Chapter 42

25.2K 791 131
                                    

{Loki's Point of View}

"Tangina mo." Isang malutong na mura ang pinakawalan ko bago malakas na sinuntok ang nambastos kay Maxie. Halos durugin ko na ang pagmumukha niya dahil sa sobrang gigil ko.

Nagsimula ng magkagulo ang mga tao. Alam kong posibleng hindi namin kakayanin ang mga ito dahil madami sila pero tangina, binastos nila si Maxie at hindi ko palalampasin yun.

Marahas kong kinuha ang kamay niya at pinilipit ito hanggang sa umaray siya sa akin, gusto ko iyong putulin.

Napasinghap ako nang tumama sa likod ko ang malakas na paghampas ng isang kahoy.

Hinila ko si Maxie patungo sa likod ko at mabilis na pinatumba ang lalaking naghampas sa akin ng kahoy.

Hinanap ng mata ko ang lalaki kanina pero gumamagapang na siya palago. Tangina, kailangan noong mamatay.

Impit na patili si Maxie nang madaplisan ako ng kutsilyo sa braso. Napakagat ako sanlabi ko saka sinukmuran ang lalaki at kinuha ang hawak-hawak niyang kutsilyo. Agad itong napalayo sa akin.

I dodged another attack while making sure that Maxie is unharmed. Saglit akong napatingin sa kanya nang maramdaman ko ang panginginig niya.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, "Don't worry. I'm your hero for today."

Matapos noon ay mabilis ko siyang ipinasan sa akin, I heard her gasped but I didn't mind, we have to go out of this place kundi mas lalaki ang gulo.

Sinenyasan ko sina Bugoy na kasalukuyang kinikweluyahan yung isang lalaki, umismid siya sa akin bago mabilis itong tinulak palayo.

My other team mates quickly gathered and formed a circle with me and Maxie on it's center. Sila ang nagsilbing proteksyon namin habang ang ilan ay tinatapunan sila ng malalakas na suntok.

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang numero ng isa kong katropa, mabilis niya itong sinagot, "Lok—"

"Track my phone, bring your squads and let this assholes pay." Iyon lang ang sinabi ko saka itinapon ang phone ko sa gitna ng gulo.

"Hoy tangina, lumipad yung iPhone ni Loki!" Bugoy chanted, tempted to get my phone back but he didn't left his position and continued with risking their strength for this.

Mahigpit ang pagkapit ni Maxie sa akin, I can feel her shiver, "M-may dugo ka.."

"Ayos lang." Malamig kong sagot saka mabilis na umalis sa lugar. Gayun din ang mga kasama ko. Kitang-kita ang pagkairita nila sa mukha, marahil dahil manyak yung mga lalaki o dahil nabitin sila sa suntukan na naganap.

Huminga ako ng malalim before carefully making Maxie sit on the second row of the van's seats. Tumabi ako sa kanya, "Ayos ka lang?"

Mahinhin siyang tumango, "Ikaw ang dapat kong tanungin."

Umismid ako, "Ikaw yung nabastos."

"Ikaw yung nakipagsuntukan."

"Ikaw yung hinipuan."

"Ikaw yung nag-risk ng buhay mo."

Inirap ko ang mata ko dahil sa kakulitan niya, maya-maya pa'y nakapasok na din ang mga kateammates ko sa sasakyan, "The Wrecked tayo." Saad ko, tumango naman si Bugoy na siyang magdadrive.

The Bad Girl's Bad BoyWhere stories live. Discover now