You Gave Me A Reason

By Sweetmagnolia

4.3M 76.8K 5.9K

Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pa... More

YOU GAVE ME A REASON
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 (Final)
Epilogue

Chapter 9

109K 2K 107
By Sweetmagnolia

                                                                                 *****

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Cindy bago lumapit kay Warren. Seryosong- seryoso ang amo habang nagbabasa ito sa kanyang laptop. Usap-usapan pa rin sa buong Luxuria ang ginawang pagsagot at pagwalk-out ni Lena kung kaya’t tinitimbang ng maigi ng sekretarya ang timpla ng binata bago ito kausapin.

“Sir, sino po ba ang ia-assign natin tomorrow para sumundo sa mother niyo?”

“Why? What happened to Lena?” kaswal na tanong ng lalaki habang nakatingin pa rin sa binabasa.

“Po?!”

Bilog na bilog ang mga mata ni Cindy sa pagkagulat sa di inaasahang sagot ng amo.

“S-Si Lena po? Hindi na po siya pumasok ngayon.”

Napakunot ang noo ng binata at saka lamang ito tumingin sa sekretarya.

“And why?”

“S-sir sa nangyari po kahapon, hindi pa po ba siya fired?”

“Did I mention anything about firing her?”

“W-wala po.”

“Therefore who concluded that matter?”

“H-Hindi ko rin po alam.”

“Call her. Tell her to report.”

“Po?!”

“I said call her!”

“O-Okay po!”

Nagmamadaling lumabas ng opisina ang babae at saka lamang ito pumasok ulit matapos kausapin si Lena.

“S-Sir hindi na daw po siya papasok.”

“What?! Call her again!”

Nagtangkang lumabas ulit ng silid ang sekretarya upang tawagan muli si Lena.

“Don’t go out! Call her in front of me.”

“O-Okay po. A-ano pong sasabihin ko sa kanya?”

“Ask her for valid reason.”

Muling idinayal ni Cindy ang kanyang cellphone.

“Hello Ate Lena, bakit daw hindi ka na papasok?”

Tinakpan ng babae ang mouthpiece.

“Sir, wala na daw pong rason para bumalik pa siya dito pagkatapos ng nangyari sa inyo kahapon.”

  

Napikon ang lalaki sa narinig.

“Hah! At siya pa ang may ganang sumama ang loob after she broke the office rules!”

“A-Ano po ba ulit ang sasabihin ko?”

“Tell her I’m giving her until tomorrow to return or else we will immediately replace her. Maraming mga taong nagkakandarapang makapasok dito sa Luxuria! She’s the one who’s in the losing side here!”

Kinausap ulit ni Cindy ang kapitbahay.

“Anong sabi?” atat na tanong ni Warren.

“Pag-iisipan niya daw po…”

Napapalo sa mesa ang binata sa panggigigil.

“That prideful woman!.. Mag stand-by ka ng isang staff tomorrow for my mother in case that woman won’t show-up!”

“S-Sige po.”

                                                                      ------

Hindi matapos-tapos ang mga tinutuping damit ni Lena. Paulit-ulit niya itong inaayos na halatang wala ang konsentrasyon sa ginagawa.

“Ate, kalorki ka naman! Kinse minutos ka na sa pagtutupi niyan. Sando lang yan ng bata, hirap na hirap ka na! Ano bang nangyayari sayo? Wierdu-wierduhan ang drama mo ngayon ah? Akin na nga tutulungan na kita.” puna ni Monica sa dalagang nag-iisip ng malalim.

“Monica bumili ka nga ng diyaryo. Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho.”

Nanlaki ang mga mata ng binabae sa narinig.

“Ate tama yata talaga ang hinala ko na nilalagnat ka kaya’t hindi ka pumasok!”

“Hindi ako nilalagnat! Seryoso ako. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Hindi na ako pwedeng bumalik ng Luxuria.”

“Waaa ate huwag ka namang ganyan. Biogesic na lang ibibili ko, wag na diyaryo. Ilan ba? Para gumaling ka na. Wag ka namang magsasalita ng ganyan.”

“Bakit ba mas marunong ka pa sa akin Monica?!”

“Parang awa mo na ate. Huwag mong patayin ang pag-asa ko na makita si Warren Gonzales. Ikaw ang pinakamalaking tulay na nagdudugtong sa aming dalawa.”

“Tigilan mo nga ako. Ano bang nagustuhan mo sa taong iyon?! Bukod sa hitsura wala na akong makitang mabuting bagay sa kanya!”

“Naman! Eh anong ginagawa ng pagiging mayaman, matalino, successful businessman sa batang edad, macho, apaw na apaw na sex appeal? Wala lang ba ang lahat ng iyon ate? At ate intindihin mo na lang na baka mainit lang talaga ang ulo ng boyfriend ko dahil sa stress sa trabaho. Tsaka may kasalanan din naman talaga kayo eh. Masyado ka lang yatang nagiging sensitive ngayon.”

“Sensitive?! Ako pa ngayon ang sensitive matapos lait-laitin ng lalaking yun ang mga bata! Aba Monica sumusobra na ata ang pag-iilusyon mo sa lalaking yan at pati kami ay tinatalo mo na. Kanino ka ba talaga kampi? Dyan sa taong ni anino ay hindi mo pa nakikita o sa aming halos kapamilya mo na?!”

Napatakip ang isang kamay ni Monica sa kanyang bibig at tila naiiyak na tumingin sa dalaga.

“P-pinapapili mo ba ako?....H-Huwag mong gawin sa akin ito. You can’t do this to me. H-Hindi ko kayang mamili. I-Isang hamak na bakla lamang akong umiibig ng tapat. You can’t do this to me ate!”

Hindi na natiis ni Lena ang sarili at binatukan nito ang ampong bakla.

“Aray! Ate, foul ka na ha. Nanakit ka na! Tawag ako sa bantay-bata gusto mo?”

“Tawag ako sa tatay mo. Gusto mo?!”

“Sabi ko nga! Somosobra na yang jowa ko! Eh ano ngayon kung nagdala ka ng bata at sinira ni Jasper ang libro niya. Para yun lang! Maninigaw na siya! Mali yan! Eksaherado!....Pero ikaw naman ate sa totoo lang eksaherada ka rin sa pagka-sensitive. Ikaw na nga tong binibigyan ng chance na bumalik nagmamaganda ka pa. Eh ano naman ngayon kung nasigawan ka? Eh sinigawan mo na rin naman yung tao diba? Malamang nga mas matindi pa ang pagkakapahiya nun kaya quits na kayo! Tabla-tabla na!…”

“…Tsaka eto ang pinakatotoo sa lahat… paano pag hindi ka naman nakahanap kaagad ng bagong trabaho di nganga na naman! Wala na namang andalo, okanenai! Mapapadalas na naman ang pangungutang ko kay Aling Maring at sa kung kani-kaninong mga tindahan dyan. Gagamitin ko na naman ang ganda ko! Pupudpurin mo na naman ang puri ko!”

Nanggigigil na hinubad ni Lena ang suot na tsinelas. Nakita naman kaagad ito ni Monica kung kaya’t mabilis na tumakbo papalayo ang binabae bago pa man ito makadapo sa kanya. Ngunit hinabol din ito ng dalaga.

“Halika dito! At hindi lamang puri mo ang pupudpurin ko kundi pati yang pagmumukha mo! Kelan ka pa natutong makipag-usap sa akin ng ganyan ha?!”

“Waaa! Sorry naman ate. Na-carried away lang ako.” sagot ni Monica habang bitbit-bitbit ang isang pananggang plangana.

                                                                                 ------

Sa opisina ni Warren ay kausap nito ang head ng sales department. Madalas itong hinihingan ng report ng binata upang i-monitor ang kondisyon sa sales ng Luxuria kahit hindi pa man nagaganap ang malaking launching event ng kumpanya.

“Sir, our sales is ridiculously getting higher and higher since we signed Avina Montenegro. Her selling power is truly not a joke.” report ng empleyado sa kanyang amo.

“Do you really think that it’s because of Avina? Wala na bang ibang rason?” tanong ni Warren na tila hindi kumbinsado sa sinabi ng kausap.

“Sir it’s purely because of Avina. Yes, we advertised our grand relaunching fashion show but it’s not a factor because isn’t it ironic for costumers to buy our products now if we are telling them that there are more limited and new items to come? In fact, because we have Avina, the negative side of our upcoming events has been covered….”

“…And there are more good news . Because she is so popular in South Korea, we just received an offer from one of the biggest mall from Seoul that they are so eager to become our distributor in the city.”

“Yeah. I know. I already received a call from their marketing head.”

“This is the opportunity we’ve been waiting sir. Napasok na natin ang buong southeast asia. I guess it’s time na pasukin na rin natin ang iba pang mga mayayamang kalapit bansa such as Korea and Japan. By the way, ang isa sa mga nililigawan nating distributor sa Japan had also shown their interest. But they want to have meeting with you together with Avina. They want to check first the stability of our contract with our superstar model.”

Sumagot lamang si Warren ng isang malalim na buntong hininga. Papayag ba siyang matali ang kumpanya sa impluwensiya ng babae? Kung saan ito ay nangangahulugan din ng pagkatali niya sa sikat na modelo.

“…Sir, do you want me to have an appointment with Avina Montenegro to discuss this matter?”

“No need. I’ll have a dinner with her tonight. You can leave now.”

Pagkalabas ng tauhan sa opisina ay sumandal sa upuan niya si Warren. Ipinikit niya ang mga mata at minasahe ang noo. Naghahalo ang tuwa at pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Kaytagal niyang umiwas sa sikat na dalaga subalit sa pagkakataong ito ay tila wala na siyang magagawa kundi ang mapalapit muli dito. Sa naramdaman niya sa babae nang magkita sila sa kaarawan nito, may unti-unting namumuong takot sa dibdib niya sa mga maaring mangyari.

Lumapit si Cindy upang bigyan siya ng isang tasang kape. Natigilan siya pag-iisip. Pagkakita sa sekretarya, biglang pumasok sa isipan niya si Lena.

“What happened to that Lena woman?”

“Nasa airport na po sir. Sinusundo na po ang mommy niyo.”

Napangisi si Warren.

“How come she changed her mind?”

“Kinausap ko po siya ng masinsinan nang magkita kami kagabi?”

Nagtaka ang binata sa narinig.

“Did you visit her house just for that?”

“M-Magkapitbahay lang ho kami, sir. At sa totoo lang ako rin po ang nagrefer sa kanya dito.”

“Oh, I see..”

Natutuksong magtanong si Warren tungkol sa kalagayan ng pamilya ng dating kaibigan ngunit nang magsasalita na siya ay biglang umurong ang kanyang dila.

“May sasabihin pa po ba kayo?”

“W-Wala na. You can leave.”

                                                                           ------

Sa presidential suite ng isang five star hotel kasama ni Lena ang isang sopistikadang ginang na nasa edad singkuwenta. Sa kabila ng edad nito ay bakas pa rin ang ganda sa mukha ng ginang at maging sa pangangatawan ay hindi pa rin ito pahuhuli sa mga dalaga. May pagkaistrikta ang hitsura nito na tipong napakailap mamigay ng ngiti. Nakasuot ito ng sosyaling wrap around dress, sapatos na may mataas na takong at puno ang katawan ng mga mamahaling aksesorya. Naka pony tail ng mahigpit at mataas ang buhok, sanhi para makita lalo ang halos umabot na sa balikat na suot nitong malalaking hikaw.

“Be careful with my luggages. Everything inside are expensive.” wika nito sa dalaga habang nagsisindi ng sigarilyo.

“Opo.”

Tiningnan ni Lena ang mga bagahe. Nalulula siya hindi lamang sa dami nito kundi pati na rin sa mga maleta mismo. Patong-patong na mga Louis Vuitton ang nasa harapan niya. Napatingin siya sa ina ng dating kaibigan. Kailan niya lang nalaman na mayaman pala talaga ang pamilya ng lalaki. Dati ang pagkakaalam niya ay simple lamang ang buhay nito, yun pala ay ang ama lamang nito ang pangkaraniwan ang buhay.

Wala pang isang oras siyang nag-aayos ng mga gamit ay may nag-doorbell. Nagmamadali niya itong pinagbuksan. Nagulat at napanganga siya nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng pintuan. Ang supermodel na si Avina Montenegro! Isa ito sa mga hinahangaan niyang celebrities kung kaya’t gayun na lamang ang itinalon ng puso niya nang makita sa malapitan ang sikat na modelo.

  

Dire-diretsong pumasok sa loob si Avina. Hindi man lamang nito binati ang nakangiting babaeng nagbukas sa kanya ng pintuan.

“Hi Tita Roxie!” nakangiting bati nito sa ginang at sabay halik sa pisngi.

Agad na umaliwalas ang mukha ng ginang nang makita ang bagong dating.

“O how’s my future daughter-in-law? I miss you a lot iha!”

Tila batang umikot si Avina sa harap ng kanyang Tita Roxie upang ipagmalaki ang kanyang kabuuang hitsura.

“Wow, you look so gorgeous! I can’t believe you’re a full bloom woman now.”

“Same with you Tita. You’re still pretty and stunning!”

“Come here iha. Come here. Let’s start chatting. I can’t wait to know what happened to you these days and I’ve heard that finally Warren get you as their endorser.”

Tumungo ang dalawa sa magarang living room ng suite at doon ay masayang nagkumustahan at nagkuwentuhan. Samantala bumalik si Lena sa pag-aayos ng mga bagahe habang maya’t mayang sinusulyapan ang sikat na modelo. Napapangiti siya sa isipan sa nadiskubreng kakilala pala ito ng pamilya ng dating kaibigan. Hindi rin nakaligtas sa mga tenga niya na ito pala ang bagong model ng Luxuria. Ibig sabihin maaring makikita niya na ito ng madalas.

Hindi siya mahilig sa mga arti-artista o mga celebrities subalit kalimitan ay napapahanga siya sa mga personalidad na nagbibigay karangalan sa bansa sa anumang larangan. Lalong-lalo na ang isang tulad ni Avina na low profile at maingat na maingat sa kanyang imahe. Walang anumang eskandalo, hindi katulad ng iba na papalit-palit ng boyfriend, madalas makita sa mga party o di kaya’y laging laman ng mga masasamang balita o blind items. Sa kabila ng kasikatan ay marunong din itong magdala ng pribado niyang buhay. Hindi lamang ito modelo para sa mga damit o produkto, kundi modelo rin ito sa totoong aspeto ng buhay.

Pero teka lang, narinig niyang tinawag itong daughter-in-law ng ina ng amo. Girlfriend ba ito ni Warren? Ang pagkakaalam niya ay wala pang karelasyon ang modelo. At hindi rin ito ang babaeng kasama ng binata nang minsang nakatulog siya sa sopa ng condo nito. Pero baka nga girlfriend ito at pinagtataksilan lamang ito ng lalaki?

Napapailing siya ng ulo. Pati ba naman sa pag-ibig at sa babae ay malaki na rin ang pinagbago ni Warren. Dati rati ni tumingin ng diretso sa babae ay hirap na hirap itong gawin ng dating kaibigan. Habang lihim na napapangiti ay biglang may sumagi sa kanyang isipan. Naalala niya ang huling birong binitawan nito sa kanya. Kung saka-sakaling pinatulan niya ang birong iyon, ano kaya ang mangyayari sa kanila? Siguro ay isa na rin siya sa mga babaeng nabiktima nito. Akalain mo nga naman may itinatago din pala itong pagkababaero.

Ding dong.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Lena. Muli itong nagmadali sa pagbubukas ng pintuan. Bumungad sa kanya ang binatang amo.

“Good evening po sir.” sabay talikod kaagad ng dalaga na halatang walang balak maghintay sa sagot ng bagong dating.

Dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Warren, inaasahan na ni Lena na mas lalo pa itong magiging masungit sa kanya. Baka kaya lamang siya nito binigyan ng pagkakataong makabalik upang lalo pa siyang mapag-initan at magantihan. Kaya, hangga’t maari ay iiwasan niya itong lapitan at kausapin.

Hindi rin pinansin ni Warren ang nagbukas sa kanya.

“Hi Mom! Sorry I’m late.” bati nito at sabay halik sa pisngi ng ina.

“What’s new? Nauna pa sayo si Avina. Aren’t you ashamed?”

“It’s okay Tita. Warren is a busy person.”

“That’s not an excuse. You’re a busy person too but you’re here early.”

“I’m sorry Mom, sorry Avina. Marami pa kasi akong inasikaso sa office.” wika ni Warren habang iniiwas ang mga mata sa modelo.

“Hay kelan kaya mangyayari na ikaw mismo ang susundo sa akin sa airport.” nagtatampong sabi ng ginang.

Malambing na yumapos si Warren sa ina.

“Huwag ka ng magtampo Mom. I’ll make up. And I already made a reservation to your favorite Japanese restaurant for our dinner tonight. C’mon don’t you miss your son? Nakasimangot na mukha ba ang ipapasalubong mo sa anak nyo. It makes me feel bad…”

Saka lamang ngumiti ang ginang.

“Okay, that’s enough. I understand. Ano pa nga ba ang magagawa ko… but you should give Avina and I a wonderful dinner tonight.”

“Promise. I’m going to have a great date with two great ladies tonight.”

Tahimik na nakikinig si Lena habang nag-aayos pa rin ng mga gamit. Sa huling sinabi ng binata ay tila nakumpirma niya na may relasyon nga ang amo at ang sikat na dalaga.

“It’s almost eight, aren’t you going home yet?”

Patuloy pa rin sa seryosong pagliligpit ang dalaga habang nakatingin sa inaayos na mga gamit.

“Lena, I’m talking to you.” medyo may kalakasang wika ni Warren.

Nagulat ang dalaga. Saka lamang ito napatingin sa amo.

“Ano po yun?”

“I said hindi ka pa ba uuwi? It’s almost eight.”

Napatingin sa relos ang dalaga. Mag aalas otso na nga ng gabi. Nakalimutan niya na ang oras sa dami ng ginagawa.

“P-pero okay lang po ba? Eh hindi pa po ako tapos dito.”

“Yeah you can leave now.”

Nagtaka naman ang ginang ng marinig ang sinabi ng anak.

“What are you talking about Warren? She’s not done yet. I still have a lot of things to be unpacked.”

“Can’t it wait until tomorrow Mom? She can’t work overtime.”

“And why? You always provide me an assistant who can stay anytime I want.” reklamo ng ina.

“She can’t do it. She has kids to attend to. Busy lahat ng ibang mga empleyado because of our big event and she’s the only one who's most suited to assist you. This is just a  small discomfort so I hope it won’t matter that much.”

“I requested to you a female assistant but a single one.”

“She’s single but unfortunately she has three kids already.” sabay tapon ng isang seryosong tingin ni Warren sa tauhan.

Napalunok si Lena. Hindi alam kung ipinagtatanggol ba siya ng lalaki o pinapahiya.

“Pasensiya na po kayo Ma’am. Aagahan ko na lang po bukas pumunta dito at sisimulan ko kaagad mag-ayos.”

Ilang sandaling nag-isip ang ginang at nakahalukipkip na tiningnan nito si Lena mula ulo hanggang paa.

“You still look young. How could you have three kids already? Maaga ka bang nabuntis?”

“Mom! You don’t have to dig on that matter anymore. That’s her private life.” saway ni Warren.

“I don’t mean to pry. Wala naman sigurong masama if I want to know the background of those people who will be staying close to me.”

“But that matter is too personal. Sige na Lena, you can leave now tutal paalis na rin kami.”

“Sige po. Salamat.”

Bago lumabas ay tumingin muna si Lena kay Avina. Nginitian niya ito at hindi siya nakatiis na hindi ito lapitan. Naglabas siya ng ballpen at notebook mula sa bag.

“Hi Ms. Avina! Isa ako sa mga fans mo. Nakakahiya man pero pwede ba akong makahingi ng autograph.” sambit ng dalaga ng may abot tengang ngiti.

Hindi sumagot si Avina. Sa halip ay tinitigan niya ang babaeng kaharap. Nakatali ang may kahabaang maitim na buhok. Nakasuot ng pangkaraniwang blouse, maong na pantalon at flat shoes. Simple kasuotan pero hindi baduy ang pagkakadala. Maganda ang mukha. May katangkaran. Maganda pa rin ang pangangatawan. Hindi mo aakalaing isa na pala itong ina. Sa tantya niya ay hindi lalagpas bente sais ang edad nito.

Hindi siya maramot sa mga fans. Ngunit sa nasaksihan niyang pagdepensa dito ni Warren ay nakaramdam siya ng kaunting selos. Alam niyang hindi ito ang tipo ng babaeng kaselos-selos pero sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay tila biglang bumigat ang dugo niya rito.

“I’m sorry but I don’t give autograph during my private time.”…

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
3.3M 78.3K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
161K 8.9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
334K 4.8K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas EspaƱola at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...