Sulat Kamay

By ArdaighMagbuhat

1.2K 8 2

A Compilation of my Literary Works " Babalik ako kahit na ano pa man ang mangyari, maghintay ka lang.. Basta... More

Tintang Itim at Isang Blankong Papel
Alumni Home Coming
Pipoy
Bilanggo
Puting Kahon
Si Tol, ang Bibliya at Rosaryo
A Second Time Around
Mon Amour ( My Love )
Who am I to Question God
Para el amor de mi vida ( To the love of my life )
The Shepherd of my life
Soulmate
Huling Tugtog ng Banda
Illi maxime diligebam (To the one I loved the most)
Nurse
Kaibigan
Alak
Kuya
Anghelo
The Light of God
For You My Mother
An Open Letter for Myself for the Year 2026
Lovers of the Wind
Khalia
For Jovelyn Gonzaga
Dreams
I thank You, My Lord
Ferris Wheel
I choose Jovelyn Gonzaga

Langit

411 1 0
By ArdaighMagbuhat

Hihintayin na lang kita sa langit..

Tatlong beses syang sumuka ng dugo kamakailan lang, panay ang habol ng hininga at animo ay mawawalan na ng ulirat. Nag aagaw buhay na nga sya ng isugod sa isang pampublikong hispital di kalayuan sa kanupialng lugar. Ang kanyang mga magulang ay nag aalala ng husto, ayaw masilayan ang paghihirap ng kanilang kaisa isang anak.

Ako?! Samantalang ako ay nakabantay at isang simpleng misyon lang ang gusto kong gawin para sa kanya, bantayan sya at sunduin na kung kinakailangan. Isang misyong napakahirap gawin pero kailangan kong tuparin alang alang sa nakaatang na responsibilidad na ibinigay sa akin, ang trabaho ng isang tulad ko ay hindi pangkaraniwan, hindi madali at minsan pa ay napakasakit sa kalooban, pero alam kong dapat kong isantabi ang nararamdaman. Masarap tumira sa nakasanayan mong mundo, may malayang pag galaw at pagmamahal ngunit ang mga mata ng Diyos ay nakatingin at nakamasid mula sa Itaas. Masayang tumira sa Langit, iba kesa sa ibaba, payapa ang damdamin, walang sakit, walang panghihinayang panay ang busilak na pagmamahal. Masarap pakinggan ang pagtunog ng lira at pag awit ng mga batang anghel.

Gusto kong balikan ang ilang mga bagay na ginawa nya para mapabago ang mundong kanyang ginagalawan. Sya ay aking hahatulan para mapabilang din sya sa amin, sa linya ng mga anghel na binibigyan ng pagkakataong makababa muli sa lupa upang magbalat kayo at ibahin ang maling pananaw ng tao. Kami ang mga anghel na taga bantay sa mga bagong silang na sanggol, taga bantay ng mga kaluluwang nais makarating sa patutunguhan, sa piling ng Diyos. Sya ay matalik kong kaibigan noong kabataan ko, noong buhay pa ako at nangangarap ding katulad nya.

Madalas syang napapansin ng mga taong mausisa, busilak ang kanyang puso na kayang ialay ang sarili sa iba. Wala ni konting hinanakit ang dumadampi sa puso nya. Tahimik syang tao, minsan lang umimik kung tatanungin mo o kaya naman ay may mahalagang sasabihin. Madalas syang umiiyak sa isang madilim na parte ng kanyang mundo, tinitiis ang sakit na nararamdaman, malubha na sya noon pa. Ayaw lang nyang mag alala ang mga taong nag aalaga sa kanya.

Hanggang sa dumating nga ang puntong nauna na akong lumisan, una na akong nagpaalam. Saksi sya sa lahat at kahit matagal ng nangyari iyon ay nakatatak pa din sa kaibuturan ng pagkatao ko. May isang matandang lalaking nagkasa ng baril at nakatutok sa aming dalawa, pinaputok nya ang hawak na baril kasabay nito ang pagkaripas ng pagtakbo. Itinulak kong bigla ang payat nyang katawan ng malapit na sa aming dalawa ang bala. Hanggang sa maramdaman ko na lang na kusang bumain sa aking katawan ang dalawang balang iyon. Oo masakit!! Sobra!! Sibrang sakit, umagos ang duso sa aking dibdib, sa likuran, kasunod ang pagbugalwak pa nito sa aking bibig. Nakita ko sya umiiyak, wala na akong magagawa tiyak na mamatay na ako. Siguro mahigit na limang minuto din bago ako nagpaubaya sa anghel na sumundo sa akin.

Bumalik ako sa sitwasyon kanina, parang gusto na din nyang magpaubaya. Hindi na sya naagapan pa ng mga doktor. Kahit pa angat ang teknolohiya ng medisina ay huli na daw ang lahat para maagapan pa ang sakit ng kaibigan ko..wala na.. Nakaramdam ako ng pagluha, dapat pigilan ko ang pangyayari pero wala akong sapat na kakayahan, hindi sapat ang taglay kong kapangyarihan.

Natagpuan ko syang naghahanap sa paligid, nagkakatitigan kaming dalawa. Naalala nya ako sapagkat mabilis syang lumapit at yumakap ng mahigpit. Pinagmasdan nya ang bilog sa aking ulo, pakpak at mahabang damit na puti na aking suot. Hinawakan ko sya sa kamay at isinama sa lugar kung saan sya dapat na mapabilang. Isang paghuhusga ang naganap, ilang mga tala ang hinanap ng mga matataas na anghel na panay nauukol sa buhay nya. Kapagdaka ay iginawad sa kanya ang sariling pakpak at bilog sa ulo. Isinama ko sya sa lugar kung saan ang ilang mga batang anghel ay tumutugtog ng lira at biyolin. At inatasan na din syang sumundo ng mga kaluluwang nagampanan na at natapos ang misyon sa mundong kinagisnan at naghahanap na ng daan patungo Langit.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
23.7K 464 18
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
Masahista By Luci

Short Story

4.7K 2 9
R18
Gapang By vhfc_13

Short Story

2.4K 23 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)