The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

Chapter 35: You're OUT

3.5M 71.2K 27.1K
By blue_maiden



Ugh, I hate Mondays. Ang aga-aga ng pasok kapag Monday, e. May flag ceremony pa kasi. At kapag na-late ka o nahuling natutulog o inaantok habang may ceremony, made-detention ka after class. Tuwing Linggo ng hatinggabi pa naman 'yong inaabangan kong palabas sa cable namin kaya puyat ako.

"Candice! Tawag ka na ng Kuya Charles mo!"

"Opo, Yaya, nandiyan na!"

Parang hinihila pa rin ako ng kama ko. Waaah, antok much pa ako. Gusto ko pang matulog. 

Pagkababa ko, kumakain na sina Mama at Kuya. Aba, ang aga naman ni Kuya? Himala yata. Lagi siyang late gumising kapag Monday, e.
"Candice, nagpuyat ka na naman ba kagabi? Alam mo namang may flag ceremony kayo ngayon."

"Sorry po, Mama. Bibilisan ko na lang kumain." Kumuha ako ng egg tsaka ng favorite kong bacon. Idadaan ko na nga lang sa kain.

"Mama, pakisabi aalis ako after five minutes." Tinupi ni Kuya 'yong diyaryo niya tapos tumayo na siya.

Waaaa! Five minutes? Takte naman. Makakakain pa ba ako no'n. Ang bad mo, Kuya!

Galit pa rin siya, anong petsa na? Kailan ba niya ako kakausapin?

"Narinig mo naman ang kuya mo."

"Hindi na nga ako kakain." Nag-pout ako tapos lumabas na rin ako agad. Dumiretso ako sa kotse ni Kuya. Baka iwanan pa niya ako, e.

Pagpasok ko ro'n parang nabingi ako sa sobrang katahimikan. Hindi ko na 'to kaya! Hanggang kailan ba kami ganito?

"Kuya, are you still mad?"

"You know the answer to that question."

Sabi ko nga, galit ka pa rin, e. 

Hanggang makarating kami sa school, wala pa rin kaming pansinan. E di, wala! Bahala ka riyan, Kuya! Mami-miss mo rin ako! Belat!

Diretso agad ako sa line ng Section One. Ang sama agad ng tingin sa 'kin ng Powerpuff Girls, what's new? Hindi ko na lang sila pinansin. Sa ibang way na lang ako tumingin. Nakita ko 'yong Section Eleven na kumakaway sa 'kin. Kumaway rin ako sa kanila. Mukhang masaya sila, ah. Tsaka himala yata at mukhang maaga silang lahat. Ay, hindi. Wala pala 'yong dalawa. Nasaan naman kaya 'yong mga 'yon? Napuyat kaya sila?

Nagsimula na 'yong ceremony. Pinigilan ko pa rin 'yong antok ko. Amp! Sana huwag akong mahuli. Hindi na nga ulit ako magpupuyat. Nakakainis naman, ang hirap ng sitwasyon ko. Malapit nang matapos 'to... malapit na... malapit na. Kaya mo 'yan, Candice... No! Hindi ko na kaya, napapikit na ako. Wala naman sigurong makakahuli sa 'kin.

"Miss Gonzales! Sleepy?"

Pagkadilat ko, nakita ko si Miss Maggy. Siya 'yong teacher na nanlait sa 'kin dati, e. Patay na, terror pa naman 'yong teacher na 'yon. Tsaka parang may galit sa 'kin 'yon, e.

"Hindi po, Ma'am. Hehe."

"You don't fool me. One-hour detention for you."

Sabi na, e. Adik din siya, e, tatanungin niya ako kung inaantok ako tapos kapag sinabi kong hindi, sasabihin niyang niloloko ko siya? Tsk. May galit talaga sa 'kin 'yon, e. Nagka-detention slip pa tuloy ako.

Noong ipapabalik na 'yong mga estudyante sa room, nakita ko si Troy tsaka si Jeydon na kakarating lang. Nakita sila ni Miss Maggy kaya detention din sila. Hindi kasi tumatalab 'yong charm nila ro'n, paano, man-hater kasi.

Nagpaalam muna ako kay Miss Farrah, 'yong Filipino teacher ko. Kailangan kong mag-restroom. After kong makalabas ng restroom, nakita ko si Abby. Noong nakita niya ako, nilapitan niya agad ako.

"Ikaw!"

Ako raw? May nagawa ba ako? Galit na galit siya, e. Wala po akong kasalanan.

"Alam mo bang dahil sa 'yo, wala na sa basketball team si Marky! And I even heard tinanggal na siya ni Jeydon sa grupo nila. And it's all your fault!" Sa lakas ng boses niya, may mga estudyanteng lumapit sa 'min at nakitsimis.

"Ha? Tinanggal? Bakit?"

"Nagmamaang-maangan ka pa?"

Parang nainis ako bigla. Ano ba kasing pinagsasabi niya?! Wala naman talaga akong alam, e. Ayaw pa kasi niyang diretsuhin. Bakit ko 'yon naging kasalanan?

"Alam mo, Abby wala akong alam sa mga sinasabi mo! Kaya pwede ba? Aalis na ako!" Paalis na sana ako kaso hinila niya ako pabalik.

"Dahil sinabi ni Marky na gusto ka niya kaya siya napaalis sa grupo! Dahil hindi 'yon pwede! Hindi sila pwedeng magkagusto sa 'yo kasi kapatid ka ni Charles!"

Ilang segundo rin akong natigilan sa sinabi niya. Naiintindihan ko na. Alam ko namang may rule silang walang talu-talo. Bakit ba hindi agad 'yon pumasok sa isip ko?

Inalis ko 'yong kamay ni Abby sa 'kin. Kailangan kong hanapin si Jeydon.

"Saan ka pupunta?"

"Aayusin ko 'to."

Hinanap ko si Jeydon. Pumunta ako sa room ng Section Eleven pero wala siya. Kahit sa gym, wala rin siya. Kahit sa tambayan nila, hindi ko siya nahanap. Nasaan na ba siya?

Kaya pala hindi kasama si Marky noong sumayaw 'yong basketball team noong Friday kasi tinanggal na siya. Kailan pa? Kailan pa siya inalis ni Jeydon? At bakit gano'n? Dahil lang ba sa sinabi ni Marky na gusto niya ako, inalis na agad siya? Hindi 'yon pwede. Kung may dapat sisihin, ako 'yon. Bakit ba kasi ako na lang 'yong laging cause ng problema?

Aish! Parang naiiyak ako. Nasaktan ako sa nakita ko kahapon pero hindi pa rin pwedeng hindi ako mag-alala kay Marky.

"Candice?"

"Tiffany."

"Okay ka lang? Anong nangyari? May umaway ba sa 'yo?"

"Kasi kailangan kong makita si Jeydon, nakita mo ba siya?"

"Hindi, e. Bakit ba?"

"Kasi... sabi ni Abby, natanggal na daw sa basketball team si Marky pati sa grupo nila."

Hindi makatingin sa 'kin si Tiffany. "Oo nga. Kalat na 'yon sa buong school."

"Kalat? Kailan pa?"

"Uhm... hindi ko alam kung kailan talaga nila inalis si Marky sa grupo pero kasi si Six na 'yong ng Blue Dragons Basketball Team. Wala na 'yong name ni Marky sa list."
"Hindi nila pwedeng gawin 'yon!"

"Candice, hindi sumunod si Marky sa rule. Don't worry naiintindihan naman kita, e. Mamaya sa lunch, tutulungan kitang kausapin sila pero pumasok na muna tayo sa first subject natin, okay?"

"Sige Tiffany, salamat. Tsaka pala marami ka pang ikukwento sa date n'yo ni Troy."

"Hihi! Oo nga. Sige, sige!"

Hindi ko kayang maging masaya pero ayoko namang hawaan si Tiffany ng bad vibes ko. Halata naman kasing masaya siya.

Pumunta muna ulit ako sa restroom bago ako pumunta sa room ng Section One. Habang nasa cubicle ako, may tatlong babaeng pumasok.

"Bakit kaya absent si Marky?"
"Narinig n'yo na ba? Inalis na raw ni Jeydon si Marky sa grupo nila kaya wala na rin siya sa basketball team."

"Kaya pala hindi sila nagpapansinan ni Charles. Tsaka hindi na siya tumatambay sa spot nila sa canteen. Kawawa naman si Papa Marky."

"Oo nga, e! For sure, nalungkot siya nang sobra kaya hindi siya pumasok. May laban pa naman mamaya 'yong basketball team. Hays, bakit kaya siya inalis?"

"Ang sabi, dahil daw kay Candice!"

Kalat na rin pala na ako 'yong dahilan. Parang sumikip 'yong dibdib ko.

"Ha? Bakit? Anong ginawa niya?"

"'Yon ang hindi ko alam, e. Malalaman din natin 'yan."

"Kahit na hindi na siya part ng Apat, crush ko pa rin siya!"

"Nakakalungkot talaga. Tara na nga, pasok na tayo, baka ma-late pa tayo, e."

"Kapag nakita ko 'yong Candice na 'yon, kakalbuhin ko siya, e!"

Noong nakasigurado na akong wala na sila, tsaka lang ako lumabas ng cubicle. Baka mamaya, balatan pa nila ako nang buhay, e. Humarap ako sa salamin. Amp! Parang naiiyak na naman ako. Tama sila, kasalanan ko 'yon, e.

Parang nadudurog 'yong puso ko. Sa tatlong taon kong pag-stalk kay Marky, alam ko kung gaano kaimportate sa kanya 'yong basketball. At dahil lang sa wala na siya sa APAT kaya inalis na rin siya roon. Napaka-unfair naman! Isa pa, matatalik niyang kaibigan sina Jeydon kaya alam kong masakit sa kanyang inalis siya sa grupo nila.

Nakakainis. Ako na naman ang may kasalanan no'n. Kung hindi niya sana sinabing gusto niya ako, sana hindi nangyari ang lahat ng 'yon.

Pumunta na muna ako sa class ko para hindi ako mabigyan ulit ng detention slip. Pagpasok ko sa room, wala pa si Miss Farrah. Kaya pala ang iingay nila. Noong nakita ko si Margot, nginitian niya ako. Kahit malungkot ako, pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya para sa lahat ng naitulong niya sa 'kin noong pre-pageant.

"Oh, my gosh! Wala na raw si Papa Marky sa basketball team?!"

Pwede ba, Bubbles tama na? Paulit-ulit ko na 'yang narinig. Lalo lang akong nalungkot.

"Yes I know! At alam n'yo ba 'yong dahilan kung bakit?"

Lumapit sa 'kin si Blossom. Sumunod naman sa kanya si Bubbles tsaka si Anne. Pati 'yong iba kong classmates napatingin sa 'kin.

"Dahil lang naman 'yon kay Candice."

Nagulat silang lahat.

"Bakit?"

"May rules kasi ang Apat. At isa na roon 'yong walang talu-talo. Kaso inamin ni Marky sa harap nina Jeydon na may gusto siya rito sa malanding babaeng 'to!"

Lalo silang nagulat sa sinabi ni Blossom. Hindi na lang ako nagsalita kahit na nasaktan ako sa sinabi niyang malandi ako, kasi hindi naman ako gano'n. Kaso tama naman siyang kasalanan ko 'yon, e.

"How dare you, Candice? Ginayuma mo ba si Marky? Noong una, si Jeydon tapos si Troy, pati ba naman si Marky? Grabe ka! Ang landi mo!"

"Hindi ako malandi!"

"O, kaya pala? Lahat, inaakit mo? Siguro kung hindi mo lang kapatid si Charles baka pati siya pinatos mo na! Anong gayuma ba ang gamit mo?"

"Sumusobra ka na!" Muntik ko na siyang masampal sa galit ko. Napigilan ko lang ang sarili ko. Mukhang nagulat si Blossom sa ginawa ko. Kinuha ko 'yong bag ko tapos lumabas ako ng room. Pumunta ako sa faculty office. Magpapa-excuse na lang ako kay Miss Farrah. Feeling ko, magkakasakit na ako sa stress at sa problema, e.

Buti na lang, pagpunta ko sa loob ng faculty room, nando'n pa siya.

"Miss Farrah?"

"Yes, Candice?"

"Uhm... ano po... pwede po bang magpa-excuse muna ako sa class n'yo? Masama po kasi ang pakiramdam ko, e."

"Ha? Bakit?" Lumapit siya sa 'kin. Hinawakan niya 'yong leeg ko. "Hindi naman mainit 'yang katawan mo pero sige, pinapayagan na kita. Go to the clinic, okay?"

"Thank you po, Ma'am."

Buti na lang, pumayag siya. Ang kailangan ko na lang ay hanapin sina Jeydon. Pambihirang lalaking 'yon. Paano niya nagawa 'yon kay Marky? Matalik na kaibigan niya 'yon, ah.

Nakita ko na rin sila sa wakas sa may gym. Nagpa-practice para sa game mamaya. Kahit nando'n si Kuya, lumapit pa rin ako.

"Jeydon!"

Napahinto silang lahat. Nagsabi si Jeydon sa coach nila na break daw muna sila. Nilapitan ko agad sila. Wala na akong pakialam kung marinig man ako ni Kuya.

"Bakit? Busy kami."

"Bakit mo tinanggal sa grupo n'yo si Marky?"

"Sumuway siya sa rules namin. Tapos."

Gano'n na lang ba 'yon? Parang wala lang sa kanya 'yon, ah. "Hindi pwede!"

"Candice." Tumaas yata 'yong mga balahibo ko noong tinawag ako ni Kuya Charles. Noon na lang niya ulit ako tinawag sa pangalan ko. "Huwag kang makialam dito."

"Candice, hayaan mo na sa 'min 'to," sabi naman ni Troy.

Isa ka pa, Troy! Akala ko ba, kaibigan mo si Marky? "Unfair naman kung aalisin n'yo siya sa basketball team dahil lang sa wala na siya sa grupo n'yo! Mahalaga kay Marky 'yong basketball!"

"Candice! Pwede ba, huwag ka na ngang makialam dito? Rules are rules. Para saan pa 'yon kung hindi naman namin susundin?"

"Hindi, Kuya! Dahil sa 'kin kaya siya naalis sa grupo n'yo! Kaya makikiaalam ako. Rules lang 'yon! Mas mahalaga pa ba 'yon kesa sa pagkakaibigan n'yo, ha?"

"Candice!"

"Alam ko na ngayon kung bakit tinawag kayong bad boys. Grabe, ano bang puso ang meron kayo? Bato? Mismong kaibigan n'yo ginaganito n'yo?"

Ang sama ng tingin sa 'kin ni Kuya Charles. The hell I care! Tama naman ako, e. Wala akong pakialam kung magalit man sila.

"Umalis ka na, Candice. May practice pa kami."

Wala man lang bang pakialam si Jeydon dito? Alam ko namang si Kuya lang 'yong may problema kay Marky. Hindi sila damay ni Troy pero bakit wala siyang ginagawa? Siya 'yong leader ng grupo nila, 'di ba? Siya naman 'yong masusunod, e!

"Ibalik n'yo si Marky kahit sa basketball team lang. Please?"

"What's done is done. He's out at hindi na 'yon mababago pa." Tumalikod siya sa 'kin. "Tara, practice na!"

Anong klase ka, Jeydon? "I hate you, Jeydon! Kayo nina Kuya! Wala kayong kwentang mga kaibigan!" Pinahid ko muna 'yong luha ko bago ako umalis. Ang sasama nila! Bakit pati sa sarili nilang kaibigan?

Dumiretso na lang ako sa next subject ko. Habang naglalakad ako sa corridor, may ibang estudyanteng ang sama ng tingin sa 'kin. Nabalitaan na siguro nila. Sabagay, mabilis naman talaga kumalat 'yong tsismis sa school. Nakakapanibago lang kasi kasama na ako sa tsismis na 'yon.

Kahit sa room, wala akong pakialam kahit patayin na nila ako sa mga tingin nila. Hanggang tingin lang naman sila, e.

Mabilis lang lumipas 'yong oras. Lunch na nga agad, e. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako para maibalik si Marky kahit sa basketball team lang. Kaso pakiramdam ko, wala na yatang pag-asa. Sa ugali pa lang ni Jeydon, hindi na ako aasa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta sa canteen, sa library o kahit sa corridor na lagi kong tinatambayan.

Pumunta na lang ako ng Music Hall.

Pagpasok ko, walang tao... wala si Marky. Nakakapanibago kasi wala siya. Para tuloy walang buhay 'yong Music Hall. Pumunta ako sa stage. Nando'n 'yong piano. Hindi ako magaling mag-piano pero ayos lang, wala namang tao roon, e. Isa pa, wala namang pumupunta roon.

Ano kayang papatugtugin ko? Alam ko na. "Just Give Me a Reason" by Pink.

Nang magsimula akong kumanta, naalala ko si Marky. Noong una ko pa lang siyang nakita, na-love at first sight na yata ako sa kanya. Para siyang magnanakaw na bigla na lang kukunin 'yong puso mo.

Noong umabot ako sa part ng song na saktong line na no'ng guy, may kumanta...

sumigla ako bigla noong nakita ko siya, lalo na noong nakita kong nakangiti siya. Parang na-miss ko siya—'yong kaming dalawa lang sa Music Hall kumakanta, nagkukwentuhan. 'Yong nagtatawanan kami, 'yong masaya kami.

"Kailangan mo pa ng kaunting practice sa piano."

"Marky..." Shit! Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit, e. Ayokong umiyak sa harap niya. Bakit parang na-miss ko siya?

"Alam mo, na-miss ko 'yong tayong dalawa lang dito tapos kakanta tayo." Tumabi siya sa 'kin. "Mali pala... na-miss kita. Lahat sa 'yo."

Pwede bang mahimatay sa kilig? As in, now na? Parang namula ako tapos bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. Lahat ng nakita ko kahapon, nabura. Umasa na naman ako, e.

"Akala ko, hindi ka pumasok." Wala akong masabi, e. Hindi ko masabing miss ko rin siya.

"Hindi talaga, kaso gusto kitang makita tsaka makausap, e. Kahapon kasi, 'yong nakita mo sa 'min ni Abby..."

"Marky, okay lang, you don't have to explain." Huwag mo nang sabihin, baka masaktan lang ako. Nakita ko naman, e.

"I just broke up with her officially."

Waaaaah! Wala na talaga sila! "Ah, talaga?" 'Sus, Candice, pumapalakpak naman ang tenga mo. Hoho.

"Tsaka manonood ako mamaya ng laban."

Naisip ko na naman 'yon. "Marky, sorry. Dahil sa 'kin kaya natanggal ka sa team... kaya..."

"Shh.. It's not your fault. Ginusto ko 'to. Isa pa, hindi ako nagsisising sinabi ko sa harap nila na gusto kita."

"Pero—"

"I like you, Candice."

Hala! Nganga.

"And nothing or no one can stop me."

"Marky..."

"Hmm... wala ka man lang bang sasabihing maganda sa 'kin?"

Ano nga ba? Kinabahan tuloy ako. Utak, gumana ka naman kahit ngayon lang. Hindi na naman ako nakapagsalita. Amp! Tameme ako. Ginulo niya na lang 'yong buhok ko.

"Ang cute mo talaga. Gusto mong turuan kitang mag-piano?"

"Marky, gusto rin kita..." Waaah! Nasabi ko ba? Earth, kainin mo na ako, now na. Nahiya ako. Tiningnan ko si Marky. Nakatingin lang siya sa 'kin habang nakangiti. Natunaw ako sa ngiti niyang 'yon. Kahit nag-aalala pa rin ako dahil do'n sa pagkatanggal niya sa grupo, hindi ko rin naiwasang maging masaya.

Kasama ko siya...

Wala na sila ni Abby officially.

Nasabi ko na rin sa kanyang gusto ko siya at gano'n din siya sa 'kin...

Grabe, parang ang perfect ng moment na 'yon para sa 'min ni Marky. Inalis ko na lang muna lahat ng bumabagabag sa isip ko.

Tumugtog siya ng piano habang kumakanta ng "Statue" ni Lil' Eddie.

Ang galing niyang mag-piano. Ang ganda-ganda pa ng boses niya. Hindi ko napigilang mapatitig sa kanya. Kapag kasama kita parang ang saya-saya ko. Parang tayong dalawa lang 'yong nag-e-exist. Parang nawawala lahat ng nasa isip ko...

"It's just 'cause I can't believe, that you're so beautiful." Habang sinasabi niya 'yon, nakatingin siya sa 'kin... Ay, mali. Nakatitig siya sa mga mata ko. Shucks! Bumilis 'yong tibok ng puso ko ro'n, ah.

Bakit parang unti-unting lumalapit sa 'kin si Marky?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang lapit na niya sa mukha ko. Napapikit na nga ako sa lapit niya, e. Marky, hahalikan mo ba ako? Waaaaah! Shit, ito na...

Sakto namang bumukas nang malakas 'yong pinto.

"EHEM."

"Sabi ko na, e."

"Ha?" Napalingon kami sa pumasok.

"Kita na lang tayo mamaya."

"Ah, o-okay."

Umalis na tuloy si Marky! Hays, 'yon kasing lalaking 'yon, epal na naman. Umalis tuloy agad si Marky. Noong dumaan si Marky sa harap niya, hindi sila nagpansinan kahit na alam ko namang ngumiti sa kanya si Marky. Ang arte talaga ng pusang robot na 'yon.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala, matutulog sana ako rito kaso may tao pala."

"Alam mo, kahit kailan, epal ka, Jeydon!"

"Bakit? May ginagawa kayong kalokohan ni Marky, 'no?"

"Wala ka na ro'n! Galit ako sa 'yo! Tse!"

Umalis na ko ro'n. Pati ba naman sa Music Hall eepal siya sa 'min ni Marky? Para talaga siyang kabute. Bahala nga siya, galit pa rin ako sa kanya.

Gagawa ako ng paraan para makalaro pa rin si Marky mamaya sa game.


Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 48 33
How will two fate collides to make the hearts beat as one? Beware and be aware as the notorious playboy, Von Khenry Montejar meets a bad-ass who will...
198K 7.6K 5
One summer camp before someone goes to New York...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
16.2K 163 4
Ito po ay Fan Fiction lamang. Dala narin ng sobrang pagka-inspired sa istoryang HIH kaya ko nagawa ang fanfic na 'to. Hindi ko entensyon na pangunaha...