Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

925K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 18

22.8K 394 21
By kisindraaaa

Kanina pa nakangiti si Lance at nakatitig sa cellphone nya habang hawak ng isang kamay ang baso ng brandy. Para syang na-engkanto dahil sa tuwang nararamdaman nya.

 

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

 

Hindi nya maintindihan ang sarili. Dapat nga mainis sya dahil hindi nya naisako ang isang investment proposal kahapon.

  

Pero sa halip na magalit, nagagawa nya pang ngumiti ngayon. And it's weird. 

 

"Hmm.. Ang ganda ni Joey dyan a....", automatic na naitago nya ang hawak na cellphone sa tagiliran at nilingon si Liz na ngayon ay nang-aasar na nakangiti sa kanya. 

 

"Kanina ka pa dyan?", tanong ng binata. Bakit hindi man lang nya naramdamang lumapit ito?

 

"Uh-ha! And I was able to watch your moves intently. What's with that smile anyway? Saka bakit may picture si Joey dyan sa phone mo?", sunod sunod na tanong ng dalaga. Humila ito ng isang upuan at umupo doon. "If I know, hindi mo ugali ang mag-store ng picture ng babae sa cellphone mo. Kahit nga ako walang picture dyan e.", mukhang hindi na naman sya titigilan ng kapatid.

 

"Kelan ka pa nakabalik from HongKong?", pagkuwa'y tanong ng binata.

  

"Tsk. Tsk. Tsk. Nice trick to change the topic, Lawrence! That's not really you. Come on.. Tell me something I need to know.", makulit pa sa wig ang kapatid nya. Kahit kailan talaga!

   

"There's nothing you need to know, Liz... You better rest now..", But he doubt kung makikinig ito.

 

 

"No way! Hindi pa tayo tapos mag-usap no? Saka ano yung nabalitaan kong nag-skydive si Joey para lang makapag set ng appointment with Mr. Gallego?", napakunot ang noo mi Lance. Pati ba naman yun, hindi makakaligtas sa kapatid? 

 

 

"I didnt ask her to do that... It's her choice!"

  

 

"But isnt she interesting huh? I told you, magugustuhan mo rin sya someday. Pero mukhang napaaga naman yata ang 'someday' na yun...", maya-maya ay tumayo na ito. "Anyway, I have to go. Jetlag's killing me. Bukas na lang tayo ulit mag-usap.", pero bago pa ito makalayo ay nasagsalita ulit ang kapatid. "Nice stolen shot, anyway! Dream of Joey tonight!"

 

 

It took him a minute before he realized what Liz said... Maya-maya ay napangiti na naman sya at tiningnan ulit ang picture ni Joey sa cellphone. 

 

Tama ang sinabi ng kapatid. Hindi nya ugaling maglagay ng picture ng babae sa cellphone nya. Pero masyado syang natuwa kay Joey kanina. So he took a picture of her while she's busy watching the kids playing in the lawn. Nakisama naman ang camera sa cellphone nya at hindi blurred ang naging outcome ng photo.

  

Joey, Joey, Joey... Why do you have this kind of effect on me?

  

 

 

*****

 

 

“Waaaaaaaaaaaah!!! Monday na naman... Time to work again”, Nagwawala ang isip nya. Pero agad naman syang na-excite at nagprepare ng maaga. Kaya maaga rin sya nakarating sa office. Excited na syang makita ang boss nya. A sweet smile curved in her lips when she thought of their 'first date' in Luneta.

 

Tiningnan nya ang relo sa table nya... 7:20 na. Bakit kaya wala sya? May meeting pa yun mamayang 8:30 para kay Mr. Gallego.

  

She was about to call him ng makita nya na itong naglalakad palapit sa kanya. Ang gwapo talaga! Tumayo sya para batiin ito.

  

"Good morning, sir.", she greeted. 

 

"Good morning...", holo! Tama ba ang narinig nya? Bumati din ang boss nya sa kanya?

  

Baka naman guni-guni ko lang yun...

  

Tinampal nya ng mahina ang noo. Baka masyado lang syang kinikilig sa lakad nila nung sabado.

  

"May problema ba? Masakit ba ang ulo mo?", nagulat sya sa tanong ni Lance. Nasa harapan nya pa pala ito. Agad naman syang ngumiti. 

 

"Ahh.. Wala po, sir. Ok lang ako.", tumango lang ang binata. Papasok na sana ito sa loob ng opisina ng tawagin nya ulit. 

  

"Pero, sir! Nag-greet nga ba talaga kayo sakin kanina?", nagtatakang tanong nya. 

 

"I did. But you greeted me first.", then he opened the door and get inside. 

 

Gustong tumalon ni Joey sa tuwa. Agad syang nagtimpla ng kape at inihanda ang almusal nito sa tray saka pumasok na sa opisina.

  

"I'll be taking the coffee. Nagmamadali ako. May meeting pa ako kay Mr. Gallego...", sabi nito at inayos na ang mga gamit na dadalhin. 

 

 

"Ako na po ang bahala dyan, sir. Kumain na po muna kayo habang inaayos ko yan. Hindi po pwedeng kape lang ang laman ng tiyan mo...", kinuha na ni Joey ang mga papeles na dadalhin... Hindi nya napansin na nakangiting pinagmamasdan sya ni Lance. 

 

20 minutes later...

  

"All set, sir!", sabi ni Joey at iniabot nito sa kanya ang attache case. 

 

"Good. Now prepare your things. You're coming with me...", nanlaki ang mata ng dalaga. Pero agad naman syang nakabawi at inayos na ang gamit nya. 

 

Sya na ang nagdala ng ilang folders. Pero hindi na kasing dami nung huling isama sya nito sa meeting. Limang folders na lang ngayon. Ibinigay ulit sa kanya ni Lance ang cellphone para daw sa incoming calls. 

 

Natuto na rin sya at sya na ang pumindot ng elevator button. 

 

"Mabigat ba yan? Palit na lang tayo ng dala...", sabi ni Lance habang nasa elevator sila. 

 

"Naku, sir. Ok lang. Magaan lang naman e.. Tatawagan ko po ba ulit yung valet?", tanong ng dalaga

 

"Yes, pls.. And do the driving na rin... Paliparin mo na rin kung gusto mo...", agad naman napangiti si Joey. Kitang kita ang excitement sa mukha nya. Lihim na napangiti na lang si Lance sa nakikitang saya sa mukha ng dalaga. 

 

They reached the ground floor. Panay na naman ang bati ng mga empleyado ng makita sya. Pero ang ikinagulat ni Joey, hindi na ito suplado tulad dati. Sa halip ay ngumingiti na ito sa mga bumabati.

 

"What?", tanong ng binata ng mapansing nakatingin sa kanya si Joey.

  

"May lagnat po ba kayo sir?" 

 

"None. I'm perfectly fine! Bakit mo naman naitanong?", sagot naman ng amo.

"Wala naman po. Nagtataka lang ako sa reaction mo sa greetings nila..." 

 

"They deserved that. In fact, masama ang maging suplado, diba?", saka nauna na itong naglakad sa kanya palabas ng building. Naiwan syang nagtataka pa rin sa nangyayari...

 

Tama ba ang narinig nya? Ito mismo ang nagsabi na masama ang maging suplado?

  

Lawrence Del Fierro! Grabe na ang ka-weirdo-han mo! 

 

Mabilis syang naglakad at sinundan si Lance. And for the 2nd time around, halos malaglag na naman ang panga nya sasakyang nasa harapan nila ngayon. Inaasahan nyang ang McLaren ulit ang gagamitin nilang kotse. Pero hindi! Iba na naman! Kung hindi sya nagkakamali, Alfa Romeo ang nasa harapan nya. 

 

Nagising na lang sya sa marahang pisil sa pisngi nya. It was Lance, who was smiling with amusement.  

 

"Let's go. Baka ma-late tayo. Hindi lang skydiving ang gagawin mo pag nagkataon.", natawa sya sa sinabi nito. 

 

Pumasok na sila sa kotse.

  

Driving one of the top of the line cars?

 

Hmnn.. not bad!

  

"Sir, ilang minuto pa ba ang natitira before ng appointment mo?", tanong nya habang kinakabit ang seatbelt.

  

"30 mins. And his office is 5 kilometers away from here...", sabi ng amo.

  

"Dont worry, sir.. Papaliparin ko na lang to.. Kapit kayong mabuti ha?", she started the ignition. "Here we go!!!" 

 

30 minutes?

 

Not a chance a ma-late sila!

Continue Reading

You'll Also Like

104K 3.2K 25
Kisses Series #1 Dawnyel David Alvaro isang estudyante nagsisikap makapagtapos ng pag aaral upang mainangat sa kahirapan ang buhay nila ng kanyang na...
6.8M 90.4K 62
First of all wag kayong mag expect sa story ko na to ha. First time nga kaya d pa gaano ka perfect hihi. Appreciate niyo nalang at kung wit niyo bet...
660K 26.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
612K 2.5K 7
Mistake have different meanings and people have their own opinions,what is really a mistake? Some people said that a mistake is always wrong and bad...