Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 355K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 7: Home and Secrets
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 30: Parting Ways
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 33: Hunting Season
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
Christmas Special Part 2
New Year's Special
Published under Cloak PopFiction

Chapter 13: Air vs. Water

251K 8K 1.6K
By Missmaple

XYRA

Dalawang buwan ang lumipas, muli kaming magkikita-kita. Inalis ko ang kaba sa dibdib. Humaba na ang buhok ko hanggang baywang. Ang laki ng ipinagbago ko sa loob ng dalawang buwan. Lumabas ako sa dorm dala ang mga gamit na sapat para sa loob ng tatlong araw. Sa secret battlefield, malayo sa Wonderland kami magtutungo.

Patungo ako sa entrance ng Wonderland. Napansin kong may nauna na sa 'kin. Nakatalikod ang matangkad na lalaki kaya hindi ko siya makilala. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan. Lumingon siya sa 'kin kaya napahinto ako sa paglalakad. Muntik ko nang hindi makilala si Clauss. Pakiramdam ko maraming nagbago sa kanya. Mas lalong lumakas ang dating niya. Gusto kong mailang habang nakatitig siya sa 'kin. Masyado bang matagal ang dalawang buwan upang hindi na ako masanay sa presensiya niya?

Nahihiya akong ngumiti kay Clauss. Kakaiba ang epekto niya sa 'kin ngayon. Naninibago ako. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti sa 'kin. Muntik na akong mapanganga. Hindi ko inaasahang ngingiti siya. Hindi ko alam kung ilang droga ang tinira ko upang mag-hallucinate ng ganito. Pinigilan ko ang panlalambot ng mga tuhod nang humakbang ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagngiti niya.

"H-Hi," I stammered and it sucks. Lumipad sa harapan ko si Baby Clauss na ngayon ko lang napansin. Napaurong ako dahil muntik na akong maabot ng apoy na ibinuga niya. Medyo malaki na si Baby Clauss. Natuwa si Baby Clauss sa reaksiyon ko at dumapo sa ulo ko. Namiss ko si Baby Clauss pero ang bigat niya.

"Kamusta?" tanong ni Clauss.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan siya. His deep black eyes looking intently at me, his sharp nose and tight, red lips were the same. Hindi ko tuloy matukoy ang dahilan kung bakit mas naging gwapo at arogante siyang tingnan ngayon. Mas naging matipuno ang pangangatawan niya, at tumangkad siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Clauss. Namula ako dahil ilang minuto kong tinititigan si Clauss.

May narinig akong pagtawag mula sa likuran ko. Nilingon ko agad si Akira para makaiwas sa tingin ni Clauss. Kumaway ako sa kanya. Marami rin siyang ipinagbago. He's more handsome than before. Dumating na rin sina Selene at Bryan. Selene is more beautiful and tougher now. Mas naging sopistikada ang tindig niya ngayon.

Nagtungo kami sa battlefield na sinasabi ni Bryan. Isang buong isla ang battlefield na tinutukoy niya. May magubat at patag na bahagi ang isla.

"Here's the rule, bawal makialam sa laban ng bawat isa. Ako ang magdedesisyon kung tapos na ang laban. Pwede rin kayong magtaas ng white flag na ibinigay ko sa inyo kung sumusuko na kayo. Walang matitirang manonood kundi ako. Hahayaan ko kayong gamitin ang buong isla sa paglalaban niyo," wika ni Bryan.

Tumango kami. Si Selene ang makakalaban ko ngayon.

"You can hunt your opponent down now," walang babalang wika ni Bryan na ikinagulat naming lahat. Awtomatikong napalayo kami sa isa't-isa. Tumalon si Clauss sa sanga ng isang puno. Sinenyasan ni Clauss si Akira na sumunod sa kanya. Naunang umalis si Clauss. Walang nagawa si Akira kundi ang sumunod kahit naaasar siya. Naiwan si Baby Clauss kay Bryan.

Napatingin ako kay Selene. She grinned. Napailing ako. Hindi pa rin siya nagbabago pero tiyak na mas lumakas siya ngayon. "Hey, weakling, mukhang madali akong makapagpapahinga, ah," nang-aasar niyang wika.

Natawa ako sa sinabi niya. "You bet. Madali kang magpapahinga dahil naaawa na ako sa 'yo. Madali kong tatapusin ang paghihirap mo," nakangising sagot ko.

Hindi nagustuhan ni Selene ang sinabi ko. "Follow me. I'll kick your ass elsewhere, stupid," inis na wika niya. Napangiti ako. Sumunod ako kay Selene. Pumasok kami sa loob ng gubat, lumabas sa isang open field at doon tumigil. Walang sagabal sa paglalaban namin kaya malaya naming magagawa ang gusto. We began to guard ourselves with our own powers. Naglabas si Selene ng tubig sa mga kamay. Hinayaan ko naman na magpa-ikot-ikot ang hangin sa aking katawan. Naghanda kaming sumugod sa isa't-isa.

CLAUSS

Tumigil kami sa dulong bahagi ng isla kung saan walang mga puno na maaapektuhan. Tuyong-tuyo ang lupa at walang nabubuhay na halaman doon. "Pwede na siguro nating ipagpatuloy ang naudlot nating laban dito," wika ko.

"This place will do but I have a question to ask you," seryosong wika ni Akira. Napakunot-noo ako. "What is it?"

Seryosong tumingin sa 'kin si Akira. "Do you, by any chance, like Xyra?" tanong nito.

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Does it matter? Wala siyang kinalaman sa laban na ito," bored na sagot ko. Nagkibit-balikat si Akira. "I like her. Mukhang wala kang pakialam sa kanya kaya walang magiging problema kung liligawan ko siya."

Sumeryoso ang mukha ko. Hindi ko inaasahan na aamin si Akira sa nararamdaman para kay Xyra. Tinanong ko ang sarili. Do I like Xyra? No, I wouldn't like a crying baby like her. Wala akong pakialam kung ligawan man siya ni Akira. Pero bakit hindi ko yata kayang makita na magkasama sila?

"You're confused," Akira smirked.

I grinned. "Am I? I don't care about your plans. Let's just finish this fight."

Sumeryoso kaming dalawa. Tinantiya namin ang kakayahan ng bawat isa. I released my double fire dragon while Akira released his earth fox. Nagsusukatan kami ng tingin.

XYRA

Selene formed both her hands into guns.

"Hindi ko kailangang gamitin ang buo kong kapangyarihan sa iyo. Baka umiyak ka pa habang tumatakbo," Selene grinned.

"Really? Then, try me," I said, fearlessly. Selene started to shoot water bullets in my direction. I created wings using air. I flew, avoiding Selene's attacks. Naaasar si Selene sa ginagawa ko. I released an air spear from above. Pinatama ko ito sa braso ni Selene. Hindi ito naiwasan ni Selene.

Nakita ko ang dugo sa braso ni Selene habang nakangiwi siya. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Naglabas si Selene ng tubig hanggang sa makabuo ng malaking tidal wave. Inatake niya ako gamit ang tidal wave. Lumipad ako paitaas para hindi maabot ng technique ni Selene pero nagulat ako nang makita na sumusunod ang malaking tidal wave sa 'kin. Kinokontrol ni Selene ang direksiyon nito.

Wala akong nagawa kundi ang humarap dito. Gumawa agad ako ng counterattack dahil tiyak na lalamunin ako ng tidal wave at lulunurin. I released a large amount of cool air that could solidify water to its freezing point. I could control the air's temperature.

Bago pa makaabot sa 'kin ang tidal wave ay naging yelo na ang kabuuan nito. Bumaba ako sa lupa. Naglabas si Selene ng isang malaking water dragon dahil sa sobrang inis. Hindi ba niya nakuha na kaya ko ring gawing yelo 'yon? Pero dahil gusto kong subukan ang bagong technique, inilabas ko ang air dragon ko. This air dragon could produce hot and cold air when breathing out. It could also produce air bombs.

Hindi ko pa napag-aaralan ang ibang techniques ng air dragon kaya ito pa lang ang kaya nitong gawin. Gusto kong makita ang kayang gawin ng dragon ni Selene kahit pwede kong gawing yelo 'yon.

Selene's water dragon roared out loud that a tsunami formed behind it. The tsunami was aimed to hit me. My air dragon blew out a large amount of cool air that froze the tsunami. Then it released loads of air bombs that tore the tsunami apart. Lumipad kung saan-saan ang yelong nagkabitak-bitak dahil sa mga pagsabog. This time, I directed the air bombs in Selene's direction.

Selene released a large water shield to dodge my attacks but the air pressure trapped inside those air bombs are too high for Selene to withstand. Sa tuwing sumasabog ang air bombs ay may lumabas ding air blades mula roon. Tumalsik si Selene palayo kahit gumamit siya ng water shield, at bumagsak siya sa lupa. Napuruhan si Selene dahil sa mga sugat at hiwa na natamo sa iba't-ibang parte ng katawan.

"Please raise your white flag para matapos na ito," wika ko.

"Y-you wish. Kaya ko pang lumaban," nahihirapang wika niya. Pinilit niyang tumayo. Napailing ako. Gamit ang hanging nakapalibot kay Selene, sinakal ko siya. Unti-unti ko ring binawasan ang oxygen na nakapalibot sa kanya. Napahawak si Selene sa leeg dahil hindi siya makahinga. Humihigpit din ang pagkakasakal ko sa leeg niya. Wala sana akong balak gawin ito pero wala akong magagawa.

Napangiwi si Selene at naghahabol na sa paghinga. Hindi ko kayang makita ang itsura niya. Kahit nahihirapan si Selene ay determinado pa rin siyang lumaban sa 'kin. Napabuntong-hininga ako. Unti-unti kong inalis ang hanging sumasakal kay Selene at ibinalik ang oxygen. I raised my white flag. Hindi ko siya kayang labanan. Naglakad ako palayo.

"D-damn you, Xyra!" sigaw ni Selene sa nanginginig na boses. Alam kong umiiyak siya. Hindi ko siya pinansin. Alam kong malaking kahihiyan para kay Selene ang pagtataas ko ng white flag. Ginawa ko iyon para matapos na ang laban. Hindi ko kayang saktan si Selene na determinadong lumaban at walang balak sumuko. Nakita ko sa mga mata ni Selene na mas gusto pa niyang mamatay kaysa magpatalo. Hanga ako sa kanya. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Bryan.

"You've gotten stronger," ani Bryan. Kimi akong napangiti. Para sa 'kin, hindi pa ako malakas. Marami pa akong dapat matutunan. Naramdaman ko si Baby Clauss na dumapo sa ulo ko.

CLAUSS

Nauna akong sumugod kay Akira. I struck him with my double fire dragon but Akira's earth fox dodged my attack by producing a strong shockwave. Mas malakas ang shockwave na 'yon kaysa dati kaya napaurong ang double fire dragon ko. Inilabas ko rin ang fire phoenix. Sabay kong pinasugod ang double fire dragon at fire phoenix kay Akira. Malaki at makapal na earth shield ang inilabas niya para pigilan ang fire phoenix ko samantalang ang earth fox naman niya ay nakikipaglaban sa double fire dragon ko.

Sa nakalipas na dalawang buwan, sinanay ko ang sarili na maglabas ng dalawang technique nang sabay. Matibay ang depensa ni Akira dahil napapantayan niya ang puwersa ng dalawa kong technique. Pinili ko munang iurong ang dalawang technique palayo kay Akira dahil nahihirapan akong sirain ang depensa niya. Hinayaan kong mawala ang double fire dragon at fire phoenix. I summoned a new technique, a fire dragon with seven heads.

Nagulat si Akira sa nakita pero hindi nagpatalo. Nawala ang earth fox ni Akira pero naglabas siya ng isang giant earth golem. Nagulat ako pero napangiti. That giant earth golem will be a good match to test my seven-headed fire dragon.

Sumugod kami sa isa't-isa. My seven-headed fire dragon produced a large, fiery breath of fire directed to Akira but the giant earth golem dodged it for him. It used brute force and produced a strong aftershock that erased the fire. Muntik na akong tumalsik sa sobrang lakas ng aftershock na idinulot nito.

Now the giant earth golem was running towards me. I used the seven-headed fire dragon to release explosive fire missiles directed towards the giant earth golem to stop it from getting near me. The giant earth golem faced my seven-headed fire dragon and fought with it. I grabbed that chance to shoot a storm of fire in Akira's direction. Nagulat si Akira pero nasalag niya ang atake gamit ang earth wall. Inutusan ko ang seven-headed fire dragon na gamitin nito ang fire inferno sa giant golem.

Dahil malakas ang fire inferno na may kakayahang sumunog kahit ng kaluluwa ng tao, unti-unting nasunog ang giant earth golem sa sobrang init ng apoy na nagmula rito. Sinugod ko naman si Akira gamit ang fire phoenix. Huli na nang maulinigan ni Akira ang atake kaya natamaan siya. Nasunog ang kaliwang braso niya. Wala akong balak kaawaan siya dahil tiyak na hindi niya tatanggapin ang awa ko. Lalaki kami kaya tiyak na malaking kahihiyan sa parte namin kung kakaawaan kami ng kalaban. Mas gugustuhin pa naming mamatay.

Naglabas si Akira ng earth fox kahit nahihirapan. Balak ko sanang sugurin at sunugin si Akira gamit ang fire phoenix pero biglang naglaho ang fire phoenix ko sa hindi malamang dahilan.

"Patigilin ko na raw kayo sabi ni Bryan," wika ni Xyra. Napalingon kami sa kanya na nakatayo sa 'di kalayuan. Napakunot-noo kami pero tumigil na rin. Hindi ko matukoy kung bakit biglang nawala ang fire phoenix ko. Naglakad ako palayo kay Akira habang malalim na nag-iisip.

"Clauss, may sugat ka ba? Pinabibigay kasi ni Bryan ang healing candy na ginawa ni Cyril," sigaw ni Xyra.

"Wala," maikling sagot ko. Hindi ako humarap kay Xyra. Aalis na sana ako pero tumakbo siya papalapit sa 'kin. "Clauss, pwedeng pakibigay naman ng healing candy na ito kay Selene? Nasa tabing dagat siya. Please?" pakiusap niya. Inilagay agad niya ang healing candy sa kamay ko. Tatanggi sana ako pero tumakbo na siya papunta kay Akira. Nag-aalala si Xyra kay Akira. Parang gusto kong mainggit. Ipinilig ko ang ulo dahil hindi ko dapat maramdaman 'yon.

"Ayos ka lang ba, Akira?" Narinig kong tanong ni Xyra. Pinakain agad ni Xyra si Akira ng healing candy. Dahil hindi ko gusto ang nakikita, tahimik akong umalis at pumunta sa tabing dagat kung nasaan si Selene.

Napansin ko ang pagmumukmok niya. Alam kong natalo siya base sa itsura. Lumapit ako kay Selene. Alam ko na kung bakit hindi maibigay ni Xyra ang healing candy kay Selene.

"Here. Eat this," wika ko sabay abot ng healing candy sa kanya. Nagtatakang napatingala siya sa 'kin, basa pa ng luha ang mga mata.

"Ano yan?" takang tanong niya.

"Candy," bored na sagot ko.

Napangiti siya. "Hindi na ako bata."

Napangiti rin ako sa sinabi niya. Naalala ko na noong mga bata pa kami, inaalok ko siya ng candy tuwing umiiyak siya. Pinipilit naman niyang tumahan sa tuwing kumakain ng candy kaya nakakatawa ang itsura niya noon. Halos mabulunan pa nga siya kapag sumisigok.

"Don't worry. Healing candy ito. Hindi ito pambata," natatawang wika ko. Tinanggap ni Selene ang candy at isinubo. Namamasa ang mga mata ni Selene pero pinipigilan niyang umiyak. Ginulo ko ang buhok ni Selene bago siya iniwan. Pangit pa rin pala siya kapag umiiyak. Napapailing na napapangiti ako habang naglalakad.

XYRA

Gabi na. Gumawa kami ng apoy mula sa pinagsama-samang kahoy. May kanya-kanya kaming tent na matutulugan.

"Magpahinga na kayo dahil tiyak na mapapagod kayo bukas," wika ni Bryan bago pumasok sa sariling tent.

Pumasok na rin sa tent sina Akira at Selene. Pareho silang wala sa mood. Nanatili akong nakatingin sa apoy. Si Akira ang makakaharap ko bukas. Mahihirapan akong kalabanin siya dahil matibay ang depensa ng earth element. Hindi ko alam ang gagawin. Tatayo na sana ako sa kinauupuan para pumasok sa tent pero napansin ko si Clauss sa isang puno. Nakatingin siya sa 'kin. Bumaba siya at lumapit sa 'kin. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

Tumayo ako kahit nanginginig ang mga tuhod. Nang tuluyan siyang makalapit, nagulat ako nang bigla niyang hinapit ang baywang ko. Mabilis niya akong binigyan ng halik sa labi na ikinalaki ng mga mata ko.

"Goodnight," bulong ni Clauss. Pumasoksiya sa tent at iniwan akong natitigilan. Hindi man lang ako nakapag-reactdahil sa bilis ng pangyayari. Lalong nanginig ang tuhod ko kaya napaupo ako salupa. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso.Napahawak ako sa dibdib na parang nahihirapang huminga. Ano ba naman anglalaking iyon? Bigla na lang nanghahalik? Ramdam ko ang pag-iinit at pamumulang pisngi ko. Hindi ko alam ang iisipin ngayon.    

Continue Reading

You'll Also Like

184K 5.2K 34
A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.]
607K 18.6K 60
Meet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot...
1.3K 147 7
COMPLETED ON GOODNOVEL Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB. (08)036- 024- 36 Nakakalungkot man...
85.3K 386 5
Nightmare is a secret agent who is known for paralysing his victims, all of her missions are smooth but when she started to handle Michael Wilson's...