Graveyard Love story

By ChinitaSai

31.8K 4.1K 648

Falling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is the hardest part and Moving On is damn... More

Graveyard Lovestory
INTRODUCTION
Chapter 1 - (THE ADMIRER)
Chapter 3 - (THAT PHONE CALL)
Chapter 4 - (MR. COMFORTER)
Chapter 5 - (BASTA DRIVER, SWEET LOVER)
Chapter 6 - (A DAY WITH HIM)
Chapter 7 - (THE KISS)
Chapter 8 - (RECONCILIATION)
Chapter 9 - (FIRST DATE)
Chapter 10 - (OUR PROMISE)
Chapter 11 - (SHE CONFESS)
Chapter 12 - (BAD NEWS)
Chapter 13 - (I'M HIS MASTERPIECE)
Chapter 14 - (WAY OUT)
Chapter 15 - (CAUSE I'M LEAVING)
Chapter 16 - (DUMBFOUNDED)
Chapter 17 - (FRIENDS BY HEART)
Chapter 18 - (FAKE FRIEND)
Chapter 19 - (STRAT PLAN)
Chapter 20 - (FLY AWAY 1.0)
Chapter 21 - (FLY AWAY 2.0)
Chapter 22 - (FALSE BELIEFS)
Chapter 23 - (BACK TO SCHOOL)
Chapter 24 - (MISFORTUNE TELLER)
Chapter 25 - (PLAN)
Chapter 26 - (LOST's)
Chapter 27 - (GOODBYE'S)
Chapter 28 - (SHE'S ALIVE)
Chapter 29 - (BE WITH HER)
Chapter 30 - (MASQUERADE PARTY)
Chapter 31 - (HE IS HERE)
Chapter 32 - (SAD GOODBYE)
Chapter 33 - (MR.COMFORTER 2.0)
Chapter 34 - (UNTOLD STORY)
Chapter 35 - (MY ULTIMATUM)
Chapter 36 - (GIRL FIGHT)
Chapter 37 - (SLEEPING NEXT TO ME)
Chapter 38 - (CHANGE OF HEART)
Chapter 39 - (WONDERFUL NIGHT)
Chapter 40 - (THE WEDDING)
EPILOGUE
MUST READ!

Chapter 2 - (HIDDEN FEELINGS)

1.1K 136 57
By ChinitaSai

GL_2

(HIDDEN FEELINGS)

——-

Rheema's POV

"Mama I'm home!" Ganito ako palagi kapag umuuwi, sumisigaw kapag papasok ng bahay. Sumilip ako sa kusina kung nandoon siya kaya lang wala, chineck ko din ang sala pati ang bakuran pero wala pa rin.

Hmm nasaan si Mom? Hindi ko siya makita. Umakyat na lang ako sa itaas at nagdiretso na lang sa kwarto niya. I was shock to hear her sobbing. Medyo bukas ang pinto kaya pumasok na ako at nakita ko siyang naka-upo sa kama.

"Mom? May problema po ba?" nag-aalala kong tanong.

"Rheema ang.. Lola mo...  wala na siya." Tumulo ang mga luha sa mata ni Mom, hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung anong sasabihin ko to ease the pain. Niyakap ko na lang siya para kahit papaano nacocomfort ko siya. 

"Alam na ba ito ni Dad?" lagi kasing wala si Dad sa bahay. Business matters. Nasa Singapore siya ngayon for exporting of products na nagmula sa mga kasosyo niya sa probinsiya.

"Oo baby, sinabi ko na rin sa Kuya mo."

"Ah mabuti naman po kung gano'n. Ano pong plano Mom?" 'yon na lang ang nasabi ko.

"We're leaving.... to see her" sagot niya.

"Eh?" bakit kailangan kasama ako? Hindi nga ako attached sa mga tao sa probinsiya at ang nakakalungkot pa doon, hindi ko man lang nakita si Lola noong buhay pa siya. Si Lola ay Mama ni Daddy pero si Mommy ang umiiyak at nagluluksa ngayon. Bakit? Kasi sa pagkaka-alam ko mas malapit si Mom at si Lola kesa kay Dad kahit na sarili niya iyong ina. Mas anak pa nga daw kung ituring si Mommy ni Lola kesa kay Dad, pero hindi ibig sabihin no'n ay p'wede ng hindi pumunta si Dad sa lamay o libing ni Lola.

"Ahm Mom paano po si Dad? Nasa Singapore siya."

"Hahabol na lang daw siya sa libing, kaya 'wag ka ng mag-alala anak," sagot ni Mommy. Sana nga makahabol si Daddy, alam kong masakit din ito sa part niya kahit hindi sila malapit sa isa't-isa.

 -

Ang aga ko nagising ngayong umaga, nauna pa ko kay Mom at kay Kuya, Hindi naman ako mukhang excited? No'ng nagising si Mom naghanda na siya ng almusal at kumain naman ako. Matapos no'n naligo na rin ako at nagsuot ng simpleng blue jeans and white shirt.

Mga alas-otso ng umaga nagsimula na kaming bumiyahe. Kotse ni Kuya ang ginamit namin. Sa kadahilanang maaga ako nagising kanina, nakatulog tuloy ako sa biyahe.

Nagising ako no'ng tanghali na, huminto ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Pumasok kaming tatlo doon at nag-order naman si Kuya. Tiningnan ko ang phone ko kung may nagtext kaya lang wala. So I compose a new message to inform my bestfriends and co-council that I'm out of town. After sending the text message I wait for our food to be serve.

Maya-maya lang dumating na ang waiter para i-serve yung mga inorder namin. Mukhang masarap ang Chili's Salsa at Bourbon Chicken, plus yung Fried Rice nila, mukhang mapaparami ang kain ko. 

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at pagtapos ay sinerve naman nila ang desserts which is coconut cream pie and strawberry-cheesecake shake. Kada subo namin ni Kuya panay ang sabi namin ng "hmm ang sarap!" Hahaha kasi ang sarap niya talaga.

Bumalik na kami sa kotse pagkatapos namin kumain. I check my phone if may nagreply at meron nga. I received three messages.


From: Shantal

Mamimiss kita girl, ingat ka mwaaah :* By the way condolence.


From: Vee

Nagtext na ba sayo si Gelo :)) Hahahaha have fun. Baka may makilala kang boylet diyan :D joke.


Bumuntong hininga ako, buti pa si Shantal nakiramay. Ito talagang si Vee nagtanong pa kay Gelo! Tsss. Ay may isa pa palang unread message.


From: Unknown number

Good Morning sunget! :) Thanks to your friend, I got your new number.


I know exactly who it is. Gelo Augustin. Arg! Nakakainis! Si Vee at Shantal lang ang nireplyan ko. Bahala ka diyan Gelo Augustin.

——-

Vee Serano's POV

Nagising ako ng magvibrate ang phone ko na nasa ilalim ng puwet ko. Nadaganan ko na naman dahil ang likot ko matulog. 

"Ang aga-aga nang-iistorbo. Psh," sabi ko habang kinakapa yung phone sa ilalim. Nakakagulat kaya no'ng nagvibrate, parang nakuryente yung puwet ko. Badtrip. Pagtingin ko si Rheema pala ang nagtext, Going to Tacloban daw siya dahil namatay ang Lola niya, kawawa naman. Nagreply ako para mabwisit siya hahaha dahil si Gelo na naman ang binungad ko kaya lang hindi na siya nagreply. Nabwisit nga siguro. 

"HALA? ALA-UNA NA?" napabangon ako dahil ngayon ko lang napansin yung oras sa mga text message sa inbox ko. Napuyat kasi ako kagabi pero okay lang dahil si Gelo ang dahilan. Medyo buong magdamag kasi kaming nagkulitan sa facebook, inaasar ko siya kay Rheema at ako naman inaasar niya kay Kent. Inaakala kasi nilang crush ko si Kent dahil madalas kaming mag-usap at minsan sinasamahan niya ko sa mall pero friends lang talaga kami. May nagugustuhan na kasi ako kaya lang head over heels siya sa kaibigan ko.

Nagmadali akong iligpit ang higaan ko tapos naglakad ako papunta sa may bintana, ang dilim dito sa loob dahil sa kurtina, iyon din ang dahilan kaya hindi ko naisip na tanghali na pala. Paghawi ko sa kurtina nasilaw ako sa sinag ng araw, ang sakit sa mata. Dumiretso na ko sa banyo at naligo ng mabilisan. Bakit? Kasi niyaya ako ng taong gusto ko na magshopping at alas dos ang call time.

Binilisan ko na lang lahat ng kilos ko: sa pagbibihis, sa pag-aayos ng buhok, hanggang sa pagmamake-up. Nagtaxi ako papunta sa Mall dahil wala kaming kotse, hindi ako ganoong kayaman tulad ni Rheema.

Hinihingal pa ako pero nagawa ko pa rin namang magsalita.

"Sorry Gelo nalate ako, kasi ikaw eh anong oras na tayo natulog kagabi," paawa effect ako.

"Sinisi mo pa ako, ikaw 'tong hindi papaawat kagabi," medyo natatawa niyang sabi, buti na lang hindi siya nagalit. Fifteen minutes lang naman akong late.

"Ako pa ha? ikaw itong sobrang mang-asar sa akin, kulang na lang ibugaw mo na ko kay Kent," tumingkayad ako para kurutin siya sa ilong.

"Aray! Ikaw ang kulit mo talaga! Para kang kapatid ko," at ngayon siya naman ang nangurot, binabanat niya yung pisngi ko. 

"Hoy tama na, masakit. Hmp!" tinanggal ko na ang kamay niya. "Okay saan ba tayo pupunta? Ano bang bibilhin mo?" 

"Pupunta tayo sa National Bookstore dahil bibili ako ng libro na..."

I interrupt him "Teka kailan ka pa nahilig magbasa? Himala!"

"Tangeks hindi naman para sa akin ang bibilhin kong libro, para kay Rheema. Sabi kasi ng mga alagad ko mahilig daw siya magbasa ng libro."

O-kay! Para pala kay Rheema. Wala talagang araw na hindi nasali sa usapan namin si Rheema, wala naman akong magagawa kasi gusto niya ang kaibigan ko. Alam niyo ba kung bakit ko binigay ang cell number ni Rheema kay Gelo? Binigay ko ang number ng bestfriend ko para lalo siyang kulitin ni Gelo at magiging resulta noon ay maiinis siya kay Gelo ng bongga at baka awayin niya pa ang crush ko. Pero okay lang kasi sa paraan na iyon marerealize ni Gelo na hindi talaga siya gusto ni Rheema at baka.. baka lang naman.. baka mapansin na niya ako.

Magkaklase na kami ni Gelo simula Elementary, madalas kaming mag-away noon dahil bully siya pero kahit ganoon may nabuong friendship sa amin. No'ng naging Highschool naman kami hindi ko na siya naging classmate kasi hindi siya nag-aaral ng mabuti kaya napunta na siya sa section five, 'di tulad ko na saction one pa rin. Kahit hindi kami magkaklase nakakapag-usap pa naman kami tuwing magkakasalubong at tuwing bibisita siya sa bahay. Malapit kasi sa isa't-isa ang mga Mama namin.

"Vee, nakikinig ka ba?" 

May sinasabi pala siya hindi ko napansin, "Ha? oo naman, tara bilhan na natin siya ng libro," 'yon na lang ang nasabi ko. Hindi naman kasi p'wedeng pigilan ko siya dahil alam kong hindi ko 'yon magagawa. Naglakad na kami papuntang National Bookstore, kaunti lang ang tao kaya hindi kami natagalan. Binili niya 'yong librong uhm ano ba 'yon? Ah Insurgent yung second book ng Divergent. Nagsalita siya habang nakapila kami sa counter "Ikaw may gusto ka bang bilhin? Sabay ko na dito."

"Talaga? Promise? Ikaw ba yan Gelo?" Tila kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Oo ang kulet, ano nga?"

"Ahm gusto ko 'yong book na The bad boy fell in love, alam ko napublished na 'yon." (The bad boy fell in love, published na under LIB, story po siya ng dear friend ko na si Heart Ow)

"Sige bilisan mo." Tumakbo agad ako sa corner kung saan nandoon ang mga teen-fiction book na originated from wattpad. Mas trip ko kasing magbasa ng Tagalog kaysa sa mga English na binabasa ni Rheema. Higher form kasi 'yon siya. Nakita ko na 'yong book, kumuha ako ng isa at bumalik sa counter. Binayaran na ni Gelo 'ang dalawang book na binili namin.

"Thank you Gelo," masayang masaya kong sabi sa kanya.

"Wala 'yon," matipid niyang sagot.


Naglakad na kami papuntang KFC, nagugutom daw kasi siya. Wala pa siyang pananghalian. Habang naglalakad nagkuwentuhan kami at nasabi kong nasa Tacloban si Rheema dahil namatay ang Lola niya. Nagulat naman siya sa narinig, kalaunan nalungkot na rin dahil hindi daw niya makikita si Rheema ng ilang linggo.

Maging ako din naman, malungkot din. Hindi lang halata.


Matapos naming kumain hinatid na niya ko sa bahay. Hindi na siya nagtagal tulad ng ginagawa niya dati dahil kailangan na niya raw kontakin ang  babaeng pinakamamahal niya lalo na't nagluluksa ito. Okay, ang bestfriend ko na ang pinakamamahal mo Gelo... pero I'm still hoping na one day you'll discover my hidden feelings for you.


A/N: Subaybayan nyo po ang story na ito para ma-inspired ako lalo na ipagpatuloy. VOTE, READ AND COMMENT :) Support me Readers. Thanks.

Vee Serano on the side :)

- ChinitaSai 

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."