Skeletons in her closet

By Serialsleeper

4M 173K 88.3K

"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school... More

Prologue
Notice 02262020
Chapter 1: Never mess with madness
Chapter 2: Maddy the Goody
Chapter 3: Going Incognito
Chapter 4: Surprise little psycho
Chapter 5: She who shouldn't be forgotten
Chapter 6: Fascination for Madness
Chapter 7: The new cop in town
Chapter 8: Malice in Murderland
Chapter 9: Too late for regrets
Chapter 10: The thing about regrets
Chapter 11: What she'll always be
Chapter 12: The Game Changer
Chapter 13: Tit for Tat
Chapter 14: The Girl who knew too much
Chapter 15: You can't save everyone
Chapter 16: No sins left unpunished
Chapter 17: Metanoia
Chapter 18: Its time to choose
Chapter 19: The wall she built
Chapter 20: Broken
Chapter 21: Eyes on you
Chapter 22: The Red Light
Chapter 23: Maddieson Paredes
Chapter 24: Polaris
Chapter 25: The Green Light
Chapter 26: Only place I call home
Chapter 27: What hurts the most
Chapter 28: As close as strangers
Epilogue
Commentary

Chapter 29: Skeletons in my closet

110K 5.4K 4.6K
By Serialsleeper

29.

Skeletons in my closet

Third Person's POV


Gamit ang palad, pinunasan ni Shannon ang namuong hamog sa salamin. Tumambad sa harapan niya ang isang babaeng may maikli at kulay itim na buhok na basang-basa pa, nakasuot ng kulay pink na damit at sa ulo nito ay isang kulay pink na headband. Ngayon ay kilala na ito ni Shannon, lubusan na niyang naaalala at nakikilala ang sariling repleksyon.


"You're a victim Shannon but it's time to stop the torment." Walang kaemo-emosyong sambit ni Shannon sa sarili at lumapit sa pinto.


Huminga ng malalim si Shannon at nang tuluyan niyang buksan ang pinto sa kwartong kinaroroonan ay agad na tumambad sa kanya si Skylark na kanina pa naghihintay habang hawak ang isang pares ng posas.


"Shannon Elaine Galvez, inaaresto ka namin sa limang kaso ng pagpatay. Alam mo na ba ang mga karapatan mo o kailangan ko pa itong basahin sa'yo?" Tanong ni Skylark na deretso lamang ang tingin at animo'y labag sa kalooban ang nangyayari.


"I know my rights, you don't have to." Kalmadong sambit ni Shannon at itinaas ang dalawang mga kamay.


"Sorry Shannon." Mahinang sambit ni Skylark at walang magawa kundi posasan ang dalawang kamay ng dalaga.


*****


Huminga ng malalim si Shannon at dahan-dahang lumabas mula sa sasakyan ni Skylark. Nakaposas man ang mga kamay, walang kahit na anong emosyon ang mababakas sa dalagang animo'y namanhid na dahil sa dami ng pinagdaanan.


Suot ang nakasanayan niyang kulay pink na damit at palamuti sa buhok, habang nakaposas ang mga kamay, taas-noo siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kapitolyo habang tahimik na sumusunod sa kanya si Skylark at iba pang pulis na nagsi-silbing escort niya.


Pumasok siya sa napakalaking pinto ng kapitolyo at agad na bumungad sa kanya ang mga nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa flash ng mga camera ng reporter at miyembro ng press. Napakaraming tao sa loob ng kapitolyo, lahat ng mga atensyon nila'y nakatuon lamang sa dalaga. Lahat sila, sumisigaw ng mga katanungang si Shannon lamang ang makakasagot.


Labis na ikinagulat ni Shannon ang nadatnan. Hindi niya inasahan ang dami ng mga taong naghihintay sa kanyang opisyal na pahayag kaya naman nanatili siyang nakatayo at hindi makakilos.


Dahil sa dami ng mga tao ay napilitan ang mga pulis na ipasok muna si Shannon sa loob ng isang maliit na silid upang maayos ang lahat ng mga tao sa labas.


"Okay ka lang?" Agad na tanong ni Skylark kay Shannon na hindi parin makapaniwala sa nakita.


"They're going to rip me to shreds. They're going to ruin my family's name and my family's life. Reporters could take my words out of context, baka hindi nila ako paniwalaan. Baka walang maniwala sakin." Napalunok si Shannon at animo'y nahihirapan nang huminga dahil sa kaba.


"Lumabas muna kayo." Giit ni Skylark kaya walang ibang nagawa ang mga pulis kundi sundin ito.


Matapos uminom ng tubig ay tila ba nahimasmasan si Shannon ngunit sa kabila nito ay pinagpapawisan parin siya dahil sa labis na kaba.


"You have to calm down. Just tell the truth and it will all be over." Muling paalala ni Skylark.


"What if I mess up? Shit! My life will go down the drain!" Muli, nagsimulang manginig si Shannon dahil sa kaba.


"You won't! Shannon you won't. You can do this." Giit ni Skylark at tinanggal ang posas mula sa mga kamay ni Shannon. Kinuha ni Skylark ang isang cellphone mula sa bulsa at inilagay ito sa mga kamay ni Shannon.


"Cellphone ni Sage, mukhang marami diyang makakapag-pakalma sayo." Nakangiting sambit ni Skylark, "Yung pinag-usapan natin Shannon, 'wag mong kakalimutan." Dagdag pa nito bago tuluyang lumabas mula sa kwarto.


"You can do it." Mahinang sambit ni Shannon sa sarili at paulit-ulit na huminga ng malalim. Titingnan niya sana ang mga litrato sa loob ng cellphone nang bigla na lamang itong tumunog. Laking pagtataka ni Shannon nang makitang ang tumatawag sa cellphone ni Sage ay ang numero ng sarili niyang cellphone.


"Ang cellphone ko..." Mahinang sambit ni Shannon at nasapo na lamang kanyang noo. Naguguluhan man, wala siyang ibang magawa kundi sagutin ang tawag.


"H-hello?" Nauutal na sambit ni Shannon at kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Shannon dahil sa labis na kaba.


"Kamusta ka na anak?" Napasinghap si Shannon nang muling marinig ang boses ng babaeng labis na nagpahirap sa kanya.


"Shannon! Shannon ibaba mo na ang telepono! 'Wag kang makikinig sa kanya!"

"Bitch don't talk to her!"

"Shannon drop the call!"

"'Wag mo siyang pakikinggan!"

Higit na mas tumindi ang takot at kilabot na naramdaman ni Shannon na nang marinig ang boses ng mga kaibigan mula sa kabilang linya. Sa sobrang takot niya'y tila ba tinakasan siya ng lakas at paupo siyang bumagsak sa sahig habang nanginginig at luhaan.


"'W-wag..." Nanginginig at nauutal na sambit ni Shannon, "Utang na loob 'wag mo silang sasaktan!" Tuluyang napahagulgol si Shannon at naikuyom ang mga kamao.


"Ikaw ang may hawak ng kapalaran nila Shannon—"


"Shannon 'wag kang makikinig sa kanya!" Kasabay ng pagsigaw ni Sage ang biglang pag-alingawngaw ng isang napakalakas na putok ng baril.


"Sage!" Lalong napahagulgol si Maddy nang marinig ang sigawan ng mga kaibigan at lalo na ang palahaw ni Sage.


"Maddy gaya ng sinabi ko, nasa iyong mga kamay ang kapalaran nila. Balita ko, haharap ka ngayon sa press para magsalita tungkol sa kaso mo? Lagi mong tatandaan ang turo ko sayo ha? Protektahan mo si Mama at akuhin mo ang krimen kasi ikaw si Maddieson Paredes." Malambing na sambit ni Maddieson Paredes sa kabilang linya dahilan para mapatakip na lamang luhaang si Shannon sa kanyang bibig gamit ang nanginginig na mga kamay.


"Ang layo na ng inabot ko anak, hindi ko hahayaang masira ito dahil lang sa'yo." Dagdag pa nito kaya napalunok na lamang si Shannon at aligagang tumango-tango.


"I-I'll do it.. I'll do it... But let me talk to him first. Let me talk to Sage. Please let me talk to him." Pagmamakaawa ni Shannon na nahihirapan nang huminga dahil sa labis na pagtangis.


Rinig na rinig ni Shannon ang bawat sigawan ng mga kaibigan. Hindi man niya ito nakikita, alam niyang labis na ang nararamdaman nilang takot. Alam niya dahil siya mismo ay minsan na itong naranasan at labis na napahirapan.


"Sh-shannon..." Parang pinunit ang puso ni Shannon nang marinig ang nanginginig na boses ni Sage mula sa kabilang linya. Pinipilit man ni Sage na magpakatatag, nangingibabaw parin sa boses niya ang pagdurusa dulot ng labis na nararamdamang sakit.


"Sage, Sage sorry. Sorry kung nadamay kayo." Giit ni Shannon sa pagitan ng bawat paghikbi.


"Shannon 'wag, please 'wag mo siyang susundin, 'wag mong sisirain ang buhay mo." Pakiusap ni Sage pero agad umiling-iling si Shannon.


"And let you die?!" Muling umiling-iling si Shannon, "Th-that's enough, you guys tried and that's what matters. I love you guys. I'd rather rot in jail than live knowing you died because of me." Dagdag pa nito.


"Mabuti naman at marunong ka ring mag-isip."


Marahas na nasapo ni Shannon ang maikling buhok nang muling marinig ang boses ng babaeng nagpahirap sa kanya.


"You ruined my life, don't ruin theirs." Giit ni Shannon habang pilit pinapatahan ang sarili sa pamamagitan ng pagtingala at pagkuyom ng kamao.


"Depende 'yan sa performance mo Maddieson Paredes." Natatawang sambit ng babae mula sa kabilang linya.


"Shannon okay ka lang diyan?!" Bigla na lamang kumatok si Skylark dahilan para agad mapalingon si Shannon sa direksyon nito.


Muling ibinalik ni Shannon ang atensyon sa cellphone ngunit ibinaba na ito ng salarin. Sa labis na sama ng loob ay naibato na lamang ni Shannon ang cellphone dahilan para mawasak ito.


***


Namumula man ang mga mata sa kaiiyak habang nakaposas muli ang mga kamay, taas-noong naglakad si Maddieson patungo sa isang maliit na entablado kung saan nakaharap ang napakaraming reporter, pulis at pati narin ang pamilya ng iba pang mga biktima.


"Pinatay mo ba talaga sila?!"


"Anong masasabi mo sa mga kasong pinupukol nila sayo?!"


"Ginamit mo ba ang kapangyarihan ng tatay mo?!"


"Sino ang kumidnap sayo?!"


Hindi na maitago pa ni Shannon ang labis na kaba lalo pa't tila ba estranghero ang lahat ng mga mukhang nakikita niya. Pilit niyang nililibot ang paningin na tila ba may hinahanap. Sa kalagitnaan ng napakalakas na ingay at nakakasilaw na ilaw mula sa mga camera ay nagtama ang paningin ni Shannon at ang paningin ni Skylark na tahimik lamang na nakaupo sa dulo ng kwarto na animo'y nagbabanta.


"Just tell the truth." Nabasa ni Shannon ang galaw ng labi ni Skylark. Ngunit tanging iyak lamang ang naging sagot niya.


Makaraan ang ilang sandali ay tila ba natahimik ang buong kapitolyo ngunit sa kabila nito ay napakaraming mga mata at lent eng camera ang nakatutok kay Shannon na hindi parin mapakali at labis na balisa.


Tumango-tango si Skylark kaya naman unti-unting lumapit si Shannon sa kumpulan ng mga mikroponong nakalaan sa kanya. Dahil sa labis na takot ay napapikit na lamang si Shannon at hinayaan ang luhang umagos pababa ng mga mata niya.


"M-my name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm 18 years old, a college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night," Idinilat ni Shannon ang luhaang mga mata at nakita ang mga taong litong-lito at gulat na gulat sa sinasabi niya. Nangangatog man ang labi, pinilit niyang muling magsalita, "At bago ko pa makalimutan, isa nga pala akong serial killer."


Dahil sa sinabing ito ni Shannon ay biglang umingay ang paligid. Lalong tumindi ang ilaw na nagmumula sa mga camera at mas umaalingawngaw ang naglalakas na sigawan ng mga reporter at pati narin ang mga pamilya ng iba pang biktima.


Napakagat na lamang si Shannon sa kanyang labi habang pinapanood ang unti-unting pagkawasak ng buhay niya at ang pamilya ng mga nabiktima niya.


Umiiyak na nilibot ni Shannon ang kanyang paningin hanggang sa mapansin niyang tila ba kumakaway si Skylark sa kanya. Ibinaling niya ang pansin dito at nakita niyang tila ba may kausap si Skylark sa telepono. Unti-unting kumurba ang ngiti sa mukha ni Skylark at agad itong nag-thumbs up.


Napasinghap si Shannon at tuluyang napahagulgol sa senyas ni Skylark. Napahawak siya sa dibdib at umiyak ng umiyak, ngunit sa kabila nito ay agad na kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya. Tila ba nabunutan siya ng napakalaking tinik. Sa tindi ng emosyon ay tila ba nanlambot ang mga paa ni Shannon ngunit sa kabila nito ay pinilit niyang manatiling nakatayo sa harapan ng lahat.


"'Yan ang gusto niyang sabihin namin oras na mahuli kami ng mga pulis dahil sa krimeng siya rin naman ang gumawa!" Dagdag pa ni Shannon dahilan para muling matahimik ang lahat.


Muling ibinalik ni Shannon ang paningin kay Skylark. At bumalik sa isipan niya ang napag-usapan nila habang nasa loob ng sasakyan, matapos siya nito muntikang masagasaan.


"Anong planado?!" Gulat na sambit ni Shannon.

"Hindi nila sinabi dahil alam nilang hindi ka papayag. Ang mga kaibigan mo ang mismong nag-plano nito. Alam nilang ikaw ang gustong patayin ni Maddieson Paredes dahil ikaw ang natitirang biktima at testigong makakapagpakulong sa kanya kaya naman nakaisip sila ng paraan upang hulihin siya. Sinadya ni Candy na magpahuli pulis, para protektahan ka at para maging bitag para kay Maddieson Paredes. Alam ni Candy at ng mga pulis na kasama niya na sinusundan sila ni Maddieson. Umarte lamang sila at sumabay sa pangyayari. Nagpatay-patayan ang mga pulis, Umarte si Candy na takot na takot, sinabi niya kay Maddieson Paredes na ang tanging paraan para mahanap ka ay sa pamagitan ng tracking device na nasa cellphone mo. Dahil dito ay nasundan niya kayo at nakuha niya sina Toshino at Aiden na umaarte din. Sikretong kinuha ni Sage ang cellphone mo at ibinigay niya sayo ang cellphone niya. Sinadya niyang ipagpalit ang mga cellphone ninyo dahil kasama ito sa plano nila, na magpapahuli silang lima kay Maddieson Paredes." Paliwanag ni Skylark na labis pang ikinagulat ni Shannon.

"Wait what?! W-why would they do that?! Nababaliw na ba sila?!" Hindi mapigilan ni Shannon na mapasigaw dahil sa labis na takot at pag-aalala.

"Magkakaroon ng press conference ilang oras mula ngayon, tatanungin ka sa harap ng maraming tao; sa harapan ng mga pulis, press at pamilya ng iba pang mga biktimang nangangailangan ng kasagutan—ng katotohanang ikaw lamang ang makakapagpigay." Paliwanag ni Skylark dahilan para lalong tumindi ang takot ni Shannon na panay lamang sa pag-iling.

"No! I won't do that! If I do that she'll kill them! Hindi niyo ba naisip 'yon?!" Protesta ni Shannon habang pinaghahampas si Skylark dahilan para agad nitong bagalan ang pagmamaneho habang hinaharang ang bawat paghampas ng dalaga sa kanya gamit ang mga kamay.

"Kaya nga!" Katwiran ni Skylark dahilan para lalong magwala si Shannon.

"Sandali! Sandali! Kalma! Kalma!" Giit ni Skylark kaya natigil si Shannon sa paghampas sa kanya't muling napaiyak.

"Makinig ka, alam naming lahat pati na ng mga kaibigan mo na gagawin ni Maddieson ang lahat para mapatay ka at 'wag matuloy ang press conference kaya naman napagdesisyunan nilang magpahuli at mabihag ng babaeng 'yon para ma-protektahan ka. Kung hindi kami nagkakamali, gagamitin ni Maddieson ang mga kaibigan mo para 'wag kang magsalita at aminin mo ang krimeng hindi mo naman ginawa." Giit ni Skylark.

"What if she kills them?! Wala kayong alam sa kademonyohang kayang gawin ng putang siraulong 'yon!" Pagwawala ni Shannon na bahagyang ikinagulat ni Skylark.

Naiintindihan ni Skylark ang nararamdaman nito kaya napabuntong-hininga na lamang siya, "Shannon, planado na namin ang lahat mula sa pagkulay ng mga buhok ninyo ni Candy. Sa mga oras na'to, siguradong hindi nalalayo ang mga pulis mula sa kinaroroonan nila Sage. At isa pa ang mga posas na nakuha ni Maddieson mula sa mga pulis na humuli kay Candy ay hindi matatag at mabilis lang masira. Kontrolado na namin ang lahat, ang aksidenteng nangyari kay Candy ang hindi pero wala kang dapat ipag-alala kasi bukol at sugat lang ang tinamo niya." Katwiran pa nito.

"Kung kontrolado niyo na ang lahat, ba't hindi niyo nalang siya inaresto agad?! Hindi niyo alam ang kayang gawin ng babaeng 'yon! Kahit alam niyo na ang nangyayari, paano kung may mangyari paring masama?!" Muling giit ni Shannon.

"Shannon ikaw ang nag-iisang testigo laban kay Maddieson Paredes. Sa loob ng napakaraming taon, ni wala ngang ibang kakilala ang babaeng 'yon. Walang nakakakilala sa kanya at mas lalong wala ring nakakaalam sa mga krimen na pinaggagagwa niya. She's technically a ghost since she's already dead according to official documents after faking her own death. Marami kayong na-frame up niya, sa mga mata ng batas, kayo ang mamamatay-tao at hindi siya. Magiging napakahirap ng imbestigasyon lalo pa't ikaw lang ang nag-iisang testigo. Dahil anak ka ng mayor, mas lalo kang gigisahin ng mga hahawak sa kaso mo. Dahil sa psychiatric evaluation mo, mahihirapan kang kumbinsihin ang lahat sa mga maari mong sabihin. Alam 'to ng mga kaibigan mo kaya naman gusto rin nilang maging testigo laban kay Maddieson Paredes." Paliwanag pa ni Skylark.

"Th-they want to become victims too... Oh my God, why would they do that?" Napatakip na lamang si Shannon sa kanyang bibig para mapigilan ang sariling humagulgol.

"Shannon, you wanted to kill yourself before you were abducted. Oo labis na nasasaktan at nahihirapan ang mga taong nagpapakamatay. Pero mas lalong mahirap ang lahat para sa pamilya at kaibigan niyang maiiwan. Yung video diary mo? Napanood nilang lahat 'yon. At alam mo ba ano ang ginawa nila pagkatapos 'nun? Kinalampag nila ang lahat ng mga estasyon ng mga pulis, naghahanap ng maaring makatulong sa kanila. Kung sino-sino ang hiningan nila ng tulong para lang mahanap ka. Kung saan-saan sila nagpunta para lang mamigay ng mga missing posters mo. Ginawa nila ang lahat para lang mahanap ka. Sinisi nila ang mga sarili nila dahil sa nangyari sayo kaya hayaan mo silang tulungan ka." Dagdag pa ni Skylark.

"But they could die..." Katwiran ng luhaang si Shannon.

"Sa pagkakataong 'to isipin mo muna ang sarili mo. Isipin mo ang lahat ng mga babaeng napatay ni Maddieson Paredes. Isipin mo ang pamilya nilang nangungulila at nagluluksa. Sabihin mo lang ang totoo Shannon, 'yan ang dapat mong gawin." Muling sambit ni Skylark ngunit hindi na sumagot pa si Shannon.

"Just tell the truth." Pagdidiin pa ni Skylark at muling pinaandar ang sasakyan. Unti-unti siyang napalingon sa direksyon ni Shannon, "Naiintindihan mo na ba ang lahat?" Dagdag pa nito.

"Pagkatapos ba nito, magiging okay na ba ang lahat?" Tanong ni Shannon habang pilit na tinatatagan ang sarili.



"Kaya mo 'yan Shannon! Sabihin mo lang ang totoo!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Skylark dahilan para muling bumalik si Shannon sa reyalidad.


Huminga ng malalim si Shannon at taas-noong hinarap ang lahat ng mga tao at lent ng mga kamerang sa kanya lamang nakatuon ang atensyon.


"My name is Shannon Elaine Galvez. 20 years old. A few months ago, I wanted to die. I was hurt, I was hurt by the ones I loved and trusted the most. I thought Growing up means growing apart. I hated my Dad, thinking he forgot about my Mom. My Sister and I started to grow apart. My Friends and I grew apart. I was in a lot of pain and the only solution I thought was suicide. Pero sa kabila ng lahat, pinilit kong maging matatag. I remembered a suicide hotline called The Croaker. I had no one else to talk to kaya sinubukan ko siyang kausapin. And through her I thought I found a friend, a mother figure. She told me that she was a mother, she even gave me inspirational words. I called her Mama Croaker, she was the only person that I could talk to when my world started to fall apart. Akala ko sirang-sira na ang buhay ko. Akala ko ako na ang may pinaka-masaklap na buhay. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pinagdadaanan ko. Pero nang gabing napagdesisyunan kong makipagkita kay Mama Croaker, napagtanto kong maling-mali ako. There are worst things in life than being heartbroken, failures and disappointments and that's meeting a psychotic bitch named Maddieson Paredes who I called Mama Croaker." Paliwanag ni Shannon. Natigil siya sa pagsasalita nang may isang reporter na nagtaas ng kamay.


"At yan ang araw na nakidnap ka? Kaya ka nawala ng halos isang taon?" Tanong ng reporter kaya muling huminga ng malalim ang dalaga at tumango.


"I woke up in a big room covered with mirrors. My head was bleeding and I couldn't move. My arms were chained through metal on the wall. I was scared," Hindi na napigilan pa ni Shannon na muling maluha nang bumalik sa isipan ang masamang pinagdaanan, "Pero mas lalo akong natakot nang malaman kong hindi ako nag-iisa. May iba pang mga babae sa kinaroroonan ko. Gaya ko, nakatali rin sila. Umiiyak at labis ang takot. Napakarami nilang sugat at peklat sa buong katawan. Marumi, gula-gulanit ang suot at may mantsa ng mga dugo. Pinahirapan sila. Pinahirapan kami."


"Hija, may mga litrato sa mesa. Itaas mo ang litrato ng mga babaeng nakita mo doon." Ma-otoridad na sambit ng isa sa mga pulis kaya agad na kinilatis ni Shannon ang mga litrato na nasa harapan. Labis mang nanlulumo nang makita ulit ang mga mukha nito, pinili niya paring itaas ang mga litrato nito para sa huntisyang nararapat sa kanila.


"These girls, I saw them there. I talked to them, we even shared stories about our families, what made us happy. We tried to keep each other sane on the worst days of our lives." Sa isang iglap ay nagsimulang pumalahaw ang ilan sa pamilya ng mga babaeng nasa litrato. Ang karamihan sa kanila, dala-dala ang mga banner na humihingi ng hustisya para sa mga anak nila.


"Maddieson Paredes did unspeakable, horrible things to us. She mercilessly beat me, hurt me, tortured me. She even gave me this nasty scar as if she was branding me." Bahagyang itinaas ni Shannon ang suot na t-shirt upang ipakita ang peklat na gawa ng pasong tinamo, "Makaraan ang ilang buwan, ihiniwalay niya ako sa ibang mga babae. Ikinulong niya ako ng mag-isa sa isang kwarto. Makailang ulit kong sinubukang tumakas pero parati akong bigo at sa mga pagkakataong ito ay mas lalo niya lang akong pinapahirapan at pinaparusahan. While I was in that damned house, I saw her kill someone right in front of me. I saw her burn a girl alive. I saw her do unspeakable things not just to me but to the other captives as well. At higit sa lahat, pinilit niya kaming akuin ang lahat ng mga krimen niya para protektahan siya. Simula nang dukutin niya kami, ni minsan hindi niya kami hinayaang lumabas ng bahay kaya wala kaming kakayahan at pagkakataong gumawa ng kahit na anong krimen." Giit ni Shannon at ibinaba ang mga litrato.


"At bakit naman niya gagawin ang lahat ng 'yon?" Tanong ng isa sa mga reporter.


"Noong panahong sinubukan kong tumakas, nagawa kong makadungaw sa isang bintana at nakita ko ang isang van na nakahinto sa labas ng bahay. Nakita ko ang isang duguan na lalakeng lumabas mula sa sasakyan at nag-abot ng isang suitcase kay Maddieson Paredes." Paliwanag ni Shannon ngunit biglang nagtaas ng kamay ang isa sa mga reporter.


"At anong laman ng suitcase?" Tanong nito.


"Sa sobrang hirap ng pinagdaanan namin, kinapitan namin ang bawat isa. Naging magkakaibigan kami ng iba pang mga biktima. Nang ibalik ako ni Maddieson Paredes sa kwartong pinagkulungan niya sa akin, nagawa kong makapagtanong sa isa sa mga nakidnap," Itinaas ni Shannon ang litrato ng isa sa mga dalagang biktima rin gaya niya, "She told me what Maddieson Paredes is—A businesswoman and that suitcase contained money."


"Businesswoman? Akala ko ba mamamatay-tao siya?" Biglang tanong ng isa sa mga pulis kaya naman agad siyang sinamaan ng tingin ni Skylark.


"Isang siyang hired killer, binabayaran para pumatay at kami ang ginagamit niya para pagtakpan ang mga krimen niya. Maddieson Paredes is a bitch who preys on troubled girls! She took advantage of us on the weakest moments of our lives and used it to gain our trust! She kept us in a room full of mirrors para makita namin kung paano niya sinisira ang mga pagkatao namin. Ginagamit niya ang mga kahinaan namin para kontrolin ang isipan namin at papaniwalain kami sa mga kasinungalingan niya! Pinapahirapan niya kami hanggang sa wala kaming magawa kundi sabihin ang gusto niyang sabihin, gawin ang gusto niyang mangyari at mabago ang alaala't pagkatao namin. Maddieson Paredes brainwashed us but we were innocent the entire time!" Itinuro ni Shannon ang sarili, "I am not Maddieson Paredes! I am Shannon Galvez! The skeletons in my closet aren't mine at all! They belong to the real Maddieson Paredes! A hired killer who kills because of money, A psychotic bitch who preys on weak girls just so she could use them to evade the law! Maddieson planted false memories in our heads and made us forget the person who we used to be and I was just lucky to survive !"


Biglang nagtaas ng kamay si Skylark Montoya at saka tumayo, "Maari mo bang ituro sa amin ang Maddieson Paredes na sinasabi mo?"


Sa isang iglap ay bigla na lamang bumukas ang napakalaking pinto ng kapitolyo at napalingon silang lahat sa direksyon nito.


Mistulang huminto ang mundo ni Shannon nang makita ang unti-unting pumasok ang babaeng may kagagawan sa lahat ng paghihirap niya.


Si Maddieson Paredes, duguan, namamaga ang mukha at hindi na halos maibuka ang kaliwang mata, gulong-gulo ang mahabang buhok, namimilipit sa sakit at hindi halos makapaglakad kaya naman kinakaladkad na lamang siya ng dalawang pulis na marahas na hinahawakan ang magkabilang balikat niya. Nakaposas ang mga kamay nitong sugatan at napapalibutan ng maraming pulis.


"Siya si Maddieson Paredes! Siya ang may kagagawan ng lahat!" Agad na bulalas ni Shannon sabay turo rito. Nagtama ang paningin ng nanggagalaiting si Maddieson at ng luhaang si Shannon. Ngunit sa unang pagkakataon ay wala nang nararamdamang takot si Shannon para rito.


"My name is Shannon Elaine Galvez. I'm a 20 year-old college student. I go to school by day and I work at a convenience store every night. I have great friends and the best family I could ever have. I may not have the perfect life but I'm happy and contented with who I am and the people around me. At bago ko pa makalimutan, nakaligtas ako mula sa isang serial killer." Taas-noong sambit ni Shannon at napangisi nang muling magtama ang mga tingin nila ni Maddieson Paredes.


"Hayop ka!" Sa isang iglap ay biglang umalingawngaw ang sigaw ng isang babaeng luhaan at agad na sinugod si Maddieson Paredes. Ina pala ito ng isa mga babaeng dinukot niya. Sa isang iglap ay agad na sinugod si Maddieson ng iba pang mga pamilyang nagpupuyos sa galit.


Sa sobrang galit ng mga ito ay hindi narin nagawa ng mga pulis na protektahan pa ito. Kitang-kita ni Shannon ang bawat sampal, suntok, tadyak, mura at kung ano-ano pang ganti na natatangap ni Maddieson mula sa pamilya ng kanyang mga biktima. Kitang-kita niya ang pag-iyak nito at paghingi ng saklolo mula sa mga pulis.


Gustuhin man ni Shannon na panoorin ang paghihirap ng taong labis na kinamumuhian, bigla niyang naalala ang mga kaibigan kaya naman agad siyang nagtatakbo pababa ng entablado at palabas ng kapitolyo.




"Shannon!"


Lalong napaiyak si Shannon ngunit sa pagkakataong ito, dahil na sa tuwa. Sobra-sobra ang tuwang nararamdaman niya lalo pa't nakikita niya na ngayon ang kanyang mga kaibigan na naghihintay sa kanya habang nakatambay sa isang kulay itim na pick-up truck. May benda man sa ulo si Candy at nakasaklay man si Sage, Duguan man si Toshino at May black-eye man si Aiden, hindi parin maalis ang tuwa ni Shannon lalo pa't nakikita niyang nagagawa paring magtawanan at magkantyawan ng mga kaibigan.


"Shannon Punyeta my nega-star loves! May space pa dito!" Sigaw ni Candy na may bahid parin ng dugo ang damit mula sa aksidenteng kinasangkutan.


"Sakay na Pink Panther kung gusto mong makita ang abs ko!" Pangangantayaw naman ni Toshino habang hinahampas ang unahang bahagi ng sasakyan.


"Hoy baka mapagalitan ka ng tatay mo! May curfew ka pa!" Biro naman ni Aiden.


"Pwede ring sa bahay ko muna!" Biro naman ni Sage sabay taas-baba ng kanyang kilay.


"Mga bwisit talaga kayo! Kaya mahal ko kayo eh!" Natatawang sambit ni Shannon habang pinupunasan ang luha't agad na nagtatakbo patungo sa direksyon ng mga kaibigan.


Dali-daling inalalayan si Shannon ng mga kaibigan upang makaakyat sa sasakyan. At nang magkakasama na sila ay agad silang nagyakapan at nagtawanan na gaya ng dati.



"Pero seryoso, punta muna tayo ng ospital. Dumudugo pa sugat ko, lecheng Maddieson sinapak pa ako." Sabi pa ni Toshino habang hawak ang sugatang mukha.


"Nabaril ako sa paa Toshino, mas malala 'to." Nakangiwing sambit ni Sage.


Agad na binatukan ni Candy ang dalawang binata, "Gago kayo, ano nalang kaya ako? Na-torture pa sa lecheng Hotel California at nabangga pa ang sasakyan!"


Itinaas ni Aiden ang kamay at napabungisngis, "Basta ako, may black-eye man, cute parin," Napalingon si Aiden kay Shannon, "Ikaw bayaw, musta?" Biro nito.


"Uhm, I was brainwashed... so yeah." Sarkastiko at kalmadong sambit ni Shannon habang tumatango-tango.


"Tara sa ospital!" Sabay-sabay nilang sigaw sabay suntok sa ere at agad na nagtawanan.



Napabuntong-hininga si Skylark habang pinagmamasdan ang magkakaibigan mula sa malayo. Nang makitang maayos na ang sitwasyon ng mga ito ay tumalikod siya at muling naglakad pabalik sa loob ng kapitolyo kung saan naroroon at kinukuyog parin si Maddieson Paredes ng pamilya ng mga nabiktima niya.


"Case Closed." Mahinang sambit ni Skylark habang nakangisi.



END OF CHAPTER 29!

THANKS SO MUCH FOR READING!

VOTE AND COMMENT <333


Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
667K 17.9K 10
Compilation || Short/one-shot stories about love and life.
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 110K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."