He's Mine

By _gette_

23K 621 67

Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow. More

Prologue
Ch. 1: Nathaniel Herrera
Ch. 2: Mishiela Salvador
Ch. 3: Clash of Rainbows
Ch. 4: Cupcakes and Sabotage
Ch. 5: Flowers and Sabotage
Ch. 6: Clash of Rainbows -part II
Ch. 7: Courtship -In Nathe's way
Ch. 8: Courtship -In Ishii's way
Ch. 9: Clash of Rainbows -part III
Ch. 10: Girlfriend
Ch. 11: Stalker...s
Ch. 12: Plan -part I
Ch. 13: Plan -part II
Ch. 14: The Truce
Ch. 16: Fieldtrip -part II
Ch. 17: Friends
Ch. 18: Hang-out
Ch. 19: One Great Plan
Ch. 20: Mission accomplished
Ch. 21: Things
Ch. 22: Friendship Over
Ch. 23: Clash of Rainbows -part IV
Ch. 24: Changes
Ch. 25: Voodoo Girl
Ch. 26: London bridge is...
Ch. 27: Confession
Ch. 28: Effect
Ch. 29: Been Haunted
Ch. 30: The scared one
Ch. 31: End this war
Ch. 32: Clarifications and a secret
Ch. 33: Christmas Party
Ch. 34: Practice
Last chapter: JS prom
Sneak peak for TH series #3

Ch. 15: Fieldtrip -part I

238 13 2
By _gette_


Nathaniel Herrera


October 16.


Hello in a while, Subic, Zambales!

*insert photo of mine*


Ayan, IG updated.


3:49 am at nakasakay na kami sa bus. Lahat malamang ay excited, who wouldn't kung ang destination niyo eh sa Subic, Zambales. Beach. Magbibeach kami.


4:30 am dapat makaalis na ang bus since nasa more or less 4 hours ang byahe. Halos puno na ang lahat ng bus, iilan na lang din ang hinihintay. Nasa tabi ako ng bintana at mula sa baba ay tanaw ko ang ilang estudyante na sunod sunod na dumarating, mabilis naman nilang nahahanap ang assigned bus para sa section nila kaya hindi rin nagkakagulo sa baba.


Ibabalik ko na sana ang atensyon sa phone ko nang matanaw ko bigla si Ishii. Napataas ang kilay ko at mas inilapit ang mukha ko sa salamin ng bintana matignan lang siya ng maayos.


Paanong hindi ko siya titignan eh makaagaw pansin ang suot niya. Pink leather coat na PE shirt naman namin ang pangloob, green rubber shoes, bonnet na stripes black and yellow and syempre ang mga kung ano anong bracelets niya.


"Ta'mo 'tong babaeng 'to, akala mo may snow sa pupuntahan kung makapagdamit."


Umirap ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Saktong lumanding ang paningin ko sa aisle ay lumitaw sa paningin ko si Josh, siya ang katabi ko rito sa upuan. Kasunod niya sina Millie at Steven.


"Himala, ang aga mo." bungad niya agad habang inaayos ang mga gamit niya sa taas.


"Kasabay ko si Caile, prend. Alas-dos palang kinakatok na niya ako. Ang walang hiya, hindi nang-inform na magsasabay kami dito."


"Malas mo."


"Kaya nga eh. Maaga siya kailangan dito dahil nga council president, nadamay tuloy ako. Imagine that, noong dumating kami dito kasabay naming nagdadatingan ang mga busses. Jesus Christ! Lilipat na kami ng village, ayoko na ka-village si Caile."


"May sinasabi ka, Nathaniel?" biglang tanong ni Caile na hindi ko alam kung saan nanggaling.


Nagulat ako malamang. "Pambihira! Bakit bigla bigla kang sumusulpot?!"tinignan niya lang ako. Napasimangot ako, "Binabati ko lang sila ng good morning, Caile." at humarap ako sa tatlo. "Good morning, mga prend! Excited na ba kayo?"


Matapos no'n ay nanahimik na ako at ganoon din si Josh na busy sa phone niya. Para nga siyang tanga eh, layong-layo sa'kin, parang ayaw ipakita kung ano mang ginagawa niya. Eh, anong akala niya, may pake ako sa business niya? Assuming siya, oy.


Nagkaroon ng short silent prayer para sa aming safety bago lumarga ang bus. Dalawang section kaming nandito, sa kanang part kami at sa kaliwang part ang section IV-C. May unspoken rule na: Walang pakialamanan kaya naman nagsipagtulog kami habang nagsikantahan naman sila.


Dahil inaantok pa ako ay umidlip muna ako. At nagising na lang ako nang maramdaman kong nakatigil na ang bus.


"Ay, sayang gising na siya." mahinang bulong ni Steven na nasa harap namin nakaupo. Mas nagising ang diwa ko, baka kasi may kalokohang pinaplano ang mga mahal kong kaibigan, hindi ako papayag na maging source of entertainment nila ngayong umaga.


"Pababa na, mag-ayos ka na." utos ni Josh na nag-aayos na rin ng gamit niya.


"Kailangan ba dala na lahat ng gamit?" tanong kong pupungas  pungas pa ng mata.


"Nope. Babalikan nalang daw natin mamaya yan. Yung mga importanteng gamit lang daw muna."


Tumango naman ako.


Medyo mataas na ang sikat ng araw pero hindi naman mainit iyon sa balat. Nakikita ko na ang dagat pero hindi pa kami pwedeng maligo. Doon daw muna kami sa Dolphin and Sea Lion's show. Una ang sa Sea Lion, hinanda ko na ang cam ko.


Kuha ako nang kuha ng shots simula magstart ang show kaya naman wala akong naintindihan sa pinaggagawa ng Sea Lion at ng trainer niya ata. Si Milliano ay sandaling umalis at pagbalik niya may dala na siyang dalawang ice cream na nasa malaking apa. Pinag-agawan pa namin ni Josh iyong isa at sa huli ako ang nanalo. Na-master ko na ata ang art ng pakikipag-agawan 'no.


"Saan mo to nabili, Millie? Bili mo nga ako." request ko nang maubos ko na ang isang apa. Malaki naman siya pero nakakabitin pa rin.


Nilingon lang ako ni Milliano. With that look, alam kong hindi niya ako susundin kaya naman tinanong ko na lang kung saan niya nabili 'yong ice cream na 'yon at ako na ang tumayo para bumili. Hindi naman pala gano'n kalayo, ilang lakad lang. And good thing walang ibang bumili maliban sa babaeng nakacoat na pink na may green na rubber shoes at—teka, "Si Ishii ba 'yon?" bulong ko sa sarili. Pero mukhang napalakas ang bulong ko dahil napalingon siya sa'kin while licking her ice cream.


"Hi." wala sa sariling bati ko sa kanya nang makalapit ako sa ice cream stall.


"Hmm, hello."


Bastos, hindi man lang tinigil saglit ang paglantak niya sa hawak.


"Have you seen Rainbow?" tanong ko habang namimili ng flavor na gusto ko.


"Yes. Section nila ang kasama namin sa bus."


Gulat na napalingon ako sa kanya.


"Weh?"


"Yes."


"Samantalang kami section ni Nathalie ang kasama? Unfair!"


Napalingon siya sa'kin dahil doon saka biglang ngumiti ng matamis.


"Baka kayo ni Nathalie ang para sa isa't isa. Tapos destiny kami ni Rainbow, di'ba? Kung sakaling gano'n, mabibigyang justice mo na ang gender mo. Because you know, hindi talaga para sa'yo si Rainbow eh."


Saktong sinabi niya iyon ay inabot sa'kin ang ice cream, bigla akong nagdalawang-isip kung kakainin pa ba iyon o ingungudngod na lang sa kanya.


Kainin ko na lang, sayang naman ang singkwenta.


Pagkakuha sa binili ay iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya, baka kasi kapag nagtagal pa ako ay hindi ko na mapigilan at ibato ko na lang talaga sa kanya ang hawak. Ewan ko ba, basta siya ang nakikita ko automatic na pagiging brutal ang nasa isip ko.


Mabilis na natapos ang show nang hindi ko namamalayan. Parang lumipad ang isip ko, pero wala naman akong iniisip. Sumunod ang Dolphin's show. Ang cute ng mga dolphin but still, hindi no'n nakuha ang buong atensyon ko.


After that ay sandali kaming pinabalik sa bus para kunin ang gamit naming dahil after lunch ay free na kaming magliwaliw. Magdadagat na kami. Doon unti-unting bumalik ang atensyon ko at napukaw ang 100% na interes ko.


Nag-uusap usap sina Nikko tungkol sa mga gagawin namin mamaya. Shinare naman ni Caile na may saglit na palaro ang Student Council at baka raw gusto naming sumali. Nagsipag-iling lang kami. Maya-maya pa ay pumunta na kami sa may mismong beach para makapaghanap ng cottage at nang makakakain na.


"Hanggang ngayon nasa fieldtrip tayo madi-distinguish mo pa rin kung sinong mga taga-Einstein at kung sinong taga-Newton. Look..." may tinuro sa'min si Nikko na grupo ng babae. Nakasuot sila ng one-piece bikini na pinatungan ng short shorts. "...suot palang, alam nang taga-Newton yan. Tapos tignan niyo naman 'yon." may tinuro naman siyang grupo pa rin ng mga babaeng nagtatampisaw na sa dagat. Naka t-shirt and shorts naman sila. "Mga taga-Einstein."


Ang mga taga-Einstein kasi, sila ang naka-reach ng 90% and above na average sa entrance exam kaya mga scholars sila. Automatic na 'yon ke-mayaman ka o may kaya o mahirap. At karamihan sa mga taga-Einstein eh mga may kaya lang na maswerteng nakapasa sa entrance exam na 'yon na pagkahirap-hirap namang talaga. Kaya mas mga simpleng estudyante ang mga taga-Einstein kumpara sa'ming Newton students. Newton students naman ang regular students na nagbabayad ng full tuition fees at iba pang miscellaneous fee and honestly speaking, annually aabot ng 200k ang binabayaran ng bawat regular student sa school kaya naman it's safe to say na anak ng mga big time ang mga taga-Newton. Originally, mga taga-Einstein din kami pero dahil kay Caile ay nalipat kami sa Newton. Wala namang problema, kaya naman ng mga magulang namin ang full tuition.


"Pinansin mo pa talaga ha." sagot ni Steven sa kanya.


"Eh sa kapansin-pansin eh."


Dahil sa tinatamad pa kaming maligo, nagdecide nalang kami tumambay muna sa cottage kasama ang iba naming classmates. Patapos nang kumain ang iba nang may sumulpot na council officer at biglang kunin si Andy. Tinignan ko si Caile at nakasundo lang din siya ng tingin sa officers.


"Ano 'yan, Jade?" tanong niya at kumidat lang 'yong Jade biglang sagot. Parang naintindihan naman agad iyon ni Caile kaya umupo na siya ng maayos. But still, hindi maganda ang timpla ng mukha niya.


Paanong aayos eh iyong crush niya ang kinuha.


Maya-maya pa ay umalis siya at ewan kung saan nagpunta.


"Laro tayo." suggest ni Josh sa amin.


"Anong laro?"


"Libing-libingan. May isa tayong ililibing sa buhangin."


"Nasaan ang laro doon?" tanong ko naman.


"Nasa ililibing. Kailangan niyang maialis ang sarili niya sa buhangin within 30 minutes or else may dare siyang gagawin."


"Lahat tayo magpapalibing?" tanong naman ni Nikko na mukhang interested.


"Hindi. May isang malas lang. Maiba-taya tayo, kung sinong mataya, siyang magpapalibing. Ano, you're in?" tanong ni Josh na hinanda na ang kamay niya para sa maiba-taya. Sabay sabay kaming nagpatong ng kamay sa kamay niya. "Ayan. Marameeee, alis!" up ako at si Milliano tapos silang lahat ay down kaya alis na sila at kami na lang ni Milliano ang maglalaban.


"Madaya 'to, bakit naiwan ako?"


"Eh bakit ka kasi nag-up?" balik-tanong ni Steven sa'kin.


"Tse. Tara na Milliano. Bato bato pick, isang bagsak lang, ha."


Tumango naman siya kaya nag-isang bagsak kami at ang nanalo...

***

"Wag masyadong mabigat sa may bandang dibdib, ang hirap huminga!" reklamo ko sa kanila kasi kinarir talaga nila ang pagbabaon sa'kin sa buhangin.


"Isang salita mo pa, pati bibig mo lalagyan ko na rin." singhal ni Nikko na siyang pinakamalapit sa bibig ko.


"Kasi naman, prend. May balak ba kayong ilibing ako dito?Oy! Oy! Wag niyo na masyadong kapalan 'yong buhangin."


Biglang dumating si Caile, akala ko babawasan niya ang buhangin para naman hindi masyadong mabigat pero hindi, nakitulong pa siya sa pagbabaon sa'kin.


Then the thirty-minute starts.


Tumayo si Millie at nagpasama kay Caile sa CR, magpapalit na ata siya ng damit pangligo. Ako naman ay sinimulan nang iahon ang sarili ko mula dito. Bakit ba kasi ang tanga ko sa bato-bato pick?


Sinubukan kong igalaw unti-unti ang kanang kamay ko, hindi madali dahil mabigat ang buhangin pero nagagawa ko naman. Kapag naialis ko ang isang kamay ko, madali ko nalang maiialis paunti-unti ang buhangin sa katawan ko.


"Kyaaaaah!"

"Shit what's happening?!"

"Oh my God!"


"Ano 'yon?" halos sabay-sabay naming tanong. Nagsipaglingunan ang mga bakla sa pinanggalingan ng ingay at tilian. Hindi ko naman magawang makalingon dahil nga nakabaon ako at limitado ang kilos.


"Si Caile ba 'yon?" tanong ni Steven na natatarantang tumayo.


"What? Anong si Caile? Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong, pinipilit kong lingunin ang pinanggagalingan ng commotion pero sadyang hindi ko makita.


Sabay sabay silang nagsitayo at natatarantang tumakbo palapit sa gulo. Naiwan naman akong kinakain ang buhanging tumalsik sa'kin gawa ng pagtakbo nila.


"What the heck, guys! WAG NIYO AKONG IWAN DITO! STEVEN! ANO BA!! NIKKO?! JOSH! What the heeeeck?!"


Walang silbi ang pagsigaw ko. Hindi ako pinansin ng mga taragis kong kaibigan.


"Fuuuudge!" nagsariling sikap ako sa pag-ahon sa sarili pero dahil sa frustration ay wala akong magawang tama.


What the fudge ano bang nangyari kay Caile? Bakit naririnig ko pa rin ang mga sigawan? I'm too far from them to understand what they're saying though. Naririnig kong inaawat nila si Caile pero, Jesus! Anong ginagawa ni Caile?


Mga wala silang puso, bakit nila ako iniwan dito? Ano bang nangyayari? Sinong nag-aaway? Meron ba?


Tumingin ako sa paligid, walang estudyanteng malapit sa pwesto ko. Wala akong mahingian ng tulong. Nasa'n ang mga tao? Bakit ang layo nila sa'kin?


I'm about to lose hope nang may biglang sumulpot. May yumuko sa uluhan ko and that person blocked the sun against my face.


"Nathe?"


Tumalon ang puso ko sa hindi malamang rason. Tumayo nang maayos ang taong 'yon at malinaw ko nang nakita ang mukha niya.


"Ishii! Ishii!"


"Ano?"


Lord! Ngayon lang ako natuwang nakita ko siya.


"Help me. Alisin mo ako dito. May nangyayari ata kina Caile. Bilis!"


"Huh? Pero..." nilingon niya ang paligid. "Saan?"


"Wag ka munang magtanong! Help me get out of here!"


Takang sinunod niya ako.


"Okay! Okay!"


Nilapag niya ang juice na hawak saka nagsimulang maghukay. Sinimulan niya sa braso ko. Tahimik lang siyang ginagawa 'yon at nakakaramdam ako ng pagkailang habang tumatagal.


Bakit ang tahimik niya ata ngayon?


And why I can't find the gut to talk to her?


Ah, bahala na.


Nang matanggal na sa pagkakahukay ang kanang braso ko ay lumipat naman siya sa kabila para iyon naman ang hukayin. Tinulungan ko na siya para mapabilis kami, hindi sinasadyang nagtatama ang kamay naming at ang bruha laging sumasama ang tingin sa'kin sa twing nagkakadikit yung balat namin.


"Ayan, natanggal na rin ang kaliwang braso. Ano ba kasing ginagawa mo sa ilalim ng buhangin eh as far as I know, ang sirena nasa ilalim ng tubig. Magbabasa ka na lang ng fairy tales mali-mali pa."


"Che!" bulyaw ko sa kanya. Bigla siyang tumigil at hinampas ang buhangin sa bandang dibdib ko, sa gulat ko.


"Sinisigawan mo ako?" paninindak niya and right then and there alam kong for now ay kailangan kong magpatalo sa kanya.


"Hehehe, ano ka ba, mataas lang talaga 'yong boses ko. Singer ako, alam mo ba 'yon?" kinunutan niya lang ako ng noo. Nginitian ko siya, iyong ngiting aso saka nginuso ang buhangin sa katawan ko. "Iyong nasa dibdib naman."


"What?" mangha niyang tanong na nakaawang pa ang bibig.


"What? What's wrong."


"Hindi mo pa ba kaya? Dito nalang ako sa binti." at lumipat nga siya sa bandang paanan ko.


"Hoy, Ishii! Tulungan mo muna ako dito!"


"Kaya mo na 'yan diyan!"


"Tulungan mo na 'ko! PLEASE!"


Hindi na siya sumagot pero masama ang tingin na bumalik siya sa gilid ko at mabigat ang kamay na hinawi niya lahat ng buhangin sa tiyan ko. And being the good girl she is, lahat ng buhangin hinawi niya papunta sa leeg ko.


"Brat!"


"Isa pang salita mo. Mabuti nga tinutulungan ka na eh."


Hindi na kami umimik hanggang sa maalis na ang buhangin sa katawan ko. Umupo ako para tulungan siyang hukayin ang binti ko. Napahiga uli ako sa buhangin nang matapos kami. Pakiramdam ko drained na ang energy ko, ni hindi pa nga ako nakakapagswimming.


"Ayan." aniya sabay tayo at pagpag ng kamay niyang mabuhangin. Nakatingalang tumingin ako sa kanya.


"Thanks."


Napalingong-yuko siya sa'kin dahil doon. Sandali kaming nagtinginan bago niya iniba ang topic.


"Nasa'n si president? What happened to him?"


Dahil sa tanong niyang iyon kaya napatayo ako.


Oo nga pala, nasaan sila?!


Nilingon ko ang paligid at wala na akong naririnig na commotion. Hindi ko rin makita ang mga kaibigan ko.


"What the? Nasaan sila?"


Nagpasama si Milliano kanina sa CR, di'ba? So dapat nasa CR sila. Pinuntahan ko ang CR ng mga lalaki pero wala naman sila doon. Sa gulat ko, si Ishii rin nakisilip sa loob.


Hinila ko ang buhok niya palayo sa CR.


"Ouch! That's not the proper way to say thank you. Stupid!"


Napataas ako ng kilay sa kanya.


"Anong sinisilip-silip mo? CR ng lalaki yon, pervert."


She rolled her eyes, "Duh."


Inikot ko ng tingin ang paligid pero wala talaga akong makitang Caile, Milliano, Nikko, Joshua, at Steven. Humanda sila sa'kin mamaya.


"Nasaan friends mo?" tanong uli ni Ishii na nasa tabi ko na ngayon. There's just a foot space between us.


"Eh ang friends mo?" balik tanong ko dala ng pagkairita. Nakita na ngang hinahanap ko at hindi ko makita, nagtatanong pa siya.


"Wala akong constant friend." mabilis niyang sagot dahilan para mapalingon ako sa kanya. Nang mapansin niya iyon ay nakanguso niya akong nilingon.


What the fugde? Bakit ang sarap kurutin ng pisngi niya? Ito na naman ata ako, gumagana na naman ang pagka-cariño brutal ko. 

_____________________

Continue Reading

You'll Also Like

128K 193 1
Kade Von Aragon, CEO of Aragon Airline, hates to be on limelight. Aside from the fact that he doesn't want any public attention, he hates the media b...
44M 402K 112
Arranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
392K 5.1K 45
Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the heiress. The first born of the Lopez Cl...