Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 10 *I miss you*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 13 *flashback*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 19 *The Wake*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 38 *Enchanted*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 48 (06/09/14)
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 43 *Dionne's Choice*

598K 12.9K 2.9K
By alyloony

A/N:

Sorry sorry sorry readers dahil ang tagal ng update. Sobrang nagiging busy na kasi ako. Aside sa mga inaasikaso ko sa work, nag eedit pa ako ng story para doon sa book na ippublish ko (abangan niyo ah!) Pero dahil pinromise ko na tatapusin ko ang AiD, hindi ko to i-o-onhold. Gagawa talaga ako ng time para makapag update! Sana po ay maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ang updates. Salamat po sa pang unawa

-- Aly <3

**

Chapter 43

*Dionne's Choice*

 

 

[Dionne’s POV]

“sorry talaga Ashley ha at nakakaabala pa ako sayo dito?”

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room ng choir friend kong si Ashley habang siya naman ay busy sa paghahanap ng pantulog na pwede niyang maipahiram saakin

“ano ka ba Dionne, okay lang yun no! Pwedeng pwede ka mag-stay dito saamin hangga’t kelan mo gusto” sabi niya at binigyan niya ako ng isang ngiti

“thank you talaga ah”

Nginitian ulit ako ni Ashley.

Ibinalik ko yung tingin doon sa cellphone ko. Alam kong kanina pa text ng text si Japoy saakin at pinapauwi na ako. Sa totoo lang, grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko na replyan siya at sabihing babalik na ako sa kanya kaya lang parang may nagsasabi rin saakin na wag muna.

Isa isa kong binasa yung mga text niya. Galit na galit siya at pinagbabantaan niya ako ng mga kung anu-ano.

Hay Japoy. Isang sorry lang naman ang katapat ko eh bakit hindi mo pa magawa?

Dahil sa inis ko, pinatay ko yung cellphone ko.

“mukhang tampong tampo ka talaga sa amo mo” sabi ni Ashley saakin “may gusto ka sa kanya no?”

Bigla naman ako namula sa sinabi niya “A-ah? E-eh k-kasi a-ano eh.. y-yung b-bali a-ano eh..” huminga ako nang malalim “oo may gusto ako sa kanya at nakakainis!!” sabi ko at nagpagulong gulong ako sa kama ni Ashley “uwaaaa Ashley ayoko na nang ganito! Pwede bang turuan ang puso na wag nang mahalin ang taong malabo naming maging iyo?”

“Hay naku Dionne kung pwede lang…” iniwas ni Ashley ang tingin niya “kung pwede lang ang ganung bagay edi sana wala nang nasasaktan ngayon..”

Nilapitan ko si Ashley

“bakit Ashley, nasasaktan ka ba ngayon?”

“h-ha? A-ah e-eh a-ano e-eh..”

Bigla naman akong natawa sa expression niya “hahahahaha gaya-gaya ka! Parang kanina ata ako ang nagsasabi niyan!”

“oo nga no?” at biglang natawa narin si Ashley “hahahaha hay naku Dionne. Alam mo naisip ko lang parang madami tayong pagkakatulad. Kahit sa choir lang tayo nagkakasama at kahit na hindi pa tayo nagkaka bonding na maigi, feeling ko magkakasundo tayo sa madaming bagay. Hay! Maganda rin pala na mag over night ka dito”

Nginitian ko si Ashley “kaso okay lang ba  na mag bonding pa tayo nang mas matagal? Feeling ko kasi hindi lang hanggang overnight ang aabutin ko sa bahay niyo eh”

Inakbayan ako ni Ashley “kahit pa abutin ka ng taon okay na okay lang!”

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Ashley about sa iba’t ibang bagay. Sa tinagal tagal na nakasama ko siya sa choir, parang ngayon ko lang siya nakikilala ng maigi and I must say, halos madami nga talaga kaming bagay na pagkakapareho ni Ashley.

“eh sino naman yung madalas na naghahatid sayo sa church every may choir practice at mass tayo?” pang iintriga ko kay Ashley.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Ashley dahil sa tanong ko “Y-yun ba? S-si Yul yun, best friend ko” sabi niya

I smile.

Sa reaction pa lang niya alam ko ng inlove siya sa taong yun.

Maya-maya lang din, tinawag na kami ng maid nina Ashley na bumaba na at kumain. Pag dating naman namin sa hapag kainan, nakita ko na nadun yung kakambal ni Ashley na si Althea.

“Dionne! Ikaw si Dionne di ba?” salubong nito saakin “balita ko inihatid ka daw dito nung artista na babae? Si Venus Fair? Totoo ba yun?”

“A-ah oo. Bakit?”

Sumimangot si Althea “friends pala kayo nun? Di ko siya feel. Parang ang maldi-maldita niya! Di naman kagandahan”

“Althea! Ano ka ba!” saway ni Ashley sa kakambal niya

“what did I do?!”

“hay naku!” humarap saakin si Ashley “pagpasensyahan mo na yang kakambal ko, ganyan lang talaga yan.”

Nginitian ko lang silang magkapatid. Sobrang opposite talaga ng ugali ni Ashley at ni Althea kahit na kambal sila. Si Ashley mahinhin habang si Althea naman may pagka liberated. Kung si Ashley ang tambayan ay simbahan, si Althea naman ay mga gimikan.

Pero kahit ganyan silang dalawa, parehong magaan ang loob ko sa kanila. Nagumpisa na kami kumain nina Ashley. Nakakatuwa nga na habang kumakain kami, ang dami daming ikinukwento si Althea na nakakaaliw. Sabi ko na eh mukha lang siyang maldita pero mabait talaga siya. Parang nakikita ko kay Althea si Venus. Siguro kung magiging magkaibigan sila, magkakasundo silang dalawa.

After kumain, pumasok na ulit kami ni Ashley doon sa kwarto niya. Nag shower muna kami at pinahiram narin niya ako ng pantulog. After ng ilan pa ulit na kwentuhan, pareho narin kaming inantok at nag decide na matulog na lang.

Time check: 11:05 in the evening. Sa tabi ko ay mahimbing nang natutulog si Ashley. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim nang kama ko at in-on koi to. Pagka open na pagka open ako, nagulat ako na tambak ang inbox ko.

28 messages received.  Yung 27 galing kay Japoy, then meron din akong nagiisang message na galing kay Rui.

Inisa-isa kong basahin yung mga messages ni Japoy.

“Hoy pag di ka talaga umuwi patatalsikin kita!”

“ano bang problema mo at nag layas ka?!”

“o sige tataasan ko ang sahod mo umuwi ka na!”

“hoy ano kala mo ikaw lang ang nagiisang chimay na pwede kong i-hire! Kayang kaya kitang patalsikin!”

“YOU’RE FIRED!!

At the rest ng mga messages niya, puro “you’re fired” na ang nakalagay. Sesante na ako sa trabaho, wala na akong babalikan.

Napa-buntong hininga ulit ako. Siguro nga wala talagang pakielam saakin si Japoy. Kung totoong gusto niya akong bumalik sa kanya, kesa pambabanta ang ittext niya, sana mag sorry na lang siya saakin. Oh kahit wala manlang sorry, sana kahit simpleng “bumalik ka na dito, please” siguro kakaripas na ako ng takbo pabalik sa kanya.

Pero bakit kailangan pa niya mag text nang mga bagay na masasakit saakin? At talagang sinesante niya ako ng ganung kadali, walang pag da-dalawang isip.

Inalis niya ako sa buhay niya nang ganun-ganun lang.

Napapikit na lang ako habang nararamdaman ko na naman ang luha sa mga mata ko.

God sign na ba to na tama na? Na dapat na ako bumitiw? Alam ko naman na hindi talaga pwede eh. Pero hindi ko expected na ganito ako kabilis aalis.

Siguro nga, dapat maghiwalay na kami ng landas ni Japoy.

[Jake’s POV]

“hay sabi ko na you’re still sleeping!” naramdaman kong may nag poke ng daliri sa braso ko “get up! Tapos na ang vacation leave mo at kailangan mo ng bumalik sa trabaho! May rehersal ka ngayon di ba?!”

Tinabing ko yung kamay niya “leave me alone!”

Naramadaman ko na tinutulak tulak na niya ako “for pete’s sake get up!!”

“ano ba leave me alone Dionne!!” irita kong sabi sabay talukbong ng kumot. Bwiset na chimay to oh! Panira ng tulog eh!

“I am not Dionne. Nilayasan ka na ng chimay mo, remember?”

Parang biglang nawala ang antok ko ng dahil sa narinig ko. Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot ko at nakita ko si Venus na nakatayo sa harapan ko.

Oo nga pala, nilayasan ako ni Dionne.

Kinuha ko yung phone ko sa may bedside table at chineck kung may nag text ba saakin. Bukod sa manager ko na pinaalalahanan ako na wag ma-late sa rehersal ko ngayon, wala na kong iba pang text na narecieve.

Wala ni-isang text na galing kay Dionne.

Pakiramdam ko parang gusto kong ihagis yung cellphone ko eh. So ano yun?! Ganun na lang niya kadali tatanggapin na sinesante ko na siya sa trabaho niya?!

Akala ko ba mahal niya ako eh bakit parang okay lang sa kanya na iwan ako?

 

“oh ano natauhan ka na?”

Tinignan ko si Venus “ewan ko sayo! Bat ka pala nakapasok dito ha?! Saan ka nakakuha ng susi?”

“Bat hindi mo na lang sunduin si Dionne? Alam ko kung nasaan siya”

“wala akong paki sa chimay na yun! Bahala siyang mag layas, hindi siya kawalan”

“totoo ba yan? Hindi siya kawalan sayo? Kahit na sumama siya sa iba okay lang sayo?”

Tinignan ko si Venus “oo, wala akong paki kahit sumama siya sa iba.”

“then gusto mo palitan ko na si Dionne? Gusto mo ako na mag aalaga sayo?” nilapitan ako ni Venus at hinawakan niya ang braso ko “hindi ako aalis at hindi kita iiwan. Promise yan..”

Napabuntong hininga ako.

Ang hirap talagang maging gwapo, ang daming nagkakagusto.

Inalis ko yung pagkakahawak ni Venus sa braso ko.

“sorry Venus, pero alam mo naman na hanggang pagpapanggap lang lahat nung saating dalawa di ba? Hanggang doon lang yun”

Nakita kong nagilid ang luha ni Venus “marunong ka bang magmahal? O hanggang pananakit lang talaga ang alam mong gawin?”

“I’m sorry” I told her then iniwan ko na siya doon.

Hay buhay. Pati si Venus napaiyak ko ano ba yan. Minsan nakakainis na ang pagiging gwapo ko!

Pumasok na ako sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Weird pero bigla ko na lang naalala yung unang beses kaming nagkita ni Dionne. Naliligo ako nun at bigla-bigla na lang siyang pumasok sa banyo ko at nakita pa niya lahat ng dapat niyang makita! Mula ulo hanggang paa! =__=

Pero come to think of it, kung paano siya pumasok sa banyo ko, ganun din siya pumasok sa buhay ko. Biglaan, walang paalam. Nakita niya rin ang lahat saakin, ang buong pagkatao ko, ang kahinaan ko, kung saan ako sumasaya, kung ano ang mga nagpapainis at nagpapalungkot saakin. Nakakayamot kasi hinayaan ko siyang i-invade ang private life ko. Pero hindi ko siya magawang alisin sa buhay ko kahit pa yamot na yamot ako sa kanya.

Alam kong sinesante ko na siya sa trabaho pero tinatakot ko lang naman siya eh. Akala ko babalik siya saakin pero bakit ganun? Parang wala siyang pakielam.

Binuksan ko yung shower doon sa banyo at naramdaman ko ang pag bagsak ng tubig nito sa katawan ko. Bigla naman akong nakaramdam na matinding pagkainis kaya napahilamos na lang ako ng mukha.

Bwiset talaga! Ganito na lang ba talaga to? Hindi na babalik si Dionne?! Talagang pinagpalit niya na ako sa iba?!

Oo! Alam ko madami ako mahahanap na iba! Pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang gustong sumabog ng puso ko?

I try my best not to think of Dionne para makapag concentrate naman ako sa pagaayos sa sarili ko. Kailangan ko narin mag madali dahil alam kong late na late na talaga ako at for sure maririnig ko na naman ang sermon nung dance director namin. Parang hindi na siya na sanay na pag gwapo dapat late!!

Nang matapos ako maligo, wala na si Venus sa unit ko. Malaman uuwi na yun, na broken hearted saakin eh. Wag lang sana siya gumawa ng katangahan katulad ng paglalaslas o pag talon sa tulay dahil binasted ko siya. Please lang, ayokong masasangkot ang pangalan ko sa mga ganyang ka cheap na issue. =___=

Nagbihis na ako at nagmaneho papunta doon sa studio para sa dance rehersal namin. Hindi ko alam kung paano ako napilit ni Manager Rhian na sumali sa isang dance number pero ayoko talaga ng mga ganitong bagay. Sa pag p-practice pa nga lang eh pagpapawisan na ako! Nakakadiri bwiset!

Pagkadating ko doon sa studio, nadatnan ko naman yung Hapon na si Rui na kasalukuyan nang nag pa-practice para doon sa dance number. Kasama ko nga rin pala siya doon at napilit din nila si Venus magsayaw kahit na isa na siyang newscaster ngayon.

Nakita ko na papalapit na yung dance director namin at mukhang sasalubungin na naman ako ng sermon kaya inunahan ko na siya.

“oo late ako alam ko. Kesa talakan mo ko, kung mag umpisa na kaya tayo?!” sabi ko sa kanya

Natikom naman yung bibig niyang naka-ready palang para bulyawan ako. Binigyan niya ako ng masamang tingin at humarap na ulit doon sa mga dancers “okay magsisimula na tayo! Nandiyan na yung hari natin!” sabi nung baklang dance director.

Bwiset tong baklang to. Bad mood na ko nakikisabay pa!

Inilapag ko yung gym bag ko sa tabi at naki- practice narin sa kanila. After 10 minutes na pagsasayaw, pinag break niya ulit kami sa kadahilanang wala pa si Venus.

“mga tao ngayon mga paimportante” dinig ko pang bulong niya.

Nakakairita talaga. Kung pakitaan ko na lang kaya to ng abs ko ng matahimik? =__=

“Jake..”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Rui sa harapan ko

“oh?”

“si Dionne, hindi ba talaga siya umuwi sa inyo?”

“obviously hindi. Kung umuwi siya edi sana kasama ko siya di ba?”

“hindi mo manlang siya hinanap?” medyo asar na sabi ni Rui saakin

Napatayo naman ako bigla “at bat ko siya hahanapin? Sino ba siya?”

“wala ka bang pakielam kay Dionne ha?!”

“teka bat ka nagagalit saakin?! Tsaka boyfriend ba ako ni Dionne ha?! Teka nga, isa lang naman ang dahilan kung bakit siya umalis eh..” nilapitan ko lalo si Rui “hindi niya nagustuhan ang halik mo bro. Kung ako sayo humanap ka na lang ng iba. At paying kapatid lang din, wag nang si Dionne ang mahalin mo. Hindi ka bagay sa isang chimay na katulad niya. Maghanap ka na lang ng maganda at mayaman na mas babagay sayo—“

*PUNCH*

Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa gilid ng labi ko at nakita kong nagdudugo ito.

“GAGO KA AH!” sigaw ko kay Rui at sinugod ko na rin siya “bat mo ko sinuntok?!”

Pinigilan ako ng mga taong nakapaligid saamin same goes with Rui kaya lang nakakwala siya sa kanila at sinugod ulit ako.

“Wala kang karapatan para sabihan ng ganun si Dionne! Eh ano ngayon kung hamak na PA mo lang siya?! Fuck! She’s way better than all those girls I’ve met kaya minahal ko siya ng husto! Dionne’s a great girl and you failed to notice that!”

Naramdaman ko na naman ang pagtama ng kamao ni Rui sa mukha ko.

“Mali siya ng minahal! Hindi dapat ikaw ang minahal nia Jake dahil napaka makasarili mong tao at hindi ka marunong magmahal!” and I received another punch from him

“wag kang magsalita ng mga bagay na hindi mo alam!!” tumayo ako sa pagkakatumba ko and this time, ako naman ang sumuntok kay Rui

“tama na!!”

Napahinto kami ni Rui ng marinig namin ang boses na yun at nakita ko si Dionne na tumatakbo palapit saamin habang kasama niya si Venus.

“B-bat kayo nag sasakitan dalawa ha?”

Tinignan ko si Dionne at hinawakan ko siya sa braso “bat hindi ka nag re-reply saakin ha?! Uuwi na tayong dalawa ngayon!”

“no!” nakita ko na hinawakan naman ni Rui ang kamay ni Dionne sa kabila “hindi na ako papayag na isasama mo si Dionne” tinignan ni Rui si Dionne “Dionne I am very very sorry sa nagawa ko sayo sa beach. Hindi ko talaga sinasadya yun but please come with me. Hindi deserving si Jake sa pagmamahal na binibigay mo sa kanya. He’s only hurting you!”

“Dionne!!” sigaw ko “Sumama ka saakin!”

“No Dionne please..”

Tinignan ni Dionne si Rui then ibinaling niya ang tingin niya saakin.

“Mahal kita” halos pabulong niyang sabi habang diresto siyang nakatingin sa mata ko “kaso hindi ka marunong magmahal, Japoy..”

Inalis ni Dionne ang pagkakahawak ko sa braso niya atsaka niya tinignan si Rui “Sasama ako sayo” sabi niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Para bang bigla na lang akong nabingi. Ang tanging naalala ko na lang ay ang likod ni Dionne na naglalakad na palayo saakin.

Hindi ako marunong magmahal.

Sa loob ng isang araw, tatlong tao ang nagsabi saakin niyan. 

(to be continued...)

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 64.1K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
62.5K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...