The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

39: Queen Bee

4M 74.5K 51K
By blue_maiden

CANDICE

Para akong zombie na naligo. Super antok pa kasi ako, e. Kaso kapag na-late na naman ako ng gising, bubuhusan na naman ako ng tubig ng magaling kong kuya. Huhu, ang bad talaga niya. Mas lumala pa yata ang pang-aasar niya sa 'kin noong nagkabati kami.

Ala-una na kasi kami natapos mag-chikahan ni Ate Serina. Ang dami niyang pinakwento sa 'kin. Simula nang makilala ko sina Marky, Troy at Jeydon. Gusto na nga niyang makilala 'yong tatlo, e. Kinilig naman siya noong nakwento ko 'yong about sa first kiss ko tsaka kay Prince Charming. Tawa naman siya nang tawa noong nakwento ko sa kanya 'yong mga asaran namin ni Jeydon. Para daw kaming aso't pusa at siyempre siya 'yong pusa at ako 'yong aso. Ang dami talaga naming napagkwentuhan. 'Yon tuloy, puyat ako.

"Manang! Bilisan mo!"

Waaaah! Ang bilis talaga ni Kuya. Huhu. Rush masyado? Paglabas ko ng banyo, nagbihis agad ako. Kaunting ayos lang. Sinalubong ako ni Cholo at muntik na akong matumba.

"Rooo.."

"Hi, baby! Nagmamadali ako, e, later na lang tayo maglaro, ah."

Parang nalungkot tuloy siya. Kawawa naman 'yong cute kong aso, hindi na kami madalas nakakapaglaro.

"Huwag kang mag-alala, ipapasyal kita bukas sa park."

Pagdating ko sa kusina. Waaah! Ano 'to?

"Bakit corned beef 'yong breakfast? Huhu! Nasaan 'yong bacon, Yaya?"

"Nag-request kasi si Charles na mag-iba naman. Masarap naman 'yan, Candice, kumain ka na."

"Puro ka na lang bacon, anak, baka maging bacon ka na niyan! Tsaka galing pang States 'yang corned beef na 'yan, bigay ni Serina." Kumakain naman ako ng corned beef, e, pero wala akong gana. Tiningnan ko si Kuya, nginitian niya ako. Kakainis talaga siya! Alam naman niya 'yon, e. Pa-request-request pa siya. Argh!

Umupo na lang ako tsaka kumain. Ano pa nga bang magagawa ko? Huhu, papagalitan ako ni Mama kapag namili pa ako ng kakainin ko.

"Charles, pupunta ba mamaya rito si Serina? Magbe-bake ako ng brownies."

"Huwag n'yo nga akong tanungin. Wala kong pakialam do'n sa babaeng 'yon."

"Bitter?" sabay pa kami ni Mama. Haha! Natawa tuloy kami pati si Yaya. Ang bitter niya masyado. Wala raw pakialam, e patay na patay naman siya kay Ate Serina dati.

"Amp! Ano ba 'yan? Ang aga-aga! Makaalis na nga!"

"Hoy, Kuya, saglit lang! Hintayin mo naman ako!"

"Bahala ka riyan."

Waaah! Ayokong maglakad, baka ma-late ako. Makaalis na nga lang din. Sabagay, ayoko naman ng corned beef.

"Bye, Mama! Bye, Yaya!"

"Ingat kayo!"

Pagpasok ko pa lang sa kotse, ang sama na ng tingin sa 'kin ni Kuya Charles. Hala! Ano na naman ang ginawa ko sa kanya?

"Ano naman ang pinag-usapan n'yo kagabi noong Sirena na 'yon?"

"Hmm... kung anu-ano lang. Bakit?"

"May... ano... kasi..."

Ano raw 'yon? Sabi niya, wala siyang pakialam kay Ate Serina pero nagtatanong siya. Napaghalataang gusto niya pa rin talaga si Ate Serina. Haha! Nag-bitter-bitter-an lang siya kasi binasted siya ni Ate Serina noon.

"Wala pa siyang boyfriend." Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti ako. Iyon naman talaga ang gusto mong malaman, 'di ba, Kuya? Kunwari ka pa riyan, e! Haha.

"Hoy, hindi ko tinatanong! E, ano naman kung may boyfriend 'yong babaeng 'yon? Wala akong pakialam."

"Pero alam kong may nanliligaw sa kanya, e."

"Ha?! Sino?"

"Ang isda nga naman, nahuhuli sa sarili niyang bibig. Haha!"

Sinamaan na naman ako ng tingin. Ang sarap asarin ni Kuya lalo kapag si Ate Serina 'yong topic.

"Ewan ko sa 'yo."

Pinaandar niya nang mabilis 'yong kotse kahit hindi pa ako nakakapag-seat belt. Aba, gumaganti siya, ha? Ang sama talaga niya. Huhu! Kakainis, muntik na akong ma-untog do'n, ah. Okay lang, alam ko namang si Ate Serina lang ang katapat niya, e. Humanda ka sa 'kin mamaya, Kuya Charles, papapuntahin ko mamaya si Ate sa bahay. Wahaha!

Pagka-park pa lang ng sasakyan, bumaba na agad ako ng kotse. Itutulak na naman ako ng magaling kong kuya, e. Habit niya na 'yon, e.

Dumiretso agad ako sa room namin. Kaso lahat pala sila, nasa gym na. Ay, shete! P.E. pala ngayon. Nakalimutan ko 'yong P.E. uniform ko huhu, paano na 'yan? Noong nasa gym na ako, lahat sila, naglalaro na ng volleyball.

"Candice, magpalit ka na."

"Miss Farrah, nakalimutan ko po 'yong shirt at pants ko. Sorry po."

"Hmm, okay, sige. Mamaya naman, manonood lang din tayo ng cheering. Sige, umupo ka na lang do'n sa may bench."

Buti na lang talaga, mabait si Miss Farrah. Umupo na lang ako sa bench. As usual, ang sama ng tingin sa 'kin ng Powerpuff Girls. Laki ng problema nila sa 'kin. Ano bang pinaglalaban nila?

Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ko sa bench, may narinig na kong nagtatawanang mga babae. Tumingin ako sa likod at nakita ko sina Stacey. Ayoko namang makinig sa pinag-uusapan nila kaso narinig ko ang pangalan ko. Lumapit ako sa kanila pero siyempre, nakatago lang ako.

"Ang swerte mo nga, Stacey, e, fiancé mo si Jeydon. Ang hot-hot kaya niya, tsaka balita ko, super rich pa nila!" sabi si Amber, 'yong kaibigan ni Stacey. Bale, tatlo silang nag-uusap pero hindi nila kasama si Abby.

"Siyempre, super rich din naman kami, e. Isa pa, perfect match na kami ni Jeydon. Nagpapakipot lang 'yon sa 'kin. Haha!" 'Sus, parang hindi naman.

"Paano kapag bumalik ulit 'yong dati niyang fiancée? Balita ko, mas yumaman sila ngayon."

"Oh, dears... Matagal na siyang wala sa buhay ni Jeydon. Isa pa, kinamumuhian na siya ng baby ko. So why bother? Isa pa, ako na 'yong fiancée niya." Baby raw? Kailan pa niya naging baby si Jeydon?

Teka lang nga, may fiancée pang iba si Jeydon? Sino naman kaya 'yon? Tsaka bakit niya kinamumuhian? At bakit na-curious ako bigla?

"That's the spirit, girl. But lately, napapansin kong napapalapit na si Candice kay Jeydon pati kina Marky at Troy. Hindi ka ba nababahala? To think na may gusto si Candice kay Jeydon."

OMG! Ako nga ang pinag-uusapan nila. Yuck! Wala akong gusto ro'n sa Doraemon na 'yon 'no?

"Seriously? Ano bang panama niya sa 'kin? I'm prettier, hotter, and more famous than her. Hindi ako dapat ma-threaten sa Candice na 'yon."

E di, siya na. Siya na talaga.

"Pero si Marky nga, nagkagusto sa kanya. Imagine, si Abby na 'yong kalaban niya, ah. Posible ding maakit niya si Jeydon."

Waaah! Ako, aakitin 'yong abnormal na 'yon? No way. Mortal enemies lang kami, 'yon lang 'yon.

"Girls, si Abby kasi, hindi marunong dumiskarte. But don't you worry. Kapag humarang sa daan ko 'yang Candice na 'yan, aapakan ko siya nang buhay! Remember, I'm the school Queen Bee."

Nagtawanan silang tatlo. Nakakatakot pa 'yong tawa ni Stacey, parang witch lang. Huhu!

Bakit ako na naman ang napag-trip-an nila? Kasalanan ko bang magkaibigan na kami ni Troy? Na may gusto rin pala sa 'kin si Marky? Na lagi akong iniinis ni Jeydon? Hays. Ako na lang palagi.

Bumalik na lang ako sa upuan ko. Simula talaga ng napalapit ako sa Apat gumulo na ang buhay ko. Ang dami nang nakakapansin sa 'kin. Ultimo paglalakad ko, tinitingnan ako, e dati naman, wala silang pakialam sa 'kin. Tapos ang dami nang umaaway sa 'kin. Ang laki talaga ng nagbago sa buhay ko pati na rin sa sarili ko pero hindi naman ako nagsisisi, e. Naging masaya ako, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Na-miss ko lang siguro 'yong buhay ko dati.

"Hi, Candice!"

Dumaan sa harap ko 'yong buong Section Eleven, tapos kinawayan nila ako. Nginitian ko na lang sila. Pagtingin ko sa classmates ko sa Section One, ang sasama ng tingin sa 'kin pati ng ibang sections. Dapat masanay na ako na kahit wala akong ginagawa, may nagagalit sa 'kin. Huhu, fair ba 'yon? Alam kong mabait naman ako.

"Hay naku, ang landi talaga. Lahat na lang yata," sabi ni Bubbles.

"Nagtaka ka pa. Pati sa Section Eleven, nagpapa-cute siya," sabi naman ni Blossom with matching irap pa sa 'kin.

Hindi naman ako nagpapa-cute, e!

Lahat ng Section One nando'n sa isang side. Ako lang pala ang mag-isa roon. 'Yong ibang sections kasi, nasa ibang bench. Nakita ako ng Section Eleven, napansin nilang wala akong kasama kaya tinawag nila ako. Tumanggi na lang ako, baka mamaya, kainin na ako nang buhay ng mga babae roon. Sabihin, lumalandi na naman ako.

Nag-ready na 'yong cheering squad namin. Kasama ro'n sina Stacey at Abby.

"Huy!"

"Ay, siomai!" Parang aatakihin yata ako sa puso. Pambihirang Troy.

"Bakit mag-isa ka rito, Candice?"

"Uhm, wala lang."

"Nag-e-emo ka, Betty?"

Naku, dumating pa 'yong pusang robot na 'yon.

"Bakit, binusted ka na agad ni Marky? Haha!"

Aga-aga, inaasar na naman ako. "Anong pinagsasabi mo, ha? Umalis ka na nga lang dito. Epal ka na naman, e." Sasapakin ko na 'yong abnormal na 'yon, e.

"Ano ba 'yan, aga-aga World War II na naman kayo? Nood muna tayo ng cheering, pwede?"

"Tse!" sabay pa namin siyang sinigawan ni Jeydon. Buti na lang, nasa gitna namin siya ni Doraemon. Kaso kawawa naman siya, lagi na lang siya 'yong nasisigawan namin. Haha! Sorry, Troy.

Nakapwesto na lahat sa gitna. Ang gaganda ng mga member ng cheering squad namin. Ang kikinis ng legs nila. Waaah! Kasama pala sa kanila si Tiffany? Ang sexy niya. Nilingon ko agad si Troy, nakatingin din siya kay Tiffany. Sabi na, e!

"Baka matunaw, ha?"

Napalingon naman siya sa 'kin.

"Bakit mo tinitingnan si Tiffany?"

"Bakit nakikialam ka, ha?" sabi bigla ni Jeydon.

"Wow, ikaw na pala si Troy ngayon, ha?" Ang epal talaga niya kahit kailan.

"Bakit ikaw ba ang kausap ko? Epal ka rin, e." Siya kaya 'yon! Amp.

"Nakakatawa naman kayong dalawa."

"Huwag ka ngang tumawa! Bakit mo tinitingnan si Tiffany? Siguro iniisip mo 'yong nag-kiss kayo, 'no?"

"Nag-kiss? Hindi, ah! Pinalabas ko lang 'yon kasi alam kong sinusundam n'yo kami ni Jaydee." Waaaah! Alam din pala niyang kasama ko no'n si Jeydon? Shete! Sana hindi nila nakitang naka-couple shirt kami no'n.

"Ang bad mo talaga!" Pinalo ko siya sa braso niya pero ako lang din ang nasaktan, e. Huhu!

"Ang ingay mong babae ka! Magsisimula na, o!" Tss. Hindi naman malakas ang boses ko, ah.

Nakaposisyon na sina Stacey. Nagsimula nang mag-play 'yong music. Ang galing nilang sumayaw. Napatingin sa 'min si Tiffany. Nginitian niya kami tapos parang namula pa siya noong tumingin siya kay Troy. Napatingin din tuloy sa 'min si Stacey. Nakangiti siya kina Jeydon. Kaso noong sa 'kin na siya tumingin, parang tutunawin niya ako sa tingin niya. Grabe pala siyang tumingin, kaya pala naturingan siyang Queen Bee ng school. Ewan ko ba kung bakit naging kapatid niya si Tiffany, e. Ang layu-layo naman ng ugali nilang dalawa.

"Ang sama ng tingin sa 'yo ni Stacey, ah."

"Malamang! Akala kasi niya, may gusto ako kay Jeydon kaya galit sa 'kin. Hays."

Nag-form sila ng pyramid tapos ihahagis nila si Stacey. Lahat kami, nakatutok sa kanya.

"Ingat ka lang, Candice, ah. Baka mamaya, pag-trip-an ka ng grupo nila."

Nagsigawan 'yong mga tao noong naihagis na nila si Stacey. Ang ingay sa gym.

"Subukan ka lang nilang galawin."

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Troy?" Ang ingay kasi talaga, hindi ko narinig nang maayos ang sinabi niya.

"Sabi ko ingat ka sa kanila!"

"Hindi 'yon! 'Yong pagkatapos mong sabihin 'yan."

"Wala na akong sinabi pagkatapos no'n, hinihintay ko ang sagot mo, e."

"Talaga? May narinig talaga ako, e."

"Baka guni-guni mo lang 'yon. Pero huwag kang mag-alala nandito lang naman kami para sa 'yo! Resbak mo kami!" Ang weird naman, sino kaya 'yon?

"Sabi mo 'yan, ah!"

Pagkatapos noong cheering, pinabalik na kami sa room namin. Malapit na kasi 'yong National Cheering Competition. Gusto ko sanang lapitan si Tiffany kaso kasama niya sina Stacey, e. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, pati si Abby.

Noong nasa room na ako wala na namang tigil sina Blossom na magparinig sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin. Bahala kayo, kayo lang din ang mapapagod.

Noong pang-apat na subject na, nagulat ako dahil nilapitan ako ni Margot.

"Candice, may naisip ka na bang talent sa Miss Campus? Next week na 'yon, ah."

"Wala pa nga, e. Ikaw ba?"

"Napagbotohan namin ng Section One na sumayaw na lang daw ako tapos backup ko sina Blossom."

Ang taray naman. Huhu, kumusta naman kaya 'yong sa 'kin? Ano kaya ang gagawin ko?

"Ah, buti ka pa, meron na. Ako, wala pa, e."

"E di, pag-isipan n'yo mamaya ng Section Eleven. Magtanong ka kay Ginno, creative 'yong mag-isip."

"Teka, kilala mo si Ginno?" Si Margot, may kilala sa last section? Kapatid niya kaya? Hindi naman sila magkamukha.

"Ah, kasi..." Nakayuko lang siya. "Boyfriend ko siya, e."

Talaga? Hindi ko naisip 'yon, ah. "Haha! Talaga? Alam mo, bagay kayo. Ang cute nga, e, bad boy tapos good girl."

"Kahit na bad boy siya, mahal ko siya. Tsaka alam mo, masaya rin palang magmahal ng mga katulad nila. Kahit kasi gaano sila kagago 'pag nagmahal naman sila, totoo."

Kita ko sa mga mata niyang masaya nga siya. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nagustuhan ni Ginno—maganda na, matalino pa.

"I'm happy for you."

"Thank you, Candice."

"Ako nga dapat ang magpasalamat sa 'yo kasi kinakausap mo ako. Bakit ang bait mo sa 'kin?"

"Matagal na kitang gustong kausapin kaso parang ayaw mo naman ng may kumakausap sa 'yo. Gusto ko sana, sabay tayong mag-aral tsaka magbasa ng mga libro ni Nicholas Sparks. Favorite author ko rin kasi siya, e." Gano'n ba talaga ko dati? Ang akala ko, walang gustong kumausap sa 'kin, e. Meron naman pala.

"Pasensya ka na, ah. Kung noong una pa lang, nalaman kong gusto mo akong kausapin, sana kinaibigan na kita."

"Okay lang. So ngayon, pwede na ba tayong maging magkaibigan?"

"Oo naman!"

"Gusto sana kitang samahang mag-lunch kaso inaya ako ni Ginno na kumain sa labas mamaya, e."

"Okay lang, 'no? Sige. Hehe."

Sakto, nag-ring 'yong bell.

"Kita na lang tayo mamaya, ah?"

"Sige! Bye."

"Teka, Candice, 'yong tungkol pala sa 'min ni Ginno... Uhm... sa 'tin na lang muna 'yon, ha?"

"Bakit?"

"May gusto kasi si Amber sa kanya, 'yong kaibigan ni Stacey. Kaya pinapalayo nila ako sa kanya. Ayoko na kasi ng gulo, e."

"Makakaasa ka."

Akalain mo 'yon, isang good girl tsaka isang bad boy? Ang cute naman no'n. Akala ko, ang gusto ng mga bad boy na 'yon ay mga bad girl din. Kaso may Queen Bee na umeepal sa kanila, parang kontrabida lang sa mga drama. Haha! joke.

Paano kaya kung magka-girlfriend si Jeydon na good girl? Ay, teka! Bakit siya ang naisip ko? Tsk. Siya kasi ang hari ng mga bad boy, e.

Hindi ko alam kung saan ako didiretso, sa canteen ba o sa Music Hall?

Nasagot naman 'yong tanong ko kasi pagkadaan ko sa Music Hall, may humatak sa 'kin papasok sa loob.

"Saan ka pupunta?"

Ang lapit ko sa kanya. Hawak pa niya 'yong kamay ko. Kinabahan ako bigla, medyo madilim sa loob tapos dalawa lang kami. Alam kong naka-air condition 'yong room pero parang nag-iinit 'yong pisngi ko.

"Sa ano... sa canteen sana."

"Dito ka na lang, samahan mo ako."

Sure, why not? Ikaw pa, malakas ka sa 'kin, e. "Si-sige.."

Umupo kami roon sa front seat. Inabutan niya ako ng burger.

"Kain ka muna, ayokong nagugutom ka, e."

Eee. Bakit ganyan ka, Marky? "Ikaw? kumain ka na ba?"

"Makita lang kita, busog na ako, e."

Ayoko na! Kailangan ko ng hangin. Huhu! Kung anu-ano ang pinagsasabi ng gwapong nilalang na 'yon.

"Bolero ka rin, e, 'no? Kumain ka na nga!"

"Sige na, kumain ka na. Hindi naman ako nagugutom, e."

Kinain ko na lang 'yong burger. Sakto, wala akong nakain kanina dahil sa corned beef na 'yon ni Kuya Charles. Kaso kada kagat ko yata, nakatingin sa 'kin si Marky. Hindi tuloy ako makakain nang maayos. Pagkatapos kong kumain, hinawakan ni Marky 'yong labi ko. Waaa! Ano na naman 'yan? Gusto yata niya akong atakihin sa puso, e.

"Ang clumsy mo namang kumain. Tingnan mo, may ketchup ka pa sa labi mo." Ah, 'yon naman pala 'yon.

After no'n nagkatitigan kaming dalawa. Napalunok na lang ako. Habang tumatagal kasi, lalong lumalapit sa 'kin si Marky. Hindi niya ako hahalikan, hindi. Huwag ilusyonada, inday!

"Pumikit ka..."

Parang one second na huminto 'yong pagtibok ng puso ko. Pikit daw ako? Hahalikan niya nga ako! Anong gagawin ko? Huhu.

Sa kaba ko, napapikit na lang din ako. Alam kong nag-kiss na kami dati, pero noong mga oras na 'yon kasi, alam ko na, e, kumpara noon na hindi ko alam.

Naramdaman ko na talagang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Lalo lang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

"Meow..."

Napadilat ako ro'n. Nakita ko na lang si Marky na nakangiti sa 'kin.

"Haha, ang dami talagang pusa rito."

"Ah, hehe, oo nga, e." May pusa pala talaga roon? Akala ko, wala. Palusot ko lang 'yon dati kapag nakakagawa ako ng ingay habang nanonood ako sa kanya. Meron pala talaga?

Alam kong namumula na ako, ayoko namang makita niya ako kaya tumayo agad ako. Sakto namang nag-ring 'yong phone ko.

Kuya Charles calling...

"Hoy, manang, nasaan ka?!" Ang lakas ng boses niya, nag-echo sa buong Music Hall. Akala mo, naka-loud speaker ako.

"Bakit ba?"

"Anong bakit? Pumunta ka rito sa tambayan namin. Dalian mo!" at binaba na agad niya ang tawag.

"Haha, tara? Baka magalit pa 'yon." See? Narinig ni Marky. Sumakit ang tenga ko ro'n, ah.

"Hehe, oo nga. Baliw talaga 'yon."

Lumabas na kami ng Music Hall. Lagi na lang napuputol 'yong moment namin do'n. Huhu! Ang malas naman.

Noong nasa corridor na kami, ang sama ng tingin sa 'kin no'ng mga babae. Paano ba kasing hindi? Kasabay kong maglakad papuntang canteen si Marky, e. Huhu! Hindi pala magandang may kasama kang heartthrob. Hanggang sa canteen, pinagbubulungan kami.

"Uy, bakit magkasama kayo?" Baliw 'yong si Troy tinanong pa, nakita naman niya. "Kayo, ah?"

"Anong pinagsasabi mo riyan, ha?" Tiningnan ko si Kuya Charles, nakatingin lang siya sa 'min.

"Sabay kaming nag-lunch, bakit?" Hala! Loko 'yong si Marky. Tiningnan ko ulit si Kuya pero wala naman siyang imik. Akala ko, magagalit na naman siya, e.

"Hala! Tanda, o! Si Marky!"

Binato ni Kuya si Troy ng bote. Buti na lang, nakailag siya.

"Laki ng problema mong ugok ka! Tsaka huwag mo sabi akong tatawaging Tanda, e!"

"E di, huwag! Lolo na lang? Haha."

Umupo kami ni Marky sa may sofa habang naghahabulan naman 'yong dalawa. Teka, nasaan nga pala 'yong pusang robot na Jeydon na 'yon?

"Hinahanap mo si Jeydon?"

"Ha? Hindi, ah! Bakit ko naman hahanapin 'yon? Buti nga 'yon, wala siya rito, e, para walang umeepal sa 'kin."

"Haha! Talaga lang, ha?"

"Bakit?"

"Wala lang... O, nandiyan na pala si Jeydon, e."

Ang sama ng tingin ni Jeydon kina Troy at Kuya Charles. Napahinto naman 'yong dalawa tapos umupo sila. Umupo rin 'yong abnormal na 'yon sa harap ko tapos kumain siya ng malaking footlong. May dragon talaga sa tiyan ng lalaking 'yon, e.

"Hoy, Jaydee, saan ka galing?"

"Wala, diyan lang sa tabi-tabi," tapos kumain na naman siya. Takaw talaga.

Nag-ring na 'yong bell. Math time na. Parang ang bilis ng oras.

Bumalik na kaming lima sa mga room namin. Classmate ko nga pala 'yong Jeydon na 'yon sa math. Tsk. Pagdating namin ni Jeydon sa room, napatingin sa 'ming lahat 'yong classmates namin. Noon lang kasi kami nagsabay ng abnormal na 'yon papasok sa math class.

Umupo na kami ni Jeydon sa upuan namin. Feeling ko, may tatlong pares ng mga matang nakatingin sa 'kin. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung kanino 'yong tatlong 'yon.

Pagdating ni Sir, nagpa-suprise long quiz siya. Shete! Hindi pa naman ako nakapag-review. Paano na kaya 'to? Kakahiya naman, first time ko 'yong hindi nakapag-review. Noong nilingon ko 'yong papel ni Jeydon, aba, ang dami niyang sagot. Nag-review ba siya? Na-tempt tuloy akong tumingin.

"Hoy, Betty! Huwag ka ngang mangopya!"

"Kapal mo hindi, ah!" Huhu, titingin lang naman, e. Wala akong maisagot, e. Bakit kaya? Lutang siguro ang isip ko noong tinuro 'yon.

Malapit nang matapos 'yong time. Isang number pa lang ang nasasagutan ko. Pambihira naman, o! Nag-hang yata ang utak ko.

"Galingan n'yo rito sa long quiz. Remember that quiz scores are twenty percent of your grade."

Gusto ko nang maiyak.

"Okay, pass your papers."

Wala na. Wala na 'yong twenty percent ko. Paano ang pagiging valedictorian ko? Major subject pa naman ang math. Huhu naiiyak na talaga ako.

May binigay sa 'kin si Jeydon. Ano 'to, papel niya? Bakit wala pang pangalan? Nagyayabang ba siya porket wala akong sagot? Huhu! Sama talaga.

"Sa 'yo na lang."

"Ha?"

"Sabi ko, sa 'yo na 'yang papel ko. Kawawa ka naman, e wala ka man lang kasagot-sagot."

"Paano ka?"

"Amp! Daming arte!" Kinuha niya 'yong papel tapos nilagay niya 'yong pangalan ko. Pagkapasa niya, lumabas na siya ng room dala 'yong bag niya.

"Okay class, you may go."

Bakit ginawa 'yon ni Jeydon? Hinabol ko siya. Ang abnormal talaga niya.

"Jeydon!"

"Bakit?" Nilingon niya ako pero parang nairita siya.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

"Trip ko lang."

"Trip? Abnormal ka talaga!"

"Wala naman akong pakialam sa grades ko, e. E ano, kung bumagsak ako."

"Kahit na! Hindi pa rin tama 'yon! Sa 'yo 'yon, e! Kasalanan ko naman kasi hindi ako nag-review."

"Sana nag-thank you ka na lang sa 'kin, 'di ba?"

"Kasi..." Oo nga, dapat mag-thank you na lang ako.

"Tss." Tumalikod siya sa 'kin. Hinawakan ko naman 'yong braso niya.

"Teka! Sige na. Thank you." Hindi ako sanay na nagpapasalamat sa kanya pero kung tutuusin, ang dami na niyang tulong sa 'kin. Kasi naman ang weird ng lalaking 'yon. Ngumiti lang siya tapos umalis. Bakit siya ngumiti?

Naiwan ako roong nakalutang 'yong utak. Buti na lang, may tumawag sa 'kin.

"Hoy, Candice!"

"Bakit?"

Ano na naman kaya ang ginawa ko? Bakit galit na galit na naman si Stacey? Nakita niya kayang magkausap kami ni Jeydon?

"Gusto lang kitang balaan, layuan mo si Jeydon. Naiintindihan mo?"

Akala ko ba, hindi siya nate-threaten sa 'kin? Tapos sasabihin niyang layuan ko si Jeydon. Abnormal din pala siya, e! Idol niya yata si Jeydon sa pagkaabnormal.

"Hindi naman ako 'yong lumalapit sa kanya! Nagkataon lang na—"

Hindi ko natapos 'yong sinasabi ko kasi sinampal niya ako. Ouch! Sakit no'n, ah. Huhu!

"I don't care kung siya 'yong lumalapit! Basta ayoko makitang nag-uusap kayo! Naintindihan mo?"

"Pero—"

"That's the Queen Bee's order. Better follow it." Umalis siya kasama 'yong mga alipores niya. Hindi naman ako lumalapit kay Jeydon, ah! Tsaka wala namang masama kung mag-usap kami! Hindi ko naman aagawin sa kanya 'yong fiancé niya, 'no? Tsk. Ang sakit tuloy ng pisngi ko. Namula siguro iyon. Hays.

Kung makikita pa rin ni Stacey na nag-uusap kami ni Jeydon, hindi niya ako lulubayan. E, kaya ko bang hindi kausapin 'yong abnormal na 'yon kapag inaasar niya ako? Ano bang gagawin ko? Gayahin ko na lang kaya si Margot?

Hindi ko na nga lang kakausapin si Jeydon para walang gulo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...
26.1K 478 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...