EHS 3: His Sweetest Karma

By missgrainne

3.7M 94.7K 3.9K

Living in an island away from the people and her heart-wrenching past became Hillary's safe haven. Not until... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 12

131K 4K 46
By missgrainne

CHAPTER TWELVE

BALISA, iyan ang tawag sa nararamdaman ni Hillary ngayon. Hindi na nga niya namalayan na mag-uumaga na pala. Ilang oras kasi siyang paikot-ikot sa kama kakaisip kay Axer.

Napabalikwas siya nang tumunog nang malakas iyong cell phone niya at lalong nabuhay ang kanina pang buhay na diwa niya nang mabasa ang text message galing sa kaibigang si Natalie.

Dali-dali niyang itinali ang nakalugay na buhok at humablot lang ng kahit anong madampot sa malaking cabinet para mapalitan ang suot niyang pantulog. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at wallet niya, saka patakbong bumaba sa hagdan papunta kung nasaan ang sasakyan niya.

Hindi niya alam kung ilang mura na ang nasabi sa isip dahil sa sobrang pag-aalala kay Axer. Ang text kasi sa kanya ni Natalie ay nabangga ang sasakyan ni Axer kagabi at lasing daw ito. Sinisisi niya ang sarili kung bakit naglasing ang lalaki kaya tuloy ito naaksidente. Biro lang naman talaga para sa kanya ang sinabi niya rito. But she forgot that Axer was a sensitive person. Kalalaking tao pero para itong nana na kaunting galaw mo lang ay puputok na.

Ang dapat na thirty minutes na biyahe mula sa resort hanggang sa ospital ay naging ten minutes na lang para kay Hillary sa kagustuhang makita agad ang lagay ng lalaki.

"Ano'ng name ng patient, Ma'am?" tanong sa kanya ng nurse.

"Axer Lance Wilson."

Tumingin muna ito sa monitor. "Room 217."

Tumango si Hillary at agad na hinanap kung nasaan ang room number na iyon. Wala pang ilang segundo ay nakita na niya ang nasabing silid kung nasaan ang lalaki. Bumuntong-hininga muna siya bago binuksan ang pinto na dahilan kung bakit ang kaninang mabilis na paglalakad niya ay tila naging mabagal sa tumambad sa kanya.

Ang inaasahan niya kasing lagay ni Axer ay may nakakabit na oxygen dito at puro sugat ang katawan katulad ng mga napapanood niya sa pelikula tuwing may mga car accident na nagaganap. Pero mukhang okay naman ang lalaki at hindi malala ang pagkakabangga. Sa kabilang banda ay nagpapasalamat siya dahil ligtas na ito.

Pero parang tinarak ang puso niya nang makitang may kasama ito roon.

Umupo ang babaeng kasama ni Axer sa gilid ng hinihigaan nito. The woman was very familiar because she was Mandy Lane, the seductive lingerie model.

Ito ang mga type ni Axer. Kahit saang anggulo tingnan ay wala siyang makitang kapintasan sa babae. Kahit pa may mga gasgas na ang mukha nito ay ang perfect pa rin nito sa paningin niya. She used to appreciate other women's beauty. Normal na sa kanya iyon. Pero sa babaeng ito ay tila ba bumaba ang self-esteem niya.

"Ano bang mas bagay, iyong naka-brush up or ponytail na lang?" Mandy asked Axer while fixing her messy hair.

"Brush up, then ponytail para kitang-kita iyong benda sa noo mo at gasgas sa pisngi mo," he answered while chuckling.

See? Mukhang okay lang talaga si Axer kasi nakakatawa na ito.

Umupo si Mandy sa gilid ng kama ng lalaki na naging dahilan kung bakit nag-isang linya ang mga labi niya. The woman was wearing a fitted above the knee dress at litaw na litaw ang mahahaba at mapuputi nitong legs na wala makitang kahit anong peklat o kahit maliit na guhit man lang. Halatang alagang-alaga ang buong katawan nito at siguradong hindi ito isa sa mga babaeng Salamat, Doc dahil natural ang pagiging diyosa nito.

"Ayusin mo, baby," malambing na utos nito at bahagya pang yumuko para maabot ni Axer ang buhok nito, not knowing na lilitaw ang cleavage nito sa harap ng lalaki.

Kung kanina nagpanting ang tainga ni Hillary dahil tinawag ni Mandy na "baby" si Axer, ngayon naman ay nagngingitngit ang kalooban niya nang sundin ni Axer ang utos ng babae na pag-aayos ng buhok kahit naka-sling ang isa nitong braso.

Hindi na kaya ng mga mata niya ang lambingan sa harap niya kaya naman tumikhim siya para sirain ang moment ng dalawa.

"Ehemm!"

As expected, sabay napalingon ang mga ito sa gawi niya.

"Who are you?" mataray na tanong sa kanya ni Mandy at tinaasan pa siya ng kilay. Hindi niya alam na mataray pala ito sa personal. Ang sabi kasi, sweet daw ito pero mukhang sabi-sabi lang 'yon.

She took a deep breath silently before answering her. "I'm Hillary."

Agad na pinasadahan ni Mandy ng tingin ang buong katawan niya at tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Hindi niya alam kung para saan iyon, but she felt conscious about how she looked right now na wala naman siyang paki noon.

Pasimpleng tiningnan ni Hillary ang sarili sa glass window sa gilid at literal na namilog ang mga mata niya sa nakitang repleksiyon sa salamin. Suot lang naman niya ang pagkaiksi-iksing cotton shorts na kulay-yellow na ginagamit lang niya kapag natutulog at fitted black spaghetti strap sando na ginagamit niya ring pantulog dahil mababa ang neckline n'on. Kusang nag-init ang mga pisngi niya nang mahagip ng mga mata niya ang malulusog niyang dibdib na nagha-hi sa kanilang tatlo. Sana pala ay hindi na siya nagpalit kanina. Mas maganda pang nagpunta siya roon nang naka-pajama at malaking cotton T-shirt. Nataranta na kasi siya nang mag-text si Natalie.

Hindi niya alam kung anong bulungan ang ginawa ng dalawa dahil basta na lang tumayo si Mandy at naglakad palabas ng silid pero huminto muna sa gilid niya.

"You have a sexy body like me. Gusto mong maging lingerie model?" nakangiting tanong nito. Iyong hindi plastic na ngiti.

Umiling lang siya dahil ayaw niyang maging model.

Naglakad si Hillary palapit kay Axer nang makalabas si Mandy. At kung may anong tumahip sa dibdib niya nang pasadahan din nito ng tingin ang buong katawan niya. Sa paraan ng pagkakatingin ng lalaki, pakiramdam niya kahit may damit siya ay nahubaran na siya nito. Pinigil niya ang sarili na huwag itong awayin dahil may kasalanan pa siya rito.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Kung gaano kainit ang mga titig nito, ganoon naman kalamig ang boses nito nang tanungin siya.

"Gusto ko lang malaman kung okay ka la—"

"I'm good. You can leave now."

Galit talaga sa kanya si Axer dahil first time siya nitong ipagtabuyan. Ganito rin kaya ang nararamdaman ng lalaki every time na pinapaalis niya ito? Parang tinutusok ng karayom ang dibdib niya.

"Ayoko. I'll stay hanggang sa makauwi ka." Kahit sa pag-aalaga man lang sa lalaki ay makabawi siya sa ginawa niya rito.

"I don't need you here, Hillary. Just go. Ito naman iyong gusto mo, 'di ba?"

Umiling siya. "Hindi iyon, Axer. Nagbibiro lang ako. Sorry," sabi niya at yumuko. Ayaw niya kasing makita siya ng lalaki. Baka bigla na lang tumulo ang luha niya sa hindi malamang dahilan. Para kasing hindi siya nito kilala kung kausapin siya at parang wala lang siya rito.

Tumawa si Axer nang pagak. "Kailan ka pa naging joker? Lahat ng sinasabi mo, alam kong totoo at hindi mo na mababawi 'yon. Umalis ka na, Hillary."

Tiningnan niya ito. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata nito pero hindi siya nagtagumpay. Mailap at sanay umiwas ang lalaki. "I said I'll stay whether you like it or not. Huwag ngang matigas ang ulo mo. Tingnan mo tuloy ang nagyari sa iyo!" pakli niya at tuluyan nang umupo sa tabi nito kung saan nakaupo si Mandy kanina.

Hahawakan sana niya ang braso ni Axer pero agad nitong naiwas iyon.

"Look at me," utos niya.

"No need. I don't like to see you," malamig na tugon nito at bahagya pang inusod ang katawan palayo sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat pansinin mo lang uli ako," sabi niya at kumibot-kibot pa ang mga labi dahil pakiramdam niya ay iiyak na siya na parang bata dahil lang hindi siya nito pinapansin.

"Just go home. That's the best thing you can do. Leave me alone, Hillary," sagot ni Axer nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Hinawakan niya ito sa dibdib at niyugyog para lang tingnan siya nito.

"Damn, Hillary!"

"Look at me!" At ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

Hinawakan ni Axer ang kamay niya gamit ang isang kamay na walang sling kaya tumigil siya. Hinila siya nito papalapit at hinalikan. Iyong halik na mapusok na halos kagatin na nito ang mga labi niya. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya nito sa paraan ng paghalik sa kanya.

"A-Axer." She almost tasted her own blood because he bit her lower lip.

He continued kissing her and released her lips when she stopped answering his kiss. Mahapdi na ang mga labi niya dahil sa ginawa nitong pagkagat doon.

She pursed her lips and placed her hands on her lap, playing with her fingers while fighting the tears that wanted to escape from her eyes. Tumingala siya para hindi bumagsak ang luha sa mga mata niya pero masyado siyang emotional sa mga oras na iyon kaya may mumunting luha pa ring kumawala.

Pakiramdam niya ang sama-sama niya. Hinalikan nga siya nito pero alam niyang pinarusahan lang siya nito dahil sa ginawa niya.

Naramdaman niya ang isang kamay ni Axer sa likod niya at napahikbi na naman siya dahil baka halikan na naman siya nito at sugatan na naman ang mga labi niya. Kinabig siya nito kaya napahiga siya sa dibdib nito pero hindi ito nagsalita. Hinaplos lang ang buhok niyang lalong nagulo dahil sa halikan nila kanina.

"Go home, Hillary..."

Muli na naman siyang napahikbi.

"Hush, I want you to go home and change your clothes. Bakit ba ganyan ang suot mo?" galit na tanong nito.

"Sa sobrang pag-aalala ko kasi sa iyo hindi ko na napansin iyong damit na naisuot ko," sabi niya at kumalas dito. "Saan ba ang masakit sa iyo, sweetheart? Let me see," tanong niya habang dahan-dahang hinahawakan ang iba't ibang bahagi ng katawan nito.

Hinuli ni Axer ang kamay niya. "You called me sweetheart."

Tumango siya. "Yes, yes. Umuwi na tayo. I don't like to see you here. Look, ayokong makita na nasasaktan ka. Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat at naglalasing ka pa? Paano na lang kung hindi lang 'to ang inabot mo? Paano kung namatay ka? God! Axer, sa susunod magdoble ingat ka naman. Ayokong mag-alala nang ganito. Alam mo bang hindi ako nakatulog sa kakaisip sa iyo kagabi, 'tapos—"

Naputol ang sasabihin niya nang halikan na naman siya nito. This time, the kiss was gentle, iyong usual kiss na ginagawa nila. Gentle and passionate.

"I didn't know that you're worried. Akala ko wala kang pakialam sa akin," wika nito nang pakawalan ang mga labi niya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya akalain na sasabog siya nang ganoon sa harap ni Axer. Sobra talaga ang pag-aalala niya rito.

Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "Come closer."

At sumunod naman siya.

Nakatingin lang sila sa mga mata ng isa't isa na para bang sa tingin pa lang ay nasasabi na nila ang tunay na nararamdaman nila. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa kanyang mukha at hinalikan ang tungki ng ilong niya pababa sa mga labi niya.

Napapikit siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay mahal siya nito.

"Sweetheart..."

"Hmm?"

"Naiipit."

"Ha? May masakit ba sa iyo?" maang na tanong niya habang nakadagan sa dibdib nito.

Umiling ito. "Wala pero naiipit na iyong dibdib mo, sweetheart. Alis ka muna baka hindi ako makapagpigil."

Agad niyang tiningnan ang posisyon nila at agad na napalayo dahil magkadikit na ang dibdib nila.

She heard him chuckle. Naramdaman niyang tumaas ang kamay nito papunta sa dibdib niya. Hahawakan sana niya ang kamay nito kaso huli na siya. Naitaas na nito ang mababang neckline ng sandong suot niya.

"Don't wear this kind of clothes again, Hillary, unless ako lang ang makakakita."

Tumango lang siya. "Nasaan na si Mandy?"

"How did you know her?"

She rolled her eyes. "Everyone knows her."

"You're wearing the same lingerie na imino-model niya."

Marahas siyang napalingon dito. Paano nito nalaman iyon? "How did you know—"

"The red bra, remember? And I've seen all your underwears kaya wala ka nang maitatago sa akin."

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Hillary. Pinakialaman kasi nito iyong damitan niya at tiningnan lahat ng undies niya. "Hindi mo pa nakita lahat sa 'kin!"

Tumingin ito sa dibdib niya at ngumuso. "I already kissed and touched that."

Napayakap tuloy siya sa sarili. "May hindi ka pa nakikita!" tanggi niya.

His eyes went down to her thighs and stopped between them. "I already kissed and touched that," pilyong wika nito.

Nangamatis ang maputi niyang mukha dahil hindi naman totoo iyon at wala siyang alam. Ang sa dibdib lang niya ang totoo na pinagsawaang hawakan at halikan ng lalaki noong gabing maulan.

"It's not true! Wala akong maalala! You're joking!"

"You were sleeping noong hinalikan ko iyan and it tasted sweet!" tudyo ni Axer na nakangisi sa kanya.

Pinaghahampas niya ito dahil hindi totoo iyon, hindi! Manyak talaga ang isang 'to!

"Aray, sweetheart! F-fine, I'm just kidding. Stop! Ouch—my shoulder!"

Napahinto siya sa paghahampas at hinaplos-haplos ang braso at balikat nito. "Sorry, ikaw kasi."

"I'm hungry."

"Wait lang, bibili ako ng pagkain sa lab—"

"No!" mariing tanggi ni Axer.

"Bakit?"

"Huwag kang lumabas."

"Bakit nga? Akala ko ba nagugutom ka na?"

Pilit itong umupo at hinubad ang hospital gown na suot. Siya naman ay parang nanonood ng live show ng mga lalaking macho dancer sa isang gay bar.

"A-ano ba, Axer, huwag dito," namumula niyang tugon.

"Ha?"

"Huwag dito sabi ko. Public place ito at ayokong gumawa ng eskandalo rito sa ospital."

"Ano ba'ng sinasabi mo, sweetheart?" Iniabot nito sa kanya ang hinubad na hospital gown.

Nakayukong iniabot niya iyon. "Ano'ng gagawin ko rito?"

"Wear it," he said dryly. Kinuha nito ang itim na T-shirt sa tabing mesa ng kama at isinuot. "Let's go home," sabi nito at dahan-dahang tumayo.

Tiningnan siya ni Axer na para bang inaaya na siyang lumabas kaya tumayo na rin siya at binitawan ang hawak na hospital gown.

"Hey, isuot mo 'yan, sweetheart. Makikita nila ang katawan mo."

Namilog ang mga mata ni Hillary sa narinig. "Seriously, Axer? Look at me, may suot akong damit."

Lumapit ito sa kanya at hinablot ang pobreng hospital gown, saka agad na isinuot sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya gamit ang kamay na walang sling at hinila na siya palabas. Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lang sa lalaki kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao roon.

Tiningnan niya ang magkadaupang palad nila at napangiti. Para kasing sinadya ang pagiging akma ng mga kamay nila.

Bakit ba hindi niya napansin noon ang mga bagay na ngayon lang na napapansin?

Bakit ba hindi niya bigyan ng chance si Axer?

Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi niya sa naisip.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 228K 34
WARNING: SPG | R-18 | Mature Content | Stella Venisse never imagined that she would wake up one morning naked beside the sleeping gorgeous man--Cassi...
595K 32.2K 19
The future of Grande Cruises and the first-born son of the billionaire shipping magnate--Clinton Grande has learned to carry and control the weight o...
790K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...