Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 24

22.4K 370 19
By kisindraaaa

  "Hello?", sabi ulit nya. Naghintay pa sya ng ilang segundo pero hindi sumasagot. Tiningnan nya ang cellphone. Dire-diretso pa rin naman ang call time. Ibig sabihin, nandun pa ang caller. Ibinalik nya sa tenga ang cellphone. "Sorry... I just can't hear you. If you're looking for my boss-------"

 

 

"Actually, it's really you that I wanted to talk to, Joey...", nagulat naman sya... Hanu daw? E bakit sya?

 

 

"I'm... I'm sorry. But may I know who's on the line please?", imposible naman na babae na naman ni Lance ang kausap nya. E bakit sya kilala? Hindi naman din sya boses ni Liz.

 

 

"It doesn't matter. What's important is the things that I'm going to tell you. I am warning you, girl. Don't you ever go against my way or else I'll do things you can't imagine I'll be doing with you. I'm telling you, I mean it...", her voice sounds more serious this time. Mas nakakatakot at may halong pagbabanta. "Before you do anything, know the place where you should stand... You're just his secretary. I always got my eye on you... Remember that!", then she hung up. Napatitig na lang sya sa teleponong hawak nya.

 

Baliw lang teh? Sino ba yun? Parang kontrabida sa pelikula ang ere!

 

 

Ilalagay na sana nya ang cellphone sa bag ng may tumawag sa kanya... Paglingon nya, nakita nya si Lance na naglalakad palapit sa kanya.

 

 

"I told you to stay there! Kanina pa kita hinahanap...", sabi nito.

 

 

"May tumawag po kasi, sir... Masyadong maingay sa loob kaya dito ko sya kinausap..", ibinigay nya dito ang cellphone.

 

 

"Sino daw?"

 

 

"Hindi nya sinabi ang pangalan nya e.", kumunot ang noo nito.. "Pero wag na po kayo mag-alala... Walang kwenta naman yung mga sinabi nya..."

 

 

"What did the caller say?", napaisip sya bigla.. Sasabihin nya ba? E mukhang puro kalokohan lang naman ang sinabi nito. Parang stalker lang na obssessed sa tao...

 

 

"Aalis na po ba tayo? Medyo inaantok na kasi ako e...", pag-iiba nya ng usapan. She heard him sigh.

 

 

"Yeah.. Let's go...", he hold her in her elbow and walked out of the ballroom.

 

 

Nasa gitna pa lang ng kasiyahan ang party. Kaya busy ang lahat sa mga bagay bagay na ginagawa nila. Puro business lang naman ang usapan. Boring!

 

 

Nasa labas na ng venue si Joey at hinihintay si Lance. Pumunta kasi muna ito sa restroom.. Maya-maya ay may tumawag sa kanya. Napalingon sya at automatic na napangiti ng makita kung sino.

 

 

"Will..."

 

 

"Hey... Ahmmn.. Are you free tomorrow?", nag-isip sya... Linggo bukas. At pahinga nya yun.

 

 

"Yeah. Why?", kinikilig sya. Ang gwapo kasi e. Grabeness lang! Pero mas gwapo pa rin si Lance.. hehehe

 

 

"How about a tour around New York?", nanlaki ang mata nya. Totoo? Nakwento nya kasi dito kanina na first time nya sa New York...

 

 

"Really? Aren't you busy with your business?", tanong nya.

 

 

"Well, I'm my own boss. I can go wherever if I want to...", nakangiting sabi nito kaya napangiti din sya.

 

 

"Ok... That'd be fun!", excited na sabi ni Joey. Sa wakas, makakapag-ikot na rin sya sa New York.

 

 

"Great! So...", kinuha nito ang wallet sa bulsa. "Here's my calling card. Call me later. I'll tell you the other details. I just need to go now..."

 

"Sure... Thanks!"

 

 

"Yeah... See you!", hinawakan pa nito ang kamay nya bago umalis.

 

 

Er-me-ged! Pakiramdam nya namumula sya sa kilig... Haaaaaaaay!!! Nakakaloka...

 

 

***** 

Kanina pa syang nakatayo si Lance di kalayuan sa pwesto ni Joey. Pero mukhang hindi naman sya nito napansin. Nakita nyang kausap na naman nito ang lalaking nasa party kanina. At hindi lang pala nakita, narinig nya pa ang usapan ng dalawa. May binigay ang lalaki sa dalaga at hinawakan pa ang kamay ni Joey.

 

 

How dare he to touch her? Ito naman si Joey, kinilig pa!

 

 

Naglakad na sya palapit kay Joey. Kunwari hindi nya nakita at narinig ang usapan.

 

 

"Let's go..", sabi nya dito. Sabay na silang pumunta sa elevator...

 

 

Pasimple nyang tinitingnan ang dalaga habang nasa loob ng elevator paakyat sa suite nila... Nakangiti itong parang kinikiliti...Mukhang lutang ang presensya nya. Teka, inlove na ba sya sa lalaking yun? Pero mas gwapo pa nga sya dun a!

 

 

Now, I need to do something! *Light bulb*

 

 

"Get up early tomorrow, Joey. Be ready at 9am...", napalingon sa kanya ang dalaga.

 

 

"Sir? Sunday po bukas diba?", tanong nito.

 

 

"Yes... But I have an important schedule tomorrow.. Cannot be cancelled and I need you to be there...", napayuko si Joey. Hindi na lang sumagot...

 

 

"Why? You got a plan tomorrow?"

 

"Yes, sir...", saka tumingin ulit ito sa kanya at ngumiti. "Pero kung importante po yan, sige po... Ok lang.. Sasama ako bukas.."

 

The elevator opened and they went out from there.

 

 

"Just wear casual clothes tomorrow..", sabi nya saka tumalikod na at naglakad papunta sa kwarto nya. Napapasipol pa sya habang naglalakad...

 

 

Let the game begin, Joey!

 

***** 

 

Kakatapos lang ni Joey magbihis ng tumunog ang telepono sa suite nya. She's wearing a casual winter clothes... Tatlong patong na long-sleeve shirt ang suot nya. At nilagyan nya pa ng winter jacket with matching scarf.

 

 

Lumapit sya sa telepono at dinampot yun saka sinagot ang tumatawag.

 

 

"Hel---"

 

 

"What took you so long? Come in here... Bilisan mo..", then he hung up..

 

 

Aba talaga naman! Nakakaloko na ang taong to a! Araw ng pahinga nya ngayon. Tama ba naman na isama pa sya sa lakad nito. Pero kailangan nyang sumunod. Baka magalit ito sa kanya at iwan sya sa New York... Hindi pwede yun! Wala syang pamasahe pauwi no?

 

 

Kinuha nya ang shoulder bag saka lumabas na sa kwart nya. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking yun? Kakatok na sana sya ng maalala nya ang nangyari nung isang araw. Baka mamaya, nakatapis lang na naman yung towel! Hindi na nya talaga kakayanin...

 

 

Kumatok na sya at nagbukas naman kaagad yun. Akala nya kung ano na ang ipapagawa. Kakain lang pala ng almusal... Hmp! Pero at least, kilig to the max naman sya! Breakfast with Lance? hehehe... May mahihiling pa ba sya?

 

 

 

 

***

 

Hindi alam ni Joey kung ilang minuto na syang nakatulala. Pero hindi talaga sya makapaniwala e... Nakatingala sya sa pagkataas taas na Statue of Liberty. Ang prestihiyosong estatwa sa mundo... Totoo ba to? Nandito ba talaga sila?

 

 

Kanina, halos hindi nya kibuin ang amo. Masama pa rin kasi ang loob nya dahil hindi natuloy ang galaan galore nila ni Will. Gusto nya talagang mag-ikot sa downtown ng NY. Pero kanina, ipinagtaka nya ng hindi gamitin ni Lance ang sariling kotse. Bus lang daw ang sasakyan nila. Pareho pa silang naka-casual attire lang. Kumbaga sa Pilipinas, nakapambahay lang sila. Kaya imposibleng sa meeting ito pupunta.

 

 

Pero ngayon, nawala ang lahat ng inis nya ng makita ang lugar na pinuntahan nila...

 

 

"Hey! Tara na! Sayang ang oras...", hinila sya ni Lance. May nakita silang nagtitinda ng kung ano ano souveniers...

 

 

"Gusto mo?", tanong ni Lance sa kanya. Tumingin sya sa mga tinda. May mga bracelet, keychains, stuff toys. Pero ang nakatawag ng pansin nya, ang crown na katulad ng suot ni Libertas, the Roman Goddess na nasa mismong estatwa...

 

 

"Mas cute to...", sabi ni Joey. Kumuha sya ng isa at isinuot.. "Pero mas cute kapag pareho tayo.. hehe..", kumuha ulit sya ng isa pa at iniabot kay Lance..

 

 

"Ikaw na ang maglagay...", medyo yumuko ito para mailagay nya ang crown... Nagkatawanan sila sa hitsura nila...

 

 

Matapos magbayad ay pumasok sila sa loob... May entrance pala doon kung saan pwede silang umakyat hanggang sa crown ng Statue of Liberty. Tinanong sya ng binata kung takot sya sa heights... Umiling sya. Nagawa nya nga mag-sky dive e... Eto pa! Kaya umakyat sila hanggang sa tuktok. Wala naman syang tigil sa pagkuha ng picture habang paakyat sila...

 

 

Halos malula naman sya pagdating nila sa itaas. Grabe! Ilang feet nga ba yun? Nakalimutan na nya ang sinabi ni Lance. Basta nasa 300 feet yata ang taas nun... Kaya hindi rin sila nagtagal sa itaas at bumaba na rin. Mabuti na lang, nagawa nya pa magpapicture.. hehe

 

 

 

Pagkatapos doon ay pumunta pa sila sa kung saan saan museum. And last stop, ang Central Park. Doon na sila tumambay at naghintay na lumubog ang araw. Ang lamig ng panahon dahil na rin sa yelo na nasa paligid nila... Nakakatuwa lang tingnan ang mga taong enjoy sa pag-skating. Nagiging ice skating rink kasi ang lake doon kapag winter season. Free na, enjoy ka pa.

 

 

 

"Wanna try that?", tanong ni Lance sa kanya.

 

 

"No, sir... Hindi nga ako marunong nyan e.", pero tumayo ito at hinila sya sa braso... "Sir, sandali lang... Hindi ako marunong nyan.."

 

"I'll teach you...", lumapit sila sa isang counter kung saan may nagpaparent ng skating shoes. Para lang yun sa mga taong walang sariling sapatos. Karamihan kasi may kanya kanyang dala...

 

 

"Wear this...", iniabot nito sa kanya ang isang white skating shoes... Sakto ang size... Pero ang problema, hindi naman sya makatayo dahil takot syang matumba.

 

 

"Come here.. Hold my hand.", sabi ni Lance. Walang kahirap hirap itong nakabalance gamit ang skating shoes...

 

 

Humawak sya sa kamay nito at inakay sya papunta sa yelo...

 

 

"Now, just follow my movements.. Nice and slow...", sinunod naman nya ito. Kaso masyadong madulas ang yelo kaya halos matumba sya... "Just relax... Let's try it again..."

 

 

Tumayo sya at sinubukan ulit pero hindi talaga nya kayang magbalance. Napaupo din sya sa yelo...

 

 

"I got an idea...", sabi nito sa kanya...

 

 

"Ano yun, sir?", baka ihahagis na sya nito sa kung saan...

 

 

"Umupo ka lang dyan and hold my hand...", ginawa naman nya ang sinabi nito. And without a word, hinila sya nito habang patuloy sa pagdulas ang skating shoes nya sa yelo... Dahilan para pareho silang mawalan ng balanse at parehong bumagsak... Tawa sya ng tawa..

 

 

Nang mapagod ay umupo sila sa gilid na bahagi ng rink. Tumatawa pa rin sila habang hinuhubad ang skating shoes... What an experience!

 

 

"Sir... Thank you ha? Akala ko meeting ang pupuntahan nyo e...", sabi nya dito..

 

 

"It's sunday. And besides, nagpromise ako sayo diba? That I'll give you a tour around NY?", nag-isip nya... May pangako ba syang ganun?

 

 

Bahala na nga! Basta ang mahalaga, nag-enjoy sya!

Continue Reading

You'll Also Like

25.2K 254 2
Si Catherine, isang inosenteng babaeng walang kamuwang-muwang sa mundong pinasok nito. Ang akala niya sa paglipat nila ng tirahan ay magsisimula na s...
2.5M 34.3K 48
Jay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich m...
5K 86 5
I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection "Kung ako lang ang masusunod, ngayon na okay na ako? Ayaw na kitang makita...
3.1M 82.4K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...