Chapter 25: The Sham

56.6K 1.4K 89
                                    


CHAPTER 25

CHIANTI'S POV


Sinag ng araw ang gumising sa akin at animo asido iyon na sumisigid sa palibot ng ulo ko. Napapaungol na dumapa ako at isinubsob ko ang mukha ko sa kama para maialis ang mga mata ko sa nakakasilaw na sinag na nagmumula sa bintana.


I still need to sleep. Nararamdaman ko na ang epekto ng ginagawa naming paglalasing ng mga kaibigan ko kahapon na pansamantalang naka-on hold mode dahil sa naging busy ako sa mga 'aktibidades' namin ni Gaige.


Unti-unting hinihila na ako muli ng antok ng maramdaman ko na may humila sa mga paa ko hanggang sa nakalawit na ang mga iyon sa dulo ng kama.


"Rise and shine, angel."


Tumagilid ako at bahagya kong idinilat ang isa kong mata. Nabungaran ko si Gaige na nakatayo sa dulo ng kama at may hawak na tray. "Go away. I'm still sleepy."


Muli akong sumubsob sa kama. Nakarinig ako ng mga kaluskos at ilang sandali lang ay natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo na sa kama. Inilagay ko ang mga kamay ko sa tapat ng mga mata ko dahil sa pagkasilaw. Bahagya kong pinaghiwalay ang mga daliri ko para silipin si Gaige na kinukuha ang tray sa pagkakapataong niya niyon sa lamesa at lumalapit na ulit ngayon sa kama.


"Gaige-"


"You need to eat. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho so we only have breakfast to be together."


Muli akong napaungol ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa pagsuko. Alam kong hindi ako titigilan ni Gaige hanggang hindi ako pumapayag sa gusto niya.


"Fine." I surrendered.


Lumapit siya sa malaking kama at binaba sa harapan ko ang tray at pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko. Pilit na nilalabanan ang antok na tinignan ko ang mga nakahandang pagkain at bahagya akong napangiti ng makita ko ang mga iyon.


Simpleng almusal lang iyon. Pancakes, eggs and bacon. Nakadesign pa ang mga iyon na parang nakangiti na mukha. Mas parang pambatang almusal 'to kesa para sa aming dalawa.


"Anong oras ka uuwi?" tanong ko.


Nakatingin sa pancake na hinihiwa niya si Gaige ngunit bahagya siyang napangiti. "Why? You'll miss me?" Hindi ko siya sinagot at tinaasan ko lang siya ng kilay. Naiiling na inilapit niya sa akin ang tinidor na may tusok na pancake at automatikong bumuka ang mga labi ko at sinubo ko iyon. "I'll be back at nine I guess. 'Wag mo na akong intayin at kumain ka na dahil hindi din ako sigurado sa schedule ko."


Tumatango-tango na inabot ko ang nag-iisang tinidor na hawak niya ngunit inilayo niya lang iyon sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Pinaikot ko ang mga mata ko. "Kaya kong kumain mag-isa, Mr. Hendrix."


"Well, I want to feed you wife so just suck it up."


Exquisite Saga #1: Chianti CallahanKde žijí příběhy. Začni objevovat