Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 48

699K 15.3K 8K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 48 

Hindi ako nailang kay Tobi kahit na sinabi niya na posibleng magkagusto siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong reaksyon... Siguro kasi hindi ko naman siya gusto. And frankly, I can't see myself liking him.

Para bang hanggang friends lang kami.

May mga lalaki kasi na nagugustuhan, mayroon ding alam mo na hanggang kaibigan lang. Kagaya ni Parker... unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na na hindi kami pwedeng maging magkaibigan. But he wasn't talking to anyone so I lost hope. Kaya naman nung kinausap niya ako, I felt that was the start of something.

Pero pagdating kay Shiloah, hindi ko talaga alam. It's always weird when it's with him. We can't be platonic. We've tried and it sucks.

"Umayos ka nga," I told him.

"Bakit? Masamang magkagusto sa 'yo?" he asked.

"Bakit sa akin? Ang daming babae dyan."

He crossed his legs and put his hands under his chin.

"Bakit hindi ikaw?"

I arched my brow. "Because."

"Because what?"

"I'm complicated."

"I can do complicated."

Halos mapasabunot ako sa buhok ko. Bakit ba ako ang pinagtitripan nito? Wala na namang magawa sa buhay!

"Tigilan mo nga ako. Maghanap ka ng ibang guguluhin," I told him off. Masakit na nga iyong ulo ko kay Shiloah, ito naman si Tobi at balak pasakitin din ang ulo ko. I really can't take a break with these guys. Palaging may gulo.

He looked amused.

"Ano?" I asked, partly irritated dahil tinititigan niya talaga ako. Ang uncomfortable kasi na may nakatitig sa 'yo. Ayoko naman makipagtitigan sa kanya dahil baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. Mukhang feelingero pa naman si Tobi.

"I can now see it."

"Alin?"

He crossed his arms.

"Why all of the guys like you," he said while still looking at me. That's it. Naiilang na talaga ako. Tumayo ako at saka kinuha iyong gamit ko.

"Ewan ko sa 'yo," I said and left him there.

Naglakad ako ng mabilis dahil baka maabutan ako nung bwisit na 'yun. Wala na siyang ibang ginawa sa buhay kung hindi sungitan o bwisitin ako. Mas okay pa sa akin na hindi niya ako pinapansin o kaya binabara niya lahat ng sinasabi ko kaysa ito na parang nilalandi niya ako.

God, it was so awkward! Parang gusto ko siyang saksakin nung chopstick sa harap ko.

"Hey!" sabi niya. Nasa likod ko siya at naglalakad palapit sa akin.

"Tigil-tigilan mo ako, ha. Naiinis na ako."

Bigla naman siyang tumawa ng malakas. Kahit iyong mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa amin dahil sa lakas ng tawa ng kasama ko. He was clutching his stomach. Kulang na lang e magpagulong-gulong siya sa kalsada. Ano ba ang nakakatawa?!

"Hahampasin na kita!" I warned him. Ako ba ang pinagtatawanan niya?! "Ano bang nakakatawa?!"

I almost stomped on the ground like a kid because of him. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakainis!

After a few seconds, he finally recovered from his fits of laughter. Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Ni hindi ko pa nga siya nakikita na ngumiti, e! Nakakainsulto ang tawa niya.

"You," he said. He was wiping tears from his eyes. Tawang-tawa kasi 'tong singkit na 'to.

"Nakakatawa ako?!"

He nodded. Hindi na siya sumagot pero sinabayan niya akong maglakad. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bar na kinakantahan ni Shiloah.

"I always see you in bars yet I haven't seen you drunk," sabi niya nung papasok na kami. Hinahanap ng mata ko si Shiloah kaya hindi ko muna pinansin si Tobi. Palinga-linga iyong mata ko.

Please naman. Sana nandito ka.

Mabuti na lang at hindi na ako kinulit ni Tobi. He sat in on of the stools by the bar while I roamed around. Mabuti na lang at nakita ko si Celine.

"Celine!" I called her name. Agad naman siyang lumapit sa akin nung mamukaan niya ako. "Si Shiloah?" I asked without preamble.

"Naku, hindi na siya kakanta rito..."

My heart sank with what I have just heard. Nasaan ba talaga siya? It's like he completely vanished! One day he's all over me, the next day, ni anino niya hindi ko makita.

"Ganun ba..."

She nodded. "Hindi mo ba alam kung nasaan siya?"

I shook my head.

"Try mo kaya sa girlfriend niya?" she suggested which made this day worse than it already was. I just simply thanked her. Malapit na akong mawalan ng pag-asa na makita pa si Shiloah.

Paano mo nga naman kasi makikita iyong tao na pilit kang tinataguan?

"Find what you're looking for?"

I shook my head. And then I felt his hand on my head.

"Stop chasing after someone who's running. Nakakapagod lang," he said.

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit na alam ko naman na wala akong gagawin. Sabi kasi sa A&D Recording Company, tatawagan na lang daw ako kapag ibbrief na ako sa gagawin ko. Wala pa naman akong natatanggap na tawag. At wala rin akong gagawin.

I stalked Shiloah online. Ang pathetic pero wala na akong magawa. I just wanted anything... Kahit nga profile ni Candy tinignan ko na, e.

Malala na talaga ako.

The next few days were but a blur. Pinupuntahan lang ako ni Quin sa condo para makipag-usap. He's so nice. Ang dami pa rin palang mabait sa mundo na kagaya nila ni Shiloah.

Naalala ko na naman.

"Pwedeng magtanong? Medyo personal. Okay lang kung hindi mo sagutin," he asked one time. Nagluluto ako ng lunch naming dalawa since nandito na lang din naman siya. Mas okay na rin ito kaysa kung ano ang gawin ko. Palagi niya kasi akong dinadalhan ng pagkain so I thought of returning the favor by cooking for him.

"Okay lang," I replied.

"Wala ka bang family? I mean, nung nasunugan ka kasi, ni wala ka man lang tinawagan para sabihin iyong nangyari."

Napahinto ako sa paghihiwa.

"Wag mo na palang sagutin," he said. "Sorry, ang insensitive ko."

I paused for a few seconds but then resumed chopping. It wasn't a secret na anak ako sa labas. I just don't talk about it. Hindi naman kasi idedefine nung katotohanan na iyon ang pagkatao ko. "Patay na 'yung nanay ko," I began.

"I'm sorry."

"Okay lang. Halos 4 years na rin yata," I said. "Iyong Papa ko naman, British. Nasa UK siya."

Napatango si Quin. "Kaya pala blue 'yung mata mo!" Muntik na akong matawa sa kanya dahil akala mo ground breaking discovery iyong nagawa niya.

"Harrison ang last name ko. Ngayon mo lang napansin?" I asked him while shaking my head.

Umiling siya.

"Hindi, e. Kapag kasi magtatanong ako tungkol sa 'yo kay Parker, hindi sasagot 'yun kasi akala niya aagawin kita sa kanya. Sobrang possessive sa 'yo nun, hindi mo ramdam dati?"

"Ramdam," I replied. And then I chose to be silent after that. Hindi pa rin ako totally kumportable na pag-usapan si Parker gamit ang past tense. Mas gusto ko na present tense pa rin. Iyon bang buhay pa siya... pero alam ko na hindi na siya babalik. Hindi naman ako nagdedelusyon na buhay pa siya.

It was just nice to think that he's still around... watching me.

Kumain na kami ni Quin pagkatapos at saka nanood ng movie.

"Sama ka na lang samin," he urged. Nung isang araw pa niya sinasabi na sumama ako sa kanila ng family niya na magPasko sa farm nila sa Batangas. Farm daw 'yun ng lolo niya... or something. Ewan ko. Naguguluhan din ako sa pamilya nila Quin. Masyadong kumplikado. "Mabait naman parents ko."

"Hindi naman ako kamag-anak niyo. Isa pa, okay lang. Sanay naman akong mag-isa."

"It's not okay to be okay being alone."

"Hindi naman lahat ng tao masaya kagaya mo."

He looked at me. Ilang segundo rin iyon. Nag-iwas na ako ng tingin dahil bigla akong nailang sa kanya.

"You should be happy. Mas maganda ka kapag naka-ngiti."

I forced a smile. "Ayan, okay na?"

He laughed at me at saka kinurot iyong pisngi ko. "Ang cute mo talaga. Kaya hindi ako nagtataka na halos lahat nagkakagusto sa 'yo, e," he said. Tinampal ko iyong kamay niya sa pisngi ko kasi ang sakit na.

Later, he bugged me for a few more minutes but my resolve was still. Masyado na akong natulungan nila Quin. Mabuti na lang at binitawan niya na iyong ideya na iyon. Hinatid ko na lang siya sa labas ng condo.

"Text mo ako bukas kapag nagbago 'yung isip mo."

I gently pushed him. "Good night na."

He patted my head again-na palagi niyang ginagawa kapag aalis na siya. "Good night din," he said with a smile and then went on his way. Pumasok na ako sa loob at saka ipinikit ang mata ko.

Pasko na bukas...

Gising ako hanggang mag-alas dose. Pasko na. Pero parang wala naman. Wala naman talagang sense ang holiday season kapag wala kang kasama. Parang mas mararamdaman mo lang na mag-isa ka dahil lahat ng tao sa paligid mo, masaya.

I reached for my phone and quickly composed a message. Simple lang. Bumati lang ako ng maligayang Pasko.

It was useless to text someone who's dead pero hindi ko alam. Gusto ko pa ring batiin si Parker.

To: Parker

Merry Christmas.

I was about to close my phone when his face flashed inside my head again. Nitong mga nakaraang araw, palagi ko talaga siyang naiisip. Kung kailan naman gusto ko siyang makita, at saka ayaw niyang magpakita.

Ayoko na sana siyang itext. Ilang beses na akong nagtext at tumawag. Halos wala na akong pride pagdating sa kanya. Ilang beses na akong nagsorry kahit hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko. Nagsorry ako para sa pagkakaibigan namin ni Tobi kahit wala namang mali doon.

All because I wanted to see him... pero wala pa rin, e.

To: Shiloah

Merry Christmas...

Kapag hindi pa rin siya nagreply, ayoko na. I can't chase after someone who's running from me. Parang tanga lang. Nakakapagod lang.

I closed my eyes and waited for my thoughts to drift from my mind and lull me to sleep... The next morning, agad kong tinignan iyong cellphone ko. I was expecting his reply.

Kahit empty message, okay lang.

Pero wala.

Nagpasalamat ako kina Mari at sa iba ko pang kaibigan na nakaalala na batiin ako. Buti pa sila, naaalala ako. E iyong tao na nagsabi na mahal nila ako, ni hindi man lang nag-abala na magtext sa akin. Kahit blangkong text, okay na, e.

Huminga muna ako ng malalim. Baka ito na 'yung sign na hindi talaga.

Hindi pa ako handa nung hinahabol niya ako... at ngayon na narealize ko na pwede na... at saka naman siya nawala.

Nagluto lang ako ng kakainin ko. Ito na 'yung Pasko ko. Manonood na lang ako ng movie. Sana talaga magsimula na iyong practicum. Nakakabaliw din talaga iyong wala kang ginagawa. Para kang gumigising para sa wala tapos hihintayin mo na lang matapos iyong araw.

Nasa kalagitnaan ako ng pagnood ng pelikula nung may magbuzz. I lazily stood up. Sino naman kaya 'to? Imposibleng si Quin dahil nasa Batangas iyon ngayon. Wala namang nakakaalam na dito ako nakatira ngayon... Kapag talaga si Tobi 'to, hindi ko na alam. Sinusundan niya talaga ako!

I looked at the monitor pero wala namang tao sa labas. Binuksan ko iyong pinto at may nakita ako na box sa ibaba. Pinulot ko iyon at binuksan iyong card na nakalagay.

Merry Christmas, too, Imo. I miss you.

Dala-dala ko iyong box nung agad akong tumakbo papunta sa elevator. Ni wala akong suot sa paa ko. My hair was a mess. I was a mess. Basta ang nasa isip ko, kailangan kong maabutan iyong nagdala nito.

Siya iyon. Sigurado ako.

"Shiloah!" I shouted... but there was no one.

Continue Reading

You'll Also Like

40.1K 1.9K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...