Married to a Stranger [R-18]...

By PsychedelicDistress

1.4M 33.7K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... More

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
2 Casper
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

24 Panaginip

24.9K 693 31
By PsychedelicDistress

24

Panaginip

HINDI AKO MAPAKALI habang mag-isa akong nakakulong sa kuwarto. Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin ang sarili ko. Takot na takot pa rin ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig din ang mga kamay ko at tila ayaw paawat ng mga luha ko sa pagtulo.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang alam ko lang ay takot na takot ako. Pinaghalong kaba at pag-aalala ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung para sa akin o kay Vernice. Para kasing may malaking tiyansa na gawin din iyon ni Casper sa akin.

Matapos ang ilang oras ng pag-iyak, namalayan ko na lang na nanghihina na pala ako kaya humiga na lang ako sa kama at nagpahinga hanggang sa tuluyan nang kainin ng antok ang diwa ko.

Naalimpungatan ako nang mapansin kong tila may nagmamasid sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras akong naidlip. Atwomatiko lang na dumilat ang mga mata ko nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Agad akong napabalikwas ng bangon.

May itim na pigurang nakasandal ang likod sa gilid. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito pero pansin kong nakapamaywang pa ito habang nakatitig sa akin.

"C-Casper?"

Ibinaba ng lalaki ang mga kamay niya sa kaniyang gilid, saka ito marahang naglakad papalapit sa akin. Nang masinagan ito ng ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan, nasilayan ko na nang maiigi ang mukha ni Casper. His blue eyes met mine.

I felt the bed sank when he sat beside me. Casper's hand moved to my face to remove the few strands of hair covering my eyes. "Are you okay?" he asked. His voice was too soft and caring, it was almost inaudible.

I was about to nod my head when soft sobs escaped from my mouth. Naalala ko na naman ang scenario kanina. It was too unbearable for me, traumatic actually. Wala sa sariling naitakip ko ang isa kong kamay sa aking bibig. Samantalang ang isang kamay ko naman ay ipinupunas ko sa luha ko.

Ikinulong ako ni Casper sa mga bisig niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. Hinagod nito ang likod ko, sinusubukan akong pakalmahin. Mariin nitong hinalikan ang noo ko habang pinapatahan ako. Ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak sa dibdib nito.

"Mahal ko huwag ka nang umiyak," anito habang masuyong hinahagod ang likod ko.

Bahagyang inilayo ko ang mukha ko rito pero hindi ako nito pinaalis sa kaniyang mga bisig.

"S-Si Vernice, kamusta na siya?" tanong ko sa gitna ng paghikbi.

Hinila ako ni Casper palapit sa kaniya saka niya ihinilig ang ulo ko sa kaniyang balikat. "She's fine," he said curtly.

Tinitigan ko ang asul na mga mata nito. Duda ako sa mga sinabi niya. His blue dreamy eyes were full of concern, also pained while gazing in mine. Dahil doon ay napatango na lang ako sa kaniya kahit hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"You don't trust me do you?"

Nag-iwas ako ng tingin dito.

He cupped my face and locked my eyes in his sincere gaze. "Vernice is fine. At kung natatakot ka na baka gawin ko rin sa iyo ang ginawa ng kapatid ko sa kaniya kanina, 'wag kang mangamba. I will never hurt you. I promise you that. Kapag sinaktan kita, para ko na ring sinaktan ang sarili ko n'on. Do you understand that?"

Puno ng sinseridad ang boses nito kaya nakumbinsi na ako sa kaniyang mga salita. He always cared for me, he always loved me. He will never hurt me.

Bakit ba ako natatakot?

Bahagyang humiwalay sa akin si Casper. He stared at my lips for a moment. Parang alam ko na kung ano ang nasa isip nito. Hindi naman ako nito binigo nang unti-unting bumaba ang labi nito sa akin para siilin ako ng halik. His lips moved gently againts mine, giving me that tranquil feeling.

"I love you," he said.

Pilit na nginitian ko ito. "I love you too."

"RICA, RICA," UNTAG sa akin ni Casper habang ako ay masarap na nahihimbing.

Mabibigat ang aking talukap sa mga mata nang ako'y magmulat para salubungin ang tingin nito. Halatang bagong ligo lang ito dahil medyo basa pa ang kaniyang buhok. Nakaayos at nakabihis din ito na tila ba may lakad ito.

Inaantok na bumangon ako mula sa kama. "Bakit ba?" Medyo may himig ng pakairita ang boses ko dahil sa biglaan kong pagkagising pero hindi na iyon gaanong pinansin ni Casper.

Nakangiting tumitig ito sa akin. "Maligo ka na saka ka gumayak. May pupuntahan tayo," masayang wika nito.

"Saan?" tanong ko naman habang kinukusot ko ang namumugto kong mata.

"It's a surprise."

'Yon lang at umalis na ito. Ano ba'ng mayroon at ang aga akong ginising n'ong fafable na 'yon? Kumuha na ako ng tuwalya saka nagtungo sa banyo para maligo. Malamig ang tubig kaya nagising din kaagad ang diwa ko. Doon ko lang naisip na baka magde-date kami ni Casper.

Oh my gulay! Bahagyang ipinilig ko pa ang ulo ko dahil sa kilig. Haha. Lantudis.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nag-aabang si Casper. "You're done?"

Napatanga muna ako rito bago ako napatango. "Magbibihis muna ako."

He smiled. "Gusto mo ba, ako na lang ang magbihis sa'yo?" pilyong tanong nito.

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko kaya kusang gumalaw ang isa kong kamay para hampasin ito. "Lumabas ka nga! Magbibihis ako!" pagtataray ko rito dahil sinusubukan kong itago ang pagkahiya ko sa kaniya. I smiled to myself when he left the room. Siraulong 'yon!

Nakakainis. Lumabas nga ang loko. Nabitin tuloy ako.

LULAN KAMI NI Casper sa loob ng kotse nang bumaba kami sa harap ng isang napakalaking bahay na mayroong napakataas na gate. Binuksan ni Casper ang mataas na gate gamit ang susing hawak niya saka niya ako iginiya sa loob. Napakaganda ng loob, lahat ng gamit ay mukhang mamahalin. Parang bahay lang nila Vernice.

"You like it?" nakangiting tanong ni Casper.

"Oo. Ang ganda naman ng bahay na 'to, Casper. Sino ba ang nakatira rito? At saka bakit dito mo ako dinalha?"

"Well..." Tumaas ang kilay ni Casper bago ito magsalita. "This will be our new house," abot-taingang anunsyo nito.

"What?!" Nagningning ang mga mata ko sa sobrang tuwa. "Seryoso?"

Tumango ito saka ako binuhat. He lifted me up and pressed his lips against mine. "Dito na tayo titira. Bubukod na tayo."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Tayong dalawa lang ang titira rito?"

"Yes. Dito rin natin bubuuin ang pamilya natin."

Hinampas ko ito saka ako nagpabigat para ibaba ako nito. "Sira. Paano naman sila Dominic? Hindi ba malungkot kung tayong dalawa lang rito?"

Ang totoo ay natatakot ako. Natatakot na maiwan mag-isa sa piling ni Casper. Natatakot ako na mangyari sa akin ang ginawa ni Dominic kay Vernice. Natatakot na baka maranasan ko rin 'yon sa kamay ni Casper.

"Bakit ba parang gustung-gusto mo sa puder ng kapatid ko, samantalang hindi naman kayo malapit sa isa't isa. Tanging si Mikeinel lang naman ang nakakausap mo ng matino sa bahay na 'yon," anito.

Hindi ako nakaimik. Tama si Casper. Wala naman akong matinong nakakausap sa bahay na 'yon kundi si Mikeinel. Pero kahit na. Nagmukha tuloy na palusot ko lang ang pagtatanong tungkol kina Dominic.

"Rica, are you okay?" untag nito sa akin nang matagal akong hindi nakasagot.

"Yeah, I'm fine."

Sa bahay na ito na kami natulog ni Casper. Dito na raw kami titira sa pang-araw-araw naming buhay. Ayaw ko man pero wala na akong magagawa. Ayaw ko namang sirain ang ligaya niya, mukhang napakasaya niya na nakabukod na kaming dalawa.

Madilim ang buong paligid at tanging ang liwanag lang mula sa bintana ang nabibigay sa akin ng kakayahang makakita. Nakarinig ako ng mga mumunting pag-iyak ng isang babae. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng mga paghikbing iyon. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapansin ko ang isang bukas na pinto.

Pagpasok ko roon ay nakita ko si Vernice na nakahandusay. Umiiyak ito sa harap ni Dominic.

"Dominic please..." nagmamakaawang wika nito sa kasintahan.

Nasa harap nito ang galit na galit na si Dominic. Hindi siya nito pinakinggan. Binigyan siya nito ng isang malakas na sampal sa mukha. Nagsimula na naman itong bugbugin siya. Natutop ko ang aking bibig. Gusto kong pumagitna sa kanilang dalawa pero takot na takot ako. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinapanuod ang mga ito. Napakabrutal ni Dominic. Hindi lang ilang sampal ang dumapo sa mukha ni Vernice, tinadyakan pa siya nito at sinuntok. Gusto kong magsisigaw para humingi ng tulong pero walang tinig na lumalabas sa bibig ko.

Lalo akong nahindik nang makita kong ako na ang nasa kalagayan ni Vernice. Ako na ang binubugbog. Ako na ang sinasaktan ni Casper.

"Rica, Rica!"

Bigla ay napamulat ako. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Casper. Dahil sa takot, agad ko itong naitulak palayo. Mabilis akong tumayo saka ako nagtungo sa banyo para magtago.

Habang umiiyak ako sa loob ng banyo ay sunud-sunod kong naririnig ang malalakas na pagkatok ni Casper. "Open the door Rica. Open the door!" utos nito. "What the fuck is wrong with you?"

"G-Go away!" Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. That dream was too vivid, almost realistic. Ramdam na ramdam ko ang mga pananakit na ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang mga tadyak at suntok sa balat ko, ngunit wala naman akong pasa.

Napuno ng ingay ang loob ng banyo nang biglang bumagsak ang pinto. Puwersahang giniba 'yon ni Casper para makapasok.

"Rica ano ba'ng problema mo?!" iritadong tanong nito.

Katulad ng mga mata niya ang mga mata ng mabangis na Casper na nasa panaginip ko kanina. Natatakot ako kaya ipinagsisikan ko pa lalo ang sarili ko sa sulok.

Napalitan ng maamong ekspresyon ang mukha niya nang mapansin kung gaano ako natatakot sa kaniya.

"Rica..." Ginagap nito ang kamay ko saka ako ikinulong sa mga bisig niya. "I love you," he said kissing my forehead. "I won't let anyone hurt you."

Napailing na lang ako rito. Paano ko pa papaniwalaan 'yon kung palagi akong nangangamba na sasaktan din niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

She's Mine By Sha

General Fiction

3.5M 69.1K 33
"From now on. Don't touch her. Don't hurt her. Don't fantasize her body and Fuck off your fucking eyes away from her. Because She's Mine." -Sex Gray ...
288K 4.1K 24
What if one day you wake up, ten years later from the date you last remember? Ano ang gagawin mo? Would you panic? Or stay calm and digest what is ha...
1.5M 27.5K 65
Posible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah...
16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...