I'm Still Waiting for my Ex B...

By PinayKimchii

117K 1.8K 34

I had a boyfriend. I saw him kissing another girl. He broked up with me after. It hurts. He left me. But stil... More

I'm Still Waiting for my Ex Boyfriend
#1
#2
#3
#4
#5
#6
#7
#8
#9
#10
#11
#12
#13
#14
#15
#16
#17
#18
#19
#20
#21
#22
#24
#25
#26
#27
#28
#29
#30
#31
#32
#33
#34
#35
#36
#37
#38
#39
#40
Epilogue

#23

2K 37 3
By PinayKimchii

Bato Spring

"Please review all the hand outs na ibinigay ko sainyo. It will help guys!" Baritonong saad niya sa harapan.

Buong period lang akong walang imik at pinag mamasdan siya. Sa buong period ding iyon ay hindi niya man lang ako tinapunan na kahit isang tingin man lang. Hindi siya ngumingiti sa klase at seryoso niyang ginagampanan ang pagiging SP niya saming lahat.

"Psst? Lq kayo no?" Pabulong na sabi ni Denise.

Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Paano naman kami magkakaroon ng Lq? Gayong   hindi naman kami. Mas malala nga lang sa Lq ang nangyari saming dalawa noong nakaraang araw.

"Please guys also the boys! Don't underestimate this subject. Hindi ako biro mag bigay ng grades. Sana maipasa niyo ang gagawin kong exams. Goodluck!"

Pinapaikot ko lang ang aking ballpen saking kamay habang nakatingin sakanya na merong seryosong mukha.

Nagtaas ako bigla ng kamay. Batid ko ang tingin sakin ng mga kaibigan ko sa gilid ko. Ito lang ang paraan ko para naman sulyapan niya ako. Tangina! Ano ba itong ginagawa ko? Tinaboy ko siya pero ito ako nagpapapansin sakanya! What the fuck Lucia?!

"Yes Ms. Natividad?" Baritonong saad niya at nakataas ang kilay at ngumuso. I remembered that face gesture of him! Pero damn! Hindi ko matandaan.

"Uhhm...." Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Ano bang gusto kong sabihin? Na bakit di niya ako tinitignan? Na bakit di niya ako pinapansin? Damn! Sempre Lucia! Pinagtulakan mo nga diba? Shunga ka?

Narinig ko ang mahinang bungisngis nila Denise sa gilid ko. Napairap ako sa kawalan at tinignan muli si Jared na ngayon ay tinalikuran na ako.

"Yung coverage sa exam ano?" Sabi ko.

"You're not listening again Ms. Natividad! Okay class, good luck sa preliminary exam niyo bukas. Dismiss!" Aniya at mabilis na lumabas ng classroom.

Lumabas siyang hindi sinagot ang tanong ko. Ugh! Bwisit naman oh. Ako pa ngayon ang hindi nakikinig? What the fuck is wrong with him?!

Bumungisngis ang lima kong kaibigan sa gilid ko. Sinimangutan ko lang sila at niligpit na ang mga hand outs na nakasabog sa arm desk ko!

"Ano?" Irita kong sabi sakanila na ngayon ay lalong mga nagtawanan.

"Girl! Anong drama yung kanina? Lq ba kayo?" Natatawang sabi ni Abi.

Inirapan ko siya. "Hindi kami para magkaroon ng Lq."

"So kailan magiging kayo?" Hirit naman ni Miley.

"Ewan....."

"Uyyy umaasa." They said in unison.

"Hindi ah!" Tanggi ko.

Wala akong sinabihan ng pag-uusap namin ni Jared noong nakaraang araw. Para kasing hindi ko kayang ikwento iyon sakanila. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, pero kasi parang ang hirap ikwento. Ayoko nalang mag alala pa sila sakin---samin ni Jared.

Makalipas ng ilang araw na pag-uusap namin ni Jaoqs noon. Tatlong araw ang dumaan nagulat ako ng nagbobonding na ang boys kasama si Jared! Nagna night out na sila. Okay din sa girls. Well kay David hindi ko alam pero kay Joaqs, okay na sila! Hindi ko alam kung bakit. Wala din naman silang sinasabi sakin. Ayoko narin magtanong pa. Kaya naman ayoko narin magkwento sakanila kung anong nangyari sa pagitan namin ni Jared. Maayos ang tunguhan nila sa isa't isa, ayokong ng dahil sakin magkanda-away away na naman ang mga boys!

"Hay sa wakas natapos din ang nakakadugong prelim!" Nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Blue.

After three days ng exam sa wakas natapos narin namin ito ng maayos. Sana lang at hindi kami lahat bumagsak! Pag nagkataon sayang ang nireview naming lahat.

"Guys paano ba yan? Tapos na ang prelim. Christmas break na natin. Any plans? Two weeks din tayong walang pasok." Nakapangalumbabang sabi ni Ashley sa tabi ng kakambal niyang si Luigi na busy sa cellphone. May katext yata.

"Uy game ako dyan!" Pasigaw na saad naman ni Cody.

"Outing!" Suhestiyon ni Blue na nakangisi.

"Saan naman?" Tamad na tanong ni Denise.

"Sa puso ko." Sabay kindat.

"Funny!" Irap sakanya ni Denise.

Nagtawanan kaming lahat. Sapul si Blue kaya ito at nanahimik sa tabi ko. Kahit kailan talaga ang dalawang ito, ang hilig mag away.

"Guys try natin ito oh." Napatingin kaming lahat kay Luigi na nakatuon parin ang atensyon sa cellphone.

"Try ang alin?" Ani ni Cara at nakidungaw nasa cp ni Luigi. "Bato spring."

"Yup!" Malaki ang ngisi ni Luigi. "Try natin ang bato spring sa Laguna.... Promo nila ngayon oh! Christmas promo, two days and one night. Ano game?"

Sumimangot naman si Nadine. "Seriously Luigi? Bato spring? Tas christmas season? Gusto mo bang mamatay sa lamig?"

Tumawa si Luigi ng malakas at napakamot sa ulo. "Suggestions lang Nadz. Smile na!"

"Doon nalang.... Dipa ako nakakapunta dun." Sabat naman ni Joaqs na kumakain ng bananacue.

"Malamig nga doon sabi!" Irap naman ni Miley.

"So what? Mag jacket ka, scarf, something na mag papainit sayo." Iritang sagot naman ni Joaqs.

"Duh?! Outing! Resort yun! Jacket? Scarf? Seriously? Use your brain naman Vergara!" Ani ng umuusok nasa galit na si Miley.

Tinawanan lang siya ni Joaqs kaya mas lalong nainis si Miley. Napailing nalang ako.

"Hot spring nalang tayo... Sa Batangas! May alam akong villa resort dun." Suggestion ko.

"Really?" Nag ningning naman ang mata ni Ashley sa sinabi ko. Ngumisi ako at tumango. "So it settle. Doon na tayo. Luigi mag pareserved kana!" Agarang sabi ni Ashley.

"Wait? Kailan tayo aalis?" Tanong ni Abi.

"Bukas!" Masiglang sagot ni Ashley.

"Okay. Game ako!" Nakangising saad uli ni Abi.

"Good! Walang Kj guys ah? Sasama lahat. This is our first time na mag oouting tayo na magkakasama!" Ani ni Ashley.

"How much the ambagan? Tska how bout' the foods?" Segunda naman ni Denise.

"It depends! Ofcourse sagot na ng boys ang foods." Nakangising untag ni Ashley sabay baling sa boys.

"What the fuck Ash?! Bakit samin? Diba pwedeng lahat tayo sa foods? Lakas mong kumain!" Reklamo ni Blue sa tabi ko habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Blue's right." Segunda ng nakakunot noong si Luigi.

"Akin na ang Liqiors para walang problema!" Malapad ang ngisi na saad ni Tristan.

"Ye men! Gusto ko yan!" Nakangising sabi ni Cody sabay high five kay Tristan.

Nakanguso at naglilista si Ashley sa kanyang binder ng kung ano. "Fine. Toka toka tayo sa mga gawain ha?"

Matapos naming mag-usap sa cafeteria. Umalis na kami at nagkanya-kanya para mamili ng mga kakailanganin para bukas sa outing. Hindi pa pala ako nakakapag paalam. Pero bahala na! Tutal sila David naman ang kasama ko sa outing. Kilala sila ni Dad at Mom.

Papunta kaming supermarket dahil kami ang nakatoka para sa mga ingredients. Kasama ko si David, Jerwin, Blue at Denise. While sa mga foods naman like mga porks, seafoods at etc ay sina Cara, Abi, Joaqs, Cody at Miley. Sinamahan naman ni Luigi si Tristan sa pamimili ng liqiors kung saan. Si Ashley at Nadine naman ay umuwi para maghanda sa kusina.

"Ang dami naman nitong nilista ni Ash! Akala mo naman na mag sstay tayo ng limang taon sa Batangas!" Reklamo ni Blue habang nakatingin sa listahan na mga bibilhin namin.

"Psh! Dapat hindi kana lang sumama. Daming arte!" Singhal naman ni Denise habang nauunang maglakad samin. Siya kasi ang nangunguha ng mga kailangan. Ako naman ay nasa gilid ni David na tulak tulak ang cart.

"Eh sa totoo naman eh!" Nakabusangot ang mukhang saad ni Blue sabay pakita samin ng listahan.

"Amina nga yan and go home! Di ka namin kailangan dito! Hmmmp!" Sabay agaw naman ni Denise sa listahan na hawak ni Blue.

Napailing nalang ako sa dalawang ito. Kanina pa bangayan ng bangayan! Ewan ko ba kay Ashley kung bakit pinagsama pa ang dalawang ito. Eh parang aso at pusa kung mag-away.

Napasulyap naman ako sa dalawang matangkad na nasa gilid ko na puro tawa lamang sa bangayan ni Blue at Denise. Kung hindi ako nagkakamali parehas itong tahimik at pasuplado effect pero ngayon naman parang nakapanuod ng isang comedy action na live.

Ibang klase. Napangisi ako at umiling. "Tumigil na nga kayo sa bangayan na yan! Mamaya matuluyan at magka inlove-an kayo dyan!"

At ang dalawa nanahimik at parehas namula sa sinabi ko kaya napatawa ng malakas ang dalawang taong may tahimik at supladong attitude. Natawa narin ako.

--
Sorry if lame yung ud. Actually di ako magaling sumulat ng  may happy thoughts. Haha! Puro kadramahan lang ang alam ko.

PinayKimchii

Continue Reading

You'll Also Like

644K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
160K 16K 67
Benji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only...
5.6K 260 35
Hindi madali ang maging isang single mother. Hindi madali ang mamuhay ng mahirap lalo na at may tinataguyod kang anak. Mahirap ang mga responsibilida...
212K 6.1K 93
The worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex