Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 53

689K 18.5K 12.2K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 53 

The whole ride was unnerving. I could feel Shiloah stirring beside me. Gusto kong haplusin iyong buhok niya pero hindi ko magawa. Gusto kong hawakan iyong mukha niya pero hindi ko magawa.

I could only smile at his sleeping face. He looked so angelic.

I knew I was the one who was making myself miserable. I was asking for this yet I couldn't do anything about it—or maybe I was just refusing to. Iba kasi talaga nung pinamukha sa akin ni Tobi na manggagamit ako. That I was being a hypocrite because I was hating Candy yet I was doing the exact thing.

I want Shiloah. God, I still want him so bad... pero gusto ko muna na ipakita sa sarili ko na kaya ko na wala siya. Na hindi siya ginagamit... Because only then will I be able to convince myself that I deserve him.

I knew I wasn't making any sense and I was just prolonging my agony... pero mahalaga sa akin na malaman na worthy ako sa kanya kasi sobrang bait ni Shiloah. He's so good—damn he's too good. And I want to be worthy of that goodness. I want to be worthy of his love, devotion, and affection.

Because Shiloah deserves the best and I just want to be the best for him. I want to be independent. I want to be my whole self. Gusto ko kapag kami na talaga, buo na ako. He doesn't deserve pieces of me; he deserves the whole me.

Pagdating namin sa venue, I just stood from a distance. Pinanood ko siya habang nagsisimula na ang pictorial. I couldn't help but smile because he still looked so awkward. He looked so dashing but you could still see that he didn't like that all eyes were on him. Ang cute niya.

The photographer was giving him instructions and I was just helping myself to ogle at this perfection. Bagay sa kanya iyong suot niya. Nagmukha siya lalong boy next door. Mas lalong naging mukha siyang anghel na walang kayang gawin na masama. Naalala ko na naman tuloy dati na ako pa iyong bumibili ng damit niya dahil wala siyang pakielam sa sinusuot niya. But look at him now—ang layo na ng narating niya. At alam ko na mas malayo pa ang mararating niya.

And it scared me. It scared me knowing that he could still be farther than he already was.

"Okay, we're done for today," anunsyo nung photographer. Halos dalawang oras din kaming nandito. Who would've thought na mahirap palang maging model. Akala ko ngingiti ka lang, ayos na. Hindi rin pala.

Sinamahan nung isang babae si Shiloah na magpalit ng damit. Kami naman ni Marga ay magkatabi at pinag-uusapan kung saan susunod na pupunta si Shiloah. Dapat ay sa recording ulit kami pupunta pero nagkaroon ng emergency meeting si Marga sa management. Mukhang mayroong problema dahil nagmamadali siya.

She looked at me apologetically.

"Scrap muna 'yung plans for today. Emergency meeting. Seryoso yata, e," she explained. "Hatid mo na lang si Shiloah—ay no, punta na lang kayo sa school at ayusin niyo 'yung sa practicum niya para hindi masayang iyong araw. Dalhin niyo 'yung van; nandun naman iyong driver. Magtataxi na lang ako papunta sa company."

I wasn't able to respond to her dahil ang bilis ng pangyayari. One second, she was talking; the next, she was gone.

Nakaupo pa rin ako at pilit na idini-digest lahat ng sinabi ni Marga nung mapansin ko na nasa labas na pala si Shiloah. He was back in his usual attire—black pants, white v-neck shirt, and combat boots. Ang weird lang dahil mukhang anghel iyong mukha niya pero mukhang rockstar iyong suot niya. Parang may confusion.

"Nasan si Marga?"

Ito talaga ang una niyang tinatanong palagi. I was supposed to get pissed pero pinalampas ko na dahil sa sinabi niyang love you kanina. Though he didn't mention any name, I was assuming that it was for me.

Hindi naman madaling mawala ang feelings, 'di ba? It was only January. December nung sinabi sa akin ni Shiloah na mahal niya ako. Hindi kayang burahin ng isang buwan ang pagmamahal niya sa akin.

"May emergency meeting," I responded.

He nodded. "Uwi na ako," he said. Kinuha niya iyong bag niya sa tabi ko but I grazed my hand with his. He flinched. "B-bakit?"

A small smile dawned on my face. He's still affected. Konting dikit lang ng balat namin, nagkakaganito na siya.

"Saan ka nakatira ngayon?" I asked. I was so curious. Palaging pagkatapos ng commitments niya bawat araw, mabilis siyang mawawala. Alam ko rin na hindi siya sa mansyon niya umuuwi dahil kakampi ko si Manong Roger. I'd know kung doon siya pumupunta.

"Basta," he replied.

"Sabi ni Marga, ihatid kita. Paano kita ihahatid kung hindi ko alam kung saan ka nakatira?" I lied.

"Kaya kong umuwi mag-isa," he answered. Parang bata.

Tumayo rin ako dahil baka bigla niya akong takbuhan.

"Alam ko," I replied. "Pero gusto kong sumama. Masama ba?"

Bigla siyang napalunok dahil sa sagot ko. I was flirting with him, I know. I shouldn't do this, I know. But seeing his nervous face was just so priceless. It gives me happiness seeing my effect on him. Na kahit ilang beses niya akong iwasan, kahit ilang beses niya akong pagtaguan, sa huli, alam ko na sa akin pa rin siya babalik.

"P-puntahan ko si Candy."

And that name was enough to wipe the smile off from my face.

I quickly composed myself. I didn't want to ruin this day. Masaya na ako dahil narinig ko kanina sa bibig ni Shiloah na mahal niya ako. It was enough. I didn't want to dwell on his relationship with Candy—no matter how real it might be. That relationship's doom to end, anyway. Naglolokohan lang naman sila.

"You can't."

Kumunot ang noo niya.

"Pumunta raw tayo sa school ngayon para ayusin iyong sa practicum mo," I dryly said. No matter how hard I try to uplift my spirit, alam ko na malabo. But this was the best I could do. At least I could act like I didn't want to stab Candy for being with Shiloah.

Napabuntong hininga si Shiloah but he said, "Okay," anyway. "Tawagan ko lang si Candy," he continued.

I walked out on him.

I quickly went to the van and I almost broke the door when I shut it so hard. Nakaka-inis naman kasi! Need he say that in front of me? Nang-iinis ba talaga siya?! He was all smile nung naglalakad siya palapit sa van! Ano naman kaya ang pinag-usapan nila ng girlfriend niya?

Kinuha ko iyong phone ko. I would be doing this for the wrong reason but I couldn't help it. Naiinis ako. Naiinis ako dahil alam ko na pinagseselos niya lang ako.

To: Tobi

Call me.

Two can play this game.

Pagpasok ni Shiloah sa van, umupo siya sa tabi ko pero malayo pa rin. It was like I had some contagious disease kaya ni hindi siya makalapit sa akin. Pero kanina akala mo ahas kung maka-lingkis sa akin!

I gave instruction to the driver na ihatid kami sa school. And while we were on the road, biglang tumunog iyong phone ko. Lihim akong napangiti nung napatingin si Shiloah sa phone ko at nakita iyong mukha ni Tobi sa screen.

He was his weakness. Alam ko na selos na selos siya kay Tobi.

"Why?" Tobi greeted.

"Ganyan ka ba talaga mag-hi?"

"Do I sound like I have time to humor you? What do you need?"

"Dinner later?"

"Busy ako."

"Please?"

"You're fucking weird."

"Yay! Thanks! You're the best!" I said in my sweetest voice. Kahit ako ay gusto kong masuka sa mga naririnig ko mula sa bibig ko. I discreetly glanced at Shiloah at nakita ko na nakakuyom iyong kamao niya.

"Let me repeat it, princess, I don't have time to dine with you. I'm busy right now."

"Akala ko ba princess mo ako? Bakit wala kang panahon na samahan ako?"

Mas lalong humigpit iyong pagkakasara ng kamao ni Shiloah. Mas lalo kong gustong magpaka-sweet kay Tobi kung ganitong reaksyon ang makukuha ko mula sa anghel na nagfefeeling suplado sa tabi ko.

"Stop flirting with me. You might regret it if I flirt back."

Biglang nawala iyong ngiti ko dahil sa sagot ni Tobi.

"Cat got your tongue, princess? Gotta go. Kumain ka mag-isa," he said and then ended the line.

I was hearing the beeping sound. I still can't respond to what Tobi said. Ilang beses ko na narinig sa kanya na... gusto niya ako. But still, he could render me wordless every time!

"See you later!" I chirpily said. I can't have Shiloah know na binabaan ako ni Tobi ng tawag.

I was all smile nung ibinaba ko iyong phone ko—kagaya nung ngiti niya kanina nung papunta siya sa van. It must kill him na kausap ko si Tobi—the same way it killed me knowing na kausap niya iyong girlfriend niya. That phony girlfriend of his!

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa school. I said to the driver that I'll call him kapag magpapasundo na kami. Bumaba na kami ni Shiloah. The school still felt the same—strange but calming.

I tried to focus on walking dahil hindi ko pa rin maiwasan na maisip si Parker habang napapatingin ako sa mga buildings. Lahat kasi ng building may ala-ala kami. Dahil sa pagtatago namin dati, kung saan-saan kami napapadpad...

If only Bianca didn't exist, siguro masaya pa rin kami ni Parker. Hindi ako nagsisisi na minahal ko si Parker. He made me so happy when we were together.

Sa wakas, nakarating na kami sa admin. May mga nakasalubong kami pero hindi ko na sila kilala—siguro dahil lahat ng batch mates namin ay nagpapracticum na rin kagaya namin. Mas lalo kong naramdaman na matanda na kami—na konti na lang, magtatrabaho na kami. Wala ng oras para maglaro.

"Good morning," I greeted. "Is Dean Dina there?"

Pinapasok naman kami at saka pinaupo sa waiting area. Medyo maliit lang iyong sofa kaya napilitan kami ni Shiloah magtabi. I could feel his skin against mine. I could smell his musk from where I was sitting.

"Ano'ng nangyari d'yan?" I asked nung makita ko na parang paling iyong hinliliit niya sa kanang kamay. I tried to touch it but he held his hand away from me. I frowned.

"Wala," he answered.

"Alam mo, if you don't like me anymore, you could at least be civil with me. Hindi iyong para akong may nakakahawang sakit sa tuwing iniiwasan mo ako," I said.

Hindi siya sumagot. Typical of him.

Mabuti na lang at lumabas na iyong kausap ng Dean. Gusto ko ng tumayo mula sa kinauupuan ko. Mas gusto ko ng tumayo kaya maupo roon at mabingi sa katahimikan ni Shiloah. Minsan kasi, para akong kumakausap ng pipi na kahit sign language ay ayaw gawin dahil ganoon ka niya ayaw makausap.

"Sorry," he said bago kami makapasok sa loob ng office ng Dean.

Sorry mo mukha mo.

Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng ngiti ni Dean. Bakit nga ba nakalimutan ko na favorite nga pala ng Dean si Shiloah? Special treatment pa nga iyan dati kaya naging tutor ako. Na-curious ako sa kung sino ang magulang ni Shiloah dahil kahit patay na sila, ang lakas pa rin ng koneksyon nila. Mabuti na lang at magiging madali lang ang pakikipag-usap ko dahil sigurado naman ako na papayag si Dean.

"What brings you here, Mr. Suarez and Miss?"

"Harrison po," I said and she asked us to sit. Pinaliwanag ko iyong sitwasyon ni Shiloah. Mabuti na lang at tama nga ang hinala ko na papayag din siya. May mga restriction lang at tuwing free time ni Shiloah, required siya na magtraining din for practicum. Required din siyang magpasa ng paper dahil sa special case niya but knowing Shiloah, madali lang sa kanya iyon.

"Thank you po," paalam namin.

Nasa labas na kami at hindi na naman kami nagpapansinan. I was about to call the driver para ipahatid si Shiloah. Kung ayaw niyang malaman ko kung saan siya nakatira, bahala siya sa buhay niya. Magtataxi na lang ako pauwi.

"Ano na naman ang problema mo?" kunut-noo kong tanong sa kanya nung inagaw niya iyong phone ko mula sa kamay ko.

Hindi siya sumagot pero naglakad siya. Napilitan akong sundan siya dahil hawak niya iyong phone ko. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Dahil dead hour ngayon, walang masyadong tao at nasa klase ang mga estudyante.

"Dyan ka lang," he said. Naupo ako habang may pinuntahan naman siya. Hawak pa rin niya iyong phone ko.

After a few minutes, he returned with trays of food.

"Bakit kailangan mo pa akong isama kung nagugutom ka?" I asked him and rolled my eyes. If I know biglang dadating si Candy tapos magdedate sila sa gitna ng cafeteria.

Hindi niya ako sinagot pero inilapit niya iyong isang tray sa akin.

"Kain ka," he said.

"Akin na iyong phone ko."

"Kain ka muna," he said again.

Ilang beses pa kaming nagpilitan pero hindi tumitigil si Shiloah. I sighed and began eating dahil hindi niya talaga ibabalik iyong phone ko hanggang hindi ako kumakain.

"Akin na," I said nung maubos ko iyong isang plate ng lasagna.

Umiling siya tapos inilapit naman iyong plate ng baked macaroni. "Kain ka pa," he urged.

Ilang beses nangyari iyon. Pinakain niya rin ako ng garlic bread, red velvet cake, vanilla ice cream, at kung anu-ano pa. Nung maubos ko na iyong mga binili niya, he was all smile. Halos masuka naman ako sa dami ng nakain ko! Lahat yata ng stalls sa cafeteria ay binilhan niya, e! At saka ako lang naman ang kumain, ni isang subo wala siyang ginawa.

Inabot niya na sa akin iyong phone ko. Naka-ngiti pa rin siya kaya inirapan ko.

"Baliw," I uttered under my breath dahil parang ang saya-saya niya na pinakain niya ako.

Pagdating nung van, sinabi ko sa kanya na magpahatid na lang siya pero sinabi niya na ako na lang.

"Magtataxi na nga lang ako."

"Sakay na," he insisted.

"Ang kulit mo, alam mo 'yun?"

He nodded. Nakangiti pa rin siya.

"Tumigil ka nga sa ka-ngi-ngiti!"

But he was still smiling! Nakakainis!

He gently pushed me inside tapos kinausap niya iyong driver.

"Manong, paki-diretso po sa tinitirhan niya," he said. Tapos tinignan niya ako at naka-ngiti pa rin. Parang nang-aasar na siya! "Ingat po sa pagdadrive."

He smiled at me again and I was so close to smacking his smiling face.

"Hindi ka na makakakain ng dinner," he said and then shut the door.

That ass! When did he learn to become such a schemer?! 

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
5.9M 93.4K 17
Pagmamahal? Kailan mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo? Kapag ba masaya ka tuwing kasama siya? Pero paano kapag yung kasiyahan na nadarama...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
9.8M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...