Exquisite Saga #1: Chianti Ca...

By MsButterfly

2.9M 73.9K 4.6K

Si Chianti Callahan ay isang painter na iisa lamang ang pinakahinahangad sa buhay. Ang makawala mula sa pagka... More

Copyright
ACKNOWLEDGEMENT
Prologue
Chapter 1: The Painter
Chapter 2: The Angel
Chapter 3: The Fallen
Chapter 4: The Escort
Chapter 5: The Loopy
Chapter 6: The Client
Chapter 7: The Surprise
Chapter 9: The Realization
Chapter 10: The Wish
Chapter 11: The Catch
Chapter 12: The Painting
Chapter 13: The Lips
Chapter 14: The Masquerade
Chapter 15: The Rose
Chapter 16: The Kiss
Chapter 17: The Surprise
Chapter 18: The Tears
Chapter 19: The Woman
Chapter 20: The Euphoria
Chapter 21: The Prey
Chapter 22: The Distraction
Chapter 23: The Perpetrator
Chapter 24: The Deal
Chapter 25: The Sham
Chapter 26: The Captive
Chapter 27: The Terror
Chapter 28: The Silence
Chapter 29: The Unfixable
Chapter 30: The Colors
Chapter 31: The Redemption
Chapter 32: The Beauty
Chapter 33: The Shift
Chapter 34: The Visit
Chapter 35: The End
Epilogue
Author's Note

Chapter 8: The Future Husband

73.5K 2.1K 122
By MsButterfly







CHAPTER 8

CHIANTI'S POV


"So, automatic na papasok sa account ng Exquisite ang payment niya. Magpapadala din ang Exquisite ng contract para masiguro na magbabayad talaga araw-araw ang kliyente."


"Um, hello, Dianne? Baka ang dapat mong sabihin ay sisiguraduhin ng Exquisite na hindi ito matuloy."


Napabuntong hininga ang department manager na si Dianne. Halata sa mukha niya ang pagod at stress sa mga nangyayari. "Chi, alam mo na pagdating sa Exquite, ang pera na ipapasok mo ang importante sa kanila."


"And that's unfair! Tuesday at Thursday lang ang pasok ko sa Exquisite. But this time they want me to work twenty four seven for two years and ten months.!"

Alam ko kung gaano kahalaga para sa Exquisite ang pera. Hell, all of this craziness are for money. Lahat kaming mga Exquisite girls ay iisa lang ang silbi at iyon ay ang magpasok ng pera sa kompanya.

But this is too much.

"Chi-"


Itinaas ko ang kamay ko sa harapan niya. "Kabaliwan ito, Dianne, and you know it! Hindi ito ang trabaho na pinirmahan ko. The fucked me then I leave. That's it. They don't get to keep me! Dianne, privacy ko na lang ang natitira sa pagkatao ko. But now they're selling it too!"


Bumuka ang bibig ng babae para magsalita nang bigla na lang tumunog ang nakabukas niya na computer. Itinuon niya doon ang pansin at pagkatapos ng ilang sandali ay muling tumingin sa akin.


"It's the fucking three founders right?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang tatlong tao na nagtayo ng Exquisite. Mga taong wala pang sino man sa amin ang nakakita.


"Chianti..."


Idinipa ko ang mga kamay ko. "Bring it on. May iba pa ba sila na gusto? Baka gusto na rin nila akong i-display sa mall at ipagbili sabihin mo lang."


"They said that the client's payment for Monday, Tuesday and Thursday will go straight to Exquisite. Of course you'll have the usual Exquisite Girls' percentage." Dianne said, ignoring my sarcastic remarks. "Wednesday and Friday will go to your account. Full payment."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Imposible. Malaking pera ang pinag uusapan namin. Paanong basta na lang hahayaan ng Exquisite na ibigay sakin 'yon? "A-Ano?"


"Saturday and Sunday no payments." pagpapatuloy ng babae. "You can do whatever you want. But you still need to report here every Saturday."


Itinaas kong muli ang isa kong kamay. "Wait. Pakibalik roon sa sinabi mo kanina. Ano ang ibig mong sabihin na sa account ko papasok?"


"Alam ng Exquisite na kakaiba ang sitwasyon na nangyayari ngayon. But they can't say no to that client because Gaige Hendrix is very influential. Alam din ng Exquisite ang tungkol kay Victoria Meneses. Pinapagamot mo siya di ba? Gaige Hendrix is important for two reasons. Marami siyang koneksyon at marami siyang pera. His payment for you for the years to come won't even dent his bank account."


"I can handle Victoria's treatment without this craziness." I murmured.


"Yes you can." Dumukwang si Dianne at bumulong, "Ayoko din ng mga nangyayari, Chi, pero payo ko lang...wag mong galitin ang mga founders. Naalala mo si Francine?"


Alam ko na namutla ang mukha ko sa binanggit niya na pangalan. Francine was one of Exquisite's escorts. Pero sinuway niya ang isang rule ng Exquisite. Nagpakasal siya ng patago. A month later, her husband died. Nasnatchan daw ito, naglaban at sinaksak. Ang nakakapagtaka lang...wala namang nawala sa lalaki. Bumagsak din ang negosyo na ipinundar ni Francine. Weeks later, Francine committed suicide.


Kumalat ang balita. Walan mang ebidensya na maituturo ay marami sa amin ang naniniwala na may kinalaman ang Exquisite sa nangyari.

As a young girl who signed a contract for Exquisite, I was naive enough not to know that it can't be legally binding. Prostitution is not legal in the country. Pero habang umeedad ako ay doon ko nalalaman ang mga bagay na importante kong malaman. At first I thought I found a way to get out...that finally I'm free. But I was not.

Exquisite bonded the contract to the hotel itself. Iyon ang nakalabas sa madla. Na malinis at normal ang mga trabaho namin. Anyone of us could have contest it since we have all the ability to conjure proofs pero wala samin ang may lakas ng loob kumilos.

Dahil sa takot. Dahil alam namin ang maaaring maging kapalit.


Tila pinanghihinaan na ng loob na muli akong nagsalita, "Hindi ako ang lumalabag sa kasunduan, Dianne."


"Oo, tama ka. Pero importante sa kanila ang kliyente na ito. Kapag kumilos ko at hindi nagustuhan ng founders ang ginawa mo, handa ka ba sa mga bagay na maaari nilang gawin? Kampante ka ba na walang mawawala sa iyo?"


Sa sinabi niyang iyon ay para bang nag flash sa harapan ng mga mata ko ang mukha ni Victoria, ng mga kaibigan ko...si Syrah, Asti at si Roussanne. Ang gallery ko.


"I don't like this, Dianne." I said, burying my face on my hands.


"Maniwala ka Chi, ayoko din nito. Pero ano bang laban natin sa kanila?"


Oo nga naman. Ano bang laban ko sa kanila? Kung noon nga ay wala akong nagawa para sa sarili ko...anong pinagkaiba ngayon? "Paano kung psychotic pala ang taong iyon? O kaya nang gugulpi pala?"


"Hurting you will be a deal breaker. Alam mo naman ang Exquisite. Kahit ganiyan sila, hindi naman nila hahayaang mapahamak ng tuluyan ang mga babaeng hawak nila."


I can't help but feel angry at the irony. Iniipit nila ako ngayon sa isang bagay na hindi kasama sa kasunduan pero hindi din nila ako gustong mapahamak. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kahit sobrang laki na ng pera na pumapasok sa bank account ng Exquisite ay ayaw pa rin nila talagang palagpasin ang isang ito.


"I'll check on you, Chi, I promise."


"Thank you, Dianne."


Saglit na nag usap pa kami ng department head ko ngunit kahit anong sabihin niya ay hindi nagawang mapanatag niyon ang loob ko. Iisang paraan lang ang alam ko para tuluyan akong matahimik.


Time to visit my, future husband.














HINDI na magawang bumaba ng isa kong kilay sa pagkakataas habang naglalakad ako papasok sa Hendrix Beverages Corporation. Parang hindi marunong ngumiti ang mga tao. Halatang busy sa trabaho ang karamihan dahil may ilan na nagtatakbuhan pa habang ang mga kababaihan naman ay tinalo pa ang mga sasali sa beauty pageant. Mga nakapostura at kahit isang hibla ng buhok ay hindi ata tumayo man lang. Ang mga kagamitan naman ay iyong tipong mahihiya ang kahit na sinong gamitin o hawakan.


And look at that sofa set. Dinaig pa ang damit ko, parang pinalantsa ng sampung beses.


Dumiretso ako sa 18th floor ang pangalawa sa huling floor ng building, kung saan nakita ko kanina sa signage sa lobby na ito ang siyang kinaroroonan ng office ni Gaige Hendrix. Nang makarating roon ay ang una kong nakita ay ang secretary niya na nasa likod ng isang counter. Tumaas na naman ang kilay ko ng makita ko ang babae roon na kasalukuyang nagreretouch at hawak hawak ang compact mirror niya.


"Excuse me." tawag ko sa atensyon niya.


Nagpatuloy lang ang babae sa ginagawa na pag-aayos. Tinignan ko siya mabuti at doon ko napansin ang earphones sa mga tenga niya. Ang tibay. Kung sino pa talaga ang secretarya siya ang ganito. Samantalang ang mga kasama niya parang isang segundo na lang ang buhay kung magsikilos.


"Paliguan ko kaya ang babaeng ito ng tubig mula sa aquarium na iyon?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang malaking aquarium sa kaliwang bahagi ng 18th floor.


"Sayang sa effort Miss, barilin mo na lang para masaya."


Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaki na mukhang empleyado din ng Hendrix Beverages Corporation. May kinuha siya mula sa counter ng secretary na hindi man lang siya pinansin at ngayon ay nag a-apply naman ng lipstick.


"Ganto ba talaga yan? Bakit hindi niyo isinumbong sa may-ari?"


Ngumiti ang lalaki at lumakad ng paatras para nakatingin pa rin siya sa akin. "Nagpapacute kasi yan kay Sir kaya ganiyan lagi. At kung bakit hindi nasesesante? Una, busy kami. Pangalawa, busy si Boss." Sabi ng lalaki at nagmamadaling tumalikod na at tumakbo pabalik sa elevator na magdadala sa kaniya pababa sa kung saan man ang office niya.


Napapanganga na muli kong tinignan ang babae na inaayos naman ang eye liner niya ngayon. Nanggigigil na inagaw ko sa kaniya ang hawak na eye liner, itinapon sa malayo, at pagkatapos ay hinila ko ang earphones niya. "Excuse me!"


"Miss, pakihanaan po ng boses. Nandito ho kayo sa Hendrix Beverages Corporation." sabi ng babae ng makabawi sa pagkabigla.


Binigyan ko siya ng ngiting naghuhumiyaw sa pagkapeke. "Alam ko iyon, Miss, dahil ako mismo ang nagdrive papunta dito at pumadok sa loob ng gusali na may napakalaking sign kung saan nakasulat ang salitang 'Hendrix Beverages Corporation', okay? At kaya ko nilakasan ang boses ko dahil kako baka basag basag na ang eardrums mo dahil hindi mo ako marinig kanina."


Tumikhim ang babae na halatang hindi na komportable. "As you can see Miss, nakaearphones po ako-"


"Wow. Payo lang, dear, magtinda ka na lang ng earphones. Maraming bibili lalo na iyong mga gustong makawala sa realidad." Itinaas ko ang kamay ko ng akmang bubuka ang labi niya para magsalita. "I need to see Gaige Hendrix."


"May appointment ho ba kayo?"


"Wala."


Tumaas ang sulok ng labi ng babae. Huminga ako ng malalim at nagbilang ng sampu para pakalmahin ang sarili ko dahil alam ko na bubwisitin lang ako ng babaeng ito. "Wala ho naman pala kayong appointment. Bumalik na lang po kayo ulit kapag meron na. Sayang ho kasi ang oras namin."


Calm down, Chianti. You can't strangle that woman. Ang mga kamay mo, ingatan mo. Baka magkasakit ka pa kapag nadikit ka sa babaeng iyan.


"I don't need an appoinment. I'm his fiancee."


Kulang ang sabihin na tumaas ang kilay ng babae sa sinabi ko. Halata na hindi siya naniniwala sa akin. "Please set an appointment Ma'am."


"Tawagan mo ang boss mo at sabihin mo na nandito si Chianti. Kapag hindi niya ako hinarap, 'wag niyang asahan na may babae pa siya na mapapakasalan."


"Ma'am-"


Naputol ang sasabihin ng babae ng biglang bumukas ang isang malaking pintuan. Iniluwa niyon si Gaige Hendrix na agad dumako ang mga mata sa akin. "Chianti."


Magkasalubong ang mga kilay na lumapit ako sa kinaroroonan niya at nilagpasan ang sekretarya niya na parang isdang inalis sa tubig sa pagkakatingin sa amin. "Busy ka ba?"


"Not for you."


Ikinuyom ko ang mga kamay ko ng makaramdam ako ng kiliti sa sinabi niya. Pormal pa rin ang ekspresyon na huminto ako sa harapan niya. "Hindi ka naman pala busy bakit hindi mo masesante ang sekretarya mo na bagay maging earphone endorser?"


Hindi man lang tumingin ang binata sa sekretarya niya at nanatiling nakatingin lamang sa akin. "She's not you so I'm busy."


Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad naman niyang napick up ang kasalukuyan kong mood at tinapunan niya ng tingin ang empleyada. "You're fired."


Bago pa makahuma ang babae ay hinawakan na ako sa kamay ni Gaige Hendrix papasok sa opisina niya. Sinubukan ko na kumalas mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi niya ako binitawan. "L-Let go."


Sumunod naman siya ngunit pagkatapos na naming makapasok ng tuluyan sa napakalaki niyang opisina. Naglakad siya papunta sa swivel chair niya sa likod ng isang desk at umupo roon. "Have a seat."


Kuyom ang mga kamay na lumapit ako sa kaniya at umupo sa katapat ba upuan bago nagsalita, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to cancel your deal with Exquisite."


"And why is that?"


"Kailangan ko pa bang sabihin? You know that this is not right. Nagtrabaho ako sa Exquisite at tinanggap ko lahat ng ginusto nila para sa akin. Dahil iyon ang kasunduan. As long as I have my privacy and a bit of freewill. Napakaliit na kalayaan. Pero dahil sa iyo ang kakarampot na meron ako ay bigla na lang maaagaw sa akin."


"Hindi iyon ang intensyon ko." seryosong pahayag ng lalaki.


"Hindi nga ba? Ganiyan naman kayong mga lalaki. Mahilig sa laro. Nakakatuwa ba ang sitwasyon ko? Dahil alam mo na wala akong magagawa. Kahit anong gawin mo sa akin puwede mong gawin kasi mayaman ka eh. Kaya mong bilin kahit kalayaan ng iba."


"Hindi iyan ang intensyon ko, Chianti." ulit niya. "I hate to see you working at that kind of place. Oo kailangan kita para sa last will ng lolo ko, but at the same time I want to pull you out of Exquisite."


Pagak na tumawa ako. "Sa tingin mo paniniwalaan kita? Ni hindi nga kita kilala. You're just a man I've met twice before all this craziness. Do you really think that I will believe that you care for me when you have Lindsey in your life?"


Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "Anong kinalaman ni Lindsey dito?"


I can't believe this! Seriously? "Nagpapatawa ka ba Mr. Hendrix? Girlfriend mo si Lindsey."


"Hindi ko siya girlfriend." Sagot ng lalaki na lalong nagsalubong ang kilay.


"Yeah right. Mr. Hendrix, please lang, 'wag na tayong maglokohan. Alam kong busy ka sa trabaho at gusto ko na rin na umalis kayo tapusin na natin ang usapan na ito. Just cancel the agreement."


"For the last time, Chianti, no. And Lindsey's not my girlfriend. She's not even an ex. Kung girlfriend ko siya, bakit siya ang hiningan ko ng pabor para padalan ka ng regalo two months ago and a freaking letter because she wont give me your number, that I must remind you that you didn't even answered?"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sa pagkabigla, "W-What? Anong regalo at sulat?"


Natitilan siya at pinagmasdan ako. Pagkaraan ay dumilim ang mukha niya ng may mapagtanto. "I'm gonna talk to her later." He said angrily. "But I want you to think about this Chianti. Kung girlfriend ko siya hindi mo ako kaharap ngayon. Sa tingin mo ba ako ang klase ng lalaki na papakasalan ang ibang babae habang may girlfriend pa siya?"


Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya kilala ng lubusan. Pero nakakasiguro din ako na matalino siya. Halata naman di ba? He's not even on his thirties but he's handling his family business. He's a shrewd business man. Bakit nga naman niya ako gagastusan kung mayroon namang Lindsey sa buhay niya?


"Chianti, believe it or not, I want you. But I'm not doing this just for that. I just need your six months to be able to get Hendrix Beverages Corporation. Pagkatapos niyon ay kung hindi mo gugustuhin na manatili sa tabi ko then you can do whatever you want. But I'm still paying for your remaining years."


Padabog na tumayo ako at galit na tinignan ko siya. "May magagawa pa ba ako? Napagdesisyunan niyo na di ba? Ano pang magagawa ko eh nabili na naman pala ako. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan ko ng magsuot ng wedding gown at umattend sa kasal na ikaw lang ang may gusto."


Tumalikod na ako at naglakad paalis. Napahinto lamang ako ng nasa may pintuan na ako ng opisina niya dahil sa muli niyang pagsalita. "I'm not buying you, Chianti. I'm buying a contract from the devil to save an angel."


"Why?" I whispered, looking back at him. My voice's full of confusion and uncertainty.


Ilang sandali na tumitig lamang siya sa mukha ko. Lumambot ang kaniyang ekspresyon at ng muli siyang magsalita ay halos hindi ko marinig ang kaniyang sinabi, "God knows why I'm doing this. I just know that I have to."


______Chapter 8.

Continue Reading

You'll Also Like

676K 10.6K 40
"Love knows no boundaries." Book 2 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. Hindi inakala ni Cassidy na tuluyan na ngang mahuhulog ang loob niya sa lalaki...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)