapter 5 - Encounter
Chapter 6 - The Attact
Chapter 7 - Friends
Chapter 8 - Class
Need Help
Chapter 9 - The Group
Chapter 10 - Punishment or Blessing?
Chapter 11 - Breakfast
Chapter 12 - New Prince?!
Chapter 13 - Crystal Molding
Chapter 14 - Peace?
Chapter 15 - The meeting
Chapter 16 - The Dodge Ball Game (Part 1)
Chapter 17 - The Dodge Ball Game (Part 2)
Chapter 18 - Our Story
Chapter 19 - Last Glimpse
Chapter 20 - Girls' Day
Chapter 21 - Assasins
Chapter 22 - The Chase (Part 1)
Chapter 23 - The Chase (Part 2)
Chapter 24 - Story Behind
Chapter 26 - El's Fools
Chapter 27 - Kururu
Chapter 28 - Silly Feelings
Chapter 29 - Cloak Guy
Chapter 30 - Him
Chapter 31 -

Chapter 25 - Sh*t Happens

5K 150 44
By Banshee_Jinx

Paala-ala ni Chiaki: medyo tricky ang chapter na 'to. Maraming part ang nasa Third person's P.O.V at papalit-palit ng character.

~~~

(Same time nang magkausap sila Shin at Tristan sa cafeteria)

Alex's P.O.V

Breathe in. Breathe out.

Pagkatapos kong huminga ng malalim nang paulit-ulit ay kumatok ako sa pinto ng impyerno----este opisina pala ni head mistress. Sorry naman, gwapo lang ako, kinakabahan din.

"Wait for a sec". Nadinig kong sabi ng secretary ni head mistress. Maya-maya ay bumukas ang pinto.

"What do you need, Mr. Williams?" Pormal na tanong ni miss Coldman.

Wengya, dapat 'Coldwoman' ang family name niya eh. Lagi siyang nakapokerface. Once in a blue moon lang ngumiti.

"Uhm, Can I have a few words with head mistress?" Tanong ko.

Oh ha. Hindi porket gwapo, bobo. May mga tao talagang pinagpala ng katalinuhan at kagwapuhan. Kapag nakakita ka, sunggaban mo na. Kaya naman mga chikababes, come to me!

Aba, tinaasan lang ako ng kilay! Naku! Akala mo madadala mo ako sa taas-taas ng kilay ha. Kahit maganda ka pa, may tao na na nakatakdang magdala ng pangalan ko.

Maya-maya ay tumalikod siya sa akin. "Head mistress, mister Williams wants a few words with you. Should I let him in?" Tanong ni miss Coldman.

"Let him." Dinig kong sabi ni head mistress. Bumalik na naman ang kaba ko. Buti na lang nakaharang si miss Coldman kaya hindi ko makita si head mistress. Kung hindi, baka kinalimutan ko na ang itatanong ko kay head mistress at bumalik na lang sa dorm.

Tumabi si miss Coldman upang makadaan ako. Mula dito, kita ko si head mistress na nakaupo sa lamesa na puno ng mga papel na sa tingin ko ay mga dokumento. Hindi na kataka-taka 'yun dahil sa lunes na ang Ball kaya marami siyang dapat gawin. Buti na lang mabait si head mistress at hinayaan niya akong makausap siya kahit na sobra busy niya.

Naglakad ako papalapit kay head mistress. Maya-maya ay nadinig ko ang pagsara ng pinto. Hooh! Wala nang atrasan 'to. Kaya mo 'yan Alexander!

Nang nasa harap na ako ni head mistress ay tumingala siya mula sa pagkakasubsob niya sa mga dokumento at saka tinanggal ang kanyang salamin. "Have a seat." Utos na niya na sinunod ko kaagad.

Pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at saka ipinatong ang kanyang baba. "So, what do you need, mister Williams?" Taas kilay niyang tanong. Ramdam ko na tumutulo ang pawis ko sa likod at noo dahil sa nerbyos. Kahit na hindi niya sinasadya, nakaka-intimidate talaga siyang tingnan.

"Actually, It has something to do regarding the group you recently sent for some unknown meeting. I know I don't have any rights to ask but, I-I just want to know what are happening there." Tanong ko.

Tiningnan niya ako ng diretso. Walang kurap-kurap. Tiningnan ko din siya ng diretso pero alam ko na nakikita niya kung gaano ako kanerbyos ngayon.

Akala ko hindi na matatapos ang titigan namin nang magsalita siya. "I see. It has something to do with miss Vane, right?" Taas kilay niyang tanong na ikinapula ko. Dahil sa sinabi niya ay umiwas ako ng tingin. D*mn. Para naman akong bakla.

Nadinig kong mahina siyang tumawa. "So I hit the point."

"Tatapatin na kita, mister Williams. Hindi lang basta-bastang meeting ang pinuntahan nila. They are there because they supposed to help the residence to evacuate due to continuous attack of Joules near the area." Kaagad akong napatayo sa sinabi ni head mistress. Sabi na nga ba't parang may kakaiba sa nangyayari.

"W-what? P-pero head mistress, masyadong delikado 'yun! Hindi lang basta-bastang mga Joules ang umaatake. Paniguradong meron 'dung mga strong Joules! Paano na lang kung may mangyaring masama sa kanila ha?!"

Hindi ko na napigilan ang galit ko. Walang sinuman sa amin ang kumukwestyon sa mga utos at desisyon ni head mistress pero hindi ko mapigilang magalit. Maaari ngang sapat ang kakayahan naming talunin ang mga Joules pero maramihan sila kung umatake. Ang masama pa, sobrang laki ng posibilidad na may mga high level Joules doon dahil ang pagkakaalam ko, sa bayan ng Ken sila pumunta. Ito ang pinakamalapit na bayan sa Hesmerrhia na lupain ng mga Jukems.

Bumuntong-hininga si head mistress. "Don't worry. Before we deployed them, we sent a few casters and ability user to check the area. We even sent groups to protect the area for safety precautions." Medyo huminahon ako sa sinabi niya kaya napaupo ulit ako.

"However, wala pa kaming balita tungkol sa mga ipinadala doon. Their leaders should report to me but I don't received any words from them." Sabi niya habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Head mistress, it had been days. Mas mabuti siguro kung magpadala ulit tayo ng another group para alamin ang kalagayan nila." I said.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi sa akin ang lahat ng ito ni head mistress dahil masyadong confinential ito. Kahit pa isa ang pamilya ko sa mga pinagkakatiwalaang pamilya at isa ako sa mga 'Ideal Knight', hindi dapat ipapagkatiwala sa akin ni head mistress anganitong inpormasyon. Hindi ko na sinubukang tanungin siya dahil ito lang ang tanging paraan para makakuha aki ng impotmasyon tungkol kay Joanne.

(A/N: Ideal Knight po ang tawag sa mga may chance na makaabot sa Knight Level. True blood Knight naman sa mga level four pataas na nagmula sa Knight Academy.)

"No. Makukuha natin ang atensyon ng mga estudyante ang mga taga labas. Even I have the approval of the students' parents, it may cause anxiety making them doubt of our decisions." Sabi niya. Hala sa mukha niya ang stress.

'Yan ang problema sa ilang mga magulang dito. Sila mismo ang magtutulak sa kanilang mga anak upang sumama sa mga misyong katulad nito. Masyado kasi nilang inaalala ang kanilang 'image'. Hindi daw pwedeng wala ang pangalan ng kanilang pamilya sa mga bibigyan ng parangal. Tapos kapag may nangyari nang masama, ang akademya ang sisisihin.

Buti na nga lang mabait si head mistress. Ang pinapasama niya lang ay 'yung alam niyang kaya ang gagawin at willing na sumama.

"Okay. I think I should be going then. Thank you for giving me some time." Sabi ko bago ako nagbow. Ayoko nang dagdagan pa ang mga alalahanin ni head mistress. Mahirap mamahala ng malaking akademya lalo pa't mga matitigas ang ulo ng mga mga magulang ng mga mag-aaral.

Nasa may pintuan na ako. Nakabukas na ang pinto at handa ko nang isara nang magsalita si head mistress kaya napatigil ako.

"Don't worry mister Williams. As soon as I've got any reply from them, I'll inform you. Especially if it's involve to your girlfriend." Nag-init ang pisngi ko kaya kaagad kong isinara ang pintuan. Dinig ko ang tawa ni head mistress mula sa pintuan.

D*mn. Kelan kaya mangyayari ang bagay na 'yun. P*ta. Pagbalik talaga niya, aamin na ako. Maghintay ka lang Joanne, magiging akin ka din. Alam ko namang mahal din ako 'nung babaeng 'yun eh. *Wink*

Third Person's P.O.V

Naglalakad sa pasilyo si Alex. Hindi mataggal ang ngiti na nakadikit sa kanyang labi. Kung sakaling may makakakita man sa kanya ay iisipin nitong nababaliw na siya dahil nakangi itong mag-isa.

"Arrrgh!" Maya-maya ay napatigil si Alex. Nakaramdam siya ng hilo kaya napakapit siya sa pader. Gamit ang kanyang kanang kamay na nakahawak sa pader bilang suporta sa kanyang sarili at ang kaliwa naman ay sa kanyang ulo.

"Aaaaaah!" Biglang bumulusom ang sakit sa kanyang ulo kaya bigla siyang napapikit at unti-unting napaupo.

'Make it stop. Make it stop!' Sabi niya sa kanyang isip. Hindi jiya kayang magsalita dahil sa sakit at kung sakali mang makapagsalita siya ay walang makakadinig nito dahil madalang ang dumadaan dito. Tanging ungol lang ng sakit ang kanyang magawa.

"AHHHH!" Malakas na palahaw niya nang tumama na naman ang sakit. Parang minamartilyo ang kanyang ulo na sa ano mang oras na mabibiyak na ang kanyang bungo. Sa sobrang sakit ay kumapit siya nang mahigpit sa kanyang ulo, umaasang maibsan ang sakit.

"AAAAAAHHHHH!" huling sidaw ni Alex bago tumama ang kanyang ulo sa sahig at mawalan ng malay.

"Hay. Medyo pinahirapan mo ako ha. Dapat kasi bumigay ka na agad para hindi masyadong masakit. 'Yan tuloy, mas nasaktan ka pa." Sabi ng isang babae na lumabas sa kanyang pinagtataguan. Unti-unti itong lumapit kay Alex ngunit may nadinig siyang nagsalita.

"Tss. Istorbo." Sabi niya bago muling bumalik ang tingin kay Alex.

"Maswerte ka dahil may paparating. Sa ngayon, tama na siguro ang ginawa ko sa'yo.sabi niya bago naglakad papaalis."

~~~

"Hello? May tao ba d'yan?" Mahinang tawag ni Amelia.

Naglalakad kasi siya papuntang opisina ni head mistress nang may madinig siyang malakas na sigaw na parang nasasaktan. Dala na din ng kuryosidad, kinalimutan na muna niya ang kanyang tunay na pakay at sinundan ang nadinig na sigaw.

"Hello? Meron bang tao dito. Sumagot k----." Nagulat at napahinto siya dahil pagliko niya sa kanan ay may nakita siyang isang lalaking nakahandusay sa sahig.

Oh my God! Sabi niya Amelia sa kanyang isip.

Patay na kaya 'to? Hala! Baka mamaya, patay na nga 'to, ako ang pagbintangan. Dugtong pa niya. Tumalikod na siya at aalis na sana nang mapaisip siya.

Eh paano kung buhay pa 'to? Hindi ako patatahimikin ng konsensya ko na pinabayaan ko na lang siya sa isang tabi.

Muli niyang tiningnan ang lalaki. Nakadapa ito kaya hindi niya kita ang mukha kaya hindi niya alam kung sino. Pero base sa suot at pangangatawan nito ay isa itong lalaki.

Bahala na nga!

Dahan-dahan ay lumapit siya sa lalaki. Malayo pa lang ay kita na ang dugo na umaagos sa kanyang ulo. Kahit na kinakabahan si Amelia ay patuloy siyabg lumapit sa lalaki.

Nang nasa tabi na siya ng lalaki ay tumingin muna siya sa paligid, sinisiguradong wala ang posibleng nanakit sa lalaki.

Lumuhod siya. Dahan-dahan ay pinahiga niya ang lalaki. Nanglaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong si Alex ang lalaking duguan.

"Oh my! Alex, Alex! Sinong gumawa nito sa'yo?" Sobrang nagpapanic si Amelia. Hindi niya alam kung anong unang gagawin. Kung tatawag ba ng tulong, ire-report ang nangyari kay Alex o dadalhin ito sa Medical Department.

Calm, Amelia. Just calm. Utod niya sa kanyang sarili. Huminga muja siya ng malalim upang kalmahin ang sarili.

"Okay, you can do this Amelia." Bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang puting panyo sa kanyang bulsa at saka mahigpit na itinali sa ulo ni Alex upang mapigilan ang pagdurugo. Kinuha niya ang kaliwang braso ni Alex at ikinawit sa kanyang leeg. Dahan-dahan niyang itinayo si Alex, nakasuporta ang kanang kamay sa katawan habang nakakapit ang kaliwang kamay sa kaliwang braso ni Alex. Nang maitayo na niya ang lalaki ay maingat siyang pumunta sa unahan at isinandal ang lalaki sa kanyang likod at saka ito pinasan.

"Ano kayang kinakain ng lalaking 'to at napakabigat? Kung titingnan naman, mukhang ang gaan lang. Puro ba naman buto, ang payat-payat. Pasalamat kang lalaki ka, hindi ako tinigilan ng kunsensya ko. Kung hindi, naku! Iiwan talaga kitang maubusan ng dugo." Mahinang bulong ni Amelia. Lingid sa kanyang kaalaman na nakikinig si Alex na bumalik sa huwisyo nang tawagin kanina ni Amelia ang kanyang pangalan.

Walangya ka Amelia. Parehong-pareho kayo ni Shin. Sobra kung makapanglait! Kung hindi lang ako nahihilo, hahalikan kita 'jan! Sa gwapo kong 'to at sa katawan kong daig ang kay Adonis, nilalait mo ko? Sabi ni Alex sa kanyang isip na hindi magawang gumalaw ni imulat ang mata dahil sa hilong nararamdaman.

Urgh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Sabi ni Alex bago muling mawalan ng malay.

Kahit na nahihirapan ay pinilit buhatin ni Amelia si Alex palabas ng building.

"Hey! What are you doing?!"

Natuon ang pansin ni Amelia sa lalaking sumigaw. Sa kaliwa niya ay may isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanila.

"Salamat dumaan ka professor Sckitt! Nakita ko 'tong lalaking 'to na nakahiga sa isang pasilyo papunta sa office ni head mistress." Paliwanag ni Amelia. Isa si professor Sckitt sa nagtuturo sa third level department. Siya ngayon ang adviser ng klaseng kinabibilangan niya.

"Let me carry him." Alok ng propessor na hindi tinanggihan ni Amelia dahil ngalay na siya kakabuhat kay Alex. Sobrang ingat nilang inilipat si Alex mula sa likod ni Amelia papunta sa likod ng propessor.

"I will really suggest to head mistress to make a weight limit." Biro ng lalaki bago sila tumakbo papuntang Medical Department.

~~~

(Continuation ng last Chapter)

"Uy, little sis. Bakit ba bigla ka lang nang-iiwan ha?" Tanong ni Tristan na pilit humahabol kay Shin sa paglalakad.

"Ewan ko sa'yo. Di tayo bati." Seryosong sabi ni Shin pero alam ni Alex na nagbibiro ito dahil na rin sa kanyang malapad na ngiti.

"Weeeeh? Nagwapuhan ka lang ata sa akin eh. Naku! Ikaw talaga little sis. No need to run. Sayong-sayo lang ang gwapo mong kuya." Pagmamayabang ni Tristan kaya naman umakto si Shin na nasusuka.

"Mandiri ka nga kuya. Saang parte ka naman gwapo?" Sabi ni Shin kaya ngumuso si Tristan.

"Bebe Shin naman ihh~~" parang baklang sabi ni Tristan na nagpapacute pa.

"Tigilan mo na nga akong bakla ka. Tigilan mo na 'yan dahil papasok pa ko. Baka mamaya sumama ang pakiramdam ko't hindi pa ko makapasok." At muli na namang nagbangayan ang dalawa habang naglalakad papunta sa kanilang classroom.

"And what do you think you two doing here?" Salubong sa kanila ni teacher Lj pagpasok nila sa room. Nakataas pa ang kaliwang kilay ng guro habang nakapamaywang.

"Uhm, eating?" Nahihiyang sabi ni Tristan. Nakatingin sa kanila ang buong klase.

"Do both of you know that my class already started an hour ago?" Mataray pa ding tanong ng guro.

"Naku, patay na. Lumabas na naman ang amasona. Ayaw pa naman niya sa mga late." Buling ni Tristan sa sarili ngunit nadinig ng lahat kaya lalong napataas ang kilay ni teacher Lj. Nagpigil naman ng tawa ang kanilang mga kaklase dahil ayaw nilang madamay sa galit ng guro.

"We're sorry miss Lory. Something came up. It will not happened again." Paghingi ng paumanhin ni Shin kaya natuon sa kanya ang pansin ng guro. Tiningnan muna ni teacher Lj si Shin. Alam niyang sincere ito sa paghingi ng paumanhin kaya napabuntong hininga siya.

"Alright. I'll let it past. But next time, may consenquences kapag late ulit kayong pumasok. Understood?"

"Yes ma'am!" Sabay na sagot ng dalawa. Muling bumalik si teacher Lory sa dati niyang pwesto bago pa man dumating sila Shin. Pumasok naman silang dalawa ni Tristan sa loob at saka isinara ang pinto.

"Woah, ang swerte niyo dahil walang sumpong ngayon si teacher Lj." Bulong ni Mira kila Tristan pagkaupo nila.

"Nah. Malakas lang talaga ang karisma ng lahi namin. 'Di ba little sis?" Sabi ni Tristan. Hindi naman siya pinansin ni Shin. Kung hindi umirap si Shin, iisipin ni Tristan na bumalik na naman sa hindi pamamansin si Shin.

"Hindi, maswerte talaga kayo. Hinintay kaya kayo ni teacher Lj sa loob ng kalahating oras. Binabagalan nga niya ang pagpapaliwanag ng gagawin natin mamaya para kung sakaling dumating kayo, makakahabol pa kayo." Mahinang sabi ni Kira na lumapit pa kila Shin para hindi madinig ng guro. Napangiti naman si Shin sa sinabi ng kaklase.

"Okay, lets continue. You should listen carefully especially you two. Isa-summarize ko na lang 'yung sinabi ko kanina. Ang gagawin natin ngayon ay horse back riding." Sabi ni teacher Lj. Inilibot na muna niya ang kanyang tingin sa lahat para siguraduhing nakikinig ang lahat bago magpaliwanag.

~~~

"*Yawn* Nakakaantok~~" sabi ni Red habang nag-uunat pa. Halata sa mukha niya na inip na inip na siya. Sino ba naman ang hindi kung wala kang ibang ginawa kung hindi ang maupo sa loob ng 45 minuto?

"Oo nga eh. Kelan kayo tayo pwedeng lumabas?" Pagsang-ayon naman ni Ella. Bored na din siya. Nakapatong ang kanyang kanang pisngi sa lamesa habang pinapagulong ang kanyang lapis.

"Sus, palibhasa ang aga ninyong matapos." Kumento naman ni El.

Sa bagay, wala na naman silang gagawin dahil natapos na kaagad nila ang pinapagawa ni sir Ed. Habang ang mga kaklase nila ay hirapan sa pag-cast ng spell, sila naman ay paeasy-easy lang.

"Uy, nasaan nga pala si Alex?" Tanong ni El nang mahalatang walang tumitiling babae ngayon.

"Urg. Baka tinamad na naman at naghanap ng kaflirt. Alam mo naman 'yun, mahilig sa babae. Red, dapat sine-share mo sa kanya 'yung isang box mo ng condom. Baka mamaya magka-AIDS na 'yun." Nakangising sabi ni Ella pero nanatiling nakapoker face si Red.

"As if naman makakapasok ang condom dito sa akademya. Iko-confiscate lang 'yun ng guards para may magamit sila. At saka malaki na si Alex. Kahit naman malandi 'yun, nire-reserve niya ang virginity niya kay Joanne." Sagot ni Red. Saktong pagkasabi niya ay pumasok si sir Ed.

"Oy, oy! Bakit may nadidinig akong virginity jan ha?" Puno ng kuryosidad na tanong ng guro kaya napalingon sa kanila ang buong klase.

Dali-daling umayos ng upo si Ella. "Uhm, wala 'yun sir Ed. Private matters sa buhay ni Red. 'Di ba Vice?" Nakangiting tanong niya kay Red. Agad namang sumang-ayon si Red dahil alam na niya ang ibig sabihin ng mga ngiting 'yun: 'umoo-ka-kundi-papatayin-kita' look.

'Sus. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip nitong mga 'to.' Sabi ni sir Ed sa kanyang isip.

"Tapos n'yo na ba ang pinapagawa ko sa inyo?" Tanong niya sa grupo nila El.

"Syempre naman sir. Kami pa." Pagmamayabang ni Ella.

"Kanina pa po." Sagot naman ni El.

"Of course." Ismid ni Red.

"Good." Nakangiting sabi ni sir Ed.

'As expected to them. They never failed me.' Nakangiting isip ng guro.

"Hindi naman halatang naiinip na kayo 'no? Anyway, since tapos n'yo na ang pinapagawa ko, you can leave." Sabi ni sir Ed.

"Yes!"
"Finally!"
"Augggh!"

Habang nagdidiwang sila El ay napagroan naman dahil sa frustration ang iba. Paano ba naman, habang naglilibang ang nda naunang lumabas ay nagpapakahirap sila sa kanilang gawain.

"But sir, I think that's unfair! 'Di ba dapat sabay-sabay lumabas ang buong klase? I dan report this to head mistress because you are showing favoritism!" Reklamo ng isang estudyante kaya sinamaan siya ng tingin ng iba. Isa ito sa mga lalaking estudyante na may inggit sa guro dahil sa atensyong nakukuha mula sa malaking porsyento ng populasyon ng kababaihan hindi lang sa loob, maging sa labas ng akademya.

Tumawa naman si sir Ed. Halatang hindi niya sineryoso ang sinabi ng estudyante. "Don't worry, alam na 'ton ni head mistress. In fact, utos niya na palabasin kaagad ang mga 'to kapag tapos na ang klase ko."

Kumunot ang noo ni Red. 'Why the f*ck head mistress do that? Unless--'

"Sir Ed, ano pong nangyari?" Seryosong tanong ni El. Hindi kasi nag-e-excuse si head mistress sa klase maliban na lang kung sobrang importante ng dahilan.

"We better talk outside. Come." Utos ni sir Ed bago naglakad papalabas. Sumunod naman agad sila.

"Sir Ed. Anong nangyari?" Tanong ni Ella.

Napabuntong-hininga si sir Ed. "A few minutes ago, a student found Alexander passed out in a hall way." Nanlaki ang mata nilang lahat sa gulat.

'Damn. May nabuntis ba 'yung lalaking 'yun at tinambangan siya dahil ayaw siyang panagutan?' Tanong ni El sa isip.

'Baka nakipag-away sa guard kasi ayaw siyang bigyan ng condom?' Ang nasa isip naman ni Ella.

"Tss. That man. How is he?" Seryosong tanong ni Red.

Tiningan na muna ni sir Ed si Red bago sumagot. "I heard his fine. Aside from his bleeding head, nanghihina lang siya due to blood loss but his fine. But for you to be sure, just check it for yourself." Sani ni sir Ed.

Tumango sila El. "Sige sir, mauna na po kami." Nagbow muna ang dalawang babae bago umalis habang si Red naman ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad na sinundan kaagad nila El.

'Mukhang nagseselos pa sa akin si Red ah. Hahaha bilib na ako sa karisma mo Shin.' Natatawang sabi ni sir Ed sa kanyang isip. Naiiling-iling siya bago pumasok sa loob.

~~~

Nakatulala lang si Vivianne na nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip si Shin. (Chiaki: Siya 'yung babaeng tinulungan ni Shin noon kay Red in Chapter 12. Hindi ko maalala kung may sinabi ba akong pangalan niya noon. Kung meron na, ito na lang ang pangalan niya hehe^-^)

Dahan-dahan ay inilabas niya ang isang sulat na nakaipit sa kanyang libro. Buong ingat niya itong binuksan para hindi malukot ang papel.

'Hayyy~, Shin.
Ang prinsipeng gwapong-gwapo sa aking paningin.
Sanay ako'y iyong mapansin, babaeng gustong ika'y maging akin.

Ikaw ang aking pangarap na makasama sa hinaharap.
Titiisin ko ang lahat ng hirap upang malasap ang mahigpit mong yakap.

Hindi mapigilan ni Vivianne na mapangiti habang binabasa ang love letter na kanyang sinulat para kay Shin. Kinuha niya ang kanyang ballpen at saka nag-isip ng kasunod na isusulat.

"Ihhhhhh!" Nang matapos na siya ay bigla siyang tumili kaya napatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase.

"Uy, girl. Why are you make tili-tili? Are you crazy now?" Tanong ng Thalie, isa sa mga kaibigan niya.

Hindi niya pinansin ang lang-iinsulto ng kaibigan. Sa halip ay lalo pa itong ngumiti.

"Don't mind her. She's making love letter for her prince." Sabi naman ni Charlie.

Napabuntong hininga si Thalie. "*sigh* Oh, that cutie.
I'm not nagtataka why your so baliw at him. He is soooo mabango. And his hand, gahd! I'm sure its mas malambot than mine. I remember, last tuesday I saw him eating his lunch. You shoul bantay him, girl. Girls are gawking at him." Biglang napatingala si Vivianne sa kanyang nadinig. Lumingon siya kay Charlie nang magsalita din ito.

"Yeah, I remember that. One of those echuseras hug him tight. Being a gentleman, he didn't push her away. But we can see that he is so naiinis. The only good at that is we fully saw half of his face. His hoody make taas-taas so we take a glimps of his pointed nose and lips. D*mn girl! His lip is so yummy! I think his is redder than ours. And his skin, so makinis. I can't even see a single flaw." Medyo dreaming sabi ni Charlie.

'Kung hindi lang s'ya type ni bessy Vie, I'll make him mine.' Sabi ni Charlie sa kanyang isip.

"Tss. Bakla naman 'yun eh. Kita n'yong sobrang puti ng balat at mapula ang labi kaya paniguradong kung ano-ano ang ginagamit niya." Naiinis na sabi ni Adam, isa sa libong populasyon ng lalaking nag-aaral sa Knight academy na may malaking galit kay Shin.

Tiningnan siya ng masama hindi lamang ng tatlong nagkakaibigan kundi maging lahat ng kababaihan na nasa loob ng silid.

"Duh! That is what you called magandang lahi. Palibhasa you don't have that kaya you didn't know." Sabi ni Thalie.

Umismid si Adam. "Tss. Ako? Hindi gwapo? Palibhasa hindi kayo marunong mag-appreciate ng tunay na good looks. Palibhasa maputi kaya sinasabi ninyong gwapo. Hindi n'yo pa nga nakikita ng buo ang mukha ng pandak na 'yun eh." Tiim-bagang sabi ni Adam. Palibhasa 6'4 ang height kaya para sa kanya ay maliit si Shin.

Hindi nakatiis si Vivianne na hindi magsalita habang iniinsulto ni Adam ang kanyang prinsipe kaya nagsalita siya. "Excuse me, Adam. Our prince is not short. Hindi mo lang siya katulad na pinaglihi sa poste. And we know how to appreciate beauty. That's why we are appraising him.

We did not base our judgement by skin color or external looks. Well, beside of his good looks, he has a good heart. That was proven when he help me when i'm facing prince Red's wrath. He is kind that is why we adore him. His look is just a bonus. And we are sure that behind that hood is a very beautiful man. So please, stop your nonsense jealousy because if you cause any harm towards him, I promise you will face thousands of his supporters." Mahabang litanya ni Vivianne.

Natahimik ang lahat. Hindi akalain ng mga kalalakihan na ganoon pala ang iniisip ng mga kababaihan. Nahihiyang tumungo sila dahil hindi man nila aminin ay totoong kaya sila nagagalit kay Shin ay dahil sa nagseselos sila. May mangilan-ngilan ding mga babae ang nag-iwas ng tingin dahil hindi nila inakala na seryoso sila Vivianne kay Shin. Kaya lang naman sila nakikisama sa pagbabantay o mas tamang sabihing pag-i-stalk kay Shin ay dahil sa ito ang ginagawa ng karamihan. Kung baga, sumusunod lang sa uso.

Pero dahil sa sinabi ni Vivianne ay mas lalong humanga ang mga kababaihan kay Shin. Ang ilang nakikisama lang noon ay naging devoted na ngayon. Mas lalong dumami ang mga istorbo sa gwapong-gwapong 'prinsipe' daw na si Shin.

Pero kahit na marami ang nagbago ang tingin ng iba kay Shin, hindi pa din maalis ang galit ni Adam kay Shin. Tiim-bagang siyang nakatingin kay Vivianne, halata ang galit na kanyang kinikimkim. Ngunit sa likod ng kanyang nagbabagang mata ay ang lungkot at selos na kanyang nararamdaman. Lingid kasi sa kanilang kaalaman na may pagtingin ang binata kay Vivianne kaya ganoon na lang ang inis niya sa kawawang babaeng napagkamalang lalaki.

"Oy, oy, oy! Anong kaguluhan ang nangyayari dito, ha?" Tanong ni sir Ed pagkapasok niya. Agad na nagsiupuan ang lahat.

Tahimik lang ang lahat. Walang nag-abalang sumagot sa tanong ng kanilang guro.

"Tell me what happened while i'm outside, miss Cruz." Tanong ni sir Ed sa babaeng nasa kanyang unahan.

"U-uhm, kasi sir Ed. Ano, n-nagtatalo po kasi sila dahil kay prince Shin." Kinakabahang sagot ng babae. Nababahala kasi siya dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malapit si Shin sa guro. Baka magalit ito kapag nalamang may naninira kay Shin.

'Hay, si Shin na naman. Kawawa naman si Shin. Napagkakamalang lalaki. Pero mas kawawa sila dahil hindi nila alam na babae ang gusto nila.' Natatawang sabi ni sir Ed sa kanyang isipan.

"Ganoon ba. O s'ya, ipasa n'yo na 'yang mga pinagawa ko sa inyo. Miss Luestaive, ikaw na ang magcollect. Isama mo na din 'yung kila El. After that, you may go. Bumalik na lang kayo mamayang 1 so we can resume our class." Sabi ni sir Ed kaya nakahinga ng maluwag ang lahat. Pagkalabas ng guro ay nagsimula na ding umalis ang mga estudyante.

Sinimulan na ni Vivianne ang pangongolekta ng mga test tube na naglalaman ng mga liquid spells. Maingat niya itong inilagay sa mga test tube rack.

"Vie, we'll go na. We're just intay you to the cafeteria, 'kay?" Paalam ni Thalie kay Vivianne.

"Right. We will order for you na din, ha?" Sabi naman ni Charlie.

"Okay, I'll follow later when i'm done here." Sabi ni Vivianne kaya umalis na din ng dalawa.

Binuhat ni Vivianne ang mga test tube rack papunta sa isang cabinet na pinaglalagyan ng kanilang mga experiment at iba pang equipment. Nang ilalagay na niya sa loob ang panghuling rack ay nasagi niya ang kahilang cabinet na pinaglalagyan ng mga libro ni sir Ed.

"Ay!" Sigaw niya ng may nahulog na isang libro. Isinara muna niya ang cabinet na naglalaman ng mga rack bago niya pulutin ang libro.

"Ano naman kaya ito?" Tanong niya sa kanyang sarili nang makitang nakabukas ang libro sa isang pahina na ang mga letra ay sinaunang letra ng Lanrhyd.

"Change spell?" Nakakunot-noong tanong niya nang mabasa ang titulo sa pinakataas ng pahina. Napagdesisyunan niyang ituloy ang pagbabasa upang malaman ang nilalaman ng pahina dahil na din sa kanulyang kuryosidad.

"It is a spell that can change anything into something your heart desire, your mind can imagine and your soul can give. But beware of the luna. On her third birth, she'll ruin your dreams, taking your part as immolate."

Kinilabutan si Vivianne sa nabasa kaya dali-dali niyang isinara ang libro at ibinalik sa lalagyan. Namumutla pa siyang tumungo sa Cafeteria.

Pagkaupo niya sa upuan ay napansin ng kanyang mga kaibigan ang kanyang estado kaya itinigil nila ang kanilang pagdadaldalan at saka nag-aalalang tinanong siya.

"What happened to you, girl?" Tanong ni Thalie.

"N-nothing." Nauutal na sagot ni Vivianne.

"Are you okay? Here, drink this." Sabi ni Charlie at saka iniabot kay Vivianne ang lemon juice na binili niya para kay Vivianne. Agad naman itong inabot ni Vivianne at saka ininom. Kahit na nag-aalala para sa kaibigan ay itinuloy nina Thalie ang kanilang naputol na kwentuhan. Pinakalma naman muna ni Vivianne ang kanyang sarili bago sumali sa usapan ng kanyang mga kaibigan.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang tumunog ang bell, hudyat ng tapos na ang kalahati ng Class practice para sa araw na ito. Maya-maya ay napuno ng tilian ang buong cafeteria.

"Uy girl, is that prince Shin with our rival section?" Maya-maya ay tanong ni Thalie nang makitang pumasok si Shin na kaagad na ikinalingon ni Vivianne. As usual, natatabunan ng hood ng kanyang cloak ang kanyang mukha.

Hindi tulad ng dati, kahit na may nakakatakot itong aura ay hindi na siya iniiwasan ng mga estudyante sa takot. Dahil na din siguro sa fans club niya na nagkakalat ng mga good information tungkol kay Shin. At isa pa, mas nilalapitan siya ng mga kababaihan dahil naaakit sila sa misteryosong aura na bumabalot kay Shin. Tila ba sinasabing 'go away, I'll burn you by the hell's fire' ngunit para silang gamo-gamo na hindi maiwasang lumapit sa apoy.

"Iiiiih~~! Siya nga girl! We may be rival because he belong to their section. But admit it girl, he looks more yummy with them." Sabi ni Charlie habang tinuturo si Shin kasama si Tristan na nakaakbay sa kanya at ang di sinasadyang nakapalibot sa kanyang ibang kalalakihan sa kanilang section. Hindi mapagkakailang magagandang lahi ang nasa kanilang section. Kahit na lahat sa akademya ay mga kapwa magaganda at gwapo ay litaw pa din ang kanilang kakisigan.

~~~

"Uy, little sis, anong gusto mong kainin?" Tanong Tristan kay Shin na nakahalumbaba sa lamesa.

"Anything. Basta edible at mabubusog ako." Sagot ni Shin. Kaagad namang sumaludo si Tristan at pumunta na sa pila kasama ang iba pang lalaking kaklase na nagprisinta na kumuha ng pagkain.

"Shin, tanggalin mo nga 'yang cloak mo. Ang init kaya ngayon. Katanghaliang tapat balot na balot ka." Huwistyon ni Lena kay Shin. Sa tuwing mapapatingin kasi siya sa dalaga ay siya ang nababanasan sa balot na balot nitong itsura.

"Ayoko. Sanay na ako na ganito ang suot ko. Hindi ako kumportable kapag wala ito." Sabi naman ni Shin.

Kumunot ang noo ni Lena. "Eh bakit kapag nagpe-p.e tayo, tinatanggal mo naman 'yan ah." Tanong niya.

'That is because I'm already comfortable with you.' Sabi ni Shin sa kanyang isipan. Pero syempre hindi niya ito sinabi dahil alam niya na tutuksuhin lang siya ng mga kaibigan.

"Not in this crowded place." Sabi nalang niya.

"Oo nga naman Lena gurl. Pagkakaguluhan lang siya ng mga fans niya. Aside from that, ayaw mo nun, we are the only persons that see his face." Nagkuwaring kinikilig na sabi ni Coleen na sadyang nilakasan ang boses para madinig ng iba pang estudyante. At syempre, hindi man lahat eh maraming makarinig dahil na din sa lakas ng boses niya kaya naman ang sma ng tingin sa kanya ng hakos lahat ng kababaihan sa loob ng Cafeteria.

'His?' Nagtaka bigla si Lena. Itatama niya sana ang sinabi ni Coleen ng hinulungan siya ni Minami.

"Just let her. Baka maging haters ang fans ni Shin kapag nalaman nilang babae siya. They are so dami kaya." Natatawa niyang bulong. Saglit na natigilan si Lena at nang mapagtanto niya ang siansabi ni Minami ay kaagad siyang napahagikhik.

'Grabe talaga 'tong mga 'to. Ako na naman ang pinagdiskitahan.' Sa isip ni Shin na pinagsisisihang hindi siya sumama kay Mira sa banyo.

Patuloy lang ang kulitan nila habang nakaub-ob si Shin sa lamesa. Nagugutom na naman ito kaya tinatamad magsalita. Ipinagpasalamat nalang niya na dumating na si Mira na nagbawas pa ata kaya siya na ngayon ang kinukulit ng tatlo.

Maya-maya ay bumalik na ang mga lalaki na maraming dalang pagkain.

"Yow, little sis. Bakit nagmumukmok ka na naman jan?" Tanong ni Tristan ngunit hindi siya pinansin ni Shin. Sa halip ay kinuha nito ang dala-dala niyang tray at nagsimula nang kumain.

"Ay, bakit ang sungit mo na naman? Red alert ka ba ngayon?" Pagbibiro ni Tristan kaya inirapan siya ni Shin.

"Ofcourse not. Ang tagal-tagal n'yo naman kasi kumuha ng pagkain."

Nagpatuloy lang ang pagkukwentuhan nila habang tahimik na kumakain si Shin. Wala siyang pakialam sa panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase hanggang sa may maramdaman siyang malamig na dumadaloy sa may likod niya.

"Oww~~" sigaw ng maraming estudyanteng nakakita nang pagbuhos ng isang lalaki ng tubig kay Shin.

"Oppss... sorry dude. It slipped in my hand." Paghingi ng paumanhin ng lalaki kay Shin pero halata namang peke ang paghingi nito ng tawad dahil sa nakangisi ito at hawak pa ang basong pinaglagyan ng tubig.

"Hoy kutong lupa! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kapatid ko ha?!" Naiinis na tanong ni Tristan sa lalaki. Kinapitan siya ni Oliver sa braso upang pigilan itong tumayo.

"Nothin' dude. I said it was just an accident." Pabala-balang sabi ng lalaki. Sa inis ni Tristan ay inalis nito ang kamay ni Oliver na nakakapit sa kanya. Tumayo siya at kinuwelyuhan ang lalaki.

"G*nagag* mo ba ako ha?! Anong wala? Gusto mong ingudngod ko 'yang pagmumukha mo sa sahig para mawalan ka na ng mukha?!" Galit na sabi ni Tristan. Lalo siyang nainis nang nginisian lang siya ng lalaki.

Akmang susuntukin na sana ni Tristan ang lalaki nang hinawakan ni Eros ang kamay niya. Napatingin si Tristan kay Eros.

"President, pakiusap pagbigyan mo kong makasuntok kahit isang beses itong g*gong 'to." Pakiusap ni Eros.

Napailing si Eros. "Ikaw lang ang mapapahamak kapag hinayaan kita. Alam mo namang labag sa patakaran ang makipag-away. Gusto mo bang mapapunta sa office ni head mistress, huh?" Tanong ni Eros.

Hindi naman nakuntento si Tristan sa sagot ni Eros kaya galit siyang tumingin sa lalaki. Sasagutin na sana niya si Eros nang mapansin niya ang tingin na ibinibigay sa kanya ni Eros. 'Please lang palampasin mo na muna to.' kaya medyo kumalma siya

Biglang sumingit ang lalaki. "As expected. Mga duwag talaga kayo, hindi marunong lumaban. Ano ba naman ang aasahan sa inyo? Puro naman kayo basura sa section n'yo. Isa pa 'tong baklang 'to. 'Di ko alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa'yo eh para ka namang babae. Bansot na nga, bakla pa. Hinahayaan mo lang na sila ang humarap sa akin. Hahaha! Mga basu---." Naputol ang litanya niya ng bigla siyang sinuntok ni Eros. Napanganga at napasinghap ang karamihan sa mga estudyante. Nakakabigla kasi na ang dean's listener na kilalang hindi palaaway ay biglang nanuntok.

Hindi naman nabigla ang mga kaklase niya dahil kilala na nila si Eros. Kahit na ang imahe nito ay good student, perfect son at iba pang titulo na nagsasabing mabuti siya, alam nila na ang presidente nila ang kadalasang nagpapasimula ng mga unexpected na gulo.

"Opps~~ my fist slip in the air. It had been searching for a punching bag but found a noisy dog. Sorryyy~~." Sabi ni Eros na ginagaya pa ang tono ng ilang maaarteng kababaihan.

"Tss. 'Wag daw dahil ipapatawag ni head mitress. Gusto niya lang siya ang sumuntok eh, pinigilan pa ako." Malakas na bulong ni Tristan upang paringgan si Eros na ngayon ay nakangisi sa lalaki.

"Tss, mga pasaway talaga kayo. Bahala nga kayo jan. Magbibihis muna ako." Paalam ni Shin sa kanila saka umalis.

~~~

Nakita ni Vivianne na umalis si Shin kaya dali-dali siyang tumayo upang sundan ito.

"Girls, I'll go na. See you both later." Paalam niya sa mga kaibigan at saka dali-daling sinundan si Shin.

Nakita niyang naglalakad si Shin sa pasilyo patungo sa locker room kaya tahimik at palihim niya itong sinundan.

'Huh? Sa locker room 'to ng mga babae ah. Bakit dito siya papunta?' Nagtataka man ay tumuloy na siya.

Walang ibang tao sa locker room dahil oras na ng tanghalian. Nagtago siya sa gilid ng mga locker upang hindi siya mapansin nito. Nakita niyang may binuksang locker si Shin. Hindi na niya pinansin kung kanino iyon. Dali-dali niyang kinuha ang sulat na gawa niya at excited na ibigay kay Shin. Ang laki ng kanyang pagkangiti ngunit bigla itong humarap sa pwesto ni Shin.

Nakita niyang wala na itong suot na cloak at maging ang cardigan na uniform nila. Kahit nakatagilid ito at natatakpan ng pinto ng locker ang ulo nito ay kita ang kanyang katawan. Kapansin-pansin ang hubog ng kanyang katawan dahil sa basang puting white longsleeve blouse nito. Dahil sa maikli lang ang kanilang palda ay kita ang makikinis at mapuputing mga binti nito. Unti-unti ay tinanggal niyo ang butones ng kanyang blouse at nagpalit ng panibago.

Nang matapos na niyang isuot ang blouse ay isinara na niya ang locker at saka ito ibinutones. Kahit na malayo ay kitang-kita ang kanyang perpektong hugis ng mukha, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, at mapupulang labi at mga pisngi. Lalong lumabas ang kanyang ganda dahil sa matingkad na mahabang asul na buhok. Kahit na walang ekspresyon ang kanyang mukha ay masasabing perpekto ito.

Nanghihina siyang napatakip ng bibig at nagtagong muli. Nanghihina siyang napaupo sa sahig. Napagtanto niya na kaya pala may kaliitan ito sa mga kalalakihan, maputi at makinis ang balat, at malambot gumalaw ay dahil sa babae talaga ito.

"Hindi pala bakla. Babae pala talaga." Nasabi niya sa sarili.

Nakakapanghinayang dahil babae pa ang kayang natipuhan. Unti-unti na tuloy siyang naniniwala na walang lalaking husband material dahil ang mga quality na hinahanap niya ay sa babae niya nakita. Ang mas masakit pa, di hamak na mas lamang ito sa kanya ng ilang paligo.

Hindi niya alam ay nadinig siyang magsalita ni Shin. "Sinong nanjan?" Tanong niya.

Agad siyang naalarma. Dali-dali siyang tumayo at saka tumakbo. Dahil sa pagkataranta ay hindi niya namalayang naiwan pala niya ang sulat na dapat sanay ibibigay niya kay Shin.

Kaagad namang isinuot ni Shin ang kanyang cloak at nagpunta sa pwesto kung saan niya nadinig ang boses ngunit wala na si Vivianne duon. Ang tangi niya lang nakita ay ang sulat na nakasobre pa.

~~~

Hinihingal na napaupo si Vivianne sa sahig nang makalayo na siya kay Shin. Pinipilit niyang ayusin ang kanyang paghinga. Nang bumalik na sa normal ang pagtaas-baba ng dibdib ay inilibot niya ang kanyang mga mata at napansing bumalik siya sa kanilang silid-aralan.

Bigla niyang naalala ang spell book na kanyang nabasa. Alam niyang kahibangan ang kanyang naiisip gawin ngunit despirado na siya na makuha ang kanyang gusto.

Dahan-dahan ay tumayo siya at lumapit sa cabinet kung saan niya inilagay ang librong kanyang nakita kanina. Kinuha niya ito at naghanap ng pahina kung saan nakasulat ang 'love spell'. Hindi naman siya nabigo sa paghahanap dahil kaagad niya itong nakita. Kahit na medyo kinikilabutan pa siya ay isinara niya ang libro at inilagay sa pagitan ng kanyang mga bisig.

"Kung hindi ko makukuha sa normal na paraan, idadaan ko sa mahika ng kapusukan." Sabi niya sa sarili at naghanap ng lugar na pwedeng isagawa ang pagka-cast na siya lang ang nakakaalam.

Shin's P.O.V

*yawn*

Anong oras na ba? Bakit parang ang tagal naman magbell?

Tick. Tock. Tick. Tock

*sigh* boriiiiiing~~~

"Huy, baby Shin. Nadidinig mo ba ang sinasabi ko, ha?" Tanong sa akin ni kuya Tristan. Bored ako tumingin sa kanya. Dahil sa tinatamad ako eh tumango na lang ako.

"Hmp. Kung nakikinig ka nga, anong sabi ko?" Paghahamon niya sa akin.

"Nagpaplano kayo mamaya." Sagot ko.

Tumango siya. "Anong plano namin?"

"Isang kahindik-hindik na plano na ikakagalit ni head mistress." Sagot ko ulit.

"Ano nga 'yun?" Tanong ulit niya.

"Mamamakla kayo mamaya nila Eros." Sagot ko ulit. Biglang nanlaki ang mata nilang lahat habang ang mga babae ay nagsitawanan.

"Nooooo!"
"Never!"
"'Wag na lang, uy!"

Napuno ng protesta ng kalalakihan ang silid at tawanan naman ng mga kababaihan. Tss. Ang iingay talaga nila.

"Ano ka ba naman baby Shin! Akala ko tama na 'yung sagot mo eh!" Nanlalaki pa din ang mata ni kuya Tristan. Tss. Mukhang tarsier.

"Bwahahaha! That was so epic, Shin! Ibinuko mo ang plano nila. Pffft----hahahhaha!" Tawa ni Lena na kita na ang ngala-ngala.

"You're all so ewww boys. May hidden agenda pala 'yang plan kuno ninyo." Kunwaring nandidiring sabi ni Coleen pero natatawa din naman.

Nasapo ni Eros ang ulo niya. "Hay. Wala ka na talagang pag-asa Shin. Tatakas dito ang plano, hindi mamamakla." Naiiritang sabi niya.

Nagtataka ba kayo kung bakit kami, or rather sila, ng pagtakas? Dahil lang naman sa scene na ginawa kanina nitong sila president Eros, eto kami ngayon, pimabisita sa detention room sa loob ng anim na oras. Yes, six f*cking hours! Hindi ko nga alam kung bakit kaming lahat sa section namin ang nadetention eh sila lang naman 'yung gumawa ng scene. Buti na lang inihiwalay nila ng room 'yung mga sumugod sa amin kanina. May rumesbak pa daw pagkaalis ko eh. Kung hindi, sisiguraduhin ko talaga na bukas, wala silang mukhang magagamit.

"Anong oras na ba?" Pag-iiba ko ng usapan habang nakadukmo pa din sa desk.

"Don'y worry baby Shin, may isang oras ka pa para makasama ang gwapo mong kuya." Sabi sa akin ni kuya Tristan kaya napairap ako.

"Kung ikaw lang naman ang makakasama ko, 'wag na lang." Nakaismid kong sabi sa kanya pero alam naman nilang nagbibiro lang ako. Ngumuso si kuya na tinawanan nila.

"Soooooo, ano na. Tuloy ba ang plano?" Taas-babang kilay na tanong ni Lucifer na nakangisi pa. Sus, basta talaga kalokohan, in na in 'tong mokong na 'to. Kanya-kanya naman sila ng sagot ng pagsang-ayon maliban sa akin kaya tumingin silang lahat sa pwesto ko.

Napabuntong hininga ako. "Ano pa nga ba ang magagawa ko." Sagot ko at saka ngumisi.

Sorry na lang sa nagbabantay samin pero walang makakapigil saming tumakas dito.

~~~

"Finally, we're free!"

Hay, ang o-o.a naman nila. May paiyak-iyak pang nalalaman at nagyayakapan na parang kulungan tumakas at saka lang nakalaya after 50 years.

Sa bagay, kahit naman maganda 'yung detention room eh nakakabored naman. Sana hindi mapansin nila head mistress na ginalaw namin 'yung aircon. Yup! Doon kami dumaan. Malaki naman 'yung butas para sa aircon kaya kasya kami. Nahirapan nga lang kami dun sa bakal na nakaharang pero nagawan din namin ng paraan. At dahil may pagkaninja kami, natakasan namin 'yung guard at ibang nagbabantay ng building.

"Oh paano ba 'yan, kita-kita na lang tayo bukas. 'Wag kayong papahuli sa mga tauhan ni head mistress ha? Bye." Biglang sabi ni Lucifer at saka umalis na.

"We are going na din mga sis and brothers. I need my beuty sleep pa. Feeling ko, maaga akong maloloshang dahil sa detention. Kaya babush!" Paalam naman ni Santiel ay umalis na sila nila Coleen at Minami. Nagpaalam na din 'yung iba kaya kami na lang ni kuya ang natira.

"Ano little sis, saan tayo ngayon?" Tanong sa akin ni kuya kaya napaisip ako.

"Kain na muna tayo. Nagugutom na ko eh. Hindi ako nakakain kanina dahil dun sa nangyari kanina." Sabi ko sa kanya. Nakakainis talaga 'yung lalaki kanina. Akala ko babae lang ang insecure. Kahit pala lalaki nai-insecure sakin. Ang ganda ko talaga muhahahahaha!

"Sige." Pagsang-ayon niya habang tumatango pa.

Naglakad na kami papunta sa Cafeteria. Nagkukwento lang siya habang naglalakad kami samantalang nakikinig lang ako. Alam n'yo namang sobrang daldal ni kuya kaya sumasagot na lang ako kapag nagtatanong siya since hindi ko naman siya mapipigilang magsalita. Isa pa, nasasanay na ako na maingay ang mga kasama ko. Sa araw-araw ba namang puro madadaldal ang kasama ko, ewan ko nalang kung hindi ka masanay.

Buti nalang hindi pa ata alam ng nagbabantay sa amin kanina sa Detention room na tumakas kami kaya wala pang naghahanap sa amin kaya naman mapayapa kaming nakapunta sa Cafeteria. Well, mapayapa na ang sitwasyon ko na may nakakatakot at galit na tingin sa akin at tilian ng ilang kababaihan kesa naman lapitan nila ako. Minsan kasi, may mga babae na lumalapit sa akin para magpapicture, magpa-autograph, at kung ano-ano pa. Buti nga wala ngayon dito 'yung aking so-called "Prince-Shin's-fansclub". Grabe, naloloka ako sa kanila.

"Little Shin, ako bakukuha ng pagkain mo. Humanap ka na lang ng mauupuan natin ha?" Nadinig kong sabi ni kuya.

Aangal sana ako sa kanya na sasama ako kasi ayokong mag-isa kasama ang mga estudyanteng ginawa akong instant celebrity pero paglingon ko ay wala na siya. Hay, no choice ako kung hindi humanap ng upuan.

Luckily ay nahanap akong upuan sa may gilid malapit sa floor-length window. Ayoko ngang pumwesto sa may gitna. Kapag kasi dun ako pumwesto ay mas marami ang makakapansin sa akin at pagtitinginan na naman ako.

Hay, ang tagala naman ni kuya. Almost 10 minutes na akong naghihintay. Nagugutom na koooo~~~ *pout*. Dahil sa gutom na talaga ako ay umub-ob ako sa lamaesa. Maya-maya ay may naramdaman akong umupo sa tapat ko. May naamoy ako na masarap na pagkain kaya kaagad akong napatingin sa pag-aakalang si kuya 'yun.

"Hello prince Shin." Nakangiting bati sa akin ng babaeng umupo sa tapat ko. Urgh~~ wala akong lakas upang makipagkulitan ngayon lalo na sa makukulit kong 'fans' kaya naman bumalik ako sa pwesto ko kanina. Hindi ko nalang siya papansinin. Baka ma-misundertand ng iba. Mahirap na, baka lumapit din silang lahat.

"I'm Vivianne Dale Luestaive, 2nd level senior, section-A. Kung naaalala mo pa, ako 'yung sinave mo kay prince Red." Malambing niyang sabi. Pustahan tayo, nakangiti 'tong babaeng 'to habang nagsasalita.

Naintriga naman ako dun sa sinabi niyang niligtas ko daw siya kaya dahan-dahan kong inangat ng konti ang ulo ko upang pasimpleng tingnan siya. Hmm... sino nga ba 'to? Wala talaga akong maalala na niligtas ko siya.

"I guess hindi mo ako naaalala. That time, your helping sir Ed on our class practice which is crystal molding. Remember, nagalit si prince Red kaya sinaktan niya ko so you save me." Nakangiti pa din niyang sabi. Seriously, hindi ba nangangalay 'yung panga niya kakangiti? Pero dahil sa sinabi niya, parang naalala ko na.

Ah! Siya si ateng mabait na nagbigay sa akin ng cake!

"Hmmmm... mukhang wala ka pang tiwala sa akin, so,... gusto mo ba nitong food na dala ko? I ordered this for my friend sana kaya lang nang-indian siya. Don't worry, kakabili ko lang niyan so its clean." Sabi niya kaya tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam ku g anong intention niya kaya kahit gaano ako kagutom ay hindi ko maaaring kunin ang bigay niya.

"Sige na, kunin mo na. Wala namang kakain niyan kaya masasayang lang kung hindi mo kukunin. Isa pa, mukhang mahaba pa ang pila sa pag-order kaya mamaya pa dadating ang pagkain mo. Considered it as token of my friendship na din and for helping me." Napatingin ako kay kuya dahil sa sinabi niya. Nasa 10th line pa siya kaya for sure, 20 minutes pa ang hihintayin ko. Depende pa 'yun kung mabilis ang pagseserve sa kanila.

Tiningnan ko si Vivianne daw saka ang pagkain niya at si Vivianne ulit. Wala naman siyang balak na lasunin ako kaya tingin ko, safe naman ang pagkain na ibinibigay niya. Mukhang hindi din naman siya ang type ng babae na maglalagay ng love potion sa pagkain (for sure naman na wala dito 'nun dahil considered na illegal ang pagpasok ng ganong uri ng potion dito sa loob ng campus).

Bumuntong hininga ako. Well, masamang tumanggi sa grasya, baka lumayo (palusot).

"Sige na nga. Pasalamat ka, hindi ako nakakain kaninang tanghali." Sabi ko at saka kinuha ang ibinigay niyang pagkain.

Para namang sumama ang mood niya kasi nawala ang ngiti niya. Iisipin ko sana na dahil sa sinabi kong napilitan lang akong kunin ang bigay niyang pagkain kung hindi lang siya tumingin ng masama sa may kanan. Nang sinundan ko ang tingin niya ay nakita ko ang lalaking nakaaway nila kuya kanina.

"Just leave it. He is just insecure. At saka wala naman siyang magagawang masama sa akin maliban sa mga immature acts niya." Sabi ko sa kaya nawala dun sa lalaki ang tingin niya. Walang ikakabuting maganda sa kanya ang pagkapit ng nga grudge. Baka kung ano-ano pa ang magawa niya kapag inis ang pinairal niya. Since binigyan niya ako ng food, I'll repay her sa mga simpleng advice ko.

"By the way, stop calling me prince. Its irritating." Sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at saka tumango.

"I know, because that is so ironic." Nadinig kong bulong niya pero hindi ako sure kung 'yun talaga 'yung sinabi niya.

I will be shock kung 'yun talaga ang sinabi niya because that's taboo. I'm not shock kung alam niyang babae ako. It is the thought na kahit alam niyang babae ako eh may gusto (I think) pa din siya sa akin. Kahit na common na magka-crush ang babae sa kapwa babae (In not romantic way), sobrang creepy pa din 'nun. At saka kung sakaling alam na niya, dapat kalat na sa campus ang balitang 'yun na parang epidemya. Naaalala ko tuloy sa kanya si Joanne.

Tinanggal ko muna ang mask na nakatakip sa bibig ko at saka ako nagsimulang kumain. Binagalan ko talagang kumain dahil hinihintay ko si kuya. Kahit medyo nakakailang ang tingin ng ilang tao sa paligid at ni Vivianne ay hinayaan ko nalang.

"Ang daya mo naman Shin. Bakit may pagkain ka na?" Napalingon ako ng biglang dumating si kuya. Napatagal ata ang estimation ko dahil dumating siya after 10 minutes.

Napatingin siya kay Vivianne. "May kasama ka ata dito?" Tanong niya sa akin saka umupo sa tabi ko. Sanay kasi siya na kapag kaming dalawa lang ang kumakain ay sa tapat ko siya nakaupo, which is madalang dahil madalas kasama namin kumain ang whole section B.

Ngumiti sa kanya si Vivianne. "Hello, I'm Vivianne Dale Luestaive, pri--- Shin's new friend. I guess your his brother, James, right?" Sabi niya na ikinangiti ni kuya.

"Oha, sabi ko sa'yo Shin eh, magkamukha talaga tayo. Tamo, madali nilang nalaman na magkapatid tayo. Hahaha ang gwapo ka tal---- wait. Anong sabi mo?" Naputol ang pagyayabang niya ng parang may narealize siya.

"Uh, that your his brother, James?" Clueless na tanong naman ni Vivianne.

Biglang nagpout si kuya. "Naman eh. Bakit James? Tristan nalang ha, Tristan." Parang kung sinong matandang pangangaral ni kuya kay Vivianne samantalang si Yan (ang haba ng Vivianne Dale eh kaya Yan nalang. Oh di ba, unique) eh tumatango lang.

"Pfft..." pinipigilan kong matawa kasi ayaw na ayaw niya talaga sa pangalang James. Masyado daw kasing common ang James (as if namang walang katulad ang pangalang Tristan) at saka si Evil-step-witchy-bitchy-mother niya ang nag-isip ng second naman niya.

"At anong tinatawa-tawa mo jan ha?" Nakapout na tanong sa akin ni kuya na nakakunot pa ang noo. Hahaha, ang cute lang!

"Ang cute mo talaga~~" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Arayyy!" Ang tagal ko na ding hindi nakakakurot sa pisngi ng kahit na sino kaya siguro napalakas kaya napadaing ng malakas si kuya kaya naman nakatingin ang ilang taong malapit sa amin.

"Ang bad mo!" Sabi ni kuya habang hinihimas ang magkabila niyang pisngi na tinawanan ko lang.

"Sobrang close n'yo talaga 'no." Nadinig naming sabi ni Yan. Oppsss~~ nalimutan kong nandito nga pala siya.

Bigla akong inakbayan ni kuya, "Syempre, kami ang best simblings eh. 'Di ba, honey pie?" Nakangisi niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. Ayan na naman siya sa endearment na 'yan eh. Alam naman niyang nabibwisit ako sa mga ganyang katawagan.

"Syempre naman, James." Bulong ko sa kanya. Akala mo ha, may pang-inis din ako sa'yo.

"Oh, stop being sweet. They might think your gays." Singit ni Yan. Dahil sa sinabi niya ay napatingin kami sa paligid namin. May ilang lalaki na nakatingin ng masama, mga nakangisi at mga mukhang nandidiri. 'Yung mga babae naman eh mga mukhang naa-amaze pa ata, mga mukhang lalong nai-inlove (seriously, mga bisexual ata mga estudyante dito eh. G na g makakita ng bxb kahit hindi naman) at mga mukhang disappointed. Dahil sa nakakapangliit ang tingin nila, (well, di naman ako affected) eh umayos na kami ng upo.

"It's better kung mag-i-start na kayong magdinner. Foods are taste better while warm." Huwestyon ni Yan kaya kumain na kami.

Nagstart ng conversation si Yan na itinuloy namin habang kumakain. Inubos ko na muna 'yung bigay ni Yan na pagkain (except apple juice kasi ayaw ko 'nun) which are Lasagna, spaghetti, 3 slice of pizza and chocolate ice cream, bago ko kinain 'yung bigay ni kuya na clubhouse, sweet gelatin, chicken with rice and orange juice. Suprisingly, hindi naman pala siya masamang kausap. Akala ko katulad siya ng ibang babae na puro pacute ang alam na hindi nila alam eh nakakairita.

"Vivianne!" Napalingon ako sa tumawag kay Yan. There, may dalawang babae na kumakaway kay Yan na mukhang kinikilig.

"Shin and Tristan, I've to go na ha. It is nice meeting the two of you. Bye! Oh, by the way, Shin, umusin mo 'yang juice ha. Bye!" Hindi na niya hinintay ang sagot namin dahil umalis na kaagad siya na mukhanag nagmamadali.

"Anyare dun?" Tanong sa akin ni kuya kaya nagkibit-balikat na lang ako. Itinuloy na lang niya ang pagkain (dahil kanina pa ako tapos) at pagkukwento.

"*cough*cough* t-tubig!" Maya-maya, biglang nabulunan si kuya. Paano ba namang hindi mabubulunan eh punong-puno ang bibig tapos biglang tumawa sa sarili niyang joke.

Dahil ubos na ang kinuha niyang panulak, ibinigay ko sa kanyang ang apple juice na bigay ni Yan. Ito ang tinatawag na 2 hits in 1 stone. Bukod sa may panulak si kuya, hindi masasayang 'yung ibinigay ni Yan dahil itatapon ko lang 'yan. Kahit na gusto ko ng apple, hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko ng apple juice.

"Ano kuya, ayos ka na ba? 'Yang katakawan mo kasi eh, minsan sumusobra." Pang-aasar ko sa kanya.

Bigla siyang umismid at saka bumulong. "Nagsalita ang hindi matakaw."

"Anong sabi mo?" Tanong ko pero dinig ko naman ng maayos ang sabi niya. Gusto ko lang siyang pagtripan. Panigurado namang mag-mamaang-maangan siya eh.

"Wala. Sabi ko kako ang cute-cute mong kumain. Mukha kang hamster." Oh see.

"Sus, mga palusot mo. Bilisan mo na nang kumain jan. Gusto ko nang umuwi sa dorm room ko para matulog." Sabi ko sa kanya habang nag-uunat ng braso at binti habang nakaupo.

"Anong matulog ang pinagsasasabi mo jan. Titingnan mo lang naman kung nagluto si ate Amelia eh." Sabi ni kuya na nagsisimula na namang punuin ang kanyang bibig.

"Of course. Hindi pwedeng palagpasin ang mga ganon kasarap na luto." Sagot ko sa kanya.

"Ang takaw mo talaga kahit kelan." Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa matapos siyang kumain.

Nang matapos na siya ay nag-ayos na kami bago bumalik sa dorm. Same building lang kami, remember? Magkaiba nga lang ng wing. Dinala ko na din 'yung apple juice na bigay ni Yan. Halos dalawang litro ata itong ibinigay niya eh. Ibibigay ko na lang kay ate Amelia 'yung laman para masauli ko na kay Yan itong lalagyan. Sayang naman kung iiwan ko. Mukhang mamahalin eh.

Medyo mahaba ang daan papunta sa dorm. Hindi masyadong madilim ngayon dahil maliwanag ang buwan, idagdag pa ang mga streetlamps na nakalagay sa magkabi ng bawat daan. Isa pa, hindi masyadong nakakatakot dahil medyo maraming estudyante sa paligid since eto ang way papunta sa dorm. Malamang mga papunta pa lang o pabalik na sila sa Cafeteria. Idagdag mo pa ang madadaldal na kababaihan na nasa may likod namin. Pasalamat na lang ako dahil hindi ata nila alam na ako ang nasa unahan nila.

"Besties, alam na ba ninyo ang latest news?" Heto na naman sila. Kanina pa sila papalit-palit ng topic ng tsismis eh. Nakakatindi na ang pinag-uusapan nila.

"Ano sis?" Tanong naman ng mga kasama niya.

"I heard kanina sa isang personnel na may dinala kanina si prince Alex kanina sa Medical Department. Nakita daw siyang walang malay sa hallway ng building ni head mistress." Okay, that got my attention kaya medyo binagalan ko ang lakad kasi bumagal sila ng lakad.

Napansin ata ni kuya ang ginawa ko kaya inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko para tumahimik siya. Buti na lang nagets niya kaya bumagal din siya ng lakad at tumahimik. Patuloy kaming nakinig sa pag-uusap nila na hindi naman mahirap dahil malakas ang boses nila at hindi nila napapansin na may nakikinig sa kanila.

"Gosh, talaga girl? Naku, kawawa naman si prince Alex." -girl 2

"Oo nga bestie. Sana maayos lang siya." -girl 3

"Tama kayo jan, besties. Malaki nga 'yung sugat niya sa ulo. Tumama daw sa pader." -girl 1

"Ang sakit 'nun. Dalawin na lang natin siya bukas." -Girl 3

"No need na girls. Nakalabas na siya kanina. Ayos na naman daw siya sabi ng doctor. Kailangan lang daw niya ng daily check-up dahil wala siyang maalala 'nung time na 'yun. Buti na nga lang nadala kaagad siya sa Medical Department kung hindi, baka lumala ang lagay niya." -girl 1

"Buti naman. Ang bait naman ng tumulong sa kanya." -girl 2

"Oo nga eh. Sa pagkakatanda ko, Camille ata ang pangalan niya. Third level." -girl 1

Hindi ko na sila pinatapos. Hinila ko na kaagad si kuya papunta sa dorm. Tss. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Considered din naman akong kaibigan nila, di ba?

"'Uy, little sis. Anong problema." Nagtatakang tanong sa akin ni kuya. Alam kong naguhuluhan siya ngayon pero hinayaan niya lang akong kaladkarin siya.

"Pupunta tayo sa right wing ng dorm." Sabi ko sa kanya. Inosente siyang napatingin sa akin.

"Bakit, anong gagawin natin dun? Atsaka, bakit sa right wing? Dorm 'yun ng boys ah. Bawal ka dun little sis! Paano kung may makakita sa'yo dun ha? Naku, may kasalanan pa tayo kay head mistress tapos dadagdagan pa natin. Baka hindi lang detention ang abutin natin niyan. Baka ma-suspend na tayo niyan! Paano na lang kung may mga lalaking mamabastos sa'yo? Paano na lang kung may mabuksan kang pinto at makasaksi ng kahindik-hindik na tanawin. Paano na ako at ang kainosentehan mo----aray naman little sis! Tigilan mo na nga ang pananapok sa akin*pout*." Hindi siya matigil eh. 'Yan tuloy napapalaya niya.

"Tse! Anong pinagsasasabi mo diyan? Una, kapag nahuli tayo, warning pa lang ang makukuha ko dahil minor offense lang naman ang pagpunta sa right wing. Pangalawa, walang mangbabastos sa akin jan. Bukod sa nandiyan ka naman, ang alam nila, lalaki ako kaya no problem kahit estudyante ang makakita sa akin. At saka baka nga kuyugin pa nila ako kapag nakita nila ako eh. At pangatlo, anong sinasabi mong makasaksi ng kahindik-hindik na tanawin? Never. Over my dead body. Kaya nga nauso ang pagkatok, di ba?" Sabi ko.

Obviously, wala na siyang nagawa kung hindi ang samahan ako kaya ngayon, dahan-dahan kaming naglalakad paakyat sa 3rd floor ng right wing. Sa pagkakaalala ko, room B1 ang sinabi sa akin noon ni Alex.

Madali kaming nakapunta sa tapat ng pinto ng room na tingin ko ay kila Alex dahil sa wala namang pakalat-kalat na estudyante ngayon. Baka kumakain pa sa Cafeteria.

*knock*knock* katok ko da pinto.

"Saglit." Dinig kong sabi ng isang babae sa kabilang pinto. Satingin ko si Ella ito.

Maya-maya ay binuksan ni Ella ang pinto. Mukhang nagulat pa siya ng makita kami. Nang makabawi na ay ngumiti siya. "Oh, kayo pala Shin. Pasok kayo." Aya niya. Syempre pumasok na kami. Alangan namang tumunganga lang kami sa labas. Tinanggal ko kaagad ang hood ng cloak ko at ang mask na nakatakip sa akin.

Akala ko noong nagkukwento sila na pinakamagagandang room ang nasa third floor eh na-o-over description lang sila. Ngayon ko lang napatunayan na totoo pala 'yun.

Sobrang laki ng silid. May crystal chandelier na nakasabit sa taas. Mixture of black and white ang motif ng paligid. Black ang ceiling at carpet na sumasakop sa buong sahig habang puti naman ang mga dingding na may nakasabit na kulay itim na mga picture frames. Puti din ang couches at sofas na nasa gitna habang itim naman ang stand ng glass coffee table at iba pang furniture. May game console din na nakalagay malapit sa malaking flat screen t.v na sa tingin ko ay 32 inch sa kanan. Sa kaliwa naman ay may double glass door na may puting kurtina sa magkabilang gilid na patungo sa veranda.

Hindi masyadong madami ang mga kagamitan sa loob pero sobrang garbo at halatang high class ang mga furnitures. Sumisigaw ang buong kwarto ng 'masculine'. To think of it, living room palang ito. Paano pa kaya ang mga kwarto nila? Paniguradong dinaig pa nito ang mga kwarto sa isang high class na panuluyan.

"Shin!" Salubong sa akin ni El na bigla akong inatake ng yakap pagkakita pa lang niya sa akin.

"El, can't-- breathe." Nahihirapan kong sabi. Buti na lang pinakawalan ako ni El kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Opsss. Sorry. Naexcite lang ako. Ang tagal na kasi noong huli tayong magkita." Natatawang sabi niya.

"Ang o.a mo naman El. Three days lang naman nating siyang hindi nakita eh." Kumento ni Ella na ikinatawa ni kuya kaya napatingin sila sa kanya.

"Ohh, right. Hindi ko pa pala siya napapakilala sa inyo. El, Ella, this is kuya Tristan, classmate ko. Kuya, this is El and Ella." Pagpapakilala ko.

"Hello ladies. Tristan James Waltz. A.k.a Shin's brother. Please. Tristan ang itawag n'yo sa akin. No nicknames and definitely, not James. Ang baduy kaya 'nun." Umacting pa si kuya na parang nandidiri at kinikilabutan kaya natawa sila El.

Nagpakilala din sila El sa kanya. Ano pa bang aasahan? Syempre makasundo na kaagad silang tatlo. Kahit na may conflict ang mga section namin eh hindi naman naapektuhan 'nun ang relationship nila since transferee si kuya. At saka pare-pareho naman silang mga kalog kaya madali nilang napakisamahan ang isa't isa.

"Nga pala, nadinig namin ang nangyari kay Alex kaya kami nagpunta dito. Anong nangyari?" Tanong ko ng maalala ko ang ipinunta namin dito.

"Ah, 'yun ba. Hindi pa namin alam ang totoong nangyari pero ang sabi ni Alex eh may naapakan siyang madulas kaya tumama 'yung ulo niya sa pader. Medyo napalakas kaya nawalan siya ng malay." Kwento ni El.

"Hmm. Ganoon ba. Saan ba ang kwarto ni Alex?" Tanong ko sa kanya.

Ibinigay ko kay Ella ang dala kong juice para malagay na sa ibang lalagyan ang laman. Itinuro naman sa akin ni El ang direksyon. Grabe, hindi talaga matatawag na dorm ito. Mukha na itong condominium. Paano ba naman, mula sa living room ay may hagdan pataas. 'Yup, second floor ng third floor. Ang daya nga eh dahil nagmumukhang dalawang floor ang sakop nila eh si Alex at tukmol lang naman ang nandito sa kwartong 'to.

Sa third floor ay may limang pinto. Sabi ni El, tatlo ang kwarto para sa estudyante, isang game room, at isang mini library na tiyak namang hindi nila madalas gamitin. Hindi ko ma-imagine si tukmol na nagbubuklat ng libro, si Alex pa kaya.

*Knock*knock*

Kumatok ako sa pintong nasa pinakadulong kaliwa. Hinintay ko nalang na pagbuksan ako ni Alex o ni tukmol. Akala ko magugulat ang kung sinong magbubukas ng pinto pero ako din pala.

"Ate Amelia?" Gulat kong tanong sa kanya. Halata din sa mukha niya ang gulat.

"Shin?" Takang tanong niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Well, bibisitahin ko si Alex dahil nadinig ko ang nangyari sa kanya. Eh ikaw ate, anong ginagawa mo dito? Alam kong magkasundo kayo ng grupo nila El pero hindi ko inakala na sobrang close n'yo pala to the point na bibisitahin mo pa siya dito. Ikaw ate ha, hindi mo sinasabi sa akin na may balak ka na palang bigyan ako ng bayaw." Panunukso ko sa kanya na ikinapula niya. Hay nako, si ate, marunong na kumerengkeng.

"Ano bang sinasabi mo 'jan. Nandito ako kasi ako 'yung nagdala sa kanya sa Medical Department. Inaya lang nila ako dito. Hindi naman ako makatanggi dahil sobrang mapilit nila El." Pagpapaliwanag niya.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Eh akala ko ba ang nakakita daw kay Alex eh si--." Naputol ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang isang bagay. Hay, ang shunga ko talaga. Ang buo nga palang pangalan ni ate eh Amelia Camille Earl. Ano ba 'yan. Pati pangalan ni ate eh nakakalimutan ko na. Totoo nga ata ang sinasabi ni kuya na matanda na ako. Well, literal namang matanda na ako pero 'wag kayo, maganda pa din ang lola ninyong walang apo.

Bumalik na kaming dalawa ni ate sa living room since tulog na sa loob si Alex samantalang kumakain naman daw sa Cafeteria si tukmol. Nagkwentuhan lang kaming lima hanggang sa mag-alas otso. Nagpaiwan sila El at Ella upang magbantay kay Alex dahil wala pa si tukmol. Dahil sa 2nd floor lang naman si kuya, kaming dalawa na lang ni ate ang pumunta sa kwarto namin.

~~~

"Shin, sigurado ka bang ayaw mo nitong juice? Akala ko ba gusto mo ng apple? Sayang, masarap pa naman ang pagkakagawa nito." Tanong sa akin ni ate na nakasilip sa pinto ng aking kwarto dala-dala ang isang baso ng juice.

Nang ibinalik sa akin ni Ella ang lalagyan ng juice na ibinigay sa akin ni Yan eh may laman pa itong pang dalawang baso. Hay, ano ba 'yan. May sumpa ata 'yang juice na 'yan. Kung kani-kanino ko na nga ibinigay, pilit pa ding bumabalik sa akin.

"Sige na nga. Nang matahimik na itong juice na 'to." Sabi ko at saka lumapit kay ate at kinuha ang baso at saka ito ininom. Masarap naman ang lasa, may kasama pa itong matamis na pulot pero hindi ko talaga gusto ang apple juice pero dahil sa natutulilig na ako sa halos ilang oras na pagpilit sa aking inumin ito eh pinilit ko nalang ubusin. Nagtataka nga sa akin si kuya eh dahil kahit anong pagkain daw eh kinakain ko pero simpleng apple juice lang eh ayaw kong inumin.

"Good. Ngayon, matulog ka na. Sabado bukas, paniguradong marami kayong gagawin." Nakangiting sabi sa akin ni ate bago ako pinat sa ulo. Hinintay niya muna akong mahiga sa kama bago niya isinara ang pinto. Dahan-dahan ay nakatulog na ako.

~~~

Ang ganda ng paligid. Maaliwalas ang tanawin. Mula sa verandang kinatatayuan ko ay tanaw ko ang berdeng damo na sumasakop sa kalupaan, mga bulaklak na nagpapaganda sa paligid, mga mayayabong na puno na lumililim sa mga hayop na nagpapahinga mula sa init ng araw. Pero kahit na mataas ang sikat ng araw ay dama ko ang malamig at sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.

"Mahal." Napangiti ako nang maramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan ng taong yumayakap sa akin mula sa likuran. Pakiramdam ko ay walang makakapanakit sa akin dahil sa kanyang mga bisig na nagkukulong sa akin katawan.

"Bakit, mahal?" Tanong ko sa aking sinta. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang kamay na humihimas sa aking tiyan.

"Hmm... wala naman. Bigla kasi akong nangulila sa'yo at sa ating anak." Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi siya nabigong burdahan ng ngiti ang aking labi.

"Ang bilis mo namang mangulila, mahal. Isang minuto lang naman ang itinagal ko dito sa Veranda mula nang bumangon ako mula sa aking pagkakahiga." Humahagikgik kong sabi, ganoon din naman siya.

"Syempre naman. Ganoon kita kamahal. Kaya 'wag kang magkakamaling iwan ako dahil paniguradong dadalhin mo ang puso ko." Nakanguso niyang sabi.

Bigla niyang kinalas ang pagkakayakap sa akin at saka lumuhod sa akin harapan. Itinapat niya ang kaliwang tenga sa aking tiyan. "Anak, 'wag mo masyadong pinahihirapan si mama, ha? Lagi mo siyang protektahan. Tandaan mo, mahal na mahal na mahal kayo ni papa. Hindi 'yun magbabago, pangako."

Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinasabi niya. Sa sobrang tuwa ay wala na itong mapaglagyan.

Hinawaka ko ang magkabila niyang mukha at iniharap sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata tuwa na tiyak na sumasalamin sa akin. May matatamis ding ngiti na nakalagay sa kanyang labi. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang maamong mukha upang itatak ito sa aking ala-ala.

"Mahal na mahal ka rin namain, Micael." Sabi ko at saka siya binigyan ng isang matamis na halik sa labi.

~~~

Bigla akong nagising sa aking panaginip. Hawak-hawak ko pa ang aking dibdib na mukhang sasabog na sa lakas ng hampas ng puso ko. Nahihirapan din akong huminga.

A-ano 'yung panaginip kong 'yun? Bakit nandoon si sir Micael?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang sumakit ang katawan ko. Hindi ko mapigilang mapahiga sa kama at mamaluktot. Sobrang init ng katawan ko. Para akong sinusunog mula sa loob. Kinagat ko ang aking kamay upang mapigilan ang sigaw na gustong kumawala sa akin. Ayokong magising si ate, mag-aalala lang siya.

Ilang minuto akong nasa ganoong pusisyon. Mawawala ito sandali at bigla nalang babalik. Napapasabunot ako sa aking buhok dahil pumipintig ang ulo ko. Parang nabibiyak ito sa sobrang sakit.

Pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi nababawasan ang sakit pero nakakatulong ito upang makapag-isip ako ng mabuti. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nasa tabi ng kama. Malapit na maghating-gabi.

Sh*t. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi naman siguro ako aswang o werewolf na nagbabago sa kabilugan ng buwan, hindi ba?

Ipinikit ko ang aking mata. Mabilis pa din ang pagtaas-baba ng aking dibdib pero hindi tulad kanina ay hindi na masakit huminga.

"Ahhhhhhh!" Bigla akong napamulat ng may madinig akong sumigaw na lalaki. Bigla kong narealize na nagmula 'yun dito sa loob ng kwarto namin ni ate. Sh*t! Si ate!

Kahit na hirapan ay pinilit kong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ni ate. Nakakapagtaka na kahit nanlalabo ang paningin ko ay mas mabilis akong nakarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni ate.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok. Sinipa ko kaagad ang pinto upang makapasok.

"Ate!" Tawag ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Wala si ate sa kama pero alam ko na nandoon siya kanina dahil magulo pa ito. Kaagad akong tumakbo papunta sa banyo dahil nakabukas ng ilaw at pinto nito. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"S-shin?" Napasinghap ako at napatulala. Nakasuot ng puting bestidang pantulog na parang puputok na sa kanya ay isang lalaking kamukha-kamukha ni ate.

-----------------

Hello mga Knights! Long time no Update! Sorry talaga sa paghihintay. Susubukan kong maminimize ang oras ng pag-a-update.

So anyway, anong masasabi ninyo sa chapter na ito? Please leave a comment. Gusto kong malaman ang reaksyon ninyo hahahah.

Ps. Ang picture sa multimedia ang hint sa next chapter.

Until next time, Chiaki.♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...