RYE'S POV
Wohooo! 1st day sa company ni Papa. Wala akong kaide-ideya kung ano gagawin ko.
Nakakairita pati yung mga babae dito. Puro pa-cute, ang tatanda naman. Tss.
At heto na nga! Papasok na ko sa office ...
*knock knock*
"Good Morning Dad."
"You're 10 minutes late Iho."
"Ha? What? Ah. Sorry."
"Last na yan ha. I'm strict to all of the employees here and you're not an exception kahit anak pa kita."
"Ah yes. Sorry po dad."
"You're table is right there. Bahala na ang assistant mong magpaliwanag sayo ng trabaho. Goodluck Iho. Work Hard."
"Sige po." -__-
Pagpunta ko sa table, may pamilyar na babaeng nakatalikod. Siya ba ang magiging assistant ko?
"Uh. Excuse me Miss, are you my designated assistant?"
"Yes. Mr. Mendoza" humarap siya sa akin. At halos lumuwa yung mata ko ...
"Whattt?! ANONG GINAGAWA MO DITO AIRA??"
"I'm going to be your assistant."
"Ha? Are you kidding me? Paano nangyari--"
"Well, Rye. Nauna pa nga kong pumasok dito sa kumpanya kesa sayo eh. In fact, I've beeng working here for 3 months already. At ito talaga ang posisyon ko dito. I didn't expect na ikaw pala magiging boss ko. "
"Hell NO."
"Hell yes. Bakit ba? Ayaw mo ba ko makasamang magtrabaho?"
"Tss."
"Tapos you're not answering my calls. Rye, tayo pa rin diba?"
"Tss. Ayan na. Ayan na sinasabi ko eh, nasa trabaho tayo tapos pinapasok mo yung personal na buhay natin dito. At ba't ba kasi dito mo napiling magtrabaho, ha? And anyway, hindi mo naman kelangan magtrabaho diba? Mayaman ka at nag-aaral ka pa. Leave this work."
"...."
WALA NA. UMIIYAK NA SIYA.
NAKAKAIRITA. -___-
"Rye, sor---ry. Yeah. I've work here because of you. Gusto lang naman kita makita, makasama. Eh kasi naman ... ba't ganun? feeling ko ngayon, parang nanlalamig ka na sa akin. Rye... bakit? I'm trying naman, I'm really trying na mag-work itong relationship natin. Rye, I love y-----"
"Stop it. Magpapakatotoo na ko Aira. Kaya lang naman hindi ako nagpaparamdam sayo these past few days kasi makikipaghiwalay na ko. I told you before, my feelings for you were not that strong. Tapos nasasakal na ko sayo. Tapos hindi rin ikaw ang priority ko sa buhay. Aira, let's call our relationship a q----"
"Nooo! No Rye. Hindi ako mag-gi-give-up sayo. Mahal kita. You'll see, I'll prove it."
"You don't need to. Aira, HINDI NAMAN KASI KITA MAHAL. Sorry, pero hindi talaga. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, break na tayo. Sorry Aira ..."
AT UMALIS NA KO. Fvck. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak.
OO, ilan ng babaeng umiyak sa harap ko. Pero hindi ko sila tinitignan.
"Dad, ba't hindi mo sinabi sa akin?" nagpunta ako sa office ni daddy.
"Ha?"
"Ba't hindi mo sinabi sa akin na si Aira pala magiging assistant ko? Dad nam---"
"Bakit, may problema ba?"
"Dad. We broke up."
"Ha? What. She didn't told me. Kelan pa?"
"Ngayon-ngayon lang."
"What? Don't tell me nakipag-break ka dahil---"
"Yes. Dad, ayoko siyang maging ka-trabaho."
"Ha? Why?"
"Ayoko sa kanya. I mean, girlfriend ko siya pero hindi ko mahal."
"What? You're stupid. You're hard. So you broke up with her with that pathetic reason? Ba't mo kasi niligawan kung hindi mo pala seseryosohin?
"......."
"Hindi kita pinalaki ng ganyan. Tss.
You may go back to work now. I'll find you another assistant. At kakausapin ko si Aira... ako na magpapaliwanag sa kanya ng kagaguhan mo."
Oo na, gag* na.
Nakakabadtrip.
1st day pa lang sa opisina.
Ayoko na.
Mas okay pa sa school.
Psh. 1 message received.
-------------------------------------
From: Kyra </3
HAPPY SUNDAY! :) Who's free? Pm me. ^___^
GALA tayo. =)))))
GM.
#HesSuchAJerk
------------------------------------
KYRA'S POV
Sunday. Walang pasok today. Hehe. Makapag-GM nga. Gusto kong gumala, wala akong kasama.
--------------------------------------
TO: ALL ... XD
HAPPY SUNDAY! :) Who's free? Pm me. ^___^
GALA tayo. =)))))
GM.
#HesSuchAJerk
--------------------------------------
MESSAGE SENT !
After 5 minutes ...
5 new messages. Wow. From 5 different people din kaya? ^___^
1st message.
---------------------------------------
From: MargauxBits ;>
I'm with my boyfie. :( :))))))))))
Sorry bitch, next time. Hihi. Bonding soon. Mwa :*
----------------------------------------
CHE! EH DI SIYA NA MAY LOVELIFE!
2nd message.
---------------------------------------
From: Florante (BLOCKMATE)
tara beh ;) saan ba?
----------------------------------------
EH ?_? Napadaanan ko siya ng GM. Nyaaak.
3rd message.
---------------------------------------
From: CelineBits ;>
Goooo <3 Saan bitch ? Inaamag na ko sa house eh. XD
----------------------------------------
HAHAHA! Yey. Available si Celine. May makakasama na ko gumala ^____^
4th message.
---------------------------------------
From: Rye Mendoza
Game ako. Tara! ;)
----------------------------------------
EHHHHH? @_@ Si Rye ? Hmm ...
5th message.
---------------------------------------
From: Rye Mendoza
Saan ba? STAR CITY?
Tapos mag roller coaster tayo? ;)
----------------------------------------
AY BWISET. >___< Eto na naman siya. May pinapaalala na naman. Ugh. Makapag-reply na nga.
---------------------------------------
To: CelineBits ;>
Morato tayo? ^__^ Gusto kong mag-bar. Hihi.
----------------------------------------
---------------------------------------
To: Rye Mendoza
MAG-ISA KANG MAG STAR CITY. SAMA MO MGA GIRLFRIENDS MO !!!!!!!
----------------------------------------
UGGGGGGGGGGGGH.
2 messages received.
---------------------------------------
From: CelineBits ;>
Ay bwiset. SIGE! Kahit saan. XD
Inom tayo, depressed ako eh. Haha!
----------------------------------------
HAHAHA. Adik talaga 'tong babaeng 'to. XD
---------------------------------------
From: Rye Mendoza
Ayoko silang kasama, gusto ko EX ko. ;)
----------------------------------------
SIRAULO. -__-
---------------------------------------
To: CelineBits ;>
Ge, ligo na ko bitch. :))))))) Puntahan mo ko dito sa bahay tas gora sa morato na tayo! ;D
----------------------------------------
---------------------------------------
To: Rye Mendoza
BALIW. Tigilan mo ko.
Sige, alis na ko with my friend! Bye. Last text.
----------------------------------------
AFTER 30 minutes, tapos na kong maligo. Yehey. Mall na kami ni Celine tapos pagdating ng gabi, bar na. Yahoooooooo.
"Bitch. Tayo lang dalawa?" bungad sa'kin ni Celine.
"Halata naman diba? Haha. Yes. Tayo lang."
"Si Margaux?"
"kasama boyfriend niya, ewan. Masaya sa lovelife, pinagpapalit na tayo"
"parang ganun na nga. tsk."
Pagkarating namin ni Celine sa mall, diretso starbucks kami. At trineat ako ni Celine. Haha. Nag-order ako ng Cinnamon Dolce Creme at isang Iced Coffee Smoothie.
Siya naman ay nag-order ng Caramel Macchiato at isang cake. Wow. Laki ng nagastos niya! Wala na itong pambili ng alak mamaya. Hahahaha.
Nakakaloka yung girl na kalapit namin ng table. Iyak ng iyak. Parang ako lang 3 years ago nung iniwan ni ano. Hay.
Grabe. Lakas ng iyak... parang bata lang. Infairness wala siyang paki kahit pinagtitinginan na siya ha.
"grabe yung babae bitch, napano siya? Iniwan ng boylet?" baling sa akin ni Celine
"parang. Haha. Maka-boylet naman 'to? Ano siya, bakla? Haha. Babae si ate noh, malamang iniwan yan ng boyfriend niyan kaya ganyan ..."
"boylet-boypren. iisa lang yun gaga. Hahaha. Oa naman ng iyak"ganyan din ako ka oa umiyak dati eh. >__<
"wala eh. Masakit talaga yung ganyan eh."
"hahahaha. relate much ka sa kanya bitch?"
"OO. haha. bwiset ka"
"In fairness naman dyan kay ate, mukha siyang maganda tapos iniwanan lang? hay nako. sinayang" makatingin naman itong si Celine dun sa babae. Haha. Ang echosera ng dating.
"haha. gaga, eh ako nga eh. Maganda din, iniwanan pa! Wala sa ganda yan bitch!"
"hahaha. eh nasa ano pala?"
"wala. Ewan. Wala lang talagang matinong lalaki."
"nakuu, mukha nga."
"yeah. nakiki-agree ka na. Haha. Musta na ba kayo ni Gerald?" si Gerald nga pala. Yan ang kaisa-isang lalaki sa buhay ni Celine. Last month lang sila nagbreak after nilang maging mag-bf-gf for 2 years. XD
"che. wag mo na ngang banggiting yun pangalan nun! tss."
"hahaha. bitter!"
"ikaw din kay Rye eh. Hahaha"
"baliw. hindi noh. nakapag-move-on na ko. Ikaw, hindi pa. Haha"
"wehhh. Mahal mo pa rin si Rye eh. Bleh."
"nyehh. Mahal mo pa rin si Gerald eh. Gerald A. Salvador. Ayiiiieee!"
"Yuck. Haha. Rye Harvill C. Mendoza. Ayiiieee!"
"Lu---------"
"EXCUSE ME."
Biglang lumapit sa amin yung babae sa kabilang table, yung babaeng umiiyak.
Hmm. Ba't parang pamilyar sa akin yung mukha niya? @_@
"Ah. Yes. Ano yun?" si Celine ang sumagot. Habang ako nakatingin lang dun sa babae na parang nakita ko na dati. Hindi ko lang matandaan kung saan. @_@
"Kilala mo si Rye? Rye Mendoza"
AHHHHHHHHHHHHH. ALAM KO NA!!! ETO YUNG BABAENG NAKITA KO NUNG GRADUATION NI RYE. YUNG PINAGHIHINALAAN KONG GF NIYA. WAAAAAA? Break na ba sila kaya ito umiiyak? @_@
"Yes. Bakit?" sagot ulit ni Celine.
"Narinig ko kasing binanggit mo yung pangalan niya. Are you related to him?"
"No. Itong kaibigan ko lang, bale ano ni Rye. Ah---"
" SCHOOLMATE at CLOSE FRIEND ko dati si Rye nung high school. Ah. Kaya nga um-attend ako nung graduation niya eh." ako na ang sumagot.
"Ah. Yeah. I saw you. School mate at close friend ka lang ba? Talaga?"
HA? ALAM BA NIYANG... @_@
"Ha? Bakit?"
"Rye told me you're on of his exes."
ONE OF HIS EXES TALAGA? TSS.
"Nye. Eh siya naman FIRST LOVE ni Rye. I mean, first girlfriend pala. hehe" singit ni Celine. Adik talaga.
"Really? Ah. Ikaw pala. You're lucky."
"What? No. Pano mo naman nasabi na lucky ako ?"
"'CAUSE I THINK HE'S STILL IN LOVE WITH YOU