Lady Taxi Driver (AVAILABLE I...

By kisindraaaa

924K 14K 910

Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Pl... More

Lady Taxi Driver
Notice to my dear readers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
Love Letter ♥

Chapter 15

24K 429 36
By kisindraaaa

Chapter 15


Bumalik pa si Joey sa opisina pagkagaling nya sa office ni Liz. Naiwan nya kasi ang mga gamit doon at para makapagpaalam na rin sa boss nya bago sya umuwi.

Dala ang ilang paper bags na laman ang ilang damit at accesories, dumiretso sya agad sa opisina ng amo. Inayos na muna nya ang sariling workstation saka kumatok sa pinto ni Lance. Hindi sya sure kung nasa loob pa ang binata lalo na at alas otso na ng gabi. Ito na ang pangalawang pagkakataon na inabot sya ng ganung oras sa trabaho.

Sumilip sya sa pinto at nakitang busy pa ang binata sa ginagawa.

"Sir..." kinakabang sabi niya. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong sya ng madilim nitong mukha. Nakakunot ang noo na tipong pwede nang kaskasan ng cheese. Kinabahan tuloy lalo ang dalaga sa hitsura ng amo.

"What took you so long?" seryosong tanong nito saka hinagod sya ng tingin. Marahil napansin nito ang ibang pananamit nya. Iba nga naman dahil naka-dress na sya ngayon in baby pink color at pinatungan ng white coat. 3 inches above the knee pa rin naman iyon pero ibang-iba sa suot nyang skirt at blouse kanina.

"Ahm, k-kinausap pa po kasi ako ni Ms. Liz, sir." Sagot ni Joey.

"I kept on calling you earlier but you're not answering! Kahit si Liz hindi sumasagot sa tawag ko. Do you really intend to keep people worry about you?"

Bahangyang nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Tama ba ang pagkaintindi nya? Nag-alala si Lance sa kanya?

"I'm sorry, sir. Hindi ko naman po sinasadyang hindi masagot ang tawag nyo. Nawala po kasi ang cellphone ko kanina noong papunta ako sa opisina ni Ms. Liz. Hindi ko po alam kung naiwan ko sa taxi o nahulog. Nagmamadali po kasi ako na baka hindi sya maabutan." gusto matawa ni Joey sa sitwasyon nila. Para syang isang babae na nagpapaliwanag sa boyfriend nya. Pero wish nya lang boyfriend nya nga talaga si Lance.

"Don't you dare do something stupid again. You may go now."

Ano daw? Ano bang ka-istupiduhan ang ginawa nya at galit na galit ito sa kanya? Hindi naman nya sinasadyang mangyari yun. Masyado kasing mahilig magbigay ng time limit ang boss nya kaya naman hindi nya din maiwasan ang mataranta.

MUNTIK Pa ma-late sa trabaho ang dalaga kinabukasan. Agad syang nag-ayos ng sarili at umalis papunta sa trabaho. Hindi sya pwedeng maunahan ng boss nya. Kundi baka masira ang magandang record nya dito. Iyon ay kung maganda pa nga talaga ang record nya.

Laking pasasalamat ni Joey ng dumating sya sa opisina ng wala pa ito. Mabuti naman at naunahan nya pa rin ang boss nya. Agad nyang inayos ang mga kailangan. Pati na rin ang regular breakfast nito ay inayos nya na rin. Tila nasanay na rin ang binata sa araw araw nyang rasyon dito at hindi na nagrereklamo.

Ilang minuta pa ay dumating na rin ang binata. Masiglang bumati si Joey na hindi na rin nya ipinagtaka noong hindi sya binati pabalik. Dumiretso lang ito papasok sa loob ng opisina tulad ng palagi nitong ginagawa. Umupo na lang ulit si Joey at naghanda ng magsimula sa trabaho. Pero hindi pa nag-iinit ang puwitan nya sa upuan ng tumunog ang intercom.

"Joey, in my office." sabi nito.

Halos hindi sya nakagalaw sa inuupuan nya. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nya. Wala syang ibang naririnig kundi ang paulit-ulit na boses nito na binabanggit ang pangalan nya. Sa wakas, tumama din si Lance sa pangalan!

"Joey, are you there?" untag nito sa kanya. Bigla naman syang natauhan. Pero hindi mawala ang malapad na ngiti nya.

"Y-yes, sir." Sagot nya na parang nag-ddaydream pa. "Pupunta na po."

Pumasok na sya sa opisina nito matapos kumatok. Sinenyasan sya nitong umupo sa katapat na upuan.

"I need your help, Juliet." parang bigla naman naglaho ang lahat ng ngiti nya. Hindi nya malaman kung totoo bang binanggit nito ang pangalan nya kanina o nananaginip lang sya ng gising. Nakakainis! Iba na naman ang tawag nito sa kanya.

"Is there a problem?" napansin yata ng binata ang pagkatulala nya.

"Wala, sir. Ano nga po ulit yung sinasabi nyo?" tanong nya dito.

"I'll be needing your help. I need an appointment Mr. Gallego to discuss the deal. It is important that we get a schedule with him. That way, I can talk to him and lay down all my proposals." Mataman na nakikinig si Joey habang naglilista ng key points sa planner. "We have a lot of competitors, huge companies, and they also want to GCI to invest with them. That's why we need to move fast. So, here's what you need to do. Call their office and ask for an appointment next week. But the earlier, the better. Do everything you can, basta makapagpa-schedule tayo."

Tumango lang ang dalaga. Matapos maibigay ng amo nya ang iba pang detalye ay nagpaalam na ang dalaga. Pagbalik ni Joey sa lamesa nya ay agad na ginawa ang iniutos. Ilalabas na nya ang lahat ng convincing power nya.

Matapos ang ilang ring, sa wakas may sumagot din sa kabilang linya. Direct line iyon sa opisina mismo ng CEO.

"GCI Company. Good morning!"

"Hi, good morning. This is Joey, from Louvre International Group of Companies. I would like to ask if we can schedule an appointment with your president." kinakabahan sya. Sana naman pumayag.

"I'm sorry, Ma'am. But Mr. President's schedule this week is already full." hinging dispensa ng kausap.

Napakagat labi si Joey sa narinig. "Oh, I see. How about next if possible? Mr. Del Fierro has a very competitive proposal suited for GCI and he would be glad to discuss it personally."

"I'm not really sure, ma'am. Mr. Gallego will be flying next week, Tuesday, to Canada for a family out of town. He'll be away for two weeks. But I'm going to tell him about this, and I'll call you as soon as I have the decision." napabuntong hininga na lang si Joey. Hindi nya alam na ganun pala kahirap magpa-schedule ng appointment.

Pero hindi sya susuko. Hangga't may naiisip syang paraan, hindi sya titigil. Next week pa naman pala aalis. At sa Tuesday yun. So ibig sabihin, pwede pa syang sumingit sa schedule nito sa Monday. Ano kayang pwedeng gawin?

Naalala nya si Georgie. May research tools na ginagamit ito para malaman ang mga details na ginagawa ng isang empleyado at negosyante. She uses it for business purposes only. At since under pa naman ng business ang ginagawa nya, pwede syang makiusap kay Georgie na tulungan sya.

LUNCH BREAK. Nasa cafeteria sila ng company. Maya-maya ay inabot sa kanya ni Georgie ang papel.

"O, ayan na ang request mo." sabi nito sa kanya at nagsimula ng kumain. Binitiwan nya ang kutsarang hawak at hinarap ang papel na binigay nito.

"Kompleto na to?" tanong nya sa kaibigan.

Tumango lang ito dahil puno ng spaghetti ang bibig ni Georgie.

Pinag-aralan nya ang schedule ni Mr. Gallego. Ang daming pinagkakabalahan kahit na nasa 50's na ito. Nakakaloka. Kaya naman pala lalong yumayaman. Sa isang araw, hindi lang isa ang meeting nito. Madalas dalawa. At malalaking company talaga ang palaging kinakausap.

Monday to Wednesday ganun ang schedule nito. Pagdating ng Thursday, golf schedule naman. Typical rich man's hobby. Pwede nyang maisingit ang appointment dun kaso nakita nyang maghapon ito sa golf course at dinner date naman sa misis nito pagkatapos.

Friday... Skydiving?! Seryoso? Kaya pa ba ng buto nito yun? Pero in fairness! Interesting ang hobby nito.

Tiningnan nya ang schedule nito sa weekend. Hindi na pwedeng sumingit. Focus sa family ang weekend nya. So wala syang choice kundi kausapin ito sa araw ng Friday. Gagawa na lang sya ng paraan para hindi na muna pumasok sa araw na yun.

"Sa tingin ko, malabong magka-appointment si boss Lance sa kanya. Nakita mo naman ang schedule nya. At nalaman ko rin na sa lahat ng gagawin, maliban sa family affairs, hindi talaga pwedeng i-postphone ang golf at skydiving nyan. Kundi, magkakagulo talaga." sabi ni Georgie. Mukhang mas problemado pa ito sa kanya.

"Wag kang mag-alala, Georgie. Marami akong baong pasensya at convincing powers. Kaya ko yan."

"WHAT DO YOU WANT?" masungit na bungad ni Lance.

"Sir, since hindi naman kayo busy sa Friday, gusto ko po sanang mag-half day muna." Napakunot ang noo ni Lance sa sinabi nya.

"Why?"

"Balak ko po kasi sanang puntahan ng personal ang GCI. Mukhang hindi po kasi tayo papayagan kapag sa telepono lang nakipag-usap." natahimik si Lance. Parang nag-isip pa.

"Alright. But make sure, you'll come to work on the afternoon. Kailangan kita dito."

"Aye, aye, sir! Thank you po." sumaludo pa si Joey bago lumabas ng opisina.

FRIDAY.

Kung lahat nagpapasalamat dahil bukas weekend na, si Joey naman thankful dahil nakarating sya sa opisina ng buhay. Kahit na halos umikot na ang paningin nya at panawan na sya ng ulirat.

Hindi naman kasi nya inaasahan na ganun ang mangyayari. Pinuntahan nya si Mr. Gallego katulad ng plano nya. Maaga pa lang ay bumyahe na sya papunta sa Tagaytay. Ayon sa data nya, doon daw ito madalas pumupunta kapag Friday.

Sinuswerte nga siguro ang dalaga dahil pagdating nya sa area, nakita nya agad ang matanda at nagkaroon sya ng pagkakataong makausap ito. Mabait at palatawa si Mr. Gallego. At natuwa sya ng mapansing enjoy na enjoy ito sa pakikipag-kwentuhan sa kanya. Doon lumitaw ang ubod taas na kompyansa nyang mapapapayag nya ito sa appointment.

Kaya naman hindi na sya nagpatumpik tumpik pa. Binuksan na nya ang topic about sa totoong pakay nya.

"Ahm. Sir, can I ask you a little favor?" simula ni Joey. Hinay hinay lang muna ang technique. Baka biglang masira ang plano nya.

"Sure, hija. Anything." Uy, anything daw.

"Honestly, I came here to talk to you if we can make an appointment? Alam ko po na masyadong maraming humihingi ng appointment sa inyo, pero sana po bigyan nyo po ng chance ang company namin. Promise, sir! Hindi kayo magsisising pumayag kayo." sa likod ni Joey, naka-fingers cross na sya. Sana naman pumayag. Huling pag-asa na nya ito. At kapag pumalya sya ngayon, mahihirapan na syang makalapit sa matanda.

Natahimik ang kausap nya. Ilang segundo pa ang lumipas na tila nag-iisip ito.

Lihim naman na nagdadasal si Joey.

"Okay."

Nanlaki ang mata ng dalaga. Totoo ba ang narinig nya?

"Really, sir?" excited na tanong nya. Baka kasi nagkamali lang sya ng pandinig.

"Of course. I know your boss, young and determined. I like his way of leadership, actually."

Tuwang tuwa si Joey. Gusto na nyang yakapin ang kausap sa sobrang tuwa nya.

"Anyway, are you afraid of heights?"

Hindi nya alam kung para saan ang tanong nito pero dahil masayang masaya ng puso ng dalaga, mabilis syang umiling bilang sagot. Wala naman syang acrophobia. Yun ang pagkakaalam nya.

Huli na para magsink in sa utak nya ang ibig sabihin ni Mr. Gallego. Ipinasuot na nito sa kanya ang mga gears at safety stuff para sa skydiving.

Loko talagang matanda yun! Negosyante nga! Hindi talaga papayag na walang kapalit ang gagawin nya.

KANINA PA PALAKAD lakad sa opisina nya si Lan. 4pm na at hanggang ngayon ay wala pa rin si Joey. Hindi naman nya ito matawagan dahil wala itong cellphone.

Maya maya ay bumukas ang pinto ng opisina nya at niluwa ang taong kanina nya pa hinihintay. Pero natigil sa ere ang mga tanong nya nang makita ang itsura nito. Mas lalong napakunot ang noo nya ng makitang gulo gulo ang buhok ng dalaga. Wala sa ayos ang suot na shorts nito at gusot ang damit.

Anong nangyari sa kanya?

"Where the hell have you been?" galit na tanong nya dito. Ilang oras na kasi itong late at nang dumating pa, mukha pa itong may ginawang milagro. She looks like she just ---

"Sorry, sir. I'm late." inayos pa nito sa harapan nya ang tabingi na shorts.

Kusang napaiwas ng tingin ang binata saka nya ito muling tinitigan ng matalim.

"Where have you been?" tanong ulit ni Lance

"I've been up there!" sabay turo sa itaas.

And he's such a fool na tumingin naman sa itaas. Kisame lang ang nakita nya.

"Are you fooling me?" inis na tanong nya dito.

Mabilis naman umiling ang dalaga. Maya-maya ay napatakip ang kamay nito sa bibig.

"What?" hindi na maiwasan ni Lance ang mag-alala.

"I think... I'm gonna throw up!" at tumakbo na ito.

"Go to the bathroom!" hindi maintindihan ni Lance ang sarili.

Bigla syang nag-alala sa dalaga. Sinundan nya ito sa banyo.

Nag-flush na ito ng abutan nya. Putlang putla ang mukha. Tumapat ang dalaga sa salamin at inayos ang sarili.

"Talk to me when you're ready." sabi nya at bumalik na sya sa president's table. Doon nya hinintay si Joey.

Maya maya lamang ay umupo na ito sa harapan nya. Maayos ng nakatali ang buhok nito. At nakangiti pa.

"What happened to you?" hindi na sya makatiis na hindi ito tanungin. Mukha itong ni-rape kanina. Pero kung ganun nga ang nagyari, bakit nakangiti pa ito? Mukha namang hindi pinwersa.

"You got the appointment, sir!" masayang sabi nito.

Pero hindi nya makuhang maging masaya. Tama ba ang iniisip nya? Ibinenta ba nito ang sarili kay Mr. Gallego para lang makuha ang appointment? Yun ba ang ibig sabihin nitong 'she's been up there'? Langit ba ang tinutukoy nya? Ibang langit?

"Sir, okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo masaya sa appointment nyo?" nagtatakang tanong nito nang hindi sya nagsalita.

"No. Hindi mo kailangan ibenta ang sarili mo sa kanya para makuha ang appointment!" walang gatol na sabi ni Lance. "We can get that in a decent way possible."

"Po?" naguguluhang tanong ni Joey.

"What? From the looks of it, hindi na kailangan pang itanong dahil halata na sa hitsura mo."

It took a minute before Joey understand everything. Sa halip ay bigla itong tumawa ng malakas. Napapataas pa ang paa nito sa sobrang saya.

"Will you stop it?!"

Bigla namang tumigil si Joey pero pigil pa rin ang tawa.

"Sorry, sir. Kayo kasi eh. Kung ano ano ang iniisip nyo. Mukha bang ganun ang nangyari sakin?" marahang tumango si Lance. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

"Sir, naman. Hindi naman ako ganung tao no? Pero kahit kakaiba pa rin naman ang ginawa ko at least, nakuha natin ang appointment!"

"How?" tanong ng binata.

Kinuwento ni Joey ang lahat ng nangyari. Kung paano naging mautak ang kliyente nila at naisahan sya.

"Tuwang tuwa nga sakin yung matanda eh. Kasi nakatayo ako nung bumagsak sa lupa yung parachute ko. Pero hindi na ako uulit nun, sir. Grabe! Natrigger ang acrophobia ko. Kahit wala naman talaga akong fear of heights dati." sabi ni Joey na mukhang na-phobia na nga yata sa heights.

"I'm sorry. Pinag-isipan agad kita ng masama. I should have known first." pero sa halip na magalit ay tumawa pa ito.

"Ok lang yun, sir. Kahit naman siguro sino, ganun ang iisipin. Kaya naman pala lahat nang nasa lobby kanina, iba ang tingin sakin." Muli na namang natawa ang dalaga. Nahawa na rin si Lance at napatawa na rin.

Doon natigilan si Joey at ang dapat nasa isip lang, nasabi nya ng malakas.

"Mas gwapo pala kayo kapag tumatawa, sir. Dapat ganyan na lang palagi." Bigla naman tumigil si Lance. Doon narealize ni Joey ang sinabi. Napatikhim na lang sya. "Anyway, sir. Kayo na po ang bahala sa Monday ha? Dun na lang daw sa office nila kayo mag-meeting. 8:30am. Kasi kailangan nilang magprepare ng maaga para sa out of town trip nila kinabukasan." bilin ni Joey bago tuluyang lumabas sa opisina nya.

This time, he was totally impressed. Cowboy na kung cowboy pero lahat ng ipagawa nya sa dalaga, lahat nalulusutan nito. At ang hindi nya kinaya ay ang ginawa nito ngayon lang. Masyadong risky ang skydiving at kahit hindi ito sanay sa ganung sports, ginawa nya pa rin para lang sa utos nya. Pwede pa nitong ikamatay iyon dahil wala naman talaga itong knowledge sa ganoong sports.

He should thank her. And one thing's for sure. Ito na ang right time, para sya naman ang magpakitang gilas kay Joey. Gusto nyang makita itong palaging masaya.

Napaisip ang binata. May passport na kaya sya?

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 42.4K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
2.5M 34.3K 48
Jay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lol! Why would a drop-dead-gorgeous-rich m...
41.7K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
422K 6.1K 24
Dice and Madisson