Making Her Mine

By hellgirl_ice

754K 3.5K 350

For some UNKNOWN REASON I have drawn myself to the worst person I never want to get involved with. Inspite of... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

148K 915 94
By hellgirl_ice

Chapter 1

Brousseau Academy

Ang tinuturing na pinakamagandang school sa Brauex City. Nagpo-produce ng mga excellent students sa iba't ibang larangan ng sports at acads.

Napakalawak ng sakop ng paaralan. Mula sa limang palabag na mga gusali at isang gymnasium hanggang sa malawak na field. Na naghahati-hati sa mga iba't ibang klase ng indoor at outdoor sports. Kompletong pasilidad at mga gamit para sa mga mag-aaral.

Kaya nga lang, sa ganda at kamaha-mahang eskwelahan ay pinamumugaran naman ng mga mata-pobre at delengkwenteng estudyante, na akala ay hawak ang mundo. Typical na mga rich kid. At sa kamalas-malasan pa ay pinamumunuan pa ang mga ito ng mas may sira sa utak.

Ang tatlong hari ng Brousseau Academy. As most people call them the 'DARK EMINENCE'.

Dito ang mga salita nila ang batas. BATAS na kahit na sino ma'y walang karapatang kumwesyon o kahit na magtangkang bumali ng mga ito.

Dapat LAHAT sumunod.

Kung hindi ay panigurandong may paglalagyan ka.

Maging ang mga guro ay hindi makaalma sa kanila because they're practically own the place. Their family are one of the most powerful and influential clan in the country. Sa business world man o sa politika. They can do whatever they wanted inside and outside the school ground. Because of that, people admire them, respect them and at the same time fear them.

Gayunpaman, halos lahat ng mga tao sa paaralang ito ay gustong mapalapit sa tatlo. Mapalalaki man o mapababae. Pero para sakin, sila ang mga taong dapat iniiwasan. You can never predict the minds of an Arclide. Hindi ko lang talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa mga utak ng mga tao dito. Dahil din kasi sa kanila maraming mapagpanggap at maraming bully sa school. Ginagawa nila iyon para mapansin at mapasali sa mga alipores ng tatlong iyon.

Buti na lang ay huling taon ko na dito. Ilang buwan na lang at makakaalis na ako sa lugar na 'to. Kailangan ko lang panatilihing maganda ang records ko habang hindi napapansin ng mga mata ng mga tao. Mahirap na kung hindi ka mag-iingat. Hindi mo namamalayan nagkakaroon kana pala ng kaaway o taong gusto ka lang pagtripan. Dahil sa mundong ito dapat lang na protektahan mo ang sarili mo sa mga taong may kakayahang manakit sayo.

Napahinto ako sa paglalakad papuntang locker ng makarinig ako ng malakas na kalabog. Maging ang ibang estudyate ay napabaling rin kung saan nanggaling ang ingay. Lahat ng mga mata sa pasilyo'y nakatuon sa dalawang taong nasa hilera ng mga locker. Maraming tao nakakalat dito dahil bago lang tumunog ang bell, hudyat para sa lunch break.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Lou ang isa dun sa dalawa, nakasandal sa locker niya. Nasa harap nito ay isang lalaki-na ikinukulong sa pamamagitan ng dalawang kamay na nakasandal sa pagitan ng ulo ni Lou-na mukhang galit na galit.

'Si Chance? Patay! Ano naman kaya ang ginagawa nito sa kaibigan ko?'

"Pakiulit nga ang sinabi mo." Matalim na tanong ni Chance kay Lou.

Bakas sa mukha ni Lou ang takot sa lalaking kaharap. Nang hindi umimik ang kaibigan ko'y sinuntok muli ni Chance ang locker na nasa tabi lamang ni Lou. Nagpapahiwatig ng isang babala para dito.

"Answer me! Damn it!" He yelled to her face.

"WHAT THE--?" Nanlulumong sambit ko.

'Mukhang masisira ata ang locker ko sa lakas ng suntok ni Chance dito. Ano ba kasing nangyayari?'

"Tumabi kayo, dadaan ang dalawang hari!" Boses ng lalaking sumigaw mula sa mga lupon ng mga estudyante.

Napabuntong hininga ako.

'Ito na naman po sila. Minsan napaka-OA talaga ng mga estudyante dito.'

Unti-unting nagsitabihan ang mga estudyante sa may pasilyo kasabay nang paglitaw ng dalawa nilalang. Parang mga hari talaga kung lumakad ang dalawa sa gitna habang papunta sa direksyon nila Chance. Ang mga estudyante naman roon ay halos luhurin na ang nilalakaran ng mga ito. Makikita mo sa mga mata ng bawat estudyante ang pinaghalong paghanga, inggit at takot habang sinusundan ng tingin ang dalawa.

'Sabi ko naman diba, maypagka-OA ng mga ito.'

Naramdaman ko na naman ang kakaibang ihip ng hangin na dumadaloy sa paligid habang naglalakad ang dalawang nilalang.

Ang dalawa sa tatlong hari ng DE.

Sa tuwing umiihip ang kakaibang hangin na iyon ay malalaman mo agad na paparating ang mga ito o kahit isa man lang sa tatlong sa kanila. Ngunit mas matindi iyon kapag naroon ang presenya noong pinuno nila. O maaari ring sabihin na ang nakakatanda sa tatlo.

Kaya nga gumagawa talaga ako ng paraan para hindi sila makasalubong kung saan. Nakakapanindig balahibo sila. Hindi ko sigurado kung ilusyon ko lang ang nararamdaman ko sa mga taong ito o ano. Basta, ayaw ko sa kanila.

Huminto ang dalawa sa di kalayuan nila Chance at Lou. At ngayon, ang tatlong hari ay nasa iisang lugar na. Minsan ko lang makitang magkasama ang mga ito dahil di' ko naman binibigyan ng atensyon ang kahit na sino sa kanila. Maliban na siguro kay Chance na araw-araw kong nakikitang hina-harass si Lou.

Inalis ko ang atensyon ko sa dalawang dumating at binaling sa kaibigan ko na hindi pa rin pinapakawalan ni Chance. Mariing pa rin itong nakatitig sa kaibigan ko. Pupuntahan ko na sana sila at tutulungan si Lou pero bigla na lang may malamig na boses ang nagsalita.

"Xerxes!" Tawag nito.

Sa tagal ko rito ay ngayon ko lamang narinig ang boses ng pinuno ng DE. Nakakapanindig balahibo ang boses nito. Iyong tipong parang gusto mong tumakbo at magtago sa nagmamay-ari ng nakakapangilabot na boses na iyon.

Tumingin lang si Xerxes mula sa balikat nito na parang naiirita. 'Di man lang umaalis sa kinatatayuan niya.

"We need to talk, now." Malamig na utos nito at wala man lang emosyong mababakas sa mukha. Pagkasabi noon ay nagpatuloy na itong sa paglalakad palayo. Sumunod naman 'yong kasama niya.

Noong papalit ang dalawa sa direksyon ko'y hindi ko alam kung guniguni ko lang pero parang nakita kong tumingin sakin 'yong pinuno. Bigla na lang ako nakadama ng takot sa buong katawan ko. Tumindig rin ata ang mga balahibo ko. Out of instinct, napayuko ako't mariing nakatitig sa sahig.

Nang wala na sa paningin namin ang dalawa, I heard Chance said some incoherent word to himself. Tapos bigla na lang niyang inilapit ang mukha kay Lou at may ibinulong dito. Nakita kong nanginig at namutla si Lou sa kung ano man ang sinabi ni Xerxes sa kaniya. Pagkatapos ay umalis na rin ito papunta sa direksyon kung saan dumaan 'yong dalawa.

Nilapitan ko si Lou na tulala pa rin doon.


"Bakit ba di na lang niya ako tigilan?" Humihikbing tanong sakin ni Lou habang kinakain ang pangatlong hamburger niya. Sa mga bawat sambit ay napapasinghot ito.

Nasa likod kami ng skul at nagmemeryenda. Masyado kasing maraming tao sa cafeteria at isa pa umiiwas si Lou kay Chance.

"Ano ba kasi ang ginawa mo at mukhang galit na galit 'yong tao sayo?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi ko pa kasi nakitang ganong kagalit si Chance. Sa tatlong Arclide kasi'y siya ang matatawag na nating 'mabait' kahit na lagi niyang pinagtitripan ang kaibigan ko. Kung iisipin mas binibigyan niya ng pansin ang panggugulo sa kaibigan ko kaysa ibang bagay.

Si Chance Xerxes Arclide ay isa sa tatlong maharlika. Sa pagkakaalam ko, matagal ng binibully ni Chance ang kaibigan ko. Simula palang nung kindergarten ata sila. Hindi ko lang sigurado.

Ang nakapagtataka lang sa mga kwento ni Lou sakin noon ay laging magkapareho ang school na pinapasukan nila. Eh, lumilipat naman kung minsan ng paaralan si Lou dahil sa trabaho ng stepdad niya. Naperme lang ito ng paaralan noong second year high school at lumipat dito sa Brousseau Academy. Tapos, noong taon din iyon sumulpot naman si Chance dito sa school na 'to nung kalahati na ng pasukan.

Kung tatanungin niyo ako kung bakit ay hindi ko rin alam?

Ilang minuto pa ang nakalipas bago sinagot ni Lou ang tanong ko. "Hi-hindi ko kasi nagawa 'yong project niya sa chemistry."

"Tapos...?" I said to her skeptically.

"'Yun lang." Tanging sagot nito.

"'Yun lang?"

'Napakababaw naman na dahilan 'yon.'

"Sure ka ba?" Tumango lang siya at tahimik ng kumain.

Pinagmamasdan ko siya habang kunot noo. May pakiramdam akong may hindi sinasabi sakin si Lou. Imposible naman kasing magalit ng ganun si Chance dahil lang dun. Dati-rati naman kung hindi magawa ni Lou ang mga iniuutos nito ay aakbayan lang nito ang kaibigan ko at tatakutin ng kunti. Pagkatapos ay ipapabili niya ito ng kung ano anong matatamis o kahit anong bagay na maisipan nito.

Pero 'yong kanina...parang may kakaiba.

Nagdalawang isip ako kung pipilitin ko siyang magtapat o hahayaan na lang pero pinili ko na lang ang manahimik at hintayin na siya na mismo ang magsabi nun sakin. Kung ano man iyon.

Papunta ako ngayon sa library dahil inutusan ako ng adviser namin na kunin ang libro sa Chemistry mula sa librarian. Iyon kasi ang gagamitin namin ngayon sa klase. Nang makarating ako roon ay deretso agad ako sa librarian na kasalukuyang nagbabasa sa counter.

"Excuse po ma'am."

Tumingala sakin ang isang may edad na babae mula sa librong binabasa nito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Oh! anong kailangan mo, hija? 'Di ba kanina pa nagsimula ang klase?" Tanong nito habang nakatingin sa orasan ng library.

"Ah, opo pero inutusan po kasi ako ni Mrs. Castillo na kunin ko raw po 'yong libro sa Chemistry sa inyo." Paliwanag ko.

"Ayyy! Oo nga pala 'yong Chemistry. Nakalimutan kong kunin kanina sa bookshelf. Iba na talaga kapag tumatanda." Napangiti na lang ako dahil sa tinuring niya. "Pwede bang ikaw na lang kumuha nun?" Pakiusap niya sakin, na agad ko na mang tinugunan ng 'Opo'. "Salamat. Nasa ikalawang palapag ng bookshelf mo iyon makikita. Sa kanang dulong bahagi ng palawang palapag. Iyong huling na bookshelf dun. Madali mo lang naman mahahanap dahil 'yon lang ang tanging kulay pulang libro."

"Ah, sige po." Tatangong-tangong sambit ko at nagmadaling pumuntang 2nd floor ng library.

Kahit kailan napapahanga talaga ako sa mga pasilidad ng paaralang ito. Katulad na lang ng silid-aklatan na ito, halos lahat ata ng klase ng libro ay naroon. May tatlong palapag ba naman. Maliban sa mga lamesa, upuan at mga bookshelf ay may mga computer rin doon na halos nasasakupan ang kalahati ng buong unang palapag. Mayroon din naman sa pangalawa't tatlong palabag.

'Ang galing naman noong librarian. Akalain niyo sa pagkarami ba naman ng libro dito ay naaalala niya pa kung nasaan ang mga iyon.'

Nasa 2nd floor na ako at papunta sa lugar kung saan nakalagay 'yong libro ay napansin kong unti-unting lumiliit ang bilang ng estudyanteng naroon. Sabagay, oras naman kasi ng klase at siguro 'yong iba ay free period lang nila kaya sila nandito sa library.

Buti hindi ako naligaw dahil ilang bookshelf rin ang dinaanan ko at ilang liko ang ginawa para lang makarating sa distinasyon noong librong hinahanap ko. Sabagay, wala pa namang nababalitaang may naligaw na estuyante sa loob ng silid-aklatan na ito.

Ilang hakbang na lang para makarating ako sa huling bookshelf ay nakarining ako ng ungol. Pero binaliwala ko lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad at lumiko ng makarating sa huling bookshelf.

'Bakit lumalakas ata yung ingay?'

Nanlaki ang mga matang huminto ako at napatakip ang mga kamay sa bibig sa sobrang pagkagulat. Nag-shut down ata ng sampung minuto ang utak ko dahil sa tumambad na eksena sa aking harapan.

Nakita ko lang naman ang dalawang taong parehong kalahating hubad! At mainit na naghahalikan sa harapan ko. Nakasandal 'yong lalaki sa may bookshelf-na walang shirt-at hawak-hawak ang baywang nung babae. Habang si babae naman ay parang lintang kung makadikit at makakapit dun sa lalaki at panay ang ungol. Pinapasadahan pa ang mga kamay sa katawan nung lalaking wala rin pantaas pero thank God nandun pa ang panloob niya sa taas.

'Bakit ba dito pa sila gumagawa ng rated? Hindi ba uso ngayon ang private place, hotel, motel, lodge o kahit saan sa lupalop ng mundo dapat ginagawa ang bagay na yan? Ha? Ha?'

Tinakpan ko mga mata ko habang dahan-dahang umaatras at sumandal sa gilid ng kabilang bookshelf. Nagpakawala agad ako ng hangin sa bibig dahil sa sobrang kabog ng aking dibdib.

'Takte! Anong gagawin ko? 'Yung libro! Aish! Kailangan ko pa palang makuha 'yon.'

Dahan-dahan akong sumilip kung saan naroon ang dalawa na nag-iinit pa rin sa isa't isa.

'Teens and their hormones.' Naisip ko na lang. 'Ilang gabi kaya akong hindi makakatulog ng maayos sa napaka-disturbing na eksena na pinaggagawa ng mga ito? Ang malas ko lang.'

Binaling ko sa mga libro 'yong paningin ko para mahanap iyong Chemistry book.

'AT AYON! Nakita ko rin.'

Pero sa minamalas ka naman talaga, oh. Malapit sa ulo nung lalaki iyong libro. Kailangan ko pang lumapit at lumiyad pataas para makuha 'yon.

'Aaaahhh!!!!!!!'

'Wag ko na lang kaya kunin!'

Pero patay ako kay Mrs. Castillo kapag hindi ko nakuha agad 'yon and I have to get it fast. Isa kasi siya sa mga terror na guro namin. Kapag wala akong maibigay kay ma'am baka biglang magbigay 'yon ng pop quiz sa Chemistry. Ayaw pa naman ng mga kaklase ko ang subject na 'yon dahil pinapahirapan talaga ni Mrs. Castillo ang mga binibigay niyang problems. Kapag nangyari 'yon panigurado impyerno ang aabutan ko sa mga kaklase ko.

'Aissh! Patay talaga ako.'

'Hindi pa ba problema ang binibigay ni Mrs. Castillo sakin? Ang hirap naman nito oh.'

'Isip, isip Aiko!' Seven minutes na ang na-consume ko simula nung umalis ako sa classroom. Kailangan ko na 'yong makuha baka kasi mapagalitan ako pagtumagal pa ako dito. Napu-frustrate na ako. Pano ba ako makakaisip ng mabuti? Eh, kung makaungol 'yong dalawa parang wala ng bukas.

'Bahala na.'

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob. Naglakad ako ng walang ingay papunta sa kanang harapan ng dalawang taong walang pakialam sa mundo. Hindi nga nila ata napansin ang presensya ko noong nakalapit na ako sa kanila.

Pinilit kung isipin na hindi ko sila nakikita o naririnig man lang ang ginagawa nila. Tinuon ko ang pansin sa librong nasa kanan nung lalaki.

Dahan-dahang kong itinaas ang kanang kamay ko para maabot at makuha ang libro. Lumiyad rin ako dahil medyo may kataasan kasi. Nang nahawakan ko ang libro ay nakadama ako ng kunting kasiyahan ngunit pinalis ko rin dahil hindi ko pa nakukuha iyon ng tuluyan. Kaya, paunti-unti ko rin iyong inalis sa pinaglalagyan nito. Pinagpapawisan ako ng todo. Parang mision impossible naman kasi 'tong ginagawa ko, eh.

Nung sa wakas ay naialis ko ng tuluyan iyon mula sa bookshelf ay wala sa sarili na napatingin ako sa dalawang naghahalikan pa rin. Umalsa papunta sa ulo ang lahat ng dugo ko sa katawan ng makita ko ang dalawang pares ng kulay abong mata na matamang nakatitig sakin. Mga matang pumipigil sakin para gumalaw o kahit makawala man lang ang mga titig ko sa mga matang 'yon.

Then, I saw those metal orbs suddenly turns into a darker abyss. Two words suddenly popped into my head. Black Hole.

Huminto ata ang buong mundo dahil sa mga matang 'yon at hinihigop ang kaluluwa ko. Pero imposible, dahil naririnig ko pa rin ang ungol na babaeng kahalikan niya.

Napabalik ako sa swesyon ko ng makita ko sa pagitan ng mga halik nila ang ngising nakakapangilabot. 'Dun lang rumehistro sa utak ko kung sino 'yong lalaki.

Si Damon Arclide, ang pinuno ng....

'DARK EMINENCE'

'Frak! Frak! Ang tanga mo talaga Aiko. Bakit hindi mo agad nakilala ang taong iyan?'

Napalunok ako't napaatras papalayo.

'UMALIS KANA AIKO! BILIS!' sigaw ng utak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
2.2M 97K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...