Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

925K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 17

23K 425 21
By kisindraaaa

Chapter 17


Tiningnan ni Joey ang reaction ng boss nya ng makarating sila sa itinuro nyang lugar. Nakakunot ang noo nito at halata ang pagtataka sa mukha. Pero hindi naman nagtanong.

"O, anong say nyo, sir? Ayos ba?" nakangiting tanong nya dito. Kung sya kasi ang tatanungin, tuwang tuwa sya.

"Where are we?"

Napataas ang kilay ng dalaga.

"Seryoso, sir? Hindi nyo alam kung nasaan tayo?" gusto nyang matawa. Seryoso ba 'to o ginu-good time lang sya?

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" masungit na sagot nito.

"Sungit nyo na naman, boss. Nandito tayo sa Luneta. Kayo talaga. Naturingan kayong Pilipino, hindi nyo alam kung itsura ng National Park ng Pilipinas. E kung---" napatingin sya sa amo nya at kunot noo itong nakatitig sa kanya. Agad naman syang tumigil at ngumiti. "Sorry, sir. Tara na. Mainit dito sa pwesto natin."

Nauna na syang maglakad dito. Baka kasi mag-iba ang mood nito at iwan sya bigla. Naku! Hindi pwede yun. Kulang ang dala nyang pera para sa pamasahe.

"Where are we going?"

Halos mapatalon ang dalaga sa gulat ng biglang magsalita ang amo. Katabi nya na pala ito ay sumabay na sa kanya sa paglalakad.

"Ahm, maghahanap tayo ng tatambayan natin. Tara, sir. Doon tayo." bahagyang tumakbo pa ang dalaga ng makakita ng pwesto.

HINUBAD NI LANCE ang suot na coat at inilatag sa damuhan saka naupo na doon. Hindi pa rin gumagalaw si Joey.

"Hindi ka ba nangangawit dyan? Come on. Sit here." bahagya pang tinapik ni Lance ang bakanteng pwesto sa tabi.

"E, sir... Nakakahiya kasi. Sayang naman yung coat mo. Madudumihan yan."

Napatawa ang binata.

"It doesn't matter. Papalabhan ko naman sayo to."

Nanlaki ang mata ni Joey dahil doon.

"Naku, sir. Wag na lang."

"Just kidding. Umupo ka na. Nahihilo ako sayo. Ang tangkad mo." reklamo ng binata.

"Sure kayo, sir? E kaso magkakatabi tayo..."

"So? Come on..." hinawakan ni Lance sa kamay nito at bahagyang hinila kaya napaupo ang dalaga. Muntik pa nga itong napasubsob sa kanya. Dahil doon ay hindi nakaligtas ang mabangong amoy nito. Her scent is so natural. She smells like rose and strawberry. And her hair feels so silky. Kailangan nya pang pigilin ang sariling haplusin iyon. Who would have thought na sanay ito sa mabibigat na trabaho gaya nang pagmamaneho ng taxi.

"Ang bigat mo." Kunwa'y reklamo ng binata.

"Sorry, sir. Kayo kasi hinila nyo pa ako." she pouted, and she looks so cute whenever she does that. "Pero sure kayo, sir? Hindi pa kayo nakakarating dito?"

"Obvious ba?"

Sa halip na maapektuhan sa sinabi nya ay tumango lang ang dalaga.

" Sabagay... Sa mga sosyal na lugar nga lang pala kayo madalas pumunta. Pero wag po kayong mag-alala. I'll be your secretary slash instant tour guide for today." masiglang sabi ni Joey.

Mabuti na lang pala jeans at simpleng shirt lang ang isinuot ng dalaga sa kabila ng pagmamadali nyang makapag ayos kanina. Kumpara naman sa lalaking kasama nya ngayon. Naka-corporate attire pa. 3-piece suit. Minus necktie. Pero sooo gwapo pa rin.

"Magaling ka bang tour guide?" tanong ni Lance sa kanya. He was almost smiling.

"Naman, sir! Kung hindi nyo naitatanong, anak ako ng Luneta nung bata pa ako. Madalas kami dito nila tatay."

"Kasama yung nanay mo?"

Natigilan si Joey sa narinig. Bigla ay nagbago ang mukha nya. Pero agad din syang ngumiti at tumayo na.

"Tara na. Simulan na natin ang paglalakad. Habang hindi pa mainit ang sikat ng araw." naglakad na si Joey pero hindi pa rin tumatayo si Lance. Nagtataka ang binata sa reaction ng dalaga nung binanggit nya ang nanay nito.

"Sir! Tara na!" narinig nyang tawag ni Joey. Medyo malayo na pala ang nalakad nito. Tumayo na sya at kinuha ang coat na nakalatag sa damuhan at sinundan ang dalagang naghihintay.

"SIR, PA-PICTURE NAMAN..."

Tiningnan lang ng amo ang cellphone na inaabot ni Joey. Nag-isip pa ito kung tatanggapin. Mas inilapit pa iyon ni Joey sa binata para tanggapin nito. Mabuti na lang at naicharge nya iyon sandali habang nag-aayos sya kanina.

Napangiti ng malapad ang dalaga ng sa wakas ay kunin ni Lance ang cellphone nya.

"Thank you, sir. Ayusin nyo ah."

Tumakbo na ang dalaga sa parte na maraming bulaklak at nag-wacky pose. Agad naman pinindot ni Lance ang capture button.

"Ok na!" sabi ng binata.

Nag-pout naman si Joey at lumapit dito.

"Agad? Patingin nga..." kinuha nya ang cellphone at napasimangot sa nakita "Naman, sir e! Blurred oh! Ang ganda pa naman sana ng anggulo ko. Pwede isa pa?"

"Di ba, ikaw ang tour guide? Hindi mo dapat ako inuutusan." reklamo ng binata..

"Sige na, sir... Last na. Promise!" sabi ni Joey.

Kahit mukhang napipilitan ay kinuha pa rin ng binata ang cellphone nya. Mabilis na bumalik si Joey sa pwesto. Mabilis naman na nagshot ang binata ng picture. Nang tingnan iyon ni Joey, blurred pa rin pero mas okay naman kaysa sa nauna. Hinayaan na lang nya at nagpatuloy na sila pag-iikot. Bitbit ang coat, sumabay si Lance kay Joey sa paglalakad habang panay naman ang kwento ng dalaga.

Mula kanina ng nakita nya ito, hindi sya na-boring habang magkasama sila. Nakakapagtaka lang dahil hindi sya nakaramdam ng ganito sa ibang babae.

"Gutom na ako." sabi ni Joey maya-maya.

Tumingin si Lance sa relo nya. 12:30pm na rin pala. Kaya naman pati sya ay nagugutom na rin.

"Let's go. Hanap tayo ng restaurant."

"Restaurant? Naku, sir. Baka maghanap pa kayo ng fine dining dito ha. Malayo pa yun. Tatawid pa tayo at maglalakad ng malayo. Hindi ko na kayang maglakad pa at hindi kakasya ang pera ko."

"Then where are we going to eat? Wala naman ibang makakainan dito." nagpalinga-linga pa sya.

"Fast food." itinuro ni Joey ang fast food na may letrang M. Nang hindi sya sumagot ay napansin nyang nilingon sya ni Joey. "First time nyo rin kumain sa fast food?"

Bago pa mamalayan ng binata, hinila na sya ni Joey sa loob ng fast food. Pinakuha sya nito ng table at sinabing hintayin nya ito doon. Dahil tanghali, maraming tao doon at mas mabuti nang may siguro silang mauupuan. Bago umalis ang dalaga ay inabutan nya ito ng isang libo. Saglit na natigilan si Joey pero sa huli ay kinuha din naman.

"HINDI KITA NATANONG kanina kung anong gusto mong orderin." Ipinatanong ni Joey ang tray na puno ng pagkain sa mesa nila ni Lance. "Pero nag-assume na gusto mo ng kanin. Kailangan mo yan dahil mahaba pa ang araw."

Hindi naman umangal ang binata ng isa isa na nyang alisin sa tray ang mga order nila. Sigurado gutom na din ito dahil hindi nagreklamo. Galit galit sila nang magsimula kumain. Gutom na gutom din si Joey dahil kape at dalawang pandesal lang naman ang kinain nya kaninang umaga.

"Ikaw, bakit ganyan ka makipag-usap sa akin? Aren't you even intimidated of me?" Lance asked.

Tapos na sila sa pagkain at inuubos na lang ang sundae.

"Medyo intimidated din po. Pero alam ko naman na mabait kayo, sir. At ayaw nyo lang ng palpak na empleyado kaya kayo masungit. Saka napansin ko, mas masungit kayo noong hindi kayo nakakapag-almusal. Tingnan nyo, kapag busog, bihira na kayo magalit."

Dahil doon ay biglang may naalala ang binata.

"Maybe you put something on my food."

"Oy, sir, wala ha? Saka bakit ko naman gagawin yun? Eh di nawalan ako ng trabaho. Eh kailangan ko nga makaipon."

Natawa na lang ang binata sa reaksyon ni Joey. He was just teasing her. Ng marealize naman ng dalaga ang sinabi nya, natawa na rin ito.

Inubos muna nila ang sundae hanggang sa huling patak. Busog na busog si Lance. It was the first na nabusog sya ng ganoon katindi.

Matapos ang lunch, bumalik sila sa pwesto nila kanina. Nasa damuhan iyon at natatakpan ng malaking puno ng acacia. Muling inilatag ng binata ang coat. Pareho silang sumandal sa malapad na puno at nagmasid sa paligid. It was 3pm. Pero dahil maraming puno at malalawak ang sakop ng mga dahoon nito, mapresko na ang paligid. Marami na ang naglalakad at naglalarong bata. Kumpol-kumpol ang mga tao. Mas marami ang nagpi-picnic. Pero mas marami ang couples na nagde-date.

Napalingon sya sa gawi ni Lance. Nakapikit ito habang prenteng nakasandal sap uno at nakahalukipkip. Nakatulog siguro sa pagod. Tinitigan nya ang binatang katabi. Ang gwapo talaga niya. Ni wala sa hinagap nyang mangyayari ang pagkakataong ito.

Nakakaloka pala ang first date no? Para kang nanalo sa lotto. Sobrang saya. Parang nakalutang sa ulap. Kahit na hanggang ngayon, hindi nya pa rin alam kung ano ang nakain ng amo at naisipan syang isama sa pagliliwaliw nito.

"Bakit kapag natutulog ka, hindi halata ang kasungitan mo? Sabagay, kahit naman gaano ka pa kasungit, hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sayo. Crush pa rin kita." napangiti si Joey. Feeling nya, gumaan ang pakiramdam nya ng mailabas nya ang nararamdaman. Kahit na alam nyang hindi naman nito iyon narinig.

Kapagkuwa'y ibinaling na lang ulit ng dalaga ang tingin sa mga batang naglalaro. Nakaka-enjoy silang panoorin. Hindi nya napansin noong nagdilat ng mata si Lance.

Hindi nito napigilan ang pagngiti. He felt happy of what he heard. Crush sya ni Joey. Damn, crushes are for kids only. Pero bakit masayang masaya ang puso nya? 

Continue Reading

You'll Also Like

693K 13.7K 51
She's famous. She's a model. She's hot. She's sexy. She's a spoiled brat. She's rich. And She's a girl that every boys want. ...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
430K 5.7K 70
My first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-