Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 21

23.4K 414 27
By kisindraaaa

Chapter 21


Hindi yata tamang sabihin na maagang nagising si Joey. Dahil ang totoo, hindi talaga sya nakatulog. Dahil sa excitement, nawala ang antok nya kagabi. Kaya inayos na lang nya ang mga dadalhing gamit.

Inilabas na ni Joey kagabi ang laman ng aparador nya at ikinalat sa kama. Naghanap sya ng damit na sakto sa klima sa New York. Kaso wala syang ganun. Ano naman ang gagawin nya sa makakapal na jacket at trench coat? Hindi naman nya ito magagamit dito sa Pilipinas. Panay t-shirt, shorts, pantalon at ilang jacket lang ang meron sya. Ni wala nga syang gwantes e. Biglaan naman kasi itong boss nya kung magsabi. Hindi man lang sya nabigyan ng time na makabili kahit isang pirasong jacket lang.

Dahil sa excitement, ni hindi nya man lang naisip iyon nang sabihin sa kanya ng amo na aalis sila. Malamig pa naman ang klima ngayon dahil malapit ng magpapasko. At sigurado sya na umuulan ng yelo sa lugar na pupuntahan nila.

Then the paper bag caught her eyes. Iyon ang ibinigay sa kanya ni Liz.

Agad na kinuha nya ang mga iyon para tingnan ang laman. Ganun na lang ang tuwa ng dalaga ng makitang halos pang-winter lahat ang laman noon. Bakit sa tingin nya, may alam ito sa plano ng kapatid?

Bahala na nga. Ang mahalaga, may maisusuot sya. Dahil ilang pares na damit lang iyon, alam nyang hindi yun sapat para sa ilang linggong ititigil sa ibang bansa. Lalabhan na lang nya pagkatapos.

5:30 na ng umaga ng tumingin ang dalaga sa orasan kaya bumangon na sya at nagsimula ng magprepare. Pupunta pa sya sa DFA para kumuha ng passport. Mukhang pati iyon ay ginamitan ni Lance ng connection dahil masyadong expedited ang process. Imagine, same day makukuha nya rin agad ang passport. Para lang syang nagpakuha ng ID picture.

SUNOD-SUNOD NA BUSINA ang narining ng dalaga mula sa labas ng bahay. Napatingin sya sa wall clock. Most punctual talaga itong boss nya. Kapag sinabing darating ng 7pm, ganung oras talaga darating o mas maaga pa roon.

"Good evening, sir." Bati nya sa binata nang mapagbuksan nya ito ng gate.

Nakasandal ito sa kotse habang hawak ang susi. Simpleng polo shirt at jeans lang ang suot nito pero umaapaw pa rin ang sex appeal. May panahon man lang kaya na hindi malakas ang dating nito?

"Yan lang ang dala mo?" sa halip ay tanong nito.

Napatingin din si Joey sa hawak nyang maliit na maleta.

"Yes, sir." sagot nya. Bakit? Kulang pa ba ang dala nyang gamit? Uuwi pa naman sila diba?

"Ako na ang maglalagay nyan sa compartment. Pumasok ka na sa kotse." bossy!

Nakatingin lang sa labas ng bintana ang dalaga habang nasa sasakyan. Maya-maya ay napansin nyang hindi papunta sa airport ang dinadaanan nila.

"Sir, mali yata tayo ng dinadaanan? Hindi po ito ang papunta sa airport." Nagpalinga-linga pa ng dalaga sa paligid.

"I know. But we need to buy some things. We'll be quick."

Tumango na lang si Joey at hinayaan magdrive ang binata.

Maya-maya ay iniliko nito ang kotse sa harap ng mall. "Let's go. Sayang ang oras."

Bumaba na din agad sya at pumasok sa mall. Sa entrance pa lang ay marami nang napapatingin sa kasama nya. Sino ba naman ang hindi? Kahit sino naman yata ay mapapasecond look sa binata. Masyado itong gwapo sa paningin. May pagmamadali sa kilos ng binata kaya binilisan din ni Joey ang hakbang. Kailangan din nilang magmadali dahil baka abutin sila ng traffic papunta sa airport.

Umakyat sila sa upper floor ng mall. Natigilan na lang si Joey ng pumasok si Lance sa kilalang boutique. It was a huge one and never she had imagined na papasok sya doon. Kahit yata sa panaginip hindi nya gugustuhin dahil manliliit lamang sya. Ginto ang presyo ng mga damit at sapatos doon. Sa labas pa lang ay makikita na ang karangyaan ng tindahan.

"Joey, come in. We don't have enough time." Wala na syang nagawa kundi pumasok doon.

Bumungad sa kanya ang magandang couch at nagkikintabang chandelier. At ang mas nakakaloka, nakahilera doon ang anim na sales lady. Ano to?

"Kindly give her cocktail dresses, night gowns, casual and winter clothes. Bigyan mo na rin ng accesories and foot wears. You'll do the rest. Kayo na ang bahala sa kanya. I'll be back in an hour. May aasikasuhin lang ako." Teka anong nangyayari?

"Teka, Lance..."

"Don't worry, they know what to do. I'll be back later."

Magtatanong pa sana ang dalaga pero may tumawag sa telepono ng boss nya at lumabas na ito. Naiwan sya na naguguluhan. Ni hindi nya namalayan ang paglapit ng isang sales lady.

"Ma'am, sama po muna kayo sakin. We'll pick your dress." sumunod naman sya sa babae.

"Ang gwapo naman po ng boyfriend nyo, ma'am? Bagay na bagay kayo."

Tipid na napangiti si Joey. "Hindi ko sya boyfriend."

Hindi pa, sabi ng malanding utak nya.

Pagkatapos kunin ang size nya, iniabot na sa kanya ang mga damit na naka-hanger para isukat. Grabe. Nakakapagod. Naulit na naman ang nangyari sa closet ni Liz. Pero para saan ba ang mga ito? Diba New York ang pupuntahan nila? Hindi naman party? Bakit ang daming gowns?

After an hour, nakalagay na lahat sa isang may kalakihang maleta ang ang pinamili niya – este ni Lance pala. Hindi naman sya ang nagbayad.

"Ready?" biglang sulpot si Lance sa may likuran nya.

Tumango lang sya bilang sagot.

"Let's go. Kailangan natin makarating sa airport before 9:30 para makaaabot tayo sa 11:00am flight. Magbo-board pa tayo."

Mas malaki ang hakbang ng binata ngayon. Sinubukan nyang sumabay pero mas mabilis pa rin ito sa kanya. Mabigat ang hila nyang maleta kaya hindi nya magawang tumakbo.

Dalawang dipa na ang layo ni Lance sa kanya nang mapansin nitong wala sya sa tabi nito. Nilingon sya nito at napailing saka naglakad palapit sa kanya.

"Let me carry it." and any other words, kinuha nito sa kanya ang maleta at binitbit na parang wala lang dito ang bigat noon.

"Sir, wait lang---"

"Stop arguing, Joey. Nagmamadali tayo." sabi ni Lance na agad lumabas ng mall. Nasa entrance na ang sasakyan nito. "Hop in. I'll take care of this."

Hindi na sya umangal at sumunod na lang sa sinabi ng binata. Hindi naman nagtagal, umupo na rin ito sa driver's seat at nagsimulang magmaneho.

"We should be taking the private jet. But the pilot's sick kaya hindi makakapagpalipad ng eroplano."

"Wala naman po sigurong kaso kapag ganun, sir. Ang mahalaga, makarating tayo dun on-time at ligtas." At isa pa, sayang din ang ticket nila kung hindi naman pala nila gagamitin.

"Thanks for understanding, Joey." He looked at her and smiled.

"TAKE THE SEAT near the window." sabi ni Lance kay Joey.

Sinuswerte din sila nang araw na iyon dahil kahit paano ay maluwag ang traffic. Mas maaga silang nakarating at nakakain pa ng dinner.

"Pero, sir. Pwesto nyo yan." sabi dalaga.

"Just do as I say." sagot ni Lance at naupo na sa katabing upuan.

Umupo na rin si Joey.

"Sir, hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa inyo. Thank you po ha?"

Napatingin si Lance sa kanya.

"For what?"

"Sa lahat po. Atsaka sa pagbili ng mga damit ko. Pero pwede po bang ikaltas nyo na lang sa sahod ko? Pero sana installment, sir, ha? Baka walang matira kapag buong deduction eh," she tried to make the conversation lighter. Mas bumibigat kasi ang tingin sa kanya ng binata at hindi nya matagalan iyon.

"Did I ask you to pay me?"

Marahang napailing si Joey. "Hindi, sir. Pero---"

"No more buts."

"Thank you po," she started fidgeting her fingers. Nakokonsensya sya. Masyadong malaki ang ginastos ng binata. "Pero okay naman po kasi ako dun sa mga dala ko."

"No, Joey. Don't get me wrong. May pupuntahan kasi tayong party dun. So, you'll be needing those dresses. And, malamig ang panahon ngayon sa NY. You need comfortable clothes."

Napangiti ang dalaga sa narinig. Concern lang naman pala. "Babawi na lang po ako, sir. Saka thank you din kasi, sa wakas makakarating na ako sa New York. Pangarap ko to eh." napapalakpak pa si Joey sa tuwa.

Maya-maya ay nagsalita na ang stewardess at sinabing ikabit na ang seatbelt. Ready for take-off na. Dahil first time ni Joey sumakay ng eroplano, pati ang pagkakabit ng seatbelt, nahirapan sya. Kahit itinuro naman iyon kahit ng isang FA.

"Let me." sabi ni Lance and in a snap, naikabit na nito ang seatbelt.

Maya-maya pa ay naramdaman nya na ang unti-unting pag-angat ng eroplano. Pakiramdam nya ay nakasakay sya sa ferris wheel na unti-unting tumataas. Parang pati bituka nya, umaangat na rin. Napahawak sya ng mahigpit sa armchair at pumikit. Damn that skydiving. Hindi naman talaga sya takot sa matataas. Ngayon tuloy, mukhang nadevelop ang trauma nya.

Naramdaman na ni Joey ang panlalamig. Pero agad na napadilat sya ng maramdamang may humawak sa kanyang kamay.

Napalingon sya kay Lance. Sa mga mata nito, naroon ang reassurance.

"Just relax. Mawawala din yan mamaya." sabi nito. She inhaled deeply and tried to calm. Pero ang ang puso naman nya ang problema ngayon. Dahil halos tumalon na ito palabas sa dibdib nya sa sobrang lakas ng kabog. They were holding hands for God's sake!

Banayad na ang lipad ng eroplano. Nasa taas na sila ng mga ulap. Dudungaw sana sya ng biglang parang umikot ang paningin nya. Para syang hinihila pababa.

"Don't look down. You'll get dizzy." sabi ni Lance sa kanya. "You better sleep. Mamaya pa maglaland ang plane. Just suit yourself."

"Kayo, sir? Hindi ba kayo inaantok?"

"I'll sleep later."

NAGISING SI JOEY nang maramdaman ang bahagyang turbulence.

Napadilat sya ng mata. Nakasandal pala ang ulo nya kaya hindi sya masyadong nakaramdam ng pangangawit. Medyo ginalaw nya ang ulo. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata ng malaman kung ano ang sinasandalan.

Si Lance. Himbing rin na natutulog ito.

Nakakahiya! Paano nangyaring sumandal sya dito?

Aalisin nya sana ang ulo nya sa pagkakasandal dito pero agad na umangat ang kamay ng binata at hinawakan ang kabilang bahagi ng ulo nya. Causing her head to lean back into his shoulders again.

"Go back to sleep, Joey. Malayo pa tayo."

Gising ang binata? At heto sya na nag aakalang malalim ang tulog nito. Ipinikit na lang ng dalaga ang mga mata para makaiwas sa kahihiyan.

Hindi nya alam kung gaano sya katagal nakatulog pero nagising na lang si Joey sa mahihinang tapik sa pisngi nya.

"Joey, wake up."

"Hmm?" naalimpungatan sya. Hindi nya nga alam kung anong hitsura nya.

"Maglalanding na ang plane." sabi ni Lance.

"Nasa New York na tayo, sir?" parang ang bilis naman yata.

Napatawa ang binata.

"No. Layover. We're in HongKong. Dito tayo sasakay ng plane papunta sa JFK Airport."

Napatango ang dalaga. Akala nya ay nasa New York na sila.

Inayos nya ang sarili at hinintay na makapagland sila.

Halos mapanganga si Joey sa ng airport sa HongKong. Parang mall lang ito. Ang laki at ang linis tingnan.

"We'll wait for the plane for two hours. So gumala muna tayo. Nakakainip kapag naghintay lang tayo dyan." sabi ni Lance habang hila hila ang maleta. Parang hindi bagay dito ang may hila hilang maleta.

"Sige, sir. Tapos picture-picture tayo. Tara na! Saan tayo unang pupunta?" excited na tanong ni Joey. Sa lahat ng di pwedeng maiwan, yun ay ang digital camera nya.

"Adik ka talaga sa picture. Let's go. Kumain muna tayo. I hope you don't mind spicy food?" nakangiting sabi ng binata.

"It's my favorite!" masayang sabi ni Joey.

They went to a restaurant inside the airport. Grabe! Inexpect ni Joey na kaya nya ang anghang. Umusok talaga ang ilong at tenga niya. Parang ayaw naman ipakain iyon sa customer. Sa may salaming bintana sila pumwesto. Kaya kitang kita ni Joey ang moist ng malamig na klima sa labas.

After kumain, nagsimula na silang gumala. Kumuha na sila ng pushcart at doon inilagay ang mga maleta. Pero hindi naman sya hinayaan ni Lance na magtulak noon. Hindi pinalampas ng dalaga ang picture taking. At dahil, ayaw naman ni Lance magpapicture, ito na lang ang ginawa nyang photographer.

"Sir!" tawag nya dito. Paglingon ng binata, sakto naman pinindot nya ang shutter. Napangiti ang dalaga sa ginawa.

"What?" takang tanong nito.

"Wala po." saka nya pasimpleng itinago ang camera sa bulsa ng bag.

"Let's go back. Malapit na ang flight natin." sabi ni Lance.

Kanina pa nagtataka si Joey sa ikinikilos ng binata. Parang extra caring ito ngayon. Pero hindi na sya nagtanong. Dahil itago nya man o hindi, kinikilig talaga sya sa gestures nito.

Continue Reading

You'll Also Like

505K 15.8K 38
Maglalaho ang mananakit sa iyo. Subukan nilang saktan kahit dulo ng buhok mo. Mapapaaga ang pagdalaw ko sa kanila. - Grim Reaper a.k.a Jacob Alejandro
393K 5.1K 45
Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the heiress. The first born of the Lopez Cl...
7.1K 364 60
"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...