Chapter 40
Pirmado
Alia's Note: Gulat kayo at may update, ano? Haha! I told you, mabilis na ang update ngayon. Hokage. Haha!
Like what I've said on my last post, this chapter forward will be for Athena's point of view. Babalik naman po si Danger. Pero, saka pa. So, let us wait for their road to forever. Kung sila ang end game. Haha!
------------
Tumayo na ako noong nagsalita ang piloto ng eroplanong sinasakyan ko at inanunsyo kung nasaan na kami. Nang nasa bukana na ako no'n at tanaw na ang port area ng Ninoy International Airport, hindi ko mapigilang huminga nang malalim at matamlay na napangiti. Nasa Pilipinas na rin ako, sa wakas. After almost four years.
Bumaba na ako, pero ang bigat ng mga paa ko sa bawat pagyapak ko sa kalsada. Marami rin akong nakasabayang mga Pilipino at 'di kagaya ko, masayang masaya sila. Puro OFW sila, sa tingin ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit lalo na ng may nakita akong isang kumpol ng magkakamag-anak na nagyayakapan habang nakatayo na ako sa exit point patungo sa labas. Sa pag-oobserba ko, tingin ko, iyong lalaki ay kakauwi lang galing ibang bansa. Yakap na yakap niya ang kan'yang asawa. Parehas na bumubuhos ang kanilang mga luha habang matamang nagtitinginan sa isa't-isa. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Napaiwas ako ng tingin. Dammit, ang aga ko namang masaktan.
Lumayo na ako dahil baka lumabas pa na bitter ako. Pumara ako ng isang taxi. Habang bumibiyahe na sa kahabaan ng Coastal ay tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.
"Athena," baritonong boses ang sumalubong sa 'kin.
"Dad, kumusta po?" Tanong ko sa kabilang linya. Bumagsak ang tingin ko sa rear mirror. Diretso lang ang tingin ng driver sa kalsada.
"Ayos lang. Sabi ko naman sa 'yo na susunduin ka na namin d'yan sa airport, 'di ba?" Tunog pagtatampo niyang sabi. "Nasa'n ka na?"
"Sa coastal, Dad. 'Di ba po, I told you, too, that I can handle myself? Do'n pa nga lang na nag-iimpake ako ng gamit sa Amerika, panay na ang palatak n'yo sa 'kin, e," pabiro kong sabi.
Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Saan ang diretso mo, iha?"
"May kikitain lang po akong kaibigan, Dad. Then, sa Gen. Tri na po ang sunod."
"Okay." Akala ko ay doon na natapos ang pag-uusap namin at puputulin na ni Dad ang tawag, ngunit, nagulat ako nang muli siyang magsalita.
"Athena, whatever the results of these, always remember that I'm here for you."
Napahawak ako sa dibdib ko. Sumulyap ako sa mga gintong bintana ng Hyatt Hotel. I'm getting emotional yet nothing happens still. Damn it.
"Thank you, Dad," sambit ko. Tinapos ko na ang tawag sa pagsabi ni I love you sa kan'ya.
Hindi pa ako nakakabawi sa nararamdaman ko ay muling tumunog ang cellphone ko. This time, Viber naman ang lumitaw sa screen ng phone ko.
"Hello..." tumikhim ako noong naging garalgal ang boses ko.
"A-THEE-NA!"
Nilayo ko agad ang cellphone ko sa tainga dahil sa sobrang hyper ng nagsalita. Napailing ako. Simula noong nag-uusap kami, parati akong nagugulat sa ganito niyang kilos. Hindi talaga ako sanay.
"Huy! Ba't hindi ka nagsasalita d'yan?" Pagtataka niya, bumubungisngis sa kabilang linya.
"W-wala naman." Kiming sabi ko.
"Haist! Ito naman, parang lantang gulay kung magsalita. Nasa'n ka ba?"
"Along Baclaran Church Road-"
"Wait a second? Are you in the fucking Philippines now?" Laking gulat niyang tanong.
Gustuhin ko mang ngumiwi noong magmura siya ay ngumisi tuloy ako. "Oo."
Bigla ko ulit nilayo ang phone ko sa pagtili niya nang malakas. Napatingin pa si Manong sa akin gamit ang rear mirror dahil sa reaksyon ko. Mukhang rinig din niya ang boses ng nagsalita.
"Oh, my God!" She exclaimed in happiness. "At last! Nakauwi ka na rin!" Masaya niyang sabi.
"Pasensya na kung hindi ko nasabi sa 'yo agad. Gusto ko muna kasing ilihim sa lahat ng tao na nandito ako."
"Ayos lang. Alam mo naman na matagal ko nang hinihiling sa 'yo na umuwi ka na, hindi ba?"
Bumuntong-hininga ako. "Oo nga. Kaso, nauudlot dahil marami akong kailangan na asikasuhin. Kailangan ko pang bantayan si Mom dahil katatapos lang ng heart operation niya."
"I just hope, Athena, that your main plan is to see Danger. Three years din 'yon. I think, ito na iyon, though, ayaw kitang pangunahan."
"H-hindi ko alam, Jessica." Pasuko na ako. Pasukong-pasuko na.
"Athena naman. Wala pa tayong alam, 'di ba? Heto na ka naman, e. Pinapangunahan ka na naman ng doubts. Alamin mo muna kaya ang nangyari?" May bahid ng irita sa kan'yang boses.
"Alam ko na ang lahat. Lahat-lahat, Jes."
Natahimik siya sa kabilang linya. Biglang sumagi sa isip ko ang usapan namin ng private investigator na inupahan ko upang sundan si Danger.
"Bakit mo nilihim sa 'kin ang mga nalalaman mo, Mr. Escalante?!" Puno ng galit kong tanong noong nasa tapat ko na si Mr. Domingo. Nasa isa kaming high-end restaurant 'di kalayuan sa condo ko sa L.A. Hindi ko man lang ma-appreciate ang bagsak ng snow sa mga nalaman ko.
Napayuko ang kaawa-awang lalaki. I've hired him as my private investigator matapos noong hindi ko mabalikan si Danger isang taon na ang nakalilipas.
"I'm sorry, Ma'am. Your dad ordered me not to tell you what I've learned." Hindi niya maiangat ang tingin sa 'kin.
"He ordered you?" Parang gusto ko tuloy matawa sa inis. "Ako ang nag-hire sa 'yo, 'di ba? Ako ang gumagastos ng pamasahe mo rito ay pabalik! Then, you must be reporting to me!"
"Pero, galing pa rin ang sinusuweldo ko sa inyong ama, Madame. Isa pa, ginawa n'ya lang po iyon dahil nag-aalala siya sa inyo," paliwanag niya.
Ayokong tanggapin ang mga dahilan niya na wala sa h'wisyo. Hindi niya alam, pero, ang pinag-uusapan namin dito ay maaaring pagkawala ng taong mahal ko.
"Let's stop this. I-I want to see the pictures." Bigla akong kinain ng kaba. Iyong puso ko ay bumibilis ang pintig. Pinahandaan ko na ito, ngunit, alam kong iba pa rin 'pag nandito na.
Umupo muna si Mr. Escalante sa harapan ko. Habang abala niyang kinukuha sa itim na brief case ay dumating naman ang isang waiter doon. Humingi lang ako ng tubig dahil ayokong magtagal dito. I want to go home after this. I want to see my husband.
"You, Mr. Escalante, what do you want?" Tanong ko sa accent na nararapat sa kung saan kami ngayon.
"A water will do, Madame," saad niya sa mababang boses.
Iyon ang mga sinabi ko sa waiter at hindi nagtagal ay umalis na rin ito.
"Madame, inside this envelope are the pictures that you're wanting to see," pahayag niya at ipinatong lamesa. Gamit ng mga daliri ay tinulak niya papalapit sa 'kin iyon.
Nanuyo ang lalamunan ko habang tinititigan ito. Nakakaramdam na 'ko ng init sa batok ko. I have to be brave. I have to be.
"O-okay, you can go now," Kinagat ko ang aking ibabang labi para tumigas ang boses ko.
"H-ho?" Gulat niyang tanong.
"Sabi ko, p'wede ka nang umalis. Check your A.T.M. Nando'n na ang payment ko sa 'yo." Malamig ko siyang tinignan.
Hindi na siya nagsalita pa at pagkatapos noon ay iniwan na ako. Bumagsak na ang tingin ko sa brown envelope. May kung anong nag-uudyok sa isip ko na buksan na ang envelope para matapos na ang sakit. Pero, may isa ring nagsasabi na dapat ay hindi ako rito maglabas ng emosyon kapag nakita ko na.
Umalis na ako sa resto at naghanap ng lugar na malayo sa lugar ko at kina Mama. Nakita ko ang isang seaside roon at napagdesisyunan kong doon muna manatili.
Hapon na at hindi gano'n katirik ang araw. Sumasayaw sa hangin ang mga dahon ng mga puno at ilan dito ay naglalagasan na. Ganitong panahon din no'ng nakilala ko si Danger. Shit.
Umupo ako sa isang puting bench do'n. Kaharap ko ang dagat na payapang umaalon. Sumasalamin ang araw na unti-unti ay nawawala na sa mga ulap.
Bumuntong ako ng isang malalim na hininga. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope. At nang makuha ko ang mga laman no'n, muntik ko pang mabitawan ang litrato nang makita ko asawa ko na nakaakbay sa isang babae. Masaya silang nagtatawanan kasama nina Irwin.
Nag-init ang sulok ng aking mga mata at biglang nanginig ang labi ko. Kung tutuusin ay may karapatan pa akong magalit sa kan'ya dahil pambabae itong ginagawa niya, pero, 'di ko magawa. Danger waited for me for two damn years. At sa mga panahon na iyon ay hindi ko man lang sinagot ang lahat ng e-mails at Viber niya dahil gusto ko munang mawala ang sakit ng pagkawala ng panganay sana namin. Alam kong kapag kinausap ko siya ay baka ibunton ko sa kan'ya ang sama ng loob ko. I want to heal myself first. Pero, hindi ko ginusto ba magtatagal ako rito sa Amerika! If Danger would only know how do much I wanted to see him everyday. How I'm missing him so bad.
Isa-isa nang pumatak ang mga maiinit na tubig sa pisngi ko. I can't blame him. Maybe he got tired of me. Pero, ang sakit lang. I know for so many years that Danger was really faithful to me. Ako lang ang hindi siya pinagkatiwalaan. And same goes with him. He didn't trust me, yes, but now I understand why. And its because he's afraid of losing me.
Kahit na kinukurot nang matindi ang puso ko ay ginawa ko pa ring titigan ang naturang babae. Maalon ang itim nitong buhok. Matangkad at may pagka-morena. Nakaitim siyang long gown no'ng mga oras na iyon ngunit mukha siyang disente at edukada. Nangingislap ang mga mata nito at nakatuon ang tingin sa kan'ya ni Danger.
Hindi ko napapansin na nagsisimula na pala akong humagulhol. Was he really became tired of understanding my tantrums? Nagsawa na ba siya sa akin? Does his feelings fade away? Did he already realized that there's someone who can love him better than me?
"Athena..." Napabalik ako sa h'wisyo no'ng nagsalita si Jes sa, kabilang linya. "Are you...giving him up...now?"
Napaawang ang labi ko. Naumid ako. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin.
"Ma'am, nandito na po tayo sa Giligans."
Napatingin ako sa anunsyo no'ng driver.
Lumunok muna ako bago magsalita, "Sige po." Binalik ko ang atensyon kay Jessica. "Jes, saka na kita sasagutin. Nandito na ako sa pupuntahan ko."
"Balitaan mo 'ko, ha?" Bilin niya.
Napangiti ako. "Oo."
Nagbayad na ako sa driver at tuluyan nang tinungo ang lugar. Naglinga-linga muna ako bago dumako ang tingin ko sa hinahanap ko. Agaran kong nilapitan ang nakatalikod na lalaki na nakasuot ng balck suit at nakaupo.
"Geronimo," tawag ko at kinulbit siya. Napalingon si Geronimo sa akin.
Nginitian niya ako nang matipid. "Kumusta na kayo, Ma'am?
Umupo ako sa harapan niya at sinuklian din siya ng isang ngiti. "Ayos lang. Ikaw?"
"Ayos lang din, Ma'am." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Ma'am, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam n'yo po siguro kung bakit-"
"Alam ko," pagputol ko at ngumiti. I can hide this pain through smiling. You'll see.
Iniabot niya sa akin ang puting sliding folder. Tinitigan ko muna iyon nang matagal bago ko kinuha. Pinaghandaan ko na lahat. Ang damdamin ko at ang reaksyon ko. Pero, no'ng mga panahon na iyon ay bigla akong nanlamig. Sumasakit ang ulo ko. Lalo na ng buksan ko iyon. Kung hindi ko pa agad kinagat ang ibabang labi ko ay baka sumigaw na ako sa harapan ng utusan ni Danger. Inaasahan ko na ito, pero, mas dumoble ang pagkawasak ng puso ko kaysa no'ng una ko iyon matanggap. Nilalaman noon ang annulment papers namin ni Danger. At pirmado pa niya.