He's Mine

By _gette_

23K 621 67

Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow. More

Prologue
Ch. 1: Nathaniel Herrera
Ch. 2: Mishiela Salvador
Ch. 3: Clash of Rainbows
Ch. 4: Cupcakes and Sabotage
Ch. 5: Flowers and Sabotage
Ch. 6: Clash of Rainbows -part II
Ch. 7: Courtship -In Nathe's way
Ch. 8: Courtship -In Ishii's way
Ch. 9: Clash of Rainbows -part III
Ch. 10: Girlfriend
Ch. 11: Stalker...s
Ch. 12: Plan -part I
Ch. 13: Plan -part II
Ch. 15: Fieldtrip -part I
Ch. 16: Fieldtrip -part II
Ch. 17: Friends
Ch. 18: Hang-out
Ch. 19: One Great Plan
Ch. 20: Mission accomplished
Ch. 21: Things
Ch. 22: Friendship Over
Ch. 23: Clash of Rainbows -part IV
Ch. 24: Changes
Ch. 25: Voodoo Girl
Ch. 26: London bridge is...
Ch. 27: Confession
Ch. 28: Effect
Ch. 29: Been Haunted
Ch. 30: The scared one
Ch. 31: End this war
Ch. 32: Clarifications and a secret
Ch. 33: Christmas Party
Ch. 34: Practice
Last chapter: JS prom
Sneak peak for TH series #3

Ch. 14: The Truce

190 13 1
By _gette_


Mishiela Salvador


Iniwan ko na si Nathe. Naalala kong kailangan ko pang balikan si manong driver namin sa school. Hindi siya makakauwing mag-isa, wala namang perang dala si manong saka ang layo-layo ng bahay namin. Saka kahit makauwi siya, pababalikin lang siya ni mom sa Thelistine kasi hindi niya ako kasama.


Kawawa naman si Manong.


Sa harap ng main gate ako tumigil dahil doon ko natanaw si Manong na kausap si manong guard at isa pang manong na hindi ko kilala kung sino. Mabilis akong bumaba at tatlo silang nagsilingon sa'kin. Lumapit agad sa'kin si Manong at naglitanya pero hindi ko na iyon naintindihan dahil ang atensyon ko nasa sasakyang tumigil sa likod ng sasakyan namin.


Si Nathe.


Mabilis siyang nilapitan ng isa pang manong na kausap nina Manong. Mula naman sa dilim ay biglang sumulpot si Caile. Masamang-masama ang tingin niya kay Nathe.


"Misella, umuwi na tayo. Nakauwi na ang dadi mo malamang, ako na naman ang lagot nito." he often mispronounce my name. 


Nauna siyang pumasok sa sasakyan at sumunod ako without giving Caile and Nathe a second look.


Sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama. Nag-explain naman agad ako sa kanya bago pa man niya mapagalitan si Manong. Of course it's my fault kung bakit ginabi na kami ng uwi so it is my responsibility to explain.



"Kailan mo ipapakilala sa'min 'tong Rainbow, baby?" 
tanong ni mom while we are having our dinner. 


Ayoko na sanang kumain kasi kumain na kami ni Nathe pero hindi naman sila papayag na hindi ako kakain uli.


"Kapag magiging manugang niyo na siya." I jokingly answered.


"Too young, Ishii."


"Joke lang 'yon."


"So when nga?"


Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko naman kasi alam kung kailan. If I can only drag Rainbow here  just for my parents to met him, then probably I'd do it. Pero baka sa gate palang ng Thelistine hindi na kami makarating, syempre maraming hahadlang. Isa na si Nathe.


"Eh itong Nathe, kailan namin makikita, kahit picture lang?" tanong naman ni dad.


"Dad?" mangha kong tanong. "I don't have any plans. Saka, bakit ko naman ipapakilala?"


"You said he's your enemy. Don't people tend to make their enemies closer?"



"Nah-ah. Ayoko."


Nagkibit-balikat na lang si dad. Nauna rin siyang matapos kumain kaya nauna na siyang tumayo, he's busy eh. Kami ni mom ang naiwan sa lamesa. Pinasabay na rin niya sa'min ang ibang maids para makakain na sila.


"Baby, when will you stop chasing this Rainbow? Sabi mo may girlfriend na siya di'ba?"


"Wala po akong plano. I like him." I answered nonchalantly.


"But he doesn't like you."


Ouch.


"I'll make a way for him to like me. Hindi ba ako likable?" Pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa pinggan ko. Busog na talaga ako, hinihintay ko na lang si mom na matapos para sabay na kaming umakyat sa taas. "Isa pa, girlfriend pa lang naman. Hindi pa naman sila magpapakasal so may chance pa ako. Mas walang chance si Nathe."


"Why don't befriend Nathe na lang?"


"Why would I?"


"Para wala ka nang kaaway. Hindi ka namin inilipat sa Thelistine para magkaroon ng enemy. You know that we don't like the thought na nakikipagsagutan ka isang schoolmate."


Ang alam lang nila ay sagutan lang ang nangyayari sa'min ni Nathe. Hindi sila aware na literal na sakitan ang ginagawa namin kapag nagpapang-abot kami. Well, thanks to Caile na lagi kaming nailalabas sa gulo bago pa kami umabot sa prefect's office at council office.


"Kailangan may matinding reason bago ko kaibiganin si Nathe or else I will never ever do it."

***

Pag-akyat sa kwarto ay books ang hinarap ko. Tinignan ko ang assignment pad ko kung may naisulat ba ako roon na assignment. Mabuti at wala naman. Nag-open na lang ako ng facebook, nagbrowse hanggang sa manawa ako. Later on pinatay ko na rin ang laptop at nahiga.


Hindi pa ako inaantok. Wala na akong magawa kaya tumitig na lang ako sa kisame. Naramdaman ko ang pagod dahil sa pagsunod namin kanina. It was fun. Hindi dapat ako masaya dahil date ni Rainbow at ng girlfriend niya ang sinundan namin ni Nathe pero hindi ko makapa ang selos o inggit sa puso ko. It was none. And I wonder why.


Parang video na nag-playback lahat ng ginawa namin kanina. Failed lahat ng iyon pero may narealize ako, pwede kaming mag-team up ni Nathe dahil we're plotting a same plan, ang mapaghiwalay si Rainbow at si Nathalie. Then after naming magawa ang mission, pwede na kaming bumalik sa dating gawi na mag-agawan kay Rainbow.


Oh well, I'll talk to him tomorrow para masabi ang suggestion ko.

***

The following day.


"Ria. Pssst!" tawag ko kay Ria nang mapansin kong papadaan siya.


6:49 am sa wrist watch ko at nandito ako ngayon sa hallway malapit sa room IV-A, section ni Nathe. Kanina pa ako nag-aabang ng tyempo para sumilip at tawagin siya pero sa bawat subok ko, umaatras din agad ang paa ko.


Nakakailang naman kasi siyang tawagin eh.


"Hi. Good morning." kimi niyang bati pagkalapit sa'kin.


"Pwedeng favor?"


"Yes?" tumango-tango siya. Nilingon ko ang room nina Nathe bago magsalita.


"Pwedeng pakitawag si Nathe, pero wag mo muna sabihin na ako ang nagpapatawag. Tapos papuntahin mo do'n." 


Tinuro ko ang dulong bahagi ng hallway kung saan wala masyadong dumadaan. Kung dito sa hallway ko lang kasi sasabihin ang sasabihin ko sa kanya, malamang sa malamang na may ibang makarinig.


Taka niya akong tinignan, "Bakit hindi mo siya matawag nang ikaw?"


Kunwaring sumimangot ako. "Nahihiya ako, eh. Dali na, please? Pupunta na ako doon, ha? Pakitawag siya, ha? Salamat!"


At bago pa siya makapagprotesta pa, iniwan ko na siya at pumunta na sa lugar na itinuro ko, isang diretsong lakad lang iyon kaya naman paglabas palang ni Nathe ng room nila mamaya, makikita na niya agad ako kahit malayo pa siya.


Umupo ako sa pangatlo step ng hagdan saka hinintay ang pakay ko. Hindi naman nagtagal at natanaw ko nang lumabas si Ria at dumiretso sa room niya, kasunod niya si Nathe na sa lugar ko naman nakatanaw. Mukhang inaaninag pa niya kung sino ako base sa pag-ayos niya sa salamin niyang wala namang grado.


Mabilis siyang nakalapit sa pwesto ko. Nakatayo siya sa harap ko at sumandal sa dingding sa tabi, ako man ay nakaupo sa harap niya at nakasandal din sa dingding, hindi na ako nag-abalang umayos ng upo.


"Maipaglilingkod ko sa'yo?" tanong niya na taas na taas ang isang kilay.


Hindi na ako nagpaligaw ligaw, "Would you mind if I set a truce between us?"


"Ha?" napaayos siya ng tayo at napa-cross arms.


"Pansamantala lang. Let's make a deal. Ganito, magtutulungan lang tayong paghiwalayin si Rain and Nathalie."


"Join forces... team-up, ganern?"


Tumango nalang ako.


"Bakit bigla mong naisipan?"


"Akin na 'yon. So...?"


Hindi naman ako umaasang papayag siya. Hindi rin sasama ang loob ko kung sakaling hindi siya pumayag. 


"Ano bang gagawin? I mean, pagtutulungan paghiwalayin ang couple na 'yon and then what? What will happen after that, kapag nagawa na?"


"Tapos na rin ang mission at balik sa dati, mag-aagawan uli tayo sa kanya. Pero sinasabi ko sayo, mas may pag-asa ako kasi babae ako."


"And so what? Babae ka lang, hindi ka naman maganda."


"Pero cute ako."


Umismid lang siya.


"So...?" tanong ko uli.


"Okay." umisang tango siya.


"Payag ka?"


"Just this once and after it, there's no more."


"Thank you." sincere kong sabi na may kaunting ngiti.


Sandali siyang tumingin sa mukha ko saka binaba ang kamay niyang naka-cross sa dibdib niya and without a word, tinalikuran niya ako.


Bastos.


"You're welcome, huh." sarkastiko kong parinig sa kanya. He just waved his left hand habang naglalakad palayo.


Napacross arms nalang din ako habang nakatanaw sa likod niya. So, okay, pumayag siya. It means magkakasama kami ng ilang araw, mag-uusap ng matino, mag-iisip ng plano. Teamwork, how we will work it between us?

___________________

Continue Reading

You'll Also Like

69.2K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
14.6K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3M 65.4K 82
WARNING: RATED SPG. Contains theme, language and scenes not appropriate for minors. Read at your own risk. Mia went to Jasmin Mountain Resort for on...