The Silent Type of Bad Girl (...

By conflictjumper

846K 18.5K 814

(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true... More

Prologue
Chapter 1 - Just a Nobody
Chapter 2 - Badgirls in Silence
Chapter 3 - I'm Satan
Chapter 4 - First Kiss
Chapter 5 - She's Dead
Chapter 6 - Dark Junco
Chapter 7 - Silver Bracelet
Chapter 8 - Green Eyes Wolf
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - The Punishment
Chapter 11 - Damn you, Hiro Ashford!
Chapter 12 - Erickha's Secret
Chapter 13 - Friendship
Chapter 14 - Familiar
Chapter 15 - Field Trip
Chapter 16 - Pairing
Chapter 17 - Stranded
Chapter 18 - Black Snake Gang
Chapter 19 - Positions
Chapter 20 - Officially Back
Chapter 21 - Heartless
Chapter 22 - Convinsing Chase
Chapter 23 - Game
Chapter 25 - Blaze
Chapter 26 - I'm dead
Chapter 27 - Unexpected
Chapter 28 - The 2015 20th Annual Underground Battle Pt. 1
Chapter 29 - T201520thAUB
Chapter 30 - The Day After
Chapter 31 - New Trouble
Chapter 32 - Battle is not Over
Chapter 33 - Memories
Chapter 34 - Near
Chapter 35 - The Rival's Plan
Chapter 36 - Crazy
Chapter 37 - Worry
Chapter 38 - Prom Night
Chapter 39 - GW Powerful Leaders
Chapter 40 - The Past
Chapter 41 - Revelations
Chapter 42 - How?
Chapter 43 - Real Reason
Chapter 44 - Traitor Bitch
Chapter 45 - Important (Last Chapter)
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5 - A Random Letter for Castro by Javier
Special Chapter 6 (Final Special Chap)
EXTRAS

Chapter 24 - Rank 10

12.8K 316 18
By conflictjumper

BiS logo in the multimedia. Sorry kung hindi masyadong astig. Sariling design eh. Haha! ;)

---
CHAPTER 24 - RANK 10

Chasey's POV

Tapos na ang sembreak kaya back to school nanaman ako. Hay! Parang ilang araw lang yung bakasyon namin tapos pasukan ulit agad. What the fuck? Tinatamad pa ko sa totoo lang kaya lang wala akong magagawa kung hindi pumasok dahil dakilang good girl pa din ako doon sa school kahit papaano. At isa pa baka maapektuhan pa ang mga grado ko. I need to maintain my image.

"Hoy Chasey! Bilisan mo nga! Ang bagal bagal mo talaga kahit kailan, iwanan kaya kita?!" Sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko dahil sabay kaming papasok ngayon. Hindi ko nga alam kung anong trip niya at isasabay niya ko ngayon eh kadalasan naman hindi kami nag sasabay talaga sa pag pasok dahil nga una, mabagal akong kumilos, pangalawa, ayaw ko talaga siyang kasabay.

"Edi iwanan mo ko, pakielam ko? Kaya kong pumunta ng school mag isa." Sagot ko habang inayos ang ribbon ko. Tumingin ulit ako sa salamin at inayos ng kaunti ang buhok ko pahalang sa mukha ko. Tinabunan ko ang scar sa bandang sentido ko dahil ayokong nakikita 'yun. It just reminds me of something I shouldn't even remember. I sighed and fixed myself one last time before going out of my room.

Inirapan ko lamang si Kuya nang madaanan ko siya sa sala bago dumiretso sa kusina at kumain.

Pagkarating ko sa RU ay madami na kong nakikitang estudyante sa oval dahil mag s-start na ang flag ceremony for the new semester. Ang ilang kaklase ko ay nandoon na rin pati ang mga kaibigan ko. Himala na maaga sila ngayon. Nakita kong kumaway si Keith sa direksyon ko ng makita ako kaya tumango na lamang ako.

Mabilis akong nag lakad papuntang room at pag pasok ko ay wala akong nakitang ibang tao kung hindi si Celyn na nakaupo malapit sa cabinet at nakayuko. Ano naman ang nangyari sa isang ito? Nilagay ko ang bag ko sa upuan at pag katapos ay nilapitan ko siya. 

"Problema mo?" Tanong ko at nag angat naman siya ng tingin sa'kin. Namamaga ang mga mata niya. Halatang galing sa matinding pag iyak.

"Pakielam mo?" Ay, attitude, sis.

"May pakielam ako kasi classmate kita." Pag didiin ko sa salitang classmate. I sound bitter even in my own ears but I don't really care. "Concern lang ako rito kaya pwede ba, 'wag ka ng mag taray kasi baka masumbunutan lang kita." Ganitong bad trip ako ngayon dahil tinatamad pa kong pumasok 'wag siyang tataray taray sa'kin. Buti nga kinakausap ko pa siya eh. Limited lang kaya ang paki ko at ang swerte niya dahil naambunan siya ng kahit kalahati.

"Kung ako mataray, ikaw naman war freak. Pwede ba, iwanan mo na lang ako. Gusto ko mapag isa!"

Nag buntong hininga naman ako at umirap. "Okay, fine. As you wish," I said lazily at nag lakad na ko palabas. But I stopped myself noong nasa tapat na ko ng pinto at lumingon ulit sa kanya. "Anyway, 'wag kang mag papakamatay ha? Room 'to at hindi sementeryo. At isa pa, di ka man niya mahal, mahal ka naman ni Lord." And I gave her a smirk. Balita na kasi na may boyfriend ito si Celyn before sembreak happened. I just assumed na baka dahil sa lalaki kaya siya umiiyak ngayon. I shooked my head in dismay, problema lang talaga iyang pag ibig na 'yan sa buhay!

Dumireto agad ako sa oval. Sinalubong naman ako noong tatlong bruha at tinapik sa balikat. "Good to see you again, Chasey. Kamusta ang sembreak mo?" Tanong ni Erickha.

"Nothing change kaya 'wag na kayo mag tanong." Tamad na tamad kong sinabi at pumila na. Gusto ko na umuwi.

"Highblood ka nanamang bruha ka. Hay nako Chasey, mabilis kang tatanda niyan kapag laging busangot ang mukha mo. Smile naman dyan." Si Ella, nang aasar.

"Hindi ako marunong ngumiti sa panahong bad trip ako."

"Edi wow! Hindi ka naman talaga ngumingiti kahit hindi ka badtrip. Ano bang bago?" Si Keith. I just gave her a scowl at hindi na nag salita pa.

Natapos ang flag ceremony na hikab lamang ako ng hikab. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa ng isang story online kaya 'yun, alas dose na yata ako nakatulog. Bumalik agad kami ng classroom after some announcements. Wala na si Celyn doon sa sulok. Nakaupo na siya do'n sa upuan niya sa bandang likod ko at may sinusulat na kung ano sa notebook niya. Umupo na rin naman ako sa upuan ako at noong mapatingin ako sa katabi kong upuan ay tsaka ko lamang napansin na wala pa siya. Nasaan nanaman ang abnormal na 'yun? 'Wag naman na sana siyang ipahanap sa'kin kasi hindi ko na mat-take na mag linis pa ulit ng CR.

"Good morning everyone." Bati sa'min no'ng teacher namin para sa first subject which is Science. Nag check siya ng attendance at pagkatapos ay nag discuss na siya about plate tectonics and volcanic erruptions. Hindi naman naging boring kaya masasabi ko namang may natutunan ako kahit ang utak ko ay nasa bakasyon pa. After ng Science ay Music. And as usual, wala nanaman akong naintindihan dahil kung saan nanaman napunta ang discussion ng teacher namin. Paikot ikot na lang sa Dota at Nota ang sinasabi niya. Nakakairita! Kung sana ang tinuturo na lang niya ay kung pano tumugtog ng instruments at ihands on nila kami do'n ay mas maganda pa. Baka matuwa pa ko dahil gusto kong matutong mag guitar at mag drums. Kaya lang hindi eh, nauubos ang isang oras namin sa walang patutunguhan na discussion.

Kung pwede lang talagang hindi pasukan ang subject na ito, ginawa ko na.

Noong mag recess na ay pinauna ko na muna 'yung tatlo sa canteen para mag reserve ng table. Mag tatanong pa sana sila kung bakit pero nilayasan ko na sila at pumunta na ko ng restroom para mag hilamos. Habang pinupunasan ko ang mukha ko ng towel ay may pumasok na babae at nag hugas ng kamay. Si Rielyn.

"Hi." Bati ko na ikinagulat naman niya. Isa pa ito, OA.

"H-Hi! Mag isa ka yata? Nasaan ang mga kaibigan mo?" She stuttered.

"Nasa canteen, pinauna ko na. Sige aalis na rin ako." Iiwan ko na sana siya ngunit tinawag niya muli ako. I was already facing the door and I didn't bother to turned around just to face her.

"Chasey saglit..."

"Bakit?"

"Sorry."

"For what?" I arched my eyebrow.

"For some things..." Pagkatapos no'n ay siya na mismo ang naunang umalis. Tiningnan ko lamang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napailing ako.

That girl, dapat ako ang mauunang mag walk out sa'ming dalawa eh!

Pumunta na ko ng canteen at umorder lamang ako ng pasta and fries bago ako dumiretso sa table namin. Grabe, wala talaga ako sa mood ngayon. Parang gusto ko na lang matulog buong hapon at sa susunod na araw na lang gumising. Walang kwenta ang pag hihilamos ko, bwisit!

"Saan ka nag punta?"

"Ginising ko lang ang sarili ko."

"Ha? Bakit tulog ka ba kanina? Hindi naman ah."

"Ewan ko sa'yo. Kausapin mo ang sarili mong slow ka." Sabi ko at natawa naman 'yung dalawa. Nag pout naman si Ella at kinausap nga ang sarili niya. Baliw.

Patapos na 'kong kumain noong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng skirt ko. Pag tingin ko, new email from underground site kaya inopen ko agad.

UG wbste_
Bad girl in Silence rank TOP 10 on MPG. Good start badgirls.

I smirked upon reading it. "Guys, top 10." Mahina kong sinabi at inexit ko na ang email app ko. Gulat naman silang napatingin sa'kin. "Hindi nga? Agad?" Keith asked surprised.

"Yup."

"So kaylangan na nating ibalik 'yung logo natin? Nakapasok na ulit tayo sa rank eh." Tumango naman ako sa sinabi ni Erickha. Kapag kasi ang isang gang nakapasok na sa ranking kaylangan na nilang magsubmit ng logo sa site para maregister na sila, officially. At dahil dati naman na kaming group ay may logo na kami, hindi na problema.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami ng room. Habang nag lalakad ako ay tinext ko siya.

I made it. ;)

Pagkasend ko no'n ay ilang segundo lamang ay nag reply na siya.

Yeah. Saw it on the site. Good job Andrei. :)

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 4.3K 98
First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the sec...
892K 23.5K 82
Anong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagm...
517K 15K 63
SOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isa...
924K 26.4K 48
✴FICTION ✴COMPLETED ✴UNEDITED ✴HEAVEN WINTER SNOW LOURDE♥