Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 50

678K 15.4K 5.9K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 50 

Kinabukasan, maaga akong nagising. Talagang sinigurado ko na naka-set iyong alarm ko kagabi dahil ayokong ma-late agad ako sa unang araw ng pasok ko. Kaya nga kahit nag-eenjoy ako na kausap si Mari, kinailangan ko agad na magpaalam sa kanya dahil kailangan kong matulog ng maaga. Natatawa pa rin ako kapag naiisip ko iyong mga bilin sa akin ni Mari. Kung makapag-fangirl ang isang 'yun, akala mo teenager pa!

Mabilis lang akong nag-ayos at saka kumain ng tinapay at gatas. Mabuti na lang din at medyo malapit lang dito iyong recording office kaya hindi ako masyadong maabala sa pagpunta roon.

After a few minutes, I was on my way.

'Wait,' Jas mouthed to me nung makarating na ako sa 7th floor lobby. Mukhang busy pa kasi siya at may kausap sa phone. Naupo na lang ako at tumingin sa mga naglalakad. Wala pang masyadong tao dahil nga Christmas vacation ng mga tao. Siguro iyong mga sobrang workaholic lang ang pumasok pa talaga despite the holidays.

"Sorry for keeping you waiting," sabi niya. I just smiled. Matagal na rin kasi akong walang ginagawa so I didn't mind anything that would keep me busy. Less idle time, less time for me to be thinking. Nakaka-stress pala talaga mag-isip—lalo na kapag overthinking. Para mong binabaliw ang sarili mo sa kakaisip sa lahat ng mga posibilidad.

"Marga's on her way. Sinundo lang 'yung alaga niya from voice lesson," she said and my forehead was in furrow. "Ah, sorry. Marga's the new manager you'll be assisting. You'll like her. She's just older than you by few years," she added but that didn't help my nerves. Kinuwentuhan kasi ako ni Mari kagabi na masungit daw ang karamihan sa mga managers kaya kabahan na raw ako. Matapang naman ako pero madali talaga akong maiyak kapag sinisigawan ako lalo na kapag in public. "Would you like some coffee, tea, juice, or water?"

I gently shook my head.

Iniwan ulit ako ni Jas dahil may kailangan siyang kausapin. Mukhang tungkol na naman kay Kyle Mendes. Palagi na lang kapag pumupunta ako rito, siya ang pinag-uusapan... Sabagay, hindi ko naman masisisi kung siya ang bukambibig ng mga tao rito. Siya kasi ang pinaka-sikat na singer ngayon sa Pilipinas. Pati mga endorsements, siya rin ang pinaka-mabenta ngayon. No wonder lahat dito siya ang priority.

I was fiddling with my phone when I felt the door swing in. Napatingin ako roon at may nakita akong babae na pumasok. She was sporting a ponytail at naka-suot ng casual white shirt at black pants. She looked so bubbly.

Pagkatingin niya sa akin, napakunot ang noo niya. Lumabas siya ulit at saka chineck iyong name ng room na pinasukan niya.

"Excuse me," she said. "Who's your handler?"

"Po?"

"May meeting kasi kami rito with Jas, e," she said but that didn't answer my question. Mabuti na lang at pumasok na si Jas. "Jas! Akala ko sa Acacia 'yung meeting?"

"Yes. Bakit?"

"You mean siya 'yung mag-aassist sa akin?" she said while pointing at me. Tumango naman si Jas. At ako? Nakakunot pa rin ang noo. "Sorry, akala ko talent ka kanina," she said and then extended a hand. "I'm Marga nga pala. You're Imogen, right?"

I nodded and smiled. Tama nga si Jas, mukhang makakasundo ko si Marga.

We exchanged pleasantries hanggang sa magpaalam na si Jas sa amin dahil may aasikasuhin pa raw siya about Kyle. When Jas left the room, biglang kinulit ako ni Marga.

"Single ka?"

"Po?"

"Naku, 'wag ka na ngang mag-po sa akin! 23 pa lang ako!" she exclaimed. "Ikaw, ilang taon ka na?"

"20," I answered. "Nasaan na nga po pala 'yung talent niyo?"

"Naku, nagpaiwan sa labas at may nag-abang kanina na fans. Ang bait kasi masyado nun. Kahit hindi pa kumakain, basta para sa iba, go lang ng go."

Napatango na lang ako.

"Wala ka bang tanong?" she said. Sobrang hyper niya. "Ang tagal naman kasi ng batang 'yun!"

"Uhm... ano po ang gagawin ko? I mean paano ko kayo iaassist?"

"Since bago pa lang naman iyong talent, wala pang masyadong bookings at nasa prep stage pa siya. Siguro for now, sasamahan mo lang kami sa practice niya at sa recordings. By next, next week siguro start na ng guesting niya. Kapag busy naman ako sa transactions, ikaw ang bahala sa talent. Basta palagi mo siyang kasama dapat. Iyong iba kasi pasaway—bigla na lang mawawala. Kaya vigilant dapat palagi dahil patay tayo sa big bosses kapag hindi naka-attend sa commitment iyong talent. Lagot talaga tayo lalo na ako," she said na walang pigil. Ako yata ang hiningal para sa kanya sa dami ng sinabi niya.

I was nodding the whole time and trying to digest everything she said when the door swung open again.

"Shiloah! Ang tagal mo naman! Tinubuan na ako ng ugat dito!"

It was like time instantly froze when I heard that name. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Para akong binuhusan ng tubig. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All emotions came rushing back into me.

"Sorry."

Shit. It was him. Boses pa lang niya, alam ko na na siya iyon. Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, parang naririnig ko na iyong boses niya sa loob ng isip ko... Kaya hindi ako pwedeng magkamali na siya nga iyon.

I wanted to turn around so I could see him. I missed his face. I missed his voice. I missed everything about him...

I wanted to jump him and hug him and kiss him.

I wanted to tell him how I was ready to finally be with him... na walang hesitation, walang sakitan, walang iwasan, walang habulan.

That I was finally ready to love him the way he wants me to.

Bawat galaw niya, parang mahihigit ang hininga ko. I couldn't wait to finally land my eyes on him. I missed him. I missed him too much! Parang gusto kong maiyak dahil makikita ko na siya.

And when he sat in front of me and when our gaze crossed, that was when I was sure it was him...

Ang tagal kong hinanap pero dito ko lang pala makikita.

"Imo, ito nga pala 'yung aalagaan natin, si Shiloah. Mabait 'yan!" she said but I was too busy looking at him. I was still busy staring at the guy who almost drove me crazy with his disappearance.

He's still my Shiloah... Humaba lang iyong buhok niya at saka medyo lumaki ang katawan niya pero siya pa rin iyon. Iyong taong gusto ko.

I wanted to extend my hand and caress his face but I couldn't bring myself to... I didn't know if I still stood a chance.

"Shiloah, si Imo—"

"I know her," sagot ni Shiloah na hindi rin inaalis ang tingin sa akin. Parang gusto kong maiyak dahil lang narinig ko iyong boses niya. Ganito ko ba siya na-miss? Na tipong boses niya pa lang pero sobrang nagwawala na iyong dibdib ko?

"Truth? Ikaw talaga! Saan mo nakilala 'tong si Imo?"

I was about to answer but he replied faster. "School."

"Magkaano-ano kayo?

Shiloah looked at me.

"Friends."

Biglang may kung ano na sumakit sa loob ng dibdib ko dahil sa sagot niya. Alam ko naman na friends lang kami... Ako pa nga ang may gusto na hanggang dito lang kami... Na magkaibigan lang kasi akala ko, masama na magkaroon ng higit pa sa amin. Kasi dapat magkaibigan lang kami.

Kasi dapat si Parker lang ang mahal ko palagi.

Pero saan ako dinala ng mga paniniwala ko dati? Dito. Parang tanga na nasasaktan sa isang bagay na ako naman ang may kagagawan.

I should never really ask for something that I might regret.

"Friends? Naku, Shiloah! Hindi ka pa nalo-launch pero showbiz na showbiz na agad ang sagot mo! Good job, bb!" hyper na sagot ni Marga. I tried to smile but it looked rehearsed.

I didn't want to be just friends. Not anymore.

She was talking about something pero kami ni Shiloah, magkatinginan lang sa isa't-isa.

He looked the same... those innocent brown eyes were still the same... pero bakit parang may nagbago? Parang hindi na siya iyong Shiloah ko?

"Speaking of school!" Biglang naputol iyong pagtingin ko kay Shiloah nung malakas na nagsalita si Marga. "Imo, first task mo nga pala is pumunta sa school ni Shiloah para sabihin kung may compromise ba na pwedeng magawa. Graduating na kasi 'to and OJT niya na rin dapat kagaya mo. E love na agad siya ng big boss kaya gusto agad i-launch. Tanong mo naman kung pwedeng mag-adjust kasi gusto rin grumaduate ng tao na 'to," she said and then tapped his shoulder.

"Iwan ko muna kayong 'friends.' Puntahan ko lang si Jas para sa sched natin for this week," she chirped and then left us.

Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami kong gustong isumbat. Ang dami kong gustong gawin... pero ni isa hindi ko magawa dahil sa paraan kung paano siya tumingin sa akin.

"You could've replied sa kahit isa sa mga texts ko," I began. My voice was shaking a bit. May nag-iba talaga sa kanya...

"I was busy," he replied.

"Kahit isang text lang, okay na. Nag-alala ako."

"I replied."

"Once," I said and gave him a weak smile. "I thought I deserved at least a call."

He looked at me and I saw something in his eyes... iyong Shiloah na mahal ako. Iyong Shiloah na gagawin para sa akin... Hindi pa siya nawawala.

"Sorry for making you worried," he gently replied. "I was just really busy."

I smiled at his response. At least kahit papaano, meron na ako ulit na kahit kaunting pag-asa. Na nandyan pa rin iyong lalaki na nakilala ko at nagustuhan ko. I just need to be a little patient with him—the same way he was when I was at my lowest.

"Okay lang," I answered. "Saan ka nga pala nag-Pasko?"

I was looking at his eyes then something inside me told me I shouldn't have asked that question.

"Candy," he replied. Natahimik ako. Parang biglang natuyo iyong lalamunan ko at hindi ko alam kung saan napunta iyong boses ko...

Magkasama sila? Siya ang kasama niya nung mga panahon na halos mabaliw ako sa kakahanap kung nasaan siya? Sa mga panahon na sobrang lungkot ko dahil hindi siya nagpaparamdam?

Nung nangungulila ako sa kanya, kasama niya iyong tao na 'yun?

Hindi ko alam kung paano sumagot matapos iyon. So I chose to fake a smile.

"Kayo pa rin," I stated. It was not a question. I was just slapped with the truth. Na iyong taong hinihintay ko, may iba na palang kasama.

He nodded—not saying anything.

"Akala ko makikipaghiwalay ka sa kanya?"

I looked at his eyes—hoping that he still loves me... enough to chase after me. Enough to stay even though I did nothing but hurt and crush him.

Pero sino nga ba ang niloko ko?

Kahit sinong tao, kapag sinaktan mo ng sobra, susuko rin at iiwan ka...

"I just want to love without being pushed away," he told me. "Candy loves me and I want to love her, too."

Continue Reading

You'll Also Like

910K 98.9K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
1.9M 49K 164
Frankie (Epistolary with narration)
24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...