Si Onse at Si Uno (One Shot)

By iamjcquin

154K 3.8K 921

More

Si Onse at Si Uno (One Shot)

154K 3.8K 921
By iamjcquin

Si Onse at Si Uno

“Kathy balita ko babalik na dito sa Pilipinas si Marco ah,” sabi ng bestfriend kong si Emi.

"Sinong Marco? Ang dami kong kilalang Marco," sabi ko sa kanya habang nilalantakan ko na yung inorder kong fries. Nandito kasi kami sa McDoReMi at ang tagal ng sukli ko kaya nakatayo pa kami dito sa tapat ng counter.

"Si Marco, yung classmate natin nung elementary na patay na patay sa'yo. Yung binasted mo nung Grade 4 tayo," napaisip pa ko. Ang dami kasing nanligaw sa'kin kaso wala akong sinagot kasi naman kay bata-bata pa namin, ligaw agad!? Tsaka ipinangako ko sa inay na hindi ako magboboyfriend hanggat hindi pa ko naka-graduate ng college. Maaga kasing namatay ang tatay, ang nanay naman teacher sa public school at sobrang liit ng sweldo. Hindi naman ako matalino para makakuha ng scholarship. Sinubukan ko dati mag-apply kaso hindi pasado yung grado ko eh. 

Buti na lang may tiyahin si inay na sinuwerteng makapag-asawa ng amerikano at ngayon naninirahan na roon, pero hindi mabiyayaan ng anak lalo na't may edad na siya ng makapag-asawa. Nagkataon pa na  ninang ko yun sa binyag, kaya nag-offer na pag-aaralin ako. Kaya mula elementary hanggang ngayong college siya ang nagpapa-aral sa'kin. Pati mga gamit ko sa school at baon ko sa araw-araw siya ang may sagot. Buwan-buwan pinadadalhan niya kami ng pera. Kaya bilang sukli sa kabutihan niya, puro pag-aaral ang inatupag ko at ang pagboboyfriend huli sa listahan ng mga priorities ko.

"Ah si Marco! yung sipunin nating classmate kaya tinawag na Onse, MarcOnse pa nga tawag ng iba sa kanya diba?" natatawa kong sabi. Naalala ko kasi yung itsura nung classmate naming yun. Papayat-payat kasi siya na mukhang lampa, tapos sipunin. Madalas siyang lokohin ng mga kaklase kong bully. Palagi siyang may dalang panyo pero once na maiwan niya o maipatong sa ibabaw ng armchair niya, siguradong mawawala yung panyo. Kaya ang ending palagi siyang may dalawang guhit sa ilalim ng ilong niya.

Minsang nangyari yung nawalan siya ng panyo, singhot siya ng sighot ng dahil sa sipon. Naawa naman ako kaya binigay ko yung panyo ko sa kanya.

"Marco.."

"Marco.." nakailang-ulit ako ng tawag sa kanya pero 'di niya ko nililingon. Pero nung tawagin ko siyang Onse, saka lang niya ko tinignan. Siguro mas sanay na siyang tawaging Onse kesa Marco na tunay niyang pangalan.

"Bakit?" tanong niya sa'kin sabay singhot. Sa totoo lang gusto kong tumawa pero ang sama ko naman kung gagawin ko yun kaya kinagat ko yung loob ng pisngi ko para hindi matuloy yung pagtawa ko.

"O, panyo.. Sa'yo na lang yan. Mas kailangan mo yan," saka ko ipinatong yung panyo sa ibabaw ng upuan niya. Nag-aalangan pa siya kunin noon yung panyo ko kaya ipinagplitan ko pa sa kanya,  pero kinuha at ginamit rin niya.

Hindi kami close ni Marco, pero simula nang araw na ibinigay ko yung panyo ko sa kanya, napansin ko yung pagiging malapit niya sa'kin at yung madalas na pagkahuli ko sa kanya na nakatingin sa'kin.  Napansin ko rin na hindi na siya nawawalan ng panyo. Siguro may dala siyang reserba palagi.

Nagulat na lang ako isang araw naglakas loob siyang magtapat sa'kin. "Kat-kat, gusto kita," nahihiya niyang sabi. May hawak pa siyang bulaklak at chocolate noon. Recess namin nun, pero sa classroom kami kumakain ni Emi dahil araw-araw kaming nagbabaon. Yung mga classmate namin na nakasaksi sa pagtatapat niya imbes na kiligin nagsitawanan.

"Hoy MarcOnse! Lakas ng loob mong manligaw eh uhugin ka pa nga!" pang-aasar ng isang kaklase naming lalaki. Onse pa rin ang tawag sa kanya, kahit nabawasan na yung pagiging sipunin niya.

Hiyang-hiya ako nun, at inis na inis naman ako sa kanya. Naging tampulan rin kasi ako ng tukso ng dahil sa kanya.

Kahit sinusungitan ko siya pilit pa rin ang panunuyo niya sa'kin. "Hindi nga kita gusto Marco! Bakit ba ang kulit mo?! Tsaka hindi tayo bagay!" inis na sabi ko sa kanya.

"Gusto talaga kita Kat-kat, ikaw lang ang naging mabait sa'kin," mahina niyang sabi.

"Hindi ako mabait, naawa lang ako sa'yo," saka ko siya tinalikuran at naglakad palayo. Yun na rin yung huling kita ko sa kanya kasi umalis na siya kasama ng buong pamilya niya papuntang Amerika.

"O, bigla namang lumungkot yang mukha mo?" napansin ni Emi yung pagbago ng mood ko. Kanina lang tatawa-tawa pa ko ng maalala si Marco tapos biglang nalungkot ako ng maalala yung huling araw ng pagkikita naming dalawa. Sa totoo lang na-miss ko siya nung umalis siya. Noong nililigawan niya kasi ako araw-araw siyang may surpresa sa'kin. Bulaklak, chocolates, stuffed toys, cards, letter, sumulat pa siya ng tula para sa'kin at nag-record ng kanta na mismong siya ang sumulat ng lyrics. Medyo korni yung tula niya at sintunado yung pagkakakanta niya pero yung effort walang papantay. Daig pa niya yung mga naging manliligaw ko nung high school at college, samantalang ginawa niya lahat yun para sa'kin noong Grade 4 pa lang kami. Lahat nga ng ibinigay niya sa'kin nakatabi.

"Wala lang, may bigla lang akong naalala," sagot ko sa kanya. Nabigay na sa'kin yung sukli ko, kaya binitbit ko na yung tray at naghanap na kami ng mauupuan ni Emi. Kumain at nagkwentuhan kami ni Emi hanggang sa maubos na namin yung pagkain. Doon na rin kami naghiwalay ni Emi, magka-iba kasi yung way namin pauwi.

Pasakay na ko ng bus nang parang narinig kong may tumwag sa'kin ng Kat-kat. Kaso hindi ko na nilingon kasi baka biglang umandar na yung bus at maiwan pa ako. Aircon yung bus na nasakyan ko at sa medyo bandang dulo na ako nakaupo dahil yung sa bandang unahan okupado na lahat. Doon ako sa dalawahan napaupo sa may bandang bintana. Hindi pa agad umalis yung bus dahil naghantay pa ng pasahero. Mabilis naman ang pasok ng tao kaya napuno agad at may mga nakatayo na rin sa gitna. Mga nagsisakay kahit nakatayo, makauwi lang.

Alas-syete na ng gabi at medyo inaantok na ko dahil mula alas-otso kaninang umaga dirediretso yung klase ko. Napapasandal nga yung ulo ko sa bintana ng bus sa sobrang antok. Pero sa takot ko na mauntog isinandal ko na lang yung ulo ko sa upuan ko, kaso napapapaling naman yung ulo ko sa kaliwa, sa balikat ng katabi kong babae. Buti na lang nagigising ako bago ko pa tuluyang maipatong yung ulo ko sa kanya.

"Sorry po," sabi ko sa katabi ko. Ang sama kasi ng tingin niya sa'kin. Ang arte lang 'di naman kagandahan. Feeling naman niya sinasadya ko.

Sa antok ko hindi ko na namalayan na bumaba na pala yung babae at iba na yung katabi ko. Tuluyan na kong nilamon ng antok ko at hindi ko namalayan na nakapatong na yung ulo ko sa balikat ng bagong katabi ko. Wala naman siyang karekla-reklamo sa'kin. Ang himbing ng tulog ko hanggang sa magising ako sa sigaw nung kundoktor.

Bababa na pala ako!

Napa-angat ako ng ulo at napatingin sa lalaking katabi ko. Napatingin din ako sa balikat niya, may marka ng basa. Kitang-kita sa kulay blue na polo niya. Hala! Napahawak ako sa gilid ng labi ko, sh*t!! Nakakahiya!

Nilingon niya ko at sa hiya ko, hindi ko siya matignan.

"Sorry po, sorry po kuya! Ito po panyo ko pasensya na," narinig ko pa siyang mahinang tumawa pero kinuha rin niya yung panyo ko. Pagkakuha niya sa panyo dali-dali na kong bumaba.

Nakakahiya talaga! Feeling ko pa naman gwapo si kuya. Ang bango pa niya at ang katawan ang ganda. Hindi siya masyadong bulky pero may muscle.

"Eeeee!! Nakakahiya ka Kathy! Sa dami ng tutuluan mo ng laway yung gwapo pa! Sana yung maarteng chakkang babae na lang kanina! Arghh!" habang naglalakad ako pauwi sa'min gusto kong sabuntan yung sarili ko sa sobrang kahihiyan. Sana lang hindi natandaan ni kuya yung pagmumukha kong 'to.

Pagdating ko sa bahay si nanay tulog na. Pinuntahan ko lang siya sa kwarto para humalik at lumabas din ako agad. Papunta na sana ako ng kwarto nang may marinig ako nag-tatao po sa labas ng bahay namin.

Sino kaya yun? Wala naman akong ineexpect na bisita. Lalo naman si nanay, dahil tulog na siya. Sumilip muna ako sa bintana at nang makita ko yung lalaking nakatayo sa labas ng gate namin, hindi ko malaman kung aning gagawin. Ang una ko kasing napansin yung kulay blue niyang polo na may basa sa may balikat!

Bakit siya nandito? Magrereklamo ba siya dahil sa ginawa ko? Teka, paano niya nalaman na dito ang bahay ko?

Urong-sulong ako, hindi alam kung lalabas ba ko o hindi. Pero napagdesisyunan ko na lang na huwag lumabas pero nang magsalita siya ulit parang nagbago ang isip ko.

"Tao po! Kat-kat!"

Kat-kat? Tinawag niya akong Kat-kat? Kilala niya ko?!

Sumilip muna ulit ako sa bintana, at nakita niya ko.

"Kat-kat!" kumaway pa siya. "Ako 'to si Marco!"

Si Marco? Siya si Marco?

Dali-dali akong tumakbo papunta sa may pintuan namin, muntikan pa nga ako mapatid. Hindi ko alam pero parang na-excite ako ng malamang siya yun. Bigla ngang nawala yung hiya ko sa ginawa ko sa kanya kanina.

"Marco! ikaw talaga 'yan?!" nasa labas na rin ako ng gate at magkaharap kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na yung kaharap ko ngayon ay yung sipunin at patpatin kong classmate noon.

"Laway mo, baka tumulo ulit," pang-aasar niya sa'kin. Wala naman ako sa sariling napahawak sa labi ko. Nang marealize ko yung sinabi niya at ginawa ko. Hinampas ko siya sa braso.

"Loko ka! Antok na antok lang ako kanina!" nagkatawanan kaming pareho. "Teka, kelan ka pa bumalik? At bakit ka bumalik?" tanong ko sa kanya.

"Kanina lang ako dumating kasama sina Daddy at mga kapatid ko. Ikakasal na kasi si Ate at dito niya sa Pilipinas gusto gawin yung kasal."

"Ganun ba. Wala ka pa palang pahinga, bakit naman napunta ka pa dito sa'min? Huwag mong sabihin dahil sa ginawa ko diyan sa polo mo?" natatawang sabi ko. Pero siya seryoso.

"May naiwan kasi ko dito," hindi ko maiwasang mailang sa kanya. Kasi naman kung makatitig siya sa'kin grabe lang. Tapos yung mukha pa niya ang seryoso pa rin.

"Naiwan?"

"Naiwan ko yung puso ko. Naibigay ko sa'yo."

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Huwag niya sabihin na hanggang ngayon gusto niya pa rin ako.

"He-he, uy Onse tigilan mo mga biro mo ah!"

"Hindi ako nagbibiro Uno," nakangiti niyang sabi.

"Uno?" bakit niya ko tinawag na Uno? O baka nabingi lang ako, pero ang layo naman ng Uno sa Kat-kat.

Wala siyang isinagot pero inilagay niya yung hintuturo niya sa gilid ng labi niya saka iginuhit pababa. Alam ko na agad ang ibig sabihin niya. Uno, kasi isang guhit para sa tulo laway ko kanina!

"Lakas mo mang-asar ah! Antok nga ako kanina, antok!"

"O, huwag ka magalit. Ang saya kaya nung nagyari kanina," nakangiti pa rin siya. Tapos inakbayan ako. Feeling masyado! Porke ang laki ng pinagbago. Porke di na sipunin at patpatin!

"Saya? O sige para mas masaya, pantayin natin!" tinutukoy ko yung kabilang balikat niya.

"Alam mo ba kung bakit masaya? Kasi bagay na tayo," naka-akbay pa rin siya sa'kin at tinignan niya ko. Hindi pa rin nawawala yung ngiti niya habang may malaking question mark naman sa mukha ko.

"Dahil ako si Onse, ikaw si Uno. Ano, pwede na ba kong manligaw sa'yo? Kasi bagay na tayo."

Nakakatawa pero kinilig ako. Kaya napasagot ako ng "Oo."

A/N: Waahahaha! Ang korni!!! Epekto ng di makatulog! Pwede pong magbato ng kamatis! wahaaha! XD Pero iilag ko! XD

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
17.3M 762K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
12.5K 602 12
This was Published on my other account. Post ko nalang dito because may naghahanap and I lost the PDF copy already haha so here's a story I wrote on...