The Only Girl in School (#wat...

By aishilatte_24

1M 39.8K 2.5K

Raven Sky Zalvarez is a young lady with an old ambition, to live life. For her, life without excitement is li... More

Prologue:
Chapter 1
Chapter 2: First day
Chapter 3: Block of Disaster
Chapter 4: Patience Please
Chapter 5: House of Disasters
Chapter 7: Hindi NERD ang pangalan ko
Chapter 8 : The real Sky
Meet them
Chapter 9 : Raven's pranks
Chapter 10 : Family Gathering
Chapter 11 : Raven nga
Chapter 12: Unexpected news
Chapter 13: Bus
Chapter 14: Eye Contact Game
Chapter 15: Weird
Chapter 16: Blue dragon's sweetness
Chapter 17: Card Castle
Chapter 18: Past
Chapter 19: His side
Chapter 20 : 3 Days without Raven
Chapter 21: Unexpected Date
Chapter 22: The make over
Chapter 23 : Our New Sun
Chapter 24: The 1st Mystery
Chapter 25: The 2nd Mystery
Chapter 26: Saving our new Sun (Part 1)
Chapter 27: Saving our New Sun (Part 2)
Chapter 28: The Royal Dragons are back
Chapter 29: Talent
Chapter 30: Twins
Chapter 31: Case Unclose
Chapter 32: Questions
Chapter 33: Preparations
Chapter 34: Lucky
Chapter 35: The Truth
Chapter 36: Raven's Missing... Again
Chapter 37: Saving Sky
Chapter 38: Forgeting
Chapter 39: Her emotions
Chapter 40: His Emotions
Chapter 41: Flashback
Chapter 42: MY Sky?
Chapter 43: Playful Cupid
Chapter 44: Set up
Chapter 45: Ang Alikabok, ang Langit at ang Bulate?
Chapter 46: Folder
Chapter 47: The Sun with her Stars
Chapter 48: Game
Chapter 49: Couples- Part 1
Chapter 50: Couples - Part 2
Chapter 51: Couples- Part 3
Chapter 52: Fight
Chapter 53: The winner is...
Chapter 54: Welcome home
Chapter 55: Just like before
Chapter 56: Maria Clara's plan
Chapter 57: Death Threat
Chapter 58: Aries Bright
Chapter 59: Black Family
Chapter 60: Last Threat
Chapter 61: Raven's Missing again
Chapter 62: Game of Life and Death
Chapter 63: Death
Chapter 63: The Master Mind
Chapter 65: Hospital
Chapter 66: New Beginning
Chapter 67: Date?
Chapter 68: Official Date
Chapter 69: First Date
Chapter 70: Journey to Happy Ending?
Chapter 71: No to Happy Ending
Read Me!
Note
TOGIS

Chapter 65

8.2K 332 35
By aishilatte_24

Ready na kayo?

Raven Sky Zalvarez's POV

" Ibaba mo yan Skylar." Mahinahong sabi ni papa. Ngumisi naman si Mama.

Totoo nga, marami pa kong hindi alam sa mga tinatawag kong kadugo...

" You know what Vince? I love my twin more than my own life. Totoo na galit sa kanya si Màma! Seven years old kami nung aksidente niyang napaputok yung baril sa ulo ni Pàpa. Kaya galit na galit sila kay Sunshine dahil sa pagkamatay niya. Doon natakot si Sunshine sa baril. Ni hindi nga niya maatim na makakakita ng baril." Sabi ni Mama.

" Alam mo kung gano kahirap ang pagsasanay na binigay nila sa akin para maging assassin? They force me to kill. Nung una panay ang iyak ko sa gabi kada may mapapatay ako, pero dumating yung panahon na wala na kong pakiramdam kada may mapapatay ako. Para lang akong pumatay ng ipis." Lahat kami nakikinig sa mga sinsabi niya. Gusto kong malaman.... Gusto kong malaman kung anong nangyari sa mama ko para maging ganito siya.

Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya...

Hindi...

" Kada iiyak ako, si Sunshine ang kasama ko. Kahit na ilang beses na siyang pinalayas at itinakwil ng pamilya namin, nanatili siya sa tabi ko. Kaya nung sinabi niyang mahal niya si Carter, nagpaubaya ako." Natulala ako sa sinabi ni Mama.

" Nagpaubaya? " bulong ko. Dahil nga nasa tabi ko siya, narinig niya yun at nilingon ako.

" Oo Sky. Nagpaubaya ako. Mahal ko si Carter. Si Carter ang mahal ko hindi ang tatay niyo. " tinignan ko agad si papa at kahit galit ako sa kanya sa pagtatago sa amin ng sekreto, naawa ako dahil sa sakit na nasa mukha niya.

Sobra niyang minahal si mama na kaya niyang pumatay para dito tapos... Tapos ginamit lang siya ni mama.

" Ginamit mo lang ba ko Skylar? " tanong ni Papa.

" Sabihin na lang nating Oo. Ginamit kita Vince para layuan ako ni Carter. Ako ang nagsabi kay Sunshine na magpangap na ako para maikasal sila ni Carter.kung mangyayari yun, sasaya siya kasama ang lalakeng mahal niya at makakalayo siya sa pamilya namin." Sabi ni mama.

" Hindi Skylar... Nagsisinungaling ka." Sabi ni Papa na di makapaniwala sa lahat ng naririnig niya.

" Matagal na kong nagsisinungaling! Ngayon na nga lang ako magsasabi ng totoo di niyo pa paniniwalaan samantalang lahat ng kasinungalingan ko pinaniwalaan mo? Alam mo Vince, naghirap si Sunshine sa England. Sobrang sakit ang naramdaman niya ng nalaman ni Vince na hindi ako si Sunshine. Alam mo bang kakapanganak lang ni Sunshine ng pumunta siya dito kasunod ni Carter? Tinawagan niya ko para papuntahin sa bahay namin sa Tagaytatay. Yun yung araw ng birthday niyo, Rhain at Sky. Kaya hindi ako ang kasama niyo ng araw na iyon. Pumunta ako ng tagaytay pero wala siya doon... Nabalitaan ko na lang na namatay ako sa pagliligtas sa mga anak ko. Alam niyo ba kung gano ako nasaktan noon? " sigaw niya sa huling pangungusap niya. Hindi siya kundi si Tita Sunshine ang promotekta sa amin.

" Namatay siya dahil sa inyo! Hindi pa kayo nakuntento at pati si Carter at ang bunso niyang anak... Pinatay niyo! Mabuti na nga lang at nailigtas ko si Cici bago ang pagsabog..." sabi niya.

" Sinong bunso? " tanong ni Tito Clinton.

" Yung bagong panganak na sangol na iniwan niya, si Aries Bright. Pagkamatay ni Sunshine, ako ang bumalik sa England bilang siya. Kinuha ko yung bata at nag-asawa ulit. Pinalaki ko si Aries na parang ako si Sunshine, tinuruan ko siyang makipaglaban. Ako din ang nagsabi sa kanya na kalabanin ang Mafia Serpyente. " parang yung mga nalalaman ko ata ang papatay sa akin.

" Kaya lang pinatay siya ng mga walang kwentang bata na ito." Sabi niya tsaka tinignan ang Royal Dragons.

" Tama na Skylar. Problema natin to kaya dapat lang na tayo lang ang tumapos." Sabi ni Tito Clinton. Ngumisi naman si Mama tsaka may nilabas na remote galing sa bulsa niya.

" Sure. Tatapusin natin to Clinton. Pero kasama sila... Totoo nga sigurong magaling kayong umamoy ng bomba pero alam niyo ba na puro bomba ang buong lugar na to? " tanong niya kaya kinabahan ako.

" Skylar... " sabi ni Papa.

" Kung sana hindi naging ganito ang nangyari sa pagkakaibigan ng grupo natin noon. Hindi sana ganito ang magiging wakas natin. " sabi niya tsaka inayos yung pagkakatayo niya.

" Any last word? " tanong niya sa amin.

" NO. Mama please! " sigaw ko. Mali... Mali to. Hindi dapat ganito.

" Tama na ma... Oo na masama na ang nangyari noon pero pwede pa namang mabago yun! " sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas.

" Mabago? Hindi na Sky dahil kahit kailan hindi na mabubuhay ang lalakeng mahal ko, si Catherine, si Aries at ang kakambal ko! " sabi niya.

" Skylar... " sabi ni Papa tsaka unti-unting lumapit kay Mama. Tinutok naman ni Mama yung baril niya kay Papa.

" Please... Tama na." Sabi ni Papa.

" Lumayo ka Vince kung ayaw mong mauna! " sabi niya habang nakatutok pa din yung baril kay Papa. Nagsipasok naman yung ibang tauhan ni Mama.

" Nasaan ang Black Family? " tanong ni Zeke.

" Nasa langit." Sagot naman ng mga tauhan ni Mama.

Hindi... Hindi to pwede.

" Pakawalan niyo ko dito! " sigaw ko. Ayoko... Ayokong manood lang dito. Ayokong manood lang dito habang unti unting nauubos yung mga kaibigan ko.

" As you wish. " lumapit sa akin si Mama tsaka ako kinalagan. Tatayo na sana ako ng tinulak niya ko kaya sumubsob ako sa sahig.

" Matatapos lang to kung mamamatay tayong lahat! " sabi niya tsaka pinaputok yung baril niya sa harap ko.

Napapikit ako habang inaantay yung bala...

" Pa... " sabi ko ng nakita ko si Papa na nakayakap sa akin. Niyakap ko siya tsaka nangiginig ko tinignan yung basa kong kamay.

Dugo...

" Pa... " sabi ko ulit.

No... Pa...

" So-sorry... " sabi niya tsaka umubo ng dugo. Inihiga ko siya sa lap ko.

" No pa. Ok lang. Pa... Pa... " sabi ko nung medyo pumipikit na siya.

" Oh my.. Papa... " sigaw ni Rhain na umiiyak at papalapit na dito ng hinatak siya ni Eros payakap sa kanya.

" Pa... Pa wake-up! " sabi ko nung pumikit siya.

" Pa? Papa... Pa... " tuloy tuloy na pagtawag ko sa kanya.

" Pa... " sabi naman ni Kuya Rid na lalapit sana dito ng tinutukan siya ng baril ni Mama.

" Wag ka ng lumapit kuya! " sigaw ko. Ayoko na...

" Pa... Pa... " sabi ko. Kinapa ko agad yung pala pulsuhan niya.

Papa...

" You killed him! " sigaw ko kay Mama.

" Did I? Ayaw mo nun? May namatay na naman dahil sayo." Sabi niya kaya nag-init ang ulo ko tsaka tumayo.

" I despise you. Nanay ba talaga kita?" Sabi ko sa kanya.

" Oh? My Sky is madly hated me now. Am I going to cry? " tanong niya.

" Sky... " tawag sa akin ni ate Myrtle. Nakikipaglaban na naman silang lahat dito sa loob.

This battle will be against me and my mom.

" Of course, hindi ka iiyak. Wala ka namang puso kaya pano ka maiiyak? " sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ko ng masama tsaka tinutok sa akin yung baril. Hinawakan ko naman yung baril niya tsaka tinutok sa puso ko.

" Shoot me here, Ma." Nakangising sabi ko. I'm not afraid... I'm mad.

" Sky ano ba? " sita sa akin ni ate Myrtle.

" Then say good... " hindi pa tapos magsalita si Mama nang may yumakap sa kanya mula sa likod.

" Dad! " sigaw ni Calvin habang nakikipaglaban.

" Tito Clinton! " sabi ko sa kanya.

" Ilang beses ko bang sasabihin? Tama na..." Sabi ni Tito Clinton na nakikipag-agawan na ngayon ng baril kay Mama.

" Ilang beses ko din bang sasabihin na titigil lang ako pagnamatay na tayong lahat! " sabi niya. Tsaka sinipa si Tito Clinton. Tinutok naman niya yung baril niya kay Tito Clinton tsaka pinaputok yun...

" Ai! " sigaw namin ng humarang si Ai sa pagitan ni Tito Clinton at Mama.

" Maraming t*ngang nagpapakabayani."sabi ni mama tsaka kinasa yung baril niya. Mabilis naman kaming napatingin ng nagsalita si Shil.

" I hate you." Walang emosyong sabi niya habang nakatutok yung baril niya kay mama. Iba to sa cold na Shil na lagi kong nakikita.

" Babarilin ba ko ng sarili kong anak? " tanong niya. Nginisian naman siya ni Shil.

" Why not? You shoot your own child." Sabi ni Shil tsaka tumingin kay Ai na nakahiga na sa sahig at walang malay.

Nakatitig lang si Shil kay Mama...

" Kung ganun... Paunahan na lang? " taning ni mama kay Shil. Napaisip naman ako ng may napansin ako.

Hindi.... Hindi siya nakatitig kay mama, sa akin na nasa likod ni mama siya nakatitig.

" Pano niyo nasabing hindi ako si Sunshine? Kung ang pagiging hoplophobic lang ni Sunshine ang basihan niyo, kulang iyon." Sabi ni mama habang nakatitig kay Shil.

" The man you killed told us... Hindi nagkakamali ang puso sa kung sino ang nagmamay-ari sa kanya. " sagot ni Shil. Tinignan ko naman si Papa na nakahandusay ng may napansin akong may hawak siyang baril. Kung may hawak siyang baril... Bakit... Bakit hindi niya binaril si Mama?

" He loves you so much and you don't deserve it Skylar. You don't deserve their love. I was a trained assassin too... But I never grew like you. You pity your self too much that you forget to think about the people around you. You even want to kill your own flesh and blood." Sabi ni Shil na nakatitig pa din sa akin.

" Die Shil... Die! " sigaw ni mama, nataranta ako kaya dinampot ko agad yung baril ni Papa tsaka pikit mata na pinaputok yun kay Mama.

Bang!

Bang!

Dalawang magkasunod na putok.

Isa lang ang pinaputok ko kaya...

Kinakabahan kong dinilat yung mata ko ng makita si Mama na nakahandusay pati na din si Shil.

"Sky! " sigaw sa akin ni Dustin tsaka tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Sunod sunod na putok yung narinig ko habang yakap yakap ako ni Dustin.

Kinakabahan ako... Pano kung sinasalo na naman nila yung balang para sa akin.

" Sky... Tapos na." Sabi ni Alikabok tsaka ko minulat yung mata ko. Nakita kong nakahandusay lahat ng tauhan ni mama sa sahig.

" Wohhh... Kanina pa ko nag-aantay ng timing para paulanan ng bala yang mga yan eh." Sabi ni Dylan.

" Sleeping guns." Bulong sa akin ni Alikabok.

" God! Ai, Shil?! " rinig kong sigaw ni Rhain kaya napatingin ako sa dereksyon nila.

" Dalhin natin sila sa Ospital. " sabi ni Kuya Rid.

" Mama... " sabi ko tsaka lumapit kay mama.

" Dalhin na din natin siya sa ospital! " sabi ni Tito Clinton. Bitbit bitbit niya si Mama, si Kuya Rid at Kuya Tim naman ang may dala kay Ai at Shil.

" Please don't die... " bulong ko habang naglalakad.

Kanya kanya din ng karga ang Royal Dragons sa Black Family at Dark knights na nakahandusay sa buong building.

All of these happens because of me.

Hindi ko kaya pag may namatay sa kanila.

Aishi's note:

Ohlalala... Alam niyo na? Lahat ng sobra nakamamatay. Kahit sa pag-ibig, pag sobra nakamamatay. Hihihi...

Kapit lang mga minamahal kong mambabasa. Hindi pa tayo tapos :)

Comment, vote at comment lang.

Napaaga yung update ko kasi natutuwa ako sa inyo eh. Hahaha...

Thank you !

- Aishi :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 53.4K 84
READ AT YOUR OWN RISK --Includes BAD WORDS AND HEAVY VIOLENCE-- An Action-Focused Story that you have never imagin...
606K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
3K 213 17
Ang pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral doon dahil sa mga...