Hunter's Temptation

By vampiremims

27.7M 532K 75.8K

Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would ne... More

Hunter's Temptation
-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (REPOSTED)
HT BOOK FOR SALE

Chapter 22

435K 10.8K 2.6K
By vampiremims

Grabe kayo sa akin. Haha. HINDI AKO BUNTIS! Craving lang, loves. Hihi. Pero may nabasa akong magdadala ng Toasted Siopao sa akin. Wag mo 'ko paasahin! HAHAHAH! ^_^

--

Kanina pa nakatayo si Hunter sa labas ng Sweet Desire habang nasa loob pa rin si Zyline kasama ang ibang mga babae.

Pinalabas sila nila Stephanie nang biglang nagpunta si Zyline sa banyo nang maduwal ito bigla. She told them they need some time alone. Yung puro babae lang.

"Ano bang kinain ni Zyline?" tanong ni Cupid kay Blue na kanina pa nagpupumilit pumasok sa loob pero sinigawan ni Cristine kaya naman walang nagawa kundi tumabi nalang sa mga kaibigan nito.

Hindi maiwasan ni Hunter titigan ng masama si Cupid. Bakit concern ito kay Zyline? May asawa na si Cupid, diba? May feelings pa ba ito sa dalaga?

Napakuyom ang kamao ni Hunter.

"Ang bobo mong gago ka," sabi ni PJ kay Cupid. Umupo si PJ sa tabi ni Blue bago lumingon kay Hunter na nakasandal lang sa pader.

"Anong plano?" tanong ni PJ kay Blue.

Umiling si Blue sa kaibigan. Seryoso ang mukha nito habang tila may malalim na iniisip.

Nakaupo naman si Thunder sa kaibayong upuan at nakatingin kay Hunter.

Zy might be pregnant.

At obviously, ang kapatid niya ang tatay.

Hindi mapigilan ni Thunder mapamura. Kilala niya si Hunter. Hindi papayag si Hunter sa bagay na maiisipan nilang gawin nito. He'd say he could decide on his own, hindi sila kailangan nito. He was always like that. Ayaw nitong tumanggap ng tulong o kahit ng payo mula sa kung sino man sakanila.

"May boyfriend ba si Zyline?" tanong ni PJ kay Blue. They were clueless. Or maybe, masyado lang itong focused sa mga asawa nito kaya wala ito at si Cupid na idea sa nangyayari. Sila lang naman ni Thunder ang nakakaalam ng nangyayari. Kapatid nila ang involved, hindi na nila dinamay ang dalawang gago.

"Akala ko yung gay best friend niya ang lagi niyang kasama?" tanong naman ni Cupid kay Blue.

Napailing nalang si Hunter habang nakikinig sa usapan ng magkakaibigan sa harap niya.

Blue shrugged. Napalingon siya kay Hunter na nakatingin lang din sakanya.

He badly wanted to hit Hunter. Pero si Zyline ang nakiusap sakanyang pabayaan nalang ito. Thunder talked to him, as well. Sabi nito'y ito na ang kakausap sa kapatid kaya naman pinabayaan niya nalang ito.

Pero ibang usapan na kasi kung naaargabyado na talaga ang kapatid niya.

"Parang kailan lang pinag-uusapan ang madadagdag sa mga bata, ngayon parang may nadagdag na nga," sabi ni PJ bago sumandal sa upuan. "At mukhang alam ko na ang nangyayari," ngumisi ito bago tinapik ang balikat ni Blue. "Tanggap mo na ba?" tanong pa nito sa kaibigan.

"Tigilan mo nga muna ako," sagot ni Blue. Huminga ito ng malalim bago tumingin kay Thunder na seryoso pa din ang mukha.

"Tangina niyo, wala naman akong maintindihan," sabi ni Cupid na ipinatong nalang ang ulo sa lamesa at pumikit.

Naglakad nalang palayo si Hunter at umupo sa pinaka-malayong upuan na naroon. For him, being with them sucks. Hindi naman kasi niya kaibigan ang mga ito. Hindi niya naiintindihan ang mga gusto ng mga ito.

Huminga siya ng malalim.

He wanted to hit something. Ang gago niya talaga.

He was making sure he's always protected. But Zyline's messing up witn his head most of the time.

Nawawala sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon.

Everything's a mess right now.

And he doesn't like it this way.

He never wanted things to be like this.

Gustong pagsisihan ni Hunter na nakipaglapit siya kay Zyline. Gusto niyang pagsisihang pinagbigyan niya ang sarili niya.

He was fine being a player. Okay naman siya noon. Kaya nga ayaw niyang makipagcommit sa babae. Kasi alam niyang problema lahat ng ibibigay ng babae.

Now, this?

She might be pregnant.

He was such an ass.

Napalingon silang lahat ng lumabas si Rain kasama si Cyan. Agad na tumayo si Thunder at lumapit kay Rain.

"What happened?" he asked his wife.

Lumingon si Rain kay Hunter.

"I think we should talk about this privately," sabi ni Rain.

Hindi naman napigilan ni Blue magmura.

"Positive?" PJ asked Cyan.

Tumayo namam si Hunter at naglakad papunta sa kanila.

"Yeah," sabi ni Cyan.

"Where is--"

"Blue!" biglang napatili si Cyan nang umigkas ang kamao ni Blue sa pisngi ni Hunter. Agad namang hinawakan ni PJ si Blue.

"Fuck you, asshole!" sigaw ni Blue kay Hunter.

Agad namang dinaluhan ni Thunder si Hunter at hinarangan si Blue nang tangkang susuntukin muli ng kaibigan ang kapatid.

"Tangina, bitawan mo nga ako!" sigaw ni Blue kay PJ na hawak-hawak siya sa magkabilang balikat at nagpupumiglas.

Napahawak naman si Hunter sa pangang tinamaan ng kamao ni Blue.

"What's happening here?" tanong ni Stephanie na lumabas ng shop nang may narinig ma kaguluhan.

"Blue, calm the fuck down," sabi ni Thunder. Tinignan nito ng masama si Hunter. "Don't make a move, fucker," sabi nito sakanya.

"Calm the fuck down?" Blue asked Thunder. "Binuntis ng kapatid mo ang kapatid ko, anong gusto mo, kumalma ako? Gago ka ba?" bulyaw ni Blue kay Thunder.

Si Cupid naman ay hinawakan na din si Blue. Thunder's calmer, alam ni PJ at Cupid 'yon. At naiintindihan naman ng dalawa si Blue kaya mas minarapat nilang si Blue ang awatin.

"Heaven, just go inside. Kami na ang bahala dito," sabi ni PJ kay Stephanie habang hawak pa din si Blue. "Kayo din, Cyan, Rain," ani PJ na lumingon sa dalawang babae.

"No, I'll stay with Blue and--"

"Just fucking go inside, Cyan! Dadagdag ka pa, eh!" asik ni PJ dito.

Natigilan naman si Cyan. She wants to stay. Alam niya na kailangan niyang awatin si Blue pero alam niyang wala siyang magagawa sa ngayon.

"It's okay, Cyan, tara na muna..." hinila ni Rain papasok si Cyan sa loob ng shop.

"Bitawan niyo 'ko," sabi ni Blue kay PJ at Cupid.

"Kumalma ka nga muna, tangina ka. Wala pa naman, eh. Baka mali lang 'yung PT..." sabi ni Cupid dito.

"Blue, we'll talk about this. Just calm down and--"

"How can I fucking calm down, Thunder?" he asked him. "Binuntis ng gagong kapatid mo ang kapatid ko!" tinitigan nito ng masama si Hunter.

"I did not--"

"Just shut the fuck up, Hunter," sita ni Thunder sa kapatid ng tangkang magsalita ito. Kilala niya si Blue. He was the calmer in their group, pero napakahirap kapag si Blue ang nagagalit ng ganito.

If that was PJ, mananapak nalang si PJ para tapos na. Si Cupid naman, he'll just go away and come back again. Kung siya naman, iinom lang siya ng alak. Pero si Blue? Hindi titigil si Blue hangga't hindi nawawala ang galit nito.

"Why would I shut up? Kanina pa din 'yang kaibigan mo, eh," sagot ni Hunter. "I know it was my fault, but do you think kung hindi niya nilayo-layo si Zyline, magkakaganito ang sitwasyon?" tanong ni Hunter dito.

"Now, you're blaming me? Eh talagang gago ka palang hayop ka, eh!" pumiglas ito sa hawak ni PJ at Cupid at muling tumama ang kamao sa mukha ni Hunter.

Hunter fought back.

Hindi niya napigilan ang sariling itulak din si Blue at sapakin ito.

"Blue!" lumapit si PJ sa kaibigan para hilahin ito palayo.

"Tangina," lumapit si Thunder kay Hunter. "Tumigil ka nga!" hinawakan nito ang braso ni Hunter.

"Blue, pare, kumalma ka nga," sabi pa ni Cupid dito.

Tinignan ng masama ni Blue si Hunter.

"Sa tingin mo anong dahilan kung bakit hindi kita gusto sa kapatid ko, Hunter?" tanong ni Blue sakanya.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa binata.

"Because you are hopeless. Wala kang magandang maidudulot sa kapatid ko o sa kahit na sinong tao sa paligid mo!" sigaw nito.

"Blue, stop it," sabi ni Thunder dito.

"Wala kang ibang alam gawin kundi saktan ang mga tao sa paligid mo. At alam kong wala kang plano sa kaptid ko. Alam kong lolokohin mo lang si Zyline! Kasi wala kang kwentang tao!" sigaw pa rin ni Blue dito.

"Blue, that's enough!" sigaw ni Thunder dito.

Kumuyom ang kamao ni Hunter habang nakatingin kay Blue.

"PJ, ipasok niyo nalang muna si Blue sa loob," sabi ng kapatid niya sa mga kaibigan nito.

"Blue, let's go," hinihila ni PJ si Blue pero magpupumiglas pa rin ang binata.

"Tangina, ako sasapak sa'yo," sabi ni PJ na nakakunot na ang noo. Tinulungan na siya ni Cupid na hilahin ang kaibigan papasok sa loob ng shop.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Thunder sa kanya habang kunot na kunot ang noo.

"Huwag mo akong pakialaman!" asik niya dito.

"Hunter, ano ba talagang problema mo? May plano kang sirain lalo ang buhay mo?" Thunder asked him. "Look, Zyline's pregnant, anong plano mo?" his jaw tightened.

Mas nadedefine ang pagiging Dela Cruz nang dalawang binata habang nag-uusap. Almost same built, but still, different in their own way.

Nag-iwas ng tingin si Hunter bago hinawakan ang labing nagdurugo. Blue hit him hard.

"Anong plano mo?" tanong ulit ni Thunder sakanya. "Binuntis mo tapos wala kang balak gawin?" tanong nitong muli.

"Hunter, alam kong gago ka. Pero kung may batang damay dito, hindi mo pwedeng pairalin 'yang kagaguhan mo!" sigaw ni Thunder sakanya.

"What do you want me to do? Marry her? Mas palalalain mo lang ang sitwasyon kung ganoon ang gusto mong gawin ko!" bulyaw naman niya dito.

Ayaw niyang magpakasal.

Wala siyang plano.

Mali talagang nakipaglapit siya kay Zyline. Now, everything's so fucked up already.

"Eh anong plano mo?" sabi ni Thunder na pilit pinapakalma ang sarili. Alam niyang galit si Blue ngayon at kung sasabayan niya iyon dahil sa panununtok nito sa kapatid niya, baka masayang ang napakatagal na pagkakaibigan nilang dalawa.

Hindi siya sumagot.

Ano bang plano niya?

Gusto niya lang magkaayos sila ni Zyline.

Pero wala naman siyang planong magpakasal dito.

"Tangina ka, wala kang plano pero binuntis mo. Ako na sasapak sa'yong tarantado ka, eh," iiling-iling na sabi ni Thunder sa kapatid.

Tumingala ito at minasahe ang bridge ng ilong habang nag-iisip.

Now that he's settled already, kailangan niyang tulungan si Hunter. Kahit pa nga ayaw nitong tulungan pa niya ito.

He looked at him. "I'll talk to Blue and you should fix this mess, Hunter," seryosong saad niya.

Muli, hindi nagsalita si Hunter.

Napalingon silang dalawa nang lumabas si Zyline mula sa shop.

Tinignan ng masama ni Thunder si Hunter.

Nakatingin lang si Hunter kay Zyline.

"Can we talk?" tanong ng dalaga sa binata.

"Zyline, pumasok ka na muna sa loon at--"

"Sige," sabi ni Hunter na ikinatigil ni Thunder.

"Hunter," he warned his brother.

"I'll just talk to him, Thunder..." sabi ni Zyline sa lalaki.

Napapailing nalang na naglakad papasok ng shop si Thunder at iniwan ang dalawa sa labas.

"Hunter--"

"Not here, come on, follow me," naglakad si Hunter papunta sa sasakyan nito kaya naman sumunod nalang si Zyline.

Medyo nahihilo pa din siya pero kanina pa niya gustong lumabas para kausapin si Hunter. Lalo na noong sinabi ni Cyan na nagkakagulo na sila sa labas. Gusto niyang awatin ang kapatid at si Hunter dahil alam niyang gulo lang kung magsasalubong ang dalawa.

Nang pumasok si Blue sa loob ng shop, she saw how frustrated he was. Alam niyang galit ang kapatid niya. He was mad at her, pero alam ni Zyline na mas galit ito kay Hunter.

She wasn't feeling very well... pero pinilit niyang inalis sa isip niya ang posibilidad na buntis siya.

Hindi din siya handa! Hindi pa siya handa.

At kung hindi siya handa, ano pa si Hunter? Mas lalong hindi ito handa. At walang balak.

Wala sa loob na napahawak siya sa impis pang tiyan.

Base sa PT na sinubukan nila kanina, positive ang naging resulta. Pero may chances naman na mali ang PT, eh. Kaya kahit na maliit nalang ang chance, umaasa siyang hindi siya bunso.

Not because she doesn't like the idea of having a baby... but because she doesn't like the idea of him, hating the baby.

Alam niyang ayaw ni Hunter na magkaanak sa ngayon.

At paano ang bata kung ganitong nagkakagulo sila?

Kung may Tanya sa eksena?

Pinaandar ni Hunter ang sasakyan at hinayaan nalang ni Zyline ang binata habang mukhang seryoso itong nag-iisip.

Napalingon siya sa cellphone nitong nasa may dashboard ng sasakyan nang tumunog ito.

Tumatawag si Tanya kay Hunter.

Agad na nag-iwas ng tingin si Zyline nang makita niya ang paglingon ni Hunter sakanya. Kinuha nito ang cellphone at pinatay.

Hindi nagsalita si Hunter at hindi na din kumibo si Zyline.

Matapos ang halos tatlumpung minutong pagmamaneho ni Hunter, inihinto nito ang sasakyan at lumabas. Sumunod naman si Zyline dito.

"Hunter," tawag niya dito.

"Are you pregnant?" diretsong tanong ni Hunter kay Zyline.

It was a stupid question.

"Hindi pa naman sigurado at--"

"Tangina," he looked away.

Hindi naiwasan ni Zyline na masaktan. Inaasahan na niyang ayaw ni Hunter sa bata. Pero hindi naman ganito.

Hindi naman ganyan sana.

Kung may nabuo sila, silang dalawa ang may gusto nito. Hindi lang naman siya. Silang dalawa ang gumawa nito.

"Hindi pa naman sigurado," malamig ang boses na sabi ni Zyline. "Magpapacheck up ako bukas to make sure... hindi mo kailangan magmukhang sising-sisi ngayon," dagdag niya.

"Zyline..." naihilamos nalang ni Hunter ang palad sa mukha. "It's not like that," sabi nito.

"Eh ano pala?" sagot ng dalaga. "You're acting like you're so disgusted to know that I am pregnant! Bakit? Ako lang ba gumawa nito? Hindi naman, diba?" sumbat niya.

She hates this, too. She being so freaking emotional these past few days! Konting kibot lang madrama na siya. Moody siya. Lahat na!

"Iniisip mong kasalanan 'tong nangyari. Napakagago mo!" sigaw niya sa binata.

"Hindi iyon ang iniisip ko!" sagot ni Hunter. "I admit, hindi ako handa! Hindi ko pa balak maging tatay. Kasi ayokong mangdamay ng iba pa sa napakagulong mundo ko!"

"Hunter..."

"Nadamay ka na, diba? Ngayon gusto kong pagsisihang nilapitan kita. Gusto kong pagsisihang sinubukan ko!" malakas ang boses na sabi nito. "Gusto kong pagsisihan kasi, putangina Zyline, kitang-kita kong nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil sa akin," huminga ng malalim si Hunter.

"Hunter..."

"Ngayon, dinagdagan ko pa ang problema ko. Kaya oo, napakagago ko. Sobrang gago ko. Okay na?" he sarcastically asked him.

"Oo, gago ka! Napakagago mo kasi ang gulo-gulo mo! Napakagago mo kasi ayaw mong sabihin kung ano ba talagang gusto mo. Kung anong nararamdaman mo! Gago kasi nakipaglapit ka sa akin! Gago ka kasi hinalikan mo ako. Gago ka kasi kahit hindi ka aware, napasaya mo ako. Gago ka kasi pinakita mo sa akin na hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo pero pwede ka pa ding sumaya. Ang gago gago mo!" hindi napigilan ni Zyline ang mapaiyak. "Pero kahit napakagago mo, mas gaga siguro ako kasi hindi ko napigilan ang sarili kong magkagusto sa'yo. Hindi ko napigilang mahulog sa'yo..."

Hindi napigilan ni Hunter mapamura nang naglakad ito papalapit sa dalaga.

He cupped her face and looked at her eyes.

"You should stop liking me..." he whispered.

Parang mas lalong nadurog ang puso ni Zyline nang sabihin ni Hunter ang linyang iyon.

"But I can't stand the thought of you liking someone else..."

Napatingin siya sa mga mata ng binata.

"Gago nga talaga ako," bulong ni Hunter. "Stop crying... I'll be with you tomorrow. Sasamahan ko ang magiging ina ng mga anak ko. Just stop crying..."

Mas lalo namang napaiyak si Zyline nang yakapin siya ni Hunter ng mahigpit.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5K 309 44
Yuri Cabresa, isang simpleng single mom. But her life would soon take a sudden turn ng magkaroon ng sakit ang anak niya. She would've never imagine n...
2.1M 46.6K 22
Laide Consunji grew up always getting what she wanted. With just one word, she could have everything the world can offer. She had the perfect life ev...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4K 129 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...