The Bad Girl's Bad Boy

By UnknownHeartbeats

1.8M 47.7K 5K

She's a bad girl. And he is the bad girl's bad boy. - This is a work of fiction. Names, characters, business... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33: A New Chapter Unfolds
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Bonus
Cash Debacle Wycliffe

Chapter 40

25K 737 52
By UnknownHeartbeats

{Loki's Point of View}

My body's awake but I don't want to open my eyes yet. Ang sakit ng ulo ko at sobrang bigat ng aking pakiramdam. Fuck, hangovers. Bakit ba ko nagpakalasing kagabi?!

Iminulat ko ang kaliwang mata ko at tinignan ang oras sa wall clock. Shit, mag-tatanghalian na! May game pa kami ng 3 pm at hindi ko alam kung makakayanan kong lumaro.

Great, captain. Ang galing mo.

Inis akong bumangon pero dahil doon naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ko sa isang kamay. I froze when I saw whose hand is it.

Bakit nandito si Maxie? And why is she sleeping on the sofa?

Iginala ko ang mata ko sa paligid, we're in my house and damn, kaya pala nanakit ang likod ko, sa sahig ako natulog. Ano bang nangyari kagabi?

Pinagmasdan ko si Maxie habang mahimbing siyang natutulog. Sa pagkakaalala ko'y may practice siya sa cheering squad ngayon. Bakit nandito pa siya? At bakit siya nandito?

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero wala na akong maalala. Mahina akong bumuntong hininga bago tumingin sa kamay naming magkahawak.

Putik yan, hindi naman niya siguro ako pinagsamantalahan?

"Gising ka na. Pakibitawan na ang kamay ko nang makauwi na ko." She mumbled while her eyes are still close. Agad ko namang binitawan ang kamay niya, "Bwisit, alis nga. Bakit ka nandito?"

Minasahe niya ang noo niya bago dumilat at umupo ng maayos, "Ewan ko. Bakit nga ba?" She answered annoyingly.

I rolled my eyes before standing up, hindi pa ako makatayo ng maayos dahil sa bigat ng pakiramdam ko kaya naman napadausdos ako sa sofa, "Tangina, bakit ba ko naglasing kagabi?"

"Hindi ko alam. Wag ka ng maglalasing sa susunod, mas makulit ka pa sa mga bata." Inis niyang sagot saka nag-inat-inat. Tumayo na siya matapos noon, "Alis na ko."

"Ikaw ba ang nag-uwi sa akin kagabi?" Tanong ko. Pero hindi siya nagsalita at dire-diretso lang patungo sa pintuan. Seryoso siyang lalabas siya nang ganyan ang itsura, mukha siyang pulubi.

"Hatid na kita." I stated kaya napalingon siya sa akin ng nakataas ang kilay, "Ano?"

"Wala. Sabi ko good morning. Ge, bye." I said nonchalant. Tumango naman siya saka umalis na ng bahay.

{Maxie's Point of View}

"Mygods, Maxie, bakit ngayon ka lang?! Nag-alala ako sa'yo tapos di ka pa umuwi kagabi! Akala ko kung napano ka na! Buti nalang tinawagan ako ni Bugoy." Bungad sa akin ni Alexie nang makita niya ako sa dorm namin. Mukhang kakatapos lang ng practice kaya hindi na ako makakaabot.

"Nag-alaga ko ng baby damulag kagabi." Sagot ko saka inayos ang suot kong cheering attire. Mag-aalas dos na at dapat bago mag-alas tres ay nandoon na kami sa gym.

"Lintik talaga iyang sa Bugoy! Sa'yo pa pinaubaya si Loki!" Alexie said frowning. Bago pumasok sa banyo para makapaglinis ng katawan.

I sighed, remembering what happened last night. Napuyat ako ng sobra sa kanya. I texted Tard and asked him if he'll be able to fetch me here, just like he promised. Nag-reply naman siya ng, yeah.

Minsan hindi ko talaga magets si Tard. Ang tipid niya sumagot. Napakamisteryoso. He's far from his character on my book.

2:30 nang dumating si Tard para sunduin ako. Parehas lang naman din kami ng pupuntahan. Alexie even frowned when she saw Tard, hindi daw dapat ako sumasama kay Tard ngayon dahil nga may basketball game at kalaban ng team namin ang team ni Tard. Wala naman akong pakealam doon.

"Hindi mo ko tinext kagabi."

Oh shoot. Nakalimutan ko, "Sorry. Nagkaproblema kasi."

"Ayos lang. Sa susunod itetext mo ko para hindi ako nag-aalala." Walang emosyon niyang sagot. I heaved a sigh saka tumingin na lamang sa bintana.

Mabilis naming binaybay ang kalsada hanggang sa marating ang parking lot ng school, "Sabay ba tayong bababa?"

He shrugged, "It's fine with me but it might cause us trouble."

"Doesn't matter."

Ngumisi siya saka ginulo ang buhok ko. Inayos ko na ang gamit ko saka binuksan ang pinto. Hinintay kong lumabas si Tard.

"Nasan ang mga kateammates mo?" I asked nang lumabas na siya, dala dala ang sports bag niya at isang bola. Pinaikot niya ito sa hintuturo niya, "Nandun na siguro sa court. Nag-papractice."

"Ahh."

I can feel people staring at us. But I don't really care. What's wrong if Tard's my friend? Wala naman. They're just thinking that it is a bad thing since Tard is Loki's mortal rival.

We reached the back entrance for the players. Hindi na ako pumasok dahil hindi naman kailangan. Tard stopped and looked at me, "Hahatid ba kita sa bleachers?"

"Wag na."

"Okay. See you." Tumalikod na siya pero pumunta ako sa harap niya saka malawak na ngumiti, "Good luck, Tardy-boo." I said before touching his forehead by my right fist.

Mahina siyang tumawa saka hinawakan ang kamao ko, "Is this some sort of a lucky charm?"

I shrugged smiling, "Kinda."

Ngumiti siya bago idinampi ang labi niya sa knuckles ko. I blushed vehemently kaya natawa siya. Ginulo niya ang buhok ko saka naglakad na palayo.

Malalim akong huminga bago tumalikod para pumunta sa dapat kong pwesto, kaso may nakaharang na lalaki sa harap ko. Humakbang ako pakaliwa at humakbang naman siya pakanan. Humakbang ako pakanan at humakbang naman siya pakaliwa. He's doing this on purpose.

I glared up at him, "Problema mo?"

He glared back at me. What the heck, "Bakit mo kasama yung kumag na iyon?"

"What do you care?" Inis kong tanong at inis na naglakad pero naharang nanaman niya ako, "Kalaban ko siya."

"And?"

"A student from our school should not be seen with any of my rivals, Montesque. You know that." He pin-pointed.

"It doesn't matter." I said nonchalant.

"It matters." Inis niyang sagot. Seriously? Ano bang problema niya?

"It doesn't. So please cut the crap. Wala akong pake kung makita man ako ng mga taong kasama si Tard. Hindi ako nahihiyang kasama siya at mas lalong hindi ako natatakot sa maaari niyong gawin sa akin dahil lang kasama ko siya." Tinalikuran ko siya but hell, he just won't let me go. Hinawakan niya ako sa braso at inis na iniharap sa kanya.

I saw the frustration in his face. Ugh, really? I don't understand him. Sinamaan niya ako ng tingin at ganun din naman ang ginawa ko.

"Boyfriend mo na ba siya, ha?" His jaw clenced as he asked that. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya, "Ano bang pakialam mo?" I gritted.

He stared at me a second before pushing me away, "Fuck this."

That's the last thing he said as he started walking pass me.

Being a cheerleader is quite hard. Ang hirap mag-hawak ng pom poms at magtatatalon dito para lang pasiglahin ang mga players ng school namin kahit na halatang 'for the first time in forever' ay matatalo kami.

Fourth quarter na. Last 1 minute and 2 seconds. 104 - 130 ang score. Lamang ng dalawampu't anim na puntos sina Tard. At sa kalagayan ng team ng school namin ngayon, medyo alanganin talaga.

Pati tuloy ang mga kasamahan kong cheerleaders, nawawalan na ng pag-asa.

"May mali kay captain." Someone from the team said. Napatingin naman ako kay Loki, kanina ko pa din nga napapansin na parang may mali sa kamya.

I've been watching him play for the past few years. Magaling siyang maglaro but this time, I think something's bothering him.

Humingi ng time-out yung coach ng team namin.

"Loki, anong problema?! Ang laki ng lamang sa atin ng kalaban?! Alam mong mahalaga sa atin ang laro na ito dahil pagkatapos nito'y ilalaban ang mananalo sa provincial meet!" Pangaral ni Coach kay Loki.

Suminghap lang si Loki at umupo sa upuan malapit sa kinaroroonan ko.

"Twice to beat naman tayo, Coach." Saad ni Bugoy.

"Kahit na! Sasayangin niyo ba ang pagkakataong ito?!" Inis na sambit ni Coach saka tumingin kay Loki, "Ayus-ayusin mo ang sarili mo! Huwag ka munang sumalang."

Tumalikod si coach sa kanya at kinausap ang ibang kateam niya. Napansin yata ni Loki na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa akin, "What?"

"Weak mo." I said before turning away my gaze. Sakto namang kay Tard dumako ang tingin ko, tumango siya sa akin at nginitian ko naman siya while mouthing, "Galing mo."

"Tigilan niyo nga." Loki suddenly said with annoyance. Tinignan ko naman siya ng nagtataka, umirap lang ito.

Nagpatuloy ang laro, hindi muna isinalang si Loki dahil mukhang sa unang pagkakataon ay siya ang magpapatalo sa team niya. Natapos ang laro nang hindi nahabol ng team ang score nila Tard.

"The final game for the two teams will be held again at the same venue. Next Friday at 3 in the afternoon." Said the announcer, "Let's all give our cheers for today's winner, Kleinton University."

I can hear some 'boos' from our side but mostly, cheers and claps ang tinamo ng team ni Tard. Ipinakita niya sa akin ang phone niya, gesturing for me to look at mine. Kinuha ko ito sa bag niya and saw his text.

From: Tardy-boo
You're my lucky charm. Thanks.

I smiled at him and show him a thumbs up. Their team eventually left the venue. Nag-palit na ako ng damit ko para makadiretso na sa pinagtatrabahuan kong fast food chain.

As I was changing my clothes, narinig ko ang usapan ng ilan sa mga kasamahan kong cheerleader.

They were talking about Loki. Yet the conversation went to me and Tard. I anticipated this to happen kaya winalang bahala ko na. I waited for everyone to leave the changing room bago ako lumabas.

Sakto namang paglabas ko ay dumadaan si Loki habang nakajersey pa din at halatang wala sa mood.

"Why do I have to bump into you wherever I go?" He said in a disgusted tone.

"I want to ask the same." I retorted before walking pass him. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "Bitawan mo nga ako."

"Saan ka pupunta? Kay Tard?"

"May trabaho ako." Inis kong sagot, pulling my hand from him but he did not let go, "Hahatid na kita, wala naman akong gagawin."

"Magtraining ka."

"Hindi na kailangan."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit hindi? Let me remind you, Wycliffe, you lost today's game. For the first time. Natalo ka nina Tard, tapos hindi ka magtetraining?"

"Now, you're concerned." There's sarcasm in his voice.

"I am not concerned. I was just saying that if you want to win the game, you need to train. That's an obvious fact."

"I trained a lot than you think, Maxie." Inis niyang sambit, "So don't blame my skills just because we lose today's game."

"Eh bakit kayo natalo?" Iritado kong tanong. Huminto na din kami sa paglalakad at parang aso't pusang nag-aaway dito.

He squinted his eyes on me, "Blame yourself."

I gaped at him, "You are blaming it to me? Wow! Baliw ka ba?"

"Kasalanan mo naman talaga!" He gritted.

"All I did was to cheer for the team, pano ko naging kasalanan? Ako ba ang naglalaro? Hindi naman ah!"

"Mind you, Maxie, you're not cheering for 'my' team! You're cheering for Tard."

"I am on our team's side!" Tumataas na ang boses ko sa sobrang inis ko sa kanya. Napaka-illogical thinker niya! Ugh!

"Oh yeah?" Inis niyang tanong, "Then you should've given me your good luck charm rather than giving it to the bastard."

"He's not a bastard!" I shouted at him, "And he deserves my good luck charm. I'd rather give it to him everytime than giving it to a bad guy like you!"

"For Pete's sake! I am not the bad guy here!" He frustratingly said.

Pinaningkitan ko siya ng mata, "Then who else?"

"Edi si Tard!"

Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya, "At paano naman siya naging bad guy dito?!"

Inis niyang ginulo ang buhok niya gamit ang isa niyang kamay dahil nakahawak pa pala sa kamay ko ang isa pa, "He's taking you away from me."

Imbis na kiligin dahil parang ang possessive nung pagkakasabi niya, nainis pa ako. Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"No one is taking me away from you." I pointed him using my index finger, "You're the one who pushed me away!"

Inis niyang binitawan ang kamay ko at parang batang ipinadyak ang paa niya dahil sa sobrang inis.

"Para kang tanga." I told him before walking away.

Hindi ko siya maintidihan at ayoko muna siyang intindihin. Bahala siya sa buhay niya, bwisit.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 659 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
117K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...
1.6M 44.1K 89
He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba...
550K 4.6K 8
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PSICOM. GET YOUR COPY NOW! AVAILABLE ON SHOPEE AND LAZADA. BLURB: Kilala si Yvaine Roxas bilang college student na NBSB...